Share

CHAPTER 86-HIDE

Author: Leigh Obrien
last update Huling Na-update: 2024-07-30 14:33:29

Sa sumunod na segundo, narinig ni Roxanne ang pagtulak ng pinto. Makikita niyang pumasok si Lolo Gerald at sumunod sa kanyang likuran si Devon.

"Apo, alam mong hindi ako humihingi ng tulong sayo sa loob ng maraming taon, but this time problemado talaga ang kompanya. Kakapalan ko muna ang mukha ko na humingi sayo ng tulong kahit ngayon lang at babayaran kita ng mas malaking interes sa hinaharap." Rinig niyang sabi ni Lolo Gerald.

Kita niyang desperado ang mukha ng matanda at kung hindi man siya bibigyan ng tulong ng apo, siguradong itatakwil niya na naman ito sa pamilya.

Magsasalita sana si Devon ngunit napatingin ito sa kanyang gawi kaya siya kinabahan pero binawi naman nito ang tingin at bumaling sa kanyang lolo. "Lolo, kailangan ko muna itong pag-isipan ng mabuti. Sobrang laking halaga ang hinihingi ninyo at kailangan kong isa-alang-alang ang pagpopondo." Paliwanag niya.

"Alam ko, pero napakalaki ng kompanya mo na nasa tuktok na ngayon, hindi naman makakaapekto kung hihiram ako
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 87-PESTER

    Pagka-alis ni Jameson, naiwan si Roxanne sa loob na inaayos ang kanyang nagusot na damit. Bumaba na rin siya sa hagdan at pagbalik niya sa sala, nakita niya si Jameson na nakaupo sa mesa na hindi maipinta ang mukha. Niyaya ito ng pinsan niyang si Henry na maglaro ng chess kaya sinubukan nitong maglibang saglit. Hindi niya naman mahanap si Devon sa paligid, baka nauna na itong umalis. Matapos ang isang kalahating-oras, napagpasyahan na nilang dalawa na umuwi pabalik sa kanilang bahay. Nakarating na sila sa mansyon mga alas-diyes na ng gabi at pareho silang hindi nag-iimikan na parang mga estranghero. Nasanay na si Roxanne na ganito lang sila simula noong nahuli niya itong nagloko. "Wala ka ba talagang sasabihin, Roxanne?" Malamig na sabi ni Jameson habang naglakad sila sa loob ng sala. Lumingin naman si Roxanne sa kanyang gawi. "Anong gusto mong sabihin ko? Na nagloko ako??" Uminit ulit ang ulo ni Jameson, "Kung anong ginawa ninyo ni Jameson sa kwarto ni Lolo!" Dikta niya.Nababan

    Huling Na-update : 2024-07-30
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 88-OBSESSED

    Nabiyak ang bote sa ulo ni Warren kaya nagpira-piraso ang mga ito at may dugong tumulo sa mga kamay ni Roxanne dahil mayroong natusok na piraso sa kanyang palad. Sinamantala ni Roxanne ang segundong natumba ang lalaki at dali-dali siyang tumayo papalabas doon sa stockroom. Hinila naman ni Warren ang kanyang paa kaya siya natumba sa sahig pero sinipa niya ang pagmumukha nito gamit ang kaliwang paa. Mayroon pa ring lakas ang lalaki kahit duguan ang ulo nito. Walang kahirap-hirap niyang hinila ang paa ni Roxanne. Tumayo si Warren at nilapitan siya, sinakyan niya ito at pinagsasampal sa mukha. Halos mawalan ng malay si Roxanne ngunit sinubukan niya pa rin na man laban, ginamit niyang panangga ng kanyang mukha ang mga braso. Nakita ni Roxanne na wala na sa sarili ang lalaki na alam niyang nasa ilalim ng epekto ng droga. "Tama na!" Pagmamakaawa niya.Lalong nababaliw ang lalaki na hinubad ang kanyang pang-ibabang saplot habang sinusubukan ni Roxanne na pulutin ang malaking piraso ng bo

    Huling Na-update : 2024-07-30
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 89-PARANOID

    Nalaman ni Irene na nabigo si Warren sa kanilang plano para gawan ng scandal si Roxanne upang pandirian ito ni Devon. Nandilim ang kanyang mukha ng malamang dinakip siya ng mga pulis at ikinulong. Nag-aalala siya ngayon na baka ilantad ni Warren na siya ang nasa likod nito pero tingin niya matatakot ito sa banta niya na sisirain niya ang pamilya nito. Habang maaga pa, kailangan niyang gumawa ng paraan para takpan ang kanyang pangalan bago pa ito malaman ni Devon Delgado.***Matapos makapagbigay ni Roxanne ng kanyang statement sa pulis, umuwi na siya ng bahay mga pasado alas-otso na ng gabi. Saktong pagdating niya sa mansyon, dumating din si Jameson na nagparada ng kanyang sasakyan sa tapat. Mabilis itong bumaba at lumapit sa kanya. "Kanina pa kita tinatawagan?! Bakit hindi ka sumasagot??" Natigilan bigla si Jameson nang makita ng malapitan ang namamaga niyang mukha. "A-anong nangyari sa mukha mo??" Nag-alala niyang sabi. Napatingin din siya sa naka-benda niyang kamay. "Wala nama

    Huling Na-update : 2024-07-30
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 90-TROUBLED

    "Oo, hindi ako mahuhulog sa kanya." Pagsisinungaling ni Roxanne. Ngunit iba ito sa sinasabi ng kanyang puso't isipan. "M-mabuti naman kung ganoon. Gusto mo bang ako na maglapat ng ointment sa pisnge mo?" Humakbang siya ng konti pero umatras si Roxanne na nangangahulugang tumatanggi ito sa kanyang alok. "Salamat dito sa ointment, pero kaya ko na ang sarili ko." Pag-alis ni Jameson, isinara niya na ang pinto at direkta niyang itinapon sa basurahan ang binigay nitong ointment. Mayroon ng nireseta ang doctor kaya hindi niya na ito kailangan. Kinaumagahan, maagang pumunta si Roxanne sa kompanya at dumeretso siya sa opisina ni Devon. "Anong problema?" Tanong ni Devon. Nakatayo lang si Roxanne sa harapan niya at nahihiyang tumingin sa kanya ng deretso. "Devon, iniligtas mo ako kahapon, at gusto kong suklian ang kabutihan mo. K-kung hindi ka man busy mamaya, p-pwede ba kitang i-treat sa isang hapunan." Napansin niyang nakabusangot lang ito na parang walang narinig. "Busy ako, hindi mo

    Huling Na-update : 2024-07-31
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 91-INFORMATION

    Napagtanto ni Roxanne na kahit siguro divorced sila ni Jameson ngayon, malabo pa rin na maging sila ni Devon dahil magulong tingnan na matapos niyang hiwalayan ang kapatid, ang nakakatanda naman ang papakasalan. "Devon, ginagawa ko lang ito hindi dahil gusto kita, pero nagpapasalamat lang ako sa mga pagkakataong niligtas mo ang buhay ko. Handa akong humingi ng tawad pero hindi para sa kapakanan ni Jameson dahil niloko niya ako." Pagkaklaro ni Roxanne. Kumislap ang mga mata ni Devon. "Kung 'yun ang desisyon mo, bahala ka pero hindi ako humihingi ng kapalit sa mga naitulong ko sayo." Napabalik siya sa kanyang mesa habang lumabas na si Roxanne na pinagpawisan na bumalik sa laboratory. "Ate? Ano na namang nangyayari sayo? Saan ka ba nanggaling?" Nakapameywang na tanong ni Frizza na inabutan siya ng tissue. Nauna pa itong nakarating ng laboratory at nagtataka kung nasaan si Roxanne.Tinanggap ni Roxanne ang tissue at ngumisi. "M-may dinaanan lang ako sa kabilang station." Magsasalita

    Huling Na-update : 2024-07-31
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 92-STRANGER

    "Isa palang amasona ang iyong sister-in-law, Devon." Namamanghang sabi ni Kristoff na nakakita ng buong eksena. Pati si Joseph, nagulat din at sumulyap kay Devon na nanatili lang sa kanyang kinauupuan na nanonood sa nangyayari. Sa sandaling tumama ang bote sa noo ng lalaking nangangalang Mr. Tiger, napasigaw ang lahat na makitang natumba ito sa sahig. Sinubukan nitong tumayo pero nahihilo siya kaya tinulungan siya ng iba niyang kasamahan. Galit naman na sumugod ang kapatid ng lalaki na si Jappeth sa direksyon ni Roxanne pero napahinto siya ng tutukan siya nito ng basag na bote."Sige! Lumapit ka!" Dahan dahan na umatras si Roxanne at lalabas sana sa pintuan ngunit may humarang na ibang lalaki na may malalaking pangangatawan. "Gusto mong turuan kita ng leksyon?!" Banta sa kanya ni Jappeth na sinenyasan ang mga bouncer na hawakan siya. Mabilis na hinawakan si Roxanne ng mga bouncer sa magkabila niyang braso at inagaw din ang basag na bote sa kanyang kamay. Nilapitan na siya ni Japp

    Huling Na-update : 2024-07-31
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 93-PROTECT

    Muling nagising si Roxanne na nakita ang maliwanag na kisame na nakakasilaw sa mata, napakurap siya at tumingin sa kanyang paligid. Natagpuan niya ang mukha ni Devon na hindi maipinta ang mukha, nangingitim na ang ilalim ng kanyang mga mata at magulo rin ang buhok. "Kamusta ka??" Narinig niya ang mahinahon nitong boses. Naramdaman ni Roxanne na mayroong masakit sa kanyang katawan at naalala niya ang nangyari noong nakaraang gabi na pinagsasaksak ng isang lalaki si Devon. "Gaano na ako katagal nawalan ng malay??" "Dalawang araw." Seryosong sagot ni Devon. Kumunot ang noo ni Roxanne, ganoon na pala siya katagal nawalan ng malay. Mayroon siyang natamong malalim na sugat na tumama sa kanyang kaliwang kidney kaya ito nagdurugo at muntikan na siyang hindi makaligtas kung hindi siya kaagad naisugod sa hospital. Halos mabaliw naman si Devon sa mga oras na 'yon na dinala siya sa operating room at hinintay siya ng isang oras na para sa kanya ay parang isang taon na. "Nahuli n

    Huling Na-update : 2024-07-31
  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 94-DISPUTE

    "Bakit ayaw mong maniwala?? Sinabi ko ng hindi ko siya magugustuhan." Itinanggal ni Roxanne ang mga kamay niyang nakahawak sa kanyang baba. "Sinungaling!" Padabog na tumayo si Jameson pero hinila ni Roxanne ang laylayan ng kanyang damit. "Please! Huwag mong idamay si papa. Nagmamakaawa ako sayo, ituloy mo ang transplant." Pagmamakaawa ni Roxanne. Mabilis na nanlambot ang puso ni Jameson, ngayon lang ulit ito nagmakaawa sa kanya. Bago siya umalis, nilingon niya muna ang asawa at naghabilin ng salita. "Ito ang huling pagkakataon na ibibigay ko sayo. Huwag mo ng sayangin." Paglabas niya ng ward, nadaanan niya si Devon na nasa dulo ng pasilyo na nakatayo. "Bakit ka pa nandirito?" "Gusto kong sabihin sayo na ako mismo ang nagkagusto sa asawa mo pero wala siyang nararamdaman pa sa akin. Kung sakaling meron man, I will make you lose everything you have now." Deretsahang sabi ni Devon na nakapamulsa. "Nakakaantig naman. Natuluyan ka nalang sana noong gabing iyon matutuwa siguro ako nga

    Huling Na-update : 2024-07-31

Pinakabagong kabanata

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 158-SULKING

    Bago pa mawala sa katinuan si Roxanne, agad niyang sinampal ang sarili. Inisip niya na baka ang kasama lang ni Devon na babae ay isang kliyente pero hindi pa rin niya maiwasang mag-isip ng ganoon lalo na't makikita niya sa larawan kung gaano sila kalapit dalawa. Pinatay niya ngayon ang phone at pilit na huminga. Nagtatangka din siya na tawagan agad si Devon pero pinigilan niya ang sarili dahil baka ano pa ang kanyang masabi. Ginagamit lang naman niya si Devon. Kahit pa magkaroon ito ng relasyon sa ibang babae, ano bang karapatan niyang magalit? Muling nag-ring ang phone niya at nagpa dala si Grace ng ilang mensahe. [Nalaman ko na ang babaeng iyon ay si Daphne Bermudez. Siya ang first love ni Devon, pero hindi pa ako sure. Basta ang nasagap ko, classmates sila sa college at noong nakatanggap ng full scholarship ang babae, nagpunta siya sa states, at mukhang nauudlot ang pag-iibigan nila.] [And' yun nga parang best friends lang din sila. Basta parang nalimutan na rin nila ang is

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 157-REPEAT?

    Hinaplos ni Devon ang ulo ni Roxanne para pakalmahin siya, "Honey, alam kong nahihirapan kang magtiwala sa akin kaya nais kong patunayan ang sarili ko sayo." Lumingon at tumingala si Roxanne sa kanya at akmang magsasalita nang biglang tumunog ang cellphone ni Devon sa bulsa. "Nagpalit ka ba ng ringtone?" Narinig na dati ni Roxanne ang ringtone nito, at pansin niyang nagbago ito. Hindi sumagot si Devon na agad kinuha ang cellphone, at lumayo upang sagutin ang tawag. Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nakaramdam si Roxanne ng pagkabahala, at hindi niya maiwasan mapaisip. Maya-maya, ibinaba na ni Devon ang tawag at bumaling sa kanya. "May kailangan akong asikasuhin sa labas. Mauna ka ng matulog." Tumalikod siya at naglakad papalayo, ngunit bigla siyang hinawakan ni Roxanne sa kamay nang hindi niya namamalayan. "Importante ba ang pupuntahan mo? Puwede bang manatili ka muna..." Hindi alam ni Roxanne kung anong dahilan ang sasabihin niya para pigilan ito. Masama talaga ang paki

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 156-LOVE HURTS

    Medyo natatawa si Roxanne na tingnan si Madame Julie na halatang naiinis sa kanyang reaksyon. "Madame Julie, noong sinasabi mo sa lahat na minaltrato kita, hindi mo siguro naisip na aabot sa puntong hihingi ka sa akin ng pabor para lang iurong ang demanda, tama ba?" Namutla ang mukha ni Madame Julie. Kumuyom ang mga kamao niya at namulat na ang kanyang palad dahil sa pagbaon ng kanyang mga kuko. "Roxanne, inaamin kong nagkamali ako sayo kaya humihingi ako ng tawad. Huwag mo na sana akong pahirapan, okay?" "Okay," tumango si Roxanne. "Maglabas ka ng pahayag na nilinaw mong hindi kita sinaktan. Ikaw ang nagpakalat ng maling balita para sirain ang pangalan ko. If you can do that then ipapaurong ko ang demanda." Hindi makapaniwala si Madame Julie. Kung maglalabas siya ng pahayag ngayon, malalaman ng lahat na pagdadrama niya lang lahat at isa siyang sinungaling. "Roxanne, baka naman may iba tayong pwedeng pag-usapan. Maaari nating idaan ito sa usapan." "Oh? Akala ko ba gusto mon

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 155-SETTLE

    Paglabas ni Roxanne, pinigilan niya ang tiyahin na pumasok at sinabihan na magkausap ang ama at kasintahan sa loob kaya naupo muna sila sa upuan sa labas. Pagkalipas ng ilang minutong katahimikan, biglang nagsalita si Tita Martha, "Roxanne, sa totoo lang, walang masama kung manatili kami sa Germany—" Hindi pa tapos magsalita si Martha nang putulin siya ni Roxanne na may malamig na ekspresyon, "Tita, bigla nalang kayong hindi pumayag na pumunta sa abroad. Dahil ba babalik na dito si Kuya Miles para magtrabaho?" Napatigil si Martha, "Papaano mo nalaman ito?" "Tinawagan niya ako kahapon at sinabi niya sa akin ang tungkol sa pagbabalik niya sa bansa." "Hay naku, dahil alam mo na, sasabihin ko na ang totoo. Totoo, ayaw ko nang umalis sa bansa dahil babalik na siya." "Mas magiging ligtas kayo kung dadalhin mo si Papa sa abroad." "Alam ko iyon, pero babalik ang anak ko, at ayokong maapektuhan siya ng mga problema mo sa pamilya Delgado. Kung mananatili kami, magkakaroon ka ng dah

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 154-FACED

    Napatingin si Madame Julie kay Jameson na tila hindi makapaniwala, nanginginig ang buong katawan, "Sinasabi mo bang nakakahiya ako?" "Hindi ba? Tingnan mo ang lahat ng ginawa mo kamakailan? Kung wala kang kakayahan, huwag ka nang gumawa ng gulo!" Punong-puno ng galit ang mukha ni Jameson, at hindi na siya nagpaawat sa kanyang mga salita. Patuloy na tumulo ang luha ni Madame Julie dahil sa sinabi nito, "Kung hindi walang kwenta ang ama at anak ko, kakailanganin ko bang gawin ang mga ito? Ngayon sinasabi mong nagdadala ako ng gulo? Bakit hindi mo magawang ilabas ang Lolo mo mula sa presinto? Jameson, gumawa ka naman ng paraan!!" Pagkasabi nito, binuksan niya ang pinto ng kotse at umalis. Hindi na siya hinabol ni Jameson. Nanatili siyang nakaupo sa kotse at napahampas siya sa hawak na ma nobela. Bakit hindi maintindihan ng ina ang sitwasyon? Sa kasalukuyang estado niya, wala siyang kakayahang iligtas si Lolo Gerald. At totoo naman ang mga paratang laban sa kanyang lolo. Ang da

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 153-FAKE NEWS

    Si Miles na nasa kabilang linya ay biglang natigilan sa kanyang narinig, "May kasama ka ba di yan?" Tanong niya. "Oo." Sagot ni Roxanne. "Aww, sige. Gotta go." Pagka putol ng, napatingin si Roxanne kay Devon, "Bakit ka biglang sumabat habang kausap ako sa phone?" Kalmado naman ang mukha ni Devon. "Nagtanong lang ako kasi maghahapunan tayo ngayon. Bakit? Nakaabala ba ako habang kausap mo siya?" "Hindi naman." Pakiramdam ni Roxanne na parang sinadya ito ng lalaki kanina. "At sino ba 'yung tumawag sa'yo?" Dagdag pa ni Devon. "Ampon ng Tita Martha na nasa abroad. At bihira ko lang siyang makausap kaya hindi ko na nabanggit sa'yo." Bahagyang naningkit ang mga mata ni Devon ngunit hindi na nagtanong pa. Pumunta silang dalawa sa isang western restaurant para maghapunan. Nang makarating sila doon, agad silang nakita ni Jameson na nandoon din na nakikipag-usap sa kanyang kliyente. Lumamig ang kanyang tingin, at matapos umalis ang kliyente niya, diretso siyang lumapit sa dalawa

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 152-RETURN?

    Kinabukasan ng tanghali, dumating si Roxanne sa restaurant kung saan naghihintay ang lawyer niya. Mabilis siyang lumapit at naupo sa tapat nito. "Pasensya na po, naantala ako sandali sa laboratoryo." "Walang problema, Miss Guevarra. Tingnan mo muna ang dokumentong ito." Kinuha ni Roxanne ang dokumento at binuklat ito. Habang binabasa, hindi niya maiwasang malito. Simula nang magloko si Jameson, sinimulan nitong ilipat ang kanyang mga ari-arian. Karamihan sa mga ito ay ngayon nakapangalan na kay Savannah Gomez, ang kabit nito. "Miss Guevarra, ang pangunahing problema ay kasal na ngayon sina Jameson at Savannah. Malinaw na kumonsulta siya sa abogado bago niya ilipat ang mga ari-arian. Maayos ang pagkakagawa nito, kaya mahirap nang bawiin ang mga ito." "Magkano na lang ang maaari kong makuha?" "Limang milyon." Hindi na nagulat si Roxanne sa halagang iyon. Naisip na niya ito habang binabasa ang dokumento kanina. "Sige, naiintindihan ko. Pakiusap, kausapin mo ang abogado

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 151-CLOWN

    Sa kabila ng lahat, hindi ganoon kalaki ang pagkagusto ni Roxanne kay Devon. Iniintindi niya pa ang tinitibok ng puso pero hindi niya hahayaang kontrolin siya nito, mas ginagamit niya pa rin ang utak. At nanatili siya sa tabi ni Devon upang magkaroon ng proteksyon mula sa mga kalaban. "Pero sa susunod na may manggulo sayo, huwag kang magdalawang isip na lapitan ako para humingi ng tulong, ayaw kong harapin mo ng mag-isa ang lahat ng problema." Ang seryosong ekspresyon ni Devon ay nagpalambot sa puso ni Roxanne. . "Okay, gagawin ko." Nakangiting tugon ni Roxanne. Pagbalik sa kwarto, balak ni Roxanne na tanggalin ang kanyang make-up nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Nakita niyang tumatawag si Grace. "Roxanne, pinapakalat pala ng dati mong biyenan ang balitang sinaktan mo raw siya. Kalat na kalat na ito sa buong bayan." Ibinaba ni Roxanne ang kanyang tingin, "Huwag kang mag-alala, malapit na rin siyang makarma." "GRR! Hindi mo alam kung gaano kasama ang sinabi niya t

  • MY EX-HUSBAND'S FIERY BROTHER    CHAPTER 150-TREATMENT

    Malawak ang ngiti ni Irene at maririnig ang tunog ng kanyang takong na papasok sa loob ng opisina. Habang si Devon ay abala sa pag-aayos ng mga dokumento sa mesa. Ang sinag ng araw na tumatama sa kanya mula sa bintana ay nagbigay ng parang liwanag sa kanyang paligid, na lalong nagpalutang sa kanyang kagwapuhan. “Mr. Devon Delgado, handa na ang kontrata. Sa tingin niyo ba ay tamang oras na para pirmahan natin ito?” tanong ni Irene. Ibinaba ni Devon ang mga hawak niyang dokumento at tumingin kay Irene na malamig ang ekspresyon. “Ms. Irene Warner, there's some misunderstanding. Nakipagkita ako sa iyo ngayon para ipaalam na mayroon nang ibang potensyal na kasosyo ang PharmaNova sa ibang kompanya so you don't have to go here anymore." Nanatili ang ngiti ni Irene sa kanyang mukha ngunit halatang nanigas ito. “What??” gulat na tanong niya. Maraming beses na silang nag-usap at halos pipirmahan na ang kontrata, pero bigla na lang siyang aatras sa usapan. Kahit galit, pinilit pa rin n

DMCA.com Protection Status