Odrysian Kingdom, Balkan Peninsula, 5th century B.C.
Duguang bumagsak sa pampang ng Ilog Abdera si Agenor, ang malupit na pinuno ng tribong Illyrian. Tadtad ito ng mga saksak at taga sa buong katawan habang masaganang umaagos ang sariling dugo. Hinahabol na rin nito ang hininga.
Ngunit hindi man lang kinakitaan ng awa si Haring Tereus, ang mandirigmang hari ng Odrysian kingdom na nagmula sa tribong Thracian. Nakatayo siya habang pinagmamasdan ang unti-unting pagkagapi nang mortal na kaaway. Nang tumingin siya sa paligid ay nakita niyang paubos na rin ang mga mandirigmang Illyrian na umatake sa mga tribo ng Thracians na nasa ilalim ng kanyang pamumuno.
“Nabigo ka, Agenor. Nabigo kang agawin sa aming mga Thracian ang kaharian ng Odrysian,” mariing wika ni Haring Tereus habang mahigpit na hawak ng kanang kamay ang duguang espada na ginamit sa pakikipaglaban kay Agenor.
Ngunit sa halip na magmakaawa ay nakakainsultong tumawa pa si Agenor. Kahit hirap ay nagawa pa rin nitong magsalita. “Iyan ang akala mo, Tereus. Mapapatay mo ako, pero hindi ang apoy ng aking galit dahil sa kasakiman mo.”
“Ikaw ang sakim, Agenor. “ Muling nanginig sa galit ang kanyang buong katawan. “Alam kong alam mo na ang trono ng Odrysian ay para lamang sa mga Thracian pero hinangad mo pa rin ito. Nilason mo ang isipan ng iyong mga nasasakupan upang makapaglunsad ka ng isang digmaan. Itinaya mo ang kanilang mga buhay para lamang sa pansarili mong kagustuhan. Ngayon, paano mo pamumunuan ang isang kaharian kung ang sarili mong tribo ay kaya mong ipahamak dahil sa iyong kabuktutan? Mabuti na lamang at palagi kaming nasa pangangalaga ng aming diyos na si Thrax kung kaya hindi nagtagumpay ang maitim mong mithiin.”
Sarkastikong ngumisi si Agenor. “Ang inyong diyos na si Thrax ay anak lamang ng mas makapangyarihang diyos na si Ares. Sa tulong ni Ares, ay magpapatuloy ang labanan sa pagitan ng ating mga tribo hanggang hindi napapasakamay ng mga Illyrian ang Odrysian.”
Bahagyang tumawa si Haring Tereus. “Hindi na mangyayari ang sinasabi mo, Agenor. Sapagkat ito na ang huling digmaan na magaganap sa pagitan ng mga Thracian at Illyrian dahil papatayin na kita sampu ng hangal mong mga kawal.” Pagkasabi noon ay dahan-dahang itinaas ni Haring Tereus ang espada upang i****k sa dibdib ni Agenor.
Ngunit hindi man lang kinakitaan ng takot si Agenor. Habang hirap sa paghinga ay nagpatuloy ito sa pagbabanta. “Mapapatay mo ang aking katawan ngunit hindi ang sumpang binitawan ko sa ilog na ito ng Abdera saksi ang mga diyos ng kadiliman. Ang mga diyos mula sa hades kabilang ang pinakamakapangyarihang diyos ng digmaan na si Ares ang tutulong sa pitong supling na magpapatuloy ng kasamaan na ipinunla ko sa mundong ito.”
Naudlot ang pagtarak ni Haring Tereus ng espada sa dibdib ni Agenor. Ang galit na nararamdaman ay napalitan ng pangamba. “Sumpa? Ano’ng sumpa ang sinasabi mo?”
Muling ngumisi si Agenor na tila ba nakaramdam ng tagumpay sa laban. “Tuwing ika-sandaang taon, lilitaw mula sa aking sariling dugo ang mga supling na magdadala ng salot sa sansinukob. Mula sa hades ay dadalhin ng mga supling na ito ang kasumpa-sumpang lason ng kasamaan na magiging dahilan ng kamatayan ng lahat ng tao sa buong mundo kabilang na ang salinlahi ng mga Thracian. At pito silang lahat, Tereus. Pitong binhing magiging tagapagdala ng aking sumpa. At katulad ko at ng lahat ng nilalang sa buong sanlibutan, hindi ka rin nakatakdang mabuhay habang panahon. Ngayon, paano mo pipigilan ang pitong tagapaghasik ng kasamaan at kamatayan sa lahat ng tao sa buong mundo?”
“Isa kang hangal,” singhal ni Haring Tereus. “Sa palagay mo ba ay papayagan iyan ng mga mabubuting diyos ng Moreva?”
“Walang magagawa ang mga mabubuting diyos pagdating ng panahon ng kadiliman, at iyon ay kapag nagsimula na ang mga tao na yakapin ang kasamaan, magiging makasarili sila at mapag-imbot. Mababaliw sila sa mga makamundong bagay katulad ng lakas at kapangyarihan na magdudulot ng mga digmaan. At kapag nangyari iyon, magiging madali na silang lipulin ng mga tagapagdala ng sumpa dahil sa kawalan nila ng pagkakaisa at pagmamahal sa kanilang kapwa.”
“Isa kang baliw, Agenor. Tama lang na hindi napunta sa isang hangal na katulad mo ang pamumuno sa Odrysian.” Lalong humigpit ang hawak ni Haring Tereus sa espadang hawak ngunit hindi man lang nagpakita ng pagkatakot si Agenor.
“Tandaan mo ito, Tereus. Tuwing ika-sandaang taon, lilitaw ang pitong tagapagdala ng salot na papatay sa lahat ng tao sa buong mundo. At hindi mo ito mapipigilan, Tereus. Walang sino mang diyos sa buong Odrysian o sa buong mundo man ang may kakayahang ipawalang bisa ang isang sumpa na binitawan sa ilog Abdera at sinaksihan ng mga diyos ng hades.”
“Isa kang baliw! Hindi papayagan ng mga diyos ng Moreva ang kabuktutan mo! Ngayon pa lamang ay pinuputol ko na ang sumpang sinasabi mo!” Pagkasabi noon ay ubod lakas na itinarak ni Haring Tereus ang espada sa dibdib ni Agenor.
Ngunit tila hindi ininda ni Agenor ang sugat na natamo mula sa kanyang espada. Nagpatuloy pa rin ito sa pagbabanta. “Ang sumpa, Tereus. Matakot ka sa sumpa.”
Hinugot ni Haring Tereus ang espada at nanggigigil na muling ibinaon ito sa dibdib ni Agenor. Mga halakhak ng pang-uuyam ang isinukli nito.
Muli niyang hinugot ang espada at muling ibinaon sa katawan ni Agenor. Sa bawat halakhak nito ay panibagong sugat ang nililikha ng kanyang sandata. Paulit-ulit hanggang halos mawasak na ang buong katawan nito. Tumigil lamang siya nang pinigilan siya ni Phineas, ang pinunong babaylan ng Odrysian.
“Tama na, mahal na hari. Patay na si Agenor. Ubos na rin ang kanyang mga kawal. Tapos na ang digmaan sa ating kaharian,” mahinahong awat ni Phineas.
Humihingal na tumigil sa ginagawa si Haring Tereus saka bumaling sa pinunong babaylan. Ang sinabi nito tungkol sa pagtatapos ng digmaan sa Odrysian ay hindi sapat upang mapawi ang takot na ngayon ay bumabalot sa buong pagkatao niya. “Narinig mo ba ang kanyang sinabi, Phineas? Patay na nga siya ngunit isang malagim na sumpa naman ang kaniyang iniwan para sa buong sangkatauhan.”
Marahang tumango si Phineas. “Oo, mahal na hari. Tunay na sagad sa buto ang kaniyang kasamaan.”
“Ginamit niya ang ilog Abdera para sa katuparan ng kanyang malagim na sumpa. At alam nating lahat na hindi kayang baliin ng ano mang kapangyarihan ang bisa ng isang sumpa kapag isinagawa ito sa mahiwagang ilog na iyon at sinaksihan ng mga diyos ng hades.”
“Alam ko,” malungkot na tugon ni Phineas. “At ang tanging paraan lamang ay makapaghanda ang ating angkan ng mga supling na susupil sa mga tagapagdala ng sumpa sa bawat ika-sandaang taon. At iyon ay kailangang manggagaling sa sarili mong dugo.”
“Anak ko?”
“Mga anak mo hanggang sa iyong kaapo-apohan. Tuwing ika-sandaang taon, pitong supling mula sa iyong angkan ang hihirangin upang sugpuin ang pitong tagapagdala ng sumpa na magmumula naman sa angkan ni Agenor.. ”
“Walang problema, Phineas. Batid kong mananalaytay sa ugat ng aking mga salinlahi ang dugo ng isang mabuting pinuno at mandirigma.”
“Subalit…” may pag-aalinlangan sa tinig ni Phineas.
“Ano, Phineas? Magsalita ka!”
“Kailangan mo pa itong hingin sa ating diyos na si Thrax. At upang pagbigyan ka, kailangan mong ialay ang sarili mong buhay.”
“Nakahanda ako, Phineas. Iaalay ko ang sarili kong buhay para sa kaligtasan ng sangkatauhan,” walang takot na sabi ni Haring Tereus.
“Mahal na hari…”
Sinadya ni Haring Tereus na hindi pansinin ang pagtutol ng babaylan. “Bukas na bukas din ay magkakaroon tayo ng pagpipiging. Maghahain tayo ng maraming pagkain at alak. Ipahanda mo rin ang templo ni Thrax. At habang nagsasaya ang lahat, gagawin ko ang pinakamahirap na desisyon sa aking buhay bilang hari ng Odrysian.”
Malungkot na napailing si Phineas. “Mahal na hari, hindi mo kailangang magsakripisyo. Kung mamamatay ka man, ito ay nararapat na sa natural na paraan, sa sakit o kahit na sa digmaan, pero hindi dahil sa iniligtas mo ang buhay ng mga tao sa hinaharap. Hindi natin sila kilala at wala tayong pakialam sa kanila.”
“Nagkakamali ka, Phineas. Bilang isang hari, tungkulin ko na sagipin ang aking nasasakupan mula sa pagkawasak. Hindi lang ang kaharian ng Odrysian kungdi maging ang buong mundo kahit na ang Odrysian ay isang maliit na bahagi lamang nito. Isa pa, kailangang manatiling umiiral ang lahi nating mga Thracian upang patuloy na may mangalaga sa daigdig, ang nag-iisa nating tahanan.”
Napatungo si Phineas tanda ng paghanga sa kabutihan ng hari. “Kung iyan ang iyong nais, mahal na hari.”
“Isa lamang ang aking kahilingan, Phineas…”
“Sabihin po ninyo.”
“Nais kong isulat mo sa ating kasaysayan ang mga kaganapang ito upang magpasalin-salin hindi lamang sa aking pamilya kung hindi sa lahat ng salinlahi ng mga Thracian. Nang sa ganoon ay walang Thracian ang hindi makakaalam ng kuwento ko upang magiging madali para sa kanila ang paghirang sa mga supling na susupil sa sino mang magiging tagapagdala ng sumpa sa hinaharap.”
Walang alinlangang tumugon si Phineas. “Maasahan niyo, Haring Tereus.”
Pagkuwa’y bumaling ang mga paningin ni Haring Tereus sa napakalawak na lupain ng Odrysian. Nasa mataas na bahagi sila ng lupa kung kaya halos natatanaw niya ang buong kaharian. Lihim niyang ipinagpasalamat ang pagtatapos ng digmaan sa pagitan ng mga Thracian at ng mga Illyrian. Sa wakas ay makakamit na ng iba pang tribo na nasasakupan ng buong kaharian ng Odrysian ang kapayapaan.
Maya-maya’y dumagundong ang kanyang boses nang pasigaw siyang nagsalita. Nakatingala siya sa kalangitan habang nakadipa ang dalawang braso. “Isinusumpa kong mula sa aking dugo ay isisilang ang mga supling na magdadala ng kaligtasan sa buong mundo. Habang may kasamaan na iiral sa iba’t ibang panahon, may pitong dugong Thracian ang ipapanganak upang labanan ito. Nawa’y patnubayan sila ng mga mabubuting diyos ng Moreva at ng aking diyos na si Thrax.”
Pagkasabi noon ay biglang nayanig ang buong kalangitan dahil sa pagsulpot ng mga matatalim na kidlat kasabay nang malalakas na kulog. Ilang saglit lamang at bumuhos ang malakas na ulan. Nabasa ang buong lupain ng Odrysian palatandaan ng padating na pagsibol at paglago ng mga puno’t halaman.
Nagpatuloy sa pagsigaw si Haring Tereus, hindi alintana ang malalaking butil ng ulan na bumabagsak sa kanyang mukha at buong katawan. “Alam kong naririnig mo ako, Thrax, sampu ng mga mabubuting diyos ng Moreva. Pakinggan ninyo ang aking kahilingan, kapalit ng sarili kong buhay.”
Isang maliit na kidlat ang tumama sa nakabukas na kanang kamay ni Haring Agenor. Napasigaw siya sa sakit nang gumuhit sa balat at laman niya ang maliit na apoy. Bago mawalan ng ulirat ay nagawa pa niyang tingnan ang pigurang iginuhit ng kidlat sa kanyang palad. Nang mapagtanto kung ano ito ay agad siyang napaluha at sunod-sunod na pasasalamat ang namutawi sa mga labi niya. Alam niyang paraan iyon ng mga diyos ng Moreva upang ipaalam sa kaniya na dininig ng mga ito ang kanyang kahilingan.
July 30, 2021. Athens Institute of Virology, Greece. Tahimik na iginala ni Dr. Matthaios Levidis ang paningin sa mga taong nasa loob ng conference room. Nasa sampung tao silang naroroon na pulos kapwa niya doktor-siyentipiko kabilang ang kanyang lolo, si Dr. Nikolaus Levidis, ang direktor ng institute. Alam niyang hindi isang ordinaryong meeting ito para sa institusyon dahil pamilyar at pinili ang mga taong kasama niya roon kabilang ang mga founders at officials ng institusyong iyon. Sa pagkakaalam niya, ang Athens Institute of Virology o AIV ay nagsisilbing headquarter at training ground din ng mga piniling descendant ng kanilang angkan, ang mga Thracian. Sa kasalukuyan ay apat pa lamang sila sa nadidiskubreng descendants nang magiting na sinaunang hari ng mga Thracian. Kahit nagmula silang apat sa iba’t ibang bansa, ang palatandaan naman ng pagiging isang tagapagligtas ng sansinukob ay taglay nila sa kanilang mga palad bilang birthmark, at iyon ay ang mapa ng isang sinaunang kah
“Akrivos!” mabilis na tugon ni Director Nikolaus Levidis. Lumikha ng kaunting ingay ang naging tugon na iyon ng direktor. Hagen and Helga nodded their heads as a sign of agreement. Hinagod naman ni Rigor ang sariling baba habang matamang nag-iisip. Nagpahayag naman ng pagsang-ayon din ang ibang matatandang doktor na naroroon. Nanlumo naman si Matthaios sa narinig na tugon ng direktor. Agad na sinakmal ng lungkot at panghihinayang ang kanyang damdamin. Paanong ang isang babaeng may mala-anghel na mukha ay nagtataglay ng ganoong kasamaan para sa buong sangkatauhan? “But if that woman is the virus carrier, she could be dead also by this time, knowing that her likes are being hunted by the police and military,” wika ni Matthaios habang hindi inaalis ang mga mata sa pagkakatitig kay Ava. There was something in her charm that he couldn’t understand. Bumibilis pa rin ang pintig ng puso niya habang nakatingin sa magandang mukha ng babae. “Her name is not yet include
Pasado alas-onse na ng gabi ngunit patuloy pa rin si Nica sa paglalakad sa kahabaan ng General Emilio Aguinaldo Highway sa Cavite sa pagbabakasakaling may pampasaherong bus pa siyang masakyan bago abutan ng total lockdown pagsapit ng hatinggabi. Hindi niya alintana ang matinding hirap at pagod dahil sa kagustuhang makauwi sa kaniyang nayon sa Tagaytay City. Ang alam niya ay nasa state of community quarantine lamang ang Maynila at mga karatig-lugar dahil sa isang deadly virus na kumakalat. Ngunit biglang may kumalat na balita na mamayang alas-dose raw ng hatinggabi ay idedeklara na rin ng pangulo ng Pilipinas ang total lockdown kung kaya tanghali pa lang ay ipinagbawal na sa mga pampasaherong sasakyan na maglabas-pasok hindi lamang sa Maynila kungdi maging sa buong Calabarzon. Ang sabi ng mga pulis na nasa check point ay aarestuhin na ang mga taong mahuhuli pa ring naglalakad sa kalsada pagsapit ng alas dose ng hatinggabi kung kaya umaasa siyang may mabuting pusong magpapasak
Naalimpungatan pa si Nica nang dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Ginising siya ng tinig at mahinang pag-alog ni Matthaios sa kanyang balikat. “Papasok na tayo ng Tagaytay, Nica,” mahinahong sabi ni Matthaios. Sukat sa narinig ay napabalikwas siya. Pagdungaw niya ng bintana ay napatunayan niyang totoo ang sinabi ng lalaki. Sa wakas ay muli niyang nasilayan ang malalaking puno ng narra na nakahilera sa magkabilang gilid ng kalsada, ganoon din ang halos dikit-dikit na mga hotel, resort at restaurant at maliliit na kainan tanda ng maunlad na turismo sa lungsod. Ilang buwan din siyang hindi nakauwi sa lugar na ito dahil sa mga modelling projects kung kaya hindi niya maitago ang sayang nararamdaman. Ngunit taliwas sa nakasanayan niya na dati ay buhay na buhay ang turismo sa lungsod kahit dis oras ng gabi, ngayon ay sarado na ang lahat ng establishments at wala na ring tao sa paligid. Wala rin halos bumibiyahe maliban sa ilang private vehicles at mga tru
“Ang buong akala namin ay hindi ka na makakauwi dahil sa pinaiiral na lockdown, ate Nica,” tuwang-tuwang sabi ni Jen, pinsang buo ni Nica na siyang tumitingin sa kanyang lolo’t lola kapag wala siya. Hawak nito ang pasalubong niyang make up kit. Bata si Jen o Jenevie ng tatlong taon sa kanya, anak ito ng pinsang buo ng kanyang ina. Katulad niya, ay maganda rin ito bagamat may kakulitan. “Ano ka ba, Jen,” nakangiting wika niya. “Kapag sinabi kong uuwi ako, uuwi talaga ako kahit harangan pa ako ng sibat.” “Sus! Ang sabihin mo, kung hindi ka pinasakay ng guwapong doktor na ikinukuwento mo, siguradong wala ka pa rito sa mga oras na ito,” pang-aasar ni Jen sa kanya. “Kungsabagay…” Lumuwang ang ngiti ni Nica pagkaalala kay Matthaios. “Ikuwento mo pa siya, dali,” pangungulit ng pinsan niya. “Ano ka ba, Jen? Wala na akong ibang masasabi tungkol kay Matthaios maliban sa pagiging guwapo niya kahit ubod siya ng presko.” Of course, w
Isang galit na galit na Rigor ang nadatnan ni Matthaios sa pinto ng laboratory room ng Research Institute of the Philippines kinaumagahan.“Where have you been? Halos magdamag kang nawala kahit alam mo na kailangang-kailangan ka dito?” pasikmat na tanong ng lalaki sa kanya. “I just visited my relatives here,” kalmadong tugon niya habang pumapasok sa laboratory room. Nilampasan niya ang nakatayong si Rigor. “At inuna mo pa ang pamamasyal kaysa sa trabaho natin dito? Remember, we are running out of time. Konting panahon lang ang ibinigay sa atin ni Directo Levidis upang i-solve ang problema natin sa buwiset na virus na ito,” gigil ni Rigor habang sinusundan siya. Kalmado pa ring hinarap ni Matthaios ang nanggagalaiting lalaki. “I know why you’re upset, Rigor. Hindi mo gusto ang sitwasyon mo ngayon. Sa halip kasi na nasa Athens ka at inaasikaso ang sarili mong kasal ay naririto ka ngayon upang hanapan ng solusyon ang problema ng bansang ito.”
Naaalimpungatang inabot ni Nica ang cell phone na nakapatong sa lamesita sa tabi ng higaan niya. Bahagya siyang nagulat nang makita kung sino ang caller. Si Khid Morales, ang kanyang handler. “Ava? Pasensiya na kung napatawag ako. May problema tayo,” balisang sabi ni Khid sa kabilang linya. Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Nica. Mabilis siyang sumulyap sa orasang nasa dingding. Alas-diyes na pala ng umaga. Tinanghali siya ng gising dahil sa malagim na mga pangyayari kagabi. “Khid, bakit ka tumawag? Hindi ba’t ang usapan natin ay magla-lie low muna ako sa modelling at kung maaari ay wala muna tayong komunikasyon habang hindi pa normal ang lahat?” pupungas-pungas niyang sabi pero nagsisimula nang kumabog ang kanyang dibdib. Alam niyang hindi tatawag sa kanya si Khid ng walang matinding dahilan. “May naghahanap sa iyo, Ava,” kandautal na sagot ni Khid. “May tatlong lalaki na pumunta sa condo ko kanina, pulis ‘yong isa at pilit akong hini
Walang pagsidlan ang tuwa nina lolo Marcial at lola Henya sa salaping ipinakita ni Nica sa mga ito. “Totoo ba ito? Matutubos na natin ang bahay at lupa natin na nakasangla sa bangko?” bulalas ni lolo Henya habang nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa mga salaping papel na nasa loob ng bag pack. “At makapagsisimula pa tayo nang maliit na negosyo, lola,” masayang tugon niya. “Ipagpapatuloy ko rin ang naudlot kong pag-aaral sa kolehiyo. Alam naman ninyong gustong-gusto kong makatapos ng pag-aaral. Ayoko kasing matulad sa ilang taga-rito sa ating baryo na sinikatan at nilubugan na ng araw sa bukid. Gusto kong kahit papaano ay umasenso sa buhay.” Hindi lingid sa dalawang matanda na mula pagkabata ay pinangarap na niyang yumaman sapagkat ayaw niyang matulad sa kanyang ina na namasukang domestic helper noon sa Great Britain na kalaunan ay naanakan at iniwan ng nakarelasyon nitong anak ng amo. Dulot ng kahihiyan at depresyon, kinitil ng kanyang ina ang
Parga, Northern Greece Nica’s eyes surveyed the charming, picturesque coastal town of Parga, Northern Greece. Kagigising lang niya at mas magandang pagmasdan ang kapaligiran kapag ganitong nagsisimula pa lamang sumikat ang araw. Its absolutely beautiful and was truly picture perfect. Ilang buwan na silang kasal ni Matthaois ay tila ba hindi pa rin maubos-ubos ang mga magagandang lugar na nais pagdalhan sa kanya ng asawa sa bansang ito na tinaguriang cradle of western civilization. Sang-ayon kay Matthaios, ang Northern Greece daw ang dating kinalalagyan ng Odrysian kingdom kabilang na ang ilang bahagi ng mga karatig-lugar nito na northern Bulgaria, southeastern Romania at European Turkey. Mula sa terasa ng inn na inookupa nilang mag-asawa ay buong paghangang sinuyod ng kanyang mga mata ang mga makukulay na bahay na nakatayo sa gilid ng mga burol, ang mahaba at puting sand beaches hanggang sa napakagandang harbour front. Maya-maya’y naramdaman niya
Kasabay ng pagsikat ng bukang-liwayway ay nasaksihan nilang lahat ang pagbabalik-anyo ni Nica pagkaraan ng ilang oras. Naririto sila ngayon sa bulwagan ng resort house. Katabi ni Nica ang kaibigang si Khid. Minabuti nilang iturok din sa huli ang laman ng isa pang heringgilya na dala nina Hagen at Helga. Nang tuluyan nang bumalik sa dating anyo ang dalaga ay niyakap ito ni Matthaios. Nanghihina man ay bakas sa mukha ng dalaga ang tuwa lalo na nang malamang ligtas na rin si Khid. “Maraming-maraming salamat, Matthaios, hindi mo ako pinabayaan,” luhaang sabi ng babae habang nakayakap sa kanya. “Puwede ba naman iyon? Ipinangako ko sa iyo na mamahalin at proprotektahan kita, hindi ba?” tugon niya habang sapo ng dalawang palad ang magkabilang pisngi ng dalaga. “We need to go back to Manila as soon as possible, Matthaios. Kinakailangang makakuha ng mas maraming blood plasma sa iyo upang makagawa sina Hagen at Helga ng mas maraming antidote laban
“Garreth…isa ka ring…” Hindi na naituloy ni Matthaios ang sasabihin nang unti-unti nang mag-take off ang chopper na sinasakyan ni Borris. Mabilis siyang sumampa sa gilid ng bangin sa tulong ni Garreth. Halos bumaligtad ang sikmura niya nang makita ang anyo ni Gustav matapos gutay-gutayin ng sumalakay na nocturno ang katawan nito. Tumayo naman ang nocturno na pumatay kay Gustav at ngayon ay nakatingin ito sa kanila na para bang kinikilala sila ni Garreth. Itinutok naman ng huli ang hawak na flame thrower sa halimaw. Napasigaw si Matthaios nang mapansin na isang babae ang nocturno. “Garreth, huwag!” “Bakit?” pasinghal na tanong ni Garreth. “Babae ang nocturno na iyan. May kutob akong siya si Nica.” “Sira-ulo ka ba?’ sikmat ni Garreth. “Paano namang magiging si Nica iyan? Walang lahing halimaw si Nica. Baka ikaw pa, dahil ilang kagat na ng mga nocturno sa iyo ay hindi ka pa rin namamatay.” Minabuti niya na hindi pa
Mabilis na isinuot ni Matthaios ang mga saplot na hinubad kanina saka dali-daling tumalon din sa bintana upang sundan si Nica na tumakbo sa kahuyan. Tutunguhin na sana niya ang direksyon ng dalaga nang makarinig siya ng tinig na nag-uutos. “Droggo, ngayon na!” Nang tingnan niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig ay agad na sumulak ang dugo niya nang makita niya si Borris mula sa veranda ng ikalawang palapag katabi ang Rusong alalay nito. Ang Droggo na tinutukoy naman nito ay nasa harap ng tila isang malaking kulungang bakal. Nang hinila ng lalaki ang isang malaking kadena ay agad na bumukas ang pinto ng hawla kung kaya biglang naglabasan ang sanglaksang nocturno na nakakulong pala roon. Umaatungal ang mga ito sa gutom, kung kaya agad na nilantakan si Droggo na ni hindi na nakuhang tumakbo. Agad naman niyang pinaputukan ang ilang nocturno na nagtangkang dumaluhong sa kanya habang naririnig niya ang mala-demonyong halakhak ni Borris ganoon din ang alala
Ginising si Matthaios ng mga impit na iyak ni Nica. Naidlip pala siya pagkatapos nang marubdob na pagniniig nila ng dalaga. Bumangon siya saka masuyong ipinulupot ang mga braso sa baywang ng babae na nakaupo sa gilid ng kama. Nakabihis na ito at nakapusod na rin ang mahabang buhok. “I’m sorry, Matthaios,” halos pabulong na wika ng dalaga nang yakapin niya ito. Ni hindi ito bumaling upang tingnan siya. “You’re sorry for what?” “For bringing you into this mess. Hindi ka dapat nadadamay sa problema ko at sa problema ng aming bansa,” tugon ni Nica sa pagitan ng mga hikbi. “Damay na ako sa problemang ito bago pa man ako dumating sa bansang ito, Nica. I’ve told you before that I am here for a mission. At iyon ay upang pigilan ang pagkalat ng virus sa lugar na ito at sa buong mundo.” “Ganoon pa man ay gusto ko pa ring humingi sa iyo ng tawad,” pagsusumamo ng dalaga. “Para saan?” “S-sa pakikipa
Napapitlag si Matthaios nang biglang pumasok sa silid niya si Nica. She was wearing black, sexy lingerie. Nakalugay ang basa-basang buhok. Nanuot sa ilong niya ang samyo ng sabong pampaligo na ginamit nito. “Nica?” Napalunok siya habang minamasdan ang kagandahang nasa harapan niya. “Ava. Ava Taylor,” pormal na tugon ng babae. “I want to call you Nica, dahil ikaw pa rin si Nica Masangkay na nakilala ko.” Ngunit parang walang narinig na dahan-dahang humakbang palapit sa kanya ang dalaga. Nakangiti ngunit malungkot ang mga mata. Umupo si Nica sa gilid ng kama na kinahihigaan niya at saka dumukwang sa kanya. Nalanghap niya ang mabangong hininga nito. Agad na nag-init ang pakiramdam niya. “Nica Masangkay is just a lie. Hindi totoong isang mahinhin, simple at inosenteng babae ang naisakay at hinalikan mo sa loob ng kotse mo ilang araw na ang nakakaraan. Ang totoo ay siya si Ava Taylor, ang babaeng tinawag mong puta, ba
Nagpipiglas si Nica nang sinimulan na siyang kaladkarin ng isang matangkad na lalaki habang ang walang malay na si Matthaios naman ay bitbit ng dalawa pang lalaki. Parang mga hayop silang isinalya ng mga ito sa loob ng isang van. Nagsisigaw siya upang humingi ng saklolo. Wala silang kapitbahay pero umaasa siyang may makakarinig sa kaniya kahit papaano. Isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ng isang lalaki sabay tutok ng baril sa kanya. Agad niyang nakilala kung sino ito. Ito ang lalaking kasama ni Borris sa Villa Constancia noong isang araw na pinuntahan niya ang lalaki. Sa takot ay mas pinili niya ang manahimik. Ngayon ay alam na niya kung sino ang nasa likod ng pagdukot sa kanila ni Matthaios. Ang hayop na si Borris Ivanovich. Binaybay ng itim na van ang makipot at matarik na daan upang makarating ng highway. Pagdating nila sa may arko ay nakita niya ang isang itim na suv na nakatigil sa gilid ng kalsada. Dalawang lalaki ang nakatayo sa
Walang buhay na bumagsak ang nocturno sa ibabaw ni Hagen dahil sa mga tama ng baril na tinamo. Pinagtulungan nina Matthaios at Rigor na maalis ito upang makatayo ang doktor. Galit na galit naman na hinarap ni Helga si Major Sorrentino. “Why did you kill him? Why did you kill him? Paano namin malalaman ngayon kung may bisa ang antidote na nilikha namin ni Hagen?” “Pasensiya na, pero mas mahalaga ang buhay ng tao kaysa sa imbensyon mo,” kalmadong tugon ng pulis habang ibinabalik sa holster ang ginamit na baril. “Relax, Helga,” sabat ni Rigor. “May natitira pa namang antidote at napakaraming nocturno ang puwede mong pagpraktisan.” “Bull shit!” gigil na tugon ni Helga. “Akala n’yo naman ay ganoon lang kadali manghuli ng nocturno, ano?” “Sis, ok ka lang?” singit ng di na nakatiis na si Hagen. “Muntik na akong makagat ng halimaw na iyan. Don’t tell me na ayos lang sa iyo na maging nocturno din ako?” Nanggagalaiti
“Ano ba? Nasasaktan ako,” sigaw ni Khid Morales habang kinukuwelyuhan ni Major Sorrentino. Narito silang muli sa apartment ng handler ni Ava Taylor. “Talagang masasaktan ka kapag hindi ka nagsalita,” gigil ni Major Sorrentino. “Ano ba talaga ang kailangan pa ninyo sa akin? Hindi ba’t nanggaling na kayo rito noong isang araw at sinagot ko naman lahat ng itinanong ninyo?” “Puwes, gusto naming sabihin mo lahat ng nalalaman mo tungkol kay Borris Ivanovich at sa naging relasyon nila ni Ava Taylor also known as Nica Masangcay,” sagot ni Rigor na nakatayo lamang sa likuran ni Major Sorrentino. Muling gumuhit ang kirot sa dibdib ni Matthaios nang marinig ang pagkakaroon ng relasyon ni Nica sa ibang lalaki. Ngunit kailangang tiisin niya ang lahat. Higit kailanman ay kailangang mangibabaw ang kanyang trabaho at pagtupad sa misyong iniatang sa kanya. Kung sakali mang kasabwat si Nica ng mga taong gumawa ng virus ay wala siyang magagawa kungdi isa