Share

CHAPTER 3 Midnight Encounter

last update Last Updated: 2021-08-21 20:00:40

Pasado alas-onse na ng gabi ngunit patuloy pa rin si Nica sa paglalakad sa kahabaan ng General Emilio Aguinaldo Highway sa Cavite sa pagbabakasakaling may pampasaherong bus pa siyang masakyan bago abutan ng total lockdown pagsapit ng hatinggabi. Hindi niya alintana ang matinding hirap at pagod dahil sa kagustuhang makauwi sa kaniyang nayon sa Tagaytay City.

Ang alam niya ay nasa state of community quarantine lamang ang Maynila at mga karatig-lugar dahil sa isang deadly virus na kumakalat. Ngunit biglang may kumalat na balita na  mamayang alas-dose raw ng hatinggabi ay idedeklara  na rin ng pangulo ng Pilipinas ang  total lockdown    kung kaya tanghali pa lang ay ipinagbawal na sa mga pampasaherong sasakyan na maglabas-pasok  hindi lamang sa Maynila kungdi maging sa buong Calabarzon. Ang sabi ng mga pulis na nasa check point ay aarestuhin na ang mga  taong  mahuhuli pa ring naglalakad sa kalsada  pagsapit ng alas dose ng hatinggabi kung kaya umaasa siyang may mabuting pusong magpapasakay sa kanya.

            Bahagya siyang huminto upang pahirin ang pawis sa noo at mga pisngi. Kanina pa siya  nanlalagkit sa pawis at alikabok na dulot ng ilang oras na paglalakad mula sa Baclaran.  Unti-unti na rin siyang nakakaramdam ng gutom at uhaw. Kung bakit naman wala siyang makitang bukas na grocery o sari-sari store upang makabili ng pagkain dahil kanina pa naubos ang baon niyang biscuit at tubig.

            Napailing na lang siya sa inis. Kung hindi siya nagkasakit ng halos dalawang linggo, baka nakauwi na siya sa Tagaytay bago siya inabutan ng community quarantine sa Maynila. Hindi naman niya puwedeng ipagpaliban ang pag-uwi ngayon dahil inaasahan ng kanyang lolo at lola ang  kanyang pagdating lalo na at kailangang-kailangan ng mga ito ang salaping dala niya.

            Sukat sa naalala ay mabilis na niyakap niya ang bag pack na nakasukbit sa harapan niya. Bahagya siyang napangiti nang masigurong nasa loob ng bag na iyon ang malaking halaga ng salapi na ipangtutubos ng kanyang lolo’t lola sa lupang nakasangla sa bangko. Salapi na halos naging katumbas ng buhay niya at buong pagkatao.

            “Enough, Nica Masangkay,” saway niya sa sarili nang mag-umpisa na naman siyang mag-self pity. “Nakuha mo na ang gusto mo, hindi ba? Maraming pera. Gamit ang perang ito ay mababawi mo na ang lupa ninyo, maipapaayos mo ang bahay ng iyong lolo at lola  at maipagpapatuloy mo na ang iyong  pag-aaral. At kapag nakatapos ka na sa  kolehiyo, mababago na kahit papaano ang buhay mo at ang buhay ng mga taong  mahal mo.  At kapag nangyari iyon, malilimutan mo na ang lahat nang masasakit mong karanasan dito sa Maynila, kabilang na ang kasawiang dinanas mo sa mga kamay ni Borris Ivanovich.”

            Nanlabo ang kanyang mga mata pagkaalala sa dating nobyo, ang Russian Spanish na nakilala niya sa isang dating site sa internet ilang buwan ang nakalilipas. Nakipagkaibigan ito at kalaunan ay nanligaw. Mahusay ang lalaki  sa pambobola, romantiko at guwapo rin naman, bukod pa sa pagpapakilala nito sa kanya bilang isang matagumpay na businessman sa sariling bansa.

            Nang maging magkasintahan sila ay agad itong pumunta sa Pilipinas upang magkita sila. Noong una ay nagpakita ito ng pagiging mabait at maalalahanin  kung kaya ang buong akala niya ay si Borris na ang kasagutan sa kanyang mga panalangin, at iyon ay isang lalaking mag-aahon sa kanya mula sa kahirapan. Ngunit mabilis na naglaho ang lahat ng kanyang mga pangarap nang iutos nito sa kanya ang isang bagay na ni sa panaginip ay hindi niya naisip gawin ngunit kinailangan niyang mamili. Sa isang iglap ay niyakap niya ang kahalayan kapalit ng sariling buhay at malaking halaga ng salapi.

            Limang milyon! Limang milyong piso  kapalit ng kanyang dangal at pagkababae!

            Humalo sa kanyang pawis ang mga luhang pumatak mula sa kanyang mga mata. Marahas niyang pinahid iyon ng likod ng kamay.  Kahit yata ilang beses niyang sabihin sa sarili na hindi na siya iiyak ay hindi pa rin maiiwasan ang pagtulo ng mga luha niya dahil sa matinding galit at habag  sa sarili lalo na ngayong naglalakad siyang mag-isa  sa kahabaan ng highway sa dis-oras ng gabi at walang kasiguruhan kung makakauwi pa siya. Idagdag pa ang gutom at uhaw at pananakit ng buong katawan dahil sa ilang oras na paglalakad. Panaka-naka ring napapahinto siya sa paghakbang dahil sa panghihina ng mga paa’t binti. Ilang beses rin niyang nasapo ang noo dahil sa bahagyang pagkahilo.

            Eksakto namang tumigil ang isang  puting Toyota vios sa tapat niya. Dahan-dahang bumaba ang bintana sa tabi ng driver’s seat at sa tama ng liwanag na naggagaling sa ilaw ng mga poste ay nabanaagan niya ang pagsungaw ng isang napakaguwapong lalaki. Dali-dali niyang inayos ang sarili upang hindi mapansin ng estranghero ang pag-iyak niya. Sa anyo pa lang ay sigurado si Nica na hindi purong pinoy ang kaharap niya. Nagulat pa siya  nang magsalita ito gamit ang wikang Tagalog.

“Sakay na, miss,” nakangiting sabi ng lalaki. Titig na titig sa kanya ang magaganda nitong mga mata.

Nica blinked her eyes several times. Suddenly, she couldn’t  open her mouth to speak. Para siyang nabato-balani sa mala-bathalang anyo ng lalaking kaharap. Saglit na nalimutan niya ang nararamdamang sakit ng katawan at kalooban.

“Miss…” natatawang sabi ng lalaki. Mukhang nahalata nito ang pagkataranta niya.

“E-excuse me?” Finally, Nica was able to say a word with her  eyes were staring at the gorgeous face of the stranger. Malalim ang mga mata nito, matangos ang ilong at maninipis ang mga labi. Kahit malabo ang ilaw ay napansin pa rin niya ang stubble nito na maayos na nakalatag sa magkabilang ibabang pisngi kung kaya lalong naging kaaya-aya ang hubog ng mga panga. Lalaking-lalaki, sa loob-loob niya.

Muling ngumiti ang estranghero dahilan upang lalong lumitaw ang pantay-pantay at mapuputi nitong mga ngipin. “I said, you can hop in, if you don’t mind.”

Saka lang parang muling natauhan si Nica. Kahit natataranta ay nagawa pa rin niyang magkunwari na  hindi siya apektado sa kaguwapuhan ng lalaking kaharap. “Ahm, thank you pero hindi na kailangan dahil malapit na ako sa pupuntahan ko,” pagsisinungaling niya.

“Hmmm,” marahang hinagpos ng lalaki ng isang kamay ang sariling baba. Muling natuon tuloy ang pansin ni Nica sa stubble nito. Panibagong kilig na naman ang gumapang sa buong katawan niya. “Parang hindi naman, miss. Wala akong nakikitang kabahayan sa parteng ito. At isa pa ay alam kong pagod ka na dahil kanina ka pa naglalakad.”

“How did you know? Sinusundan mo ba ako?” medyo napataas ang tono na tanong niya.

“Of course not!” Bahagyang humalakhak ang lalaki. “Pero sa bagal ng mga sasakyan dahil sa sunod-sunod na check point, hindi maiiwasan na mapansin ka dahil mag-isa ka lang naglalakad dito.”

“Okay, fine,” sabi niya sabay hakbang upang tapusin na ang pakikipag-usap sa preskong estranghero. Bagamat natutukso na siyang tanggapin ang iniaalok nito ay nanaig ang kanyang takot na baka mapahamak na naman siya dahil sa padalus-dalos na pagdedesisyon. Ngunit sa halip na iwan siya ay mabagal  na pinatakbo ng lalaki ang kotse upang masundan siya.

“Huwag ka nang mahiya, miss. Dahil sa susunod na check point ay baka hindi ka na palampasin dahil eksaktong alas-dose na.” Sadya pang itinaas ng lalaki ang kaliwang braso upang ipakita ang suot na relo.”   Total lockdown na sa lugar na ito which means mas mahigpit na ang pagbabantay ng kapulisan. You can be arrested if you cannot show any proof that you are a frontliner,” halos pasigaw na sabi nito upang marinig niya.

“Ganoon din ang mangyayari sa iyo,” pasigaw din na sabi niya. “as if naman frontliner ka sa bansang ito?”

“I am a health worker, miss. Maluwag sila sa mga katulad ko,” tugon ng lalaki.

Saglit na napatigil sa paglalakad si Nica nang makita ang mga pulis sa susunod na check point. Masusing tinitingnan ng mga ito  ang mga papeles o ID na ipinapakita ng mga drivers ng mga sasakyan na dumadaan. Kung kaya sa takot na arestuhin siya ay dali-dali na siyang sumakay sa kotse ng lalaki.

“Good! Masunurin ka naman pala,” nangingiting wika ng estanghero nang makaupo na siya sa tabi nito.

Biglang sinalakay ng matinding kaba si Nica nang makita ang kabuuan ng lalaki. Mas malaki ang built nito kumpara sa iniisip niya kanina. Sa tantiya niya ay mahigit anim na talampakan ang tangkad ng kanyang katabi.  Idagdag pa ang malapad na mga balikat, matipunong mga bisig at malaman na dibdib na bakat na bakat sa cotton black shirt na tinernuhan ng khaki na cargo short. Bigla tuloy siyang nag-alala na baka maulit ang naging karanasan niya kay Borris kung kaya nagbalak siyang bumaba na lang ng kotse.

“What are you doing?” medyo gulat na tanong ng lalaki nang mapansing sinusubukan niyang buksan ang pinto sa tabi niya.

“I-I’m sorry…I changed my mind. M-maglalakad na lang uli ako…” paputol-putol na sabi niya.

“Ow, c’mmon!” Sinundan iyon ng lalaki ng mahinang tawa. “Kapag ginawa mo iyan, baka wala ng magmagandang-loob sa iyo na katulad ko. Ikaw din, mahirap makasuhan for violation of lockdown protocols. At saka halata namang pagod na pagod ka na.” Pagkasabi noon ay mabagal na nitong pinaandar ang kotse.

“Health worker ka nga bang talaga?” may pagdududang tanong ni Nica nang maramdamang umuusad na ang kanilang sinasakyan. Kumakabog pa rin ang dibdb niya dahil sa kaba.

“Bakit hindi mo basahin ang ID card ko?” Pagkasabi noon ay ininguso ng lalaki ang identification card na nakasabit sa interior mirror ng kotse.

Dali-daling hinagilap ni Nica ang ID card at mabilis na pinasadahan ng mga mata ang mga detalyeng nakasulat sa maliit na papel. Maya-maya pa’y nagtatakang napatingin siya sa katabi na noon ay tahimik na nagmamaneho.

“Dr. Matthaios Levidis? Doktor ka nga. At isa kang…Greek?”

“Greek-Filipino to be exact,” medyo nakangiting sagot nito habang hindi inaalis ang mga mata sa kalsada.

Muling binasa ni Nica ang iba pang detalye sa ID card. “Athens Insitute of Virology.” So, hindi ka sa Pilipinas nagpa-praktis ng propesyon mo. Ano’ng ginagawa mo rito? I mean…bakit ka naririto? To think na napakadelikado ngayon sa bansa namin.”

“Iyan ang dahilan kung bakit ako naririto, miss---eherm…how shall I call you?”

“Nica. Nica Masangkay,” walang gatol na tugon niya. Muntik na siyang mabilaukan nang maisip na mukhang ang bilis niyang ibinigay ang kanyang pangalan.

“Nice meeting you, Nica. I am Dr. Matthaios Levidis.” Pagkasabi noon ay inilahad ng lalaki ang kanang palad sa kanya tanda ng pakikipagkamay. Bantulot na iniabot niya ang sariling kamay dito at nagulat pa siya nang marahang pinisil iyon ni Matthaios saka dahan-dahang dinala sa sariling mga labi habang titig na titig sa kanya. “I think I saw you before. Hindi ko lang maalala kung kailan at saan, pero sigurado akong nakita na kita.”

Bigla siyang napalunok nang sunod-sunod. Maaaring tama si Matthaios na nakita na nga siya nito, sa magazine, sa tv, sa social media  o sa runway. Pero mabilis ang utos ng utak niya na hindi niya kailangang i-confirm ito sa binata. Hindi ba’t buo na sa isip niya na iiwan at kalilimutan na niya ang isang bahaging iyon ng kanyang pagkatao? Kaya nga uuwi na siya sa kanyang probinsya upang simulan ang isang bagong buhay na malayung-malayo sa dating siya.

“A-ang kamay ko.” Sa wakas ay nakaisip siya ng dahilan upang hindi sagutin ang lalaki.

Dahan-dahan namang binitiwan ni Matthaios ang kanyang kamay saka muling itinuon ang mga mata sa kalsada. Eksakto namang sumesenyas ang isang uniformed personnel para patigilin sila.

“Any document, sir?” magalang na approach ng pulis kay Matthaios matapos ibaba ng lalaki ang salamin sa tabi ng driver’s seat. Tahimik namang iniabot ni Matthaios ang ID card na kanina lang ay hawak niya. Matapos sulyapan ng pulis ang ID ay mabilis itong sumulyap kay Nica. “Are you also a frontliner, miss? Can I see your ID?”

“Ha? Ah,eh…” Wala siyang maapuhap na sasabihin. Of course, meron siyang ID pero hindi naman siya frontliner. Ramdam niya ang kabog ng dibdib niya dahil sa nerbiyos.

“Miss, dumarami na po ang mga sasakyan sa likod ninyo,” tila inip na sabi ng pulis nang hindi pa rin siya kumikilos.

“S-sandali lang,” nangangatal na sabi niya. “Nandito lang iyon, eh. Alam ko nandito lang iyon…” Nagkunwari siyang may kung ano’ng hinahanap sa kanyang bag pack.

“I guess she doesn’t need to show her ID,” sumingit na ang hindi nakatiis na si Matthaios. “She is my wife and she’s pregnant. I have to bring her to the province for safety.”

“Any document to prove that she is your wife, sir?” may pag-aalinlangang tanong ng pulis.

Ibinaling ni Matthaios ang tingin sa kanya ngunit nagkunwari pa rin siyang abala  sa paghahanap sa ID niya. “Babe…” narinig niyang sabi ng lalaki sabay patong ng kamay sa kanyang balikat. Sa gulat ay napatunghay siya ngunit lalo siyang nabigla nang makitang malapit na malapit na ang mukha ni Matthaios sa kanya. At bago pa siya nakakilos ay siniil na siya nito ng halik sa mga labi. Magwawala sana siya ngunit tinupok ng init ng hininga ng lalaki ang tapang niya hanggang hindi niya namamalayan ay tinutugon na pala niya ang mga halik nito.

She even closed her eyes to savor their intimacy. His kiss was very sweet, hot and compelling. Kung ganito kasarap ang halik ng estrangherong ito, papayag na siyang halikan nito habambuhay kahit hindi niya ito lubusang kilala.

Hindi niya alam kung gaano sila katagal ni Matthaios nagpalitan ng mga halik hanggang katokin ng natatawang pulis ang bubong ng kotse sabay sabing puwede na silang lumampas. Saka pa lang siya binitawan ni Matthaios upang patakbuhin muli ang kotse.

“Bakit mo ginawa iyon?” galit na tanong niya matapos itulak sa dibdib ang lalaki.

“Ang alin?” natatawang balik-tanong ni Matthaios.

“Bakit mo ako hinalikan?” gigil na tanong niya uli habang unti-unti siyang natutunaw sa kahihiyan. Alam niyang hindi maikakaila na tinugon niya ang mga halik ng lalaki.

“Kung hindi ko ginawa iyon, malamang pinababa ka noong pulis at siguradong shoot ka sa kulungan ngayon.”

“So what? Ano namang pakialam mo? Umepal ka lang dahil may masama kang motibo.”

“My only motive was to help you. Huwag mong bigyan ng kulay ang pagtulong ko sa kapwa.” Medyo mataas na ang tono ng boses ni Matthaios nang magsalita.

“Ang sabihin mo, mapagsamantala ka. Akala mo ba, magagawa mo sa bansang ito lahat ng gusto mong gawin kasama na ang pananamantala?” sigaw niya habang hinahampas ng mga kamay ang braso ng lalaki.

“Shut up, Miss Nica Masangkay.” Lalong tumaas ang tono ng boses ni Matthaios. “Puwede ka namang bumaba na kung gusto mo,” banta nito.

Natigilan si Nica. Mabilis na tiningnan niya ang kanilang dinadaanan. Walang mga tao, bahay o gusali sa paligid at sa halip ay mga puno at damo ang nakikita niya. Nayakap niya ang sarili nang maisip na ang lugar na ito ay kilala sa maraming hold up at rape cases na naganap. Gustuhin man niyang bumaba ay mas dinaig siya ng takot dahil sa mga nababalitang nangyayari sa bahaging iyon idagdag pa ang mga gumagalang nocturno kapag gabi kung kaya padabog na sumandal na lang siya sa upuan, marahas na hinila ang seat belt at tahimik na ini-lock iyon.

“Good girl,” nangingiting sabi ni Matthaios.

Inirapan lang niya si Matthaios saka ibinaling ang mga mata sa bintana. Ipinasya niyang huwag na lang kausapin ang lalaki sa buong biyahe. Kikibuin lang niya ito kapag malapit na siyang bumaba.

Sa kabutihang-palad ay hindi na rin kumibo pa si Matthaios at itinuon na lamang ang atensyon sa pagmamaneho.

Related chapters

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 4 Nica Masangkay

    Naalimpungatan pa si Nica nang dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Ginising siya ng tinig at mahinang pag-alog ni Matthaios sa kanyang balikat. “Papasok na tayo ng Tagaytay, Nica,” mahinahong sabi ni Matthaios. Sukat sa narinig ay napabalikwas siya. Pagdungaw niya ng bintana ay napatunayan niyang totoo ang sinabi ng lalaki. Sa wakas ay muli niyang nasilayan ang malalaking puno ng narra na nakahilera sa magkabilang gilid ng kalsada, ganoon din ang halos dikit-dikit na mga hotel, resort at restaurant at maliliit na kainan tanda ng maunlad na turismo sa lungsod. Ilang buwan din siyang hindi nakauwi sa lugar na ito dahil sa mga modelling projects kung kaya hindi niya maitago ang sayang nararamdaman. Ngunit taliwas sa nakasanayan niya na dati ay buhay na buhay ang turismo sa lungsod kahit dis oras ng gabi, ngayon ay sarado na ang lahat ng establishments at wala na ring tao sa paligid. Wala rin halos bumibiyahe maliban sa ilang private vehicles at mga tru

    Last Updated : 2021-08-25
  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 5 First Encounter With A Nocturno

    “Ang buong akala namin ay hindi ka na makakauwi dahil sa pinaiiral na lockdown, ate Nica,” tuwang-tuwang sabi ni Jen, pinsang buo ni Nica na siyang tumitingin sa kanyang lolo’t lola kapag wala siya. Hawak nito ang pasalubong niyang make up kit. Bata si Jen o Jenevie ng tatlong taon sa kanya, anak ito ng pinsang buo ng kanyang ina. Katulad niya, ay maganda rin ito bagamat may kakulitan. “Ano ka ba, Jen,” nakangiting wika niya. “Kapag sinabi kong uuwi ako, uuwi talaga ako kahit harangan pa ako ng sibat.” “Sus! Ang sabihin mo, kung hindi ka pinasakay ng guwapong doktor na ikinukuwento mo, siguradong wala ka pa rito sa mga oras na ito,” pang-aasar ni Jen sa kanya. “Kungsabagay…” Lumuwang ang ngiti ni Nica pagkaalala kay Matthaios. “Ikuwento mo pa siya, dali,” pangungulit ng pinsan niya. “Ano ka ba, Jen? Wala na akong ibang masasabi tungkol kay Matthaios maliban sa pagiging guwapo niya kahit ubod siya ng presko.” Of course, w

    Last Updated : 2021-08-25
  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 6 The Mystery of Ava Taylor

    Isang galit na galit na Rigor ang nadatnan ni Matthaios sa pinto ng laboratory room ng Research Institute of the Philippines kinaumagahan.“Where have you been? Halos magdamag kang nawala kahit alam mo na kailangang-kailangan ka dito?” pasikmat na tanong ng lalaki sa kanya. “I just visited my relatives here,” kalmadong tugon niya habang pumapasok sa laboratory room. Nilampasan niya ang nakatayong si Rigor. “At inuna mo pa ang pamamasyal kaysa sa trabaho natin dito? Remember, we are running out of time. Konting panahon lang ang ibinigay sa atin ni Directo Levidis upang i-solve ang problema natin sa buwiset na virus na ito,” gigil ni Rigor habang sinusundan siya. Kalmado pa ring hinarap ni Matthaios ang nanggagalaiting lalaki. “I know why you’re upset, Rigor. Hindi mo gusto ang sitwasyon mo ngayon. Sa halip kasi na nasa Athens ka at inaasikaso ang sarili mong kasal ay naririto ka ngayon upang hanapan ng solusyon ang problema ng bansang ito.”

    Last Updated : 2022-05-19
  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 7 The Real Ava

    Naaalimpungatang inabot ni Nica ang cell phone na nakapatong sa lamesita sa tabi ng higaan niya. Bahagya siyang nagulat nang makita kung sino ang caller. Si Khid Morales, ang kanyang handler. “Ava? Pasensiya na kung napatawag ako. May problema tayo,” balisang sabi ni Khid sa kabilang linya. Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Nica. Mabilis siyang sumulyap sa orasang nasa dingding. Alas-diyes na pala ng umaga. Tinanghali siya ng gising dahil sa malagim na mga pangyayari kagabi. “Khid, bakit ka tumawag? Hindi ba’t ang usapan natin ay magla-lie low muna ako sa modelling at kung maaari ay wala muna tayong komunikasyon habang hindi pa normal ang lahat?” pupungas-pungas niyang sabi pero nagsisimula nang kumabog ang kanyang dibdib. Alam niyang hindi tatawag sa kanya si Khid ng walang matinding dahilan. “May naghahanap sa iyo, Ava,” kandautal na sagot ni Khid. “May tatlong lalaki na pumunta sa condo ko kanina, pulis ‘yong isa at pilit akong hini

    Last Updated : 2022-05-19
  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 8 Garreth Hart

    Walang pagsidlan ang tuwa nina lolo Marcial at lola Henya sa salaping ipinakita ni Nica sa mga ito. “Totoo ba ito? Matutubos na natin ang bahay at lupa natin na nakasangla sa bangko?” bulalas ni lolo Henya habang nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa mga salaping papel na nasa loob ng bag pack. “At makapagsisimula pa tayo nang maliit na negosyo, lola,” masayang tugon niya. “Ipagpapatuloy ko rin ang naudlot kong pag-aaral sa kolehiyo. Alam naman ninyong gustong-gusto kong makatapos ng pag-aaral. Ayoko kasing matulad sa ilang taga-rito sa ating baryo na sinikatan at nilubugan na ng araw sa bukid. Gusto kong kahit papaano ay umasenso sa buhay.” Hindi lingid sa dalawang matanda na mula pagkabata ay pinangarap na niyang yumaman sapagkat ayaw niyang matulad sa kanyang ina na namasukang domestic helper noon sa Great Britain na kalaunan ay naanakan at iniwan ng nakarelasyon nitong anak ng amo. Dulot ng kahihiyan at depresyon, kinitil ng kanyang ina ang

    Last Updated : 2022-05-19
  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 9 A Bloody Encounter

    “Dalian n’yo nga ang paglalakad. Aabutin na tayo ng dilim dito sa kahuyan, eh!” sikmat ng nagmamadaling si Marlon. Hindi ito magkandaugaga sa pag-ahon mula sa matarik na lupa habang sinusundan ito nina Nica, Garreth, Jen at Glenda. “Ano ba? Bakit ka ba masyadong nagmamadali?” sigaw ni Jen, bitbit nito ang basket na nilagyan ng mga prutas kanina. Si Garreth naman ang may dala ng mga ginamit na kaldero, plato at mga kubyertos. “Oo nga,” sang-ayon naman ni Glenda, isa rin sa mga kaibigan at kababata ni Nica. “Ikaw nga itong ayaw pang umahon sa tubig kanina kahit panay na ang tawag ko sa iyo,” natatawang dugtong pa nito. Bahagyang tumigil sa paghakbang si Marlon at nakapamaywang na lumingon sa kanila. “Eh, paano naman, ang buong akala ko ay maaga pa. Malay ko ba na mag-aalas sais na pala? Bago tayo makarating sa atin ay malamang madilim na.” “Eh, ano naman kung abutin tayo ng dilim dito?” natatawa ring tanong ni Jen. “Palagi naman tayong

    Last Updated : 2022-05-19
  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 10 The Heart Has Spoken

    Nang matiyak na ang kaligtasan ay saka pa lang naihakbang ni Nica ang mga paa sa nakahandusay pa rin na si Garreth. Humahagulhol na niyakap niya ang binata. Saka pa lang dumating ang humahangos na sina Jen at Glenda. Humalo sa kanyang iyak ang sigaw at panaghoy ng dalawang babae nang makita ang bangkay ni Marlon. Nang bahagya siyang kumalma ay saka pa lang lumapit sa kanya si Matthaios at iniabot ang isang kamay upang tulungan siyang makatayo. “Are you alright?” Puno ng pag-aalala ang tinig nito habang inaalalayan siya. Ang binatilyong kasama nito na agad niyang namukhaan ay si Garreth naman ang inalalayan. “Paano ka nakarating dito? I mean, paano mo nalaman ang lugar na ito?” nagtatakang tanong niya kay Matthaios nang makatayo na siya. “Inihatid kita dito sa Tagaytay kagabi, hindi ba?” nakangiting sagot ni Matthaios. “Oo nga. Pero sa highway ako bumaba. Paano mo nalaman ang eksaktong lugar ko?” “May imposible ba kung des

    Last Updated : 2022-05-19
  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 11 Nightmare

    “Ang yabang naman ng Griyegong iyon,” himutok ni Garreth nang dalawin ito ni Nica sa bahay kinabukasan. Katabi niya sa upuan si Jen. “Porke nakapatay lang ng isang nocturno, akala niya, bida na siya agad.” Bakas pa sa mukha ng binata ang mga sugat na nilikha ng nocturno na nakalaban nito kagabi. “Sinungitan ko nga sa sobrang inis ko, eh,” sabi niya upang mabawasan kahit papaano ang pagseselos ni Garreth. Katulad ni Matthaios, utang din niya ang buhay sa lalaking kausap kaya sa ngayon ay ayaw niya itong bigyan ng ikasasama ng loob lalo na’t nakamarka pa sa mukha’t katawan nito ang mga bakas ng pagtatanggol sa kanya. “Pero paano kung bumalik dito ang Matthaios na iyon?” may pagdududang tanong ni Jen. “Palibhasa’y medical frontliner kung kaya malaya siyang nakakalabas-pasok ng Maynila at mga karatig-lugar. Nabanggit din ni Edgar na may tinutuluyan daw iyong hotel dito sa Tagaytay.” Si Edgar na tinutukoy ni Jen ay ang binatilyong nagsilbing guide ni Matthaios nong

    Last Updated : 2022-05-30

Latest chapter

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   EPILOGUE

    Parga, Northern Greece Nica’s eyes surveyed the charming, picturesque coastal town of Parga, Northern Greece. Kagigising lang niya at mas magandang pagmasdan ang kapaligiran kapag ganitong nagsisimula pa lamang sumikat ang araw. Its absolutely beautiful and was truly picture perfect. Ilang buwan na silang kasal ni Matthaois ay tila ba hindi pa rin maubos-ubos ang mga magagandang lugar na nais pagdalhan sa kanya ng asawa sa bansang ito na tinaguriang cradle of western civilization. Sang-ayon kay Matthaios, ang Northern Greece daw ang dating kinalalagyan ng Odrysian kingdom kabilang na ang ilang bahagi ng mga karatig-lugar nito na northern Bulgaria, southeastern Romania at European Turkey. Mula sa terasa ng inn na inookupa nilang mag-asawa ay buong paghangang sinuyod ng kanyang mga mata ang mga makukulay na bahay na nakatayo sa gilid ng mga burol, ang mahaba at puting sand beaches hanggang sa napakagandang harbour front. Maya-maya’y naramdaman niya

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 23 Sweet Certitude (Final Chapter)

    Kasabay ng pagsikat ng bukang-liwayway ay nasaksihan nilang lahat ang pagbabalik-anyo ni Nica pagkaraan ng ilang oras. Naririto sila ngayon sa bulwagan ng resort house. Katabi ni Nica ang kaibigang si Khid. Minabuti nilang iturok din sa huli ang laman ng isa pang heringgilya na dala nina Hagen at Helga. Nang tuluyan nang bumalik sa dating anyo ang dalaga ay niyakap ito ni Matthaios. Nanghihina man ay bakas sa mukha ng dalaga ang tuwa lalo na nang malamang ligtas na rin si Khid. “Maraming-maraming salamat, Matthaios, hindi mo ako pinabayaan,” luhaang sabi ng babae habang nakayakap sa kanya. “Puwede ba naman iyon? Ipinangako ko sa iyo na mamahalin at proprotektahan kita, hindi ba?” tugon niya habang sapo ng dalawang palad ang magkabilang pisngi ng dalaga. “We need to go back to Manila as soon as possible, Matthaios. Kinakailangang makakuha ng mas maraming blood plasma sa iyo upang makagawa sina Hagen at Helga ng mas maraming antidote laban

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 22 Sweet Revenge

    “Garreth…isa ka ring…” Hindi na naituloy ni Matthaios ang sasabihin nang unti-unti nang mag-take off ang chopper na sinasakyan ni Borris. Mabilis siyang sumampa sa gilid ng bangin sa tulong ni Garreth. Halos bumaligtad ang sikmura niya nang makita ang anyo ni Gustav matapos gutay-gutayin ng sumalakay na nocturno ang katawan nito. Tumayo naman ang nocturno na pumatay kay Gustav at ngayon ay nakatingin ito sa kanila na para bang kinikilala sila ni Garreth. Itinutok naman ng huli ang hawak na flame thrower sa halimaw. Napasigaw si Matthaios nang mapansin na isang babae ang nocturno. “Garreth, huwag!” “Bakit?” pasinghal na tanong ni Garreth. “Babae ang nocturno na iyan. May kutob akong siya si Nica.” “Sira-ulo ka ba?’ sikmat ni Garreth. “Paano namang magiging si Nica iyan? Walang lahing halimaw si Nica. Baka ikaw pa, dahil ilang kagat na ng mga nocturno sa iyo ay hindi ka pa rin namamatay.” Minabuti niya na hindi pa

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 21 The Fifth Descendant

    Mabilis na isinuot ni Matthaios ang mga saplot na hinubad kanina saka dali-daling tumalon din sa bintana upang sundan si Nica na tumakbo sa kahuyan. Tutunguhin na sana niya ang direksyon ng dalaga nang makarinig siya ng tinig na nag-uutos. “Droggo, ngayon na!” Nang tingnan niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig ay agad na sumulak ang dugo niya nang makita niya si Borris mula sa veranda ng ikalawang palapag katabi ang Rusong alalay nito. Ang Droggo na tinutukoy naman nito ay nasa harap ng tila isang malaking kulungang bakal. Nang hinila ng lalaki ang isang malaking kadena ay agad na bumukas ang pinto ng hawla kung kaya biglang naglabasan ang sanglaksang nocturno na nakakulong pala roon. Umaatungal ang mga ito sa gutom, kung kaya agad na nilantakan si Droggo na ni hindi na nakuhang tumakbo. Agad naman niyang pinaputukan ang ilang nocturno na nagtangkang dumaluhong sa kanya habang naririnig niya ang mala-demonyong halakhak ni Borris ganoon din ang alala

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 20 A Hero's Dilemma

    Ginising si Matthaios ng mga impit na iyak ni Nica. Naidlip pala siya pagkatapos nang marubdob na pagniniig nila ng dalaga. Bumangon siya saka masuyong ipinulupot ang mga braso sa baywang ng babae na nakaupo sa gilid ng kama. Nakabihis na ito at nakapusod na rin ang mahabang buhok. “I’m sorry, Matthaios,” halos pabulong na wika ng dalaga nang yakapin niya ito. Ni hindi ito bumaling upang tingnan siya. “You’re sorry for what?” “For bringing you into this mess. Hindi ka dapat nadadamay sa problema ko at sa problema ng aming bansa,” tugon ni Nica sa pagitan ng mga hikbi. “Damay na ako sa problemang ito bago pa man ako dumating sa bansang ito, Nica. I’ve told you before that I am here for a mission. At iyon ay upang pigilan ang pagkalat ng virus sa lugar na ito at sa buong mundo.” “Ganoon pa man ay gusto ko pa ring humingi sa iyo ng tawad,” pagsusumamo ng dalaga. “Para saan?” “S-sa pakikipa

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 19 Bewitched

    Napapitlag si Matthaios nang biglang pumasok sa silid niya si Nica. She was wearing black, sexy lingerie. Nakalugay ang basa-basang buhok. Nanuot sa ilong niya ang samyo ng sabong pampaligo na ginamit nito. “Nica?” Napalunok siya habang minamasdan ang kagandahang nasa harapan niya. “Ava. Ava Taylor,” pormal na tugon ng babae. “I want to call you Nica, dahil ikaw pa rin si Nica Masangkay na nakilala ko.” Ngunit parang walang narinig na dahan-dahang humakbang palapit sa kanya ang dalaga. Nakangiti ngunit malungkot ang mga mata. Umupo si Nica sa gilid ng kama na kinahihigaan niya at saka dumukwang sa kanya. Nalanghap niya ang mabangong hininga nito. Agad na nag-init ang pakiramdam niya. “Nica Masangkay is just a lie. Hindi totoong isang mahinhin, simple at inosenteng babae ang naisakay at hinalikan mo sa loob ng kotse mo ilang araw na ang nakakaraan. Ang totoo ay siya si Ava Taylor, ang babaeng tinawag mong puta, ba

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 18 Revelation

    Nagpipiglas si Nica nang sinimulan na siyang kaladkarin ng isang matangkad na lalaki habang ang walang malay na si Matthaios naman ay bitbit ng dalawa pang lalaki. Parang mga hayop silang isinalya ng mga ito sa loob ng isang van. Nagsisigaw siya upang humingi ng saklolo. Wala silang kapitbahay pero umaasa siyang may makakarinig sa kaniya kahit papaano. Isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ng isang lalaki sabay tutok ng baril sa kanya. Agad niyang nakilala kung sino ito. Ito ang lalaking kasama ni Borris sa Villa Constancia noong isang araw na pinuntahan niya ang lalaki. Sa takot ay mas pinili niya ang manahimik. Ngayon ay alam na niya kung sino ang nasa likod ng pagdukot sa kanila ni Matthaios. Ang hayop na si Borris Ivanovich. Binaybay ng itim na van ang makipot at matarik na daan upang makarating ng highway. Pagdating nila sa may arko ay nakita niya ang isang itim na suv na nakatigil sa gilid ng kalsada. Dalawang lalaki ang nakatayo sa

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 17 The Confrontation

    Walang buhay na bumagsak ang nocturno sa ibabaw ni Hagen dahil sa mga tama ng baril na tinamo. Pinagtulungan nina Matthaios at Rigor na maalis ito upang makatayo ang doktor. Galit na galit naman na hinarap ni Helga si Major Sorrentino. “Why did you kill him? Why did you kill him? Paano namin malalaman ngayon kung may bisa ang antidote na nilikha namin ni Hagen?” “Pasensiya na, pero mas mahalaga ang buhay ng tao kaysa sa imbensyon mo,” kalmadong tugon ng pulis habang ibinabalik sa holster ang ginamit na baril. “Relax, Helga,” sabat ni Rigor. “May natitira pa namang antidote at napakaraming nocturno ang puwede mong pagpraktisan.” “Bull shit!” gigil na tugon ni Helga. “Akala n’yo naman ay ganoon lang kadali manghuli ng nocturno, ano?” “Sis, ok ka lang?” singit ng di na nakatiis na si Hagen. “Muntik na akong makagat ng halimaw na iyan. Don’t tell me na ayos lang sa iyo na maging nocturno din ako?” Nanggagalaiti

  • MIDNIGHT ENCOUNTER Dark and Dangerous Series Book 1   CHAPTER 16 A Glimpse of Hope

    “Ano ba? Nasasaktan ako,” sigaw ni Khid Morales habang kinukuwelyuhan ni Major Sorrentino. Narito silang muli sa apartment ng handler ni Ava Taylor. “Talagang masasaktan ka kapag hindi ka nagsalita,” gigil ni Major Sorrentino. “Ano ba talaga ang kailangan pa ninyo sa akin? Hindi ba’t nanggaling na kayo rito noong isang araw at sinagot ko naman lahat ng itinanong ninyo?” “Puwes, gusto naming sabihin mo lahat ng nalalaman mo tungkol kay Borris Ivanovich at sa naging relasyon nila ni Ava Taylor also known as Nica Masangcay,” sagot ni Rigor na nakatayo lamang sa likuran ni Major Sorrentino. Muling gumuhit ang kirot sa dibdib ni Matthaios nang marinig ang pagkakaroon ng relasyon ni Nica sa ibang lalaki. Ngunit kailangang tiisin niya ang lahat. Higit kailanman ay kailangang mangibabaw ang kanyang trabaho at pagtupad sa misyong iniatang sa kanya. Kung sakali mang kasabwat si Nica ng mga taong gumawa ng virus ay wala siyang magagawa kungdi isa

DMCA.com Protection Status