KINABUKASAN tinanghali ng gising si Catherine, paano ba naman madaling araw na rin siya nakatulog. Dahil sa kakaisip ng sitwasyon nila ni Travis. Alam niya sa paglabas niya mula rito sa loob ng kwarto ay makikita niya ang asawa. Higit sa lahat Hindi niya p’wede iwasan si Travis.Kailangan niya na rin kausapin si Travis ng sa ganun ay magkaliwanagan na rin sila.“Let face the music,” aniya bago pinihit ang seradura ng pinto atsaka lumabas na rin. Hinakbang niya ang kanyang mga paa patungo roon sa kusina. “Good morning, Ma’am,” sabi ni Manang Salod ng nadatnan niya itong naghahanda ng lulutuin nito.“Good morning, Manang,” nakangiti rin sabi ni Catherine. Hinatak niya ang silya para maupo na. Palinga-linga siya sa paligid ngunit hindi makita ng mga mata niya ang gusto niya makita nang mga sandaling iyon.“Umalis na siguro,” aniya sa sarili ng Hindi niya makita si Travis sa paligid.Saglit huminto sa ginagawa niya si Manang Salod. “Ihanda ko lang ang almusal mo, Ma’am.”“Si Travis, kuma
NANG bumalik si Catherine ng kwarto ay bitbit niya na ang palanggana na may maligamgam na tubig at maliit na bimpo para gamitin pamunas kay Travis. Dahan-dahan niya nilagay ang palanggana sa may ibabaw ng center table, atska naupo sa ibabaw ng kama. Nakapikit pa rin ang mga mata ni Travis, mukhang nakatulog muli ito. Sinalat niya ang noo ni Travis, inaapoy pa rin ito ng lagnat.“Travis, punasan lang kita para kahit paano mawala ang lagnat mo,” aniya sinimulan ng punasan ang mukha ni Travis. Hubarin ko lang ang damit mo para makapagpalit ka ng damit. Basa na kasi ng pawis,” aniya sinimulan ng hubarin ang damit ni Travis. “Promise, walang malisya ito,” sambit niya sa mahinang boses. Tanging mahinang ungol lang ang naging sagot ni Travis na nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata nito.“Ang bigat mo,” reklamo niya. Nahihirapan siyang hubarin ang damit nito. Pati tuloy siya ay pinagpawisan na rin. Nang matapos niya na palitan ng damit si Travis. Pakiramdam ni Catherine ay naubos din
MALAPIT na siya sa may pintuan ng huminto si Catherine sa paghakbang ng kanyang mga paa, atsaka pumihit paharap doon sa kama na hinihigaan ni Travis.“Magpagaling ka agad para makabalik ka na ng Manila, Travis,” aniya na muntik pa siya pumiyok.“Ayaw…”“Anong ayaw?”“Ayokong bumalik ng Manila na hindi kita kasama Cath.”“Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo, Travis. I need space.”“Three months na nakalipas simula ng humingi ka ng space, Cath. It's time na bumalik ka na sa bahay natin.”Humugot ng malalim na hininga si Catherine bago nagsalita. “Dito ang bahay ko at higit sa lahat ayoko na bumalik…” Hindi ni Catherine nasabi ang ibang sasabihin ng magsalita si Travis.“In that case, gusto ko na lang magkasakit para makasama pa rin kita at hindi mo ako tinataboy.”“Nasisiraan ka na ba?” Naiinis sambit ni Catherine, atsaka tinalikuran si Travis. “Magpahinga ka na at magpagaling,” aniya hindi na hinintay na makapagsalita si Travis. Lumabas na siya ng kwarto upang pumunta na roon sa ma
Ramdam niya ang apoy sa pagitan nila. Sa bawat hagod ng mga palad ni Travis sa katawan niya, ramdam niya ang pangangailangan nito sa kanya. Para na siyang nag-aapoy. Siya man ay sobra nang nag-iinit. Darang na darang na siya. Bahala na! Gusto niyang pagbigyan ang pangangailangan ng kanyang sarili.Hinayaan niya na lamang si Travis sa gusto nitong mangyari dahil alam niyang gusto rin niya iyon. May pagmamadaling tinanggal ni Travis ang mga saplot nila sa katawan at ilang saglit pa ay buong pagsuyo nitong sinamba ang kanyang katawan.Parang mababaliw si Catherine sa mga sensasyong lumulukob sa kanyang buong pagkatao. Travis was worshiping her body as if she was the most beautiful woman on earth. Para itong isang gutom na gutom na leon habang patuloy lamang siya nitpng pinapaligaya sa pamamagitan ng mga labi at dila nito.‘Oh, Travis!” Ungol niya habang kumikiwal ang katawan niya sa sobrang sarap na ipinararanas nito sa kanya. Napasabunot siya sa buhok nito at mahinang napaungol si Tra
NANG humupa na ang nararamdaman nila ay umalis na rin si catherine sa ibabaw ng kama.Atsaka dinampot ang mga damit na nagkalat doon sa sahig. Mabilisan rin ang ginawa niyang pagbibihis. Natatakot siya sa maaaring sabihin ni Travis sa kanya. Kaya umiiwas na muna siyang makipag-usap. “Cath, let's talk…” sabi ni Travis, naupo ito sa ibabaw ng kama habang pinapanood si Catherine na muling sinusuot ang mga damit nito.“Magpahinga ka na, Travis. Saka na tayo mag-usap,” aniya dali-daling lumabas mula sa loob ng kwarto. Hindi niya na hinintay pa na muling magsalita si Travis.Ayaw ni Travis ang inaakto ni Catherine, pagkatapos ng muling may nangyari sa pagitan nila ni Cath. Animo lalong iniiwasan nitong pag-usapan ang nangyari sa kanila. Malalaki ang bawat hakbang ng kanyang mga paa na bumalik sa sariling kwarto niya. Ang tanga-tanga niya. Kung pwede lang na sabunutan niya ang sarili ay ginawa niya na. Nasa loob na siya ng kwarto ay agad niya ni-lock ang seradura ng pinto.Pabagsak ang ka
“Higit sa lahat hindi pa rin ako handa na kausapin si Travis,” aniya pumiyok ang boses niya. ‘Hindi ka pa handa na kausapin si Travis pero nakipag jogjogan kaa na sa kanya!’ piping sigaw ng kontrabidang isip niya.Paulit-ulit na lang siya nasasaktan ng dahil kay Travis. May isang bahagi ng isip niya na natatakot. Natatakot na kahit anong sandali ay bumigay na naman siya kay Travis at muli na naman siya masasaktan ng dahil sa lalaki.“Hanggang kailan mo tatakasan si Sir Travis? Alam natin pareho na hindi habang buhay ay maiwasan mo siya.”Umiling si Catherine. “Sa totoo lang, hindi ko rin po alam.” Hopeless niyang turan. Hindi niya rin alam kung hanggang kailan niya iiwasan si Travis. Siguro kapag natutunan niya ng patawarin ang kanyang sarili at si Travis. Sa ngayon ang mahalaga ay makaalis muna siya na hindi malaman ni Travis. At higit sa lahat ay hindi siya masundan ng lalaki. Sisiguraduhin niya na sa pagkakataon ito ay hindi na siya masundan ni Travis. Pakiramdam niya tuloy anim
SAMANTALA nasa kabilang kwarto lang si Travis. Ngunit pakiramdam niya ay milya-milya ang agwat nila ng asawa niya. Gusto niya puntahan si Catherine, upang kausapin ngunit nagdadalawang-isip din siya. Tiyak nagpapahinga na rin ang asawa niya. Ayaw niya rin naman na mas lalong magalit ito sa kanya. Kaya naman napagdesisyonan niya na bukas niya na lang kausapin ng masinsinan si Catherine. Hindi siya titigil hanggang sa mapatawad siya ng asawa. His admitted na malaki rin ang nagawa niyang kasalanan.Madaling araw ng nagpahatid si Catherine sa terminal ng bus papuntang iloilo. Hindi na siya nagpahatid pa kay Manong Mando. Talagang sinadya niya na hanggang terminal lang ng bus siya magpahatid ng sa ganun ay walang makakaalam kung saan ang punta niya.Nang may paalis na bus ay sumakay si Catherine. Sa halip na airport ay sa pier ng barko siya napunta. Sumakay si Catherine ng barko patungong Cebu. Nang dumating na siya ng Cebu ay hindi na si Catherine nag-aksaya pa ng oras. Bumili siya ng
TUMATANGO-tango siya. Napahilamos sa sariling mukha niya si Travis. “May kasalanan din kasi ako sa kanya at mukhang hindi pa rin niya ako napapatawad. Kinamumuhian na rin yata ako ni Catherine.” Anniya napabuga ng hangin. “Huwag mong sabihin ‘yan Sir. Kailangan lang ni Catherine, dumistansya muna sa iyo para makapag-isip siya ng mabuti.”“Manang, tatlong buwan na rin siya simula nang umalis sa bahay namin at napunta dito. Hindi pa rin ba siya nakapag-isip?” Tanong ni Travis na di maiwasan makaramdam ng hinanakit at disappointed.“Sir, nasaktan si Catherine at nawalan din ng anak. Masakit sa isang ina ang mawalan ng magiging anak at saka…”Hindi nasabi ni Manang Salod ang ibang sasabihin ng muling nagsalita si Travis.“It’s my fault, kaasalanan ko ang lahat. Kung hindi lang sana ako naging padalos-dalos at makasarili. Sana pinakinggan ko noon pa si Catherine. Pero sana kausapin niya na lang ako at huwag tumakas ng paulit-ulit para maiwasan niya lang ako.”“Walang may gusto na mawala an