July 30, 2021. Athens Institute of Virology, Greece.
Tahimik na iginala ni Dr. Matthaios Levidis ang paningin sa mga taong nasa loob ng conference room. Nasa sampung tao silang naroroon na pulos kapwa niya doktor-siyentipiko kabilang ang kanyang lolo, si Dr. Nikolaus Levidis, ang direktor ng institute. Alam niyang hindi isang ordinaryong meeting ito para sa institusyon dahil pamilyar at pinili ang mga taong kasama niya roon kabilang ang mga founders at officials ng institusyong iyon. Sa pagkakaalam niya, ang Athens Institute of Virology o AIV ay nagsisilbing headquarter at training ground din ng mga piniling descendant ng kanilang angkan, ang mga Thracian.
Sa kasalukuyan ay apat pa lamang sila sa nadidiskubreng descendants nang magiting na sinaunang hari ng mga Thracian. Kahit nagmula silang apat sa iba’t ibang bansa, ang palatandaan naman ng pagiging isang tagapagligtas ng sansinukob ay taglay nila sa kanilang mga palad bilang birthmark, at iyon ay ang mapa ng isang sinaunang kaharian, ang Odrysian kingdom. Ngunit naniniwala ang kanyang lolo na si Director Levidis kasama ang iba pang founders ng AIV na maaaring meron pang ibang tagapagligtas na nasa ibang panig ng kalupaan sa kadahilanang sinadya ng mga ito na ipakalat sa buong mundo ang kanilang lahi bilang paghahanda sapagkat walang nakakaalam kung saang bansa maaaring sumulpot ang tagapagdala ng sumpa ng mga Illyrian. Nagkataon naman na silang apat na unang natagpuan ay pulos may mga Pilipinang ina. At umaasa sila na meron pang iba na katulad nila.
Nang matantiyang kumpleto na ang lahat ay tumayo mula sa kinauupuan ang direktor ng AIV at humakbang patungo sa unahan. “Kalimea”, bati nito sa wikang Griyego bagama’t nakarehistro ang lungkot sa mukha. Sabay-sabay na tumugon ng pagbati rin ang mga nasa loob ng conference room. Matapos ang ilang sandali ng katahimikan ay nagpatuloy ang direktor. “Gentlemen, it is with a heavy heart to inform you that once again, humanity is facing a new, brutal killer. And that is none other than the deadly virus which is still unknown to us. It’s origin, genetic components and supposed to be antidote remain a puzzle to science and medicine. This virus which was identified in a small, south eastern Asian country which is the Philippines, is spreading fast, inflicting estimatedly more than 50,000 people and causing around 20,000 deaths in just two weeks in many regions.” Saglit na huminto ang matandang Levidis sa pagsasalita. “We are afraid that the virus will soon cross borders and become a global epidemic.”
Alam ni Matthaios na ang huling sinabi ng direktor ay lubhang nagdulot ng lungkot sa mga naroroon. Bumakas sa mukha ng mga ito ang labis na pag-aalala.
“We are listening, Dr. Levidis.” Ang doktor na nakaupo sa bandang dulo ng conference table ang unang naglakas-loob na nagsalita, si Dr. Rigor Lundgren. Katulad ni Matthaios, nasa early thirty’s din ang half-German, half-Filipinong doktor. Matagal na silang magkakilalang dalawa dahil bukod sa magkaklase sila sa isang medical university ay nagkasama rin sila sa military academy kung kaya kabisado na niya ang pagiging hot tempered at insensitive nito. Nagtataglay din ito ng sarkastiko at agresibong pag-uugali. Gaya niya at ng dalawa pang batang doktor na naroroon, si Rigor ay inihanda rin ng kanilang angkan para sa mga napakahalagang misyon kabilang na ang pagliligtas sa buong sangkatauhan.
Nagpatuloy si Director Levidis. “Alam natin na ang lahat ng mga doktor-siyentipiko sa institusyong ito ay nagpakadalubhasa sa pakikibaka sa mga bagong sumusulpot na sakit na dulot ng iba’t ibang uri ng pathogens sa pamamagitan ng pagtuklas ng mga gamot at mga bakuna. Ngunit tila mahihirapan tayo sa labang ito ngayon dahil sa kakulangan ng genetic information ukol sa bagong virus, idagdag pa ang napakabilis nitong kakayahan na makapanghawa sa mga tao. Sa loob lang ng tatlong araw, pagkatapos mahawahan sa pamamagitan ng laway mula sa isang infected person ay magiging mutant na rin ang biktima. At hindi isang ordinaryong mutant lang, kungdi isang mala-demonyong carrier nang nakasusuklam na sakit. Pagkagat ng dilim, ang mga infected individual ay nagiging isang halimaw na gumagala sa mga kalsada, kalye, eskinita, kabukiran at kabahayan sa paghahanap ng pagkain, at iyon ay ang laman at dugo ng tao, kung kaya tinawag silang nocturnal mutant o nocturno sa wikang Pilipino. At dahil na rin sa kakulangan sa depensa at pag-iingat ang mga tao sa bansang iyon kung kaya mabilis na naipapasa ang nasabing virus.”
“How could a deadly virus emerge in that very small country in Asia?” may pagdududang tanong ni Rigor.
“That we do not know,” buntong-hininga ng direktor. “Unfortunately, hindi pa lumalabas ang resulta ng pag-aaral ng grupo ni Dr. Helga Mortersen dahil sa kakulangan ng genetic information. Kung kaya kinakailangang personal ninyong masuri ang isang nocturno.” Bahagyang sumulyap ang direktor sa doktorang nakaupo sa tapat ni Matthaios at tahimik na nakikinig. Nasa late twenty’s naman ang babae, maganda ito at sopistikada.
“Pero puwedeng hindi sa bansang iyan talaga nagmula ang virus,” singit naman ng isang doktor na katabi ni Matthaios, si Dr. Hagen Mortersen. Ito ang pinakabata sa kanilang lahat, metikuloso, adventurer at isang information technology expert. Katulad niya at ni Rigor, ang magkapatid na Helga at Hagen ay inihanda at sinanay rin sa mga digmaang medikal at pisikal. Pilipina ang ina ng mga ito at isang Greek-Faroese naman ang ama.
“What do you mean, Dr. Mortersen?” nagtatakang tanong ni Matthaios kay Hagen. Close siya sa batang doktor, pero kapag nasa ganitong pagpupulong ay pormal siya kung kausapin ito.
“We know that the first infected person was an American diplomat na pumunta sa bansang iyon para sa isang conference. Maaaring infected na siya mula sa bansang kanyang pinanggalingan bago siya dumating sa Pilipinas at doon siya nagsimulang makapambiktima hanggang kumalat ang virus,” tugon ni Hagen.
Umani ng iba’t ibang reaksyon ang sinabi ni Hagen mula sa mga doktor na naroroon. Hudyat naman iyon kay Director Levidis upang damputin ang isang remote control na nakapatong sa ibabaw ng conference table. “You have a point, Dr. Mortersen. Now, I want you to see this.” Nang pinindot ng direktor ang isang button ng hawak na gadget ay biglang lumitaw sa malaking white screen na nasa harap nilang lahat ang mukha ng isang tila kagalang-galang na Amerikano. Nasa late fifty’s na ang itsura nito.
“Siya si Peter Wilson, isang American diplomat. Pumunta siya sa Pilipinas noong June 17 ng taong ito para sa isang pagpupulong na dinaluhan din ng iba pang diplomats mula sa ibang bansa.” Muling pinindot ni Dr. Levidis ang button upang ipakita ang iba pang larawan ng nabanggit na diplomat. Tumambad naman sa kanila ang anyo nito habang nasa ospital. Lahat sila ay nagulat dahil sa bagong itsura nito na tumanda at namumutla na parang isang bangkay. “June 18 ng gabi ay nakaramdam siya ng pananamlay, pananakit ng buong katawan, pagsusuka at napakataas na lagnat. Na-admit siya sa hospital noong June 19, ngunit hindi bumuti ang kanyang kondisyon. Sa ikatlong araw, that was June 20, sa buong pagtataka ng lahat, ay nag-transform siya bilang isang halimaw na hayok sa dugo at laman ng tao. Tumangkad siya ng ilang pulgada mula sa dating taas niya, humaba rin ang mga braso, daliri, kuko, hita’t binti. Nakalbo, pumutla ang balat, lumaki ang mga mata at naging purong itim ang mga ito at humaba at tumalim din ang mga ngipin sapat upang makasira ng balat at laman ng kanyang mga naging biktima. Nakapambiktima siya ng mga tauhan sa ospital, nangagat and worst, ang iba ay kinain niya. Ang mga nakagat na nagpagaling din sa nasabing ospital ay nakaranas din ng mga sintomas na katulad ng sa kanya pagkaraan ng isang araw. After three days, hindi na iisa ang halimaw na gumagala sa lugar na iyon pagsapit ng gabi. At padami sila nang padami hanggang hindi na sila kayang kontrolin ng mga pulis at sundalo sapagkat kumalat na sila sa mga karatig-lugar at mga probinsya.”
“So, ano ang koneksyon ng mga petsa sa pag-transform niya bilang mutant?” si Rigor uli.
Director Levidis cleared his throat before he spoke. “Sa mga sumunod na biktima, very consistent ang bilang ng araw bago sila mag-transform into nocturnal mutant. Tatlong araw. Tatlong araw pagkatapos silang ma-infect. Dumating dito si Wilson ng June 17 na masigla at walang iniindang sakit. Pero pagsapit noong June 18 ay nagreklamo siya nang mataas na lagnat, pananakit ng mga kalamnan at buto at pagsusuka. Na-admit siya sa ospital noong June 19, at naging mutant noong June 20, eksaktong tatlong araw. Ang kanyang mga naging biktima ay nagpakita rin ng katulad na sintomas pagkaraaan ng tatlong araw. Ibig sabihin ay sa bansang iyon na-infect si Peter Wislon. “
Napatango silang apat bilang tanda ng pagsang-ayon. Tahimik namang nakikinig ang mga opisyales ng institusyon. Panaka-nakang tumatango rin ang ilan sa mga ito o nagkakaroon ng mga maikling diskusyon.
“And how about his companions?” Si Helga naman ang nagtanong. “I mean, his security officers and assistants? Were they infected also?”
Ngumiti nang bahagya si Director Levidis, palatandaan na nagugustuhan nito ang sunod-sunod na mga tanong mula sa kanilang apat. “Magandang tanong, Dr. Mortersen. Fortunately, none of them was infected. In fact, all of them were able to return home safe and unharmed. Ibig sabihin, malulusog silang lahat nang pumunta sa Pilipinas kabilang si Wilson hanggang ma-infect ito ng di kilalang virus.”
“Kung ganoon, hindi si Wilson ang unang carrier. In fact, biktima lang siya. Hindi rin ang kanyang mga kasama. Ang tanong, sino?” singit ni Matthaios.
Bahagyang naglakad-lakad ang direktor habang nagsasalita, hawak pa rin ang remote control. “Nagpadala sa atin ang Philippine government ng ilang confidential reports na makatutulong upang ma-trace ang mga taong nakasalamuha ni Peter Wilson sa loob ng dalawang araw bago ito na-admit sa hospital. Umaasa silang makatutulong ang mga ito sa pagtuklas sa mga misteryong nangyayari sa kanilang lugar.” Muling pinindot ni Dr. Levidis ang button ng gadget at lumabas sa screen ang iba’t ibang larawan. “Mga kuha iyan nang lumapag siya sa airport. Ang iba naman ay noong welcome dinner sa isang mamahaling hotel na pinagsaluhan ng lahat ng diplomats kabilang si Wilson, that was the night of June 17. Lahat ng mga personalidad na nasa mga larawang iyan ay kilala sa local and international politics, maliban sa isa…” Itinuro ng doktor ang isang babae na nakatayo sa di kalayuan doon din sa nasabing pagtitipon. Nakasuot ito ng maikling bestida na kulay pula na tinernuhan ng kulay pula ring stiletto. Kulay ash brown ang buhok at makapal ang make-up.
“And who is she?” halos sabay-sabay silang apat sa pagtatanong.
Dr. Levidis zoomed the picture of the strange woman. Tumambad sa kanila ang napakaganda nitong mukha. Hindi nila napigilang lahat ang paghanga sa babae. Matthaios blinked his eyes several times in awe. He couldn’t understand why his heart suddenly beat faster than normal.
“Who’s that woman?” tanong ni Rigor habang titig na titig sa larawan. Hindi rin nito maitago ang paghanga sa magandang babae. “She is fucking beautiful.”
“According to the report, she is Ava Taylor, a Filipina fashion and ramp model,” tugon ng direktor.
“And what the hell was she doing there? That welcome dinner for the diplomats wasn’t an appropriate place for catwalks, swirls and turns?” sarkastikong tanong ni Helga.
Director Levidis didn’t answer. He pressed the button again. Another picture of Ava flashed on the screen. This time, together with Peter Wilson.
“Whoa!” bulalas ni Hagen. “That wench managed to mingle with the diplomats and eventually took one of them.”
Dr. Levidis pressed the button again. Isang larawan naman ni Ava at ni Wilson ang lumabas sa screen. Pero hindi na ito kuha sa welcome dinner dahil iba na ang mga kasuotan nila at iba na rin ang lugar. “Ang larawang ito ay kuha mula sa cctv ng isa pang mamahaling hotel.”
“A hooker!” bulalas muli ni Hagen habang naiiling.
“Definitely an escort girl,” sambot naman ni Rigor habang sarkastikong nakangiti.
Nailing si Matthaios. Hindi niya maipaliwanag kung bakit nakakaramdam siya ng galit sa bawat panlalait na lumalabas sa bibig ng mga kasamang doktor patungkol sa babaeng nasa screen.
“Ang larawang ito ay kuha noong June 18. Sabi ng personal security ni Wilson, walang naging activity ang mga diplomat ng araw na iyan dahil sa isang aberya. Sinamantala iyon ng ibang diplomats upang makapaglibot sa lugar pero mas pinili daw ni Wilson na mag-stay lamang sa kanyang hotel room kasama ang Ava Taylor na iyan. Diumano ay walang ibang tao na nakasalamuha si Wilson maliban sa babaeng iyan ilang oras bago siya nakaramdam ng hindi maganda sa katawan na nag-udyok sa kanya na magpa-ospital.”
“So, are you saying that there is a possibility that Ava Taylor is none other than but the first carrier of the unknown virus? At nahawa lamang si Wilson sa kanya?” naninigurong tanong ni Rigor.
Matthaios held his breath as he waited for the answer of Director Levidis. Sa isang sulok ng utak niya ay lihim niyang hiniling na sana ay hindi si Ava Taylor nga ang tagapagdala ng sumpa. Hindi niya maipaliwanag kung bakit may magkahalong takot at pag-aalala na nararamdaman siya para sa babae ganoong hindi naman niya ito lubusang kilala.
“Akrivos!” mabilis na tugon ni Director Nikolaus Levidis. Lumikha ng kaunting ingay ang naging tugon na iyon ng direktor. Hagen and Helga nodded their heads as a sign of agreement. Hinagod naman ni Rigor ang sariling baba habang matamang nag-iisip. Nagpahayag naman ng pagsang-ayon din ang ibang matatandang doktor na naroroon. Nanlumo naman si Matthaios sa narinig na tugon ng direktor. Agad na sinakmal ng lungkot at panghihinayang ang kanyang damdamin. Paanong ang isang babaeng may mala-anghel na mukha ay nagtataglay ng ganoong kasamaan para sa buong sangkatauhan? “But if that woman is the virus carrier, she could be dead also by this time, knowing that her likes are being hunted by the police and military,” wika ni Matthaios habang hindi inaalis ang mga mata sa pagkakatitig kay Ava. There was something in her charm that he couldn’t understand. Bumibilis pa rin ang pintig ng puso niya habang nakatingin sa magandang mukha ng babae. “Her name is not yet include
Pasado alas-onse na ng gabi ngunit patuloy pa rin si Nica sa paglalakad sa kahabaan ng General Emilio Aguinaldo Highway sa Cavite sa pagbabakasakaling may pampasaherong bus pa siyang masakyan bago abutan ng total lockdown pagsapit ng hatinggabi. Hindi niya alintana ang matinding hirap at pagod dahil sa kagustuhang makauwi sa kaniyang nayon sa Tagaytay City. Ang alam niya ay nasa state of community quarantine lamang ang Maynila at mga karatig-lugar dahil sa isang deadly virus na kumakalat. Ngunit biglang may kumalat na balita na mamayang alas-dose raw ng hatinggabi ay idedeklara na rin ng pangulo ng Pilipinas ang total lockdown kung kaya tanghali pa lang ay ipinagbawal na sa mga pampasaherong sasakyan na maglabas-pasok hindi lamang sa Maynila kungdi maging sa buong Calabarzon. Ang sabi ng mga pulis na nasa check point ay aarestuhin na ang mga taong mahuhuli pa ring naglalakad sa kalsada pagsapit ng alas dose ng hatinggabi kung kaya umaasa siyang may mabuting pusong magpapasak
Naalimpungatan pa si Nica nang dahan-dahang iminulat ang kanyang mga mata. Ginising siya ng tinig at mahinang pag-alog ni Matthaios sa kanyang balikat. “Papasok na tayo ng Tagaytay, Nica,” mahinahong sabi ni Matthaios. Sukat sa narinig ay napabalikwas siya. Pagdungaw niya ng bintana ay napatunayan niyang totoo ang sinabi ng lalaki. Sa wakas ay muli niyang nasilayan ang malalaking puno ng narra na nakahilera sa magkabilang gilid ng kalsada, ganoon din ang halos dikit-dikit na mga hotel, resort at restaurant at maliliit na kainan tanda ng maunlad na turismo sa lungsod. Ilang buwan din siyang hindi nakauwi sa lugar na ito dahil sa mga modelling projects kung kaya hindi niya maitago ang sayang nararamdaman. Ngunit taliwas sa nakasanayan niya na dati ay buhay na buhay ang turismo sa lungsod kahit dis oras ng gabi, ngayon ay sarado na ang lahat ng establishments at wala na ring tao sa paligid. Wala rin halos bumibiyahe maliban sa ilang private vehicles at mga tru
“Ang buong akala namin ay hindi ka na makakauwi dahil sa pinaiiral na lockdown, ate Nica,” tuwang-tuwang sabi ni Jen, pinsang buo ni Nica na siyang tumitingin sa kanyang lolo’t lola kapag wala siya. Hawak nito ang pasalubong niyang make up kit. Bata si Jen o Jenevie ng tatlong taon sa kanya, anak ito ng pinsang buo ng kanyang ina. Katulad niya, ay maganda rin ito bagamat may kakulitan. “Ano ka ba, Jen,” nakangiting wika niya. “Kapag sinabi kong uuwi ako, uuwi talaga ako kahit harangan pa ako ng sibat.” “Sus! Ang sabihin mo, kung hindi ka pinasakay ng guwapong doktor na ikinukuwento mo, siguradong wala ka pa rito sa mga oras na ito,” pang-aasar ni Jen sa kanya. “Kungsabagay…” Lumuwang ang ngiti ni Nica pagkaalala kay Matthaios. “Ikuwento mo pa siya, dali,” pangungulit ng pinsan niya. “Ano ka ba, Jen? Wala na akong ibang masasabi tungkol kay Matthaios maliban sa pagiging guwapo niya kahit ubod siya ng presko.” Of course, w
Isang galit na galit na Rigor ang nadatnan ni Matthaios sa pinto ng laboratory room ng Research Institute of the Philippines kinaumagahan.“Where have you been? Halos magdamag kang nawala kahit alam mo na kailangang-kailangan ka dito?” pasikmat na tanong ng lalaki sa kanya. “I just visited my relatives here,” kalmadong tugon niya habang pumapasok sa laboratory room. Nilampasan niya ang nakatayong si Rigor. “At inuna mo pa ang pamamasyal kaysa sa trabaho natin dito? Remember, we are running out of time. Konting panahon lang ang ibinigay sa atin ni Directo Levidis upang i-solve ang problema natin sa buwiset na virus na ito,” gigil ni Rigor habang sinusundan siya. Kalmado pa ring hinarap ni Matthaios ang nanggagalaiting lalaki. “I know why you’re upset, Rigor. Hindi mo gusto ang sitwasyon mo ngayon. Sa halip kasi na nasa Athens ka at inaasikaso ang sarili mong kasal ay naririto ka ngayon upang hanapan ng solusyon ang problema ng bansang ito.”
Naaalimpungatang inabot ni Nica ang cell phone na nakapatong sa lamesita sa tabi ng higaan niya. Bahagya siyang nagulat nang makita kung sino ang caller. Si Khid Morales, ang kanyang handler. “Ava? Pasensiya na kung napatawag ako. May problema tayo,” balisang sabi ni Khid sa kabilang linya. Napabalikwas mula sa pagkakahiga si Nica. Mabilis siyang sumulyap sa orasang nasa dingding. Alas-diyes na pala ng umaga. Tinanghali siya ng gising dahil sa malagim na mga pangyayari kagabi. “Khid, bakit ka tumawag? Hindi ba’t ang usapan natin ay magla-lie low muna ako sa modelling at kung maaari ay wala muna tayong komunikasyon habang hindi pa normal ang lahat?” pupungas-pungas niyang sabi pero nagsisimula nang kumabog ang kanyang dibdib. Alam niyang hindi tatawag sa kanya si Khid ng walang matinding dahilan. “May naghahanap sa iyo, Ava,” kandautal na sagot ni Khid. “May tatlong lalaki na pumunta sa condo ko kanina, pulis ‘yong isa at pilit akong hini
Walang pagsidlan ang tuwa nina lolo Marcial at lola Henya sa salaping ipinakita ni Nica sa mga ito. “Totoo ba ito? Matutubos na natin ang bahay at lupa natin na nakasangla sa bangko?” bulalas ni lolo Henya habang nanlalaki ang mga mata sa pagkakatitig sa mga salaping papel na nasa loob ng bag pack. “At makapagsisimula pa tayo nang maliit na negosyo, lola,” masayang tugon niya. “Ipagpapatuloy ko rin ang naudlot kong pag-aaral sa kolehiyo. Alam naman ninyong gustong-gusto kong makatapos ng pag-aaral. Ayoko kasing matulad sa ilang taga-rito sa ating baryo na sinikatan at nilubugan na ng araw sa bukid. Gusto kong kahit papaano ay umasenso sa buhay.” Hindi lingid sa dalawang matanda na mula pagkabata ay pinangarap na niyang yumaman sapagkat ayaw niyang matulad sa kanyang ina na namasukang domestic helper noon sa Great Britain na kalaunan ay naanakan at iniwan ng nakarelasyon nitong anak ng amo. Dulot ng kahihiyan at depresyon, kinitil ng kanyang ina ang
“Dalian n’yo nga ang paglalakad. Aabutin na tayo ng dilim dito sa kahuyan, eh!” sikmat ng nagmamadaling si Marlon. Hindi ito magkandaugaga sa pag-ahon mula sa matarik na lupa habang sinusundan ito nina Nica, Garreth, Jen at Glenda. “Ano ba? Bakit ka ba masyadong nagmamadali?” sigaw ni Jen, bitbit nito ang basket na nilagyan ng mga prutas kanina. Si Garreth naman ang may dala ng mga ginamit na kaldero, plato at mga kubyertos. “Oo nga,” sang-ayon naman ni Glenda, isa rin sa mga kaibigan at kababata ni Nica. “Ikaw nga itong ayaw pang umahon sa tubig kanina kahit panay na ang tawag ko sa iyo,” natatawang dugtong pa nito. Bahagyang tumigil sa paghakbang si Marlon at nakapamaywang na lumingon sa kanila. “Eh, paano naman, ang buong akala ko ay maaga pa. Malay ko ba na mag-aalas sais na pala? Bago tayo makarating sa atin ay malamang madilim na.” “Eh, ano naman kung abutin tayo ng dilim dito?” natatawa ring tanong ni Jen. “Palagi naman tayong
Parga, Northern Greece Nica’s eyes surveyed the charming, picturesque coastal town of Parga, Northern Greece. Kagigising lang niya at mas magandang pagmasdan ang kapaligiran kapag ganitong nagsisimula pa lamang sumikat ang araw. Its absolutely beautiful and was truly picture perfect. Ilang buwan na silang kasal ni Matthaois ay tila ba hindi pa rin maubos-ubos ang mga magagandang lugar na nais pagdalhan sa kanya ng asawa sa bansang ito na tinaguriang cradle of western civilization. Sang-ayon kay Matthaios, ang Northern Greece daw ang dating kinalalagyan ng Odrysian kingdom kabilang na ang ilang bahagi ng mga karatig-lugar nito na northern Bulgaria, southeastern Romania at European Turkey. Mula sa terasa ng inn na inookupa nilang mag-asawa ay buong paghangang sinuyod ng kanyang mga mata ang mga makukulay na bahay na nakatayo sa gilid ng mga burol, ang mahaba at puting sand beaches hanggang sa napakagandang harbour front. Maya-maya’y naramdaman niya
Kasabay ng pagsikat ng bukang-liwayway ay nasaksihan nilang lahat ang pagbabalik-anyo ni Nica pagkaraan ng ilang oras. Naririto sila ngayon sa bulwagan ng resort house. Katabi ni Nica ang kaibigang si Khid. Minabuti nilang iturok din sa huli ang laman ng isa pang heringgilya na dala nina Hagen at Helga. Nang tuluyan nang bumalik sa dating anyo ang dalaga ay niyakap ito ni Matthaios. Nanghihina man ay bakas sa mukha ng dalaga ang tuwa lalo na nang malamang ligtas na rin si Khid. “Maraming-maraming salamat, Matthaios, hindi mo ako pinabayaan,” luhaang sabi ng babae habang nakayakap sa kanya. “Puwede ba naman iyon? Ipinangako ko sa iyo na mamahalin at proprotektahan kita, hindi ba?” tugon niya habang sapo ng dalawang palad ang magkabilang pisngi ng dalaga. “We need to go back to Manila as soon as possible, Matthaios. Kinakailangang makakuha ng mas maraming blood plasma sa iyo upang makagawa sina Hagen at Helga ng mas maraming antidote laban
“Garreth…isa ka ring…” Hindi na naituloy ni Matthaios ang sasabihin nang unti-unti nang mag-take off ang chopper na sinasakyan ni Borris. Mabilis siyang sumampa sa gilid ng bangin sa tulong ni Garreth. Halos bumaligtad ang sikmura niya nang makita ang anyo ni Gustav matapos gutay-gutayin ng sumalakay na nocturno ang katawan nito. Tumayo naman ang nocturno na pumatay kay Gustav at ngayon ay nakatingin ito sa kanila na para bang kinikilala sila ni Garreth. Itinutok naman ng huli ang hawak na flame thrower sa halimaw. Napasigaw si Matthaios nang mapansin na isang babae ang nocturno. “Garreth, huwag!” “Bakit?” pasinghal na tanong ni Garreth. “Babae ang nocturno na iyan. May kutob akong siya si Nica.” “Sira-ulo ka ba?’ sikmat ni Garreth. “Paano namang magiging si Nica iyan? Walang lahing halimaw si Nica. Baka ikaw pa, dahil ilang kagat na ng mga nocturno sa iyo ay hindi ka pa rin namamatay.” Minabuti niya na hindi pa
Mabilis na isinuot ni Matthaios ang mga saplot na hinubad kanina saka dali-daling tumalon din sa bintana upang sundan si Nica na tumakbo sa kahuyan. Tutunguhin na sana niya ang direksyon ng dalaga nang makarinig siya ng tinig na nag-uutos. “Droggo, ngayon na!” Nang tingnan niya kung sino ang nagmamay-ari ng tinig ay agad na sumulak ang dugo niya nang makita niya si Borris mula sa veranda ng ikalawang palapag katabi ang Rusong alalay nito. Ang Droggo na tinutukoy naman nito ay nasa harap ng tila isang malaking kulungang bakal. Nang hinila ng lalaki ang isang malaking kadena ay agad na bumukas ang pinto ng hawla kung kaya biglang naglabasan ang sanglaksang nocturno na nakakulong pala roon. Umaatungal ang mga ito sa gutom, kung kaya agad na nilantakan si Droggo na ni hindi na nakuhang tumakbo. Agad naman niyang pinaputukan ang ilang nocturno na nagtangkang dumaluhong sa kanya habang naririnig niya ang mala-demonyong halakhak ni Borris ganoon din ang alala
Ginising si Matthaios ng mga impit na iyak ni Nica. Naidlip pala siya pagkatapos nang marubdob na pagniniig nila ng dalaga. Bumangon siya saka masuyong ipinulupot ang mga braso sa baywang ng babae na nakaupo sa gilid ng kama. Nakabihis na ito at nakapusod na rin ang mahabang buhok. “I’m sorry, Matthaios,” halos pabulong na wika ng dalaga nang yakapin niya ito. Ni hindi ito bumaling upang tingnan siya. “You’re sorry for what?” “For bringing you into this mess. Hindi ka dapat nadadamay sa problema ko at sa problema ng aming bansa,” tugon ni Nica sa pagitan ng mga hikbi. “Damay na ako sa problemang ito bago pa man ako dumating sa bansang ito, Nica. I’ve told you before that I am here for a mission. At iyon ay upang pigilan ang pagkalat ng virus sa lugar na ito at sa buong mundo.” “Ganoon pa man ay gusto ko pa ring humingi sa iyo ng tawad,” pagsusumamo ng dalaga. “Para saan?” “S-sa pakikipa
Napapitlag si Matthaios nang biglang pumasok sa silid niya si Nica. She was wearing black, sexy lingerie. Nakalugay ang basa-basang buhok. Nanuot sa ilong niya ang samyo ng sabong pampaligo na ginamit nito. “Nica?” Napalunok siya habang minamasdan ang kagandahang nasa harapan niya. “Ava. Ava Taylor,” pormal na tugon ng babae. “I want to call you Nica, dahil ikaw pa rin si Nica Masangkay na nakilala ko.” Ngunit parang walang narinig na dahan-dahang humakbang palapit sa kanya ang dalaga. Nakangiti ngunit malungkot ang mga mata. Umupo si Nica sa gilid ng kama na kinahihigaan niya at saka dumukwang sa kanya. Nalanghap niya ang mabangong hininga nito. Agad na nag-init ang pakiramdam niya. “Nica Masangkay is just a lie. Hindi totoong isang mahinhin, simple at inosenteng babae ang naisakay at hinalikan mo sa loob ng kotse mo ilang araw na ang nakakaraan. Ang totoo ay siya si Ava Taylor, ang babaeng tinawag mong puta, ba
Nagpipiglas si Nica nang sinimulan na siyang kaladkarin ng isang matangkad na lalaki habang ang walang malay na si Matthaios naman ay bitbit ng dalawa pang lalaki. Parang mga hayop silang isinalya ng mga ito sa loob ng isang van. Nagsisigaw siya upang humingi ng saklolo. Wala silang kapitbahay pero umaasa siyang may makakarinig sa kaniya kahit papaano. Isang malakas na sampal ang ibinigay sa kanya ng isang lalaki sabay tutok ng baril sa kanya. Agad niyang nakilala kung sino ito. Ito ang lalaking kasama ni Borris sa Villa Constancia noong isang araw na pinuntahan niya ang lalaki. Sa takot ay mas pinili niya ang manahimik. Ngayon ay alam na niya kung sino ang nasa likod ng pagdukot sa kanila ni Matthaios. Ang hayop na si Borris Ivanovich. Binaybay ng itim na van ang makipot at matarik na daan upang makarating ng highway. Pagdating nila sa may arko ay nakita niya ang isang itim na suv na nakatigil sa gilid ng kalsada. Dalawang lalaki ang nakatayo sa
Walang buhay na bumagsak ang nocturno sa ibabaw ni Hagen dahil sa mga tama ng baril na tinamo. Pinagtulungan nina Matthaios at Rigor na maalis ito upang makatayo ang doktor. Galit na galit naman na hinarap ni Helga si Major Sorrentino. “Why did you kill him? Why did you kill him? Paano namin malalaman ngayon kung may bisa ang antidote na nilikha namin ni Hagen?” “Pasensiya na, pero mas mahalaga ang buhay ng tao kaysa sa imbensyon mo,” kalmadong tugon ng pulis habang ibinabalik sa holster ang ginamit na baril. “Relax, Helga,” sabat ni Rigor. “May natitira pa namang antidote at napakaraming nocturno ang puwede mong pagpraktisan.” “Bull shit!” gigil na tugon ni Helga. “Akala n’yo naman ay ganoon lang kadali manghuli ng nocturno, ano?” “Sis, ok ka lang?” singit ng di na nakatiis na si Hagen. “Muntik na akong makagat ng halimaw na iyan. Don’t tell me na ayos lang sa iyo na maging nocturno din ako?” Nanggagalaiti
“Ano ba? Nasasaktan ako,” sigaw ni Khid Morales habang kinukuwelyuhan ni Major Sorrentino. Narito silang muli sa apartment ng handler ni Ava Taylor. “Talagang masasaktan ka kapag hindi ka nagsalita,” gigil ni Major Sorrentino. “Ano ba talaga ang kailangan pa ninyo sa akin? Hindi ba’t nanggaling na kayo rito noong isang araw at sinagot ko naman lahat ng itinanong ninyo?” “Puwes, gusto naming sabihin mo lahat ng nalalaman mo tungkol kay Borris Ivanovich at sa naging relasyon nila ni Ava Taylor also known as Nica Masangcay,” sagot ni Rigor na nakatayo lamang sa likuran ni Major Sorrentino. Muling gumuhit ang kirot sa dibdib ni Matthaios nang marinig ang pagkakaroon ng relasyon ni Nica sa ibang lalaki. Ngunit kailangang tiisin niya ang lahat. Higit kailanman ay kailangang mangibabaw ang kanyang trabaho at pagtupad sa misyong iniatang sa kanya. Kung sakali mang kasabwat si Nica ng mga taong gumawa ng virus ay wala siyang magagawa kungdi isa