Share

CHAPTER 99-LIAR

Author: Leigh Obrien
last update Last Updated: 2024-10-16 11:43:41
Wala sa mood si Roxanne para makipag-alitan kay Jameson pero naiinis talaga siya na umaakto itong parang nagmamalasakit.

Nakatitig lang din si Jameson sa kanya na mayroong lungkot sa mga mata. Matagal-tagal na rin niyang sinusuyo ito pero kahit anong gawin niya, mahihirapan siyang makuha ulit ang loob nito dahil sa mga kasalanan niya.

"Alam kong lagi akong wala sa tabi mo pero bawat oras hindi ka nawawala sa isipan ko." Seryosong sabi ni Jameson. "At asawa pa rin kita, ako ang unang mag-aalala kapag may nangyari sayong masama."

Napailing si Roxanne, "Asawa? Talaga lang ha? O baka sa kabit ka nagpapaka-asawa." Dikta niya.

Magsasalita sana si Jameson pero may tumawag sa kanyang phone, ito naman ay si Savannah.

Alam din kaagad ni Roxanne kung sino ang taong tumawag dahil nababasa niya na sa reaksyon ng mukha ni Jameson

Papatayin sana ni Jameson ang tawag pero nauna ng umalis si Roxanne at hindi niya na ito pinigilan.

"Ano na naman?" Sinagot niya ang tawag.

"Jameson, I need y
Leigh Obrien

Sino ang pinaka-kinaiinisan niyo sa book na 'to? Magshare nga kayo! 🤣

| 9
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (15)
goodnovel comment avatar
Rie Ma
mrami miss A kac mraming contrabida
goodnovel comment avatar
Leigh Obrien
Wag naman...
goodnovel comment avatar
Jumong E-Homo
hay naku author naiinis aq sayo bakit ganito ang story mo nakakadala hays sarap manapak ng isang jameson hahahaha good job author pagpatuloy mo to para maraming maheart attack hahahaha god bless
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 100-COMPETE

    Nasasaktan din si Jameson na makita ang kanyang asawa na umiiyak nang dahil sa kasamaan niya. Ayaw niya itong saktan pero iyon lang ang tanging paraan niya para hindi ito mawalay sa kanya. Nang makahinga ng malalim si Roxanne, tumingin siya kay Jameson para pagsabihan ito. "Umalis ka na, ako na ang bahalang magpaliwanag kay papa. Pagtatakpan ko lang ang ginawa mong panloloko sa akin." Bago umalis si Jameson, gusto niya munang yakapin si Roxanne pero umatras ito, nagpapahiwatig na ayaw nitong lapitan pero nagpumilit si Jameson na yakapin siya. "I'm sorry, but I have to do this." Bulong niya sa taenga nito. Sa hindi kalayuan, nakatayo si Savannah habang nakatanaw kina Roxanne at Jameson na magkayakap. Napakagat siya ng labi at inis na inis dahil mukhang hindi niya pa magagawang paghiwalayin ang dalawa. Nang malaman niya rin ang tungkol sa kidney at lung transplant, kaagad niyang naisip na magagamit niya ang bagay na iyon para pahirapan lalo si Roxanne. *** Buong gabi, sinamaha

    Last Updated : 2024-10-16
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 101-SPECIAL

    Nang makauwi si Roxanne, nagpadala siya ng mensahe sa kompanya ng Pharma Nova para humingi ng permiso na pumasok nalang siya sa susunod na araw dahil kailangan niya pa ng isang araw para makabawi ng tulog. Sa araw ng Biyernes, nakabalik na sa wakas si Roxanne sa kompanya at pagkarating niya sa entrance, nagkatagpo niya si Devon kasama si Secretary Kenneth. "G-good morning." Bati ni Roxanne sa dalawa na nakatingin sa kanya ng deretso. "Good morning, Ma'am Roxanne." Si Secretary Kenneth lang ang tumugon sa kanya habang si Devon ay walang imik. "Kamusta ka na po ang sugat niyo ma'am?" Tanong pa ni Kenneth. Napahawak si Roxanne sa kanyang tagiliran kung saan siya nasaksak. "Sa awa ng diyos, mabilis siyang naghilom." Sagot niya. "Maari ka naman pong makapagpahinga pa ng ilaw araw, at bumalik nalang sa susunod na linggo." Adbiso ni Kenneth. "Ay, okay lang, Kenneth. Kaya ko ng magtrabaho ngayon." Napatingin si Roxanne kay Devon na pansin niyang seryoso ang mukha, at nangingi

    Last Updated : 2024-10-17
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 102-UNFAIR

    Mga kalahating-oras na nag-shopping si Roxanne at Grace at marami-rami silang nabili at wala lang kay Grace na magbayad ng higit sa sampung libo sa counter. Habang nasa counter sila, nagitla naman si Roxanne na makita sa kabilang counter si Madame Julie at kasama nito si Savannah. Nakita niya ang mga ipinamili nitong gamit na para sa baby na dinadala ni Savannah. Hindi alam ni Roxanne kung anong mararamdaman, kita niya sa mukha ni Madame Julie na nasasabik itong magka-apo. Dati pa nilang pinag-uusapan noon na magkaroon siya ng anak kay Jameson, natutuwa si Roxanne sa ideya na iyon kaso, nagbago ang lahat sa isang iglap. Namataan din ni Madame Julie si Roxanne at pati siya ay medyo nailang dahil alam niyang masasaktan ito na makita siyang sumasama sa kabit ng anak. Iiwas sana si Roxanne pero nilapitan siya ni Madame Julie matapos nilang makabayad sa counter. "Roxanne, nandito ka pala." Pilit na ngumiti si Roxanne at bumati rin sa kanya pero hindi maipinta ang mukha ni Gra

    Last Updated : 2024-10-17
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 103-BIRTHDAY

    Nang makapasok si Devon sa kanyang opisina, nakita niya si Secretary Kenneth na kanina pa naghihintay sa kanya. "Boss, malapit na ang birthday ni Roxanne, wala ba kayong balak na surpresahin siya?" "Alam ko." Tugon ni Devon at naupo sa kanyang swivel chair. "Pero ano namang pakialam ko sa birthday niya?" Gustong matawa ni Kenneth dahil nagpapanggap ito na parang hindi interesado. "Boss, naman. Malamang, sister-in-law mo siya kaya paniguradong susurpresahan mo." Napabuntong-hininga si Devon na nag-iisip pa kung anong gagawin sa darating na kaarawan ni Roxanne. *** Nakauwi naman si Naomi sa kanilang mansyon at napagalitan siya ng ama dahil hindi nga ito nagtagumpay na humingi ng tawad kay Roxanne. Nakatanggap din siya bigla ng tawag mula kay Irene kaya sinagot niya ito. Ipinaalam niya rin sa kaibigan ang nangyari kaninang umaga. "Tss. That girl is a pain in the ass! Don't worry, Naomi. Pagsisihan niya itong ginawa niya sa'yo." Inis na sabi ni Irene. "Gosh, Irene! I shoul

    Last Updated : 2024-10-17
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 104-BAD NEWS

    Sa kabila ng mabigat na nararamdaman ni Roxanne, nakaramdam siya ng tuwa dahil sa kabutihang ipinakita ni Devon at ipinaramdam din nito sa kanya na espesyal ang kanyang kaarawan. "S-salamat, Devon." Ngumiti siya ng mapait at pinunasan ang kanyang luha. "Walang anuman. At ito ang regalo ko sa'yo." Kinuha ni Devon ang kwintas para isinuot ito sa kanyang leeg. Kumalabog ang puso ni Roxanne na maramdaman ang mga daliri nitong dumikit sa kanyang leeg. "Ayan, bagay na bagay sayo." Nagustuhan naman ni Roxanne ang ibinigay nito na regalo, "Saan mo ba ito nabili at magkano?" Tanong niya. Pansin niya kasing mamahalin ito at kumikinang pa. "Ninakaw ko." Pagbibiro ni Devon at natawa ng mahina si Roxanne. "Loko ka, umayos ka nga. Saan mo ba ito binili tsaka bakit ba hugis puso??" Siniko niya ang katabi. "Hulaan mo nalang kaya." Paghahamon ni Devon. Tumaas ang kilay ni Roxanne dahil sa kapilyuhan ni Devon. "Gulong gulo na nga isipan ko, papahulain mo pa ako. Timang ka!" Ngumiti

    Last Updated : 2024-10-18
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 105-BREATH

    Tumigil rin sa paghakbang si Devon at nilingon siya. "Hindi ako sigurado pero iyon lang ang anggulo na nakikita ko. May taong gustong pumatay sa kaibigan mo dahil wala itong pag-aalinlangan na barilin siya." Sumakit bigla ang ulo ni Roxanne na maisip kung anong nasa likod ng pamamaril, parang gusto niyang agad agad na mag-imbestiga bukas. "Roxanne, hayaan mo muna ang mga bagay na ito sa kamay ng mga investigator. Gusto kong magpahinga ka at bukas, pag-uusapam ulit natin ang bagay na ito sa susunod." Tumango si Roxanne, "Salamat, Devon. Sana nga ay kaagad na ma-resolba ito at sana magising na si Grace." Nginitian siya ni Devon na napatingin sa suot niyang kwintas. "Magtiwala ka lang, maaayos din ang lahat. Tsaka huwag mo ring kalimutan na kaarawan mo ngayon, deserve mong batiin ang sarili mo na kahit anong mangyari, nananatili kang matibay at lumalaban sa buhay." Agad na namula ang mga pisnge ni Roxanne at ayan na naman ang puso niyang parang nagwawala. "T-thank you ulit." ***Na

    Last Updated : 2024-10-18
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 106-SHOOT

    Kaagad namang nalaman ni Savannah ang balita mula kay Secretary Brian na ipinabigay na ni Jameson ang kidney at lung transplant sa ama niya kaya sobra siyang natuwa sa biglaang desisyon nito. Hawak niya naman ang kanyang tiyan at hindi siya makapaghintay na lumabas ang bata sa kanyang sinapupunan. Dahil ito ang magiging alas niya para maisakatuparan ang kanyang mga plano. Habang sinusubukan ngayon ni Roxanne na kausapin si Jameson pero hindi niya ito mahanap. Tinawagan niya rin ito ng ilang beses pero hindi siya sinasagot. *** Sa loob ng opisina ni Devon, mayroong mga ipinadalang mahahalagang dokumento si Secretary Kenneth na naglalaman ng detalye sa nangyaring pagbaril kay Grace Gonzales. "Namataan sa isang footage ang isang itim na sasakyan na pumarada sa kanto, malapit sa building kung saan nila i-cecelebrate ang birthday ni Roxanne. At sa oras na lumabas si Grace sa building mga 7pm, binaril siya ng isang armado na nakapuwesto sa kabilang building, sa rooftop mismo. Sinubu

    Last Updated : 2024-10-19
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 107-EVIL

    Bigla namang ipinutok ni Roxanne ang baril pero nakaturo ito sa langit. "Ano? Nakakatakot ba, Naomi?!" Parang nag-ibang anyo si Roxanne ngayong gabi, nagpakita ang kanyang pagka-demonyita. Gusto niyang ipaghiganti ang kaibigan kaya ipaparanas niya kay Naomi ang ginawa niya rito. "Roxanne! You're crazy! Stop this, please!" Namamaos na sigaw ni Naomi. "Hindi pa nagsisimula ang laro, Naomi. Sobrang atat mo naman." Napailing si Naomi na gusto nalang maglahong parang bula. "Okay! I'm sorry! Inaamin kong may kasalanan ako pero wala kang karapatan na gawin ito sa'kin." Pakiusap niya. "Pero ikaw may karapatan kang manakit ng ibang tao? Ang kapal ng mukha mo!" Sa inis niya ipinutok niya ulit ang baril kaya nagitla si Naomi. "Alam mo bang nakaratay ang kaibigan ko sa hospital?! At posibleng hindi na magising?! Iyon ang gusto mong marinig, hindi ba? Pero hindi ka makakatakas sa akin." Isinantabi ni Roxanne ang baril at kumuha ng kutsilyo sa mesa. "Huwag kang mag-alala, Naomi. Makakal

    Last Updated : 2024-10-19

Latest chapter

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 254-BLINDED

    Si Secretary Kenneth ay nais pang kumbinsihin siya, ngunit nang makita niyang malamig ang mukha ni Devon, alam niyang hindi ito makikinig. Kaya napabuntong-hininga siya at lumabas ng opisina. Paglabas niya, agad niyang nakita si Madame Julie na kakababa lang ng elevator. Nagulat si Secretary Kenneth at mabilis na lumapit. "Madame, bakit bigla kayong pumunta rito?" Tumingin nang walang emosyon ang babae sa kanya. "Nandito ako para makita si Devon. Dalhin mo ako sa kanya." Nagdadalawang-isip si Secretary Kenneth. Noong nakaraan, ipina-lock ni Madame Julie si Devon sa ospital at hindi siya pinayagang makita ng kahit sino. Sinabi rin mismo ni Devon sa kanya na ayaw na niyang makakita ng sinuman mula sa pamilya. Nakita ni Madame Julie ang pag-aalinlangan sa mukha ni Secretary Kenneth kaya bumagsak ang kanyang ekspresyon. "Secretary Kenneth, kung ayaw mong dalhin ako sa kanya, pupunta ako nang mag-isa." Nang makita niyang maglalakad na ang matanda papasok sa opisina, mabilis siyang hum

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 253-RECKLESS

    Bago pa niya matapos ang kanyang sasabihin, malamig siyang pinutol ni Lola Ofelia. "Baliw ka ba, Juliette?”Walang nakakaalam kung ano ang maaaring mangyari pagkatapos ng ganitong uri ng hypnosis? Narinig niyang may ilang taong naging tulala matapos sumailalim dito. Natakot si Madame Julie sa malamig na tingin ng matanda. Mabilis niyang ibinaba ang kanyang ulo at hindi nangahas tumingin sa kanya. Naisip niyang halos hindi na makasurvive ang kumpanya ni Jameson dahil sa ginawa ni Devon. Kaya naman, naglakas-loob siyang magsalita muli. "Ma, mungkahi lang naman ito. Ano't anuman, anak ko si Devon. Paano ko siya masasaktan? Ginagawa ko lang ito para sa ikabubuti niya at ng pamilya natin!" Ngumisi nang malamig si Lola Ofelia. "Ikaw lang ang nakakaalam kung ginagawa mo ito para sa kanya o para sa sarili mo!" Matapos sabihin iyon, tumayo si Lola Ofelia at umalis nang hindi man lang lumingon kay Madame Julie. Habang nakatingin sa papalayong likuran ng kanyang ama, puno ng galit at pagkadis

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 252-DIDN'T NOTIFY

    Isang oras ang lumipas nang galit na pumasok si Miles sa opisina ng presidente ng Pharmanova. May mahigit isang dosenang security guards na sumunod sa kanya, pero wala ni isa ang nangahas na pigilan siya. Nang makarating siya sa mesa ni Devon, mahigpit niyang pinisil ang kanyang mga kamao at mariing inihampas sa mesa. Hinablot niya ang kwelyo ni Devon, ang kanyang mga mata ay pulang-pula sa galit. "Devon, pinatay mo si Roxanne! Paano mo nagagawang manatiling kalmado na parang walang nangyari?! Hindi kita papatawarin!" Pinalis ni Devon ang kamay nito at malamig siyang tinitigan. "Lumayas ka." Mapaklang tumawa si Miles at mariing sinabi, "Hindi matatapos ito nang ganun lang! Maghintay ka lang!" Pagkasabi noon, tumalikod siya at umalis. Habang walang kahit anong ekspresyon sa kanyang mukha. Nakatayo sa may pinto si Secretary Kenneth, nanginginig at halatang kinakabahan. "Boss Devon… pasensya na..." "Lumabas ka." Agad namang lumabas si Secretary Kenneth at inutusan ang mga security

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 251-TIRED

    Nang makita ni Vincent na hindi na siya nagpupumiglas, isinuot niya ang inihandang singsing sa kamay nito, pagkatapos ay sinuot din ang sa kanya, saka niya hinawakan ang mga daliri ni Daphne. Kumuha ng ilang larawan ang mga reporter bilang simbolikong dokumentasyon ng kasal, pagkatapos ay agad silang umalis. Sa totoo lang, napakabigat ng aura ng bagong kasal, at tila hindi iyon isang normal na seremonya ng kasal. Pagkaalis ng mga reporter, agad na binitiwan ni Vincent ang kamay ni Daphne. Nagkatitigan silang dalawa, punong-puno ng pagkasuklam sa isa’t isa, tila gusto nilang burahin ang bawat isa sa mundo. "Vincent, habambuhay ka nalang bang magiging sunud-sunuran kay Devon!" Hindi pa natatapos ang kanyang sinabi nang biglang mahigpit na kinapitan ni Vincent ang kanyang leeg. At sa sandaling iyon, puno ng dilim ang kanyang mukha, at naging nakakatakot ang kanyang anyo. "Anong sinabi mo?!" Nanlabo ang paningin ni Daphne dahil sa kakulangan ng hangin, pero kahit nahihirapan, pilit p

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 250-CRUEL FATE

    "Kailangang pumunta siya rito at humingi ng tawad kay Jameson, kung hindi, tatawag ako ng pulis!" Sabi naman ni Lola Ofelia.Malamig na tumingin sa kanya si Madame Julie. "Ang kahihiyan ng pamilya ay hindi dapat inilalabas sa publiko. Kung tatawag ka ng pulis, mas lalo tayong pagchichismisan.”"Juliette! Kaya hindi mo sila madisiplina dahil hindi mo sila tinuturuan ng leksyon mula pa pagkabata!" Singhal ng matanda.Habang mainit ang pagtatalo ng dalawa, tahimik lang na nakatingin sa labas ng bintana si Jameson, na nasa kama at may benda ang paa. Hindi alam kung ano ang iniisip niya. Sa di kalayuan, tanaw mula sa bintana ang isang unibersidad. Sa ilalim ng papalubog na araw, maraming kabataan ang naglalakad nang magkahawak-kamay sa palaruan. Pulang-pula ang langit na parang dugo, at mahahaba ang anino ng mga tao. Bigla niyang naalala ang isang taon kung kailan sa wakas ay napapayag niyang sumama si Roxanne sa kanya para maglakad-lakad. Gusto niyang hawakan ang kamay nito pero hindi n

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 249-HELL

    Nanlumo si Daphne sa narinig. “Vincent! Huwag mo akong tratuhin ng ganito please?? Hayaan mo akong bumawi sayo.” Pagmamakaawa niya pa.Nakita ni Vincent ang itsura niya at wala siyang naramdaman kundi matinding pagkasuklam. "Daphne, ilang beses na kitang binigyan ng chance pero pinatunayan mo lang kung gaano ka kasama.”"Vincent, please!" Piliting itinukod ni Daphne ang kanyang sarili sa sahig at gumapang papunta sa pinto, ngunit bago pa siya makarating doon, dalawang lalaking naka-itim ang humawak sa kanya at marahas siyang hinila palayo. "Hindi! Vincent, pakiusap, palayain mo ako! Pakiusap..." Unti-unting humina ang kanyang mga sigaw hanggang sa tuluyang mawala. Sa ilalim ng malamig na titig ni Vincent, hindi maiwasang bumigat ang dibdib ng kanyang sekretarya na mayroong koneksyon kay Daphne. Mahigpit niyang pinisil ang kanyang kamao, pinaglalabanan ang sarili. Kung malalaman ni Vincent ang totoo, tiyak na hindi na siya makakabalik pa. Pero kahit hindi niya sabihin, siguradong m

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 248-DISABLED

    Si Vincent ay kasalukuyang nakikipag-usap sa isang kasosyo sa negosyo nang biglang bumukas nang malakas ang pinto. Pumasok si Devon, malamig ang aura at puno ng tensyon ang mukha. Sumunod naman sa kanya ang secretary na halatang hindi nagustuhan ang pangyayari. "Sir Vincent, hindi ko mapigilan si Sir Devon..." Tinapunan lang ni Vincent ng tingin si Devon, "Alam ko, lumabas ka muna." Ang kasosyong negosyante sa tabi niya ay kilala rin si Devon, ngunit sa hitsura nito ngayon, hindi siya naglakas-loob lumapit at makipagsapalaran. Agad siyang tumayo at nagpaalam. Nang silang dalawa na lang sa opisina, agad bumigat ang hangin sa paligid. Tinitigan ni Vincent si Devon, alam niyang hindi na niya ito matatakasan. Alam din niyang matapos ang maraming taon ng pagkakaibigan nila, ito na ang katapusan. "Ang aksidente sa sasakyan ni Roxanne, ako ang may kagagawan... pero hindi ko inakalang hahantong ito sa ganito. Devon, hindi ko—" Bago pa siya matapos, dumapo na ang kamao ni Devon sa kanyan

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 247-ACCEPT

    Gustong lumapit ni Devon, pero mahigpit siyang hinawakan ng dalawang lalaki. "Boss, tumalon na si Roxanne... Kahit sumunod ka sa kanya ngayon, wala rin itong silbi..." "Bitawan niyo ako!" Ramdam ang matinding galit na bumalot sa buong katawan ni Devon, dahilan para manginig sa takot ang mga nakapaligid sa kanya. Naramdaman ng dalawang bodyguard ang malamig na aura niya, pero hindi pa rin sila naglakas-loob na pakawalan siya. Habang nagkakainitan ang sitwasyon, biglang dumating si Secretary Kenneth. Lumapit siya at tiningnan si Devon. "Boss Devon, nagpadala na ako ng mga tao para hanapin siya. Magkakaroon din tayo ng balita sa lalong madaling panahon." Nang makita niyang unti-unting kumalma ang ekspresyon ni Devon, tumingin si Secretary Kenneth sa mga bodyguard. "Sige, bitawan niyo si Boss Devon." Nag-atubili ang dalawang bodyguard, pero matapos ang ilang segundo, binitawan din nila si Devon. Gayunpaman, hindi nila inalis ang tingin sa kanya upang maiwasan ang anumang hindi inaas

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 246-JUMP

    Tumunog ang telepono nang matagal bago sinagot ng kabilang linya. "Ano'ng kailangan mo?" Paos ang boses at malamig ang tono, halatang masama ang pakiramdam. Malamig na sinabi ni Jameson, "Devon, alam mo na ba ang tungkol sa aksidente ni Roxanne? Malaki ang posibilidad na si Daphne ang may kagagawan nito!" Pagkalipas ng ilang segundong katahimikan, sumagot si Devon, "May pruweba ka ba?" May pang-uuyam sa tono ni Jameson. "Pruweba? Sinuri ko ang call records ni Savannah. Ilang beses siyang tumawag sa isang empleyado ng Pharmanova. Sa araw mismo ng aksidente ni Roxanne, nagkaroon pa sila ng pag-uusap. Bukod doon, may natanggap akong mensahe mula kay Savannah hindi pa gaanong katagal. Pitong salita lang iyon, pero sigurado akong may kinalaman iyon kay Daphne!" Pagkasabi niya noon, biglang ibinaba ang telepono. Tinawag ni Devon si Secretary Kenneth sa opisina. "Alamin mo kung may koneksyon sina Savannah at Daphne kamakailan. At isa pa... imbestigahan mo rin si Vincent." Nagulat si

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status