Share

MY BOSS, MY EX-LOVER
MY BOSS, MY EX-LOVER
Author: Edsraelon

Chapter 1. Final Interview

-Amunet’s Point of View-

Dalawang taon na ang nakakaraan nang mamatay si nanay at lisanin ko ang aming probinsya upang bigyan ng bagong buhay ang anak kong si Auset. Natambay ako ng kalahating taon, pagkatapos ay pumasok bilang receptionist sa isang hotel, at makalipas ng isa’t-kalahating taon ay nagpasya akong maghanap ng mas challenging na trabaho. Okay naman ang dati kong pinapasukan, hindi naman ako nagkaroon ng problema at sapat naman para sa amin ni Auset ang kita ko. Sadyang hindi na ako masaya roon at nawala na ang passion ko sa aking ginagawa, kaya naman napagpasyahan kong mag-resign at maghanap ng bagong environment.

Naisip kong magpasa ng application sa isang kompanya bilang secretary, katuwaan lang iyon noong una at hindi naman ako umasa na matatanggap, pero laking gulat ko nang isa ako sa mga napili para gawin ang final interview. Ang sabi sa akin ay pasado na ako ngunit ang kanilang CEO ang mag-di-decide kung sino ang kukunin nito sa tatlong nakapasa na aplikante. Syempre, dahil challenge ang hanap ko, tinanggap ko ang final interview dala ang confident na ako ang mapipili ng boss. Ngunit nang makaharap ko na ang dalawa pa sa napiling applicant ay umurong ang confident ko.

Grabe naman kasi ang mga kasama ko, mukhang para talaga sa ganitong linya ng trabaho, hindi lang mukhang matatalino, sobrang gaganda pa at parang mga beauty queen sa tangkad. Ang kinis at ganda ng mga legs, at kung ikukumpara sa akin ay… h’wag na lang nating pag-usapan.

Unang pumasok sa opisina ng boss ang babaeng pinaka sexy sa aming tatlo, kulang na lang kasi ay mag-panty nalang ito sa sobrang iksi ng suot na shirt. Kapag ito ang napili pupusta akong manyak ang CEO ng kompanyang ito. Mabilis lang din naman natapos ang unang aplikante, at pumasok agad ang pangalawang babae. Kung ako ang magpapasya mas malaki ang chance ng second applicant, liban kasi sa maganda ito ay bagay na bagay itong maging secretary, plus ang tingin ko’y siya ang pinaka matalino sa aming tatlo.

Tulad ng naunang aplikante, mabilis lang din sa loob ng opisina ng boss ang pangalawang aplikante, nang lumabas ito ay agad din akong pinapasok ng hula ko ay current secretary ng boss. Sa loob hindi ko agad nakita ang CEO, pinaupo ako ng secretary nito sa visitor’s chair at iniwan. Ginala ko ang tingin sa buong opisina, maganda, malinis at napakabago; naghalo sa hangin ang amoy ng lavander at pabago ng lalaki.

Narinig ko ang pagbukas ng pinto sa aking likuran, marahil ay ang boss na iyon at nagpunta lang ng restroom saglit. Dumaan siya sa aking likuran upang maupo sa kanyang silya, at dahil kinakabahan ay humugot muna ako ng malalim na hininga bago nag-angat ng tingin upang batiin siya.

“Magandang araw sir—” Napakurapkurap ako ng ilang beses. Teka, n-namamalikmata lang ba ako? Anong ginagawa ng lalaking ito sa harap ko? Bumaba ang tingin ko sa name plate na nakapatong sa ibabaw ng table, at doon malinaw kong nabasa ang pangalan ng ex-boyfriend ko; Austine Sarmiento. Bumuka ang labi ko ngunit wala akong nausal na salita. Anong sasabihin ko sa kanya? Ngunit ang hindi ko maintindihan ay kung bakit narito siya sa bansa gayong nabalitaan ko noon na nagpakasal na siya at may pamilya na sa ibang bansa.

“So, Miss…” Kinuha niya ang folder sa ibabaw ng table, binuklat niya iyon at binasa ang aking pangalan, kinabahan ako ng husto, ngunit nagtaka rin ng hindi man lang nagbago ang ekspresyon sa kanyang mukha matapos malaman ang pangalan ko. “Amunet Telen, why would I hire you?”

“Excuse me?” Kunot pa rin ang noo na tanong ko. Hindi ba niya ako nakilala o nagpapanggap lang siyang hindi ako kilala?

“Why would I hire you?” ulit niya sa kanyang tanong.

Umawang ang labi ko sa gulat. Seriously? Hindi ba talaga niya ako nakilala? Ah, no. Bakit ko ba itinatanong sa sarili ko ang ganitong bagay? Hindi ba’t iniwan nga niya ako noon dahil hindi niya tanggap na nagbunga ang aming kapusukan. Tama, paano niya naman ako maaalala kung laruan lamang ang tingin niya sa akin noon? Nakuyom ko ang mga kamao sa ibabaw ng aking hita, nabubuhay muli ang inis ko sa lalaking ito, gusto ko siyang sapakin sa mukha dahil sa ginawa niya sa amin ni Auset ngunit pinigilan ko ang sarili kong mag-iskandalo.

Handa na akong tumayo sa aking kinauupuan nang kontrahin ng sarili kong isip ang aking naging pasya. Bakit ako aalis? Bakit ako magpapaapekto sa lalaking ito? Naka-move-on na ako sa mapait na kahapon, hindi ba? Ano naman ngayon kung nasa harap ko ang isang walang kwentang tao? Narito ako para sa trabaho hindi para sa kanya. Right! Si Auset lang dapat ang nasa isip ko at hindi ang walang kwentang lalaki na ito.

Naupo ako ng maayos at nagbuntonghininga. “Why would you hire me? Because you are looking for an assistant.” Halatang nagulat siya sa naging tugon ko ngunit pinanatili niya ang papaging cool.

“You think you’re compitent enough to do that job?” 

“Of course, I wouldn’t be sitting infront of you if I’m not compitent enough for the job, sir.” Wala akong pakialam kung bastos na ako sa aking mga sagot. Dahil ang totoo ay kanina ko pa siya gustong sapakin ng aking bag, kahit naman ayaw kong isipin ay naaalala ko pa rin ang ginawa niya sa akin noon. Ang panggamit niya sa akin, ang pangwawasak niya sa aking puso at sa pagtalikod niya sa aming anak.

“Are you married?” 

Nakunot ko ang noo. “Excuse me?”

“Or perhaps a single mother?”

Nagtangis ang bagang ko. “I’m not married, and I don’t have a child, sir.” Nakuyom ko ang aking kamao sa pagsisinungaling. I’m sorry for denying you Auset, pero mas gugustuhin kong itago ka sa kanya kesa harap-harapan ka namang itanggi ng iyong ama.

“I see.” Nakita kong nag-igting ang bagang niya. Nagsulat siya sa folder. Kinabahan ako, hindi ba ako pumasa? Sayang, mukhang pa namang maganda magtrabaho sa kompanyang ito. Pero okay na rin, at least hindi ko makikita araw-araw ang lalaking kinasusuklaman ko sa buong mundo.

“Amunet Telen,” pukaw niya sa akin na natulala sa hangin.

“Y-yes?”

“You’re hired!”

“What?”

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status