SORRY in bold letter ang nakasulat sa papel na may drawing ng hitsura ni Travis. Sa halip na pagtuunan ng pansin ay saglit niya muna winaglit iyon sa kanyang isipan. Ngunit sa likod ng kanyang isip ay ang malaking katanungan. Ang sumunod na pinuntahan nila ay ang dampa upang doon mag lunch date. Nang narating nila ang dampa ay katulad ng nakagawian, namalingki muna sila. Pagkatapos niyon ay dinala ni Travis ang mga pinamili nila upang ipaluto ang mga nabili nilang pagkain sa tagaluto. Para sa kanilang pananghalian. Higit isang oras din ang lumipas bago inihain sa kanila ang mga pagkain na umuusok pa sa init. Habang kumakain mayamaya ay pinagsisilbihan ni Travis si Catherine. “Dig in,” aniya na may malapad na ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi. “Travis maubos kaya natin ang mga pagkain? Ang dami, eh.” “Uubusin natin, wifey. Bawal ang diet at kailangan mong kumain ng marami, okay.” Aniya na kinindatan ang asawa. Natutuwa siya habang pinagmamasdan ang asawa niya na magan
Tumawa ng pagak si Catherine. “Marunong ka nga ba magmahal, Travis?”Saglit natigilan sa iba pang sasabihin niya si Catherine. Kitang-kita ng mga mata niya ang sakit na bumalatay sa itsura ni Travis. “I love you, unang kita ko pa lang sa ‘yo. I'm attracted with you, kaso hindi ko binigyan pansin ang naramdaman kong iyon nang malaman ko na ikaw ang babaeng minahal ni Tristan at ang naging dahilan sa pag comment niya ng suicide. Mas nanaig sa akin ang maparanas ko rin sa'yo ang paghihirap ni Tristan. Marrying you is not part of the original plan. Pero bigla na lang nagbago ang isip ko. Sabi ko sarili ko, I want you to marry. Ako rin pala mismo ang nagdala ng sarili ko papalapit sa ‘yo.” Mahabang litanya ni Travis. “I'm not pregnant right? Anong nangyari sa baby ko? Hanggang kailan mo itatago…?” Hindi ni Catherine nasabi ang ibang sasabihin ng nagsalita si Travis.“I'm sorry, Cath…”“Great!” Binato ni Catherine ang hawak nitong baso na tumama roon sa wall. “Wala ka na bang ib
SINULYAPAN ni Travis ang tumpok ng mga papeles sa ibabaw ng lamesa niya. Kailangan niyang pirmahan ang lahat ng mga iyon. Malalim na ang gabi at gaya ng dati narito pa rin siya sa opisina niya. Simula nang umalis si Catherine at iwan siya ay binuhos niya na lamang ang oras niya sa trabaho. Upang sa ganoon ay makakalimutan niya ang asawa niya, kahit sandali lang. Naihilamos niya ang palad sa sariling mukha. Muntik pa siya salubsob sa mahabang balbas sa panga niya. It had been another long day. At malamang na magtuloy-tuloy pa iyon hanggang sa mga susunod na araw. He felt cold, hungry, and so empty. Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang iniwan siya ni Catherine at ang kahungkagang dati ay bahagya lang niya naramdaman ay nagtayo na ng condo building sa pagkatao niya. He missed his wife. Napaangat lang siya ng mukha mula sa pagkakayoko niya ng maramdaman may ibang tao nandito sa loob ng kanyang opisina. Pumalatak si Tristan. “Late at night nandito ka pa rin, Kuya?” Na
Biglang umangat ang mukha ni Catherine ng biglang gumuhit ang kidlat halos kasabay niyon ay ang malakas na kulog. Mayamaya’y ang malakas na pagbuhos ng ulan doon sa labas ng bintana. Animo may sariling isip ang kanyang mga paa. Naglakad siya patungo roon sa gilid ng bintana kung saan nakaharap doon sa malaking gate ng compound. Nang sumilip si Catherine ay nakikita niya si Travis naroon pa rin at walang balak pa rin umalis kahit na nababasa na ito ng malakas na pagbuhos ng tubig ulan. May kasama pang kidlat at kulog. “Travis,” mahinang usal niya sa sarili. Ano ang iniisip ng lalaking ‘to na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis? Hindi ba alam nito na magkakasakit ito sa ginagawa nitong pagbasa sa tubig ulan? Biglang nakaramdam ng pag-aalala si Catherine at hindi niya kayang tiisin ng gan’on na lang si Travis. Nainitan at naulanan na si Travis doon sa labas ng gate ngunit wala pa rin balak na umalis. Hindi nagdadalawang isip si Catherine, dali-dali siya lumabas mula sa loob
KINABUKASAN tinanghali ng gising si Catherine, paano ba naman madaling araw na rin siya nakatulog. Dahil sa kakaisip ng sitwasyon nila ni Travis. Alam niya sa paglabas niya mula rito sa loob ng kwarto ay makikita niya ang asawa. Higit sa lahat Hindi niya p’wede iwasan si Travis.Kailangan niya na rin kausapin si Travis ng sa ganun ay magkaliwanagan na rin sila.“Let face the music,” aniya bago pinihit ang seradura ng pinto atsaka lumabas na rin. Hinakbang niya ang kanyang mga paa patungo roon sa kusina. “Good morning, Ma’am,” sabi ni Manang Salod ng nadatnan niya itong naghahanda ng lulutuin nito.“Good morning, Manang,” nakangiti rin sabi ni Catherine. Hinatak niya ang silya para maupo na. Palinga-linga siya sa paligid ngunit hindi makita ng mga mata niya ang gusto niya makita nang mga sandaling iyon.“Umalis na siguro,” aniya sa sarili ng Hindi niya makita si Travis sa paligid.Saglit huminto sa ginagawa niya si Manang Salod. “Ihanda ko lang ang almusal mo, Ma’am.”“Si Travis, kuma
NANG bumalik si Catherine ng kwarto ay bitbit niya na ang palanggana na may maligamgam na tubig at maliit na bimpo para gamitin pamunas kay Travis. Dahan-dahan niya nilagay ang palanggana sa may ibabaw ng center table, atska naupo sa ibabaw ng kama. Nakapikit pa rin ang mga mata ni Travis, mukhang nakatulog muli ito. Sinalat niya ang noo ni Travis, inaapoy pa rin ito ng lagnat.“Travis, punasan lang kita para kahit paano mawala ang lagnat mo,” aniya sinimulan ng punasan ang mukha ni Travis. Hubarin ko lang ang damit mo para makapagpalit ka ng damit. Basa na kasi ng pawis,” aniya sinimulan ng hubarin ang damit ni Travis. “Promise, walang malisya ito,” sambit niya sa mahinang boses. Tanging mahinang ungol lang ang naging sagot ni Travis na nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata nito.“Ang bigat mo,” reklamo niya. Nahihirapan siyang hubarin ang damit nito. Pati tuloy siya ay pinagpawisan na rin. Nang matapos niya na palitan ng damit si Travis. Pakiramdam ni Catherine ay naubos din
MALAPIT na siya sa may pintuan ng huminto si Catherine sa paghakbang ng kanyang mga paa, atsaka pumihit paharap doon sa kama na hinihigaan ni Travis.“Magpagaling ka agad para makabalik ka na ng Manila, Travis,” aniya na muntik pa siya pumiyok.“Ayaw…”“Anong ayaw?”“Ayokong bumalik ng Manila na hindi kita kasama Cath.”“Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo, Travis. I need space.”“Three months na nakalipas simula ng humingi ka ng space, Cath. It's time na bumalik ka na sa bahay natin.”Humugot ng malalim na hininga si Catherine bago nagsalita. “Dito ang bahay ko at higit sa lahat ayoko na bumalik…” Hindi ni Catherine nasabi ang ibang sasabihin ng magsalita si Travis.“In that case, gusto ko na lang magkasakit para makasama pa rin kita at hindi mo ako tinataboy.”“Nasisiraan ka na ba?” Naiinis sambit ni Catherine, atsaka tinalikuran si Travis. “Magpahinga ka na at magpagaling,” aniya hindi na hinintay na makapagsalita si Travis. Lumabas na siya ng kwarto upang pumunta na roon sa ma
Ramdam niya ang apoy sa pagitan nila. Sa bawat hagod ng mga palad ni Travis sa katawan niya, ramdam niya ang pangangailangan nito sa kanya. Para na siyang nag-aapoy. Siya man ay sobra nang nag-iinit. Darang na darang na siya. Bahala na! Gusto niyang pagbigyan ang pangangailangan ng kanyang sarili.Hinayaan niya na lamang si Travis sa gusto nitong mangyari dahil alam niyang gusto rin niya iyon. May pagmamadaling tinanggal ni Travis ang mga saplot nila sa katawan at ilang saglit pa ay buong pagsuyo nitong sinamba ang kanyang katawan.Parang mababaliw si Catherine sa mga sensasyong lumulukob sa kanyang buong pagkatao. Travis was worshiping her body as if she was the most beautiful woman on earth. Para itong isang gutom na gutom na leon habang patuloy lamang siya nitpng pinapaligaya sa pamamagitan ng mga labi at dila nito.‘Oh, Travis!” Ungol niya habang kumikiwal ang katawan niya sa sobrang sarap na ipinararanas nito sa kanya. Napasabunot siya sa buhok nito at mahinang napaungol si Tra