Share

Chapter 23

Charles' Pov

"Malalim na ang gabi at masarap na ang tulog ko sa aking kama pero tinawagan mo pa ako para lamang makipag-inuman. Ano na naman ba ang problema mo, Charles?" nakasimangot na tanong ni Bruce sa akin pagkaupo na pagkaupo niya sa upuan sa aking tabi.

Pag-alis ko sa bahay ni Erika ay dumiretso ako sa bar na madalas naming pinupuntahan. At kahit malalim na ang gabi ay binulabog ko si Bruce sa kanyang pagtulog para papuntahin kung nasaan ako naroon.

"Join me, Bro. Let's get drunk together." Kumuha ako ng isang bote ng beer at binuksan bago ibinigay sa kanya. "Cheers!"

Sabay naming tinungga ang beer sa bote. Maliliit naman ang bote ng beer kaya puwede nang hindi isalin sa baso.

"Anong problema mo, Charles? Is it Erika again?" panghuhula ni Bruce. Napailing na lamang ako. Kilalang-kilala talaga ako ng dalawang kaibigan ko. Kahit na hindi ko sabihin sa kanila ay alam na nila kung ano ang problema ko.

"Hindi ko siya maintindihan, Bruce. Alam ko. Nararamdaman ko na mahal
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status