Share

CHAPTER 109-RAGE

Author: Leigh Obrien
last update Huling Na-update: 2024-10-20 20:22:58
Sa lakas ni Jameson, hind siya magawang itulak ni Roxanne kaya nabitiwan nalang nito ang hawak na bakal.

"Ayaw kong makulong dito!" Sigaw ni Roxanne.

Hindi siya pinakinggan ni Jameson na tumalikod at agad na isinara ang pintuan habang naiwan sa loob si Roxanne na sinusubukang buksan ang pinto.

"Buksan mo 'to!" Nagsusumigaw siya pero tumigil din siya dahil alam niyang hindi ito makikinig.

Inilabas niya nalang ang kanyang phone sa bulsa para humingi ng tulong pero napailing siya nang makita na wala na naman itong baterya. Gusto niya itong ihampas pero ibinalik niya nalang ito sa loob ng bulsa.

Wala siyang nagawa kung hindi maupo nalang sa gilid. Napatingin din siya sa paligid at nakitang puro mga lumang kagamitan ang nakatambak, habang namamatay-matay naman ang ilaw sa kisame.

Napasandal siya sa pader habang sinusubukan na maka-idlip dahil inaantok siya. Napagod siya sa kaka-tortore kay Naomi kanina at hindi niya maiwasan na nakaramdam ng pagkadismaya sa sarili dahil nagawa n
Leigh Obrien

Special mention to Ms. Gen Gamarza Villacampa. Sobrang na appreciate ko kayo and sobrang laking bagay ng inyong bawat thank you🥺🤗 #spreadlove Goodnight everyone! 🥳

| 14
Locked Chapter
Patuloy ang Pagbabasa sa GoodNovel
I-scan ang code upang i-download ang App
Mga Comments (10)
goodnovel comment avatar
Maria Gina Rivera Balajadia
ahahahaa love it ... maglaway ka Jameson Doon kana lang Kay savannah parehong baliw bagay kayu hehehe.... enjoy enjoy den Roxanne pag my time ahahahaa ...
goodnovel comment avatar
Malyn Ferrer
Update na po plsss
goodnovel comment avatar
Chris Bravs
Sana sila n devon wag na si Jameson puro naman sya pahirap Kay roxan
Tignan lahat ng Komento

Kaugnay na kabanata

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 110-SYMPATHY

    "Manmanan mo sila ngayon din!" Utos ni Jameson kay Secretary Brian bago pinutol ang tawag. Tumigil na rin siya sa pagwawala at naupo nalang sa couch habang hinihimas-himas ang kanyang sumasakit na ulo. Naging kalmado naman siya matapos ang ilang minuto at nakapagisip-isip ng maayos. Gusto niyang magalit ng husto kay Roxanne ngunit mas nangangamba siya ngayon dahil sa ginawa niyang bagay na ipinabigay niya ang transplant ng ama ni Roxanne sa ama ni Savannah. Tinagawan niya ulit ang sekretarya para pagsabihan na bilisan ang paghahanap ng ibang kidney at lung source para kaagad siyang makabawi sa asawa. Tumayo na si Jameson at pumunta sa apartment ni Savannah. Nadatnan niya itong nagluluto sa kusina. Nasurpresa naman si Savannah na makita siya. "Oh, dito ka na naman ba matutulog?" "Alam kong alam mo na ang balita sa ama mo pero sinasabihan kitang huwag na huwag mo itong ipapaalam kay Roxanne, o kung hindi, mapapahamak ka at ng ama mo." Babala ni Jameson. Kumunot ang noo ni

    Huling Na-update : 2024-10-21
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 111-INVITE

    Nanatili naman si Roxanne sa tabi ni Grace ng isa pang oras pero umalis na siya nang makarating na ang ina nitong si Helena. Sa sumunod na araw, nakabalik na si Roxanne sa trabaho at nagkita sila ni Secretary Brian sa sa hagdan. "Madame, may ipinapabigay po si Sir Jameson." Aniya at iniabot ang paperbag. "Sabihan mo siya na hindi ko ito matatanggap." Seryosong niyang sabi at tumalikod. *** Isang gabi, papauwi na si Roxanne mula sa pamamalengke at pag-uwi niya sa apartment. Nagitla siya na makita si Jameson sa labas ng pinto. "Umuwi ka na, Roxanne. Gusto kong bumawi sa kaarawan mo." Aniya. "Kung babalik lang ako para ikulong mo sa basement, huwag nalang." Pagtataray niya. "Roxanne, I'm sorry, nadala lang ako sa galit. Hindi ka kasi nagpapaalam sa akin, natural magagalit ako." Tugon nito. Naiinis si Roxanne sa kanyang nagpapaawang mukha. "Ewan ko sayo, umuwi kang mag-isa dahil dito ako mananatili hangga't mainit pa ang ulo ko." "Roxanne, sorry na kung hindi kita pinakingg

    Huling Na-update : 2024-10-21
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 112-PARTY

    Nang makarating sina Roxanne at Jameson sa mansyon nina Lolo Gerald sa Valencia, bumaba sila sa parking lot at napansin ang ibang mga mamahaling sasakyan na nakaparada sa tabi. Maraming mga bumisita ang pumunta ngayon sa kaarawan ni Lola Ofelia. Kilala pa rin siya hanggang ngayon bilang isa sa mga mayamang tao sa bayan. At kapatid niya si Lolo Gerald. Naglakad ang dalawa papasok sa mansyon at namangha sila na makita ang maraming tao sa main hall. Karamihan sa mga tao na nasa paligid ay nagmula rin sa mga mayayamang pamilya. Maririnig ang kanilang mga tawanan sa paligid habang umiinom sila ng mga mamahaling alak na hinanda ng pamilya Delgado. Habang makikita si Lolo Gerald at Lola Ofelia sa gitnang bahagi kung saan ay nakaupo sila sa mamahaling upuan at nandoroon din si Madame Julie. "Halika, punta tayo sa gawi nila." Anyaya ni Jameson kay Roxanne pero medyo nahihiya siyang lumapit doon. Pinilit naman siya ni Jameson kaya wala siyang magawa kung hindi sabayan siya. Paglapit n

    Huling Na-update : 2024-10-22
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 113-PLOT

    "Lalapitan mo na naman ang asawa ko?" Tanong ni Jameson. Medyo nasurpresa si Devon sa pagsulpot nito pero hindi na siya magugulat pa sa inaasta nito sa kanya. "Calm down, dumaan lang ako, sobrang nerbyoso mo naman." Pang-aasar ni Devon, at wala siyang magawa kung hindi lumihis ng daan. Umiiwas nalang siya ng eskandalo dahil mainit ang ulo ng kapatid sa kanya. Nilingon naman ni Jameson ang asawa at gustong lapitan pero may tumawag sa kanya na ibang panauhin kaya nawala ito sa kanyang paningin. Habang si Roxanne ay nanonood lang sa fountain habang umiinom ng alak pero may lumapit sa kanyang katulong. "Ma'am Roxanne, ipinatawag po kayo ni Madame Julie sa kabilang building." Sabi nito. Kumunot ang noo ni Roxanne. "Bakit daw po?" "Hindi ko po alam, Ma'am, puntahan niyo nalang po." Tugon nito. Tumango si Roxanne at tumuloy sa labas, pumunta siya sa kabilang dako kung saan mayroong isang kulay itim na dalawang palapag na building. Pagpasok niya sa pinto, wala siyang makitang t

    Huling Na-update : 2024-10-23
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 114-PRICKLY

    "Roxanne..." Binulong ni Devon ang kanyang pangalan. Pareho silang nagtitigan at bakas sa mata ni Devon ang pagnanasa kaya nagdulot ito kay Roxanne na kabahan. "Devon..." Bigkas din ni Roxanne sa kanyang pangalan. Saglit na nawala si Devon sa kanyang katinuan at nadadala siya ng kanyang pagkasabik sa babae. Hinawakan niya ang mukha nito patungo sa likuran na bahagi ng kanyang ulo at hinihimas ang kanyang buhok. Nagitla si Roxanne sa kanyang ginagawa pero nagustuhan niya ang pakiramdam na iyon kaya hinayaan niya lang. Ngunit nakaramdam si Roxanne na maling mali na mahulog siya ng tuluyan kay Devon dahil maraming komplikadong bagay ang hahadlang sa kanilang dalawa. Pareho silang matagal ng tinatago ang kanilang nararamdaman ngunit mas lalo itong lumalalim hanggang sa hindi na nila ito magawang pigilan. Sa isang iglap, parehong nagdikit ang kanilang mga labi at nag-aalab din ang kanilang mga puso. Nanlaki naman ang mga mata ni Roxanne nang mapagtanto na hindi ito maaring

    Huling Na-update : 2024-10-23
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 115-OPPOSE

    Saglit na umalis si Jameson para magbanyo kaya doon na humirit si Lolo Gerald kay Roxanne. "Papaano ka naman nakalabas?" Seryoso niyang tanong. Kumunot ang noo ni Roxanne, nagpapanggap na walang nalalaman. "Sorry? Ano pong ibig niyong sabihin?" Natawa ng mahina si Lolo Gerald dahil sa kanyang pagkasarkastiko. "Talaga ba? Mabuti." Ngumisi siya ng kakaiba. Pagka-alis ng matanda, nakahinga ng maluwag si Roxanne sa kanyang kinauupuan. At nakita niya rin ulit si Devon na bumalik sa loob ng main hall, nakita niyang nagpalit ito ng suot at pansin niya ang seryoso nitong mukha. "Devon? Saan ka ba nanggaling? Kanina pa kita hinahanap." Sabi ni Lola Ofelia na tinawag para lumapit sa kanilang gawi. "Natapunan lang ako ng wine, kaya nagpalit ako saglit." Pagrarason ni Devon. "Bakit po, Lola?" "Apo, matatapos na ang party. Gusto kang makausap ni Ms. Normani." Aniya. Nababanas si Devon sa kanyang lola na lagi nalang siyang tinutulak sa mga babaeng wala siyang interes. "I already told y

    Huling Na-update : 2024-10-24
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 116-CONFIDE

    Walang nasabi si Jameson sa asawa dahil kahit anong gawin niyang pambabakod dito, malalapitan pa rin ito ng kapatid na si Devon. Kaya useless lang ang pagbabanta niya dahil hindi naman ito natatakot. Pumasok na sa sasakyan si Roxanne at ihahatid naman siya ni Jameson pabalik sa kanyang tinutuluyan na apartment. Sa gitna ng biyahe tahimik lang ang dalawa at nakatutuk naman ang mga mata ni Roxanne sa labas ng bintana. Hanggang sa nakarating na sila sa wakas at bumaba na si Roxanne sa kanyang sasakyan. "I'm just hoping na wala kang kinalaman sa nangyari. Ayaw kong madadamay ka sa alitan nila." Aniya. Napahinto si Roxanne sa paglalakad patungo sa taas. "Ba't ba dinidiin mo ako sa bagay na iyon? Sinabi ko ng hindi diba?" "Nagtataka pa rin ako dahil sa pagkawala mo ng ilang minuto kanina sa party." Dikta ni Jameson. "Mabuti pa umuwi ka na. Gabing-gabi na." Pangtataboy ni Roxanne. Tumalikod na siya at umakyat sa taas. Nang makapasok siya sa loob at nagbihis ng pantulog, naisipan

    Huling Na-update : 2024-10-25
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 117-MENACE

    Naupo si Roxanne sa gilid ng kama ng kanyang ama na si Emmanuel at naaawa siya rito dahil wala siyang magawa para makakuha ng transplant. "Pa, pasensya na po kung wala pa po kaming mahanap na source ng inyong kidney lalo na ang lungs." Pag-aalala ni Roxanne. "Anak, huwag mo muna akong alalahanin. Kung maari ayusin mo muna ang problema mo, alam kong hindi na maganda ang relasyon ninyo ni Jameson." Seryosong sabi ni Emmanuel, kita niya sa mukha nito na nagtitiis ito para sa kanya. Naluluha si Roxanne na hindi alam kung papaano ipapaliwanag sa ama ang lahat. "Pa, kailangan kitang unahin. Mas mahalaga ang kalusugan mo." Nasasaktan na si Emmanuel na makita ang kanyang anak na nagdudusa at napagdesisyunan niyang ma-discharge nalang sa hospital. Ngunit alam niyang mas lalong manghihina ang anak kapag may mangyayari sa kanyang masama. Nang makatulog ulit ang ama niya, inihatid naman siya ni Tita Martha sa labas para makauwi na siya. "Roxanne, ikaw na ang bahalang magdesisyon pero huw

    Huling Na-update : 2024-10-27

Pinakabagong kabanata

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 165-FIRE

    Napatingin si Devon sa sekretarya at binigyan ng tingin na nagsasabing huwag siyang mangialam. "Ano? May sasabihin ka pa ba?" Nag-atubili si Kenneth bago sumagot, "Boss, sa tingin ko, mas mabuting pag-isipan niyo pa ito. Sa huli, ang mga balitang kumakalat sa kumpanya ay puro sabi-sabi lang. Maaari kayong maglabas ng pahayag na nagbabawal sa mga empleyado na talakayin ang inyong personal na buhay, pero hindi na kailangang ipaliwanag ang relasyon niyo kay Miss Daphne." "Kung malalaman pa ng lahat ng empleyado na iniwan kayo ni Roxanne, pagpipiyestahan kayo lalo." Dagdag niya pa. Ilang segundong natahimik si Devon at napagtanto ang kanyang punto, bago sumagot, "Sige, gawin mo ang tamang bagay." Hindi nagtagal, naglabas ang opisina ng CEO ng pahayag na nagbabawal sa mga empleyado na talakayin ang personal na buhay ni Devon Delgado. Sinumang mahuli ay agad na tatanggalin sa trabaho. Abala naman sina Roxanne at Frizza sa mga eksperimento buong umaga at wala silang oras para

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 164-TENSION

    Bahagyang nagyelo ang katawan ni Roxanne na nakadikit sa harapan ni Devon. Ngunit mabilis siyang umatras at inayos ang pagkakatayo. Habang dumadaan siya sa harap nito, hindi niya maiwasang makaramdam ng kaba. Natatakot siya na baka gumawa ito ng anumang bagay na makatawag-pansin. Pagkatapos ng lahat, ang paraan ng pagtitig nito sa kanya kanina ay nakakatakot. Pagkalabas niya ng Cafeteria, doon lamang siya nakahinga ng maluwag. "Naghiwalay na kami, pero bakit ganoon pa rin ang tingin niya sa akin?" Huminga siya nang malalim at pilit na pinaalalahanan ang sarili na huwag na itong isipin. Anuman ang mangyari, wala na silang kaugnayan sa isa’t isa. Mas mabuti nang magpanggap nalang silang hindi kilala ang isa't-isa. Maya-maya, lumabas na rin sina Frizza at Miles mula doon. Sumabay naman si Roxanne sa kanila na bumalik sa laboratory. Inihatid niya rin si Miles sa kanyang workstation at ipaliwanag ang sistema ng imbakan ng mga gamot sa laboratory. *** Mabilis na lumipa

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 163-COLD

    Napayuko si Secretary Kenneth na nanginginig na ang kamay at hindi alam kung papaano magpapaliwanag. Dahil ang malaking kliyente ay isang malaking kawalan sa kompanya. Ngunit medyo naguguluhan din siya. Napaisip si Secretary kung bakit susugal ang mga Ferelll sa maliit na kompanya ni Jameson na alam nito na katunggali ito ni Devon. Puno naman ng galit ang mga mata ni Devon, "Tawagin mo ang responsable sa cooperation na ito!" "Copy, boss!" Mabilis na tumalikod si Kenneth at nagmadaling umalis, natatakot na baka tawagin siya ulit ng amo. Alam niyang mahirap pakisamahan si Devon ngayong kakahiwalay lang nila ni Roxanne. *** Bago magtanghali, magkasamang pumunta sa cafeteria sina Roxanne at Frizza upang kumain. Pakiramdam ni Frizza ay may kakaiba, kaya't hindi niya napigilang magtanong, "Ate Roxy, hindi ka ba sasabay kumain kasama si Sir Devon?" Nasanay si Frizza na makita ang dalawa na sabay kumain tuwing lunch at ngayon napansin niyang mayroong distansya sa pagitan

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 162-BAD MOOD

    Nilagok muna ni Devon ang baso ng alak bago sumagot, "Last week." "At nasaan siya ngayon?" Tanong pa ni Vincent. Hinila naman ni Devon ang phone niya at walang emosyong pinatay ulit ang pagtawag ni Daphne. "Sa Cherry Hotel malapit sa Central Bank." Agad na tumayo si Vincent at umalis para puntahan si Daphne. Habang ang isa pang kaibigan ni Devon na si Derrick ay napatingin sa kanya ng seryoso. "Talagang wala ka nang nararamdaman para kay Daphne?" Noong nasa kolehiyo pa sila, alam niyang gusto ni Vincent si Daphne, kaya't lagi itong binabakuran ni Devon para walang ibang lalaking makalapit sa kanya. Ngayon mukhang wala na itong pakialam pa. "Dati lang iyon, wala na akong nararamdaman para sa kanya." Pagkaklaro ni Devon. Nang marinig ito, bahagyang ngumisi si Derrick at napailing, "Aba, naka-move on ka na pare." Noong umalis si Daphne papunta sa ibang bansa, inakala ng mga kaibigan niya ay maapektuhan si Devon pero naging normal naman ang takbo ng buhay nito na na

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 161-TURN AROUND

    Nagulat si Devon sa mga sinabi nito, "K-kailan mo nalaman?" Napabutong-hininga si Roxanne bago nagpaliwanag, "Nakita kayo ni Grace sa isang restaurant at pinaalam niya sa akin na may kasama kang ibang babae." Padabog niya pang sabi tsaka tumalikod, pumasok siya sa loob ng sasakyan. Mabilis namang hinawakan ni Devon ang kanyang pulso. "Roxanne, kasalanan ko na hindi ko sinabi sa’yo ito. Patawarin mo sana ako." Lumingon si Roxanne. Ang reaction ng kanyang mukha ay hindi mabasa. Hinila niya naman ang kanyang kamay mula kay Devon, "Kung gusto mo siyang balikan, umalis ka na." "Roxanne, wala naman akong babalikan dahil hindi naging kami." Depensa ni Devon. "At bakit hindi mo sinabi sa akin?!" Napayuko si Devon na natakot sa kanya, "N-natakot lang ako na baka anong isipin mo." Naningkit ang mata ni Roxanne sa sinabi nito, "Pero hindi ka natakot sa kung anong mararamdaman ko? Devon, you can tell me about it, maintindihan ko naman. Sa ginawa mong ito, you just triggered all

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 160-IRRITATE

    Ginugulo ni Miles ang buhok ni Roxanne na natatawang inalala ang dati nitong hitsura na sobrang chubby. Mayamaya pa, na-awkward ulit ang dalawa at naupo sa kanilang kinauupuan. "Grabe, ang tagal nating hindi nagkita." Ani ni Miles na tanging naalala ay mga panahon na mga bata pa lamang sila. "Kaya nga, nakakamangha." Halos pitong taon na ang nakakalipas at ang huli nilang pagsasama ay sa libingan ng ina ni Roxanne na namatay dahil sa pagsabog. Nagsimula namang kumain ang dalawa nang maihain ng waiter ang kanilang order. "Siya nga pala, Miles. Bakit mo ba naisipang bumalik dito para magtrabaho? Narinig ko na mataas ang sahod mo sa Germany bilang doktor,ah?" Ngumisi naman si Miles na napaubo at napainom ng tubig, "Grabe ka naman, bawal ba akong umuwi dito?" Tinarayan siya ni Roxanne na nagdududa pa rin talaga, "Hmm? Sabihin mo nga sa akin anong mga plano mo." Napalunok ng ilang beses si Miles na hindi alam papaano sasabihin lahat, "Actually, nagpunta ako sa PharmaNova kani

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 159-MEET

    "Daphne, I already told you, I have a girlfriend kaya pwede bang tigilan mo na ako?!" Inis na sabi ni Devon habang nakatingin sa babae.Pinagtaasan naman siya ng kilay ni Daphne na walang balak na umatras, "So you love her now??" "Of course! I love my girlfriend and ayaw kong guluhin mo ang relasyon namin. So please, go away!" Pangtataboy niya pa. Nawala ang ngisi sa mukha ni Daphne na mabilis na pinalitan ng lungkot na animo'y kinawawa ng husto, "Papaano naman ako? Hindi ba't ako lang ang minamahal mo?" Napailing si Devon na sumasakit ang ulo sa mga kadramahan niya at ayaw niyang magbalak na naman ito na magpapakamatay kaya pinili niya nalang na manahimik. "Iuuwi na kita." Malamig niyang sabi at agad na sumunod ang babae na sinubukan siyang habulin. "Marami akong importanteng gagawin, Daphne at nakakadisturbo ka na sa akin." Sambit ni Devon na napatingin sa kanyang relos. Nanlumo si Daphne na napakagat ng ibabang labi, "So disturbo lang ako para sayo? W-wala ka talagang pakiala

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 158-SULKING

    Bago pa mawala sa katinuan si Roxanne, agad niyang sinampal ang sarili. Inisip niya na baka ang kasama lang ni Devon na babae ay isang kliyente pero hindi pa rin niya maiwasang mag-isip ng ganoon lalo na't makikita niya sa larawan kung gaano sila kalapit dalawa. Pinatay niya ngayon ang phone at pilit na huminga. Nagtatangka din siya na tawagan agad si Devon pero pinigilan niya ang sarili dahil baka ano pa ang kanyang masabi. Ginagamit lang naman niya si Devon. Kahit pa magkaroon ito ng relasyon sa ibang babae, ano bang karapatan niyang magalit? Muling nag-ring ang phone niya at nagpa dala si Grace ng ilang mensahe. [Nalaman ko na ang babaeng iyon ay si Daphne Bermudez. Siya ang first love ni Devon, pero hindi pa ako sure. Basta ang nasagap ko, classmates sila sa college at noong nakatanggap ng full scholarship ang babae, nagpunta siya sa states, at mukhang nauudlot ang pag-iibigan nila.] [And' yun nga parang best friends lang din sila. Basta parang nalimutan na rin nila ang i

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 157-REPEAT?

    Hinaplos ni Devon ang ulo ni Roxanne para pakalmahin siya, "Honey, alam kong nahihirapan kang magtiwala sa akin kaya nais kong patunayan ang sarili ko sayo." Lumingon at tumingala si Roxanne sa kanya at akmang magsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ni Devon sa bulsa. "Nagpalit ka ba ng ringtone?" Narinig na dati ni Roxanne ang ringtone nito, at pansin niyang nagbago ito. Hindi sumagot si Devon na agad kinuha ang cellphone, at lumayo upang sagutin ang tawag. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam si Roxanne ng pagkabahala, at hindi niya maiwasan mapaisip. Maya-maya, ibinaba na ni Devon ang tawag at bumaling sa kanya. "May kailangan akong asikasuhin sa labas. Mauna ka ng matulog." Tumalikod siya at naglakad papalayo, ngunit bigla siyang hinawakan ni Roxanne sa kamay nang hindi niya namamalayan. "Importante ba ang pupuntahan mo? Puwede bang manatili ka muna..." Hindi alam ni Roxanne kung anong dahilan ang sasabihin niya para pigilan ito. Masama talaga ang pak

I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status