SAMANTALA nasa kabilang kwarto lang si Travis. Ngunit pakiramdam niya ay milya-milya ang agwat nila ng asawa niya. Gusto niya puntahan si Catherine, upang kausapin ngunit nagdadalawang-isip din siya. Tiyak nagpapahinga na rin ang asawa niya. Ayaw niya rin naman na mas lalong magalit ito sa kanya. Kaya naman napagdesisyonan niya na bukas niya na lang kausapin ng masinsinan si Catherine. Hindi siya titigil hanggang sa mapatawad siya ng asawa. His admitted na malaki rin ang nagawa niyang kasalanan.Madaling araw ng nagpahatid si Catherine sa terminal ng bus papuntang iloilo. Hindi na siya nagpahatid pa kay Manong Mando. Talagang sinadya niya na hanggang terminal lang ng bus siya magpahatid ng sa ganun ay walang makakaalam kung saan ang punta niya.Nang may paalis na bus ay sumakay si Catherine. Sa halip na airport ay sa pier ng barko siya napunta. Sumakay si Catherine ng barko patungong Cebu. Nang dumating na siya ng Cebu ay hindi na si Catherine nag-aksaya pa ng oras. Bumili siya ng
TUMATANGO-tango siya. Napahilamos sa sariling mukha niya si Travis. “May kasalanan din kasi ako sa kanya at mukhang hindi pa rin niya ako napapatawad. Kinamumuhian na rin yata ako ni Catherine.” Anniya napabuga ng hangin. “Huwag mong sabihin ‘yan Sir. Kailangan lang ni Catherine, dumistansya muna sa iyo para makapag-isip siya ng mabuti.”“Manang, tatlong buwan na rin siya simula nang umalis sa bahay namin at napunta dito. Hindi pa rin ba siya nakapag-isip?” Tanong ni Travis na di maiwasan makaramdam ng hinanakit at disappointed.“Sir, nasaktan si Catherine at nawalan din ng anak. Masakit sa isang ina ang mawalan ng magiging anak at saka…”Hindi nasabi ni Manang Salod ang ibang sasabihin ng muling nagsalita si Travis.“It’s my fault, kaasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang sana ako naging padalos-dalos at makasarili. Sana pinakinggan ko noon pa si Catherine. Pero sana kausapin niya na lang ako at huwag tumakas ng paulit-ulit para maiwasan niya lang ako.”“Walang may gusto na mawala an
“LOOK at yourself,” matigas pa rin sabi ni Tristan. Ayaw nito magpatalo sa kay Travis. “ Napabayaan mo na ang sarili mo, pati na rin ang kompanya.”Sa halip na pansinin ang mga sinasabi ng kapatid ay isinandal ni Travis ang ulo niya sa headrest ng silya, at saka ipinikit niya ang kanyang mga mata ng makaramdam siya ng biglang sumakit ang ulo niya. Ilang oras na ba siya naka tulog? “Alam kong broken hearted ka sa ginawang pang-iwan ni Catherine sa’yo. But doesn't a matter para sirain mo ng tuluyan ang buhay mo at pabayaan ang kompanya.” Bumuntong-hininga ng malalim si Tristan bago muling magsalita. “Maraming mga empleyado ang umaasa sa kompanya,” mahabang litanya ni Tristan.“Ang buong akala ko. Ako lang ang mas malala kapag na-inlove. Eh, mas malala ka pa pala kuya,” palatak sabi ni Tristan na sinabayan ng pag-iling ng ulo nito.“Umalis ka na kung wala ka naman magandang sasabihin. Nakakaistorbo ka lang,” pagtataboy ni Travis, sabay turo niya roon sa nakasaradong pinto nitong mini b
SUKAT sa mga sinabi ni Manang Mercedes, muling nabuhayan ng loob si Travis. Napag-isip isip niya rin na bumalik na lang ng trabaho habang naghihintay ng balita tungkol kay Catherine. Tama sina Manang Mercedez at Tristan, huwag niyang sirain ang buhay niya at may mga taong umaasa pa sa kanya. Higit sa lahat ang mga empleyado ng kompanya. Ayaw niya naman na mawalan ng trabaho ang mga ito at magutom ang pamilya ng mga empleyado.Ngunit hindi pa rin niya susukuan ang pagpapahanap sa kay Catherine. May palagay siya na sadyang nagtatago ang asawa niya . Kaya naman nahirapan ang agent na matunton ang kinaroroonan ni Catherine.Kinabukasan maaga nagising si Travis upang maghanda na rin ng pumasok sa opisina.Lumabas siya ng kwarto. He's wearing three pieces of business suits with self confidence.“Good morning, sir,” mabining ngumiti si Manang Mercedez ng makita nito si Travis na naglalakad papuntang labas ng bahay.Tinanguan ni Travis si Manang Mercedez. “Kayo na ang bahala dito manang, pap
NANG mga sumunod na mga araw ay nagiging busy pa rin si Travis. Walang nagbago sa routine niya, paggising niya sa umaga ay maliligo siya at maghanda upang pumasok na ng opisina. Pagdating ng gabi ay madalas overtime siya kaya naman ay gabi na rin siya makauwi ng bahay. Mas mabuti na rin na subsob siya sa trabaho. Kahit paano ay hindi niya na gaano naiisip si Catherine. Nag-alala pa rin siya sa asawa kung nasaan na ito at kung ano na ang nangyari kay Catherine dahil wala pa rin siyang balita tungkol sa asawa niya.Minsan natatagpuan niya na lamang ang kanyang sarili nasa labas ng boutique ni Catherine. Naka close na iyon at may signage na rin sa labas ng pinto na for sale.Kinuha niya ang cellphone na nakalagay sa bulsa ng suot ng pantalon niya, atsaka tinawagan ang kaibigan na makakatulong sa kanyang iniisip habang nakatingin sa nakasaradong boutique. Alam niya na mahalaga kay Catherine ang boutique nito ang hindi niya lubos maisip kung bakit binebenta na ito. Napabuntong-hininga na
FIVE YEARS LATER-Nagmulat ng mga mata niya si Catherine nang huminto ang sasakyan.“Narito na po tayo, Ma’am,” anang driver.Mabigat ang katawang bumaba ng kotse si Catherine. Natanaw niya ang apat na taong gulang na anak na kalaro ang yaya sa swing.“Mommy!” Sigaw ni Miggy na tumatakbong palapit sa kanya habang inaalalayan ng yaya.Patakbong sinalubong ni Catherine ang anak at kinarga. “Oppps! Amoy chocolates ka,ah. What did you eat, honey?”“Lots of cookies and ice creams…”“No wonder you have stains on your t-shirts. Come on, Mommy wil bathe you…”Bahagya niya pa ginulo ang buhok ng anak. Pumasok na rin sila sa loob kasabay ng yaya.“Mommy, you mess up my hair,” reklamo ng apat na taong gulang na si Miggy. Naka busangot ang mukha nito na halos hindi na maipinta ng magaling na pintor ang itsura nito. Ayaw na ayaw kasi nito na ginugulo ang buhok.Mahina na lamang natawa si Catherine. “Hmmm…marunong ng magreklamo ang baby ko.”“Mommy, big boy na po ako,” kontra agad ni Miggy, animo ma
NANG matapos nang magluto si Catherine para sa kanilang hapunan ay bumalik na rin siya sa sala para doon na lang hintayin sina David at Miggy. Para sabay na rin sila kumain ng hapunan.Mayamaya ay bumaba na rin dito sa sala si Miggy kasama ang yaya nito. “Mommy, where’s Papa David?” Tanong ni Miggy na palipat-lipat ang tingin nito sa kay Catherine at sa dalawang maleta.“Maybe he’s still sleeping, baby. Halika nga rito,” aniya binuka ang dalawang braso. At saka pinaupo sa kandungan niya si Miggy. “Hmmm… Ang bigat mo na,” kunwari reklamo niya.“I'm hungry,” ungot ni Miggy, hindi man lang napansin ang nagrereklamo ni Catherine.“Hey, little boy,” si David na kababa lang nito ng hagdan. May malapad na ngiti nakapaskil sa mga labi nito at medyo magulo pa rin ang buhok nito. Tanda ng bagong gising lang ito.“Papa David…” Ani Miggy sabay talon mula sa kandungan ni Catherine.Yumukod si David at saka ibinuka ang mga braso nito upang salubungin ng yakap ang apat na taong gulang na si Miggy n
HATING gabi na ngunit hindi pa rin dinadalaw ng antok si Catherine. Mahimbing na rin ang tulog ni Miggy na nasa tabi niya. Dahan-dahan na bumaba mula sa kama si Catherine. Maingat ang bawat galaw niya upang sa ganun ay hindi magising ang anak na mahimbing ang tulog.Ngunit nakailang hakbang pa lang siya ng kanyang mga paa ay narinig niya na nagsasalita si Miggy.“Mommy…” Ani Miggy, half asleep.Biglang bumalik ng kama si Catherine, atsaka mahihinang tinapik-tapik ang anak upang makatulog muli ito. “Sleep well baby.”Nang naka sigurado siya na talagang mahimbing na ang tulog ni Miggy ay muling bumaba ng kama si Catherine. Maingat ang bawat kilos upang hindi siya makalikha ng ingay.Lumabas ng kwarto si Catherine, tuloy-tuloy ang hakbang ng kanyang mga paa patungo roon sa mini bar na nandito rin sa ikalawang palapag nitong bahay. She needs alcohol, upang makatulog siya. Ayaw niya rin magtake ng sleeping pills. Tahimik ang paligid. Siya na lang yata ang gising nang mga sandaling iyon
“MALAYO pa ba tayo?” nababagot tanong ni Catherine, nakatingin doon sa unahan nitong kotse sinasakyan niya.“We almost therea,” sagot ni Bella, habang nagmamaneho ng kotse. “Umidlip ka na lang muna. Gisingin na lang kita kapag nakarating na tayo roon,” suhistiyon nito.“Hindi ako inaantok,” aniya isinandal ang ulo sa may headrest ng inuupuan niya. Pero sa totoo lang wala siyang tiwala kay Bella. Mamaya kung saan siya dalhin nito.“Talagang party ba ang pupuntahan natin?” Hindi pa rin mapakali tanong niya. Napapansin niya rin na malayo na sila mula sa city. Ang kotse sinasakyan nila ay ang mataas na bahagi ng kalsada ang binabaybay niyon.“Just relax, Catherine,” mahinahon ang boses sabi ni Bella. “Don’t worry wala akong masamang gawin para sa ipapahamak mo.”“Wala akong sinabi mo.”“Pero ‘yun ang nasa isip mo.”Guilty siya sa sinabi ni Bella. Mas minabuti niya na lamang na tumahimik.Habang nasa byahe ay binalot ng mahabang katahimikan sa loob ng sasakyan na tumatakbo.Habang bin
ILANG araw na rin ang nakalipas, simula ng lumabas mula sa hospital si Travis. Katulad sa napag-usapan nila ay bumalik ng mansion Monteiro, sina Catherine at Miggy.Nagising si Catherine na mabigat ang pakiramdam niya. Confirm. She’s pregnant. Ngunit hindi pa rin niya sinasabi kay Travis, tungkol sa pagdadalang-tao niya.Gusto niya kasi surprisahin ang asawa. Kaya naman todo pag-iingat ang ginagawa niya na hindi mahalata ni Travis na buntis na siya sa ikalawang- anak nila.Lumipad ang tingin niya roon sa wall clock. Alas-siete pa lang ng umaga at higit sa lahat ay week end ngayon. Ngunit wala na si Travis sa tabi niya.Bumangon siya mula sa pagkakahiga niya sa malambot na kama. Upang tumungo na roon sa loob ng banyo. Pagkatapos niya gawin ang morning ritwal niya ay lumabas na rin siya ng kwarto nilang mag-asawa. Dumiritso na siya roon sa baba.Siguradong magkasama na naman ang kanyang mag-ama. Buhat ng iisang bahay na lang sila nakatira ni Travis ay mas lalong naging malapit sa isa’t
“Nag-aaway pa rin kayo?” Tanong ulit ni Miggy na nakasalubong na ang mga kilay nito. Talagang may pinagmanahan itong anak niya.Bigla na lamang natarantana si Catherine ng makita si David na naglalakad papasok dito sa loob ng kwarto. Gusto niya tuloy tumalon mula sa ibabaw ng kama.“Hindi ah…”“Hindi kami nag-aaway ng mommy mo, buddy,” sabi naman ni Travis. Naramdaman ni Catherine, hinapit siya ni Travis palapit sa katawan nito.“Anong ginagawa mo?” pabulong niyang tanong sa asawa.“Gusto ko lang maramdaman ang init ng katawan mo, sweetheart,” pabulong din sabi ni Travis sa bandang punong- taenga niya. Nakaramdam siya ng kakaibang init ng maramdaman niya ang mainit na hininga nito sa balat niya.“Stop it Travis, nakakahiya nandito ang anak natin at si David.”Ngunit tila walang narinig si Travis. Akmang aalis siya sa tabi ni Travis, ngunit hinigpitan nito ang pagkakayapos ng isang braso nito sa bewang niya.“Ano ba? Let me go,” mahina pa rin niyang sambit. Tinapunan niya ng masakit
KINABUKASAN-nagising si Travis na may malapad na ngiti naka paskil sa kanyang mga labi. Habang tinitigan ang maamong ni Catherine na natutulog pa rin ito.Tila ayaw pa rin niya maniwala nasa mga bisig niya na ang babaeng pinakamamahal niya at sa wakas ay napatawad na rin siya ni Catherine.Kung panaginip lamang ang lahat nangyayaring ito. Ayaw niya na magising sa napaka gandang panaginip niya.Tinanggal niya ang ilang hibla ng buhok ni Catherine nakatabing sa mukha nito. Bahagyang kumilos si Catherine. Magkatabi silang natulog nang nagdaang gabi. Ayaw niya rin palagpasin ang pagkakataon na muling makatabi ang asawa sa pagtulog sa iisang kama. “Good morning,” aniya kinintilan ng maliit na halik sa noo si Catherine.“Good morning,” sabi ni Catherine, medyo namamaos nitong boses. Nakapikit pa riin ang mga mata nito. “Ang aga mo naman yata nagising.”“Hindi kasi ako makatulog.”Nagmulat ng mga mata si Catherine. “May masakit ba sa’yo?” nag-alala nitong tanong.“Katabi kasi kita ka
KANINA pa nakaalis si Daisy. Hindi nagtagal nagpaalam si Bella na aalis na rin. Napabuntong-hininga na lamang si Travis na nakatingin doon sa nakasarang pintuan.Binalot ng nakakabinging katahimikan ang apat na sulok ng kwarto.Tumikhim si Travis, uoang tanggalin ang tila nakabara sa lalamunan nito bago magsalita. “Cath…”“Travis…”Halos magkasabay sambit ng pangalan ng isa’t isa. “May sasabihin ka?” Tanong ni Catherine.“May sasabihin ka rin ba?” balik tanong ni Travis.Tumango si Catherine. “Yes, pero ikaw muna kung may sasabihin ka.”“Ladies first. I mean you’re y wife. So ikaw muna…”Bahagyang tumaas ang isag kilay ni Catherine. But deep inside kinikilig siya. Aaminin niya mman o hindi, maganda sa pandinig niya sa tuwing sinasabi ni Travis ang salitang ‘wife’, masarap iyon sa pakiramdam niya.Bahala na. Wala ng atrasan pa. Huminga ng malalim si Catherine. Inipon niyon sa kanyang dbdib, atsaka pinakawan din.“I’m sorry, kung hindi ko agad sinabi sa’yo na ikaw ang biological fa
“KUNG nagseselos ka kay Travis at sa babaeng iyon. P’wede ba Bella, huwag mo akong idamay.”Biglang huminto sa paghakbang ng mga paa si Bella. “Ako nagseselos?” sabay turo nito sa sarili.“Yes, you are. Nagseselos ka kay Travis at Daisy.“Walang dahilan para magselos ako kay Travis at sa pangit na babaeng iyon no.”Kusang tumaas ang isang kilay ni Catherine. Talagang hindi ito aamin na may relasyon ito at si Travis.“Di ba may relasyon kayo ni Travis…”Pinukol niya ng matalim na tingin si Bella.“Ako nagseselos?” sabi ulit ni Bella na tumatawa ng mahina.“Anong nakakatawa?” naiinis turan ni Catherine. Talagang ang lakas pa ng loob nito para pagtawanan siya.“Sorry…sorry, ikaw kasi eh,” natatawa pa rin sabi ni Bella. “Hindi mo pa rin pala nakakalimutan ang issue na ‘yan. Medyo matagal na ang nakalipas ng nangyari ang issue tungkol sa amin ni Travis.’“Ofcourse hinding-hindi ko makakalimutan na ang bestfriend ko at ang asawa ko ay may relasyon, naging kabit ka ng asawa ko.” Mas mabuti ng
SABAY napatingin sina Catherine at Travis ng bigla na lamang bumukas ang dahon ng pinto at iniluwa mula sa labas ang babaeng blonde ang buhok at ang maiksing kasuotan nito. Sobrang makapal din ang make-up nito. To the left to the right ang talbog ng balakang nito, habang naglalakad palapit dito.Napangiwi na lamang si Catherine na nakatingin sa babae.“Travis, oh my god. How are you?” sabi ng maarting boses ng babaeng may makapal na pintura sa mukha nito at bigla na lamang pumasok dito.“Daisy…?” Tila nagulat pang sabi ni Travis ng makita ang babaeng bagong dating.“Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?” sunod-sunod na tanong ni Travis. “Wait, Daisy,” sabi ni Travis na nakangiwi ng bigla na lang yumakap dito ang babae.“May masakit ba sa’yo? Oh my god. Saan ang masakit my baby Travis?” maarti pa rin sabi ng babae na tinawag ni Travis sa pangalan nitong Daisy.Napaubo ng mahina si Catherine buhat sa narinig. Pinukol niya ng masamang tingin si Travis. Animo’y nagustuhan ng mokong
NAGISING si Travis na masakit ang buong katawan niya, pakiramdam niya ay binugbog siya ng sampung tao. Partikular na ang kanyang likod. Kapag sinusubukan niyang gumalaw ay inaataki siya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Magkahalong sakat kirot sa bandang likuran niya.Pagmulat ng kanyang mga mata ay tumambad sa kanyang paningin ang apat na sulok ng kwarto na kulay puti. Pinuno ng samo’t sari amoy ng mga gamot ang kanyang pang-amoy. Saka niya biglang naalala ang nangyari sa kanya. Ang huling natatandaan niya ay sinubukan niyang sagipin si Miggy mula sa malaking truck. Pinuno ng matinding kaba at takot ang kanyang dibdib. Kumusta si Miggy? Kailangan niyang makita ang bata.Inikot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid. Ngunit wala siyang makita na may kasama siyang ibang tao rito. Tanging siya lang ang mag-isa nandito sa loob ng kwarto.Muli ni Travis sinusubukan na igalaw ang katawan niya. Ngunit talagang hindi niya nakayanan ang sobrang sakit at ang bigat ng pakiramdam niya.
Nang nailipat na si Travis sa private ward nito ay nagpaalam na rin si David na uuwi muna. Kailangan din kasi ni David maligo at magpalit ng damit dahil sa may mantsa ng dugo ang tshirts na suot nito.Nagpaiwan na lamang si Catherine dahil mamaya kapag nagising na si Miggy, tiyak hahanapin siya ng anak.Iniwan niya muna si Travis. Mahimbing pa rin ang tulog nito, marahil ay epekto pa rin ng gamot. Bumalik na lang muna siya roon sa may trauma room para tingnan kung gising na rin si Miggy. Mabilis ang bawat paghakbang ng kanyang mga paa ng marinig niya ang boses ni Miggy na umiiyak.Nang nakita siya ng on duty nurse ay ningitian siya nito. “Nandito na ang mommy mo,” nakangiti sabi ng nurse, pinapatahan nito sa pag-iyak si Miggy.Nag-angat ng mukha si Miggy, at saka tumingin sa direksyon niya na naglalakad palapit dito.“M-mommy,” sabi ni Miggy sa garalgal na boses. Mas lalong nilakasan ang pag-iyak.Biglang nataranta si Catherinr kung kaya ay tinakbo niya na lamang ang distansiya sa