GOOD EVE! Pasensya na natagalan. Bumili kasi ako new keyboard🥳🥳❤️
Sa sobrang pagkabigla ni Roxanne, nawalan siya ng malay at mabuting may sumalo sa kanya at idinala siya kaagad sa hospital. Nang magising siya, natagpuan niya ang nag-aalalang mukha ni Devon. At agad na napakayakap si Roxanne sa lalaki. Napaiyak siya na maalala ang mukha ni Jameson na nakita niya kaninang nabangga ng itim na sasakyan. "Si J-jameson...." Naiiyak siyang bigkasin ang pangalan nito. Napapikit si Devon na siya ring nag-aalala sa kalagayan ng kapatid dahil natagpuan niya rin ito kanina na duguan sa kalsada. "Huwag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat." Aniya. Mayroon namang pumasok sa ward at ito ay si Madame Julie na namumugto ang mga mata kakaiyak dahil sa sinapit ng anak. "Anong ginawa mo sa anak ko, Roxanne?!" Galit niyang tanong. Akma niyang susugurin si Roxanne pero pinigilan siya ni Devon. "Mom! Don't blame her!" Nang dahil sa silakbo ng damdamin, nasampal ni Madame Julie si Devon. "How dare you! Nag-aagaw buhay ang kapatid mo ngayon
Nagulat si Roxanne sa mga nalaman mula sa pulis at hindi siya naniniwala na isa iyong aksidente. "Sir, dumeretso ang sasakyan na iyon sa aking direksyon. Sinasadya iyong mangyari at may gustong magtangka sa aking buhay." "Isa po ito sa mga anggulo na aming tinitingnan ma'am at maari po ba naming matanong kung mayroon po ba kayong nakaaway na mga tao na posibleng gumanti sa inyo?" Napalunok ng kaway si Roxanne at alam niya na kung sino ang kanyang kaaway pero hindi niya ito magagawang ituro. "W-wala naman po." Matapos ang ilang minuto, umalis na ang mga pulis at naiwan si Roxanne na nagpapahinga sa kanyang kama, at mamayang hapon ay maari na siyang umuwi. Ngunit hindi niya pa magagawang umuwi ngayon dahil nag-aalala siya sa kalagayan ni Jameson. Nagulat din siya na malaman na posibleng hindi na ito muling makapaglakad. "Roxanne, huwag mo muna siyang alalahanin. Nasa pangangalaga siya ng doktor at mas mainam na unahin mo muna ang sarili mo. Ipapaalam ko rin agad sayo kapag nagisi
Mga alas nuebe ng umaga, umalis na si Devon sa hotel ni Roxanne at bago niya ito iwan, sinigurado niyang hindi na ito nag-aalala pa at namamahinga na. Habang nagmamaneho naman ng kanyang sasakyan sa daan, napapaisip si Devon kung papaano mapagtatagumpayan ang diborsyo ni Jameson at Roxanne para agad na itong maipasa sa korte. Hindi kasi nakikipag-ugnayan si Jameson kaya pahirapan ang pagproseso nito. Tsaka isip din ni Devon na maaring ginagamit ni Jameson ang kanyang kapansanan para manipulahin si Roxanne na manatili sa kanyang tabi at hindi ituloy ang diborsyo. *** Sa kabilang banda ay kausap ni Lolo Gerald ang taong kanyang inutusan para ibigay ang pera sa namatayan na pamilya ng driver na pinag-utusan niyang banggain si Roxanne pero dahil sinira ni Jameson ang plano, namatay tuloy ang driver kaya uminit ang kanyang ulo. "Ibigay mo ang hati nila at siguraduhin mong mananahimik na sila kung hindi ay idadamay kita." Pananakot niya sa lalaki. *** Matapos na mag-ayos ni Roxan
Kung iisipin, si Devon ay apo ni Lolo Gerald at tingin ni Roxanne ay baka hindi rin nito magagawa ng traydurin ang matanda dahil madadamay din siya kapag nailabas ang krimen nito. Nalilito na nga si Roxanne sa kung anong gagawin, gustong-gusto niyang maghiganti kay Lolo Gerald pero papaano naman kung madadamay ang inosenteng tao tulad ni Devon. Ayaw niyang mangyari na pati ito ay sasalo sa mga pambabatikos at maaring ring madamay ang umaarangka nitong kompanya. Lumipas ang mga araw, lumalabas-labas lang si Roxanne sa hotel para pumunta ng trabaho at ngayon gabi, naisipan niyang bisitahin ulit si Jameson. Pagdating niya roon sa ward, nakita niya si Savannah na sinusubuan si Jameson ng pagkain. "May nadistubo ba ako?" Aniya. Napalingon sila sa kanyang direksyon at natigilan sa kanilang ginagawa. Wala namang reaksyon ang mukha ni Jameson na sinenyasan si Savannah na umalis muna. Masunurin si Savannah na wala ng sinabi pero matalim ang kanyang tingin kay Roxanne. "Tsk. Nagagawa mo pa
Nasa conference room si Devon na nasa kalagitnaan ng meeting kasama ang mga shareholders ng kompanyan. Nasurpresa naman siya na makita ang biglang pagtawag ni Grace kaya saglit siyang lumabas para sagutin ito. Kinabahan din siya na malaman ang tungkol sa pagkawala ni Roxanne. "Boss, may problema ba?" Napansin ni Kenneth ang mukha nito na parang may inaalala. "Kenneth. Paki-dismiss muna ng meeting. Kailangan ko munang alamin ang kinaroroonan ni Roxanne dahil nawawala umano ito sabi ng kanyang kaibigan." Utos ni Devon. Nagitla rin ang sekretarya na agad namang sumunod sa kanyang utos. Nang makalabas naman sila sa building, dalawa silang nakipagkita kay Grace at sinubukan nilang i-trace up ang phone nito. Sa wakas ay nahanap nila ang sasakyan ni Roxanne sa isang gas station pero nagitla sila na walang makitang bakas nito kung hindi ang kanya lang phone sa loob. "Dios mio. Nasaan ba si Roxanne??" Natataranta si Grace ngayon at natatakot sa naisip na bagay. Pinagpawisan naman si
Bakas sa mukha nila ang pagka-guilty pero hindi nila agad matanggap ang katotohanan na ang kanilang padre de pamilya ay isang kriminal. "Sumusobra ka na, Roxanne. Hindi lang anak ko ang pinunterya mo, pati rin ang ama ko!" Pang-aakusa ni Madame Julie. "Sila ang may ginawang masama sa akin. Niloko ako ng anak mo habang pinasabog ng ama mo ang kompanya ng aking ama noon. At ngayon sinubukan niya akong patayin." Depensa ni Roxanne. Namumutla ang mukha ni Madame Julie na iparinig nito sa kanya ang tripleng krimen ng kanyang ama. "Hindi na sana umabot sa ganitong sitwasyon, sinasadya mo lang itong mangyari lahat dahil gusto mong maghiganti!" Tumaas ang kilay ni Roxanne at taas noo niya silang tiningnan. "Hindi ako naghihiganti, kinuha ko lamang ang hustisya na nararapat sa aking pamilya at sa ibang taong walang kalaban-laban." "Kaya mo ba pinakasalan si Jameson para maisakatuparan ang plano mo para pabagsakin kami??" Tanong naman ni Lola Ofelia, pati ito ay naimbyerna sa pagmumukh
Dumating agad ang kanilang pinagkakatiwalaang doktor na si Dr. Sanchez na agad tiningnan si Madame Julie sa kanyang kwarto. Paglipas ng ilang minuto, nakahinga ng maluwag si Devon nang magising na ang kanyang ina. "Mom...Please take a rest. Huwag niyo munang alalahanin ang bagay na ito." Paalala ni Devon pero hindi siya pinansin nito. "Devon, ako na ang bahala kay tita. Mauna ka ng umuwi." Sabi ni Henry at tinapik ang kanyang balikat. Walang magawa ngayon si Devon kung hindi umalis nalang muna at umaasang lilipas agad ang gulo. Ayaw niya namang masira ang relasyon niya sa kanyang ina pero ayaw niya rin na magpadikta sa gusto nito dahil mayroon siyang sariling puso't isipan. *** Nakaupo si Madame Julie sa terasa habang umiinom ng kanyang tea at sinamahan siya ni Henry na patuloy na nagbabantay sa kanya. "Ano bang nakain ng mga anak ko para kabaliwan si Roxanne??" Wala sa sariling tanong ni Madame Julie na kanina pa malalim ang iniisip. Napaisip naman si Henry kahit wala s
Nanlaki ang mga mata ni Roxanne dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya at napaatras siya sa gulat. "Uhmm..." Napaungol si Roxanne nang lumalim ang halik nito at ayaw siyang bitawan. Humakbang naman si Devon habang iginuyod ang katawan ni Roxanne para isandal sa pader. Sinubukan ni Roxanne na itulak ito pero nagmamatigas kaya kinagat niya nalang ang malambot nitong labi. Napadaing si Devon at nalasahan ang dugo sa kanyang labi tsaka tumigil siya sa panghahalik. "Loko ka ba?! Ba't mo ba ako hinalikan??" Inis na tanong ni Roxanne na sobra ng namumula. "Wagas kung makakagat, ha. Kulang nalang mahiwa mo na ang labi ko." Reklamo ni Devon na dinilaan ang kanyang dumudugong ibabang labi. "Umayos ka rin, Devon. Hindi ibig sabihin na wala na akong asawa, eh, hahalikan mo na ako ng walang pasabi." Dikta niya habang pinupunasan ang bibig gamit ng kanyang damit. Kumislap ang mga mata ni Devon, "Talaga?? Gusto mo munang magsabi ako? Sige, gusto ko pa! Ibibigay mo ba?" Sa sobrang
Sumang-ayon naman ang kanilang lawyer sa kanilang plano na puntahan ng personal si Roxanne. "All right, we will try to reach her personally and for now we need to find a way para mapayagan na magpyansa si Mr. Gerald Delgado." Tumango si Lola Ofelia at Madame Julie na umaasang makakalabas ang kanilang padre de pamilya sa lalong madaling panahon. Pagka-alis ng lawyer, naiwan ang dalawang babae sa couch na saglit pang nag-usap. "Juliette, do everything to persuade her sign the letter. Iyon lang ang isang paraan." Paalala ni Lola Ofelia."I'll try my best." Tugon ni Madame Julie kahit hindi sigurado sa kung anong magiging kalabasan. Pagkatapos mag-usap nagpunta si Madame Julie pabalik sa terasa at doon tinawagan ang anak na si Jameson para ikuwento ang kanilang pinag-usapan kanina. "Anak, pupunta ako bukas sa Pharma Nova para kausapin ng personal si Roxanne at susubukan kong kumbinsihin na pirmahan niya ang apology letter ng Lolo mo." "Okay, Mom. Just try but if they won't cooperate
Nang mahimasmasan si Roxanne, nag patuloy na siyang kumain ng kanyang hapunan at nasa kanyang tabi si Devon na sinabayan siyang kumain. "Kanina mo pa ako hinintay doon sa labas?" Napatanong si Roxanne habang nilalagyan ng mainit na sabaw ang kanyang kanin."Sakto lang. Hinintay lang kita sa labas kasi gusto kong masiguro na nakauwi ka na sa ating tahanan." Tugon ni Devon na natutuwang kumakain ito ng marami. "Pakabusog ka, ah. Gusto kong maging malusog ka lagi.""Thank you, Devon. Ikaw rin, kumain ka ng marami para hindi ka magkasakit. Sa dami mong ginagawa, mauubusan ka talaga ng lakas at makaramdam ng matinding pagod." Aniya."Pero parang nawala ang pagod ko simula ng maging tayo." Banat pa ni Devon at nasamid si Roxanne sa kinakain dahil natatawa. "Baliw ka rin talaga. Baka mamaya mapagod ka rin sa'kin at maghanap ng iba." Pagtataray niya. "Huh? Ba't ako mapapagod? Tsaka hindi ako maghahanap ng iba dahil nasa iyo na ang lahat ng katangian na gusto ko sa isang babae." Depensa ni
Naglakad si Roxanne papalapit sa kama ng ama at naupo sa kanyang tabi. "Opo, Papa. K-kinakailangan kong dalhin kayo sa ibang bansa para mas masiguro ang iyong pagaling. Ngunit sa ngayon, kailangan muna naming mag-usap ng iyong doktor bago ka payagan na mag-flight. Ako na rin ang bahala na bumili ng plane ticket niyo ni Tita Martha." Paliwanag niya. Natahimik si Emmanuel na bakas sa mukha na hindi siya sumasnag-ayon sa kanyang plano. "Hindi. Mananatili ako dito." Nadismaya si Roxanne sa sinabi nito. "Papa, hindi kayo gagaling kung mananatili kayo rito, mas maganda na mailagay kita sa mas maayos na hospital." "Hindi kita p'wedeng iwan dito ng mag-isa lalo na't mainit ang mata ng mga Delgado sa iyo." Rason ni Emmanuel. Napailing si Roxanne, "Huwag niyo na po akong alalahanin, ayos lang ako. Mas mahalaga ang kalusugan ninyo. Wala na akong anuman na koneksyon sa mga Delgado." "Huwag kang magsinunggaling sa akin!" Galit na sabi ni Emmanuel at nahampas ang kanyang maliit na mesa at m
Nadala si Devon sa bugso ng damdamin at nalimutan na agad ang kanyang limitasyon. Naging malikot ang kanyang mga kamay na pumasok na sa loob ng palda ni Roxanne. "Devon!" Suway ni Roxanne na tinanggal ang kanyang kamay sa kanyang hita. "Sabi kong tama na." Pinandilatan niya rin ito ng mata. Natakot naman si Devon na baka makagat nito kaya siya umayos. "S-sorry, nadala lang." Aniya at napakamot sa ulo. Inayos agad ni Roxanne ang kanyang nagusot na damit at napatingin sa salamin para ayusin ang kanyang nagulong lipstick. "Kalmahan mo nga, Devon. Hindi tama na gumawa tayo ng ganito sa publiko." Seryosong sabi ni Roxanne, hindi ibig sabihin ay wala na silang pakialam sa sasabihin ng iba, kailangan pa rin nilang maging maingat sa kanilang mga galaw. *** Sa kabilang banda, bumalik si Jameson sa kanyang sariling bahay at pagpasok niya, nakita niya si Savannah na nakaupo sa couch habang nanonood ng telebisyon. "Ano? Nakabalik ka na ba sa kompanya?" Tanong ni Savannah na nanatili
Napalingon si Devon sa kanya at ngumiti. "Oo naman? At bakit parang ayaw mong maniwala?" "Nakakapagtaka lang kasi nga, sino ba naman ako para piliin mo kaysa sa iyong pamilya." Usal ni Roxanne. "Tsaka, hindi ka tuloy makakatanggap ng mana nang dahil sa akin." "Huwag mo na iyong problemahin, wala na sa akin ang bagay na 'yon. Kung gusto mong malaman kung anong dahilan kung bakit kita pinili, iyon ay dahil mahal kita." Seryoso niyang sabi at kinuha bigla ang isang kamay ni Roxanne at hinalikan. Napatulala ang babae na napaisip na baka panaginip lang ang lahat ng ito, hindi pa rin pumapasok sa kanyang isipan na sila na nitong gwapong nilalang at ngayon hawak ang kanyang kamay. "Ang bilis kasi ng lahat, nalilito ako kung trip mo lang ba ito para inisin si Jameson o seryoso ka ba talaga sa akin??" Inagaw ni Roxanne ang kanyang kamay para mapakamot sa ulo. Napansin naman ni Devon ang kanyang pagkalito kaya handa na siyang magpaliwanag. "Seryoso ako sayo, Roxanne. But I want to
Namutawi sa mukha ni Madame Julie at Lola Ofelia ang pandidiri nila kay Roxanne na tingin nila ay isang linta na dumudikit kay Devon. "Hindi ka ba nahihiya, Roxanne?? Hiniwalayan mo na ang anak kong si Jameson at ngayon naman si Devon ang isusunod mo? Anong klaseng babae ka?!" Dikta ni Madame Julie. "Madame Julie, isipin mo ang gusto niyong isipin pero hindi ako ganoon katinik na babae na two-timer, o kung ano man ang tingin niya sa akin. Wala akong masamang intensyon kay Devon at hindi ko kasalanan kung bakit niya ako pinili." Paliwanag ni Roxanne. "Tingin mo maniniwala kami sa kasinungalingan mo, Roxanne?? Or you're using him for your own gains like what you did to Jameson??" Dagdag pa ni Madame Julie na nakakrus ang mga braso. "I said, believe what you want to believe. Wala na akong pakialam." Malamig na sabi ni Roxanne. Tumingin naman ang lahat kay Lola Ofelia na napabuntong-hininga. "Roxanne, kung hindi mo hihiwalayan si Devon, sisirain mo lang ang buhay niya at mailalayo
Pagsapit ng alas dose ng tanghali, lumabas na si Roxanne sa laboratory at nagpunta sa opisina ni Devon para samahan itong mananghalian. Pagpasok niya doon, wala siyang makitang bakas ni Devon sa loob. Tanging makikita niya lang ay si Secretary Kenneth na nakaupo sa swivel chair ng boss niya habang nag-aasikaso ng mga papeles. "Si Sir Devon ba hanap niyo Ma'am Roxanne? Hala, umalis 'yun, eh. Paalam niya sa'kin, papunta daw siya sa Valencia." Sabi ni Kenneth. Kinabahan naman si Roxanne na nag-aalala na baka si Devon na naman ang paglabasan ng galit ng kanyang pamilya. "Okay, thank you. Balik na muna ako sa laboratory." "Teka pala, Ma'am Roxanne. M-may ipapabigay lang sana ako kay Frizza. Hehe." Nahihiyang sabi ni Kenneth at mayroong inilahad na tupperware. Tinanggap ito ni Roxanne na hindi inasahanan na popormahan nito ang kanyang assistant na si Frizza. Bumalik ngayon si Roxanne sa laboratory para yayain si Frizza na mananghalian sa cafeteria tsaka binigay niya rito ang pinab
Napairap si Roxanne dahil sa kalandian nitong si Devon. "Sure ka ba talaga d'yan? Huwag kang umasa baka ma hopia ka lang sa huli." Dikta niya. Matapos mag-umagahan ng dalawa, agad silang naghanda at nagbihis para pumunta sa kompanya. Pagkarating nila sa tapat, nagdadalawang isip si Roxanne na lumabas mula sa sasakyan. "Hmm? What's the matter?" Napansin ni Devon na hindi siya komportable. "Ayaw ko lang kasi na makita tayo ng ibang tao na magkasama. Alam mo na, may masasabi na naman silang masama sa atin." Pag-aalala niya. "Who cares what other people says?" Nakataas kilay na sabi ni Devon. "I know I shouldn't care about what they'll say, but obvious naman na gagawan tayo ng issue. Kaya we should be careful with our actions." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. "What actions??" May pagtataka sa mukha ni Devon kaya kumunot ang kanyang noo. Napaisip ng ilang segundo si Roxanne tsaka napalunok ng laway bago sumagot. "You know what I mean..'yung mga yaka
Nakarating kina Jameson ang kumakalat na articles sa social media tungkol sa kataksilan niya at agad niyang tinawagan si Roxanne pero hindi niya na ito maabot. "Humanda ka sa aking babae ka." Galit na usal ni Jameson habang umiinom ng alak. Nagluluto naman si Roxanne ng kanyang hapunan sa kusina pero napahinto siya sa ginagawa nang marinig na may kumakatok sa pinto. Naglakad siya papalapit doon at sumilip sa peephole para macheck kung sino ang taong bumisita. Nakita niyang si Devon lang pala kaya mabilis niyang binuksan ang pinto. "Want some dinner?" Nakangiting tanong ni Devon habang pinakita sa kanya ang dalang pagkain. "Nagluto ako, eh." Sabi ni Roxanne tsaka pinapasok ito. Namangha si Devon na naglakad papasok at naaamoy ang masarap nitong niluluto na kaldereta. Naupo siya agad sa mesa habang naghahanda si Roxanne ng plato at kutsara. Bago kumain, nagdasal muna ang dalawa at pagkatapos nilagyan ni Roxanne ng kaldereta ang bowl. "Marunong ka rin palang magluto, ah."