Share

CHAPTER 113-PLOT

Author: Leigh Obrien
last update Last Updated: 2024-10-23 16:52:45
"Lalapitan mo na naman ang asawa ko?" Tanong ni Jameson.

Medyo nasurpresa si Devon sa pagsulpot nito pero hindi na siya magugulat pa sa inaasta nito sa kanya.

"Calm down, dumaan lang ako, sobrang nerbyoso mo naman." Pang-aasar ni Devon, at wala siyang magawa kung hindi lumihis ng daan. Umiiwas nalang siya ng eskandalo dahil mainit ang ulo ng kapatid sa kanya.

Nilingon naman ni Jameson ang asawa at gustong lapitan pero may tumawag sa kanya na ibang panauhin kaya nawala ito sa kanyang paningin.

Habang si Roxanne ay nanonood lang sa fountain habang umiinom ng alak pero may lumapit sa kanyang katulong.

"Ma'am Roxanne, ipinatawag po kayo ni Madame Julie sa kabilang building." Sabi nito.

Kumunot ang noo ni Roxanne. "Bakit daw po?"

"Hindi ko po alam, Ma'am, puntahan niyo nalang po." Tugon nito.

Tumango si Roxanne at tumuloy sa labas, pumunta siya sa kabilang dako kung saan mayroong isang kulay itim na dalawang palapag na building.

Pagpasok niya sa pinto, wala siyang makitang t
Leigh Obrien

Ayay! Si Lolo siguro maglalayag kay Devon at Roxanne ah🤣 PS: Maaga tayo for today's update🥳

| 7
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (6)
goodnovel comment avatar
Luna Lameg
ah ah ah ayan na sana sila nlang tlga
goodnovel comment avatar
Leigh Obrien
Kaya pa mhie?...
goodnovel comment avatar
Leigh Obrien
Okay lang yan...
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 114-PRICKLY

    "Roxanne..." Binulong ni Devon ang kanyang pangalan. Pareho silang nagtitigan at bakas sa mata ni Devon ang pagnanasa kaya nagdulot ito kay Roxanne na kabahan. "Devon..." Bigkas din ni Roxanne sa kanyang pangalan. Saglit na nawala si Devon sa kanyang katinuan at nadadala siya ng kanyang pagkasabik sa babae. Hinawakan niya ang mukha nito patungo sa likuran na bahagi ng kanyang ulo at hinihimas ang kanyang buhok. Nagitla si Roxanne sa kanyang ginagawa pero nagustuhan niya ang pakiramdam na iyon kaya hinayaan niya lang. Ngunit nakaramdam si Roxanne na maling mali na mahulog siya ng tuluyan kay Devon dahil maraming komplikadong bagay ang hahadlang sa kanilang dalawa. Pareho silang matagal ng tinatago ang kanilang nararamdaman ngunit mas lalo itong lumalalim hanggang sa hindi na nila ito magawang pigilan. Sa isang iglap, parehong nagdikit ang kanilang mga labi at nag-aalab din ang kanilang mga puso. Nanlaki naman ang mga mata ni Roxanne nang mapagtanto na hindi ito maaring

    Last Updated : 2024-10-23
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 115-OPPOSE

    Saglit na umalis si Jameson para magbanyo kaya doon na humirit si Lolo Gerald kay Roxanne. "Papaano ka naman nakalabas?" Seryoso niyang tanong. Kumunot ang noo ni Roxanne, nagpapanggap na walang nalalaman. "Sorry? Ano pong ibig niyong sabihin?" Natawa ng mahina si Lolo Gerald dahil sa kanyang pagkasarkastiko. "Talaga ba? Mabuti." Ngumisi siya ng kakaiba. Pagka-alis ng matanda, nakahinga ng maluwag si Roxanne sa kanyang kinauupuan. At nakita niya rin ulit si Devon na bumalik sa loob ng main hall, nakita niyang nagpalit ito ng suot at pansin niya ang seryoso nitong mukha. "Devon? Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Lola Ofelia na tinawag para lumapit sa kanilang gawi. "Natapunan lang ako ng wine, kaya nagpalit ako saglit." Pagrarason ni Devon. "Bakit po, Lola?" "Apo, matatapos na ang party. Gusto kang makausap ni Ms. Normani." Aniya. Nababanas si Devon sa kanyang lola na lagi nalang siyang tinutulak sa mga babaeng wala siyang interes. "I already told y

    Last Updated : 2024-10-24
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 116-CONFIDE

    Walang nasabi si Jameson sa asawa dahil kahit anong gawin niyang pambabakod dito, malalapitan pa rin ito ng kapatid na si Devon. Kaya useless lang ang pagbabanta niya dahil hindi naman ito natatakot. Pumasok na sa sasakyan si Roxanne at ihahatid naman siya ni Jameson pabalik sa kanyang tinutuluyan na apartment. Sa gitna ng biyahe tahimik lang ang dalawa at nakatutuk naman ang mga mata ni Roxanne sa labas ng bintana. Hanggang sa nakarating na sila sa wakas at bumaba na si Roxanne sa kanyang sasakyan. "I'm just hoping na wala kang kinalaman sa nangyari. Ayaw kong madadamay ka sa alitan nila." Aniya. Napahinto si Roxanne sa paglalakad patungo sa taas. "Ba't ba dinidiin mo ako sa bagay na iyon? Sinabi ko ng hindi diba?" "Nagtataka pa rin ako dahil sa pagkawala mo ng ilang minuto kanina sa party." Dikta ni Jameson. "Mabuti pa umuwi ka na. Gabing-gabi na." Pangtataboy ni Roxanne. Tumalikod na siya at umakyat sa taas. Nang makapasok siya sa loob at nagbihis ng pantulog, naisipan

    Last Updated : 2024-10-25
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 117-MENACE

    Naupo si Roxanne sa gilid ng kama ng kanyang ama na si Emmanuel at naaawa siya rito dahil wala siyang magawa para makakuha ng transplant. "Pa, pasensya na po kung wala pa po kaming mahanap na source ng inyong kidney lalo na ang lungs." Pag-aalala ni Roxanne. "Anak, huwag mo muna akong alalahanin. Kung maari ayusin mo muna ang problema mo, alam kong hindi na maganda ang relasyon ninyo ni Jameson." Seryosong sabi ni Emmanuel, kita niya sa mukha nito na nagtitiis ito para sa kanya. Naluluha si Roxanne na hindi alam kung papaano ipapaliwanag sa ama ang lahat. "Pa, kailangan kitang unahin. Mas mahalaga ang kalusugan mo." Nasasaktan na si Emmanuel na makita ang kanyang anak na nagdudusa at napagdesisyunan niyang ma-discharge nalang sa hospital. Ngunit alam niyang mas lalong manghihina ang anak kapag may mangyayari sa kanyang masama. Nang makatulog ulit ang ama niya, inihatid naman siya ni Tita Martha sa labas para makauwi na siya. "Roxanne, ikaw na ang bahalang magdesisyon pero huw

    Last Updated : 2024-10-27
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 118-SETTLE

    Parang binuhusan ng malamig na tubig si Jameson nang marinig ang sinabi ni Roxanne. "P-papaano mo ito nalaman?" Nauutal niyang tanong. Ngunit hindi na siya sinagot ni Roxanne na dumeretso sa labas nang tumuntong na sila sa unang palapag. Sumunod din si Jameson na hinahabol siya dahil sa bilis niyang maglakad. "Roxanne, na-aksidente ang ama ni Savannah at nasa kritikal na kondisyon kaya wala akong nagawa kung hindi tulungan siya!" Natigilan si Roxanne at nilingon siya. "At anong pakialam ko?! You just made a choice and it's clear now, si Savannah ang priority mo!" Napailing si Jameson. "That's not true!" "Shut up! Paikot-ikot nalang tayo dito at hindi na ako makapaghintay na maghiwalay tayo!" Sigaw ni Roxanne, wala siyang pakialam kung may ibang makakarinig. Dumeretso si Roxanne sa sasakyan na pinahiram ni Devon sa kanya at mag-isa siyang pupunta sa Valencia para tapusin na ang ugnayan niya kay Jameson. "Roxanne! Tumigil ka!" Hinarangan naman ni Jameson ang kanyang dinar

    Last Updated : 2024-11-03
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 119-STATEMENT

    "Mabuti pa ngang maghiwalay na kayong dalawa. Wala ng kabuluhan pa na manatili ka sa pamilya namin, Roxanne." Giit ni Lolo Gerald. Napangisi si Roxanne. "Mabuti naman at may naisip ka ring tama." Sarkastiko niyang sabi. Nababanas na si Roxanne na makita ang pagmumukha ni Gerald na siyang may koneksyon sa nangyaring pagsabog ng kompanya ng ama at pagkamatay ng ina. Gustuhin niya mang ibunyag ang malaking sekretong iyon pero hindi niya pa muna ito magagawa hangga't wala siyang malakas na ebidensya. "No way! Hindi ko hahayaan na mangyari ang gusto mo, Roxanne!" Dikta ni Jameson. Hindi nagpatinag si Roxanne na matapang siyang tiningnan. "Jameson, kung hindi tayo maghihiwalay, mapipilitan akong ilabas ang mga kababuyan niyo ni Savannah!" Banta niya. Mayamaya pa napag-usapan na ng lahat ang tungkol sa kanilang diborsyo at sumang-ayon sila sa paghihiwalay maliban kay Jameson pero wala siyang magawa. Matapos nilang magbangayan doon, nauna ng umalis si Roxanne at nagmaneho siya paba

    Last Updated : 2024-11-03
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 120-IGNORE

    Napaisip naman si Roxanne kung bakit niyayaya siya nitong maghapunan ngayon. Magtetext din sana siya pero may bagong mensahe na ipinadala si Devon. "Ate Roxanne, sino pong nag-tetext sa inyo? Mukhang ang tamis ng ngiti ninyo, ah." Sabi ni Frizza na kanina pa napansin ang kanyang kinikilig na ekspresyon. Napailing naman si Roxanne, "Wala lang, may napanood lang." Palusot niya naman. "Talaga ba? Eh, namumula ka na nga, eh." Nagdududa si Frizza na baka si Devon ang kausap nito, ramdam niya kasing may chemistry silang dalawa at pati siya ay kinikilig kapag magkasama sila. "Echosera ka rin talaga, Frizza. Halika ka na nga." Suway ni Roxanne at hinila siya papasok sa elevator. Nang makalabas sila doon, agad silang dumeretso sa parking lot at natigilan si Roxanne na makita si Devon na nakatayo sa tapat at nakasandal sa kanyang sasakyan. Siniko naman siya ni Frizza. "Mukhang may date ka ngayon, Ate Roxy kaya mauuna na ako." Bulong niya at nauna ng umalis. Naiwan si Roxanne

    Last Updated : 2024-11-04
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 121-DESTROY

    Umawang ang bibig ni Jameson sa tapang ni Roxanne na sabihin iyon. Ramdam niyang mukhang lumalakas ang kompyansa nito ngayong kakampi niya na si Devon. "Sasama ka sa'kin o ilalabas ko ang totoo na may ugnayan ding kayong dalawa??" Pananakot ni Jameson. Parehong kumunot ang noo ni Roxanne at Devon sa kanyang sinabi. At kumuyom naman ang kamao ni Devon dahil sa sobrang bastos nito na dito pa sa publiko gagawa ng panibagong gulo. "Subukan mo, maraming mawawala sayo." Hirit ni Devon. "Wala ng silbi ang panakot mo, Devon dahil wala na akong pakialam pa sa kompanya!" Sigaw niya. Umigting naman ang panga ni Devon. "Talagang wala ka na talagang pakialam? O sadyang hindi mo lang matanggap na magtatapos na ang kasal niyo ni Roxanne??" Pikon na pikon si Jameson sa kapatid na alam niyang hinihila sa kanya papalayo ang asaw. "Ano masaya ka na?! Ikaw lang naman ang nagtutulak sa asawa ko na hiwalayan ako!" "Ang kapal ng mukha mong sisihin ako?! Sino bang nagloko dito??" Inis na sabi ni

    Last Updated : 2024-11-04

Latest chapter

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2- C. 2

    Pasilip na tumingin si Paris kay Lance na nakaupo sa hapag-kainan at naghihintay ng hapunan, at sandaling nag-alinlangan siya."Kuya, hindi talaga ako makakapunta ngayong gabi. Nag-leave ang yaya namin sa bahay, at hindi ako mapalagay na iwan si Lance mag-isa.""Eh ‘di isama mo na lang siya rito. Ako na muna ang bahala sa kanya. Pagkatapos mong makausap ang mga investor, saka mo na lang siya iuwi."Sa narinig na kaba sa boses ni Zach, alam na ni Roxanne na mahirap na siyang tumanggi sa celebration party ngayong gabi.Napakagat siya sa labi at mahina niyang sabi, "Sige, tatanungin ko muna si Lance."Matapos ibaba ang tawag, lumapit si Roxanne sa mesa, lumuhod sa tabi ng anak at tinitigan ito nang malumanay."Baby Lance, may pupuntahan si mama ngayong gabi. Celebration party lang naman, pero hindi ako mapalagay na iwan ka mag-isa sa bahay. Gusto mo bang sumama kay mommy? Sandali lang naman ito."Tumingin si Lance sa kanya, at matapos ang ilang segundong katahimikan ay tumango ito, "Sige

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    SEASON 2. C.1

    "Mr. Devon..."Nang lumingon si Devon, tumigil ang mga hakbang ni Secretary Kenneth.Ang mga mata niya ay ganap na naiiba kumpara sa mga mata ni Roxanne nang malunod siya sa dagat. Ngayon, ang mga mata niya ay walang emosyon at malamig, katulad ng hindi mabait at matigas na nakilala niya sa Pharmanova noon.Mukhang naging matagumpay ang hypnosis ni Mr. Devon."Ano ang nangyari?" Nagtataka si Kenneth.Ang mga mata ni Madame Julie ay nagdulot sa kanya ng takot na huwag siyang magsasalita o kung hindi, paparusahan siya nitoTumingin si Secretary Kenneth kay Devon at nagsabi nang kalmado, "Sir Devon, dumaan lang ako upang ipaalala sa’yo na may mahalagang meeting bukas ng hapon.""Oo, lumabas ka na at maghintay sa akin, babalik ako sa kumpanya sa loob ng sampung minuto.""Okay, boss."Pagkaalis ni Secretary Kenneth, tumingin si Devon kay Madame Julie, "Pag-iisipan ko ang pagkuha ng kumpanya ni Lolo gaya ng sinabi mo, pero para sa akin, ang Pharmanova ang pinakamahalaga."Tumango si Madame J

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 256-HYPNOSIS

    Tumigil si Devon, humarap at tiningnan si Dr. Rex, ang mga mata nito ay kumikislap ng malamig na tingin, "Ano ang sinasabi mo?"Medyo natakot si Dr. Rex sa mga tingin ni Devon na tila kayang tingnan at makita ang lahat, ngunit nanatili siyang may magaan na ngiti sa kanyang mukha."Sir Devon, nais ko lang sanang pag-usapan ang kalagayan ng inyong ina. Si Jameson ay nag-aalaga sa inyong ina sa itaas at bababa rin siya agad."Tiningnan siya ni Devon at dahil sa hindi niya maintindihan, hindi niya napigilang maglakad papunta sa kanya.Pagkaupo sa tapat ni Dr. Rex, nagsalita si Devon nang malalim ang boses, "Ano ang nais mong sabihin sa akin?"Ngumiti si Dr. Rex at nagsabi, "Sir Devon, hindi po ba't alam niyo? Hindi po maganda ang pagtulog ng inyong ina kamakailan at siya'y may sleep disorder. Para sa mga taong sa ganitong edad, ang pagkakaroon ng sleep disorder ay isang delikadong bagay..."Sa simula, naririnig pa ni Devon ang mga sinasabi nito, ngunit habang tumatagal, napansin niyang hin

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 255-FEELS

    Kinabukasan ng umaga, kakarating pa lang ni Devon sa kumpanya nang makatanggap siya ng tawag mula sa lumang bahay ng pamilya, sinabing may sakit si Madame Julie at hinihiling na bumalik siya.Bahagyang yumuko si Devon, malamig ang boses, "Kung may sakit siya, maghanap kayo ng doktor. Hindi naman ako doktor."“Sir …” ang tinig sa kabilang linya ay tila walang magawa, sabay buntong-hininga. “Kitang-kita naman sa lahat na nag-aalala ang iyong ina. Mula nang mag-away kayo, iniisip na niya kung paano aayusin ang relasyon niyo. Sobrang nag-aalala na siya…”“Marami akong ginagawa ngayon. Pag-usapan na lang natin ’yan kapag may oras ako.”Matapos iyon, agad niyang ibinaba ang tawag.Ibinaba ng katulong ang telepono at maingat na tumingin kay Madame Julie na nasa gilid at galit ang mukha. “Madame… ayaw pong bumalik ng iyong anak…”Malamig siyang tiningnan ni Madame Julie, “Hindi ako bingi.”Nataranta ang katulong sa lamig ng tingin ng babae kaya agad siyang yumuko at hindi na muling nagsalita.

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 254-BLINDED

    Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hum

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 253-RECKLESS

    Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadis

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 252-DIDN'T NOTIFY

    Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss Devon… pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga security

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 251-TIRED

    Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isa’t isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit p

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 250-CRUEL FATE

    "Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.”"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status