Ayan na! Pati ako kinakabahan na rin sa sinusulat ko🤣 Tingin niyo ano kayang gagawin ni Jameson? 🫣
"Ano ang mga ito??" Seryosong tanong ni Jameson na hindi masyadong maaninag ang mga nakasulat sa papel dahil sa kalasingan. "Wala ka ng pakialam! Ibigay mo ang phone ko!" Sinugod ni Roxanne ang lalaki at nilalayo doon sa mesa. "Roxanne, kumalma ka nga! Gusto kong mag-usap tayo ng maayos." Seryosong sabi ni Jameson at hinila siya para maupo. "Wala na nga akong balak na makipag-usap sayo. Ba't ba ang tigas ng ulo mo!" Sigaw ni Roxanne at nauubusan na ng pasensya. "Please, pakinggan mo muna ako." Pagmamatigas ni Jameson at nakatayo sa kanyang harapan. "Gusto kong ipaalam sayo na tatalikuran ko na ang pamilya ko at magsisimula ako ulit sa sarili kong kakayahan." Napanganga si Roxanne at pinagtaasan siya ng kilay. "Tapos?? Anong kinalaman ko sa mga plano mo?" Napabuntonghininga si Jameson na lumuhod bigla sa kanyang harapan. "Gusto kong magsimula ulit ng kasama ka. This time, I'll make everything right. I promise." Pakiramdam ni Roxanne ay para siyang binabangungot ngayon at g
Nagmamadali ngayon si Devon na pumasok sa kanyang sasakyan at mabilis niya nitong iminaneho sa daan. Dumaan ang ilang minuto, nakarating na rin sa wakas si Devon sa apartment ni Roxanne. "Roxanne? Ano bang nangyari?" Nag-aalalang tanong nito. "Devon, kailangan ko ng lumipat ng ibang bahay dahil nagagawa ni Jameson na sundan ako." Nababalisang sabi ni Roxanne. "Pinasok niya rin itong apartment mo?" Bakas sa boses ni Devon ang galit. "Oo, at hindi ko alam kung papaano siya nakapasok pero paniguradong may binayaran siyang tao rito." Parang maiiyak si Roxanne sa takot na wala siyang privacy mula sa malupit na asawa. Sinapo ni Devon ang kanyang noo, kung nandirito pa si Jameson ay tiyak na masusuntok niya ito sa mukha. "Sige, ako na ang bahala na maghanap ng malilipatan mong mas safe na lugar. Bukas na bukas, lilipat kita agad." Nanatili muna si Devon ng ilang minuto sa kwarto ni Roxanne para samahan ito at para pakalmahin. Nang makatulog na si Roxanne, nagpatawag siya ng body
Sa sobrang pagkabigla ni Roxanne, nawalan siya ng malay at mabuting may sumalo sa kanya at idinala siya kaagad sa hospital. Nang magising siya, natagpuan niya ang nag-aalalang mukha ni Devon. At agad na napakayakap si Roxanne sa lalaki. Napaiyak siya na maalala ang mukha ni Jameson na nakita niya kaninang nabangga ng itim na sasakyan. "Si J-jameson...." Naiiyak siyang bigkasin ang pangalan nito. Napapikit si Devon na siya ring nag-aalala sa kalagayan ng kapatid dahil natagpuan niya rin ito kanina na duguan sa kalsada. "Huwag kang mag-alala. Magiging maayos din ang lahat." Aniya. Mayroon namang pumasok sa ward at ito ay si Madame Julie na namumugto ang mga mata kakaiyak dahil sa sinapit ng anak. "Anong ginawa mo sa anak ko, Roxanne?!" Galit niyang tanong. Akma niyang susugurin si Roxanne pero pinigilan siya ni Devon. "Mom! Don't blame her!" Nang dahil sa silakbo ng damdamin, nasampal ni Madame Julie si Devon. "How dare you! Nag-aagaw buhay ang kapatid mo ngayon
Nagulat si Roxanne sa mga nalaman mula sa pulis at hindi siya naniniwala na isa iyong aksidente. "Sir, dumeretso ang sasakyan na iyon sa aking direksyon. Sinasadya iyong mangyari at may gustong magtangka sa aking buhay." "Isa po ito sa mga anggulo na aming tinitingnan ma'am at maari po ba naming matanong kung mayroon po ba kayong nakaaway na mga tao na posibleng gumanti sa inyo?" Napalunok ng kaway si Roxanne at alam niya na kung sino ang kanyang kaaway pero hindi niya ito magagawang ituro. "W-wala naman po." Matapos ang ilang minuto, umalis na ang mga pulis at naiwan si Roxanne na nagpapahinga sa kanyang kama, at mamayang hapon ay maari na siyang umuwi. Ngunit hindi niya pa magagawang umuwi ngayon dahil nag-aalala siya sa kalagayan ni Jameson. Nagulat din siya na malaman na posibleng hindi na ito muling makapaglakad. "Roxanne, huwag mo muna siyang alalahanin. Nasa pangangalaga siya ng doktor at mas mainam na unahin mo muna ang sarili mo. Ipapaalam ko rin agad sayo kapag nagisi
Mga alas nuebe ng umaga, umalis na si Devon sa hotel ni Roxanne at bago niya ito iwan, sinigurado niyang hindi na ito nag-aalala pa at namamahinga na. Habang nagmamaneho naman ng kanyang sasakyan sa daan, napapaisip si Devon kung papaano mapagtatagumpayan ang diborsyo ni Jameson at Roxanne para agad na itong maipasa sa korte. Hindi kasi nakikipag-ugnayan si Jameson kaya pahirapan ang pagproseso nito. Tsaka isip din ni Devon na maaring ginagamit ni Jameson ang kanyang kapansanan para manipulahin si Roxanne na manatili sa kanyang tabi at hindi ituloy ang diborsyo. *** Sa kabilang banda ay kausap ni Lolo Gerald ang taong kanyang inutusan para ibigay ang pera sa namatayan na pamilya ng driver na pinag-utusan niyang banggain si Roxanne pero dahil sinira ni Jameson ang plano, namatay tuloy ang driver kaya uminit ang kanyang ulo. "Ibigay mo ang hati nila at siguraduhin mong mananahimik na sila kung hindi ay idadamay kita." Pananakot niya sa lalaki. *** Matapos na mag-ayos ni Roxan
Kung iisipin, si Devon ay apo ni Lolo Gerald at tingin ni Roxanne ay baka hindi rin nito magagawa ng traydurin ang matanda dahil madadamay din siya kapag nailabas ang krimen nito. Nalilito na nga si Roxanne sa kung anong gagawin, gustong-gusto niyang maghiganti kay Lolo Gerald pero papaano naman kung madadamay ang inosenteng tao tulad ni Devon. Ayaw niyang mangyari na pati ito ay sasalo sa mga pambabatikos at maaring ring madamay ang umaarangka nitong kompanya. Lumipas ang mga araw, lumalabas-labas lang si Roxanne sa hotel para pumunta ng trabaho at ngayon gabi, naisipan niyang bisitahin ulit si Jameson. Pagdating niya roon sa ward, nakita niya si Savannah na sinusubuan si Jameson ng pagkain. "May nadistubo ba ako?" Aniya. Napalingon sila sa kanyang direksyon at natigilan sa kanilang ginagawa. Wala namang reaksyon ang mukha ni Jameson na sinenyasan si Savannah na umalis muna. Masunurin si Savannah na wala ng sinabi pero matalim ang kanyang tingin kay Roxanne. "Tsk. Nagagawa mo pa
Nasa conference room si Devon na nasa kalagitnaan ng meeting kasama ang mga shareholders ng kompanyan. Nasurpresa naman siya na makita ang biglang pagtawag ni Grace kaya saglit siyang lumabas para sagutin ito. Kinabahan din siya na malaman ang tungkol sa pagkawala ni Roxanne. "Boss, may problema ba?" Napansin ni Kenneth ang mukha nito na parang may inaalala. "Kenneth. Paki-dismiss muna ng meeting. Kailangan ko munang alamin ang kinaroroonan ni Roxanne dahil nawawala umano ito sabi ng kanyang kaibigan." Utos ni Devon. Nagitla rin ang sekretarya na agad namang sumunod sa kanyang utos. Nang makalabas naman sila sa building, dalawa silang nakipagkita kay Grace at sinubukan nilang i-trace up ang phone nito. Sa wakas ay nahanap nila ang sasakyan ni Roxanne sa isang gas station pero nagitla sila na walang makitang bakas nito kung hindi ang kanya lang phone sa loob. "Dios mio. Nasaan ba si Roxanne??" Natataranta si Grace ngayon at natatakot sa naisip na bagay. Pinagpawisan naman si
Bakas sa mukha nila ang pagka-guilty pero hindi nila agad matanggap ang katotohanan na ang kanilang padre de pamilya ay isang kriminal. "Sumusobra ka na, Roxanne. Hindi lang anak ko ang pinunterya mo, pati rin ang ama ko!" Pang-aakusa ni Madame Julie. "Sila ang may ginawang masama sa akin. Niloko ako ng anak mo habang pinasabog ng ama mo ang kompanya ng aking ama noon. At ngayon sinubukan niya akong patayin." Depensa ni Roxanne. Namumutla ang mukha ni Madame Julie na iparinig nito sa kanya ang tripleng krimen ng kanyang ama. "Hindi na sana umabot sa ganitong sitwasyon, sinasadya mo lang itong mangyari lahat dahil gusto mong maghiganti!" Tumaas ang kilay ni Roxanne at taas noo niya silang tiningnan. "Hindi ako naghihiganti, kinuha ko lamang ang hustisya na nararapat sa aking pamilya at sa ibang taong walang kalaban-laban." "Kaya mo ba pinakasalan si Jameson para maisakatuparan ang plano mo para pabagsakin kami??" Tanong naman ni Lola Ofelia, pati ito ay naimbyerna sa pagmumukh
Napatingin si Devon sa sekretarya at binigyan ng tingin na nagsasabing huwag siyang mangialam. "Ano? May sasabihin ka pa ba?" Nag-atubili si Kenneth bago sumagot, "Boss, sa tingin ko, mas mabuting pag-isipan niyo pa ito. Sa huli, ang mga balitang kumakalat sa kumpanya ay puro sabi-sabi lang. Maaari kayong maglabas ng pahayag na nagbabawal sa mga empleyado na talakayin ang inyong personal na buhay, pero hindi na kailangang ipaliwanag ang relasyon niyo kay Miss Daphne." "Kung malalaman pa ng lahat ng empleyado na iniwan kayo ni Roxanne, pagpipiyestahan kayo lalo." Dagdag niya pa. Ilang segundong natahimik si Devon at napagtanto ang kanyang punto, bago sumagot, "Sige, gawin mo ang tamang bagay." Hindi nagtagal, naglabas ang opisina ng CEO ng pahayag na nagbabawal sa mga empleyado na talakayin ang personal na buhay ni Devon Delgado. Sinumang mahuli ay agad na tatanggalin sa trabaho. Abala naman sina Roxanne at Frizza sa mga eksperimento buong umaga at wala silang oras para
Bahagyang nagyelo ang katawan ni Roxanne na nakadikit sa harapan ni Devon. Ngunit mabilis siyang umatras at inayos ang pagkakatayo. Habang dumadaan siya sa harap nito, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Natatakot siya na baka gumawa ito ng anumang bagay na makatawag-pansin. Pagkatapos ng lahat, ang paraan ng pagtitig nito sa kanya kanina ay nakakatakot. Pagkalabas niya ng Cafeteria, doon lamang siya nakahinga ng maluwag. "Naghiwalay na kami, pero bakit ganoon pa rin ang tingin niya sa akin?" Huminga siya nang malalim at pilit na pinaalalahanan ang sarili na huwag na itong isipin. Anuman ang mangyari, wala na silang kaugnayan sa isa’t isa. Mas mabuti nang magpanggap nalang silang hindi kilala ang isa't-isa. Maya-maya, lumabas na rin sina Frizza at Miles mula doon. Sumabay naman si Roxanne sa kanila na bumalik sa laboratory. Inihatid niya rin si Miles sa kanyang workstation at ipaliwanag ang sistema ng imbakan ng mga gamot sa laboratory. *** Mabilis na lumipa
Napayuko si Secretary Kenneth na nanginginig na ang kamay at hindi alam kung papaano magpapaliwanag. Dahil ang malaking kliyente ay isang malaking kawalan sa kompanya. Ngunit medyo naguguluhan din siya. Napaisip si Secretary kung bakit susugal ang mga Ferelll sa maliit na kompanya ni Jameson na alam nito na katunggali ito ni Devon. Puno naman ng galit ang mga mata ni Devon, "Tawagin mo ang responsable sa cooperation na ito!" "Copy, boss!" Mabilis na tumalikod si Kenneth at nagmadaling umalis, natatakot na baka tawagin siya ulit ng amo. Alam niyang mahirap pakisamahan si Devon ngayong kakahiwalay lang nila ni Roxanne. *** Bago magtanghali, magkasamang pumunta sa cafeteria sina Roxanne at Frizza upang kumain. Pakiramdam ni Frizza ay may kakaiba, kaya't hindi niya napigilang magtanong, "Ate Roxy, hindi ka ba sasabay kumain kasama si Sir Devon?" Nasanay si Frizza na makita ang dalawa na sabay kumain tuwing lunch at ngayon napansin niyang mayroong distansya sa pagitan
Nilagok muna ni Devon ang baso ng alak bago sumagot, "Last week." "At nasaan siya ngayon?" Tanong pa ni Vincent. Hinila naman ni Devon ang phone niya at walang emosyong pinatay ulit ang pagtawag ni Daphne. "Sa Cherry Hotel malapit sa Central Bank." Agad na tumayo si Vincent at umalis para puntahan si Daphne. Habang ang isa pang kaibigan ni Devon na si Derrick ay napatingin sa kanya ng seryoso. "Talagang wala ka nang nararamdaman para kay Daphne?" Noong nasa kolehiyo pa sila, alam niyang gusto ni Vincent si Daphne, kaya't lagi itong binabakuran ni Devon para walang ibang lalaking makalapit sa kanya. Ngayon mukhang wala na itong pakialam pa. "Dati lang iyon, wala na akong nararamdaman para sa kanya." Pagkaklaro ni Devon. Nang marinig ito, bahagyang ngumisi si Derrick at napailing, "Aba, naka-move on ka na pare." Noong umalis si Daphne papunta sa ibang bansa, inakala ng mga kaibigan niya ay maapektuhan si Devon pero naging normal naman ang takbo ng buhay nito na na
Nagulat si Devon sa mga sinabi nito, "K-kailan mo nalaman?" Napabutong-hininga si Roxanne bago nagpaliwanag, "Nakita kayo ni Grace sa isang restaurant at pinaalam niya sa akin na may kasama kang ibang babae." Padabog niya pang sabi tsaka tumalikod, pumasok siya sa loob ng sasakyan. Mabilis namang hinawakan ni Devon ang kanyang pulso. "Roxanne, kasalanan ko na hindi ko sinabi sa’yo ito. Patawarin mo sana ako." Lumingon si Roxanne. Ang reaction ng kanyang mukha ay hindi mabasa. Hinila niya naman ang kanyang kamay mula kay Devon, "Kung gusto mo siyang balikan, umalis ka na." "Roxanne, wala naman akong babalikan dahil hindi naging kami." Depensa ni Devon. "At bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Napayuko si Devon na natakot sa kanya, "N-natakot lang ako na baka anong isipin mo." Naningkit ang mata ni Roxanne sa sinabi nito, "Pero hindi ka natakot sa kung anong mararamdaman ko? Devon, you can tell me about it, maintindihan ko naman. Sa ginawa mong ito, you just triggered all
Ginugulo ni Miles ang buhok ni Roxanne na natatawang inalala ang dati nitong hitsura na sobrang chubby. Mayamaya pa, na-awkward ulit ang dalawa at naupo sa kanilang kinauupuan. "Grabe, ang tagal nating hindi nagkita." Ani ni Miles na tanging naalala ay mga panahon na mga bata pa lamang sila. "Kaya nga, nakakamangha." Halos pitong taon na ang nakakalipas at ang huli nilang pagsasama ay sa libingan ng ina ni Roxanne na namatay dahil sa pagsabog. Nagsimula namang kumain ang dalawa nang maihain ng waiter ang kanilang order. "Siya nga pala, Miles. Bakit mo ba naisipang bumalik dito para magtrabaho? Narinig ko na mataas ang sahod mo sa Germany bilang doktor,ah?" Ngumisi naman si Miles na napaubo at napainom ng tubig, "Grabe ka naman, bawal ba akong umuwi dito?" Tinarayan siya ni Roxanne na nagdududa pa rin talaga, "Hmm? Sabihin mo nga sa akin anong mga plano mo." Napalunok ng ilang beses si Miles na hindi alam papaano sasabihin lahat, "Actually, nagpunta ako sa PharmaNova kani
"Daphne, I already told you, I have a girlfriend kaya pwede bang tigilan mo na ako?!" Inis na sabi ni Devon habang nakatingin sa babae.Pinagtaasan naman siya ng kilay ni Daphne na walang balak na umatras, "So you love her now??" "Of course! I love my girlfriend and ayaw kong guluhin mo ang relasyon namin. So please, go away!" Pangtataboy niya pa. Nawala ang ngisi sa mukha ni Daphne na mabilis na pinalitan ng lungkot na animo'y kinawawa ng husto, "Papaano naman ako? Hindi ba't ako lang ang minamahal mo?" Napailing si Devon na sumasakit ang ulo sa mga kadramahan niya at ayaw niyang magbalak na naman ito na magpapakamatay kaya pinili niya nalang na manahimik. "Iuuwi na kita." Malamig niyang sabi at agad na sumunod ang babae na sinubukan siyang habulin. "Marami akong importanteng gagawin, Daphne at nakakadisturbo ka na sa akin." Sambit ni Devon na napatingin sa kanyang relos. Nanlumo si Daphne na napakagat ng ibabang labi, "So disturbo lang ako para sayo? W-wala ka talagang pakiala
Bago pa mawala sa katinuan si Roxanne, agad niyang sinampal ang sarili. Inisip niya na baka ang kasama lang ni Devon na babae ay isang kliyente pero hindi pa rin niya maiwasang mag-isip ng ganoon lalo na't makikita niya sa larawan kung gaano sila kalapit dalawa. Pinatay niya ngayon ang phone at pilit na huminga. Nagtatangka din siya na tawagan agad si Devon pero pinigilan niya ang sarili dahil baka ano pa ang kanyang masabi. Ginagamit lang naman niya si Devon. Kahit pa magkaroon ito ng relasyon sa ibang babae, ano bang karapatan niyang magalit? Muling nag-ring ang phone niya at nagpa dala si Grace ng ilang mensahe. [Nalaman ko na ang babaeng iyon ay si Daphne Bermudez. Siya ang first love ni Devon, pero hindi pa ako sure. Basta ang nasagap ko, classmates sila sa college at noong nakatanggap ng full scholarship ang babae, nagpunta siya sa states, at mukhang nauudlot ang pag-iibigan nila.] [And' yun nga parang best friends lang din sila. Basta parang nalimutan na rin nila ang i
Hinaplos ni Devon ang ulo ni Roxanne para pakalmahin siya, "Honey, alam kong nahihirapan kang magtiwala sa akin kaya nais kong patunayan ang sarili ko sayo." Lumingon at tumingala si Roxanne sa kanya at akmang magsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ni Devon sa bulsa. "Nagpalit ka ba ng ringtone?" Narinig na dati ni Roxanne ang ringtone nito, at pansin niyang nagbago ito. Hindi sumagot si Devon na agad kinuha ang cellphone, at lumayo upang sagutin ang tawag. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam si Roxanne ng pagkabahala, at hindi niya maiwasan mapaisip. Maya-maya, ibinaba na ni Devon ang tawag at bumaling sa kanya. "May kailangan akong asikasuhin sa labas. Mauna ka ng matulog." Tumalikod siya at naglakad papalayo, ngunit bigla siyang hinawakan ni Roxanne sa kamay nang hindi niya namamalayan. "Importante ba ang pupuntahan mo? Puwede bang manatili ka muna..." Hindi alam ni Roxanne kung anong dahilan ang sasabihin niya para pigilan ito. Masama talaga ang pak