Share

CHAPTER 121-DESTROY

Author: Leigh Obrien
last update Huling Na-update: 2024-11-04 22:14:55
Umawang ang bibig ni Jameson sa tapang ni Roxanne na sabihin iyon. Ramdam niyang mukhang lumalakas ang kompyansa nito ngayong kakampi niya na si Devon.

"Sasama ka sa'kin o ilalabas ko ang totoo na may ugnayan ding kayong dalawa??" Pananakot ni Jameson.

Parehong kumunot ang noo ni Roxanne at Devon sa kanyang sinabi. At kumuyom naman ang kamao ni Devon dahil sa sobrang bastos nito na dito pa sa publiko gagawa ng panibagong gulo.

"Subukan mo, maraming mawawala sayo." Hirit ni Devon.

"Wala ng silbi ang panakot mo, Devon dahil wala na akong pakialam pa sa kompanya!" Sigaw niya.

Umigting naman ang panga ni Devon. "Talagang wala ka na talagang pakialam? O sadyang hindi mo lang matanggap na magtatapos na ang kasal niyo ni Roxanne??"

Pikon na pikon si Jameson sa kapatid na alam niyang hinihila sa kanya papalayo ang asaw. "Ano masaya ka na?! Ikaw lang naman ang nagtutulak sa asawa ko na hiwalayan ako!"

"Ang kapal ng mukha mong sisihin ako?! Sino bang nagloko dito??" Inis na sabi ni
Leigh Obrien

Ano happy na o highblood pa rin ang mga readers ko d'yan? 🤣 Comment down nga, naaliw ako sa inyo🥳

| 11
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP
Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Janet Reodava
nkkakaba Miss A ang mga susunod na chapter pero klig pag moment time cna Devon at Roxanne
goodnovel comment avatar
Charma Berbanio
kailangan ba talagang magmalinis para sa tuloy ang kagaguhan
goodnovel comment avatar
Amy Irudistan Nolasco
Nakakakaba po Kung ano n mangyayari
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 122-REPLACE

    "At bakit ka tumatawag??" Inis na sinagot ni Jameson ang tawag ng kapatid. "Jameson, sirang-sira na ang kompanya niyo ngayon at sabihan mo si lolo na wala akong balak na tumulong. At kung gusto mong masalba pa ang kompanya niyo, mabuti pang bumaba ka na sa puwesto." Suhestiyon ni Devon. "Shut up! Wala ka ng pakialam pa sa kung anong gagawin ko! I know you're behind all of this, Devon!" Sigaw niya. "Pinagsasabihan lang kita kasi kung hindi ka makikinig. Then they'll kicked you out! I know you hate me, brother, but I still care for you." Sarkastikong pagkakasabi ni Devon. "Fuck you!" Kaagad na pinatay ni Jameson ang tawag at itinapon ang kanyang phone sa sahig kaya ito nabasag. Mahirap para kay Jameson ngayon na mawawalan siya ng posisyon at posibleng papalitan siya kahit ano mang oras. At hindi niya iyon kayang tanggapin. Tatadyakan niya sana ang phone sa sahig pero tumunog na naman ito at makikita niya ang pangalan ni Savannah. Mas lalo siyang naiirita pero pinili niya pa

    Huling Na-update : 2024-11-05
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 123-MAD

    Tumaas ang kilay ni Roxanne na makita ang screenshot. "Oh? At sure ka ba talagang ako ang may gawa n'yan?" "Oo dahil mayroon din akong nakuhang recording!" Giit pa ni Jameson at kaagad na binuksan ang audio file para mapakinggan nito. Matapos ito marinig ni Roxanne, natawa lang siya dahil alam niya sa sarili na hindi siya gumagawa ng kahit anong bagay para sirain si Jameson, dahil nagkusa si Devon na ilabas ang mga litrato para tulungan siyang makatakas sa asawa. "Ang galing mo namang kumuha ng ebidensya. Peke pa talaga? Tsk." Napailing siya sa kahibangan nito para idiin siya. "Hindi ako nag-iimbento, Roxanne. At huwag ka ng mag-deny dahil alam kong galit ka sa'kin at gagawin mo ang lahat para maghiwalay tayo!" Aniya. "Gagawin ang lahat? How dare you?? Hindi ako tulad mong desperado! Ikaw itong tarantadong gagawin ang lahat para masunod ang gusto mo. Kung ako ang dinidiin mong naglabas ng kataksilan niyo ni Savannah, sana noon pa, sira na kayong dalawa!" Kumukulo ang dug

    Huling Na-update : 2024-11-05
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 124-BAFFLED

    "At mapapatay mo ba talaga ako??" Mayroong panghahamon sa boses ni Jameson. Ngumisi si Devon na biglang kinalabit ang gatilyo at nanlaki ang mga mata ni Jameson dahil sasabog ang kanyang utak kapag naiputok nito ang baril. "Boom!" Pang-aasar ni Devon at natawa siya ng nakakaloko sa reaksyon ng kapatid. Napipikon si Jameson na pinagtitripan lang pala siya nito. "Gago ka! Walang nakakatawa!" Bulyaw niya. "Takot ka naman pala." Hirit pa ni Devon, ibinalik nito sa kanyang bulsa ang baril. Habang nasa gilid si Roxanne na sinapo ang kanyang noo, pati siya ay kinabahan na baka ipaputok ni Devon ang baril sa ulo ng kapatid. "Huwag mo akong sinisindak, Devon dahil baka maunahan kita." Giit ni Jameson at tumalikod, tinapunan niya rin muna ng tingin si Roxanne bago tuluyang umalis. "Roxanne, okay ka lang ba?" Pag-aalala ni Devon, napansin niyang namumutla ito. "O-oo, okay lang tsaka bakit ba tinakot mo ng ganoon ang kapatid mo. Loko ka rin, eh." Suway ni Roxanne. "Hangga't hindi

    Huling Na-update : 2024-11-06
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 125-SPILL

    Nalukot ang mukha ni Madame Julie na pati siya ay sinisisi nito. "Jameson! This is all your fault and you shouldn't blame anyone but yourself!" Minsan lang magalit si Madame Julie dahil palagi nalang siyang umiintindi sa kanyang anak. Si Jameson lamang ang kanyang laging inaabala dahil si Devon ay matino na at may desisyon na sa buhay. Umismid naman si Jameson na hindi pa rin matanggap ang pagkakamali niya. "Mom! This will not happened if Devon didn't interfere with my life! He stole everything from me even my wife!" "Walang kasalanan ang kapatid mo. Hindi mo dapat siya sinisisi sa kasalanan mo." Dikta pa ng ina niya. Patuloy pa rin na nagwawala si Jameson hanggang sa nagkaroon ng malalim na sugat ang kanyang braso. Nasugatan siya ng basag na salamin. Sobrang nataranta si Madame Julie at agad na nagpatawag ng doctor para tingnan ang sugat ng anak. *** Kinabukasan, nagising si Jameson na naramdaman ang mahapdi niyang sugat na binendahan ng doktor. Nahihilo rin siya matap

    Huling Na-update : 2024-11-06
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 126-CREEP

    Kumunot ang noo ni Devon kung bakit bigla nalang siyang tinawagan ng matanda para lang itanong iyon. "Grandma, may meeting ako ngayon. Pwede bang mamaya nalang??" Medyo kinakabahan din si Devon dahil baka may ginawa na naman si Jameson na katarantaduhan at dinadamay ang kanyang pangalan. "Sige, pumunta ka mamaya sa mansyon." Huling sabi ni Lola Ofelia at pinatay ang tawag. Pagkaputol ng tawag, tinawagan agad ni Devon si Secretary Kenneth para utusan ito para alamin kung anong ginawa ni Jameson. Bumalik din agad si Devon sa conference room para tapusin ang meeting. Mahalaga itong meeting kaya hindi siya maaring umalis. *** Pagsapit ng alas otso ng gabi, nagpunta si Devon sa mansyon ng matanda pagkatapos ay sa bahay ni Jameson at doon niya ito kinausap. "Sinisiraan mo na ako? Para ano? Dahil ba takot kang mapasakin si Roxanne??" Walang reaksyon ang mukha ni Jameson na nakaupo sa couch habang umiinom ng alak. "Oo, takot ako pero hindi kaayo maaring magsama. Kahit maghiwalay

    Huling Na-update : 2024-11-07
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 127-ADMIT

    "Ano ang mga ito??" Seryosong tanong ni Jameson na hindi masyadong maaninag ang mga nakasulat sa papel dahil sa kalasingan. "Wala ka ng pakialam! Ibigay mo ang phone ko!" Sinugod ni Roxanne ang lalaki at nilalayo doon sa mesa. "Roxanne, kumalma ka nga! Gusto kong mag-usap tayo ng maayos." Seryosong sabi ni Jameson at hinila siya para maupo. "Wala na nga akong balak na makipag-usap sayo. Ba't ba ang tigas ng ulo mo!" Sigaw ni Roxanne at nauubusan na ng pasensya. "Please, pakinggan mo muna ako." Pagmamatigas ni Jameson at nakatayo sa kanyang harapan. "Gusto kong ipaalam sayo na tatalikuran ko na ang pamilya ko at magsisimula ako ulit sa sarili kong kakayahan." Napanganga si Roxanne at pinagtaasan siya ng kilay. "Tapos?? Anong kinalaman ko sa mga plano mo?" Napabuntonghininga si Jameson na lumuhod bigla sa kanyang harapan. "Gusto kong magsimula ulit ng kasama ka. This time, I'll make everything right. I promise." Pakiramdam ni Roxanne ay para siyang binabangungot ngayon at g

    Huling Na-update : 2024-11-07
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 128-GRAB

    Nagmamadali ngayon si Devon na pumasok sa kanyang sasakyan at mabilis niya nitong iminaneho sa daan. Dumaan ang ilang minuto, nakarating na rin sa wakas si Devon sa apartment ni Roxanne. "Roxanne? Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong nito. "Devon, kailangan ko ng lumipat ng ibang bahay dahil nagagawa ni Jameson na sundan ako." Nababalisang sabi ni Roxanne. "Pinasok niya rin itong apartment mo?" Bakas sa boses ni Devon ang galit. "Oo, at hindi ko alam kung papaano siya nakapasok pero paniguradong may binayaran siyang tao rito." Parang maiiyak si Roxanne sa takot na wala siyang privacy mula sa malupit na asawa. Sinapo ni Devon ang kanyang noo, kung nandirito pa si Jameson ay tiyak na masusuntok niya ito sa mukha. "Sige, ako na ang bahala na maghanap ng malilipatan mong mas safe na lugar. Bukas na bukas, lilipat kita agad." Nanatili muna si Devon ng ilang minuto sa kwarto ni Roxanne para samahan ito at para pakalmahin. Nang makatulog na si Roxanne, nagpatawag siya ng body

    Huling Na-update : 2024-11-08
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 129-SAVED

    Sa sobrang pagkabigla ni Roxanne, nawalan siya ng malay at mabuting may sumalo sa kanya at idinala siya kaagad sa hospital. Nang magising siya, natagpuan niya ang nag-aalalang mukha ni Devon. At agad na napakayakap si Roxanne sa lalaki. Napaiyak siya na maalala ang mukha ni Jameson na nakita niya kaninang nabangga ng itim na sasakyan. "Si J-jameson...." Naiiyak siyang bigkasin ang pangalan nito. Napapikit si Devon na siya ring nag-aalala sa kalagayan ng kapatid dahil natagpuan niya rin ito kanina na duguan sa kalsada. "Huwag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat." Aniya. Mayroon namang pumasok sa ward at ito ay si Madame Julie na namumugto ang mga mata kakaiyak dahil sa sinapit ng anak. "Anong ginawa mo sa anak ko, Roxanne?!" Galit niyang tanong. Akma niyang susugurin si Roxanne pero pinigilan siya ni Devon. "Mom! Don't blame her!" Nang dahil sa silakbo ng damdamin, nasampal ni Madame Julie si Devon. "How dare you! Nag-aagaw buhay ang kapatid mo ngayon

    Huling Na-update : 2024-11-08

Pinakabagong kabanata

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 160-IRRITATE

    Ginugulo ni Miles ang buhok ni Roxanne na natatawang inalala ang dati nitong hitsura na sobrang chubby. Mayamaya pa, na-awkward ulit ang dalawa at naupo sa kanilang kinauupuan. "Grabe, ang tagal nating hindi nagkita." Ani ni Miles na tanging naalala ay mga panahon na mga bata pa lamang sila. "Kaya nga, nakakamangha." Halos pitong taon na ang nakakalipas at ang huli nilang pagsasama ay sa libingan ng ina ni Roxanne na namatay dahil sa pagsabog. Nagsimula namang kumain ang dalawa nang maihain ng waiter ang kanilang order. "Siya nga pala, Miles. Bakit mo ba naisipang bumalik dito para magtrabaho? Narinig ko na mataas ang sahod mo sa Germany bilang doktor,ah?"Ngumisi naman si Miles na napaubo at napainom ng tubig, "Grabe ka naman, bawal ba akong umuwi dito?" Tinarayan siya ni Roxanne na nagdududa pa rin talaga, "Hmm? Sabihin mo nga sa akin anong mga plano mo." Napalunok ng ilang beses si Miles na hindi alam papaano sasabihin lahat, "Actually, nagpunta ako sa PharmaNova kanina para

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 159-MEET

    "Daphne, I already told you, I have a girlfriend kaya pwede bang tigilan mo na ako?!" Inis na sabi ni Devon habang nakatingin sa babae.Pinagtaasan naman siya ng kilay ni Daphne na walang balak na umatras, "So you love her now??" "Of course! I love my girlfriend and ayaw kong guluhin mo ang relasyon namin. So please, go away!" Pangtataboy niya pa. Nawala ang ngisi sa mukha ni Daphne na mabilis na pinalitan ng lungkot na animo'y kinawawa ng husto, "Papaano naman ako? Hindi ba't ako lang ang minamahal mo?" Napailing si Devon na sumasakit ang ulo sa mga kadramahan niya at ayaw niyang magbalak na naman ito na magpapakamatay kaya pinili niya nalang na manahimik. "Iuuwi na kita." Malamig niyang sabi at agad na sumunod ang babae na sinubukan siyang habulin. "Marami akong importanteng gagawin, Daphne at nakakadisturbo ka na sa akin." Sambit ni Devon na napatingin sa kanyang relos. Nanlumo si Daphne na napakagat ng ibabang labi, "So disturbo lang ako para sayo? W-wala ka talagang pakiala

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 158-SULKING

    Bago pa mawala sa katinuan si Roxanne, agad niyang sinampal ang sarili. Inisip niya na baka ang kasama lang ni Devon na babae ay isang kliyente pero hindi pa rin niya maiwasang mag-isip ng ganoon lalo na't makikita niya sa larawan kung gaano sila kalapit dalawa. Pinatay niya ngayon ang phone at pilit na huminga. Nagtatangka din siya na tawagan agad si Devon pero pinigilan niya ang sarili dahil baka ano pa ang kanyang masabi. Ginagamit lang naman niya si Devon. Kahit pa magkaroon ito ng relasyon sa ibang babae, ano bang karapatan niyang magalit? Muling nag-ring ang phone niya at nagpa dala si Grace ng ilang mensahe. [Nalaman ko na ang babaeng iyon ay si Daphne Bermudez. Siya ang first love ni Devon, pero hindi pa ako sure. Basta ang nasagap ko, classmates sila sa college at noong nakatanggap ng full scholarship ang babae, nagpunta siya sa states, at mukhang nauudlot ang pag-iibigan nila.] [And' yun nga parang best friends lang din sila. Basta parang nalimutan na rin nila ang is

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 157-REPEAT?

    Hinaplos ni Devon ang ulo ni Roxanne para pakalmahin siya, "Honey, alam kong nahihirapan kang magtiwala sa akin kaya nais kong patunayan ang sarili ko sayo." Lumingon at tumingala si Roxanne sa kanya at akmang magsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ni Devon sa bulsa. "Nagpalit ka ba ng ringtone?" Narinig na dati ni Roxanne ang ringtone nito, at pansin niyang nagbago ito. Hindi sumagot si Devon na agad kinuha ang cellphone, at lumayo upang sagutin ang tawag. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam si Roxanne ng pagkabahala, at hindi niya maiwasan mapaisip. Maya-maya, ibinaba na ni Devon ang tawag at bumaling sa kanya. "May kailangan akong asikasuhin sa labas. Mauna ka ng matulog." Tumalikod siya at naglakad papalayo, ngunit bigla siyang hinawakan ni Roxanne sa kamay nang hindi niya namamalayan. "Importante ba ang pupuntahan mo? Puwede bang manatili ka muna..." Hindi alam ni Roxanne kung anong dahilan ang sasabihin niya para pigilan ito. Masama talaga ang paki

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 156-LOVE HURTS

    Medyo natatawa si Roxanne na tingnan si Madame Julie na halatang naiinis sa kanyang reaksyon. "Madame Julie, noong sinasabi mo sa lahat na minaltrato kita, hindi mo siguro naisip na aabot sa puntong hihingi ka sa akin ng pabor para lang iurong ang demanda, tama ba?" Namutla ang mukha ni Madame Julie. Kumuyom ang mga kamao niya at namulat na ang kanyang palad dahil sa pagbaon ng kanyang mga kuko. "Roxanne, inaamin kong nagkamali ako sayo kaya humihingi ako ng tawad. Huwag mo na sana akong pahirapan, okay?" "Okay," tumango si Roxanne. "Maglabas ka ng pahayag na nilinaw mong hindi kita sinaktan. Ikaw ang nagpakalat ng maling balita para sirain ang pangalan ko. If you can do that then ipapaurong ko ang demanda." Hindi makapaniwala si Madame Julie. Kung maglalabas siya ng pahayag ngayon, malalaman ng lahat na pagdadrama niya lang lahat at isa siyang sinungaling. "Roxanne, baka naman may iba tayong pwedeng pag-usapan. Maaari nating idaan ito sa usapan." "Oh? Akala ko ba gusto mon

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 155-SETTLE

    Paglabas ni Roxanne, pinigilan niya ang tiyahin na pumasok at sinabihan na magkausap ang ama at kasintahan sa loob kaya naupo muna sila sa upuan sa labas. Pagkalipas ng ilang minutong katahimikan, biglang nagsalita si Tita Martha, "Roxanne, sa totoo lang, walang masama kung manatili kami sa Germany—" Hindi pa tapos magsalita si Martha nang putulin siya ni Roxanne na may malamig na ekspresyon, "Tita, bigla nalang kayong hindi pumayag na pumunta sa abroad. Dahil ba babalik na dito si Kuya Miles para magtrabaho?" Napatigil si Martha, "Papaano mo nalaman ito?" "Tinawagan niya ako kahapon at sinabi niya sa akin ang tungkol sa pagbabalik niya sa bansa." "Hay naku, dahil alam mo na, sasabihin ko na ang totoo. Totoo, ayaw ko nang umalis sa bansa dahil babalik na siya." "Mas magiging ligtas kayo kung dadalhin mo si Papa sa abroad." "Alam ko iyon, pero babalik ang anak ko, at ayokong maapektuhan siya ng mga problema mo sa pamilya Delgado. Kung mananatili kami, magkakaroon ka ng dah

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 154-FACED

    Napatingin si Madame Julie kay Jameson na tila hindi makapaniwala, nanginginig ang buong katawan, "Sinasabi mo bang nakakahiya ako?" "Hindi ba? Tingnan mo ang lahat ng ginawa mo kamakailan? Kung wala kang kakayahan, huwag ka nang gumawa ng gulo!" Punong-puno ng galit ang mukha ni Jameson, at hindi na siya nagpaawat sa kanyang mga salita. Patuloy na tumulo ang luha ni Madame Julie dahil sa sinabi nito, "Kung hindi walang kwenta ang ama at anak ko, kakailanganin ko bang gawin ang mga ito? Ngayon sinasabi mong nagdadala ako ng gulo? Bakit hindi mo magawang ilabas ang Lolo mo mula sa presinto? Jameson, gumawa ka naman ng paraan!!" Pagkasabi nito, binuksan niya ang pinto ng kotse at umalis. Hindi na siya hinabol ni Jameson. Nanatili siyang nakaupo sa kotse at napahampas siya sa hawak na ma nobela. Bakit hindi maintindihan ng ina ang sitwasyon? Sa kasalukuyang estado niya, wala siyang kakayahang iligtas si Lolo Gerald. At totoo naman ang mga paratang laban sa kanyang lolo. Ang da

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 153-FAKE NEWS

    Si Miles na nasa kabilang linya ay biglang natigilan sa kanyang narinig, "May kasama ka ba di yan?" Tanong niya. "Oo." Sagot ni Roxanne. "Aww, sige. Gotta go." Pagka putol ng, napatingin si Roxanne kay Devon, "Bakit ka biglang sumabat habang kausap ako sa phone?" Kalmado naman ang mukha ni Devon. "Nagtanong lang ako kasi maghahapunan tayo ngayon. Bakit? Nakaabala ba ako habang kausap mo siya?" "Hindi naman." Pakiramdam ni Roxanne na parang sinadya ito ng lalaki kanina. "At sino ba 'yung tumawag sa'yo?" Dagdag pa ni Devon. "Ampon ng Tita Martha na nasa abroad. At bihira ko lang siyang makausap kaya hindi ko na nabanggit sa'yo." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Devon ngunit hindi na nagtanong pa. Pumunta silang dalawa sa isang western restaurant para maghapunan. Nang makarating sila doon, agad silang nakita ni Jameson na nandoon din na nakikipag-usap sa kanyang kliyente. Lumamig ang kanyang tingin, at matapos umalis ang kliyente niya, diretso siyang lumapit sa dalawa

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 152-RETURN?

    Kinabukasan ng tanghali, dumating si Roxanne sa restaurant kung saan naghihintay ang lawyer niya. Mabilis siyang lumapit at naupo sa tapat nito. "Pasensya na po, naantala ako sandali sa laboratoryo." "Walang problema, Miss Guevarra. Tingnan mo muna ang dokumentong ito." Kinuha ni Roxanne ang dokumento at binuklat ito. Habang binabasa, hindi niya maiwasang malito. Simula nang magloko si Jameson, sinimulan nitong ilipat ang kanyang mga ari-arian. Karamihan sa mga ito ay ngayon nakapangalan na kay Savannah Gomez, ang kabit nito. "Miss Guevarra, ang pangunahing problema ay kasal na ngayon sina Jameson at Savannah. Malinaw na kumonsulta siya sa abogado bago niya ilipat ang mga ari-arian. Maayos ang pagkakagawa nito, kaya mahirap nang bawiin ang mga ito." "Magkano na lang ang maaari kong makuha?" "Limang milyon." Hindi na nagulat si Roxanne sa halagang iyon. Naisip na niya ito habang binabasa ang dokumento kanina. "Sige, naiintindihan ko. Pakiusap, kausapin mo ang abogado

DMCA.com Protection Status