Share

CHAPTER 88-OBSESSED

Nabiyak ang bote sa ulo ni Warren kaya nagpira-piraso ang mga ito at may dugong tumulo sa mga kamay ni Roxanne dahil mayroong natusok na piraso sa kanyang palad.

Sinamantala ni Roxanne ang segundong natumba ang lalaki at dali-dali siyang tumayo papalabas doon sa stockroom. Hinila naman ni Warren ang kanyang paa kaya siya natumba sa sahig pero sinipa niya ang pagmumukha nito gamit ang kaliwang paa.

Mayroon pa ring lakas ang lalaki kahit duguan ang ulo nito. Walang kahirap-hirap niyang hinila ang paa ni Roxanne.

Tumayo si Warren at nilapitan siya, sinakyan niya ito at pinagsasampal sa mukha. Halos mawalan ng malay si Roxanne ngunit sinubukan niya pa rin na man laban, ginamit niyang panangga ng kanyang mukha ang mga braso.

Nakita ni Roxanne na wala na sa sarili ang lalaki na alam niyang nasa ilalim ng epekto ng droga.

"Tama na!" Pagmamakaawa niya.

Lalong nababaliw ang lalaki na hinubad ang kanyang pang-ibabang saplot habang sinusubukan ni Roxanne na pulutin ang malaking piraso ng bo
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status