Mapapakanta tayo ng die with a smile dito ah🤣
Nanlaki ang mga mata ni Roxanne dahil sa ginawa nitong paghalik sa kanya at napaatras siya sa gulat. "Uhmm..." Napaungol si Roxanne nang lumalim ang halik nito at ayaw siyang bitawan. Humakbang naman si Devon habang iginuyod ang katawan ni Roxanne para isandal sa pader. Sinubukan ni Roxanne na itulak ito pero nagmamatigas kaya kinagat niya nalang ang malambot nitong labi. Napadaing si Devon at nalasahan ang dugo sa kanyang labi tsaka tumigil siya sa panghahalik. "Loko ka ba?! Ba't mo ba ako hinalikan??" Inis na tanong ni Roxanne na sobra ng namumula. "Wagas kung makakagat, ha. Kulang nalang mahiwa mo na ang labi ko." Reklamo ni Devon na dinilaan ang kanyang dumudugong ibabang labi. "Umayos ka rin, Devon. Hindi ibig sabihin na wala na akong asawa, eh, hahalikan mo na ako ng walang pasabi." Dikta niya habang pinupunasan ang bibig gamit ng kanyang damit. Kumislap ang mga mata ni Devon, "Talaga?? Gusto mo munang magsabi ako? Sige, gusto ko pa! Ibibigay mo ba?" Sa sobrang
Ngayong tanghalian, pinuntahan ni Madame Julie si Jameson para sabihan ito na huwag ituloy ang divorce nila ni Roxanne. "Jameson, kailangan muna nating makuha ang kapatawaran ni Roxanne para hindi mabigat ang sentensya ng iyong lolo." Pakiusap niya. "Mom, tuso ang babaeng iyon kahit hindi ko siya hihiwalayan, mayroon pa rin siyang maibabato sa atin." Walang ganang sabi ni Jameson. Nadismaya si Madame Julie sa narinig at pakiramdam niya ay wala ng pag-asa na matulungan ang kanyang ama lalo na't hindi rin sila matutulungan ni Devon. "Ikaw nalang ang maaasahan dito, Jameson. Gumawa ka ng paraan para tulungan ang Lolo mo at mapabagsak si Roxanne. Huwag kang papayag na ganiton niya nalang tayo." *** Sa bilis ng takbo ng oras, natagpuan na lamang ni Jameson ang sarili na nakaupo sa wheelchair at itinutulak naman ito ni Savannah papasok sa hall. Natagpuan niya naman si Roxanne sa kabilang banda na siyang nakaupo na at walang emosyon ang mukha. Kalmado lang siya na matagal ng naka
Nakaidlip si Roxanne na nagbabantay sa kanyang ama sa loob ng hospital at mayamaya pa, nagising siya at nakitang gising na rin ito. "Anak, bakit mo ipinahamak ang sarili mo?? Seryosong tanong ni Emmanuel. Kinusot ni Roxanne ang mga mata tsaka naupo ng maayos at nahihiya naman siya na tumingin sa nag-aalalang mukha ng ama. "Pa, pasensya na kung ginulat kita sa mga pangyayari pero sana maintindihan niyo po na nagsakripisyo lamang ako dahil gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mommy at ang ginawa nilang pagnabakaw sa kompanya natin." Mahinahon niyang paliwanag. "Anak, hindi ba't sinabi ko sayo noon pa na hayaan mong ako ang gumawa ng paraan kapag gumaling man ako? Bakit mo ako pinangunahan??" Nasasaktan ito na makita ang anak na siyang kumikilos sa mga bagay na siya dapat ang gumawa bilang padre de pamilya. "Papa, hindi na rin ako makapghintay at nangangati na ang kamay ko na pag bayarin sila. Alam kong labis ang iyong pag-aalala pero sana magtiwala kayo sa akin
Mabilis niyang tinawagan ngayon si Tita Martha at sumagot kaagad ito sa kanyang tawag. "Pumunta dito si Juliette at Ofelia t-tapos.." Nauutal nitong sabi. "Tapos ano??" Hinahanap naman ni Roxanne ang kanyang heels. "Sinisisi nila ang ama mo kaya napilitan si Emmanuel na humingi sa kanila ng kapatawaran. Tsaka inatake ulit ang ama mo sa puso at isinugod sa emergency room." Habol ni Tita Martha. "Roxanne? Anong oras na ba??" Nagising din si Grace sa kama na nakaramdam ng pagkahilo dahil sa kalasingan. "Grace, mauuna na muna ako. Kailangan kong puntahan si papa sa hospital." Paalam ni Roxanne na kinuha ang isang coat sa Gili. Lumabas na roon si Roxanne na mabilis na sumakay ng taxi. Pagkarating niya doon, mabilis siyang pumunta sa emergency room at natagpuan niya ang kanyang tiyahin na kausap ang doktor. Hinihingal si Roxanne na nakikinig sa usapan ng doktor at ni Martha. Nalaman niyang stress ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi bumubuti ang lagay ng kanyang ama. "Plea
Nakarating kina Jameson ang kumakalat na articles sa social media tungkol sa kataksilan niya at agad niyang tinawagan si Roxanne pero hindi niya na ito maabot. "Humanda ka sa aking babae ka." Galit na usal ni Jameson habang umiinom ng alak. Nagluluto naman si Roxanne ng kanyang hapunan sa kusina pero napahinto siya sa ginagawa nang marinig na may kumakatok sa pinto. Naglakad siya papalapit doon at sumilip sa peephole para macheck kung sino ang taong bumisita. Nakita niyang si Devon lang pala kaya mabilis niyang binuksan ang pinto. "Want some dinner?" Nakangiting tanong ni Devon habang pinakita sa kanya ang dalang pagkain. "Nagluto ako, eh." Sabi ni Roxanne tsaka pinapasok ito. Namangha si Devon na naglakad papasok at naaamoy ang masarap nitong niluluto na kaldereta. Naupo siya agad sa mesa habang naghahanda si Roxanne ng plato at kutsara. Bago kumain, nagdasal muna ang dalawa at pagkatapos nilagyan ni Roxanne ng kaldereta ang bowl. "Marunong ka rin palang magluto, ah."
Napairap si Roxanne dahil sa kalandian nitong si Devon. "Sure ka ba talaga d'yan? Huwag kang umasa baka ma hopia ka lang sa huli." Dikta niya. Matapos mag-umagahan ng dalawa, agad silang naghanda at nagbihis para pumunta sa kompanya. Pagkarating nila sa tapat, nagdadalawang isip si Roxanne na lumabas mula sa sasakyan. "Hmm? What's the matter?" Napansin ni Devon na hindi siya komportable. "Ayaw ko lang kasi na makita tayo ng ibang tao na magkasama. Alam mo na, may masasabi na naman silang masama sa atin." Pag-aalala niya. "Who cares what other people says?" Nakataas kilay na sabi ni Devon. "I know I shouldn't care about what they'll say, but obvious naman na gagawan tayo ng issue. Kaya we should be careful with our actions." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. "What actions??" May pagtataka sa mukha ni Devon kaya kumunot ang kanyang noo. Napaisip ng ilang segundo si Roxanne tsaka napalunok ng laway bago sumagot. "You know what I mean..'yung mga yaka
Pagsapit ng alas dose ng tanghali, lumabas na si Roxanne sa laboratory at nagpunta sa opisina ni Devon para samahan itong mananghalian. Pagpasok niya doon, wala siyang makitang bakas ni Devon sa loob. Tanging makikita niya lang ay si Secretary Kenneth na nakaupo sa swivel chair ng boss niya habang nag-aasikaso ng mga papeles. "Si Sir Devon ba hanap niyo Ma'am Roxanne? Hala, umalis 'yun, eh. Paalam niya sa'kin, papunta daw siya sa Valencia." Sabi ni Kenneth. Kinabahan naman si Roxanne na nag-aalala na baka si Devon na naman ang paglabasan ng galit ng kanyang pamilya. "Okay, thank you. Balik na muna ako sa laboratory." "Teka pala, Ma'am Roxanne. M-may ipapabigay lang sana ako kay Frizza. Hehe." Nahihiyang sabi ni Kenneth at mayroong inilahad na tupperware. Tinanggap ito ni Roxanne na hindi inasahanan na popormahan nito ang kanyang assistant na si Frizza. Bumalik ngayon si Roxanne sa laboratory para yayain si Frizza na mananghalian sa cafeteria tsaka binigay niya rito ang pinab
Namutawi sa mukha ni Madame Julie at Lola Ofelia ang pandidiri nila kay Roxanne na tingin nila ay isang linta na dumudikit kay Devon. "Hindi ka ba nahihiya, Roxanne?? Hiniwalayan mo na ang anak kong si Jameson at ngayon naman si Devon ang isusunod mo? Anong klaseng babae ka?!" Dikta ni Madame Julie. "Madame Julie, isipin mo ang gusto niyong isipin pero hindi ako ganoon katinik na babae na two-timer, o kung ano man ang tingin niya sa akin. Wala akong masamang intensyon kay Devon at hindi ko kasalanan kung bakit niya ako pinili." Paliwanag ni Roxanne. "Tingin mo maniniwala kami sa kasinungalingan mo, Roxanne?? Or you're using him for your own gains like what you did to Jameson??" Dagdag pa ni Madame Julie na nakakrus ang mga braso. "I said, believe what you want to believe. Wala na akong pakialam." Malamig na sabi ni Roxanne. Tumingin naman ang lahat kay Lola Ofelia na napabuntong-hininga. "Roxanne, kung hindi mo hihiwalayan si Devon, sisirain mo lang ang buhay niya at mailalayo
Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hum
Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadis
Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss Devon… pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga security
Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isa’t isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit p
"Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.”"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n
Nanlumo si Daphne sa narinig. “Vincent! Huwag mo akong tratuhin ng ganito please?? Hayaan mo akong bumawi sayo.” Pagmamakaawa niya pa.Nakita ni Vincent ang itsura niya at wala siyang naramdaman kundi matinding pagkasuklam. "Daphne, ilang beses na kitang binigyan ng chance pero pinatunayan mo lang kung gaano ka kasama.”"Vincent, please!" Piliting itinukod ni Daphne ang kanyang sarili sa sahig at gumapang papunta sa pinto, ngunit bago pa siya makarating doon, dalawang lalaking naka-itim ang humawak sa kanya at marahas siyang hinila palayo. "Hindi! Vincent, pakiusap, palayain mo ako! Pakiusap..." Unti-unting humina ang kanyang mga sigaw hanggang sa tuluyang mawala. Sa ilalim ng malamig na titig ni Vincent, hindi maiwasang bumigat ang dibdib ng kanyang sekretarya na mayroong koneksyon kay Daphne. Mahigpit niyang pinisil ang kanyang kamao, pinaglalabanan ang sarili. Kung malalaman ni Vincent ang totoo, tiyak na hindi na siya makakabalik pa. Pero kahit hindi niya sabihin, siguradong m
Si Vincent ay kasalukuyang nakikipag-usap sa isang kasosyo sa negosyo nang biglang bumukas nang malakas ang pinto. Pumasok si Devon, malamig ang aura at puno ng tensyon ang mukha. Sumunod naman sa kanya ang secretary na halatang hindi nagustuhan ang pangyayari. "Sir Vincent, hindi ko mapigilan si Sir Devon..." Tinapunan lang ni Vincent ng tingin si Devon, "Alam ko, lumabas ka muna." Ang kasosyong negosyante sa tabi niya ay kilala rin si Devon, ngunit sa hitsura nito ngayon, hindi siya naglakas-loob lumapit at makipagsapalaran. Agad siyang tumayo at nagpaalam. Nang silang dalawa na lang sa opisina, agad bumigat ang hangin sa paligid. Tinitigan ni Vincent si Devon, alam niyang hindi na niya ito matatakasan. Alam din niyang matapos ang maraming taon ng pagkakaibigan nila, ito na ang katapusan. "Ang aksidente sa sasakyan ni Roxanne, ako ang may kagagawan... pero hindi ko inakalang hahantong ito sa ganito. Devon, hindi ko—" Bago pa siya matapos, dumapo na ang kamao ni Devon sa kanyan
Gustong lumapit ni Devon, pero mahigpit siyang hinawakan ng dalawang lalaki. "Boss, tumalon na si Roxanne... Kahit sumunod ka sa kanya ngayon, wala rin itong silbi..." "Bitawan niyo ako!" Ramdam ang matinding galit na bumalot sa buong katawan ni Devon, dahilan para manginig sa takot ang mga nakapaligid sa kanya. Naramdaman ng dalawang bodyguard ang malamig na aura niya, pero hindi pa rin sila naglakas-loob na pakawalan siya. Habang nagkakainitan ang sitwasyon, biglang dumating si Secretary Kenneth. Lumapit siya at tiningnan si Devon. "Boss Devon, nagpadala na ako ng mga tao para hanapin siya. Magkakaroon din tayo ng balita sa lalong madaling panahon." Nang makita niyang unti-unting kumalma ang ekspresyon ni Devon, tumingin si Secretary Kenneth sa mga bodyguard. "Sige, bitawan niyo si Boss Devon." Nag-atubili ang dalawang bodyguard, pero matapos ang ilang segundo, binitawan din nila si Devon. Gayunpaman, hindi nila inalis ang tingin sa kanya upang maiwasan ang anumang hindi inaas
Tumunog ang telepono nang matagal bago sinagot ng kabilang linya. "Ano'ng kailangan mo?" Paos ang boses at malamig ang tono, halatang masama ang pakiramdam. Malamig na sinabi ni Jameson, "Devon, alam mo na ba ang tungkol sa aksidente ni Roxanne? Malaki ang posibilidad na si Daphne ang may kagagawan nito!" Pagkalipas ng ilang segundong katahimikan, sumagot si Devon, "May pruweba ka ba?" May pang-uuyam sa tono ni Jameson. "Pruweba? Sinuri ko ang call records ni Savannah. Ilang beses siyang tumawag sa isang empleyado ng Pharmanova. Sa araw mismo ng aksidente ni Roxanne, nagkaroon pa sila ng pag-uusap. Bukod doon, may natanggap akong mensahe mula kay Savannah hindi pa gaanong katagal. Pitong salita lang iyon, pero sigurado akong may kinalaman iyon kay Daphne!" Pagkasabi niya noon, biglang ibinaba ang telepono. Tinawag ni Devon si Secretary Kenneth sa opisina. "Alamin mo kung may koneksyon sina Savannah at Daphne kamakailan. At isa pa... imbestigahan mo rin si Vincent." Nagulat si