Hoping na nakasubaybay pa rin kayo! Pagpasensyahan niyo na marami ring ginagawa ang author ðĪ but araw-araw sinisigurado kong makakapag-update ako ng dalawang besesâĪïļ
Nanatili naman si Roxanne sa tabi ni Grace ng isa pang oras pero umalis na siya nang makarating na ang ina nitong si Helena. Sa sumunod na araw, nakabalik na si Roxanne sa trabaho at nagkita sila ni Secretary Brian sa sa hagdan. "Madame, may ipinapabigay po si Sir Jameson." Aniya at iniabot ang paperbag. "Sabihan mo siya na hindi ko ito matatanggap." Seryosong niyang sabi at tumalikod. *** Isang gabi, papauwi na si Roxanne mula sa pamamalengke at pag-uwi niya sa apartment. Nagitla siya na makita si Jameson sa labas ng pinto. "Umuwi ka na, Roxanne. Gusto kong bumawi sa kaarawan mo." Aniya. "Kung babalik lang ako para ikulong mo sa basement, huwag nalang." Pagtataray niya. "Roxanne, I'm sorry, nadala lang ako sa galit. Hindi ka kasi nagpapaalam sa akin, natural magagalit ako." Tugon nito. Naiinis si Roxanne sa kanyang nagpapaawang mukha. "Ewan ko sayo, umuwi kang mag-isa dahil dito ako mananatili hangga't mainit pa ang ulo ko." "Roxanne, sorry na kung hindi kita pinakingg
Nang makarating sina Roxanne at Jameson sa mansyon nina Lolo Gerald sa Valencia, bumaba sila sa parking lot at napansin ang ibang mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa tabi. Maraming mga bumisita ang pumunta ngayon sa kaarawan ni Lola Ofelia. Kilala pa rin siya hanggang ngayon bilang isa sa mga mayamang tao sa bayan. At kapatid niya si Lolo Gerald. Naglakad ang dalawa papasok sa mansyon at namangha sila na makita ang maraming tao sa main hall. Karamihan sa mga tao na nasa paligid ay nagmula rin sa mga mayayamang pamilya. Maririnig ang kanilang mga tawanan sa paligid habang umiinom sila ng mga mamahaling alak na hinanda ng pamilya Delgado. Habang makikita si Lolo Gerald at Lola Ofelia sa gitnang bahagi kung saan ay nakaupo sila sa mamahaling upuan at nandoroon din si Madame Julie. "Halika, punta tayo sa gawi nila." Anyaya ni Jameson kay Roxanne pero medyo nahihiya siyang lumapit doon. Pinilit naman siya ni Jameson kaya wala siyang magawa kung hindi sabayan siya. Paglapit n
"Lalapitan mo na naman ang asawa ko?" Tanong ni Jameson. Medyo nasurpresa si Devon sa pagsulpot nito pero hindi na siya magugulat pa sa inaasta nito sa kanya. "Calm down, dumaan lang ako, sobrang nerbyoso mo naman." Pang-aasar ni Devon, at wala siyang magawa kung hindi lumihis ng daan. Umiiwas nalang siya ng eskandalo dahil mainit ang ulo ng kapatid sa kanya. Nilingon naman ni Jameson ang asawa at gustong lapitan pero may tumawag sa kanya na ibang panauhin kaya nawala ito sa kanyang paningin. Habang si Roxanne ay nanonood lang sa fountain habang umiinom ng alak pero may lumapit sa kanyang katulong. "Ma'am Roxanne, ipinatawag po kayo ni Madame Julie sa kabilang building." Sabi nito. Kumunot ang noo ni Roxanne. "Bakit daw po?" "Hindi ko po alam, Ma'am, puntahan niyo nalang po." Tugon nito. Tumango si Roxanne at tumuloy sa labas, pumunta siya sa kabilang dako kung saan mayroong isang kulay itim na dalawang palapag na building. Pagpasok niya sa pinto, wala siyang makitang t
"Roxanne..." Binulong ni Devon ang kanyang pangalan. Pareho silang nagtitigan at bakas sa mata ni Devon ang pagnanasa kaya nagdulot ito kay Roxanne na kabahan. "Devon..." Bigkas din ni Roxanne sa kanyang pangalan. Saglit na nawala si Devon sa kanyang katinuan at nadadala siya ng kanyang pagkasabik sa babae. Hinawakan niya ang mukha nito patungo sa likuran na bahagi ng kanyang ulo at hinihimas ang kanyang buhok. Nagitla si Roxanne sa kanyang ginagawa pero nagustuhan niya ang pakiramdam na iyon kaya hinayaan niya lang. Ngunit nakaramdam si Roxanne na maling mali na mahulog siya ng tuluyan kay Devon dahil maraming komplikadong bagay ang hahadlang sa kanilang dalawa. Pareho silang matagal ng tinatago ang kanilang nararamdaman ngunit mas lalo itong lumalalim hanggang sa hindi na nila ito magawang pigilan. Sa isang iglap, parehong nagdikit ang kanilang mga labi at nag-aalab din ang kanilang mga puso. Nanlaki naman ang mga mata ni Roxanne nang mapagtanto na hindi ito maaring
Saglit na umalis si Jameson para magbanyo kaya doon na humirit si Lolo Gerald kay Roxanne. "Papaano ka naman nakalabas?" Seryoso niyang tanong. Kumunot ang noo ni Roxanne, nagpapanggap na walang nalalaman. "Sorry? Ano pong ibig niyong sabihin?" Natawa ng mahina si Lolo Gerald dahil sa kanyang pagkasarkastiko. "Talaga ba? Mabuti." Ngumisi siya ng kakaiba. Pagka-alis ng matanda, nakahinga ng maluwag si Roxanne sa kanyang kinauupuan. At nakita niya rin ulit si Devon na bumalik sa loob ng main hall, nakita niyang nagpalit ito ng suot at pansin niya ang seryoso nitong mukha. "Devon? Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Lola Ofelia na tinawag para lumapit sa kanilang gawi. "Natapunan lang ako ng wine, kaya nagpalit ako saglit." Pagrarason ni Devon. "Bakit po, Lola?" "Apo, matatapos na ang party. Gusto kang makausap ni Ms. Normani." Aniya. Nababanas si Devon sa kanyang lola na lagi nalang siyang tinutulak sa mga babaeng wala siyang interes. "I already told y
Walang nasabi si Jameson sa asawa dahil kahit anong gawin niyang pambabakod dito, malalapitan pa rin ito ng kapatid na si Devon. Kaya useless lang ang pagbabanta niya dahil hindi naman ito natatakot. Pumasok na sa sasakyan si Roxanne at ihahatid naman siya ni Jameson pabalik sa kanyang tinutuluyan na apartment. Sa gitna ng biyahe tahimik lang ang dalawa at nakatutuk naman ang mga mata ni Roxanne sa labas ng bintana. Hanggang sa nakarating na sila sa wakas at bumaba na si Roxanne sa kanyang sasakyan. "I'm just hoping na wala kang kinalaman sa nangyari. Ayaw kong madadamay ka sa alitan nila." Aniya. Napahinto si Roxanne sa paglalakad patungo sa taas. "Ba't ba dinidiin mo ako sa bagay na iyon? Sinabi ko ng hindi diba?" "Nagtataka pa rin ako dahil sa pagkawala mo ng ilang minuto kanina sa party." Dikta ni Jameson. "Mabuti pa umuwi ka na. Gabing-gabi na." Pangtataboy ni Roxanne. Tumalikod na siya at umakyat sa taas. Nang makapasok siya sa loob at nagbihis ng pantulog, naisipan
Naupo si Roxanne sa gilid ng kama ng kanyang ama na si Emmanuel at naaawa siya rito dahil wala siyang magawa para makakuha ng transplant. "Pa, pasensya na po kung wala pa po kaming mahanap na source ng inyong kidney lalo na ang lungs." Pag-aalala ni Roxanne. "Anak, huwag mo muna akong alalahanin. Kung maari ayusin mo muna ang problema mo, alam kong hindi na maganda ang relasyon ninyo ni Jameson." Seryosong sabi ni Emmanuel, kita niya sa mukha nito na nagtitiis ito para sa kanya. Naluluha si Roxanne na hindi alam kung papaano ipapaliwanag sa ama ang lahat. "Pa, kailangan kitang unahin. Mas mahalaga ang kalusugan mo." Nasasaktan na si Emmanuel na makita ang kanyang anak na nagdudusa at napagdesisyunan niyang ma-discharge nalang sa hospital. Ngunit alam niyang mas lalong manghihina ang anak kapag may mangyayari sa kanyang masama. Nang makatulog ulit ang ama niya, inihatid naman siya ni Tita Martha sa labas para makauwi na siya. "Roxanne, ikaw na ang bahalang magdesisyon pero huw
Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jameson nang marinig ang sinabi ni Roxanne. "P-papaano mo ito nalaman?" Nauutal niyang tanong. Ngunit hindi na siya sinagot ni Roxanne na dumeretso sa labas nang tumuntong na sila sa unang palapag. Sumunod din si Jameson na hinahabol siya dahil sa bilis niyang maglakad. "Roxanne, na-aksidente ang ama ni Savannah at nasa kritikal na kondisyon kaya wala akong nagawa kung hindi tulungan siya!" Natigilan si Roxanne at nilingon siya. "At anong pakialam ko?! You just made a choice and it's clear now, si Savannah ang priority mo!" Napailing si Jameson. "That's not true!" "Shut up! Paikot-ikot nalang tayo dito at hindi na ako makapaghintay na maghiwalay tayo!" Sigaw ni Roxanne, wala siyang pakialam kung may ibang makakarinig. Dumeretso si Roxanne sa sasakyan na pinahiram ni Devon sa kanya at mag-isa siyang pupunta sa Valencia para tapusin na ang ugnayan niya kay Jameson. "Roxanne! Tumigil ka!" Hinarangan naman ni Jameson ang kanyang dinar
Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hum
Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?âWalang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadis
Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss DevonâĶ pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga security
Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isaât isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit p
"Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.â"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n
Nanlumo si Daphne sa narinig. âVincent! Huwag mo akong tratuhin ng ganito please?? Hayaan mo akong bumawi sayo.â Pagmamakaawa niya pa.Nakita ni Vincent ang itsura niya at wala siyang naramdaman kundi matinding pagkasuklam. "Daphne, ilang beses na kitang binigyan ng chance pero pinatunayan mo lang kung gaano ka kasama.â"Vincent, please!" Piliting itinukod ni Daphne ang kanyang sarili sa sahig at gumapang papunta sa pinto, ngunit bago pa siya makarating doon, dalawang lalaking naka-itim ang humawak sa kanya at marahas siyang hinila palayo. "Hindi! Vincent, pakiusap, palayain mo ako! Pakiusap..." Unti-unting humina ang kanyang mga sigaw hanggang sa tuluyang mawala. Sa ilalim ng malamig na titig ni Vincent, hindi maiwasang bumigat ang dibdib ng kanyang sekretarya na mayroong koneksyon kay Daphne. Mahigpit niyang pinisil ang kanyang kamao, pinaglalabanan ang sarili. Kung malalaman ni Vincent ang totoo, tiyak na hindi na siya makakabalik pa. Pero kahit hindi niya sabihin, siguradong m
Si Vincent ay kasalukuyang nakikipag-usap sa isang kasosyo sa negosyo nang biglang bumukas nang malakas ang pinto. Pumasok si Devon, malamig ang aura at puno ng tensyon ang mukha. Sumunod naman sa kanya ang secretary na halatang hindi nagustuhan ang pangyayari. "Sir Vincent, hindi ko mapigilan si Sir Devon..." Tinapunan lang ni Vincent ng tingin si Devon, "Alam ko, lumabas ka muna." Ang kasosyong negosyante sa tabi niya ay kilala rin si Devon, ngunit sa hitsura nito ngayon, hindi siya naglakas-loob lumapit at makipagsapalaran. Agad siyang tumayo at nagpaalam. Nang silang dalawa na lang sa opisina, agad bumigat ang hangin sa paligid. Tinitigan ni Vincent si Devon, alam niyang hindi na niya ito matatakasan. Alam din niyang matapos ang maraming taon ng pagkakaibigan nila, ito na ang katapusan. "Ang aksidente sa sasakyan ni Roxanne, ako ang may kagagawan... pero hindi ko inakalang hahantong ito sa ganito. Devon, hindi koâ" Bago pa siya matapos, dumapo na ang kamao ni Devon sa kanyan
Gustong lumapit ni Devon, pero mahigpit siyang hinawakan ng dalawang lalaki. "Boss, tumalon na si Roxanne... Kahit sumunod ka sa kanya ngayon, wala rin itong silbi..." "Bitawan niyo ako!" Ramdam ang matinding galit na bumalot sa buong katawan ni Devon, dahilan para manginig sa takot ang mga nakapaligid sa kanya. Naramdaman ng dalawang bodyguard ang malamig na aura niya, pero hindi pa rin sila naglakas-loob na pakawalan siya. Habang nagkakainitan ang sitwasyon, biglang dumating si Secretary Kenneth. Lumapit siya at tiningnan si Devon. "Boss Devon, nagpadala na ako ng mga tao para hanapin siya. Magkakaroon din tayo ng balita sa lalong madaling panahon." Nang makita niyang unti-unting kumalma ang ekspresyon ni Devon, tumingin si Secretary Kenneth sa mga bodyguard. "Sige, bitawan niyo si Boss Devon." Nag-atubili ang dalawang bodyguard, pero matapos ang ilang segundo, binitawan din nila si Devon. Gayunpaman, hindi nila inalis ang tingin sa kanya upang maiwasan ang anumang hindi inaas
Tumunog ang telepono nang matagal bago sinagot ng kabilang linya. "Ano'ng kailangan mo?" Paos ang boses at malamig ang tono, halatang masama ang pakiramdam. Malamig na sinabi ni Jameson, "Devon, alam mo na ba ang tungkol sa aksidente ni Roxanne? Malaki ang posibilidad na si Daphne ang may kagagawan nito!" Pagkalipas ng ilang segundong katahimikan, sumagot si Devon, "May pruweba ka ba?" May pang-uuyam sa tono ni Jameson. "Pruweba? Sinuri ko ang call records ni Savannah. Ilang beses siyang tumawag sa isang empleyado ng Pharmanova. Sa araw mismo ng aksidente ni Roxanne, nagkaroon pa sila ng pag-uusap. Bukod doon, may natanggap akong mensahe mula kay Savannah hindi pa gaanong katagal. Pitong salita lang iyon, pero sigurado akong may kinalaman iyon kay Daphne!" Pagkasabi niya noon, biglang ibinaba ang telepono. Tinawag ni Devon si Secretary Kenneth sa opisina. "Alamin mo kung may koneksyon sina Savannah at Daphne kamakailan. At isa pa... imbestigahan mo rin si Vincent." Nagulat si