“WHOAH…! Anong nangyari? Mukhang dinaanan ng bagyo ang kusina? Ilang tray ng itlog ang nailuto mo Kuya? May egg party ba?” Sunod-sunod na tanong ni Tristan ng dumulog ito rito sa kusina. Saglit ipinukol ng masamsng tingin ni Travis. “Bakit nandito ka? Para lang manggugulo?” Balik tanong niya rito sa kapatid. Nasa tefal pan pa rin ang nakasentro ang buong atensyon niya sa itlog na nakasalang. “Dinala ko ‘yong mga dokumento kailangan mong pirmahan,” sagot ni Tristan kumuha ito ng platito at tinidor bago naupi sa bar stool counter ng kitchen. “Bakit maraming itlog ang niluluto mo?” Curious pa rin tanong ni Tristan. “Si Cath kasi gusto ng egg circle shapes. Ayaw naman niya gamitan ng metal shapes dahil makakasama raw aa baby namin.”“Kuya, you can use porcelain bowl.” suhestiyon ni Tristan. Pumalatak si Travis. “Bakit hindi ko naisip agad iyon.” Aniya kumuha ng porcelain bowl. Iyon ang ginagamit pang pormahan ng itlog na lulutuin niya. Naging balance ang shapes ng itlog at na
SORRY in bold letter ang nakasulat sa papel na may drawing ng hitsura ni Travis. Sa halip na pagtuunan ng pansin ay saglit niya muna winaglit iyon sa kanyang isipan. Ngunit sa likod ng kanyang isip ay ang malaking katanungan. Ang sumunod na pinuntahan nila ay ang dampa upang doon mag lunch date. Nang narating nila ang dampa ay katulad ng nakagawian, namalingki muna sila. Pagkatapos niyon ay dinala ni Travis ang mga pinamili nila upang ipaluto ang mga nabili nilang pagkain sa tagaluto. Para sa kanilang pananghalian. Higit isang oras din ang lumipas bago inihain sa kanila ang mga pagkain na umuusok pa sa init. Habang kumakain mayamaya ay pinagsisilbihan ni Travis si Catherine. “Dig in,” aniya na may malapad na ngiti nakapaskil sa kanyang mga labi. “Travis maubos kaya natin ang mga pagkain? Ang dami, eh.” “Uubusin natin, wifey. Bawal ang diet at kailangan mong kumain ng marami, okay.” Aniya na kinindatan ang asawa. Natutuwa siya habang pinagmamasdan ang asawa niya na magan
Tumawa ng pagak si Catherine. “Marunong ka nga ba magmahal, Travis?”Saglit natigilan sa iba pang sasabihin niya si Catherine. Kitang-kita ng mga mata niya ang sakit na bumalatay sa itsura ni Travis. “I love you, unang kita ko pa lang sa ‘yo. I'm attracted with you, kaso hindi ko binigyan pansin ang naramdaman kong iyon nang malaman ko na ikaw ang babaeng minahal ni Tristan at ang naging dahilan sa pag comment niya ng suicide. Mas nanaig sa akin ang maparanas ko rin sa'yo ang paghihirap ni Tristan. Marrying you is not part of the original plan. Pero bigla na lang nagbago ang isip ko. Sabi ko sarili ko, I want you to marry. Ako rin pala mismo ang nagdala ng sarili ko papalapit sa ‘yo.” Mahabang litanya ni Travis. “I'm not pregnant right? Anong nangyari sa baby ko? Hanggang kailan mo itatago…?” Hindi ni Catherine nasabi ang ibang sasabihin ng nagsalita si Travis.“I'm sorry, Cath…”“Great!” Binato ni Catherine ang hawak nitong baso na tumama roon sa wall. “Wala ka na bang ib
SINULYAPAN ni Travis ang tumpok ng mga papeles sa ibabaw ng lamesa niya. Kailangan niyang pirmahan ang lahat ng mga iyon. Malalim na ang gabi at gaya ng dati narito pa rin siya sa opisina niya. Simula nang umalis si Catherine at iwan siya ay binuhos niya na lamang ang oras niya sa trabaho. Upang sa ganoon ay makakalimutan niya ang asawa niya, kahit sandali lang. Naihilamos niya ang palad sa sariling mukha. Muntik pa siya salubsob sa mahabang balbas sa panga niya. It had been another long day. At malamang na magtuloy-tuloy pa iyon hanggang sa mga susunod na araw. He felt cold, hungry, and so empty. Tatlong buwan na ang nakalipas mula nang iniwan siya ni Catherine at ang kahungkagang dati ay bahagya lang niya naramdaman ay nagtayo na ng condo building sa pagkatao niya. He missed his wife. Napaangat lang siya ng mukha mula sa pagkakayoko niya ng maramdaman may ibang tao nandito sa loob ng kanyang opisina. Pumalatak si Tristan. “Late at night nandito ka pa rin, Kuya?” Na
Biglang umangat ang mukha ni Catherine ng biglang gumuhit ang kidlat halos kasabay niyon ay ang malakas na kulog. Mayamaya’y ang malakas na pagbuhos ng ulan doon sa labas ng bintana. Animo may sariling isip ang kanyang mga paa. Naglakad siya patungo roon sa gilid ng bintana kung saan nakaharap doon sa malaking gate ng compound. Nang sumilip si Catherine ay nakikita niya si Travis naroon pa rin at walang balak pa rin umalis kahit na nababasa na ito ng malakas na pagbuhos ng tubig ulan. May kasama pang kidlat at kulog. “Travis,” mahinang usal niya sa sarili. Ano ang iniisip ng lalaking ‘to na hanggang ngayon ay hindi pa rin umaalis? Hindi ba alam nito na magkakasakit ito sa ginagawa nitong pagbasa sa tubig ulan? Biglang nakaramdam ng pag-aalala si Catherine at hindi niya kayang tiisin ng gan’on na lang si Travis. Nainitan at naulanan na si Travis doon sa labas ng gate ngunit wala pa rin balak na umalis. Hindi nagdadalawang isip si Catherine, dali-dali siya lumabas mula sa loob
KINABUKASAN tinanghali ng gising si Catherine, paano ba naman madaling araw na rin siya nakatulog. Dahil sa kakaisip ng sitwasyon nila ni Travis. Alam niya sa paglabas niya mula rito sa loob ng kwarto ay makikita niya ang asawa. Higit sa lahat Hindi niya p’wede iwasan si Travis.Kailangan niya na rin kausapin si Travis ng sa ganun ay magkaliwanagan na rin sila.“Let face the music,” aniya bago pinihit ang seradura ng pinto atsaka lumabas na rin. Hinakbang niya ang kanyang mga paa patungo roon sa kusina. “Good morning, Ma’am,” sabi ni Manang Salod ng nadatnan niya itong naghahanda ng lulutuin nito.“Good morning, Manang,” nakangiti rin sabi ni Catherine. Hinatak niya ang silya para maupo na. Palinga-linga siya sa paligid ngunit hindi makita ng mga mata niya ang gusto niya makita nang mga sandaling iyon.“Umalis na siguro,” aniya sa sarili ng Hindi niya makita si Travis sa paligid.Saglit huminto sa ginagawa niya si Manang Salod. “Ihanda ko lang ang almusal mo, Ma’am.”“Si Travis, kuma
NANG bumalik si Catherine ng kwarto ay bitbit niya na ang palanggana na may maligamgam na tubig at maliit na bimpo para gamitin pamunas kay Travis. Dahan-dahan niya nilagay ang palanggana sa may ibabaw ng center table, atska naupo sa ibabaw ng kama. Nakapikit pa rin ang mga mata ni Travis, mukhang nakatulog muli ito. Sinalat niya ang noo ni Travis, inaapoy pa rin ito ng lagnat.“Travis, punasan lang kita para kahit paano mawala ang lagnat mo,” aniya sinimulan ng punasan ang mukha ni Travis. Hubarin ko lang ang damit mo para makapagpalit ka ng damit. Basa na kasi ng pawis,” aniya sinimulan ng hubarin ang damit ni Travis. “Promise, walang malisya ito,” sambit niya sa mahinang boses. Tanging mahinang ungol lang ang naging sagot ni Travis na nanatiling nakapikit pa rin ang mga mata nito.“Ang bigat mo,” reklamo niya. Nahihirapan siyang hubarin ang damit nito. Pati tuloy siya ay pinagpawisan na rin. Nang matapos niya na palitan ng damit si Travis. Pakiramdam ni Catherine ay naubos din
MALAPIT na siya sa may pintuan ng huminto si Catherine sa paghakbang ng kanyang mga paa, atsaka pumihit paharap doon sa kama na hinihigaan ni Travis.“Magpagaling ka agad para makabalik ka na ng Manila, Travis,” aniya na muntik pa siya pumiyok.“Ayaw…”“Anong ayaw?”“Ayokong bumalik ng Manila na hindi kita kasama Cath.”“Akala ko ba nagkakaintindihan na tayo, Travis. I need space.”“Three months na nakalipas simula ng humingi ka ng space, Cath. It's time na bumalik ka na sa bahay natin.”Humugot ng malalim na hininga si Catherine bago nagsalita. “Dito ang bahay ko at higit sa lahat ayoko na bumalik…” Hindi ni Catherine nasabi ang ibang sasabihin ng magsalita si Travis.“In that case, gusto ko na lang magkasakit para makasama pa rin kita at hindi mo ako tinataboy.”“Nasisiraan ka na ba?” Naiinis sambit ni Catherine, atsaka tinalikuran si Travis. “Magpahinga ka na at magpagaling,” aniya hindi na hinintay na makapagsalita si Travis. Lumabas na siya ng kwarto upang pumunta na roon sa ma
“KUNG nagseselos ka kay Travis at sa babaeng iyon. P’wede ba Bella, huwag mo akong idamay.”Biglang huminto sa paghakbang ng mga paa si Bella. “Ako nagseselos?” sabay turo nito sa sarili.“Yes, you are. Nagseselos ka kay Travis at Daisy.“Walang dahilan para magselos ako kay Travis at sa pangit na babaeng iyon no.”Kusang tumaas ang isang kilay ni Catherine. Talagang hindi ito aamin na may relasyon ito at si Travis.“Di ba may relasyon kayo ni Travis…”Pinukol niya ng matalim na tingin si Bella.“Ako nagseselos?” sabi ulit ni Bella na tumatawa ng mahina.“Anong nakakatawa?” naiinis turan ni Catherine. Talagang ang lakas pa ng loob nito para pagtawanan siya.“Sorry…sorry, ikaw kasi eh,” natatawa pa rin sabi ni Bella. “Hindi mo pa rin pala nakakalimutan ang issue na ‘yan. Medyo matagal na ang nakalipas ng nangyari ang issue tungkol sa amin ni Travis.’“Ofcourse hinding-hindi ko makakalimutan na ang bestfriend ko at ang asawa ko ay may relasyon, naging kabit ka ng asawa ko.” Mas mabuti ng
SABAY napatingin sina Catherine at Travis ng bigla na lamang bumukas ang dahon ng pinto at iniluwa mula sa labas ang babaeng blonde ang buhok at ang maiksing kasuotan nito. Sobrang makapal din ang make-up nito. To the left to the right ang talbog ng balakang nito, habang naglalakad palapit dito.Napangiwi na lamang si Catherine na nakatingin sa babae.“Travis, oh my god. How are you?” sabi ng maarting boses ng babaeng may makapal na pintura sa mukha nito at bigla na lamang pumasok dito.“Daisy…?” Tila nagulat pang sabi ni Travis ng makita ang babaeng bagong dating.“Anong ginagawa mo dito? Bakit ka nandito?” sunod-sunod na tanong ni Travis. “Wait, Daisy,” sabi ni Travis na nakangiwi ng bigla na lang yumakap dito ang babae.“May masakit ba sa’yo? Oh my god. Saan ang masakit my baby Travis?” maarti pa rin sabi ng babae na tinawag ni Travis sa pangalan nitong Daisy.Napaubo ng mahina si Catherine buhat sa narinig. Pinukol niya ng masamang tingin si Travis. Animo’y nagustuhan ng mokong
NAGISING si Travis na masakit ang buong katawan niya, pakiramdam niya ay binugbog siya ng sampung tao. Partikular na ang kanyang likod. Kapag sinusubukan niyang gumalaw ay inaataki siya ng hindi maipaliwanag na pakiramdam. Magkahalong sakat kirot sa bandang likuran niya.Pagmulat ng kanyang mga mata ay tumambad sa kanyang paningin ang apat na sulok ng kwarto na kulay puti. Pinuno ng samo’t sari amoy ng mga gamot ang kanyang pang-amoy. Saka niya biglang naalala ang nangyari sa kanya. Ang huling natatandaan niya ay sinubukan niyang sagipin si Miggy mula sa malaking truck. Pinuno ng matinding kaba at takot ang kanyang dibdib. Kumusta si Miggy? Kailangan niyang makita ang bata.Inikot niya ang kanyang paningin sa loob ng silid. Ngunit wala siyang makita na may kasama siyang ibang tao rito. Tanging siya lang ang mag-isa nandito sa loob ng kwarto.Muli ni Travis sinusubukan na igalaw ang katawan niya. Ngunit talagang hindi niya nakayanan ang sobrang sakit at ang bigat ng pakiramdam niya.
Nang nailipat na si Travis sa private ward nito ay nagpaalam na rin si David na uuwi muna. Kailangan din kasi ni David maligo at magpalit ng damit dahil sa may mantsa ng dugo ang tshirts na suot nito.Nagpaiwan na lamang si Catherine dahil mamaya kapag nagising na si Miggy, tiyak hahanapin siya ng anak.Iniwan niya muna si Travis. Mahimbing pa rin ang tulog nito, marahil ay epekto pa rin ng gamot. Bumalik na lang muna siya roon sa may trauma room para tingnan kung gising na rin si Miggy. Mabilis ang bawat paghakbang ng kanyang mga paa ng marinig niya ang boses ni Miggy na umiiyak.Nang nakita siya ng on duty nurse ay ningitian siya nito. “Nandito na ang mommy mo,” nakangiti sabi ng nurse, pinapatahan nito sa pag-iyak si Miggy.Nag-angat ng mukha si Miggy, at saka tumingin sa direksyon niya na naglalakad palapit dito.“M-mommy,” sabi ni Miggy sa garalgal na boses. Mas lalong nilakasan ang pag-iyak.Biglang nataranta si Catherinr kung kaya ay tinakbo niya na lamang ang distansiya sa
NANG narating ng ambulansya ang hospital ay agad pinasok ng emergency room si Travis. Samantala si Miggy naman ay dinala sa trauma room. Hindi alam ni Catherine kung sino ang mas-uunahin niya sa mag-ama niya.Nang nakatulog na si Miggy ay hinabilin niya muna sa on duty nurse. Kailangan niya rin puntahan si Travis, para alamin ang kalagayan ng lalaki.Sa labas ng emergency room ay nakikita niya si David na nakasandal sa may pader. Habang nakahalukipkip ito na nakatingin doon sa nakasarang pinto ng emergency room. Kaya naman ay hindi nito agad napansin ang presensiya niya.“David, kumusta na siya?” tanong ni Catherine sa garalgal niyang boses na nakatingin na rin roon sa naka saradong pintuan.“Hindi pa lumabas ang doctor, simula pa kanina,” sagot ni David, saglit sinulyapan si Catherine na nakatayo sa tabi nito. Hinawakan nito ang kamay ni Catherine. “Don’t worry, he’s be fine. Si Monteiro pa eh, gago ‘yon at hindi ‘yon basta-bastang mamatay.”“Talaga lang David? Nagawa mo pang magbi
“SA akin sasama sina Catherine at Miggy, Monteiro,” sabi ni David na hinihimas ang panga nito na tinamaan ng suntok ni Travis.“Damn it!” bulyaw ni Travis. “Umalis ka na Dela cuesta.”“P’wede ba tumigil na kayong dalawa. Parang mga bata kayo,” nanggigil sa inis sabi ni Catherine. Humarap siya kay David. “Umalis ka na David, please,” pakiusap niya sa lalaki. Sana nga lang umalis na si David para iwasan na lang si Travis.“Hindi ako, aalis dito na hindi ko kayo kasama ni Miggy. Hindi ko hahayaan na muling saktan ka ni Monteiro,” pagmamatigas pa rin sambit ni David. Talagang walang balak na umalis ito.Huminga ng malalim si Catherine. Malapit na malapit ng maubos ang pasensiya sa dalawang lalaking ito. “Sorry, David hindi kami sasama sa ‘yo ni Miggy.” Bumontong-hininga siya baga nagpatuloy na magsalita. “Aalis kami ni Miggy dito pero kaming dalawa lang at hindi kami sasama sa ‘yo. Gusto ko ng tahimik na buhay…” Hindi niya nasabi ang ibang sasabihin ng sumabad si Travis.“Hindi ako mak
“Dela cuesta,what the hell are you doing here?!” Dumadagundong ang boses sigaw ni Travis, nagbabaga ang mga mata nito sa sobrang galit.“Sinusundo ko lang ang mag-ina ko pare,” bale-wala at kampante sagot naman ni David.Nagulat na lang si Catherine ng sinugod ng suntok ni Travis si David. Nag-uusap sila ng bigla na lang dumating si Travis na galit na galit, namumula ang itsura nito sa galit.Hinawakan niya sa braso si David. “David,” aniya sa mahinang boses. She’s give him a warning look na huwag na lang patulan si Travis. Ngunit ang kumag na David, bena-wala nito ang warning look niya.“I’m here para sunduin ang mag-ina ko,” nakangiti sabi ni David. Hinawakan sa kamay si Catherine.“David, ano ba? What are you doing?” naiinis turan niya sa mahinang boses. Matigas din ang bungo ng isang ito. “Just relax,” pabulong din sabi ni David sa punong tainga ni Catherine.Talagang may gana pa itong sabihin na mag-relax siya? Gayong nagkainitan na sa pagitan nila David at Travis. Paano siya
SAMANTALA ng matapos ng kumain ay nagyaya si Miggy na manood ng favorite cartoons character nito. Kaya magkasama silang mag-ina na nandito sa sala. Si Miggy nakatuon ang buong attentions nito sa pinapanood doon sa malaking screen monitor ng tv. Samantala si Catherine may hawak na magazines ngunit wala sa magazines ang attentions niya . Okopado ni Bella at Travis ang kanyang isip. Hanggang ngayon ay hindi pa rin nakalabas ang mga ito roon sa library. Gaano ba ka importante ang pinag-uusapan ng mga iyon at natagalan.Talagang nag-uusap lang ba? O di kaya naman ay may milagrong ginagawa na. Todo pigill siya sa kanyang sarili na huwag puntahan at katokin ang mga iyon roon sa library. Ngunit kapag ginawa niyon ano ang sasabihin niyang dahilan? Ayaw niya naman magmukhang nagseselos na asawa.‘Hindi nga ba?’ anang kontrabidang isip niya.Talagang hindi siya mapakai. Maya-maya ay nakatingin siya roon sa hagdan. Nang nakita niya si Bellla na naglalakad pababa ng hagdan ay agad niya ibinalik
NGITNGIT ang kalooban ni Catherine, tinusok-tusok at hiniwa ang sausage gamit ang bread knife.“Mommy,” sabi ni Miggy sabay turo sa plato ng ina nito.“Yes baby,” aniya nakatingin kay Miggy na nakaupo lang din sa tabi niya. “You want some more food?”Umiling ng ulo ssi Miggy. “No,” itinuro nito ang plato niya.Kunot-noo siya napatingin din sa plato niya. Lihim siya napangiwi sa kanyang sarili ng makita ang kawawang sausage na gutay-gutay. Ningitian niya ang anak. “I want small slices of sausage. Masakit kasi ang ngipin ni mommy,” napangiwi siya sa kasinungalingan niya. ‘Im sorry anak,’ piping aniya sa sarili.Samantala unang pumasok si Bella sa loob ng library. Sumunod si Travis, isinara niya ang pinto library.“What urgent, Bella? Early early in the morning, bakit kailangan mo pang pumunta dito sa bahay,” mahabang litanya ni Travis, naupo siya sa swivel chairs.Prenteng nakaupo si Bella nasa kabilang bahagi ng lamesa.“Hey, relax,” nakangisi turan ni Bella. “Masyadong takot ka naman