"Isa palang amasona ang iyong sister-in-law, Devon." Namamanghang sabi ni Kristoff na nakakita ng buong eksena. Pati si Joseph, nagulat din at sumulyap kay Devon na nanatili lang sa kanyang kinauupuan na nanonood sa nangyayari. Sa sandaling tumama ang bote sa noo ng lalaking nangangalang Mr. Tiger, napasigaw ang lahat na makitang natumba ito sa sahig. Sinubukan nitong tumayo pero nahihilo siya kaya tinulungan siya ng iba niyang kasamahan. Galit naman na sumugod ang kapatid ng lalaki na si Jappeth sa direksyon ni Roxanne pero napahinto siya ng tutukan siya nito ng basag na bote."Sige! Lumapit ka!" Dahan dahan na umatras si Roxanne at lalabas sana sa pintuan ngunit may humarang na ibang lalaki na may malalaking pangangatawan. "Gusto mong turuan kita ng leksyon?!" Banta sa kanya ni Jappeth na sinenyasan ang mga bouncer na hawakan siya. Mabilis na hinawakan si Roxanne ng mga bouncer sa magkabila niyang braso at inagaw din ang basag na bote sa kanyang kamay. Nilapitan na siya ni Japp
Muling nagising si Roxanne na nakita ang maliwanag na kisame na nakakasilaw sa mata, napakurap siya at tumingin sa kanyang paligid. Natagpuan niya ang mukha ni Devon na hindi maipinta ang mukha, nangingitim na ang ilalim ng kanyang mga mata at magulo rin ang buhok. "Kamusta ka??" Narinig niya ang mahinahon nitong boses. Naramdaman ni Roxanne na mayroong masakit sa kanyang katawan at naalala niya ang nangyari noong nakaraang gabi na pinagsasaksak ng isang lalaki si Devon."Gaano na ako katagal nawalan ng malay??" "Dalawang araw." Seryosong sagot ni Devon. Kumunot ang noo ni Roxanne, ganoon na pala siya katagal nawalan ng malay. Mayroon siyang natamong malalim na sugat na tumama sa kanyang kaliwang kidney kaya ito nagdurugo at muntikan na siyang hindi makaligtas kung hindi siya kaagad naisugod sa hospital. Halos mabaliw naman si Devon sa mga oras na 'yon na dinala siya sa operating room at hinintay siya ng isang oras na para sa kanya ay parang isang taon na. "Nahuli na ba 'yung ta
"Bakit ayaw mong maniwala?? Sinabi ko ng hindi ko siya magugustuhan." Itinanggal ni Roxanne ang mga kamay niyang nakahawak sa kanyang baba. "Sinungaling!" Padabog na tumayo si Jameson pero hinila ni Roxanne ang laylayan ng kanyang damit. "Please! Huwag mong idamay si papa. Nagmamakaawa ako sayo, ituloy mo ang transplant." Pagmamakaawa ni Roxanne. Mabilis na nanlambot ang puso ni Jameson, ngayon lang ulit ito nagmakaawa sa kanya. Bago siya umalis, nilingon niya muna ang asawa at naghabilin ng salita. "Ito ang huling pagkakataon na ibibigay ko sayo. Huwag mo ng sayangin." Paglabas niya ng ward, nadaanan niya si Devon na nasa dulo ng pasilyo na nakatayo. "Bakit ka pa nandirito?" "Gusto kong sabihin sayo na ako mismo ang nagkagusto sa asawa mo pero wala siyang nararamdaman pa sa akin. Kung sakaling meron man, I will make you lose everything you have now." Deretsahang sabi ni Devon na nakapamulsa. "Nakakaantig naman. Natuluyan ka nalang sana noong gabing iyon matutuwa siguro ako nga
Nakahiga ngayon sa malambot na kama si Roxanne habang naghihintay sa kanyang asawang si Jameson na naliligo pa sa banyo. "Magugustuhan niya kaya ito?" Nakasuot siya ng isang sexy outfit para akitin ang asawa na makipagtalik. Sa kanyang paghihintay, narinig niya ang pagtunog ng phone ni Jameson sa mesa kaya kinuha niya ito. Binuksan niya ang messaging app at nanlaki ang kanyang mga mata sa mensaheng nakita. [Come here, daddy. Treat me like your one and only whore.] Kasama ng mensahe ay malaswang litrato ng babae. Namumukhaan niya naman na ito ay ang sekretarya ng kanyang asawa. Si Savannah Gomez. Nagulat naman si Roxanne nang maramdaman ang biglang pagyakap ni Jameson mula sa likuran at nakikiliti siya sa pagkagat nito sa kanyang taenga. "Come on, honey. Hindi na ako makapag-hintay na magka-anak tayo." Bulong nito at patuloy siyang hinahalikan pababa sa kaniyang leeg. Hindi magawa ni Roxanne na umiwas dahil bigla siya nitong binuhat pabalik sa kama. "Wow. Ang sexy ng
Dumaan ang kalahating oras, nalunod na sa kalasingan si Roxanne at pinalibutan siya ng mga lalaking pinipilit siyang isama pero mabuting bumalik si Grace na na-busy saglit sa counter. "Excuse me! Magsi-alis nga kayo!" Itinaboy niya ang mga lalaki. "Besh? Baka gusto mo ng umuwi. Ihahatid na kita." Umiiling si Roxanne at umakbay sa kaibigan, "Ayaw kong umuwi doon. Baka mandilim ang paningin ko 'pag nakita ang pagmumukha ni Jameson." Kahit lasing na ay hindi pa rin maalis sa isipan ang nakita niyang kababuyan ng asawa. "Oo nga naman. Baka mabalitaan kong nakakulong ka na bukas. Hay nako! Ako na nga bahala sayo." Iniwan muna ni Grace ang trabaho para tulungan ang wasak na kaibigan dahil noong mga panahong siya rin ang sawi ay sinamahan siya ni Roxanne. Nag-book siya ng ticket sa isang five star hotel na ilang kanto lang ang layo. Idinala niya doon ang lasing na babae na nagsusuka sa loob ng kanyang sasakyan. "Kadiri naman to!" Reklamo ni Grace. Nang maibaba niya ito doon
Pagsapit ng alas sais ng umaga, naisipan ni Roxanne na bumalik sa mansyon kahit hindi niya gustong makita ang asawa. Tinatawagan din siya nito pero hindi niya sinasagot dahil baka makabitaw siya ng masasamang salita. Naglalakad siya papalabas ng hotel pero bigla siyang napatago sa pader nang makita si Devon na naglalakad papalabas din at patungo ito sa parking lot para kunin ang sasakyan. "Jusko. Muntik na talaga 'yun." Usal niya, hindi pa rin makalimot sa kabaliwang nangyari kagabi. Sumakay si Roxanne ng taxi na nakaparada sa labas at nagpahatid pabalik sa Orange Groove village. Nag-ring ulit ang kanyang phone dahil sa katatawag ng asawa pero pinatayan niya ito pero sinagot niya ang tawag na nagmumula kay Grace. "Kamusta besh? Umuwi ka na ba sa asawa mo. Este sa soon to be ex-husband mo?" Tanong ni Grace. "No choice, besh. Uuwi ako sa ngayon pero aalis din ako doon kapag hiwalay na kami. Tsaka nga pala, may nakakaloka akong ikukuwento sayo next time. Tungkol sa kapatid n
"Bitawan mo ako!" Nasasakal si Roxanne na pinipilit ng kanyang asawa na makipagtalik. Tinanggal ni Jameson ang tapis niyang tuwalya at nang makita ang kanyang mga dibdib ay pinaghihimas niya ito. Sumagi ulit sa isipan ni Roxanne ang eksena ng kanyang asawa na nakikipagtalik sa sekretarya. Naluluha na siyang tinutulak ito ng malakas. "Jameson! Tumigil ka na!" Hinawakan din ni Jameson ang kanyang pagkababae ngunit wala siyang maramdamang sensasyon at ibang-iba ito sa ginawa ni Devon na marahan itong pinaglalaruan, na parang dinala siya kaulapan. "Jameson, tama na sabi!" Naiiyak niyang banggit sa pangalan ng asawa na ayaw tumigil. Gigil na gigil itong bumawi pero kahit anong gawin niya ay nandidiri si Roxanne dahil sa pagtikim nito sa ibang putahe. Nanigas si Roxanne na pinatungan ng desperadong asawa na sinusubukang ibalik ang init ng kanilang pagmamahalan. Ngunit sa mga oras na ito, nakita ni Jameson ang takot sa mga mata niya at alam niyang hindi siya nito madaling mapata
Matapos makapaghanda ni Roxanne, bumaba na siya ng hagdan at nasa ibaba si Jameson na naghihintay. Tiningnan naman siya nito mula ulo hanggang paa. Simple lamang ang suot niyang pulang dress ngunit ang elegante ng kanyang hitsura. Inalalayan din siya ng asawa na binuksan ang pintuan sa front seat. "I'm very sorry, hon. Hindi kita gustong saktan pero ayaw kong mawala ka sa tabi ko, kaya please, huwag kang aalis." Paumanhin ni Jameson at kinuha ang palad niya para halikan pero kaagad binawi ni Roxanne ang kamay. Nanahimik lang si Roxanne at magtitiis muna dahil hindi pa siya makakatakas sa ngayon. Naghihintay din siya ng update kay Grace na tinutulungan siyang maghanap ng maari niyang pasukang trabaho sa Japan. Sa gitna ng pagmamaneho ni Jameson, napansin niyang nakatutok si Roxanne sa phone na parang may ibang kausap kaya bigla niya itong hinablot. "Ano ba!" Nagulat siya at sinubukan itong kunin. Nabasa ni Jameson ang mga text ni Roxanne sa kaibigan, "Balak mong mag-japan