Share

CHAPTER 97-THOUGHT

Author: Leigh Obrien
last update Huling Na-update: 2024-10-15 14:34:38
Gabi na pero bumalik si Devon sa kanyang opisina para tapusin ang ibang papeles na kinakailangang pirmahan.

Pagpasok niya, nakita niyang nandoon pa si Secretary Kenneth na nagliligpit ng mga gamit.

"Boss, na prepare ko na ang mga document na kailangan mong pirmahan bukas." Sabi nito.

"Okay, pipirmahan ko na ang mga 'yan ngayon." Tugon ni Devon at naupo sa kanyang upuan.

Akma na sanang aalis si Kenneth pero tinawag siya ulit ni Devon. Medyo kinabahan si Kenneth dahil baka may ipapagawa na naman itong mahirap na bagay. Ginawa na kasi siya nitong detective ngayon para alamin ang mga ginagawang pag-iimbestiga ni Roxanne.

"May itatanong lang sana ako, hindi ito tungkol sa trabaho." Pagkaklaro ni Devon, pansin niyang kinakabahan ito.

"Sure, boss!" Ngumisi si Kenneth at naupo ulit.

Nagdadalawang-isip si Devon na sabihin ang kanyang katanungan dahil alam niyang mapapaisip ang sekretarya.

"Umm, t-tingin mo ba, magmamahal ulit ang isang babaeng nasawi sa una niyang pag-ibi
Leigh Obrien

What do you think? Posible bang magkatuluyan si Devon and Roxanne sa kabila ng mga humahadlang??? Comment down ur thoughts!

| 18
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Melanie Galicha
roxanne and Devon, sana
goodnovel comment avatar
Rie Ma
sna c Devon at Roxanne and mgkatuluyan mg update kna po miss A sna my wakas nah
goodnovel comment avatar
hermosoje50
sana nkakakilig ang isturyang ito
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 98-MATCH?

    Tumigil si Roxanne sa pagsubo. "Hmm? B-bakit naman ako magagalit? M-may ginawa ka na naman ba?" Nagbigay siya ng isang pekeng ngiti na alam niyang ikakainis nito. " "You know what I'm talking about. Hindi kita masyadong nasamahan noong nakaraan dahil sobrang na-busy ako kaka-handle ng mga terminated projects sa company." Paliwanag ni Jameson. Nagkibit-balikat lang si Roxanne na walang pakialam sa kanyang mga sinasabi. "It's okay, you don't have to explain. Naiintindihan ko ang sitwasyon." Aniya. Bumalik siya sa pagkain at ganoon na rin si Jameson, sumusulyap naman si Roxanne sa asawa na kita niyang nangingitim ang ilalim ng mga mata. Nawala na rin sa mga paningin ni Roxanne ang dati nitong karisma, napalitan na ito ngayon ng pagkainis. Pagkatapos ng hapunan, nagpaalam si Roxanne na pupunta lang siya sa police station para bisitahin si Elaine. Wala namang sinabi si Jameson na pinayagan siyang umalis. Sa kasalukuyan, wala pang verdict ang kaso ni Elaine na pangingidnap kay Roxan

    Huling Na-update : 2024-10-15
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 99-LIAR

    Wala sa mood si Roxanne para makipag-alitan kay Jameson pero naiinis talaga siya na umaakto itong parang nagmamalasakit. Nakatitig lang din si Jameson sa kanya na mayroong lungkot sa mga mata. Matagal-tagal na rin niyang sinusuyo ito pero kahit anong gawin niya, mahihirapan siyang makuha ulit ang loob nito dahil sa mga kasalanan niya. "Alam kong lagi akong wala sa tabi mo pero bawat oras hindi ka nawawala sa isipan ko." Seryosong sabi ni Jameson. "At asawa pa rin kita, ako ang unang mag-aalala kapag may nangyari sayong masama." Napailing si Roxanne, "Asawa? Talaga lang ha? O baka sa kabit ka nagpapaka-asawa." Dikta niya. Magsasalita sana si Jameson pero may tumawag sa kanyang phone, ito naman ay si Savannah. Alam din kaagad ni Roxanne kung sino ang taong tumawag dahil nababasa niya na sa reaksyon ng mukha ni Jameson Papatayin sana ni Jameson ang tawag pero nauna ng umalis si Roxanne at hindi niya na ito pinigilan. "Ano na naman?" Sinagot niya ang tawag. "Jameson, I need y

    Huling Na-update : 2024-10-16
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 100-COMPETE

    Nasasaktan din si Jameson na makita ang kanyang asawa na umiiyak nang dahil sa kasamaan niya. Ayaw niya itong saktan pero iyon lang ang tanging paraan niya para hindi ito mawalay sa kanya. Nang makahinga ng malalim si Roxanne, tumingin siya kay Jameson para pagsabihan ito. "Umalis ka na, ako na ang bahalang magpaliwanag kay papa. Pagtatakpan ko lang ang ginawa mong panloloko sa akin." Bago umalis si Jameson, gusto niya munang yakapin si Roxanne pero umatras ito, nagpapahiwatig na ayaw nitong lapitan pero nagpumilit si Jameson na yakapin siya. "I'm sorry, but I have to do this." Bulong niya sa taenga nito. Sa hindi kalayuan, nakatayo si Savannah habang nakatanaw kina Roxanne at Jameson na magkayakap. Napakagat siya ng labi at inis na inis dahil mukhang hindi niya pa magagawang paghiwalayin ang dalawa. Nang malaman niya rin ang tungkol sa kidney at lung transplant, kaagad niyang naisip na magagamit niya ang bagay na iyon para pahirapan lalo si Roxanne. *** Buong gabi, sinamaha

    Huling Na-update : 2024-10-16
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 101-SPECIAL

    Nang makauwi si Roxanne, nagpadala siya ng mensahe sa kompanya ng Pharma Nova para humingi ng permiso na pumasok nalang siya sa susunod na araw dahil kailangan niya pa ng isang araw para makabawi ng tulog. Sa araw ng Biyernes, nakabalik na sa wakas si Roxanne sa kompanya at pagkarating niya sa entrance, nagkatagpo niya si Devon kasama si Secretary Kenneth. "G-good morning." Bati ni Roxanne sa dalawa na nakatingin sa kanya ng deretso. "Good morning, Ma'am Roxanne." Si Secretary Kenneth lang ang tumugon sa kanya habang si Devon ay walang imik. "Kamusta ka na po ang sugat niyo ma'am?" Tanong pa ni Kenneth. Napahawak si Roxanne sa kanyang tagiliran kung saan siya nasaksak. "Sa awa ng diyos, mabilis siyang naghilom." Sagot niya. "Maari ka naman pong makapagpahinga pa ng ilaw araw, at bumalik nalang sa susunod na linggo." Adbiso ni Kenneth. "Ay, okay lang, Kenneth. Kaya ko ng magtrabaho ngayon." Napatingin si Roxanne kay Devon na pansin niyang seryoso ang mukha, at nangingi

    Huling Na-update : 2024-10-17
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 102-UNFAIR

    Mga kalahating-oras na nag-shopping si Roxanne at Grace at marami-rami silang nabili at wala lang kay Grace na magbayad ng higit sa sampung libo sa counter. Habang nasa counter sila, nagitla naman si Roxanne na makita sa kabilang counter si Madame Julie at kasama nito si Savannah. Nakita niya ang mga ipinamili nitong gamit na para sa baby na dinadala ni Savannah. Hindi alam ni Roxanne kung anong mararamdaman, kita niya sa mukha ni Madame Julie na nasasabik itong magka-apo. Dati pa nilang pinag-uusapan noon na magkaroon siya ng anak kay Jameson, natutuwa si Roxanne sa ideya na iyon kaso, nagbago ang lahat sa isang iglap. Namataan din ni Madame Julie si Roxanne at pati siya ay medyo nailang dahil alam niyang masasaktan ito na makita siyang sumasama sa kabit ng anak. Iiwas sana si Roxanne pero nilapitan siya ni Madame Julie matapos nilang makabayad sa counter. "Roxanne, nandito ka pala." Pilit na ngumiti si Roxanne at bumati rin sa kanya pero hindi maipinta ang mukha ni Gra

    Huling Na-update : 2024-10-17
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 103-BIRTHDAY

    Nang makapasok si Devon sa kanyang opisina, nakita niya si Secretary Kenneth na kanina pa naghihintay sa kanya. "Boss, malapit na ang birthday ni Roxanne, wala ba kayong balak na surpresahin siya?" "Alam ko." Tugon ni Devon at naupo sa kanyang swivel chair. "Pero ano namang pakialam ko sa birthday niya?" Gustong matawa ni Kenneth dahil nagpapanggap ito na parang hindi interesado. "Boss, naman. Malamang, sister-in-law mo siya kaya paniguradong susurpresahan mo." Napabuntong-hininga si Devon na nag-iisip pa kung anong gagawin sa darating na kaarawan ni Roxanne. *** Nakauwi naman si Naomi sa kanilang mansyon at napagalitan siya ng ama dahil hindi nga ito nagtagumpay na humingi ng tawad kay Roxanne. Nakatanggap din siya bigla ng tawag mula kay Irene kaya sinagot niya ito. Ipinaalam niya rin sa kaibigan ang nangyari kaninang umaga. "Tss. That girl is a pain in the ass! Don't worry, Naomi. Pagsisihan niya itong ginawa niya sa'yo." Inis na sabi ni Irene. "Gosh, Irene! I shoul

    Huling Na-update : 2024-10-17
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 104-BAD NEWS

    Sa kabila ng mabigat na nararamdaman ni Roxanne, nakaramdam siya ng tuwa dahil sa kabutihang ipinakita ni Devon at ipinaramdam din nito sa kanya na espesyal ang kanyang kaarawan. "S-salamat, Devon." Ngumiti siya ng mapait at pinunasan ang kanyang luha. "Walang anuman. At ito ang regalo ko sa'yo." Kinuha ni Devon ang kwintas para isinuot ito sa kanyang leeg. Kumalabog ang puso ni Roxanne na maramdaman ang mga daliri nitong dumikit sa kanyang leeg. "Ayan, bagay na bagay sayo." Nagustuhan naman ni Roxanne ang ibinigay nito na regalo, "Saan mo ba ito nabili at magkano?" Tanong niya. Pansin niya kasing mamahalin ito at kumikinang pa. "Ninakaw ko." Pagbibiro ni Devon at natawa ng mahina si Roxanne. "Loko ka, umayos ka nga. Saan mo ba ito binili tsaka bakit ba hugis puso??" Siniko niya ang katabi. "Hulaan mo nalang kaya." Paghahamon ni Devon. Tumaas ang kilay ni Roxanne dahil sa kapilyuhan ni Devon. "Gulong gulo na nga isipan ko, papahulain mo pa ako. Timang ka!" Ngumiti

    Huling Na-update : 2024-10-18
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 105-BREATH

    Tumigil rin sa paghakbang si Devon at nilingon siya. "Hindi ako sigurado pero iyon lang ang anggulo na nakikita ko. May taong gustong pumatay sa kaibigan mo dahil wala itong pag-aalinlangan na barilin siya." Sumakit bigla ang ulo ni Roxanne na maisip kung anong nasa likod ng pamamaril, parang gusto niyang agad agad na mag-imbestiga bukas. "Roxanne, hayaan mo muna ang mga bagay na ito sa kamay ng mga investigator. Gusto kong magpahinga ka at bukas, pag-uusapam ulit natin ang bagay na ito sa susunod." Tumango si Roxanne, "Salamat, Devon. Sana nga ay kaagad na ma-resolba ito at sana magising na si Grace." Nginitian siya ni Devon na napatingin sa suot niyang kwintas. "Magtiwala ka lang, maaayos din ang lahat. Tsaka huwag mo ring kalimutan na kaarawan mo ngayon, deserve mong batiin ang sarili mo na kahit anong mangyari, nananatili kang matibay at lumalaban sa buhay." Agad na namula ang mga pisnge ni Roxanne at ayan na naman ang puso niyang parang nagwawala. "T-thank you ulit." ***Na

    Huling Na-update : 2024-10-18

Pinakabagong kabanata

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 165-FIRE

    Napatingin si Devon sa sekretarya at binigyan ng tingin na nagsasabing huwag siyang mangialam. "Ano? May sasabihin ka pa ba?" Nag-atubili si Kenneth bago sumagot, "Boss, sa tingin ko, mas mabuting pag-isipan niyo pa ito. Sa huli, ang mga balitang kumakalat sa kumpanya ay puro sabi-sabi lang. Maaari kayong maglabas ng pahayag na nagbabawal sa mga empleyado na talakayin ang inyong personal na buhay, pero hindi na kailangang ipaliwanag ang relasyon niyo kay Miss Daphne." "Kung malalaman pa ng lahat ng empleyado na iniwan kayo ni Roxanne, pagpipiyestahan kayo lalo." Dagdag niya pa. Ilang segundong natahimik si Devon at napagtanto ang kanyang punto, bago sumagot, "Sige, gawin mo ang tamang bagay." Hindi nagtagal, naglabas ang opisina ng CEO ng pahayag na nagbabawal sa mga empleyado na talakayin ang personal na buhay ni Devon Delgado. Sinumang mahuli ay agad na tatanggalin sa trabaho. Abala naman sina Roxanne at Frizza sa mga eksperimento buong umaga at wala silang oras para

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 164-TENSION

    Bahagyang nagyelo ang katawan ni Roxanne na nakadikit sa harapan ni Devon. Ngunit mabilis siyang umatras at inayos ang pagkakatayo. Habang dumadaan siya sa harap nito, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Natatakot siya na baka gumawa ito ng anumang bagay na makatawag-pansin. Pagkatapos ng lahat, ang paraan ng pagtitig nito sa kanya kanina ay nakakatakot. Pagkalabas niya ng Cafeteria, doon lamang siya nakahinga ng maluwag. "Naghiwalay na kami, pero bakit ganoon pa rin ang tingin niya sa akin?" Huminga siya nang malalim at pilit na pinaalalahanan ang sarili na huwag na itong isipin. Anuman ang mangyari, wala na silang kaugnayan sa isa’t isa. Mas mabuti nang magpanggap nalang silang hindi kilala ang isa't-isa. Maya-maya, lumabas na rin sina Frizza at Miles mula doon. Sumabay naman si Roxanne sa kanila na bumalik sa laboratory. Inihatid niya rin si Miles sa kanyang workstation at ipaliwanag ang sistema ng imbakan ng mga gamot sa laboratory. *** Mabilis na lumipa

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 163-COLD

    Napayuko si Secretary Kenneth na nanginginig na ang kamay at hindi alam kung papaano magpapaliwanag. Dahil ang malaking kliyente ay isang malaking kawalan sa kompanya. Ngunit medyo naguguluhan din siya. Napaisip si Secretary kung bakit susugal ang mga Ferelll sa maliit na kompanya ni Jameson na alam nito na katunggali ito ni Devon. Puno naman ng galit ang mga mata ni Devon, "Tawagin mo ang responsable sa cooperation na ito!" "Copy, boss!" Mabilis na tumalikod si Kenneth at nagmadaling umalis, natatakot na baka tawagin siya ulit ng amo. Alam niyang mahirap pakisamahan si Devon ngayong kakahiwalay lang nila ni Roxanne. *** Bago magtanghali, magkasamang pumunta sa cafeteria sina Roxanne at Frizza upang kumain. Pakiramdam ni Frizza ay may kakaiba, kaya't hindi niya napigilang magtanong, "Ate Roxy, hindi ka ba sasabay kumain kasama si Sir Devon?" Nasanay si Frizza na makita ang dalawa na sabay kumain tuwing lunch at ngayon napansin niyang mayroong distansya sa pagitan

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 162-BAD MOOD

    Nilagok muna ni Devon ang baso ng alak bago sumagot, "Last week." "At nasaan siya ngayon?" Tanong pa ni Vincent. Hinila naman ni Devon ang phone niya at walang emosyong pinatay ulit ang pagtawag ni Daphne. "Sa Cherry Hotel malapit sa Central Bank." Agad na tumayo si Vincent at umalis para puntahan si Daphne. Habang ang isa pang kaibigan ni Devon na si Derrick ay napatingin sa kanya ng seryoso. "Talagang wala ka nang nararamdaman para kay Daphne?" Noong nasa kolehiyo pa sila, alam niyang gusto ni Vincent si Daphne, kaya't lagi itong binabakuran ni Devon para walang ibang lalaking makalapit sa kanya. Ngayon mukhang wala na itong pakialam pa. "Dati lang iyon, wala na akong nararamdaman para sa kanya." Pagkaklaro ni Devon. Nang marinig ito, bahagyang ngumisi si Derrick at napailing, "Aba, naka-move on ka na pare." Noong umalis si Daphne papunta sa ibang bansa, inakala ng mga kaibigan niya ay maapektuhan si Devon pero naging normal naman ang takbo ng buhay nito na na

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 161-TURN AROUND

    Nagulat si Devon sa mga sinabi nito, "K-kailan mo nalaman?" Napabutong-hininga si Roxanne bago nagpaliwanag, "Nakita kayo ni Grace sa isang restaurant at pinaalam niya sa akin na may kasama kang ibang babae." Padabog niya pang sabi tsaka tumalikod, pumasok siya sa loob ng sasakyan. Mabilis namang hinawakan ni Devon ang kanyang pulso. "Roxanne, kasalanan ko na hindi ko sinabi sa’yo ito. Patawarin mo sana ako." Lumingon si Roxanne. Ang reaction ng kanyang mukha ay hindi mabasa. Hinila niya naman ang kanyang kamay mula kay Devon, "Kung gusto mo siyang balikan, umalis ka na." "Roxanne, wala naman akong babalikan dahil hindi naging kami." Depensa ni Devon. "At bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Napayuko si Devon na natakot sa kanya, "N-natakot lang ako na baka anong isipin mo." Naningkit ang mata ni Roxanne sa sinabi nito, "Pero hindi ka natakot sa kung anong mararamdaman ko? Devon, you can tell me about it, maintindihan ko naman. Sa ginawa mong ito, you just triggered all

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 160-IRRITATE

    Ginugulo ni Miles ang buhok ni Roxanne na natatawang inalala ang dati nitong hitsura na sobrang chubby. Mayamaya pa, na-awkward ulit ang dalawa at naupo sa kanilang kinauupuan. "Grabe, ang tagal nating hindi nagkita." Ani ni Miles na tanging naalala ay mga panahon na mga bata pa lamang sila. "Kaya nga, nakakamangha." Halos pitong taon na ang nakakalipas at ang huli nilang pagsasama ay sa libingan ng ina ni Roxanne na namatay dahil sa pagsabog. Nagsimula namang kumain ang dalawa nang maihain ng waiter ang kanilang order. "Siya nga pala, Miles. Bakit mo ba naisipang bumalik dito para magtrabaho? Narinig ko na mataas ang sahod mo sa Germany bilang doktor,ah?" Ngumisi naman si Miles na napaubo at napainom ng tubig, "Grabe ka naman, bawal ba akong umuwi dito?" Tinarayan siya ni Roxanne na nagdududa pa rin talaga, "Hmm? Sabihin mo nga sa akin anong mga plano mo." Napalunok ng ilang beses si Miles na hindi alam papaano sasabihin lahat, "Actually, nagpunta ako sa PharmaNova kani

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 159-MEET

    "Daphne, I already told you, I have a girlfriend kaya pwede bang tigilan mo na ako?!" Inis na sabi ni Devon habang nakatingin sa babae.Pinagtaasan naman siya ng kilay ni Daphne na walang balak na umatras, "So you love her now??" "Of course! I love my girlfriend and ayaw kong guluhin mo ang relasyon namin. So please, go away!" Pangtataboy niya pa. Nawala ang ngisi sa mukha ni Daphne na mabilis na pinalitan ng lungkot na animo'y kinawawa ng husto, "Papaano naman ako? Hindi ba't ako lang ang minamahal mo?" Napailing si Devon na sumasakit ang ulo sa mga kadramahan niya at ayaw niyang magbalak na naman ito na magpapakamatay kaya pinili niya nalang na manahimik. "Iuuwi na kita." Malamig niyang sabi at agad na sumunod ang babae na sinubukan siyang habulin. "Marami akong importanteng gagawin, Daphne at nakakadisturbo ka na sa akin." Sambit ni Devon na napatingin sa kanyang relos. Nanlumo si Daphne na napakagat ng ibabang labi, "So disturbo lang ako para sayo? W-wala ka talagang pakiala

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 158-SULKING

    Bago pa mawala sa katinuan si Roxanne, agad niyang sinampal ang sarili. Inisip niya na baka ang kasama lang ni Devon na babae ay isang kliyente pero hindi pa rin niya maiwasang mag-isip ng ganoon lalo na't makikita niya sa larawan kung gaano sila kalapit dalawa. Pinatay niya ngayon ang phone at pilit na huminga. Nagtatangka din siya na tawagan agad si Devon pero pinigilan niya ang sarili dahil baka ano pa ang kanyang masabi. Ginagamit lang naman niya si Devon. Kahit pa magkaroon ito ng relasyon sa ibang babae, ano bang karapatan niyang magalit? Muling nag-ring ang phone niya at nagpa dala si Grace ng ilang mensahe. [Nalaman ko na ang babaeng iyon ay si Daphne Bermudez. Siya ang first love ni Devon, pero hindi pa ako sure. Basta ang nasagap ko, classmates sila sa college at noong nakatanggap ng full scholarship ang babae, nagpunta siya sa states, at mukhang nauudlot ang pag-iibigan nila.] [And' yun nga parang best friends lang din sila. Basta parang nalimutan na rin nila ang i

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 157-REPEAT?

    Hinaplos ni Devon ang ulo ni Roxanne para pakalmahin siya, "Honey, alam kong nahihirapan kang magtiwala sa akin kaya nais kong patunayan ang sarili ko sayo." Lumingon at tumingala si Roxanne sa kanya at akmang magsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ni Devon sa bulsa. "Nagpalit ka ba ng ringtone?" Narinig na dati ni Roxanne ang ringtone nito, at pansin niyang nagbago ito. Hindi sumagot si Devon na agad kinuha ang cellphone, at lumayo upang sagutin ang tawag. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam si Roxanne ng pagkabahala, at hindi niya maiwasan mapaisip. Maya-maya, ibinaba na ni Devon ang tawag at bumaling sa kanya. "May kailangan akong asikasuhin sa labas. Mauna ka ng matulog." Tumalikod siya at naglakad papalayo, ngunit bigla siyang hinawakan ni Roxanne sa kamay nang hindi niya namamalayan. "Importante ba ang pupuntahan mo? Puwede bang manatili ka muna..." Hindi alam ni Roxanne kung anong dahilan ang sasabihin niya para pigilan ito. Masama talaga ang pak

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status