Share

CHAPTER 4 Nica Masangkay

Author: Marinelli Starr
last update Huling Na-update: 2024-10-29 19:42:56

Naalimpungatan pa si Nica nang dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Ginising siya ng tinig at mahinang pag-alog ni Matthaios sa kanyang balikat.

            “Papasok na tayo ng Tagaytay, Nica,” mahinahong sabi ni Matthaios.

Sukat sa narinig ay napabalikwas siya. Pagdungaw niya ng bintana ay napatunayan niyang totoo ang sinabi ng lalaki. Sa wakas ay muli niyang nasilayan ang malalaking puno ng narra na nakahilera sa magkabilang gilid ng kalsada, ganoon din ang halos dikit-dikit na mga hotel, resort at restaurant at maliliit na kainan tanda ng maunlad na turismo sa lungsod. Ilang buwan din siyang hindi nakauwi sa lugar na ito dahil sa mga modelling projects kung kaya hindi niya maitago ang sayang nararamdaman.

             Ngunit taliwas sa nakasanayan niya na dati ay buhay na buhay ang turismo sa lungsod kahit dis oras ng gabi, ngayon ay sarado na ang lahat ng establishments at wala na ring  tao sa paligid. Wala rin halos bumibiyahe maliban sa ilang private vehicles at mga truck na may lamang pagkain at ilang basic supplies. Ang dating masiglang siyudad ay nagmistula ngayong isang ghost town.

            “Pakitigil ang kotse sa tapat ng arkong iyon,” sabi niya nang matanaw ang maliit na arko na nasa gilid ng kalsada na nagsisilbing entrance papasok sa kanilang baryo.

            “Dito ka nakatira?” tanong ni Matthaios habang dahan-dahang itinatabi ang kotse.

            “Oo. Pero malayo pa ang lalakarin ko mula rito,” sagot niya habang naghahanda sa pagbaba sa kotse.

            “Saan diyan?” may pagdududang tanong muli ni Matthaios. “Arko lang ang nakikita ko at pagkatapos ay parang bangin na. Don’t tell me na may pamayanan diyan?”

            “Dahilig ang tawag sa ganitong anyong-lupa, hindi bangin, ridge in English,” paliwanag niya sa mausisang doktor.  “Mula rito ay maglalakad ako pababa patungo sa baryo namin. Kapag minalas at nadulas ako at gumulong nang tuloy-tuloy,  baka sa Taal lake na ako pupulutin,” himig-pagbibiro niya.

            Sumulyap muli sa arko si Matthaios. Nagliwanag ang mukha nito nang makita ang makikislap na ilaw ng mga bahay at iba pang mga istruktura na nakalatag sa lupaing iyon ng Batangas. Dahil sa mataas nilang kinalalagyan, nakatungo sila ngayon sa lugar na kinalalagyan ng pamosong   Taal lake at Taal volcano na pumutok mahigit dalawang taon na ang nakakaraan.

            Habang nawiwili si Matthaios sa panonood sa magandang tanawin ay sinamantala naman niya iyon upang mabuksan ang kotse at makalabas mula rito. Dali-dali namang  bumaling sa kanya ang lalaki. “It’s nice meeting you, Nica. I hope I can see you again,” madamdamin nitong sabi habang nakatitig sa kanya. Bahagya pa itong nakadukwang sa bintana upang makita siya.

            Iyon ay kung makikita mo pa uli ako, which is impossible, bulong ni Nica sa sarili.  “Salamat nga pala,” sabi niya at iniakmang isasara na ang pinto ng kotse.

“Will we see each other again?” pahabol ni Matthaios habang nangungusap ang mga mata. Halos matunaw naman si Nica sa mga titig nito.

Matapos mo akong nakawan ng halik? No way! bulong niya uli sa sarili. “I don’t think so,” mabilis na tugon niya sabay tulak sa pinto ng kotse upang tapusin na ang pag-uusap nila ng lalaki. Pagkuwa’y mabilis siyang tumawid ng kalsada at pumasok sa arko. Nang marinig na pinatakbo na uli ni Matthaios ang kotse ay saka lang siya tumigil sa paglalakad at lumingon. Hinabol ng mga mata niya ang papalayong sasakyan.

Hindi niya maitatanggi sa sarili na may konting kilig siyang nararamdaman dahil sa halatadong pagka-akit sa kanya ni Matthaios ngunit agad din iyong napapalitan ng pangamba at pagkainis.

Ganyan naman kayong mga lalaki. Pareho-pareho kayo! Nagngingitngit na sabi  niya nang maalala ang mapait na karanasan sa nagdaang relasyon.

            Mabibigat ang mga paang sinimulan na uli niya ang paglalakad. Mahaba-haba at mahirap ang kanyang lalakarin dahil pababa ang daan. At dahil lockdown din ang syudad ng Tagaytay, walang nagbibiyaheng habal-habal o tricycle man lang sa kanilang lugar kung kaya inihanda na niya ang sarili sa matagal-tagal na paglalakad.  Sa isang banda ay may dapat rin siyang ipagpasalamat sa pagpapasakay ni Matthaios sa kaniya. Dahil kung hindi sa kabutihan ng lalaki, imposible talagang makauwi siya ngayon.

            Hindi sinasadya ay mahina niyang nabigkas ang pangalan ng lalaki kasabay nang paglitaw ng guwapong mukha nito sa kanyang utak.

            Matthaios Levidis…

            Will we see each other again? Parang wala sa sariling naulit niya ang itinanong ng lalaki sa kanya kanina.

            At para namang baliw na sinagot niya ang sariling tanong. In my dreams, perhaps…

Habang daan ay hindi pa rin mawala sa isip ni Matthaios ang masungit, mataray ngunit napakagandang babae na nakilala niya kanina lang. Sa tingin niya ay nasa 5’6” ang height nito na binagayan ng balingkinitang katawan. Bagama’t morena ang kulay ng balat, itim ang mahaba at tuwid na buhok at dark brown ang mga mata, halatado pa rin ang foreign features nito. Sayang at hindi niya naitanong kung may foreign blood ba ito.

Inaamin niya sa sarili na hindi lang awa ang naramdaman niya kay Nica nang makita niya itong naglalakad mag-isa sa gitna ng dilim, halataang pagod na pagod na at tila umiiyak pa  kungdi matinding atraksyon at paghanga kung kaya nag-alok siyang isakay ito. Mahabang panahon na rin na hindi siya nakakaramdam ng pagka-akit sa isang babae mula nang makipag-break siya sa dating kasintahan maliban ngayon.

Napailing siya habang gumuguhit ang isang ngiti sa labi.  Kahit yata  ano’ng gawin niya ay para talagang nakadikit na sa utak niya ang napakagandang anyo  ng babaeng iyon. May kakaibang pang-akit para sa kanya ang simple at inosenteng mukha ni Nica. Hindi ito katulad ng ibang babae na nakukulapolan ng mga kolorete ang mukha, nababalutan nang magaganda at mamahaling damit at alahas ang katawan at sa halip ay simpleng t-shirt lang, lumang jeans at rubber shoes ang suot nito kanina, nakapusod  ang medyo kulot na buhok at manipis na pulbos lang ang inilagay sa mukha.

Hindi pa rin tumitigil ang malakas na pagtibok ng kanyang puso na nagsimula kaninang isinakay niya ang babae. Ganoon din ang kaligayahang naramdaman niya habang kausap niya ito.

Kung kaya wala tuloy sa loob na lumabas sa kanyang mga labi ang pangalan nito.

Nica Masangkay…

Ano’ng klaseng gayuma ang taglay ng babaeng ito upang gisingin ang natutulog niyang damdamin at muling pag-alabin ang matagal nang humupang init sa loob ng  katawan niya? Napapikit pa siya habang nilalanghap ang naiwang natural na bango ng babae sa loob ng kotse niya.

I will see her again. I will definitely see her again, matapat na bulong niya sa sarili habang muling gumuguhit ang isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi.

            Pagmulat niya ng mata ay nagulat pa siya nang mapansing papasok na pala siya sa lalawigan ng Batangas, ang lalawigan ng kanyang namayapang  ina.  Sa totoo lang ay ang misyong medikal na ito sa Pilipinas ang matagal na niyang hinihintay na pagkakataon upang makita at makilala ang mga kamag-anak niya sa ina.

            Muli siyang napangiti. Mabuti na lang pala at itinaon niyang sa araw na ito puntahan ang mga kamag-anak, nakilala niya tuloy ang isang babae na tila siyang magiging dahilan upang pagbutihin at madaliin niya ang pagganap sa misyong iniatang sa kanyang mga balikat.

Kaugnay na kabanata

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 5 First Encounter With A Nocturno

    “Ang buong akala namin ay hindi ka na makakauwi dahil sa pinaiiral na lockdown, ate Nica,” tuwang-tuwang sabi ni Jen, pinsang buo ni Nica na siyang tumitingin sa kanyang lolo’t lola kapag wala siya. Hawak nito ang pasalubong niyang make up kit. Bata si Jen o Jenevie ng tatlong taon sa kanya, anak ito ng pinsang buo ng kanyang ina. Katulad niya, ay maganda rin ito bagamat may kakulitan. “Ano ka ba, Jen,” nakangiting wika niya. “Kapag sinabi kong uuwi ako, uuwi talaga ako kahit harangan pa ako ng sibat.” “Sus! Ang sabihin mo, kung hindi ka pinasakay ng guwapong doktor na ikinukuwento mo, siguradong wala ka pa rito sa mga oras na ito,” pang-aasar ni Jen sa kanya. “Kungsabagay…” Lumuwang ang ngiti ni Nica pagkaalala kay Matthaios. “Ikuwento mo pa siya, dali,” pangungulit ng pinsan niya. “Ano ka ba, Jen? Wala na akong ibang masasabi tungkol kay Matthaios maliban sa pagiging guwapo niya kahit ubod siya ng presko.” Of course, w

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 6 The Mystery of Ava Taylor

    Isang galit na galit na Rigor ang nadatnan ni Matthaios sa pinto ng laboratory room ng Research Institute of the Philippines kinaumagahan.“Where have you been? Halos magdamag kang nawala kahit alam mo na kailangang-kailangan ka dito?” pasikmat na tanong ng lalaki sa kanya. “I just visited my relatives here,” kalmadong tugon niya habang pumapasok sa laboratory room. Nilampasan niya ang nakatayong si Rigor. “At inuna mo pa ang pamamasyal kaysa sa trabaho natin dito? Remember, we are running out of time. Konting panahon lang ang ibinigay sa atin ni Directo Levidis upang i-solve ang problema natin sa buwiset na virus na ito,” gigil ni Rigor habang sinusundan siya. Kalmado pa ring hinarap ni Matthaios ang nanggagalaiting lalaki. “I know why you’re upset, Rigor. Hindi mo gusto ang sitwasyon mo ngayon. Sa halip kasi na nasa Athens ka at inaasikaso ang sarili mong kasal ay naririto ka ngayon upang hanapan ng solusyon ang problema ng bansang ito.”

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 7 The Real Ava

    Naaalimpungatang inabot ni Nica ang cell phone na nakapatong sa lamesita sa tabi ng higaan niya. Bahagya siyang nagulat nang makita kung sino ang caller. Si Khid Morales, ang kanyang handler. “Ava? Pasensiya na kung napatawag ako. May problema tayo,” balisang sabi ni Khid sa kabilang linya. Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Nica. Mabilis siyang sumulyap sa orasang nasa dingding. Alas-diyes na pala ng umaga. Tinanghali siya ng gising dahil sa malagim na mga pangyayari kagabi. “Khid, bakit ka tumawag? Hindi ba’t ang usapan natin ay magla-lie low muna ako sa modelling at kung maaari ay wala muna tayong komunikasyon habang hindi pa normal ang lahat?” pupungas-pungas niyang sabi pero nagsisimula nang kumabog ang kanyang dibdib. Alam niyang hindi tatawag sa kanya si Khid ng walang matinding dahilan. “May naghahanap sa iyo, Ava,” kandautal na sagot ni Khid. “May tatlong lalaki na pumunta sa condo ko kanina, pulis ‘yong isa at pilit akong hini

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 8 Garreth Hart

    Walang pagsidlan ang tuwa nina lolo Marcial at lola Henya sa salaping ipinakita ni Nica sa mga ito. “Totoo ba ito? Matutubos na natin ang bahay at lupa natin na nakasangla sa bangko?” bulalas ni lolo Henya habang nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa mga salaping papel na nasa loob ng bag pack. “At makapagsisimula pa tayo nang maliit na negosyo, lola,” masayang tugon niya. “Ipagpapatuloy ko rin ang naudlot kong pag-aaral sa kolehiyo. Alam naman ninyong gustong-gusto kong makatapos ng pag-aaral. Ayoko kasing matulad sa ilang taga-rito sa ating baryo na sinikatan at nilubugan na ng araw sa bukid. Gusto kong kahit papaano ay umasenso sa buhay.” Hindi lingid sa dalawang matanda na mula pagkabata ay pinangarap na niyang yumaman sapagkat ayaw niyang matulad sa kanyang ina na namasukang domestic helper noon sa Great Britain na kalaunan ay naanakan at iniwan ng nakarelasyon nitong anak ng amo. Dulot ng kahihiyan at depresyon, kinitil ng kanyang ina ang

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 9 A Bloody Encounter

    “Dalian n’yo nga ang paglalakad. Aabutin na tayo ng dilim dito sa kahuyan, eh!” sikmat ng nagmamadaling si Marlon. Hindi ito magkandaugaga sa pag-ahon mula sa matarik na lupa habang sinusundan ito nina Nica, Garreth, Jen at Glenda. “Ano ba? Bakit ka ba masyadong nagmamadali?” sigaw ni Jen, bitbit nito ang basket na nilagyan ng mga prutas kanina. Si Garreth naman ang may dala ng mga ginamit na kaldero, plato at mga kubyertos. “Oo nga,” sang-ayon naman ni Glenda, isa rin sa mga kaibigan at kababata ni Nica. “Ikaw nga itong ayaw pang umahon sa tubig kanina kahit panay na ang tawag ko sa iyo,” natatawang dugtong pa nito. Bahagyang tumigil sa paghakbang si Marlon at nakapamaywang na lumingon sa kanila. “Eh, paano naman, ang buong akala ko ay maaga pa. Malay ko ba na mag-aalas sais na pala? Bago tayo makarating sa atin ay malamang madilim na.” “Eh, ano naman kung abutin tayo ng dilim dito?” natatawa ring tanong ni Jen. “Palagi naman tayong

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 10 The Heart Has Spoken

    Nang matiyak na ang kaligtasan ay saka pa lang naihakbang ni Nica ang mga paa sa nakahandusay pa rin na si Garreth. Humahagulhol na niyakap niya ang binata. Saka pa lang dumating ang humahangos na sina Jen at Glenda. Humalo sa kanyang iyak ang sigaw at panaghoy ng dalawang babae nang makita ang bangkay ni Marlon. Nang bahagya siyang kumalma ay saka pa lang lumapit sa kanya si Matthaios at iniabot ang isang kamay upang tulungan siyang makatayo. “Are you alright?” Puno ng pag-aalala ang tinig nito habang inaalalayan siya. Ang binatilyong kasama nito na agad niyang namukhaan ay si Garreth naman ang inalalayan. “Paano ka nakarating dito? I mean, paano mo nalaman ang lugar na ito?” nagtatakang tanong niya kay Matthaios nang makatayo na siya. “Inihatid kita dito sa Tagaytay kagabi, hindi ba?” nakangiting sagot ni Matthaios. “Oo nga. Pero sa highway ako bumaba. Paano mo nalaman ang eksaktong lugar ko?” “May imposible ba kung des

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 11 Nightmare

    “Ang yabang naman ng Griyegong iyon,” himutok ni Garreth nang dalawin ito ni Nica sa bahay kinabukasan. Katabi niya sa upuan si Jen. “Porke nakapatay lang ng isang nocturno, akala niya, bida na siya agad.” Bakas pa sa mukha ng binata ang mga sugat na nilikha ng nocturno na nakalaban nito kagabi. “Sinungitan ko nga sa sobrang inis ko, eh,” sabi niya upang mabawasan kahit papaano ang pagseselos ni Garreth. Katulad ni Matthaios, utang din niya ang buhay sa lalaking kausap kaya sa ngayon ay ayaw niya itong bigyan ng ikasasama ng loob lalo na’t nakamarka pa sa mukha’t katawan nito ang mga bakas ng pagtatanggol sa kanya. “Pero paano kung bumalik dito ang Matthaios na iyon?” may pagdududang tanong ni Jen. “Palibhasa’y medical frontliner kung kaya malaya siyang nakakalabas-pasok ng Maynila at mga karatig-lugar. Nabanggit din ni Edgar na may tinutuluyan daw iyong hotel dito sa Tagaytay.” Si Edgar na tinutukoy ni Jen ay ang binatilyong nagsilbing guide ni Matthaios nong

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 12 Borris Ivanovich

    Nakangising sinisimsim ng Rusong si Borris Ivanovich ang laman ng hawak na kopita habang komportableng nakaupo sa azotea ng malaking bahay na inookupa sa loob ng Villa Constancia, isang mamahaling resort-hotel sa Tagaytay. “Why don’t you just kill that woman?” tanong ng kanyang butler at nagsisilbing kanang-kamay na si Gustav habang sinasalinan ng mamahaling alak ang kanyang kopita. “Rasslabit’sya, Gustav. Darating tayo dyan,” mahinahon niyang tugon habang nilalaro ang laman ng hawak na kopita. “Pero sa ngayon ay kailangan ko pa siya kung kaya nagbago ang plano ko sa kanya.” Dalawang tauhan na natin ang napatay dahil sa kanya,” matabang na sabi ni Gustav. “Dahil parehong hunghang ang dalawang iyon na pinasugod mo sa ilog upang patayin si Ava kasama ng mga kaibigan niya. Actually, tatlo na sila. Ang una ay ang ulol na si Mikhail na pumayag na maging nocturno ng isang gabi kapalit ng malaking bayad upang makalikha ng mga halimaw sa lugar

Pinakabagong kabanata

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   EPILOGUE

    Parga, Northern Greece Nica’s eyes surveyed the charming, picturesque coastal town of Parga, Northern Greece. Kagigising lang niya at mas magandang pagmasdan ang kapaligiran kapag ganitong nagsisimula pa lamang sumikat ang araw. Its absolutely beautiful and was truly picture perfect. Ilang buwan na silang kasal ni Matthaois ay tila ba hindi pa rin maubos-ubos ang mga magagandang lugar na nais pagdalhan sa kanya ng asawa sa bansang ito na tinaguriang cradle of western civilization. Sang-ayon kay Matthaios, ang Northern Greece daw ang dating kinalalagyan ng Odrysian kingdom kabilang na ang ilang bahagi ng mga karatig-lugar nito na northern Bulgaria, southeastern Romania at European Turkey. Mula sa terasa ng inn na inookupa nilang mag-asawa ay buong paghangang sinuyod ng kanyang mga mata ang mga makukulay na bahay na nakatayo sa gilid ng mga burol, ang mahaba at puting sand beaches hanggang sa napakagandang harbour front. Maya-maya’y naramdaman niya

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 23 Sweet Certitude (Final Chapter)

    Kasabay ng pagsikat ng bukang-liwayway ay nasaksihan nilang lahat ang pagbabalik-anyo ni Nica pagkaraan ng ilang oras. Naririto sila ngayon sa bulwagan ng resort house. Katabi ni Nica ang kaibigang si Khid. Minabuti nilang iturok din sa huli ang laman ng isa pang heringgilya na dala nina Hagen at Helga. Nang tuluyan nang bumalik sa dating anyo ang dalaga ay niyakap ito ni Matthaios. Nanghihina man ay bakas sa mukha ng dalaga ang tuwa lalo na nang malamang ligtas na rin si Khid. “Maraming-maraming salamat, Matthaios, hindi mo ako pinabayaan,” luhaang sabi ng babae habang nakayakap sa kanya. “Puwede ba naman iyon? Ipinangako ko sa iyo na mamahalin at proprotektahan kita, hindi ba?” tugon niya habang sapo ng dalawang palad ang magkabilang pisngi ng dalaga. “We need to go back to Manila as soon as possible, Matthaios. Kinakailangang makakuha ng mas maraming blood plasma sa iyo upang makagawa sina Hagen at Helga ng mas maraming antidote laban

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 22 Sweet Revenge

    “Garreth…isa ka ring…” Hindi na naituloy ni Matthaios ang sasabihin nang unti-unti nang mag-take off ang chopper na sinasakyan ni Borris. Mabilis siyang sumampa sa gilid ng bangin sa tulong ni Garreth. Halos bumaligtad ang sikmura niya nang makita ang anyo ni Gustav matapos gutay-gutayin ng sumalakay na nocturno ang katawan nito. Tumayo naman ang nocturno na pumatay kay Gustav at ngayon ay nakatingin ito sa kanila na para bang kinikilala sila ni Garreth. Itinutok naman ng huli ang hawak na flame thrower sa halimaw. Napasigaw si Matthaios nang mapansin na isang babae ang nocturno. “Garreth, huwag!” “Bakit?” pasinghal na tanong ni Garreth. “Babae ang nocturno na iyan. May kutob akong siya si Nica.” “Sira-ulo ka ba?’ sikmat ni Garreth. “Paano namang magiging si Nica iyan? Walang lahing halimaw si Nica. Baka ikaw pa, dahil ilang kagat na ng mga nocturno sa iyo ay hindi ka pa rin namamatay.” Minabuti niya na hindi pa

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 21 The Fifth Descendant

    Mabilis na isinuot ni Matthaios ang mga saplot na hinubad kanina saka dali-daling tumalon din sa bintana upang sundan si Nica na tumakbo sa kahuyan. Tutunguhin na sana niya ang direksyon ng dalaga nang makarinig siya ng tinig na nag-uutos. “Droggo, ngayon na!” Nang tingnan niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig ay agad na sumulak ang dugo niya nang makita niya si Borris mula sa veranda ng ikalawang palapag katabi ang Rusong alalay nito. Ang Droggo na tinutukoy naman nito ay nasa harap ng tila isang malaking kulungang bakal. Nang hinila ng lalaki ang isang malaking kadena ay agad na bumukas ang pinto ng hawla kung kaya biglang naglabasan ang sanglaksang nocturno na nakakulong pala roon. Umaatungal ang mga ito sa gutom, kung kaya agad na nilantakan si Droggo na ni hindi na nakuhang tumakbo. Agad naman niyang pinaputukan ang ilang nocturno na nagtangkang dumaluhong sa kanya habang naririnig niya ang mala-demonyong halakhak ni Borris ganoon din ang alala

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 20 A Hero's Dilemma

    Ginising si Matthaios ng mga impit na iyak ni Nica. Naidlip pala siya pagkatapos nang marubdob na pagniniig nila ng dalaga. Bumangon siya saka masuyong ipinulupot ang mga braso sa baywang ng babae na nakaupo sa gilid ng kama. Nakabihis na ito at nakapusod na rin ang mahabang buhok. “I’m sorry, Matthaios,” halos pabulong na wika ng dalaga nang yakapin niya ito. Ni hindi ito bumaling upang tingnan siya. “You’re sorry for what?” “For bringing you into this mess. Hindi ka dapat nadadamay sa problema ko at sa problema ng aming bansa,” tugon ni Nica sa pagitan ng mga hikbi. “Damay na ako sa problemang ito bago pa man ako dumating sa bansang ito, Nica. I’ve told you before that I am here for a mission. At iyon ay upang pigilan ang pagkalat ng virus sa lugar na ito at sa buong mundo.” “Ganoon pa man ay gusto ko pa ring humingi sa iyo ng tawad,” pagsusumamo ng dalaga. “Para saan?” “S-sa pakikipa

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 19 Bewitched

    Napapitlag si Matthaios nang biglang pumasok sa silid niya si Nica. She was wearing black, sexy lingerie. Nakalugay ang basa-basang buhok. Nanuot sa ilong niya ang samyo ng sabong pampaligo na ginamit nito. “Nica?” Napalunok siya habang minamasdan ang kagandahang nasa harapan niya. “Ava. Ava Taylor,” pormal na tugon ng babae. “I want to call you Nica, dahil ikaw pa rin si Nica Masangkay na nakilala ko.” Ngunit parang walang narinig na dahan-dahang humakbang palapit sa kanya ang dalaga. Nakangiti ngunit malungkot ang mga mata. Umupo si Nica sa gilid ng kama na kinahihigaan niya at saka dumukwang sa kanya. Nalanghap niya ang mabangong hininga nito. Agad na nag-init ang pakiramdam niya. “Nica Masangkay is just a lie. Hindi totoong isang mahinhin, simple at inosenteng babae ang naisakay at hinalikan mo sa loob ng kotse mo ilang araw na ang nakakaraan. Ang totoo ay siya si Ava Taylor, ang babaeng tinawag mong puta, ba

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 18 Revelation

    Nagpipiglas si Nica nang sinimulan na siyang kaladkarin ng isang matangkad na lalaki habang ang walang malay na si Matthaios naman ay bitbit ng dalawa pang lalaki. Parang mga hayop silang isinalya ng mga ito sa loob ng isang van. Nagsisigaw siya upang humingi ng saklolo. Wala silang kapitbahay pero umaasa siyang may makakarinig sa kaniya kahit papaano. Isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ng isang lalaki sabay tutok ng baril sa kanya. Agad niyang nakilala kung sino ito. Ito ang lalaking kasama ni Borris sa Villa Constancia noong isang araw na pinuntahan niya ang lalaki. Sa takot ay mas pinili niya ang manahimik. Ngayon ay alam na niya kung sino ang nasa likod ng pagdukot sa kanila ni Matthaios. Ang hayop na si Borris Ivanovich. Binaybay ng itim na van ang makipot at matarik na daan upang makarating ng highway. Pagdating nila sa may arko ay nakita niya ang isang itim na suv na nakatigil sa gilid ng kalsada. Dalawang lalaki ang nakatayo sa

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 17 The Confrontation

    Walang buhay na bumagsak ang nocturno sa ibabaw ni Hagen dahil sa mga tama ng baril na tinamo. Pinagtulungan nina Matthaios at Rigor na maalis ito upang makatayo ang doktor. Galit na galit naman na hinarap ni Helga si Major Sorrentino. “Why did you kill him? Why did you kill him? Paano namin malalaman ngayon kung may bisa ang antidote na nilikha namin ni Hagen?” “Pasensiya na, pero mas mahalaga ang buhay ng tao kaysa sa imbensyon mo,” kalmadong tugon ng pulis habang ibinabalik sa holster ang ginamit na baril. “Relax, Helga,” sabat ni Rigor. “May natitira pa namang antidote at napakaraming nocturno ang puwede mong pagpraktisan.” “Bull shit!” gigil na tugon ni Helga. “Akala n’yo naman ay ganoon lang kadali manghuli ng nocturno, ano?” “Sis, ok ka lang?” singit ng di na nakatiis na si Hagen. “Muntik na akong makagat ng halimaw na iyan. Don’t tell me na ayos lang sa iyo na maging nocturno din ako?” Nanggagalaiti

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 16 A Glimpse of Hope

    “Ano ba? Nasasaktan ako,” sigaw ni Khid Morales habang kinukuwelyuhan ni Major Sorrentino. Narito silang muli sa apartment ng handler ni Ava Taylor. “Talagang masasaktan ka kapag hindi ka nagsalita,” gigil ni Major Sorrentino. “Ano ba talaga ang kailangan pa ninyo sa akin? Hindi ba’t nanggaling na kayo rito noong isang araw at sinagot ko naman lahat ng itinanong ninyo?” “Puwes, gusto naming sabihin mo lahat ng nalalaman mo tungkol kay Borris Ivanovich at sa naging relasyon nila ni Ava Taylor also known as Nica Masangcay,” sagot ni Rigor na nakatayo lamang sa likuran ni Major Sorrentino. Muling gumuhit ang kirot sa dibdib ni Matthaios nang marinig ang pagkakaroon ng relasyon ni Nica sa ibang lalaki. Ngunit kailangang tiisin niya ang lahat. Higit kailanman ay kailangang mangibabaw ang kanyang trabaho at pagtupad sa misyong iniatang sa kanya. Kung sakali mang kasabwat si Nica ng mga taong gumawa ng virus ay wala siyang magagawa kungdi isa

DMCA.com Protection Status