-Amunet's Point of View-
"What's this?" Kunot ang noo na tanong ni Austine nang ilapag ko sa harap niya ang kape na kanyang pinahanda sa akin.
“C-coffee niyo, sir?”
“Are you kidding me? May sinabi ba akong lagyan mo ng creamer?”
Napaigtad ako nang malakas niyang hinampas ang kanyang office table. Kinakabahan kong sinalubong ang kanyang tingin. “P-pero sir. . . Ang sabi niyo kanina lagyan ko ng creamer--”
“Sinasabi mo bang ako ang nagkamali dito?” Tinuwid niya ang upo at pinag-cross ang mga braso sa d*bdib. “Hindi ba sinabi sa’yo ni Faith na black ang kape ko? O baka naman hindi ka nakikinig sa mga sinasabi niya sa’yo?”
“Pero sir. . .” Mariin kong kinuyom ang mga kamao. Ano bang gustong palabasin ng lalaking ito? Maninaw naman ang sinabi niya kaninang lagyan ng creamer ang kape niya, pagkatapos ngayon ako ang pinalalabas niyang nagkamali.
“Stupid… Get out!”
Humigpit ang hawak ko sa tray. “Y-yes, sir!” sabi ko, at nagmadali nang umalis ng opisina ni Austine.
Tinungo ko agad ang restroom pagkatapos ibalik sa pantry ang ginamit kong tray, ang bigat-bigat ng kalooban ko, sobra ang inis na nararamdaman ko sa lalaking iyon. Simula noong unang araw ko dito sa opisina niya, wala na siyang ibang ginawa kundi ang pahirapan ako, pagalitan sa mga pagkakamali kong siya rin naman ang naging dahilan. Pinaglalaruan niya ba ako? Malinaw naman ang sinabi niya kanina pero bakit parang nagkaroon siya ng amnesia? Stupid? Ugh! Matatanggap ko pang magalit siya sa aking, pero hindi ang sinabi niya.
Hindi ko na halos makita ang lobby dahil sa sunod-sunod na pagtulo ng luha sa aking mga mata. Panay ang pagpunas ko sa aking mga mata ngunit agad rin naman iyong napapalitan ng bagong butil ng mga luha.
“Ugh! Kainis!”
“Miss Amunet?”
Natigilan ako sa paglalakad. Muntik na akong makabangga ng tao dahil sa paglipad ng isip ko kung saan, mabuti na lang at nagsalita siya.
“Ikaw, nga… Teka, umiiyak ka…” Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. “Bakit? Anong problema?” nag-aalala niyang tanong. Hinawakan niya ang aking baba at inangat aking mukha, agad kong nasalubong ang kanyang tingin. “Sino ang nagpaiyak sa’yo?”
Iniwas ko ang mukha ko. “Okay lang ako. N-napuwing lang,” tanggi ko pa. Naguguluhan ako, sino nga uli ang lalaking ito? Saan ko nga siya nakita? Ah, tama… Iyong lalaking nakausap ko sa harap ng company building noong isang araw.
“Napuwing? I don’t think so...” Layo niyang inilapit ang mukha sa akin. “Masyado namang maraming nasayang na luha para lang sabihin mong napuwing ka. Sabihin mo, may nanakit ba sa’yo?”
“W-wala, ayos lang talaga ako Kent.”
“Ang boss mo ba?”
Nanlaki ang mata kong nag-angat ng tingin sa kanya. “Boss? A-ano namang kinalaman ng boss ko dito?” Peke akong tumawa. “Hindi ko alam na joker ka pala, Kent. Sinabi ko na, wala lang ‘to… Napuwing lang ako.”
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan niya. “Sige, kung ayaw mong sabihin hindi kita pipilitin, pero kung may problema ka pwede mo namang sabihin sa akin, I’ll listen.”
Ngumiti ako. “Salamat.” Napakabait naman niya. Pangalawang beses palang naming nagkita dito sa kompanya pero napakabuti na ng turing niya sa akin.
“Ah, gusto mo bang sumabay sa akin mamayang lunch? Ipapakilala kita sa mga kasamahan ko sa deparment namin.”
“Okay lang ba?”
“Of course, bakit naman hindi?”
“S-sige, wala rin naman akong kasama mamaya. Hindi pa rin kasi nakakabalik mula Cebu si Miss Faith.”
Malapad siyang ngumiti. “Okay! Hintayin kita mamaya sa harap ng elevator.”
~ ~ ~
Panay ang lingon ko sa wall clock ng opisina ni Austine, twenty minutes nalang kasi ay matatapos na ang breaktime. Hindi ko alam kung anong demonyo na naman ang sumapi sa lalaking ito at bigla na lamang akong pinatawag sa opisina niya kung kailan oras ng lunch break. May ipapagawa raw siyang importante pero ilang minuto na akong nakatayo rito sa harap niya’y wala namang sinabi na gagawin ko, ang labas ay pinanood ko lang siyang isa-isang pinipirmahan ang mga documentong nakatambak sa ibabaw ng kanyang table.
Malalim akong nagbuntonghininga. Wala pa naman akong number ni Kent, siguradong naghihintay na iyon sa akin sa harap ng elevator. Kung alam ko lang na ganito ang mangyayari, hindi ko na sana siya pinaghintay roon, magugutom pa tuloy siya dahil sa akin.
“S-sir…” Sinubukan kong kunin ang atensyon niya ngunit hindi man lang niya ako sinulyapan. “Ano… Iyong ipapagawa niyo sana kung hindi naman urget pwede bang mag-take muna ako ng lunch break?”
“It’s urgent, please wait for a moment.”
Nag-igting ang bagang ko sa kanyang sinabi. Urgent? Pero hindi naman siya kumikibo, mauubos na ang time ko para kumain ng lunch. Hindi niya ba pwedeng ipagawa sa akin after kong kumain? Isa pa, ano nalang ang sasabihin ni Kent at ng mga kasama niya dahil hindi ako sumipot sa usapan?
“Gutom ka na ba?” biglang tanong niya sa kalagitnaan ng paglipad ng aking isipan kung saan. Hindi ko siya sinagot, at sinamaan lamang ng tingin. “Haist! Fine, let’s go grab some lunch,” sabi niya at tumayo sa kanyang upuan, hinuli niya ako sa pulsuhan ang hinatak patungo sa harap ng pinto.
“Huh? S-sir, teka lang…” Nataranta kong binawi ang kamay mula sa kanya. “Bakit niyo naman ako hinihila? Hindi ba pwedeng walang skinship na kasama?”
Umikot ang mata niya. “Fine. Tara na’t nagugutom na ako,” anyang sinulyapan ang kanyang wristwatch. “Saan mo ba gustong kumain?”
“Huh? Bakit ako ang tinatanong niyo? Sa canteen lang naman ako sa baba.”
“Samahan mo akong kumain ng lunch.”
“Po? Ay, may mga kasama na kasi ako sir at naghihintay sila sa akin sa ibaba.” Pinaningkitan niya ako ng mata, agad naman akong napalunok ng malaki. Ano na naman bang problema ng lalaking ito?
“Ako ang sasamahan mong mag-lunch, end of discussion,” anyang tinuwid ang tayo at muli na naman sana akong hahatakin ngunit mabilis akong umatras palayo sa kanya.
“Sir, nauna akong pumayag na sa kanila sasama. Isa pa, hindi ko afford ang mga pagkain mo kaya sa canteen na ako.”
“Ako ang boss mo, Amunet.”
“Of course, sir. Pero breaktime ko, at ako ang magde-decide kung saan ako kakain at kung kanino ako sasabay kumain. Sige sir, enjoy your lunch!” Agad akong tumalima at lumabas ng pinto, ngunit bago pa ako tuluyang makaalis sa kanyang opisina ay bigla na lamang niya akong hinaklit papasok muli sa silid at marahas na itinulak pasandal sa nakasarang pinto.
“Sasabayan mo akong kumain o ikaw ang kakainin ko?”
-Amunet’s Point of View-“Ano bang sinasabi niyo?” Itunulak ko siya palayo sa akin at nag-iwas ng tingin.“Samahan mo akong mag-lunch, let’s go.” Hinuli niya ang kamay ko ngunit hinatak ko iyong muli. Tumiim ang bagang niya at masama akong tinignan.“H-hindi pwede. Nakapangako na ako sa iba, sa kanila ako sasama.” Tinalikuran ko siya at mabilis na lumabas ng pinto. Hindi niya ako pinigilan sa pagkakataong ito, na pinagpasalamat ko naman.Mabilis akong naglakad patungo sa elevator at nanginginig ang mga kamay na pinindot ang floor kung saan ang canteen ng kompanya. I can’t stop shaking. Pakiramdam ko’y sasabog ang lahat ng kinimkim kong galit sa lalaking iyon. Talagang ang kapal ng mukha niya para umasta ng ganun sa harap ko. Kumain kamo kasama niya? Nagbibiro ba siya? Bakit naman ako sasabay kumain sa taong tulad niya? Ano ba ang akala niya, basta ko nalang kakalimutan ang ginawa niya sa akin noon? Hindi niya lang kami sinaktan at tinalikuran ng anak niya, inapakan rin niya ang buong
-Amunet’s Point of View-Dalawang taon na ang nakakaraan nang mamatay si nanay at lisanin ko ang aming probinsya upang bigyan ng bagong buhay ang anak kong si Auset. Natambay ako ng kalahating taon, pagkatapos ay pumasok bilang receptionist sa isang hotel, at makalipas ng isa’t-kalahating taon ay nagpasya akong maghanap ng mas challenging na trabaho. Okay naman ang dati kong pinapasukan, hindi naman ako nagkaroon ng problema at sapat naman para sa amin ni Auset ang kita ko. Sadyang hindi na ako masaya roon at nawala na ang passion ko sa aking ginagawa, kaya naman napagpasyahan kong mag-resign at maghanap ng bagong environment.Naisip kong magpasa ng application sa isang kompanya bilang secretary, katuwaan lang iyon noong una at hindi naman ako umasa na matatanggap, pero laking gulat ko nang isa ako sa mga napili para gawin ang final interview. Ang sabi sa akin ay pasado na ako ngunit ang kanilang CEO ang mag-di-decide kung sino ang kukunin nito sa tatlong nakapasa na aplikante. Syempr
-Amunet’s Point of View-Nagbibiro lang siya hindi ba? I’m hired? Teka, ako talaga ang napili niya? Seryoso ba siya? Bumuka ang bibig ko upang tutulan ang kanyang pasya ngunit wala akong nai-usal nang pindutin niya ang intercom at pinapasok ng opisina niya ang sekretarya. “Faith…”“Sir?”“Ikaw na ang bahala kay…” Muli niyang binasa ang pangalan ko sa application. “Miss Telen,” dugtong niya. Umawang ang labi ko. Seryoso ba siya? Talagang paninindigan niya ang drama niyang ito?“Understood, sir.” Hinawakan ng secretary niya ang balikat ko. “Miss Telen, this way please.” Gusto kong magwala dahil sa nangyayari. Oh, my gosh! Masisiraan yata ako ng bait dahil sa lalaking nasa harap ko.“Miss Telen?” pukaw ng sekretary ni Austine.“Ah-yes! I’m sorry.” Nilingon ko si Austine. Nasa phone na nito ang atensyon. Bwesit na lalaki! Ito pala ang gusto niyang laro? Sige lang, ibibigay ko sa kanya ang gusto niya. Simula sa araw na ito, hindi ko na rin siya kilala. Tignan na lang natin!Tumayo na ako
-Amunet Point of View-Pagod na pagod ako habang inaayos ang aking mga gamit, ang sakit pa ng binti at balikat ko sa buong araw na pag-photo-copy ng mga files na hindi ko alam kung kailangan ba talaga ng boss ko. Puro lang naman iyon tungkol sa terms and conditions ng kompanya. Malakas talaga ang kutob ko, sinasadya niya akong pahirapan!Kinuha ko ang aking bag at tumayo mula sa aking working table. Tinanaw ko ang pinto ng opisina ni Austine, hindi pa ba uuwi ang lalaking iyon? Napabuntonghininga ako. Pwede naman siguro akong umuwi na total naman ay tapos na ang oras ng trabaho ko. Haist! Bahala na nga!Paalis na ako nang biglang tumunog ang intercom sa table ni Miss Faith, wala ang babae buong araw dahil may inasikaso ito sa labas. Lumapit ako sa table at sinagot ‘yon.“Miss Telen? Magpa-deliver ka ng pagkain para sa dalawang tao. Dito ako mag-dinner sa opisina.” Lumaylay ang balikat ko. At may delay pa nga sa pag-uwi ko.“Understood, sir. Anong restaurant ba?” Sinabi niya ang pangal