Good eves! Kamusta kayo mga mhie? 🥳 Ano mga say niyo dyan antatahimik niyo na ah
Nakaidlip si Roxanne na nagbabantay sa kanyang ama sa loob ng hospital at mayamaya pa, nagising siya at nakitang gising na rin ito. "Anak, bakit mo ipinahamak ang sarili mo?? Seryosong tanong ni Emmanuel. Kinusot ni Roxanne ang mga mata tsaka naupo ng maayos at nahihiya naman siya na tumingin sa nag-aalalang mukha ng ama. "Pa, pasensya na kung ginulat kita sa mga pangyayari pero sana maintindihan niyo po na nagsakripisyo lamang ako dahil gusto kong mabigyan ng hustisya ang pagkamatay ni Mommy at ang ginawa nilang pagnabakaw sa kompanya natin." Mahinahon niyang paliwanag. "Anak, hindi ba't sinabi ko sayo noon pa na hayaan mong ako ang gumawa ng paraan kapag gumaling man ako? Bakit mo ako pinangunahan??" Nasasaktan ito na makita ang anak na siyang kumikilos sa mga bagay na siya dapat ang gumawa bilang padre de pamilya. "Papa, hindi na rin ako makapghintay at nangangati na ang kamay ko na pag bayarin sila. Alam kong labis ang iyong pag-aalala pero sana magtiwala kayo sa akin
Mabilis niyang tinawagan ngayon si Tita Martha at sumagot kaagad ito sa kanyang tawag. "Pumunta dito si Juliette at Ofelia t-tapos.." Nauutal nitong sabi. "Tapos ano??" Hinahanap naman ni Roxanne ang kanyang heels. "Sinisisi nila ang ama mo kaya napilitan si Emmanuel na humingi sa kanila ng kapatawaran. Tsaka inatake ulit ang ama mo sa puso at isinugod sa emergency room." Habol ni Tita Martha. "Roxanne? Anong oras na ba??" Nagising din si Grace sa kama na nakaramdam ng pagkahilo dahil sa kalasingan. "Grace, mauuna na muna ako. Kailangan kong puntahan si papa sa hospital." Paalam ni Roxanne na kinuha ang isang coat sa Gili. Lumabas na roon si Roxanne na mabilis na sumakay ng taxi. Pagkarating niya doon, mabilis siyang pumunta sa emergency room at natagpuan niya ang kanyang tiyahin na kausap ang doktor. Hinihingal si Roxanne na nakikinig sa usapan ng doktor at ni Martha. Nalaman niyang stress ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi bumubuti ang lagay ng kanyang ama. "Plea
Nakarating kina Jameson ang kumakalat na articles sa social media tungkol sa kataksilan niya at agad niyang tinawagan si Roxanne pero hindi niya na ito maabot. "Humanda ka sa aking babae ka." Galit na usal ni Jameson habang umiinom ng alak. Nagluluto naman si Roxanne ng kanyang hapunan sa kusina pero napahinto siya sa ginagawa nang marinig na may kumakatok sa pinto. Naglakad siya papalapit doon at sumilip sa peephole para macheck kung sino ang taong bumisita. Nakita niyang si Devon lang pala kaya mabilis niyang binuksan ang pinto. "Want some dinner?" Nakangiting tanong ni Devon habang pinakita sa kanya ang dalang pagkain. "Nagluto ako, eh." Sabi ni Roxanne tsaka pinapasok ito. Namangha si Devon na naglakad papasok at naaamoy ang masarap nitong niluluto na kaldereta. Naupo siya agad sa mesa habang naghahanda si Roxanne ng plato at kutsara. Bago kumain, nagdasal muna ang dalawa at pagkatapos nilagyan ni Roxanne ng kaldereta ang bowl. "Marunong ka rin palang magluto, ah."
Napairap si Roxanne dahil sa kalandian nitong si Devon. "Sure ka ba talaga d'yan? Huwag kang umasa baka ma hopia ka lang sa huli." Dikta niya. Matapos mag-umagahan ng dalawa, agad silang naghanda at nagbihis para pumunta sa kompanya. Pagkarating nila sa tapat, nagdadalawang isip si Roxanne na lumabas mula sa sasakyan. "Hmm? What's the matter?" Napansin ni Devon na hindi siya komportable. "Ayaw ko lang kasi na makita tayo ng ibang tao na magkasama. Alam mo na, may masasabi na naman silang masama sa atin." Pag-aalala niya. "Who cares what other people says?" Nakataas kilay na sabi ni Devon. "I know I shouldn't care about what they'll say, but obvious naman na gagawan tayo ng issue. Kaya we should be careful with our actions." Seryoso niyang sabi habang nakatitig sa mga mata ng lalaki. "What actions??" May pagtataka sa mukha ni Devon kaya kumunot ang kanyang noo. Napaisip ng ilang segundo si Roxanne tsaka napalunok ng laway bago sumagot. "You know what I mean..'yung mga yaka
Pagsapit ng alas dose ng tanghali, lumabas na si Roxanne sa laboratory at nagpunta sa opisina ni Devon para samahan itong mananghalian. Pagpasok niya doon, wala siyang makitang bakas ni Devon sa loob. Tanging makikita niya lang ay si Secretary Kenneth na nakaupo sa swivel chair ng boss niya habang nag-aasikaso ng mga papeles. "Si Sir Devon ba hanap niyo Ma'am Roxanne? Hala, umalis 'yun, eh. Paalam niya sa'kin, papunta daw siya sa Valencia." Sabi ni Kenneth. Kinabahan naman si Roxanne na nag-aalala na baka si Devon na naman ang paglabasan ng galit ng kanyang pamilya. "Okay, thank you. Balik na muna ako sa laboratory." "Teka pala, Ma'am Roxanne. M-may ipapabigay lang sana ako kay Frizza. Hehe." Nahihiyang sabi ni Kenneth at mayroong inilahad na tupperware. Tinanggap ito ni Roxanne na hindi inasahanan na popormahan nito ang kanyang assistant na si Frizza. Bumalik ngayon si Roxanne sa laboratory para yayain si Frizza na mananghalian sa cafeteria tsaka binigay niya rito ang pinab
Namutawi sa mukha ni Madame Julie at Lola Ofelia ang pandidiri nila kay Roxanne na tingin nila ay isang linta na dumudikit kay Devon. "Hindi ka ba nahihiya, Roxanne?? Hiniwalayan mo na ang anak kong si Jameson at ngayon naman si Devon ang isusunod mo? Anong klaseng babae ka?!" Dikta ni Madame Julie. "Madame Julie, isipin mo ang gusto niyong isipin pero hindi ako ganoon katinik na babae na two-timer, o kung ano man ang tingin niya sa akin. Wala akong masamang intensyon kay Devon at hindi ko kasalanan kung bakit niya ako pinili." Paliwanag ni Roxanne. "Tingin mo maniniwala kami sa kasinungalingan mo, Roxanne?? Or you're using him for your own gains like what you did to Jameson??" Dagdag pa ni Madame Julie na nakakrus ang mga braso. "I said, believe what you want to believe. Wala na akong pakialam." Malamig na sabi ni Roxanne. Tumingin naman ang lahat kay Lola Ofelia na napabuntong-hininga. "Roxanne, kung hindi mo hihiwalayan si Devon, sisirain mo lang ang buhay niya at mailalayo
Napalingon si Devon sa kanya at ngumiti. "Oo naman? At bakit parang ayaw mong maniwala?" "Nakakapagtaka lang kasi nga, sino ba naman ako para piliin mo kaysa sa iyong pamilya." Usal ni Roxanne. "Tsaka, hindi ka tuloy makakatanggap ng mana nang dahil sa akin." "Huwag mo na iyong problemahin, wala na sa akin ang bagay na 'yon. Kung gusto mong malaman kung anong dahilan kung bakit kita pinili, iyon ay dahil mahal kita." Seryoso niyang sabi at kinuha bigla ang isang kamay ni Roxanne at hinalikan. Napatulala ang babae na napaisip na baka panaginip lang ang lahat ng ito, hindi pa rin pumapasok sa kanyang isipan na sila na nitong gwapong nilalang at ngayon hawak ang kanyang kamay. "Ang bilis kasi ng lahat, nalilito ako kung trip mo lang ba ito para inisin si Jameson o seryoso ka ba talaga sa akin??" Inagaw ni Roxanne ang kanyang kamay para mapakamot sa ulo. Napansin naman ni Devon ang kanyang pagkalito kaya handa na siyang magpaliwanag. "Seryoso ako sayo, Roxanne. But I want to
Nadala si Devon sa bugso ng damdamin at nalimutan na agad ang kanyang limitasyon. Naging malikot ang kanyang mga kamay na pumasok na sa loob ng palda ni Roxanne. "Devon!" Suway ni Roxanne na tinanggal ang kanyang kamay sa kanyang hita. "Sabi kong tama na." Pinandilatan niya rin ito ng mata. Natakot naman si Devon na baka makagat nito kaya siya umayos. "S-sorry, nadala lang." Aniya at napakamot sa ulo. Inayos agad ni Roxanne ang kanyang nagusot na damit at napatingin sa salamin para ayusin ang kanyang nagulong lipstick. "Kalmahan mo nga, Devon. Hindi tama na gumawa tayo ng ganito sa publiko." Seryosong sabi ni Roxanne, hindi ibig sabihin ay wala na silang pakialam sa sasabihin ng iba, kailangan pa rin nilang maging maingat sa kanilang mga galaw. *** Sa kabilang banda, bumalik si Jameson sa kanyang sariling bahay at pagpasok niya, nakita niya si Savannah na nakaupo sa couch habang nanonood ng telebisyon. "Ano? Nakabalik ka na ba sa kompanya?" Tanong ni Savannah na nanatili
Bago pa mawala sa katinuan si Roxanne, agad niyang sinampal ang sarili. Inisip niya na baka ang kasama lang ni Devon na babae ay isang kliyente pero hindi pa rin niya maiwasang mag-isip ng ganoon lalo na't makikita niya sa larawan kung gaano sila kalapit dalawa. Pinatay niya ngayon ang phone at pilit na huminga. Nagtatangka din siya na tawagan agad si Devon pero pinigilan niya ang sarili dahil baka ano pa ang kanyang masabi. Ginagamit lang naman niya si Devon. Kahit pa magkaroon ito ng relasyon sa ibang babae, ano bang karapatan niyang magalit? Muling nag-ring ang phone niya at nagpa dala si Grace ng ilang mensahe. [Nalaman ko na ang babaeng iyon ay si Daphne Bermudez. Siya ang first love ni Devon, pero hindi pa ako sure. Basta ang nasagap ko, classmates sila sa college at noong nakatanggap ng full scholarship ang babae, nagpunta siya sa states, at mukhang nauudlot ang pag-iibigan nila.] [And' yun nga parang best friends lang din sila. Basta parang nalimutan na rin nila ang is
Hinaplos ni Devon ang ulo ni Roxanne para pakalmahin siya, "Honey, alam kong nahihirapan kang magtiwala sa akin kaya nais kong patunayan ang sarili ko sayo." Lumingon at tumingala si Roxanne sa kanya at akmang magsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ni Devon sa bulsa. "Nagpalit ka ba ng ringtone?" Narinig na dati ni Roxanne ang ringtone nito, at pansin niyang nagbago ito. Hindi sumagot si Devon na agad kinuha ang cellphone, at lumayo upang sagutin ang tawag. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam si Roxanne ng pagkabahala, at hindi niya maiwasan mapaisip. Maya-maya, ibinaba na ni Devon ang tawag at bumaling sa kanya. "May kailangan akong asikasuhin sa labas. Mauna ka ng matulog." Tumalikod siya at naglakad papalayo, ngunit bigla siyang hinawakan ni Roxanne sa kamay nang hindi niya namamalayan. "Importante ba ang pupuntahan mo? Puwede bang manatili ka muna..." Hindi alam ni Roxanne kung anong dahilan ang sasabihin niya para pigilan ito. Masama talaga ang paki
Medyo natatawa si Roxanne na tingnan si Madame Julie na halatang naiinis sa kanyang reaksyon. "Madame Julie, noong sinasabi mo sa lahat na minaltrato kita, hindi mo siguro naisip na aabot sa puntong hihingi ka sa akin ng pabor para lang iurong ang demanda, tama ba?" Namutla ang mukha ni Madame Julie. Kumuyom ang mga kamao niya at namulat na ang kanyang palad dahil sa pagbaon ng kanyang mga kuko. "Roxanne, inaamin kong nagkamali ako sayo kaya humihingi ako ng tawad. Huwag mo na sana akong pahirapan, okay?" "Okay," tumango si Roxanne. "Maglabas ka ng pahayag na nilinaw mong hindi kita sinaktan. Ikaw ang nagpakalat ng maling balita para sirain ang pangalan ko. If you can do that then ipapaurong ko ang demanda." Hindi makapaniwala si Madame Julie. Kung maglalabas siya ng pahayag ngayon, malalaman ng lahat na pagdadrama niya lang lahat at isa siyang sinungaling. "Roxanne, baka naman may iba tayong pwedeng pag-usapan. Maaari nating idaan ito sa usapan." "Oh? Akala ko ba gusto mon
Paglabas ni Roxanne, pinigilan niya ang tiyahin na pumasok at sinabihan na magkausap ang ama at kasintahan sa loob kaya naupo muna sila sa upuan sa labas. Pagkalipas ng ilang minutong katahimikan, biglang nagsalita si Tita Martha, "Roxanne, sa totoo lang, walang masama kung manatili kami sa Germany—" Hindi pa tapos magsalita si Martha nang putulin siya ni Roxanne na may malamig na ekspresyon, "Tita, bigla nalang kayong hindi pumayag na pumunta sa abroad. Dahil ba babalik na dito si Kuya Miles para magtrabaho?" Napatigil si Martha, "Papaano mo nalaman ito?" "Tinawagan niya ako kahapon at sinabi niya sa akin ang tungkol sa pagbabalik niya sa bansa." "Hay naku, dahil alam mo na, sasabihin ko na ang totoo. Totoo, ayaw ko nang umalis sa bansa dahil babalik na siya." "Mas magiging ligtas kayo kung dadalhin mo si Papa sa abroad." "Alam ko iyon, pero babalik ang anak ko, at ayokong maapektuhan siya ng mga problema mo sa pamilya Delgado. Kung mananatili kami, magkakaroon ka ng dah
Napatingin si Madame Julie kay Jameson na tila hindi makapaniwala, nanginginig ang buong katawan, "Sinasabi mo bang nakakahiya ako?" "Hindi ba? Tingnan mo ang lahat ng ginawa mo kamakailan? Kung wala kang kakayahan, huwag ka nang gumawa ng gulo!" Punong-puno ng galit ang mukha ni Jameson, at hindi na siya nagpaawat sa kanyang mga salita. Patuloy na tumulo ang luha ni Madame Julie dahil sa sinabi nito, "Kung hindi walang kwenta ang ama at anak ko, kakailanganin ko bang gawin ang mga ito? Ngayon sinasabi mong nagdadala ako ng gulo? Bakit hindi mo magawang ilabas ang Lolo mo mula sa presinto? Jameson, gumawa ka naman ng paraan!!" Pagkasabi nito, binuksan niya ang pinto ng kotse at umalis. Hindi na siya hinabol ni Jameson. Nanatili siyang nakaupo sa kotse at napahampas siya sa hawak na ma nobela. Bakit hindi maintindihan ng ina ang sitwasyon? Sa kasalukuyang estado niya, wala siyang kakayahang iligtas si Lolo Gerald. At totoo naman ang mga paratang laban sa kanyang lolo. Ang da
Si Miles na nasa kabilang linya ay biglang natigilan sa kanyang narinig, "May kasama ka ba di yan?" Tanong niya. "Oo." Sagot ni Roxanne. "Aww, sige. Gotta go." Pagka putol ng, napatingin si Roxanne kay Devon, "Bakit ka biglang sumabat habang kausap ako sa phone?" Kalmado naman ang mukha ni Devon. "Nagtanong lang ako kasi maghahapunan tayo ngayon. Bakit? Nakaabala ba ako habang kausap mo siya?" "Hindi naman." Pakiramdam ni Roxanne na parang sinadya ito ng lalaki kanina. "At sino ba 'yung tumawag sa'yo?" Dagdag pa ni Devon. "Ampon ng Tita Martha na nasa abroad. At bihira ko lang siyang makausap kaya hindi ko na nabanggit sa'yo." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Devon ngunit hindi na nagtanong pa. Pumunta silang dalawa sa isang western restaurant para maghapunan. Nang makarating sila doon, agad silang nakita ni Jameson na nandoon din na nakikipag-usap sa kanyang kliyente. Lumamig ang kanyang tingin, at matapos umalis ang kliyente niya, diretso siyang lumapit sa dalawa
Kinabukasan ng tanghali, dumating si Roxanne sa restaurant kung saan naghihintay ang lawyer niya. Mabilis siyang lumapit at naupo sa tapat nito. "Pasensya na po, naantala ako sandali sa laboratoryo." "Walang problema, Miss Guevarra. Tingnan mo muna ang dokumentong ito." Kinuha ni Roxanne ang dokumento at binuklat ito. Habang binabasa, hindi niya maiwasang malito. Simula nang magloko si Jameson, sinimulan nitong ilipat ang kanyang mga ari-arian. Karamihan sa mga ito ay ngayon nakapangalan na kay Savannah Gomez, ang kabit nito. "Miss Guevarra, ang pangunahing problema ay kasal na ngayon sina Jameson at Savannah. Malinaw na kumonsulta siya sa abogado bago niya ilipat ang mga ari-arian. Maayos ang pagkakagawa nito, kaya mahirap nang bawiin ang mga ito." "Magkano na lang ang maaari kong makuha?" "Limang milyon." Hindi na nagulat si Roxanne sa halagang iyon. Naisip na niya ito habang binabasa ang dokumento kanina. "Sige, naiintindihan ko. Pakiusap, kausapin mo ang abogado
Sa kabila ng lahat, hindi ganoon kalaki ang pagkagusto ni Roxanne kay Devon. Iniintindi niya pa ang tinitibok ng puso pero hindi niya hahayaang kontrolin siya nito, mas ginagamit niya pa rin ang utak. At nanatili siya sa tabi ni Devon upang magkaroon ng proteksyon mula sa mga kalaban. "Pero sa susunod na may manggulo sayo, huwag kang magdalawang isip na lapitan ako para humingi ng tulong, ayaw kong harapin mo ng mag-isa ang lahat ng problema." Ang seryosong ekspresyon ni Devon ay nagpalambot sa puso ni Roxanne. . "Okay, gagawin ko." Nakangiting tugon ni Roxanne. Pagbalik sa kwarto, balak ni Roxanne na tanggalin ang kanyang make-up nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang tumatawag si Grace. "Roxanne, pinapakalat pala ng dati mong biyenan ang balitang sinaktan mo raw siya. Kalat na kalat na ito sa buong bayan." Ibinaba ni Roxanne ang kanyang tingin, "Huwag kang mag-alala, malapit na rin siyang makarma." "GRR! Hindi mo alam kung gaano kasama ang sinabi niya t
Malawak ang ngiti ni Irene at maririnig ang tunog ng kanyang takong na papasok sa loob ng opisina. Habang si Devon ay abala sa pag-aayos ng mga dokumento sa mesa. Ang sinag ng araw na tumatama sa kanya mula sa bintana ay nagbigay ng parang liwanag sa kanyang paligid, na lalong nagpalutang sa kanyang kagwapuhan. “Mr. Devon Delgado, handa na ang kontrata. Sa tingin niyo ba ay tamang oras na para pirmahan natin ito?” tanong ni Irene. Ibinaba ni Devon ang mga hawak niyang dokumento at tumingin kay Irene na malamig ang ekspresyon. “Ms. Irene Warner, there's some misunderstanding. Nakipagkita ako sa iyo ngayon para ipaalam na mayroon nang ibang potensyal na kasosyo ang PharmaNova sa ibang kompanya so you don't have to go here anymore." Nanatili ang ngiti ni Irene sa kanyang mukha ngunit halatang nanigas ito. “What??” gulat na tanong niya. Maraming beses na silang nag-usap at halos pipirmahan na ang kontrata, pero bigla na lang siyang aatras sa usapan. Kahit galit, pinilit pa rin n