Erika's Pov"Hindi ka na siguro nagtatampo sa akin ngayon? Sinabi ko na ang lahat ng mga nangyari sa akin habang nasa ibang bansa ako at nang dumating ako rito," sabi ko kay Raven matapos kong ikuwento ang lahat ng mga nangyari sa akin."Matagal ka na palang nakabalik sa bansa natin pero parang wala ka pa ring balak na makipagkita sa akin. Nagtatampo pa rin ako sa'yo," nakasimangot na sagot sa akin ng kaibigan ko."Kapag nakipagkita ako sa'yo ay tiyak nalaman ni Charles ng maaga na anak niya si Rose.""Tungkol naman sa taong nagtatangkang pumatay sa'yo, may idea ka ba kung sino ang nagpapapatay sa'yo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.Mabilis akong umiling. "Sa una ay inisip kong hindi sinasadya ang mga nangyari. Pero kanina, napatunayan kong may nagtatangka ngang pumatay sa akin. Siyanga pala, Raven. Bakit sa bangko ka nagtatrabaho at hindi sa kompanya ng Dad mo?"Nalukot ang mukha nito nang marinig ang aking tanong. "Gusto ng Dad ko na ipakasal ako sa anak ng kanyang ka-business pa
Erika's PovMaaga pa lamang ay nasa bahay na namin si Raven. Natitiyak ko na gusto lamang nitong makiusyoso kung ano ang nangyari sa amin kagabi ni Charles. Ngunit hindi agad siya nakapag-usisa sa akin dahil nalibang siya sa pakikipag-usap kay Rose."Have you met my Dad, Aunt Raven? My Dad is very handsome." May pagmamalaki ang boses na sabi ni Rose sa kaibigan ko. Ngunit hindi iyon tinugon ni Raven kaya napasimangot ang anak ko."Of course! Your Dad is very handsome," sang-ayon ni Raven nang makita na biglang nagbago ang mood ni Rose. Natawa na lamang ako at bahagyang nailing sa pag-uusap ng dalawa.Pagkatapos makipagharutan ni Raven sa anak ko ay saka pa lamang nagkaroon ito ng pagkakataon na makausap ako."Tapos na ba ang kuwentuhan ninyong dalawa? Bakit parang napagod ka yata? Hindi naman kayo tumakbo," natatawang puna ko nang maupo si Raven sa aking tabi na parang hapong-hapo."Nakakapagod na nga ang makipag-usap sa anak mo ang tumakbo pa kaya? Saan mo ba ipinaglihi ang anak mo a
Alaiza Pov"Hi, Erika. How was your day? You look beautiful today." Pumasok si David sa loob ng opisina ko at naupo sa harapan ng aking mesa."May kailangan ka sa akin,Mr. Wilson?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Umaakto lamang siya ng ganito kapag may nais siyang ipagawa sa akin o di kaya may pabor siyang hihingin. "C'mon. Spil it out.""Matinik ka talaga, Erika. Wala akong maitago sa mga mata mo," nakangiting wika ni David. May inilabas itong isang puting envelope sa suot nitong coat at ibinigay sa akin."Ano 'to?" tanong ko nang makita kong isang invitation letter ang ibinigay nito."Puwede ba kitang maging ka-date sa event na iyan? Balita ko ay isa sa mga guest speaker si Professor Montilla," nang-eengganyo ang boses na wika ni David."Professor Montilla? Iyong pinakamagaling na IT Professor sa U.S?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Iniidolo ko si Professor Montilla. Hindi lang kasi siya magaling mag-advice magaling din siya sa larangan ng technology. At alam
Erika's PovMaaga kaming dumating sa event kaya naman nakahanap pa kami ng mauupuan. Habang nagsasalita sa stage si Professor Montilla ay all-ears akong nakikinig sa kanya. Napatunayan kong napakagaling nga niyang mag-speech. Nagbigay din siya ng advice sa mga business people lalo na ang mga taong ang business ay naka-linya sa makabagong technology.Isang oras ang speech ni Professor Montilla ngunit kahit isang segundo ay walang boredom sa kanyang speech. Patunay ang malakas na palakpakan mula sa mga tao. Pagkatapos ng speech ni Professor Montilla ay nagkaroon kami ni David ng pagkakataon na makausap at makilala siya ng personal. Ngunit hindi lamang kami nagtagal sa pakikipag-usap sa kanya dahil kailangan na rin nitong umalis ng bansa. Pero at least, nakausap at nakilala ko ang iniidolo kong professor. Pagkatapos ng seminar ay dumiretso kami sa kabilang function hall kung saan bumabaha ang maraming pagkain at inumin para sa mga dumalo sa naturang event."Stay here, Rose. Kukuha lan
Erika's Pov"Kaya naman pala walang galang ang batang iyan dahil anak mo, Erika. Hindi mo ba siya naturuan ng tamang asal?" Puno ng pang-iinsulto na wika ni May nang bitiwan ang braso ng anak ko."Kung kagandahang asal lamang ang pag-uusapan ay marami kami niyan. Ngunit ikaw, mukhang hindi mo alam ang salitang kagandahang-asal," balik-pang-iinsulto ko sa kanya bago ko niyuko ang anak ko. "Are you okay, sweetheart?"Mabilis na tumango si Rose. "I'm okay, Mom. Hindi ko naman talaga sinasadya na malagyan ng ice cream ang dress niya. Nakatayo lamang ako tapos siya ang bumangga sa akin. Nagulat ako kaya nabitiwan ko ang ice cream ko at nalagyan ang dress niya," paliwanag ni Rose sa akin."It's okay, sweetheart. Hayaan mo na siya. Basta nakahingi ka ng sorry kahit na hindi naman ikaw ang may kasalanan. Ngayon, kung ayaw niyang tanggapin ang sorry mo ay hindi mo na problema iyon," sabi ko kay Rose. "Anong hindi niya kasalanan ang nangyari? Kung hindi ba naman siya parang tanga na nakatayo s
Erika's Pov"Bitiwan mo ako ngayon din!" mariin ang boses na wika ko kay Charles nang imulat ko ang aking mga mata. Nagkakawag ako para bitiwan niya ako."Stop struggling, Mom. Baka mahulog kayo ni Daddy sa hagdan." Narinig ko ang boses ni Rose. Nag-alala ako na baka nga malaglag kami sa hagdan kaya huminto ako sa pagkawag. Hinintay ko muna na makalagpas sa hagdan si Charles bago ako muling magsalita."Wala na tayo sa hagdan kaya ibaba mo na ako, Charles," muling utos ko sa kanya. Ngunit hindi ako pinansin ni Charles. "Hindi mo ba ako narinig? Ang sabi ko ay ibaba mo na ako.""I'm going to my room, Dad. Mom. Good night to both of you," paalam ni Rose bago naglakad papunta sa silid nito."Wala ka ba talagang balak na ibaba ako?" naiinis na tanong ko kay Charles nang wala na ang anak namin."Ibababa kita sa silid mo," mabilis nitong sagot. "And don't worry dahil wala akong gagawin sa'yo. Pagkatapos kitang maipasok sa silid mo ay aalis na rin ako," agad nitong dugtong nang mabasa ang pa
Erika's Pov"Mom!" Maluwag ang ngiti na tumakbo palapit sa akin si Rose nang makita niya akong naglalakad palapit sa kanya. Yumakap siya sa akin ng mahigpit pagkatapos ay humalik sa aking pisngi. "Hello, Aunt Raven. It's nice to see you again," bati naman nito sa kaibigan ko bago binigyan ng isang mabilis na halik sa pisngi."How is your school, pretty princess?" nakangiting kausap ni Raven kay Rose."Hmm. Medyo boring ang ipinagawa ni teacher kanina sa amin pero nakakuha pa rin ako ng five star," buong pagmamalaking sagot ni Rose."Wow! Nakaka-proud ka naman. At dahil may five star kang nakuha today kaya iti-treat kita. Ano ang gusto mong kainin?" tanong ni Raven sa anak ko na agad namilog ang mga mata sa narinig."Can I eat pizza and ice cream, Mom?" tanong ni Rose sa akin. Puno ng pag-asam ang mukha nito kaya sino ba ako para ipagkait sa kanya ang kaligayahan niyang pagkain? Nakangiting tumango ako sa kanya. "Alright! We will eat pizza and ice cream!" sabi naman ni Raven bago hina
Erika's PovMahigpit na niyakap ni Charles ang anak namin pagdating nito. Pagkatapos nitong yakapin si Erika ay ako naman ang niyakap niya ng mahigpit."Thank God, walang masamang nangyari sa inyo ni Rose. Hindi ko alam ang gagawin ko kung may nangyaring hindi maganda sa inyong dalawa," buong pag-aalala na wika ni Charles habang nananatiling nakayakap sa akin ng mahigpit."I know that you're worried about us, Charles. Pero puwede bang bitiwan mo na ako? Hindi na ako makahinga." Bahagya kong tinampal ang kanyang balikat para bitiwan niya ako. Sa sobrang higpit ng pagkakayakap niya sa akin ay halos hindi na ako makahinga."Oh, I'm sorry. Masyado lang akong masaya na walang masamang nangyari sa inyo ni Rose," paumanhin ni Charles na agad akong binitiwan."I'm very scared, Dad. Mabuti na lang magaling mag-drive ng kotse si Mommy kaya nakaligtas kami," sabi naman ni Rose, muli itong yumakap sa ama at nagpakarga."Nag-file na ba kayo ng report tungkol sa nangyari?" tanong naman sa akin ni B