Share

MY PAINFUL MEDICINE
MY PAINFUL MEDICINE
Author: AmiorGracia

CHAPTER 1

Author: AmiorGracia
last update Last Updated: 2024-10-29 19:42:56

ELIZABETH’S POV

“Omg! Finally, graduate na tayo ng senior high!” Sabay-sabay kaming tumili dahil sa sayang nararamdaman namin, hindi matawaran. We’ve worked hard for this. I kissed Jai’s and Tine’s cheeks. They are my best friends since grade seven. I am so glad to have found someone who I can be totally, completely myself around and know they will embrace me 100 percent. 

“I love you both! College na tayo!” sigaw naman ni Tine. 

We are here sa isang Beach and Hotel. Nag-rent ang mga parents namin para isahan na lang ang celebration naming tatlo, siyempre ayaw naming maghiwa-hiwalay lalo na sa mga ganitong occasions. 

It’s two am in the morning at nandito pa rin kami sa tabi ng dagat. We are like sisters. Hindi kami mapaghiwalay. It’s like kaaway ng isa, kaaway ng lahat. I don’t know what would be my life without them. And korni man pakinggan pero I will do anything and everything to make them happy, kahit ano pa ang mangyari and alam kong ganoon din sila sa akin. Napahigpit ako ng kapit sa bote ng Smirnoff ko. My heart is warmth just being with them. 

“I am gonna be an engineer, Tine is going to be a doctor and Jai will be a ─ wait, ano na nga ulit? Nakapag-decide ka na ba?” Napatingin ako kay Jai at napailing siya pero natatawa, hindi pa rin yata decided. These small moments and small talks are treasured. It’s worth it.

“What else girls? Business Management!” Oo nga pala, since undecided pa siya tinanggap niya na rin iyong alok ng parents niya. Although, ayos lang naman sa kanya at same school pa rin naman kami ng papasukan kaya no problem. 

Napapikit ako at ninanamnam ang simoy ng hangin. I smell the salt from throughout the ocean. Napatingin ako sa kanila nang mapansin kong nakatingin din sila sa akin habang nakataas ang mga kilay nila. 

“What? Spill!” Napatawa at napailing ako sa kalokohan nila. 

“Eh kayo ni Elias? Same school parin ba kayo sa college?” tanong ni Tine. Sabi ko na nga ba, about kay Elias itatanong nila kaya ganoon na lang sila makatingin. Napasimangot ako sa thought na hindi na kami parehas ng school na papasukan pero kalaunan ay napangiti rin ako dahil it just means that we’re up to bigger challenges and responsibilities in life.

“Nope, sa St. Mary Academy siya since doon lang ang may magandang standing ng Law na course. At saka okay lang naman sa akin, we already talked about it na and we’re fine with it.” 

Hindi naman ganoon kalayo at may sasakyan naman. Seriously, I am really fine with it. Malaki ang tiwala ko sa kanya ganoon din siya sa akin. Elias is my boyfriend since grade 10, yes, legal kami sa mga parents namin as long as alam namin mga limitations namin. Wala siya rito ngayon kasi may celebration sila sa bahay nila with his ate na kakagraduate lang din ng college, it’s a double celebration. Magkikita naman kami tomorrow. 

Tumango-tango silang dalawa sa sagot ko. 

“Sana all!” Napahagalpak ako ng tawa nang marinig ko silang sabay na nagsabi. Mga abnormal talaga. Binitawan ko muna yung smirnoff ko and hugged them. 

“I love you both. Thank you so much for everything,” sabi ko. Niyakap naman nila ako ng pabalik na naiiyak. Finding real friends isn’t easy. But sometimes you have to put in the effort and you will see who will make your life extraordinary. 

Hapon na at kakauwi namin dito sa bahay. We just took pictures and ate lunch together bago umalis sa beach. Kakahiga ko lang sa bed ko nang tumunog iyong phone ko. Dali-dali ko namang sinagot nang makita ko kung sino ang caller. 

“Hey, love?” Napakagat labi ako, pinipigilan kong ngumiti pero trinaydor lang ako ng sarili ko. 

“H-Hey!” Ano ba iyan?! Magda-dalawang taon na kami pero kinikilig pa rin ako hanggang ngayon. Is this even possible?

“Are you tired? You can rest muna, love. I can wait here sa sala niyo.” Wait, what? Nandito na siya? Napabangon ako bigla. 

“What? You’re here na? Kailan ka dumating? Halos kakaakyat ko lang ah.” Elias have been on my side besides my best friends. He’s always there to support me. He is always consistent. Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya.

“Okay, shower lang ako saglit. Wait lang!” sabi ko at pinatay na rin. Hay nako! Elias Salazar, you never fail to surprise me.

Nakapagpaalam na kami sa parents ko. May tiwala naman na sila kay Elias. He’s driving at wala akong idea kung saan kami pupunta. Palingon-lingon ako sa kanya. Bukod sa gwapo siya at matalino, mahal na mahal din niya family niya kaya sobrang effortless niyang mahalin at magustuhan. Actually, marami talagang nagkakagusto sa lalaking ito pero sorry sila, ako ang girlfriend. 

“Shaine Elizabeth Montoles Javier. What are you thinking again, love?” Napasimangot ako nang tawagin niya ako sa whole name ko. Alam ng buong school na kami for the couple’s name na Eli Couple, parehas kasi kaming Eli ang nickname. 

“Nothing. Saan ba tayo pupunta?” tanong ko ulit. 

Kanina pa kasi ako nagtatanong pero puro ngiti lang ang sagot sa akin. 

Familiar iyong daan so may idea na ako kung saan. Huminto kami sa isang restaurant na naging favorite place na namin simula noong sinubukan naming kumain dito. It’s not a fancy resto pero hindi naman siya ganoon kaliit. Sakto lang and the ambiance is good and welcoming. 

“Pasecret-secret ka pa ha!” singhal ko sa kanya sabay irap na nagpatawa sa kanya.

“Baby, hindi pa tapos ang araw. Just relax,” sabi niya. Pagkatapos ay kinindatan ako.

So mayroon pa kaming pupuntahan? Nagkibit-balikat na lang ako at pumasok na kami. Pagkapasok namin ay naamoy ko na iyong mga lutong ulam. Natakam tuloy ako, favorite kong orderin iyong adobong atay ng manok, siya naman sa bopis, it’s like karne ng baboy na durog-durog. At sakto nandito iyong matandang may-ari, si Nanay Lucia, tuwang-tuwa noong makita kami. Nakilala niya na rin kami kasi madalas na talaga kami rito at hindi na sila nagtatanong ng mga orders namin. 

“Buti naman at napadalaw ulit kayo mga anak. Congratulations sa inyo mga anak, sa wakas at graduate na kayo!” Nabanggit din kasi namin noong last na kain namin dito na ga-graduate na kami ng senior high school.  

“Oo nga po. Thank you po, Nanay!” We smiled at her, genuinely. Nanay Lucia is 51 years old already. Iyon lang ang alam namin tungkol sa kanya.

“Oh siya at maupo na kayo riyan, hintayin niyo na lang pagkain niyo ha? Enjoy kayo!” Napatango kami at umalis na rin siya para mag-asikaso ng ibang customers. 

After naming kumain, hindi ko na naman alam kung anong daan itong tinatahak namin. Dumaan pa kami kanina sa 7/11 para bumili ng pagkain. Hinahayaan ko lang siya at siya na nga raw bahala. He’s always like this, he loves surprises.

Even before he courted me, we were grade nine back then. There’s someone kasi na laging nagbibigay sa akin ng flowers, chocolates and letters since grade seven. Imagine that? We were so young! Hindi ko alam kung sino ang nagpapadala just the initial of letter E at noong grade 9 nagpakilala na siya sa akin, infront of the class! And before siya nagpaalam na manligaw sa akin nakapagpaalam na siya sa mga magulang ko. Since then, I knew that his intentions were pure kaya grade 10 sinagot ko na siya. 

Nagising ako nang maramdaman kong may humalik sa noo ko. 

“Hey!” Nakaidlip pala ako.

“Sorry.” I pouted. Nakaka-guilty naman. 

“Silly. It’s okay. We’re here na, baba na tayo.” Napalingon naman ako sa labas. Dali-dali akong bumaba sa kotse. Wow! Ang ganda! Makikita mula rito ang mga ilaw na nanggagaling sa mga buildings, houses and streets. Ang peaceful. May ganito pala sa lugar namin? 

“How did you know this place?” I asked him. Inaayos niya naman iyong blanket na uupuan namin. He’s prepared!

“It was two months ago. Sinamahan ko si Papa na pumunta sa isang lote na bibilhin niya malapit dito.” Napatango-tango ako at tumingin ulit sa view. City lights! I can live for these sights. 

“Come on, sit here. Do you like it?” Sumunod ako kahit hindi welcoming iyong pagkakasabi niya, ano ako? Aso? Hmp!

“Thank you, babe! Ang ganda. I love it! You are very well appreciated.” Medyo lumapit ako at hinalikan siya sa labi. Yes, we do kiss. Pero hanggang doon lang. Beyond that? Wala pa sa isip namin and he respects me so much.

Ginalaw niya ng bahagya iyong ibabang labi niya and I did the same. He smiled at me nang maghiwalay na mga labi namin. He kissed me again in my forehead. Namumula man, umayos na rin ako ng upo.

“Pikit ka love, may ibibigay pa ako.” Napakunot noo naman ako. Ano ba iyan? Wala man lang akong kadala-dalang kahit ano! Pumikit na lang din ako. 

“Pagbilang ko ng tatlo, dilat ka na, okay?” I nodded. Sumasakay sa kung anong balak niya.

“One, two, three!” Unti-unti akong nagdilat ng mata. Wow! Sa harapan ko, isang anklet, hawak-hawak niya sa isang red na box. Inabot niya sa akin. At napapaiyak na naman ako. Kainis naman kasi eh! Kinuha ko ito at tuluyan na ngang naiyak nang makita kong may naka-engraved na Love Eli. Tumawa siya nang makita niya akong umiiyak. He wiped my tears, gently. Niyakap niya ako. 

“Happy Anniversary Baby! I love you.” Napangiti ako at napapahikbi pa. Why am I too soft? Napaka-crybaby ko talaga kahit kailan!

“Kainis ka naman eh! Hindi pa naman kasi natin anniversary, next week pa iyon. Wala akong dala, love. Ang unfair!” Mas lalo akong naiiyak. Narinig ko na naman siyang tumawa. Why is he laughing? 

“Shh. Mayroon kang dala, ikaw mismo. You are a gift from above, love. You complete me…ikaw lang ang gusto ko. I love you, so d*mn much.” I hugged him tighter. 

“I love you more. I love you most. I love you!” And we kissed under the moon and the stars. 

Pinaalam ako ni Elias kila Daddy para sa second anniversary namin. Siyempre pumayag sila kasi kasama rin mga kaibigan ni Elias at mga kaibigan ko. It's a three-day trip. Sa Blue Lagoon kami pupunta. Magca-camp kami doon. Excited na ako! Actually pangarap talaga naming makakaibigan ito kaso lang hindi pa kami pinapayagang lumabas na kaming tatlo lang.

Dalawang Van ang gamit namin since marami kaming mga dalang gamit. Si Elias ang nagda-drive for girls tapos sa isang sasakyan naman ay mga kaibigan ni Elias and ibang gamit. Katabi ko si Elias, sa dahil hindi talaga kami mapaghiwalay. I'm wearing Black leggings and simpleng white na v-neck shirt lang tapos naka rubber shoes na black din. Elias is wearing a simple short and white shirt also. Ewan ko ba riyan, hindi naman kami nag-usap eh. Kaya kami natutukso na naman kanina at nakacouple shirt daw kami. 

"Baby, you okay?” Napatingin ako sa kanya bigla. Sumulyap siya sa akin saglit at binalik din ulit ang tingin sa daan.

"Of course!" I smiled. Bakit sana hindi? Masyado na siyang maraming ginawa at ginagawa sa relasyong 'to. Elias is not perfect but he always makes everything perfect.

"Are you sure? Gutom ka ba? Do you want music?" tanong niya ulit. Napatawa ako. He pays attention talaga sa lahat ng reactions ko. 

"Yes love, I am 101% sure. Pero okay iyong mag-music tayo." Binigay niya phone niya sa akin, kasi nasa likod iyong bag ko. Napasimangot ako sa lockscreen niya. Pero kinikilig pa rin. I laughed silently. 

"Hey! Ang pangit ko rito!" sabi ko. Kunwaring naiinis pero ang totoo pinipigilan ko lang ngumiti. Narinig ko siyang tumawa. Sh*t, ang sexy! Napahinto ako at napatitig sa kanya. Shaine Elizabeth! Ano iyang iniisip mo? Namula ako sa sariling pagiisip. Buti na lang talaga at nagmamaneho siya. Seriously? Kinikilig ka pa rin? Sayo iyan. Sayong-sayo!

"Of course not. You are always beautiful. Cute nga eh," sabi niya ng natatawa. Hindi ko alam kung seryoso siya or nang-aasar lang. I just rolled my eyes and opened his phone. I connect sa Bluetooth. May fave song. Ikaw at ako ni Moira Dela Torre. 

Related chapters

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 2

    ELIZABETH’S POV I remember noong 18th birthday ko, after ng debut party ko. Elias invited me sa likod ng bahay naming and surprisingly may nakahandang table for two people tapos may mga pagkain. Napaiyak na naman ako noon kasi he is just too much. His ways are always too much. Lagi akong overwhelmed at speechless. Hindi ko alam kung anong ginawa ko sa past life ko at isang Elias ang binigay Niya sa akin. Swerte and blessed in beyond. We ate. We talked. Tapos kinantahan niya ako ng Ikaw at Ako. That was the story kung paano ko naging favorite ang kantang ito. Nagising ako dahil sa pagyugyog sa balikat ko. Inirapan ko si Jai. "What? Nandito na tayo girl! Aba't napasarap yata ang tulog mo," sabi niya na natatawa. Wala na rin si Elias sa loob ng Van. Pero sumilip si Elias kaya napa-ayos na rin ako ng upo at bumaba. Inalalayan niya ako. Sweet! Hawak nila mga gamit namin. Since camping ito sa te

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 3

    ELIZABETH’S POV We happily ate dinner that night. Daddy was so happy, sobra niyang alagaan at sobrang alalay siya kay Mommy. Pinagsabihan niya pa si Mommy na ang dami niyang ginawa sa araw na iyon at baka napagod siya at ng baby. My Dad is so damn corny rin pala! Pero kidding aside, nakakatuwa silang tignan. They are the epitome of true love. You can still see the love in their eyes. I'm so blessed that I have them and that they are my parents. After a week, my parents decided to make a leave from their work to celebrate. They planned to go to Palawan. Pero sabi ko sila na lang para ma-enjoy nila muna ang isa'-isa, though lagi naman silang happy together. Siyempre, hindi na ulit sila makakagala kapag mayroon na si baby. So I decided na magpa-iwan na lang, may mga kaibigan naman ako and Elias. Nandito kami sa mall ngayon at kasama ko sina Jai at Tine. I called them a while ago para mag-overnight sa bahay and w

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 4

    ELIZABETH’S POVMedyo napatalon ako sa gulat nang mag-ring iyong phone ko. Napapikit ako, memories are still haunting me. It still feels like yesterday. Everything is still very clear. Umiling-iling ako. I picked my phone and answered the call."How are you, Eliza? You are not replying to my messages. You’re still a brat!" Kuya Mike said, my cousin. He is Tita Leah’s son, kapatid ni Mommy. He's the only person that I can talk without any pretentions, besides my manager. Well, I am not pretending though."Kuya! I am here already. I'm nervous. It's normal, right? I mean, I'm good already and it's been six f*cking years. I should… be okay."I don't know kung sa kanya ko ba sinasabi or para iyon sa sarili ko. Bulls! It’s like I just want to back off or get sick all of a sudden. I am very nervous. I haven’t seen them for six years, what if bumalik lahat? La

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 5

    ELIZABETH’S POVFlashbacks.“Good morning, princess! Time to wake up. You’ll have a long day ahead.” I groaned when I heard my Mom’s voice. Suddenly, I felt something warm in my forehead.“Come on, princess. Today is your first day!” She tries to shake my shoulder.“Yes, Mommy! I’m awake na po,” sabi ko habang nagtatanggal ng muta sa mata.Nakita ko siyang inaayos iyong kurtina sa kwarto ko. Lagi niyang ginagawa iyan, she’s my human alarm. She knows everything about me. She’s aware of everything that’s happening to me. I can live with these mornings forever. Kahit may trabaho siya, she still makes sure na naasikaso niya ako. My Mom was never busy especially for her family.“Mom? I love you.” Napatingin siya sa akin at lumapit sabay yakap ng mahigpit. Medyo halata na itong ba

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 6

    ELIZABETH’S POVLumabas ako sa room ni Jai dahil biglang tumawag ang manager ko na si Yna, she was four-year older than me. I met her at the bar in the US six years ago. And yes, she is Pinay. She was with me eversince I started show business.“Shaine Eliza! You have been there for a few hours but I’ve been blown away by texts and calls. Nag-open ka na ba ng mga social medias mo? I mean, may balita ka na ba sa mga social media accounts mo?” tanong niya. Kalmado pa siya sa lagay na iyan. Napakagat labi ako. I’m sure someone leak a news or information about me. That’s not surprising at all.“Kung hindi pa, okay lang. I was just asking, anyways, you are all over the news and as of now ang daming T.V shows ang gusto kang i-invite. So, what do you think?” sabi niya. Napakunot noo ako. Wow! Hindi siya galit or something? My manager is weird! In normal days, she’d be in

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 7

    ELIZABETH’S POVI woke up too early today because I have lots of guesting this week. I tend to wake up early if I have plans like travels or work. I don’t want to be late, I never got late, anyway.Kinuha ko ang cellphone ko na nakapatong sa bedside table ko. I sent a voice message to my Dad.“Good morning, Daddy! How are you? Are you doing good? Ako? I am doing good naman po. Actually, marami akong trabaho ngayon kaya sorry kung madalang mo na marinig ‘tong magandang boses ko.” Huminto ako saglit para huminga nang malalim.“I miss you, Dad. I will see you soon. I love you.” Pinasigla ko ang boses ko. Napatulala ako sa kisame saglit pero bumangon na rin naman at nagtungo sa kitchen.I am preparing Eggs, Avocado and Spinach for my breakfast. And for my drinks, I always like to have a glass of water with a shot of apple cider vinegar in

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 8

    ELIZABETH’S POVKinabukasan ay mas maaga akong nagising kaysa kahapon para mag-work out at maghanda ng breakfast ko. I woke up earlier than my alarm. I don’t wanna be late, that’s always been my rule.This time, my breakfast is Grapefruit with a sprinkle of cinnamon and of course, a glass of water with a shot of apple cider vinegar.Silly Eliza, sino pa sana ang ibang gagawa ng mga ito bukod sa iyo? Wala namang problema doon, sanay na akong mag-isa at sanay na akong pinagsisilbihan ang sarili ko. Nasanay na rin ang katawan ko sa araw-araw na trabaho. Noong mga bago lang ako ay lagi akong nagkakasakit kaya lagi din akong na-re-reject or lagi akong absent, hindi nakaka-attend kasi hindi ko kayang alagaan ang sarili ko. But overtime, natuto rin naman. Well, I had no choice.I already sent a voice message na rin kay Daddy. I hope he’s getting better.

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 9

    ELIZABETH’S POVFlashbacks“Grabe! Ang cute ng kapatid mo, Eli! Shaina Elizabeth!” Tawag ni Jai sa pangalan ng kapatid ko na nanggigigil pa. Pilit ko namang nilalayo ang kapatid ko sa kanya bilang pang-asar. Humagikgik ang kapatid ko. “Of course! Cute rin kasi ang kanyang ate Elizabeth, right baby?” tanong ko sa kapatid ko na walang kaalam-alam sa nangyayari. Napahagikgik naman ito ng napaka-cute.Nandito ang mga friends ko sa bahay dahil first birthday ni Shaina Elizabeth ngayon at dahil four days from now ay birthday ko na rin, pinag-isa na nila Daddy at Mommy iyong celebration. It’s perfect she was born on February 14 tapos ako sa 18, my parents calculated it very well. She became our happy pill and rest. “Oh, siya-siya! That

Latest chapter

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 16 [PART 2]

    ELIZABETH’S POV“Naka-prepare ka na ba? Omg! I am so excited!” I rolled my eyes as I unwillingly packed the things needed. Why do I have to come ba kasi? They can still go and enjoy their trek without me naman ‘di ba?“I am not excited, Jai. You forced me, remember?” I heard her laugh. I put my Ipad down para ayusin ‘yong mga binili namin kahapon. She even dragged me na bumili at pumuntang mall! I can’t even decide for myself na.Hinayaan ko lang na panoorin niya akong mag-empake, we’re just having a video call while I am packing my things. She just wants to be sure na pupunta talaga ako. As if I have a choice. Pati manager ko, pinagtutulakan akong sumama.“Don’t foget your compass and medications, okay?” Paulit-ulit. Kanina pa niya ‘yan sinasabi. “Sunduin ka namin bukas nang maaga,” dagdag pa n

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 16 [PART 1]

    ELIZABETH’S POV“And again, Ms. Eliza Javier!” Iyon na ang huling sinabi ng male host na inattendan ko sa araw na ito. Nagpalakpakan at nagtilian ang mga taong nandito sa loob ng studio. Ngumiti ako sa kanila at kumaway nang kumaway hanggang sa makapasok na ako sa backstage.Nagmadali ako agad na nagpaalam sa mga staffs sa loob at dumiretso na kami sa parking lot, may meeting pa kami ngayon sa Runway Building. Palapit na kasi nang palapit kaya todo ang preparation na ginagawa namin, we don’t want to disappoint the people and visitors na pupunta. That is why I am also giving my best to make it successful.Napapikit ako at napasandal sa may upuan dito sa Van dahil naging tuloy-tuloy ang mga schedule ko pagakatapos kong mawala ng isang araw. Ganito na naman ang naging routine ko sa loob ng ilang araw. I would drain myself at work para pag-uwi ay mag-re-rest na lang ang iisipin

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 15 [PART 2]

    ELIZABETH’S POVMakalipas ang ilang sandali ay kumalma na rin si Daddy. Habang yakap-yakap ko siya ay hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng aking mga luha. Sumabay pa iyong napanaginipan ko kanina. Akala ko totoo na.I have never thought that we would reach this point. Mas lumakas ang hagulgol ko nang maalala ang mga memories dito sa aming bahay. Hindi ko na mapigilan ang bugso ng aking damdamin. This house was my comfort but now I am feeling so anxious going here.It’s familiar but strange.Kailangan na kailangan ko ng isang magulang ngayon. I hugged him tightly.Sana hindi na lang ako nagising kanina.Oh God! I miss them so much!Nilayo ko ang katawan ko kay Daddy at nagpunas na ng luha. Nakalimutan ko na hindi lang pala kami ang tao dito sa loob ng kwarto.I can&rsq

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 15

    ELIZABETH’S POVNapalingon ako sa bedside table ko nang tumunog ulit iyong phone ko. Hindi nagtagal ang tingin ko rito at hinayaan lang na tumunog. Ibinalik ko ang tingin ko sa kisame ng aking kwarto. Hindi ko alam kung anong oras na basta ang alam ko lang ay hindi pa ako natutulog.Nakahiga lang ako pero pakiramdam ko ay pagod na pagod ako, pakiramdam ko ay galing ako sa mahabang takbuhan at sobrang pagod na pagod ako.It feels like I am chasing some thoughts within my mind.Inabot ko iyong phone ko nang tumigil ito. Pinatay ko ito at itinaob sa kama ko.Plano kong puntahan si Daddy ngayon pero pakiramdam ko ay hindi ko kayang bumangon at wala akong ganang kumilos.I am supposed to be busy today but I cleared my schedule because I am too occupied.Ilang taon na pero feeling ko I am still stucked here, where they left me.&nb

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 14

    ELIZABETH’S POV“Okay, that’s very good! You are all doing a good job! Chin up, walk… and turn around,” utos ko sa mga kasama kong model sa Runway. Sinunod naman nila ang mga sinabi ko. Nakikita ko rin kung gaano nila kagusto itong ginagawa nila at kung ganno nila ibigay ang lahat nang makakaya nila.We’ve been doing this for almost a week now. We need a prepared runway and my agency trusted me here so I am really doing my best to make it successful. Madaming magagaling at marurunong na kaso they wanted me to lead them. At sino ba naman ako para tanggihan sila, hindi ba? I can see my younger self from them. And also, I am happy to share my knowledge about modeling.“Pag-aralan kung kailan magiging fierce ang expression and when to smile,” dagdag ko pa na ikinalingon ng iba sa pwesto ko.“Huwag kayong madi-distract! You don’t have to look at

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 13

    ELIZABETH’S POVHilong-hilo ako patungo sa trabaho ko. Hindi ko pinapahalata kay Yna dahil sisigawan na naman ako niyan panigurado and I can’t bear with her muna. Hindi na naman kasi ako nakatulog kagabi and I don’t know why! Baka kasi managinip na naman ako. Siguro dahil nakatulog din ako noong kakauwi ko sa condo after ng shopping namin ni Jai.Papunta kami ngayon sa Runway Building para magpasukat, iyong gagamitin ko for runway, almost three months from now.Mabuti naman para matapos na at makabalik na rin ako sa US.Nasa loob pa lang kami ng Van. But anyway, professional naman na ako sa pagtatago ng eyebags dahil tatakpan ko lang naman iyan ng make up at isa pa, professional din ako sa pagtatago ng nararamdaman ko.Bumaba kami sa sasakyan at inayos ang suot kong dress. Naglakad na kami patungo sa lobby ng Runway building.

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 12

    ELIZABETH’S POVPauwi na kami ni Jai at madilim na rin sa labas. Tahimik lang kami, walang umiimik. Alam kong madami siyang gustong itanong sa akin. And feeling ko rin ay hinihintay niya na ako ang magsabi, pero noon pa naman ay ganyan na siya. Rerespetuhin niya ang pagiging tahimik mo at hihintayin kang magsabi or mag-open up. Pero ipaparamdam niya sa iyo na hindi ka mag-isa at na nandyan lang siya.“We are here!” Nilingon niya ako and she smiled widely. Wala na iyong pagkakunot ng noo niya kanina. Hindi ko namalayan kaya napalingon ako sa labas, wala yata ako sa sarili na naman. I feel like, I am always spacing out!Tinignan ko siya ulit at ngumiti rin pabalik. Nauna na siyang bumaba. Bumuntong hininga ako bago sumunod sa kanya. Kinuha ko ang mga paper bags na pinamili ko sa likod ng kotse niya. Hindi naman marami itong mga binili ko kaya I can carry pa naman lahat.

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 11

    ELIZABETH’S POVI checked the time pagkatapos kong mag-ayos ng get up ko ngayong araw. Jai invited me to go shopping, pinagbigyan ko na kasi ilang beses ko na siyang natatanggihan. Hindi ko pa sinasabi sa kanya na sasama ako at wala rin sana akong balak kasi public iyon pero guess what? Nandito na ako sa labas ng bahay niya, I didn’t even tell her that I was coming. I was about to press the doorbell when she suddenly went out through their house, holding her bag and phone.Nakita ko pa kung paano lumaki ang kanyang mga mata sa gulat na nasa harapan niya ako. Hindi siya makapaniwala! She blinked her eyes, eyeing me from my bottom to top.“I thought you are not coming?!” Bungad niya sa akin.“Muntik na kitang hindi makilala! I was about to call you na okay lang at naiintindihan ko kasi ‘di ba galing ka sa photoshoot sa Bicol?” Tuloy pa ni

  • MY PAINFUL MEDICINE   CHAPTER 10

    ELIZABETH’S POV “Ang aga mo namang nagising?” Napalingon ako kay Yna na nakasandal sa pintuan ng mini gym dito sa condo ko, habang pupungas-pungas pa siya. Hingal na hingal ko namang hininto ang pagja-jumping rope. Kailangan ko lang bawiin iyong alcohol na ininom ko kagabi. Pasimunong manager! Naglakad ako papunta sa naksabit kong towel at nagpunas ng pawis. “Kailangan ko, kasi iyong manager ko lasinggera na nga mandadamay pa,” parinig ko sa kanya. Narinig ko siyang tumawa. Naglakad ako patungo sa room ko. “What do you want for breakfast?!” sigaw ni Yna. “I’m done. Don’t bother!” At sinarado ko na ang pinto ko. Naghubad ako at pumunta sa shower. Maaga akong nagising? Honestly, I didn’t sleep. I was awake the whole night. I was so bothered kasi last time na nakaranas ako ng ganito ay noong mga unang buwan at taon k

DMCA.com Protection Status