Share

Chapter 3. Beast In Hell

-Amunet Point of View-

Pagod na pagod ako habang inaayos ang aking mga gamit, ang sakit pa ng binti at balikat ko sa buong araw na pag-photo-copy ng mga files na hindi ko alam kung kailangan ba talaga ng boss ko. Puro lang naman iyon tungkol sa terms and conditions ng kompanya. Malakas talaga ang kutob ko, sinasadya niya akong pahirapan!

Kinuha ko ang aking bag at tumayo mula sa aking working table. Tinanaw ko ang pinto ng opisina ni Austine, hindi pa ba uuwi ang lalaking iyon? Napabuntonghininga ako. Pwede naman siguro akong umuwi na total naman ay tapos na ang oras ng trabaho ko. Haist! Bahala na nga!

Paalis na ako nang biglang tumunog ang intercom sa table ni Miss Faith, wala ang babae buong araw dahil may inasikaso ito sa labas. Lumapit ako sa table at sinagot ‘yon.

“Miss Telen? Magpa-deliver ka ng pagkain para sa dalawang tao. Dito ako mag-dinner sa opisina.” Lumaylay ang balikat ko. At may delay pa nga sa pag-uwi ko.

“Understood, sir. Anong restaurant ba?” Sinabi niya ang pangalan ng restaurant at ibinigay ang order niya na isinulat ko naman sa papel. Nang tapusin niya ang tawag agad akong nag-order. Syempre, dahil ako ang tatanggap ng delivery bumaba na ako sa ground floor ng building upang abangan ang pagkain.

Ilang minuto rin akong nakatayo lang sa labas ng building habang naghihintay nang lumapit sa akin ang isang empleyado. Mukhang mag-a-out na ito at may hihintay lang na kasamahan o maaring nag-book ito ng sasakyan. Isang dipa lang ang layo niya sa akin kaya narinig ko ang ilang beses niyang pagmumura habang nakatutok ang mata sa screen ng cellphone.

“Naipit sa traffic ang service mo?” pagkausap ko sa kanya. Gulat niya akong nilingon, pagkatapos ay ngumiti.

“Yeah, ang malas nga… nagmamadali pa naman ako. Siguradong magagalit na naman sa akin ang girlfriend ko dahil late ako sa dinner date namin.”

“Oh, malas mo nga. May special occation kayo?” patuloy kong pagkausap sa kanya. Ang boring naman kasi nang nakatayo lang na parang tuod dito.

“1st anniversary namin. Ikaw, service rin ba ang hinihintay mo?” Hinanap niya ang bag ko ngunit wala siyang nakita kaya nakamot niya ang likod ng ulo. “Mukhang hindi…,” nahihiyang dagdag niya.

Mahina akong natawa. “Naghihintay ako ng delivery.”

“Ah, overtime?”

Umiling ako. “Hindi. Pagkain ito ng boss, napag-utusan lang pauwi na rin ako, eh.”

“I see.” Tango niya. “Teka, boss? Anong department ka ba?”

“Intern. Ako ang papalit kay Miss Faith.”

Nagulat siya, ngunit hindi maitago ang pagkamangha sa mukha niya. “Wow! Ang future secretary pala ng CEO ang kausap ko. It’s a previllage. Sana kapag sikat kana ay hindi mo ako makalimutan,” biro niya at muli akong natawa.

“Mukhang makakalimutan nga kita agad, hindi ka pa nagpapakilala.”

Napasinghap siya. Kunwari ay nagulat siyang hindi pa kami nagpapalitan ng pangalan. “Kent…” Inilahad niya ang kamay.

Tinanggap ko naman iyon. “Amunet,” pakilala ko rin.

“Sounds Egyptian…”

“Yeah, fan ang nanay ko.”

Bumuka ang labi niya upang muling magsalita, pero hindi iyon natuloy nang tumunog ang aking telepono. I excused myself at sinagot ang tawag. At ang pagkain na ngayon na pumarada hindi kalayuan sa kinatatayuan namin ni Kent, nagpaalam ako sa kanyang tatanggapin ang delivery, at nang makabalik ako sa harap ng gusali ay wala na siya, siguro ay dumating na ang service niya.

Bitbit ang paper bag ng pagkain, bumalik agad ako ng opisina ni Austine. Syempre, kumatok muna ako sa pinto niya bago ako pumasok dala ang kanyang dinner.

“Saan ko ito ilalagay, sir?” casual kong tanong.

Mula sa kanyang computer ay nag-angat siya ng tingin sa akin, at kinilabutan ako nang makasalubong ang nag-aapoy sa galit niyang tingin. Matagal siyang nakatingin sa akin na nakatayo lang sa harap niya, tila ba nagpipigil lang na singhalan ako. Bakit? May nagawa ba akong mali?

“Sir, s-saan ko ito ilalagay?”

“Itapon mo,” napakalamig ng tinig niya. Sa sobrang lamig kulang na lang ay manginig ako sa takot.

“P-pero, sir--” Hindi ko natapos ang aking sasabihin nang bigla siyang tumayo. Kinuha niya ang ang coat na nakasampay sa kanyang swivel chair, isinuot iyon at lumabas ng opisina niya, halos mabinig pa ako sa sobrang lakas ng pagkakapagsak ng pintuan niya. A-anong problema ng lalaking iyon?

Umuwi ako dala ang pagkaing pinatatapon ni Austine. Bahala siya, kung ayaw niya, edi dadalhin ko na lang sa bahay, sayang naman, mukhang masarap at mamahalin ang pagkain. Hindi ko lang talaga maintindihan ang takbo ng isip ng lalaking iyon, palibhasa maraming pera kaya kung mag-aksaya ng grasya ay parang wala lang sa kanya. Sana lang talaga pumasok na ng opisina si Miss Faith bukas para naman hindi ako laging napag-iinitan ng lalaking iyon.

Pag-uwi ko ng bahay nakahanda ng umalis si Rita, mabuti na rin pala’t dinala ko ang pagkain dahil hindi ko na kinailangan na magluto ng dinner, nakakain pa siya bago pumasok ng trabaho. Tulog pa rin si Auset nang matapos kaming mag-dinner kaya naman inasikaso ko na ang labahin namin at mga gagamitin namin bukas, naghanda na rin ako ng babauinin namin ng anak ko bukas sa trabaho at school niya. 8pm bumangon si Auset at agad na nanood ng Youtube sa fake brand na flat screen TV na binili rin namin ni Rita. Hindi kami nagpakabit ng wifi at all data lang ang ginagamit, kahit paano ay sulit naman ang 399 load sa isang buwan, na baka sa susunod na araw ay magtaas na naman at maging 499 na. Pambihirang networks, garapal naman masyado, sa kanila na nga lang kami kumakapit nagtataas pa ng presyo.

Naghahanda ako ng pagkain ni Auset nang tumunog ang aking telepono, agad ko iyong chineck at nakitang si Miss Faith ang nag-text, ngunit nadismaya ako nang mabasa ang minsahe niya.

“Sorry, Miss Telen. Pupunta akong Cebu ngayon, may pinaasikaso sa akin sa branch doon si Mr. Sarmiento, tatlong araw akong mananatili doon, ikaw na muna ang bahala sa mga trabaho ko sa opisina. Salamat!”

Nahilot ko ang noo ng wala sa oras. Anak ng tukwa! Pagminalas ka nga naman, mukhang ilang araw pa akong magtitiis sa kasungitan at pagmamalupit ng boss kung halimaw yata ng empyerno.

Comments (1)
goodnovel comment avatar
Elizabeth Perante
mag tiis lang
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status