Erika's PovKanina pa ako palakad-lakad sa loob ng aking silid. Hindi ako mapakali. Iniisip ko kung nasa silid pa ba ni Rose si Charles o umuwi na ba ito? Nag-aalala ako na baka mapalapit masyado ng loob ng anak ko kay Charles at sumama sa kanya. Baka ilayo niya sa akin ang anak ko dahil ayokong makipagbalikan sa kanya.Humugot ako ng malalim na hininga bago lumabas sa aking silid at naglakad patungo sa sildi ni Rose. Ngunit hindi pa ako nakakarating sa tapat ng pintuan ng anak ko ay bigla akong naduwag. Umikot ako at agad na bumalik sa aking silid."You're such a coward, Erika. Bakit ka naman biglang naduwag? Bahay mo ito at anak mo si Rose kaya natural lamang na silipin mo siya sa silid niya," sermon ko sa aking sarili pagkapasok ko sa loob ng aking silid.Naupo ako sa gilid ng aking kama. Twenty minutes na ang nakalilipas magmula nang pumasok si Charles sa silid ni Rose kaya wala na siguro ito sa mga oras na ito. Sabi niya kasi ay hindi lang siya magtatagal at aalis din siya. Bak
Charles' Pov "Malalim na ang gabi at masarap na ang tulog ko sa aking kama pero tinawagan mo pa ako para lamang makipag-inuman. Ano na naman ba ang problema mo, Charles?" nakasimangot na tanong ni Bruce sa akin pagkaupo na pagkaupo niya sa upuan sa aking tabi. Pag-alis ko sa bahay ni Erika ay dumiretso ako sa bar na madalas naming pinupuntahan. At kahit malalim na ang gabi ay binulabog ko si Bruce sa kanyang pagtulog para papuntahin kung nasaan ako naroon. "Join me, Bro. Let's get drunk together." Kumuha ako ng isang bote ng beer at binuksan bago ibinigay sa kanya. "Cheers!" Sabay naming tinungga ang beer sa bote. Maliliit naman ang bote ng beer kaya puwede nang hindi isalin sa baso. "Anong problema mo, Charles? Is it Erika again?" panghuhula ni Bruce. Napailing na lamang ako. Kilalang-kilala talaga ako ng dalawang kaibigan ko. Kahit na hindi ko sabihin sa kanila ay alam na nila kung ano ang problema ko. "Hindi ko siya maintindihan, Bruce. Alam ko. Nararamdaman ko na mahal
Erika's PovTahimik lamang ako habang nakaupo sa loob ng kotse ni David. Nag-taxi lamang ako papunta sa bar dahil tinatamad akong magmaneho. Masakit pa kasi ang buong katawan ko dahil sa nangyaring intimate sa pagitan namin ni Charles. Pinapunta ni David sa bar so dapat lamang na ihatid niya ako pauwi."Kaya ka ba tahimik dahin nagseselos ka? Nasasaktan ka dahil nakita mong may kasamang ibang babae si Charles?" panghuhula ni David, manaka-naka soyang sumusulyap sa akin habang nagmamaneho.Tiningnan ko siya at tinaasan ng kilay. "Mukha bang nagseselos ang hitsura ko, David?"Napakunot naman ang noo nito nang marinig ang sinabi ko. "So it means, hindi ka nagseselos? Wala lang sa'yo kahit na may kasamang ibang babae ang tatay ng anak mo?""Tatay siya ng anak ko pero hindi ko siya asawa, David. May kalayaan siyang gawin ang anumang nais niyang gawin sa buhay niya. At isa pa, wala rin kaming relasyon. Wala akong karapatang magselos," mahabang sagot ko sa kaibigan ko na lalong kumunot ang n
Erika's PovPagkatapos kumain ay muling nagbabad sa swimming ang mag-ama habang ako naman ay naupo lang sa sala at nanunod ng palabas sa television. Nang magsawa ang dalawa ay tinapos na nila ang pagligo sa swimming pool. Pinasamahan ko si Rose sa kanyang yaya para bihisan sa kanyang silid. Si Charles naman ay nagbihis ng damit sa banyo na malapit sa kusina.Pagkatapos magbihis ng damit ni Charles ay lumapit siya sa akin at naupo sa upuan na kaharap ng inuupuan ko. Hindi siya nagsasalita at nakatitig lamang sa akin kaya hindi na ako nakatiis. Nakataas ang isang kilay na tinapunan ko siya ng tingin."Meron ka bang gustong sabihin sa akin? Kung wala ay puwede ka ng umalis. Mamayang hapon pa bababa ulit ang anak ko. Napagod siya sa pakikipaglaro sa'yo kaya natitiyak kong makakatulog siya pagkatapos niyang magbihis," sabi ko kay Charles.Bahagyang tumikhim muna si Charles bago magsalita. "I know, kahit anong paliwanag ko sa'yo tungkol sa amin ni May ay hindi mo paniniwalaan, Erika. So I
Erika's Pov"Hindi ka na siguro nagtatampo sa akin ngayon? Sinabi ko na ang lahat ng mga nangyari sa akin habang nasa ibang bansa ako at nang dumating ako rito," sabi ko kay Raven matapos kong ikuwento ang lahat ng mga nangyari sa akin."Matagal ka na palang nakabalik sa bansa natin pero parang wala ka pa ring balak na makipagkita sa akin. Nagtatampo pa rin ako sa'yo," nakasimangot na sagot sa akin ng kaibigan ko."Kapag nakipagkita ako sa'yo ay tiyak nalaman ni Charles ng maaga na anak niya si Rose.""Tungkol naman sa taong nagtatangkang pumatay sa'yo, may idea ka ba kung sino ang nagpapapatay sa'yo?" nag-aalalang tanong niya sa akin.Mabilis akong umiling. "Sa una ay inisip kong hindi sinasadya ang mga nangyari. Pero kanina, napatunayan kong may nagtatangka ngang pumatay sa akin. Siyanga pala, Raven. Bakit sa bangko ka nagtatrabaho at hindi sa kompanya ng Dad mo?"Nalukot ang mukha nito nang marinig ang aking tanong. "Gusto ng Dad ko na ipakasal ako sa anak ng kanyang ka-business pa
Erika's PovMaaga pa lamang ay nasa bahay na namin si Raven. Natitiyak ko na gusto lamang nitong makiusyoso kung ano ang nangyari sa amin kagabi ni Charles. Ngunit hindi agad siya nakapag-usisa sa akin dahil nalibang siya sa pakikipag-usap kay Rose."Have you met my Dad, Aunt Raven? My Dad is very handsome." May pagmamalaki ang boses na sabi ni Rose sa kaibigan ko. Ngunit hindi iyon tinugon ni Raven kaya napasimangot ang anak ko."Of course! Your Dad is very handsome," sang-ayon ni Raven nang makita na biglang nagbago ang mood ni Rose. Natawa na lamang ako at bahagyang nailing sa pag-uusap ng dalawa.Pagkatapos makipagharutan ni Raven sa anak ko ay saka pa lamang nagkaroon ito ng pagkakataon na makausap ako."Tapos na ba ang kuwentuhan ninyong dalawa? Bakit parang napagod ka yata? Hindi naman kayo tumakbo," natatawang puna ko nang maupo si Raven sa aking tabi na parang hapong-hapo."Nakakapagod na nga ang makipag-usap sa anak mo ang tumakbo pa kaya? Saan mo ba ipinaglihi ang anak mo a
Alaiza Pov"Hi, Erika. How was your day? You look beautiful today." Pumasok si David sa loob ng opisina ko at naupo sa harapan ng aking mesa."May kailangan ka sa akin,Mr. Wilson?" nakataas ang kilay na tanong ko sa kanya. Umaakto lamang siya ng ganito kapag may nais siyang ipagawa sa akin o di kaya may pabor siyang hihingin. "C'mon. Spil it out.""Matinik ka talaga, Erika. Wala akong maitago sa mga mata mo," nakangiting wika ni David. May inilabas itong isang puting envelope sa suot nitong coat at ibinigay sa akin."Ano 'to?" tanong ko nang makita kong isang invitation letter ang ibinigay nito."Puwede ba kitang maging ka-date sa event na iyan? Balita ko ay isa sa mga guest speaker si Professor Montilla," nang-eengganyo ang boses na wika ni David."Professor Montilla? Iyong pinakamagaling na IT Professor sa U.S?" nanlalaki ang mga matang tanong ko sa kanya. Iniidolo ko si Professor Montilla. Hindi lang kasi siya magaling mag-advice magaling din siya sa larangan ng technology. At alam
Erika's PovMaaga kaming dumating sa event kaya naman nakahanap pa kami ng mauupuan. Habang nagsasalita sa stage si Professor Montilla ay all-ears akong nakikinig sa kanya. Napatunayan kong napakagaling nga niyang mag-speech. Nagbigay din siya ng advice sa mga business people lalo na ang mga taong ang business ay naka-linya sa makabagong technology.Isang oras ang speech ni Professor Montilla ngunit kahit isang segundo ay walang boredom sa kanyang speech. Patunay ang malakas na palakpakan mula sa mga tao. Pagkatapos ng speech ni Professor Montilla ay nagkaroon kami ni David ng pagkakataon na makausap at makilala siya ng personal. Ngunit hindi lamang kami nagtagal sa pakikipag-usap sa kanya dahil kailangan na rin nitong umalis ng bansa. Pero at least, nakausap at nakilala ko ang iniidolo kong professor. Pagkatapos ng seminar ay dumiretso kami sa kabilang function hall kung saan bumabaha ang maraming pagkain at inumin para sa mga dumalo sa naturang event."Stay here, Rose. Kukuha lan