Tingin niyo ba, kanino talaga kumakampi si Madame Julie? Kay Roxanne o kay Savannah??
Nang makapasok si Devon sa kanyang opisina, nakita niya si Secretary Kenneth na kanina pa naghihintay sa kanya. "Boss, malapit na ang birthday ni Roxanne, wala ba kayong balak na surpresahin siya?" "Alam ko." Tugon ni Devon at naupo sa kanyang swivel chair. "Pero ano namang pakialam ko sa birthday niya?" Gustong matawa ni Kenneth dahil nagpapanggap ito na parang hindi interesado. "Boss, naman. Malamang, sister-in-law mo siya kaya paniguradong susurpresahan mo." Napabuntong-hininga si Devon na nag-iisip pa kung anong gagawin sa darating na kaarawan ni Roxanne. *** Nakauwi naman si Naomi sa kanilang mansyon at napagalitan siya ng ama dahil hindi nga ito nagtagumpay na humingi ng tawad kay Roxanne. Nakatanggap din siya bigla ng tawag mula kay Irene kaya sinagot niya ito. Ipinaalam niya rin sa kaibigan ang nangyari kaninang umaga. "Tss. That girl is a pain in the ass! Don't worry, Naomi. Pagsisihan niya itong ginawa niya sa'yo." Inis na sabi ni Irene. "Gosh, Irene! I shoul
Sa kabila ng mabigat na nararamdaman ni Roxanne, nakaramdam siya ng tuwa dahil sa kabutihang ipinakita ni Devon at ipinaramdam din nito sa kanya na espesyal ang kanyang kaarawan. "S-salamat, Devon." Ngumiti siya ng mapait at pinunasan ang kanyang luha. "Walang anuman. At ito ang regalo ko sa'yo." Kinuha ni Devon ang kwintas para isinuot ito sa kanyang leeg. Kumalabog ang puso ni Roxanne na maramdaman ang mga daliri nitong dumikit sa kanyang leeg. "Ayan, bagay na bagay sayo." Nagustuhan naman ni Roxanne ang ibinigay nito na regalo, "Saan mo ba ito nabili at magkano?" Tanong niya. Pansin niya kasing mamahalin ito at kumikinang pa. "Ninakaw ko." Pagbibiro ni Devon at natawa ng mahina si Roxanne. "Loko ka, umayos ka nga. Saan mo ba ito binili tsaka bakit ba hugis puso??" Siniko niya ang katabi. "Hulaan mo nalang kaya." Paghahamon ni Devon. Tumaas ang kilay ni Roxanne dahil sa kapilyuhan ni Devon. "Gulong gulo na nga isipan ko, papahulain mo pa ako. Timang ka!" Ngumiti
Tumigil rin sa paghakbang si Devon at nilingon siya. "Hindi ako sigurado pero iyon lang ang anggulo na nakikita ko. May taong gustong pumatay sa kaibigan mo dahil wala itong pag-aalinlangan na barilin siya." Sumakit bigla ang ulo ni Roxanne na maisip kung anong nasa likod ng pamamaril, parang gusto niyang agad agad na mag-imbestiga bukas. "Roxanne, hayaan mo muna ang mga bagay na ito sa kamay ng mga investigator. Gusto kong magpahinga ka at bukas, pag-uusapam ulit natin ang bagay na ito sa susunod." Tumango si Roxanne, "Salamat, Devon. Sana nga ay kaagad na ma-resolba ito at sana magising na si Grace." Nginitian siya ni Devon na napatingin sa suot niyang kwintas. "Magtiwala ka lang, maaayos din ang lahat. Tsaka huwag mo ring kalimutan na kaarawan mo ngayon, deserve mong batiin ang sarili mo na kahit anong mangyari, nananatili kang matibay at lumalaban sa buhay." Agad na namula ang mga pisnge ni Roxanne at ayan na naman ang puso niyang parang nagwawala. "T-thank you ulit." ***Na
Kaagad namang nalaman ni Savannah ang balita mula kay Secretary Brian na ipinabigay na ni Jameson ang kidney at lung transplant sa ama niya kaya sobra siyang natuwa sa biglaang desisyon nito. Hawak niya naman ang kanyang tiyan at hindi siya makapaghintay na lumabas ang bata sa kanyang sinapupunan. Dahil ito ang magiging alas niya para maisakatuparan ang kanyang mga plano. Habang sinusubukan ngayon ni Roxanne na kausapin si Jameson pero hindi niya ito mahanap. Tinawagan niya rin ito ng ilang beses pero hindi siya sinasagot. *** Sa loob ng opisina ni Devon, mayroong mga ipinadalang mahahalagang dokumento si Secretary Kenneth na naglalaman ng detalye sa nangyaring pagbaril kay Grace Gonzales. "Namataan sa isang footage ang isang itim na sasakyan na pumarada sa kanto, malapit sa building kung saan nila i-cecelebrate ang birthday ni Roxanne. At sa oras na lumabas si Grace sa building mga 7pm, binaril siya ng isang armado na nakapuwesto sa kabilang building, sa rooftop mismo. Sinubu
Bigla namang ipinutok ni Roxanne ang baril pero nakaturo ito sa langit. "Ano? Nakakatakot ba, Naomi?!" Parang nag-ibang anyo si Roxanne ngayong gabi, nagpakita ang kanyang pagka-demonyita. Gusto niyang ipaghiganti ang kaibigan kaya ipaparanas niya kay Naomi ang ginawa niya rito. "Roxanne! You're crazy! Stop this, please!" Namamaos na sigaw ni Naomi. "Hindi pa nagsisimula ang laro, Naomi. Sobrang atat mo naman." Napailing si Naomi na gusto nalang maglahong parang bula. "Okay! I'm sorry! Inaamin kong may kasalanan ako pero wala kang karapatan na gawin ito sa'kin." Pakiusap niya. "Pero ikaw may karapatan kang manakit ng ibang tao? Ang kapal ng mukha mo!" Sa inis niya ipinutok niya ulit ang baril kaya nagitla si Naomi. "Alam mo bang nakaratay ang kaibigan ko sa hospital?! At posibleng hindi na magising?! Iyon ang gusto mong marinig, hindi ba? Pero hindi ka makakatakas sa akin." Isinantabi ni Roxanne ang baril at kumuha ng kutsilyo sa mesa. "Huwag kang mag-alala, Naomi. Makakal
Mabilis na lumapit si Liam sa gawi nila ni Roxanne at nagulat siya na makita ang ginagawa nito kay Naomi. "Oh? Nandito ka ba para iligtas 'tong sweetheart mong bruha??" Tanong ni Roxanne. "Let her go, Roxanne." Utos ni Liam. Umiling si Roxanne bilang pagtanggi. "No way! Kailangan niyang magdusa dahil sa ginawa niya kay Grace!" "Roxanne, I understand na nag-aalala ka lang sa kaibigan mo pero hindi mo na ito dapat gawin. Hayaan mo siyang pagdusahan ang kasalanan niya sa tamang paraan, doon sa kulungan." Sinubukan ni Liam na pakalmahin ito pero kita niya nga sa mga mata nito ang galit. "Tamang paraan?? Paraan na magaan at hindi niya matitikman ang pagdurusa? Liam, balak niyang patayin ang kaibigan ko! Naiintindihan mo ba 'yun?!" Dikta ni Roxanne, nagagalit din siya kay Liam na minsan ng naging kasintahan ni Grace pero tingin niya nga ay wala itong pakialam. "Alam ko, pero hindi ito ang nararapat mong gawin. Pinapalaki mo lang ang gulo. Mabuti pang bitawan mo na siya! Kung hind
Sa lakas ni Jameson, hind siya magawang itulak ni Roxanne kaya nabitiwan nalang nito ang hawak na bakal. "Ayaw kong makulong dito!" Sigaw ni Roxanne. Hindi siya pinakinggan ni Jameson na tumalikod at agad na isinara ang pintuan habang naiwan sa loob si Roxanne na sinusubukang buksan ang pinto. "Buksan mo 'to!" Nagsusumigaw siya pero tumigil din siya dahil alam niyang hindi ito makikinig. Inilabas niya nalang ang kanyang phone sa bulsa para humingi ng tulong pero napailing siya nang makita na wala na naman itong baterya. Gusto niya itong ihampas pero ibinalik niya nalang ito sa loob ng bulsa. Wala siyang nagawa kung hindi maupo nalang sa gilid. Napatingin din siya sa paligid at nakitang puro mga lumang kagamitan ang nakatambak, habang namamatay-matay naman ang ilaw sa kisame. Napasandal siya sa pader habang sinusubukan na maka-idlip dahil inaantok siya. Napagod siya sa kaka-tortore kay Naomi kanina at hindi niya maiwasan na nakaramdam ng pagkadismaya sa sarili dahil nagawa n
"Manmanan mo sila ngayon din!" Utos ni Jameson kay Secretary Brian bago pinutol ang tawag. Tumigil na rin siya sa pagwawala at naupo nalang sa couch habang hinihimas-himas ang kanyang sumasakit na ulo. Naging kalmado naman siya matapos ang ilang minuto at nakapagisip-isip ng maayos. Gusto niyang magalit ng husto kay Roxanne ngunit mas nangangamba siya ngayon dahil sa ginawa niyang bagay na ipinabigay niya ang transplant ng ama ni Roxanne sa ama ni Savannah. Tinagawan niya ulit ang sekretarya para pagsabihan na bilisan ang paghahanap ng ibang kidney at lung source para kaagad siyang makabawi sa asawa. Tumayo na si Jameson at pumunta sa apartment ni Savannah. Nadatnan niya itong nagluluto sa kusina. Nasurpresa naman si Savannah na makita siya. "Oh, dito ka na naman ba matutulog?" "Alam kong alam mo na ang balita sa ama mo pero sinasabihan kitang huwag na huwag mo itong ipapaalam kay Roxanne, o kung hindi, mapapahamak ka at ng ama mo." Babala ni Jameson. Kumunot ang noo ni
Pasilip na tumingin si Paris kay Lance na nakaupo sa hapag-kainan at naghihintay ng hapunan, at sandaling nag-alinlangan siya."Kuya, hindi talaga ako makakapunta ngayong gabi. Nag-leave ang yaya namin sa bahay, at hindi ako mapalagay na iwan si Lance mag-isa.""Eh ‘di isama mo na lang siya rito. Ako na muna ang bahala sa kanya. Pagkatapos mong makausap ang mga investor, saka mo na lang siya iuwi."Sa narinig na kaba sa boses ni Zach, alam na ni Roxanne na mahirap na siyang tumanggi sa celebration party ngayong gabi.Napakagat siya sa labi at mahina niyang sabi, "Sige, tatanungin ko muna si Lance."Matapos ibaba ang tawag, lumapit si Roxanne sa mesa, lumuhod sa tabi ng anak at tinitigan ito nang malumanay."Baby Lance, may pupuntahan si mama ngayong gabi. Celebration party lang naman, pero hindi ako mapalagay na iwan ka mag-isa sa bahay. Gusto mo bang sumama kay mommy? Sandali lang naman ito."Tumingin si Lance sa kanya, at matapos ang ilang segundong katahimikan ay tumango ito, "Sige
"Mr. Devon..."Nang lumingon si Devon, tumigil ang mga hakbang ni Secretary Kenneth.Ang mga mata niya ay ganap na naiiba kumpara sa mga mata ni Roxanne nang malunod siya sa dagat. Ngayon, ang mga mata niya ay walang emosyon at malamig, katulad ng hindi mabait at matigas na nakilala niya sa Pharmanova noon.Mukhang naging matagumpay ang hypnosis ni Mr. Devon."Ano ang nangyari?" Nagtataka si Kenneth.Ang mga mata ni Madame Julie ay nagdulot sa kanya ng takot na huwag siyang magsasalita o kung hindi, paparusahan siya nitoTumingin si Secretary Kenneth kay Devon at nagsabi nang kalmado, "Sir Devon, dumaan lang ako upang ipaalala sa’yo na may mahalagang meeting bukas ng hapon.""Oo, lumabas ka na at maghintay sa akin, babalik ako sa kumpanya sa loob ng sampung minuto.""Okay, boss."Pagkaalis ni Secretary Kenneth, tumingin si Devon kay Madame Julie, "Pag-iisipan ko ang pagkuha ng kumpanya ni Lolo gaya ng sinabi mo, pero para sa akin, ang Pharmanova ang pinakamahalaga."Tumango si Madame J
Tumigil si Devon, humarap at tiningnan si Dr. Rex, ang mga mata nito ay kumikislap ng malamig na tingin, "Ano ang sinasabi mo?"Medyo natakot si Dr. Rex sa mga tingin ni Devon na tila kayang tingnan at makita ang lahat, ngunit nanatili siyang may magaan na ngiti sa kanyang mukha."Sir Devon, nais ko lang sanang pag-usapan ang kalagayan ng inyong ina. Si Jameson ay nag-aalaga sa inyong ina sa itaas at bababa rin siya agad."Tiningnan siya ni Devon at dahil sa hindi niya maintindihan, hindi niya napigilang maglakad papunta sa kanya.Pagkaupo sa tapat ni Dr. Rex, nagsalita si Devon nang malalim ang boses, "Ano ang nais mong sabihin sa akin?"Ngumiti si Dr. Rex at nagsabi, "Sir Devon, hindi po ba't alam niyo? Hindi po maganda ang pagtulog ng inyong ina kamakailan at siya'y may sleep disorder. Para sa mga taong sa ganitong edad, ang pagkakaroon ng sleep disorder ay isang delikadong bagay..."Sa simula, naririnig pa ni Devon ang mga sinasabi nito, ngunit habang tumatagal, napansin niyang hin
Kinabukasan ng umaga, kakarating pa lang ni Devon sa kumpanya nang makatanggap siya ng tawag mula sa lumang bahay ng pamilya, sinabing may sakit si Madame Julie at hinihiling na bumalik siya.Bahagyang yumuko si Devon, malamig ang boses, "Kung may sakit siya, maghanap kayo ng doktor. Hindi naman ako doktor."“Sir …” ang tinig sa kabilang linya ay tila walang magawa, sabay buntong-hininga. “Kitang-kita naman sa lahat na nag-aalala ang iyong ina. Mula nang mag-away kayo, iniisip na niya kung paano aayusin ang relasyon niyo. Sobrang nag-aalala na siya…”“Marami akong ginagawa ngayon. Pag-usapan na lang natin ’yan kapag may oras ako.”Matapos iyon, agad niyang ibinaba ang tawag.Ibinaba ng katulong ang telepono at maingat na tumingin kay Madame Julie na nasa gilid at galit ang mukha. “Madame… ayaw pong bumalik ng iyong anak…”Malamig siyang tiningnan ni Madame Julie, “Hindi ako bingi.”Nataranta ang katulong sa lamig ng tingin ng babae kaya agad siyang yumuko at hindi na muling nagsalita.
Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hum
Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadis
Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss Devon… pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga security
Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isa’t isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit p
"Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.”"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n