"Bakit ayaw mong maniwala?? Sinabi ko ng hindi ko siya magugustuhan." Itinanggal ni Roxanne ang mga kamay niyang nakahawak sa kanyang baba. "Sinungaling!" Padabog na tumayo si Jameson pero hinila ni Roxanne ang laylayan ng kanyang damit. "Please! Huwag mong idamay si papa. Nagmamakaawa ako sayo, ituloy mo ang transplant." Pagmamakaawa ni Roxanne. Mabilis na nanlambot ang puso ni Jameson, ngayon lang ulit ito nagmakaawa sa kanya. Bago siya umalis, nilingon niya muna ang asawa at naghabilin ng salita. "Ito ang huling pagkakataon na ibibigay ko sayo. Huwag mo ng sayangin." Paglabas niya ng ward, nadaanan niya si Devon na nasa dulo ng pasilyo na nakatayo. "Bakit ka pa nandirito?" "Gusto kong sabihin sayo na ako mismo ang nagkagusto sa asawa mo pero wala siyang nararamdaman pa sa akin. Kung sakaling meron man, I will make you lose everything you have now." Deretsahang sabi ni Devon na nakapamulsa. "Nakakaantig naman. Natuluyan ka nalang sana noong gabing iyon matutuwa siguro ako nga
Saglit na natulala si Roxanne, inaamin niya sa sarili na nawalan na siya ng pagmamahal kay Jameson pero nandoroon pa rin ang sakit sa dibdib niya sa tuwing naaalala ang pagtataksil nito. "Wala akong pakialam kung anong gagawin ninyo ni Savannah sa bata basta labas na ako sa gusot ninyong dalawa." Seryosong sabi ni Roxanne. Wala talaga siyang pakialam sa gagawin nila, hinding-hindi siya magkaka-interes sa buhay ng taong tinarantado siya. Napabuntong-hininga nalang si Jameson na itinanggal ang kanyang necktie. Inisip niya namang wala sigurong alam si Roxanne sa nangyari kay Savannah dahil nga wala itong malay sa loob ng dalawang araw. "Sige, aalis na ako. Magpagaling ka, babalik ako bukas at mag-iiwan ako ng guwardiya para bantayan ka sa labas. Tawagan mo lang din ako kung may problema." Paalam niya at hinalikan si Roxanne sa ulo. Walang imik si Roxanne na naghihintay na makalabas na siya sa kwarto. Pagkalabas ni Jameson, kaagad siyang nagmaneho papunta sa tinutuluyan n
Kung mag-isa sana si Roxanne sa kwarto, paniguradong magwawala na siya dahil sa kilig pero nandyan si lalaki kaya dapat behave lang. "Ahh...p-pero ibig ko kasing sabihin, huwag ka ng mag-aksaya ng oras para sa akin, unahin mo naman ang sarili mo." Paliwanag ni Roxanne. Biglang ngumisi si Devon, pansin niyang namumula ang pisnge nito at hindi makatingin sa kanya ng deretso. "Mahirap bang aminin na gusto mo ako?" Nakangisi niya pang tanong. Mas lalong kinabahan si Roxanne sa kanyang paglapit, kumakalabog na rin ang puso niya at napakapit siya sa bedsheet. "Ano ka ba, Devon! Bakit ba ako magkakagusto sayo, eh brother-in-law kita. Tsaka hello? Kasal pa ako kay Jameson." "Well, I don't care kahit kasal ka sa lokong 'yun pero wala namang mali kung magkagusto ka sa akin." Panunukso pa ni Devon. Napailing si Roxanne. "Devon, hindi nga kita gusto. Hindi ba iyon malinaw sayo? Baka bingi ka na, kailangan mo ng maglinis ng taenga." Natatawa lang si Devon sa pagka-defensive
Gabi na pero bumalik si Devon sa kanyang opisina para tapusin ang ibang papeles na kinakailangang pirmahan. Pagpasok niya, nakita niyang nandoon pa si Secretary Kenneth na nagliligpit ng mga gamit. "Boss, na prepare ko na ang mga document na kailangan mong pirmahan bukas." Sabi nito. "Okay, pipirmahan ko na ang mga 'yan ngayon." Tugon ni Devon at naupo sa kanyang upuan. Akma na sanang aalis si Kenneth pero tinawag siya ulit ni Devon. Medyo kinabahan si Kenneth dahil baka may ipapagawa na naman itong mahirap na bagay. Ginawa na kasi siya nitong detective ngayon para alamin ang mga ginagawang pag-iimbestiga ni Roxanne. "May itatanong lang sana ako, hindi ito tungkol sa trabaho." Pagkaklaro ni Devon, pansin niyang kinakabahan ito. "Sure, boss!" Ngumisi si Kenneth at naupo ulit. Nagdadalawang-isip si Devon na sabihin ang kanyang katanungan dahil alam niyang mapapaisip ang sekretarya. "Umm, t-tingin mo ba, magmamahal ulit ang isang babaeng nasawi sa una niyang pag-ibi
Tumigil si Roxanne sa pagsubo. "Hmm? B-bakit naman ako magagalit? M-may ginawa ka na naman ba?" Nagbigay siya ng isang pekeng ngiti na alam niyang ikakainis nito. " "You know what I'm talking about. Hindi kita masyadong nasamahan noong nakaraan dahil sobrang na-busy ako kaka-handle ng mga terminated projects sa company." Paliwanag ni Jameson. Nagkibit-balikat lang si Roxanne na walang pakialam sa kanyang mga sinasabi. "It's okay, you don't have to explain. Naiintindihan ko ang sitwasyon." Aniya. Bumalik siya sa pagkain at ganoon na rin si Jameson, sumusulyap naman si Roxanne sa asawa na kita niyang nangingitim ang ilalim ng mga mata. Nawala na rin sa mga paningin ni Roxanne ang dati nitong karisma, napalitan na ito ngayon ng pagkainis. Pagkatapos ng hapunan, nagpaalam si Roxanne na pupunta lang siya sa police station para bisitahin si Elaine. Wala namang sinabi si Jameson na pinayagan siyang umalis. Sa kasalukuyan, wala pang verdict ang kaso ni Elaine na pangingidnap kay Roxan
Wala sa mood si Roxanne para makipag-alitan kay Jameson pero naiinis talaga siya na umaakto itong parang nagmamalasakit. Nakatitig lang din si Jameson sa kanya na mayroong lungkot sa mga mata. Matagal-tagal na rin niyang sinusuyo ito pero kahit anong gawin niya, mahihirapan siyang makuha ulit ang loob nito dahil sa mga kasalanan niya. "Alam kong lagi akong wala sa tabi mo pero bawat oras hindi ka nawawala sa isipan ko." Seryosong sabi ni Jameson. "At asawa pa rin kita, ako ang unang mag-aalala kapag may nangyari sayong masama." Napailing si Roxanne, "Asawa? Talaga lang ha? O baka sa kabit ka nagpapaka-asawa." Dikta niya. Magsasalita sana si Jameson pero may tumawag sa kanyang phone, ito naman ay si Savannah. Alam din kaagad ni Roxanne kung sino ang taong tumawag dahil nababasa niya na sa reaksyon ng mukha ni Jameson Papatayin sana ni Jameson ang tawag pero nauna ng umalis si Roxanne at hindi niya na ito pinigilan. "Ano na naman?" Sinagot niya ang tawag. "Jameson, I need y
Nasasaktan din si Jameson na makita ang kanyang asawa na umiiyak nang dahil sa kasamaan niya. Ayaw niya itong saktan pero iyon lang ang tanging paraan niya para hindi ito mawalay sa kanya. Nang makahinga ng malalim si Roxanne, tumingin siya kay Jameson para pagsabihan ito. "Umalis ka na, ako na ang bahalang magpaliwanag kay papa. Pagtatakpan ko lang ang ginawa mong panloloko sa akin." Bago umalis si Jameson, gusto niya munang yakapin si Roxanne pero umatras ito, nagpapahiwatig na ayaw nitong lapitan pero nagpumilit si Jameson na yakapin siya. "I'm sorry, but I have to do this." Bulong niya sa taenga nito. Sa hindi kalayuan, nakatayo si Savannah habang nakatanaw kina Roxanne at Jameson na magkayakap. Napakagat siya ng labi at inis na inis dahil mukhang hindi niya pa magagawang paghiwalayin ang dalawa. Nang malaman niya rin ang tungkol sa kidney at lung transplant, kaagad niyang naisip na magagamit niya ang bagay na iyon para pahirapan lalo si Roxanne. *** Buong gabi, sinamaha
Nang makauwi si Roxanne, nagpadala siya ng mensahe sa kompanya ng Pharma Nova para humingi ng permiso na pumasok nalang siya sa susunod na araw dahil kailangan niya pa ng isang araw para makabawi ng tulog. Sa araw ng Biyernes, nakabalik na sa wakas si Roxanne sa kompanya at pagkarating niya sa entrance, nagkatagpo niya si Devon kasama si Secretary Kenneth. "G-good morning." Bati ni Roxanne sa dalawa na nakatingin sa kanya ng deretso. "Good morning, Ma'am Roxanne." Si Secretary Kenneth lang ang tumugon sa kanya habang si Devon ay walang imik. "Kamusta ka na po ang sugat niyo ma'am?" Tanong pa ni Kenneth. Napahawak si Roxanne sa kanyang tagiliran kung saan siya nasaksak. "Sa awa ng diyos, mabilis siyang naghilom." Sagot niya. "Maari ka naman pong makapagpahinga pa ng ilaw araw, at bumalik nalang sa susunod na linggo." Adbiso ni Kenneth. "Ay, okay lang, Kenneth. Kaya ko ng magtrabaho ngayon." Napatingin si Roxanne kay Devon na pansin niyang seryoso ang mukha, at nangingi
Bago pa mawala sa katinuan si Roxanne, agad niyang sinampal ang sarili. Inisip niya na baka ang kasama lang ni Devon na babae ay isang kliyente pero hindi pa rin niya maiwasang mag-isip ng ganoon lalo na't makikita niya sa larawan kung gaano sila kalapit dalawa. Pinatay niya ngayon ang phone at pilit na huminga. Nagtatangka din siya na tawagan agad si Devon pero pinigilan niya ang sarili dahil baka ano pa ang kanyang masabi. Ginagamit lang naman niya si Devon. Kahit pa magkaroon ito ng relasyon sa ibang babae, ano bang karapatan niyang magalit? Muling nag-ring ang phone niya at nagpa dala si Grace ng ilang mensahe. [Nalaman ko na ang babaeng iyon ay si Daphne Bermudez. Siya ang first love ni Devon, pero hindi pa ako sure. Basta ang nasagap ko, classmates sila sa college at noong nakatanggap ng full scholarship ang babae, nagpunta siya sa states, at mukhang nauudlot ang pag-iibigan nila.] [And' yun nga parang best friends lang din sila. Basta parang nalimutan na rin nila ang is
Hinaplos ni Devon ang ulo ni Roxanne para pakalmahin siya, "Honey, alam kong nahihirapan kang magtiwala sa akin kaya nais kong patunayan ang sarili ko sayo." Lumingon at tumingala si Roxanne sa kanya at akmang magsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ni Devon sa bulsa. "Nagpalit ka ba ng ringtone?" Narinig na dati ni Roxanne ang ringtone nito, at pansin niyang nagbago ito. Hindi sumagot si Devon na agad kinuha ang cellphone, at lumayo upang sagutin ang tawag. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam si Roxanne ng pagkabahala, at hindi niya maiwasan mapaisip. Maya-maya, ibinaba na ni Devon ang tawag at bumaling sa kanya. "May kailangan akong asikasuhin sa labas. Mauna ka ng matulog." Tumalikod siya at naglakad papalayo, ngunit bigla siyang hinawakan ni Roxanne sa kamay nang hindi niya namamalayan. "Importante ba ang pupuntahan mo? Puwede bang manatili ka muna..." Hindi alam ni Roxanne kung anong dahilan ang sasabihin niya para pigilan ito. Masama talaga ang paki
Medyo natatawa si Roxanne na tingnan si Madame Julie na halatang naiinis sa kanyang reaksyon. "Madame Julie, noong sinasabi mo sa lahat na minaltrato kita, hindi mo siguro naisip na aabot sa puntong hihingi ka sa akin ng pabor para lang iurong ang demanda, tama ba?" Namutla ang mukha ni Madame Julie. Kumuyom ang mga kamao niya at namulat na ang kanyang palad dahil sa pagbaon ng kanyang mga kuko. "Roxanne, inaamin kong nagkamali ako sayo kaya humihingi ako ng tawad. Huwag mo na sana akong pahirapan, okay?" "Okay," tumango si Roxanne. "Maglabas ka ng pahayag na nilinaw mong hindi kita sinaktan. Ikaw ang nagpakalat ng maling balita para sirain ang pangalan ko. If you can do that then ipapaurong ko ang demanda." Hindi makapaniwala si Madame Julie. Kung maglalabas siya ng pahayag ngayon, malalaman ng lahat na pagdadrama niya lang lahat at isa siyang sinungaling. "Roxanne, baka naman may iba tayong pwedeng pag-usapan. Maaari nating idaan ito sa usapan." "Oh? Akala ko ba gusto mon
Paglabas ni Roxanne, pinigilan niya ang tiyahin na pumasok at sinabihan na magkausap ang ama at kasintahan sa loob kaya naupo muna sila sa upuan sa labas. Pagkalipas ng ilang minutong katahimikan, biglang nagsalita si Tita Martha, "Roxanne, sa totoo lang, walang masama kung manatili kami sa Germany—" Hindi pa tapos magsalita si Martha nang putulin siya ni Roxanne na may malamig na ekspresyon, "Tita, bigla nalang kayong hindi pumayag na pumunta sa abroad. Dahil ba babalik na dito si Kuya Miles para magtrabaho?" Napatigil si Martha, "Papaano mo nalaman ito?" "Tinawagan niya ako kahapon at sinabi niya sa akin ang tungkol sa pagbabalik niya sa bansa." "Hay naku, dahil alam mo na, sasabihin ko na ang totoo. Totoo, ayaw ko nang umalis sa bansa dahil babalik na siya." "Mas magiging ligtas kayo kung dadalhin mo si Papa sa abroad." "Alam ko iyon, pero babalik ang anak ko, at ayokong maapektuhan siya ng mga problema mo sa pamilya Delgado. Kung mananatili kami, magkakaroon ka ng dah
Napatingin si Madame Julie kay Jameson na tila hindi makapaniwala, nanginginig ang buong katawan, "Sinasabi mo bang nakakahiya ako?" "Hindi ba? Tingnan mo ang lahat ng ginawa mo kamakailan? Kung wala kang kakayahan, huwag ka nang gumawa ng gulo!" Punong-puno ng galit ang mukha ni Jameson, at hindi na siya nagpaawat sa kanyang mga salita. Patuloy na tumulo ang luha ni Madame Julie dahil sa sinabi nito, "Kung hindi walang kwenta ang ama at anak ko, kakailanganin ko bang gawin ang mga ito? Ngayon sinasabi mong nagdadala ako ng gulo? Bakit hindi mo magawang ilabas ang Lolo mo mula sa presinto? Jameson, gumawa ka naman ng paraan!!" Pagkasabi nito, binuksan niya ang pinto ng kotse at umalis. Hindi na siya hinabol ni Jameson. Nanatili siyang nakaupo sa kotse at napahampas siya sa hawak na ma nobela. Bakit hindi maintindihan ng ina ang sitwasyon? Sa kasalukuyang estado niya, wala siyang kakayahang iligtas si Lolo Gerald. At totoo naman ang mga paratang laban sa kanyang lolo. Ang da
Si Miles na nasa kabilang linya ay biglang natigilan sa kanyang narinig, "May kasama ka ba di yan?" Tanong niya. "Oo." Sagot ni Roxanne. "Aww, sige. Gotta go." Pagka putol ng, napatingin si Roxanne kay Devon, "Bakit ka biglang sumabat habang kausap ako sa phone?" Kalmado naman ang mukha ni Devon. "Nagtanong lang ako kasi maghahapunan tayo ngayon. Bakit? Nakaabala ba ako habang kausap mo siya?" "Hindi naman." Pakiramdam ni Roxanne na parang sinadya ito ng lalaki kanina. "At sino ba 'yung tumawag sa'yo?" Dagdag pa ni Devon. "Ampon ng Tita Martha na nasa abroad. At bihira ko lang siyang makausap kaya hindi ko na nabanggit sa'yo." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Devon ngunit hindi na nagtanong pa. Pumunta silang dalawa sa isang western restaurant para maghapunan. Nang makarating sila doon, agad silang nakita ni Jameson na nandoon din na nakikipag-usap sa kanyang kliyente. Lumamig ang kanyang tingin, at matapos umalis ang kliyente niya, diretso siyang lumapit sa dalawa
Kinabukasan ng tanghali, dumating si Roxanne sa restaurant kung saan naghihintay ang lawyer niya. Mabilis siyang lumapit at naupo sa tapat nito. "Pasensya na po, naantala ako sandali sa laboratoryo." "Walang problema, Miss Guevarra. Tingnan mo muna ang dokumentong ito." Kinuha ni Roxanne ang dokumento at binuklat ito. Habang binabasa, hindi niya maiwasang malito. Simula nang magloko si Jameson, sinimulan nitong ilipat ang kanyang mga ari-arian. Karamihan sa mga ito ay ngayon nakapangalan na kay Savannah Gomez, ang kabit nito. "Miss Guevarra, ang pangunahing problema ay kasal na ngayon sina Jameson at Savannah. Malinaw na kumonsulta siya sa abogado bago niya ilipat ang mga ari-arian. Maayos ang pagkakagawa nito, kaya mahirap nang bawiin ang mga ito." "Magkano na lang ang maaari kong makuha?" "Limang milyon." Hindi na nagulat si Roxanne sa halagang iyon. Naisip na niya ito habang binabasa ang dokumento kanina. "Sige, naiintindihan ko. Pakiusap, kausapin mo ang abogado
Sa kabila ng lahat, hindi ganoon kalaki ang pagkagusto ni Roxanne kay Devon. Iniintindi niya pa ang tinitibok ng puso pero hindi niya hahayaang kontrolin siya nito, mas ginagamit niya pa rin ang utak. At nanatili siya sa tabi ni Devon upang magkaroon ng proteksyon mula sa mga kalaban. "Pero sa susunod na may manggulo sayo, huwag kang magdalawang isip na lapitan ako para humingi ng tulong, ayaw kong harapin mo ng mag-isa ang lahat ng problema." Ang seryosong ekspresyon ni Devon ay nagpalambot sa puso ni Roxanne. . "Okay, gagawin ko." Nakangiting tugon ni Roxanne. Pagbalik sa kwarto, balak ni Roxanne na tanggalin ang kanyang make-up nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang tumatawag si Grace. "Roxanne, pinapakalat pala ng dati mong biyenan ang balitang sinaktan mo raw siya. Kalat na kalat na ito sa buong bayan." Ibinaba ni Roxanne ang kanyang tingin, "Huwag kang mag-alala, malapit na rin siyang makarma." "GRR! Hindi mo alam kung gaano kasama ang sinabi niya t
Malawak ang ngiti ni Irene at maririnig ang tunog ng kanyang takong na papasok sa loob ng opisina. Habang si Devon ay abala sa pag-aayos ng mga dokumento sa mesa. Ang sinag ng araw na tumatama sa kanya mula sa bintana ay nagbigay ng parang liwanag sa kanyang paligid, na lalong nagpalutang sa kanyang kagwapuhan. “Mr. Devon Delgado, handa na ang kontrata. Sa tingin niyo ba ay tamang oras na para pirmahan natin ito?” tanong ni Irene. Ibinaba ni Devon ang mga hawak niyang dokumento at tumingin kay Irene na malamig ang ekspresyon. “Ms. Irene Warner, there's some misunderstanding. Nakipagkita ako sa iyo ngayon para ipaalam na mayroon nang ibang potensyal na kasosyo ang PharmaNova sa ibang kompanya so you don't have to go here anymore." Nanatili ang ngiti ni Irene sa kanyang mukha ngunit halatang nanigas ito. “What??” gulat na tanong niya. Maraming beses na silang nag-usap at halos pipirmahan na ang kontrata, pero bigla na lang siyang aatras sa usapan. Kahit galit, pinilit pa rin n