Lucas POV
Just like what I'm feeling, the uneasiness, hindi nga ako nagkamali. Pagkapasok namin sa bahay nila Olivia ay agad na naagaw ng pansin ko ang dalawang taong nakatayo na para bang kanina pa naghihintay sa amin. One of them is Michelle. Nakasuot ito ng apron na para bang isa sa mga katulong. "Lucas, tara na sa hapag." Narinig ko naman ang pag-iimbita sa akin ni Mrs. Asuncion pero nakapagkit ang mga mata ko kay Michelle. Maging siya ay nakatingin sa akin. Walang kakurap-kurap. "Ay, naku..." Biglang humarang si Mrs. Asuncion sa paningin ko. Hinarap din nito si Michelle. "Mich, magbihis ka na. Bakit naka-apron ka pa rin?" sita nito sa anak. "Bilisan mo, alis na dito!" aniyang tila tinataboy ito. Gumalaw ang mga labi ko habang pasimpleng sinundan ng tingin si Michelle nang umalis ito. Agad itong pumanhik sa second floor ng bahay nila kung saan ang ilang mga kuwarto. Nagawa pa niyang lumingon sa gawi ko bago tuluyang mawala. "Naku, huwag mong alalahanin si Michelle, Lucas. Pinatulong ko kasi nagsibakasyon ang mga ibang katulong namin. Wala naman siyang ginagawa dito kundi ang humilata kaya inutusan ko na. Alam mo na, hindi lagi ay magbubuhay prinsesa sila. Dapat ay matuto silang alagaan ang pamamahay nila at magiging pamilya," mahabang litanya niya. Me? Worrying? Nakakatawa naman sila. I am not worrying about Michelle. Wala din akong pakialam kung gawin siyang katulong sa sarili nitong pamamahay. Napatingin lang ako dahil akala ko, wala siyang alam. Gaya ng lagi nilang sinasabi na pabigat siya roon. Na walang ginagawa kundi ang magpasaway. "Tara na, Luke. Lalamig ang pagkain. Hindi na iyon masarap kapag hindi na mainit." Humawak sa braso ko si Olivia at iginiya ako papunta sa katamtamang laki na dining table nila. Malaki na iyon sa normal na mga tao. But for me, it's not that big. Ang dining table ko sa mansiyon ay triple ang laki ng sa kanila. But then, that dining area feels empty. Mag-isa lamang kasi akong kumakain doon. No family to join me. Kaya nanibago ako na makasalo silang lahat. There is lots of food on the table. Iba't ibang putahe ang nakalatag doon. Feels like they're having a party. It's too much for five people. "Ipinahanda ko talaga iyan para sa iyo, Lucas..." muling pagbibida ni Mrs. Asuncion. "Take a seat." Tumango ako. Ipinaghila ko muna ng mauupuan si Olivia bago umupo sa tabi niya. "Let's eat..." sabi ni Mrs. Asuncion nang makaupo na rin ang kanyang asawa. Hindi ko mapigilang mapakunot noo. Are they not going to wait for the other family member? "Here, Luke, try this. Masarap ito. Best ang recipe na kare-kare ni nanay Susan," sabi ni Olivia para agawin ang atensiyon ko. Ito na ang nagsandok tsaka niya inilagay sa plato ko. Naglagay din siya sa kanyang pinggan. Halos sabay kaming tinikman iyon. "Oh, wow! This is better than before," bulalas ni Olivia. Ninamnam pa ang nasa bibig. It's true. It tastes really delicious. Mas masarap pa nga yata sa nabibili sa mga restaurant. Lasang lasa ang peanut. Like it was toasted really well. Ang sarap ng kain namin. Even Olivia's parents indulge in trying it. Maging sila ay nasarapan sa kare-kare. "Susan, Susan...halika nga rito," tawag ni Mrs. Asuncion sa kanilang katulong. Nagkukumahog naman na lumabas mula sa kusina ang matandang katulong nila. Napansin kong nagpunas ito ng mga kamay sa suot na apron. Mukhang nagmadali dahil sa biglang pagtawag sa kanya. "May kailangan ho kayo, Senyora?" tanong nitong parang may pag-aalala. "Gusto ka lang namin batiin at pasalamatan sa mga inihanda mong mga pagkain, Susan. Especially your kare-kare. Masarap! You did an excellent job!" puri nito sa kanilang katulong. "It was delicious indeed. Thanks," ika ko naman na tumingin sa kanya. Nagawa kong ngumiti sa gawi niya. "Buti naman at nagustuhan ninyo..." Napawi ang ngiti ko nang marinig ang nagsalita. Boses pa lamang ay napupuno na ako ng iritasyon. "Oh anak, halika na, sabayan mo na kami," anyaya ni Mr. Asuncion sa anak. Walang alinlangan na humila ng upuan si Michelle sa tabi ko. Agad na humalimuyak sa pang-amoy ko ang matamis na pabango niya. Napasulyap ako sa kanya at napagtanto kong bagong ligo siya. The scent is coming from the soap she used. It has a distinct smell of vanilla. "Sorry, Pa. Naligo pa ako. Nangamoy ulam kasi ako," aniya na kumuha na rin ng makakain. Pinanood ko ang ginagawa niya. Nang bigla siyang bumaling sa akin at nginitian ako. Iniiwas ko ang tingin ko sa kanya. Why do I keep on looking at her? "Buti naman at nagustuhan mo ang luto ko, Lucas," narinig kong ika niya. May lambing ang boses niya na tila masaya. What? Luto niya? Ang kare-kare na nagustuhan ko? Naming lahat ay luto niya? "Anong pinagsasabi mo, Michelle?" hindi makapaniwalang napatanong ang kanilang ina. "Tama, Senyora. Niluto ni Michelle ang kare-kare maging ng iba pang putahe na nariyan. Tinulungan niya ako sa pagluluto," pagpapatunay ng katulang na naroon pa rin. Pinasadahan ko ang mga pagkaing naroon. Imposible pero mismong sa bibig ng katulong nila galing. Imposibleng magsisinungaling ito para lamang kay Michelle. Wala naman itong mapapala para gawin iyon. "Ah..." Biglang tumawa ang kanilang ina. It sounds fake, though. "Naku, puwede ka na palang mag-asawa, anak..." sabi naman ng kanilang ama. Kumuha pa ng ibang putahe at inilagay sa kanyang pinggan. Sa gilid ng mga mata ko ay pinanood ko ang bawat kilos ni Michelle. I saw her smile again. Ibinaba niya ang kanyang kubyertos at nagsalita. "Meron na po..." pahayag niya. Nasamid ako at napaubo. Mas naging concern ang lahat sa akin kaysa sa sinabi ni Michelle. Paano ay namula ako at sunod-sunod ang pag-ubo. "Water, Luke," alok sa akin ni Olivia. Iniabot ang tubig na nasa gilid ko. I took it and sip. Naginhawaan ang lalamunan ko but not my whole system. Anger arises within me. I want to snap Michelle's neck right now! Paano kung pinatulan ng mga magulang niya ang sinabi niya? Buti na lang at ipinagsawalang bahala siya ng mga ito. "Excuse me, can I use your washroom," pagkalipas ng ilang saglit ay nagpaalam ako. Tumayo ako at tumingin kay Olivia. Tumango naman siya. "I'll be back. Continue eating." I know where I am going. Alam ko na ang pasikot-sikot na bahay nila. I've been here a couple of times. I really don't need to use the washroom. I just need it to hide my anger. Namumula ako hindi dahil sa nasamid ako. Namumula ako dahil sa matinding galit towards Michelle. How dare she say about her being married! Ilang minuto rin akong nanatili doon bago magpasyang lumabas. Bago marating ang dining area nila ay malalagpasan ko muna ang kusina. Imbes na sa dining ang tungo ko ay lumiko ako papunta sa kusina. I saw someone. I saw Michelle. I grab Michelle's arm and pull her where no one can see us. "How dare you say those words?" madiin at puno ng galit ang tono ko. Inipit ko siya sa pader at hindi binigyan ng espasyo para kumawala. "We have those conditions, Michelle! Nakalimutan mo na ba? Walang dapat makakaalam na kasal tayo! Especially your family!" Imbes na matakot ay natawa pa siya. Ginagalit niya talaga ako. I want her to feel my authority. Na ako ang masusunod! But the look on her eyes tells the other way. "Nakalimutan mo na rin ba na hindi pa naman natin napipirmahan ang kontrata, Lucas?" parang nabuhusan ako ng tubig nang ipinaalala niya iyon. Pinalis niya ang kamay ko sa kanyang braso. Itinulak niya ako para makawala siya sa pagkakaipit ko sa kanya. "Hanggang hindi ka nakakapagdesisyon sa kondisyon kong iyon. I have the right to tell anyone. Everyone. Hawak ko ang katibayan na kasal ako. Tayo!" And like that, she left me boiling in anger. Alam na alam niya kung paano talaga ako galitin. And I hate that. I hate her as well!Michelle's POV Nakakatawa. Nakakatawa si Lucas. Kung sa tingin niya, mabu-bully niya ako. Nagkakamali siya. Nagawa ko ng gawin na kontrabida ang sarili ko sa mga mata niya. Bakit hindi ko na lang din panindigan? Tutal iyon naman ang tingin niya sa akin. Iyon ang gustong palabasin ni Mama. That I am a bad daughter. May mababago pa ba kung magsasalita ako o ipagtanggol ko ang sarili ko sa kanila?Ang hirap lang kasi, simula pa noong bata ako ay labis ko ng kinukuha ang loob niya pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon. Ginagawa ko naman ang lahat para maging proud siya sa akin. But of course, dahil hindi naman ako nanggaling sa kanya ay mas pabor siya sa tunay niyang anak. Muli akong sumalo sa sa kanila sa hapag. Ilang minuto na lang ay sumunod din si Lucas. Lukot ang mukha nito at halos hindi maipinta. "What took you so long?" malambing na tanong ni Olivia sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghaplos niya sa bisig ni Lucas. At ang mukhang niyang halos hindi maipi
Lucas POVI was so piss. Wala talagang pinipiling oras si Michelle para sirain ang araw ko. Making that bold statement at talagang nagawa pa niyang ipamukha na may kahalayan kaming ginagawa.I grab my tie. Niluwagan ko iyon dahil nasasakal ako sa umusbong na iritasyon."Sorry sa inasal ng kapatid mo, Luke," hinging paumanhin ni Olivia. "Hindi ko alam kung bakit nagagalit siya pero sana intindihin mo lang siya...""Don't apologize for her, Liv.. She just doesn't know how to stop! She should apologize to you. Not the other way around. Mas may malaki siyang kasalanan sa iyo!" naibulalas ko dahil sa matinding inis. Huli na noong mapagtanto kong hindi ko dapat iyon sinabi. "Anong kasalanan?" nagtatakang tanong niyang muli sa akin. Nabigla ako. Hindi ako makaapuhap ng isasagot."I..." For the first time, I stutter. Hindi ko alam kung aaminin ko ba sa kanya ang sitwasyon.Bigla siyang ngumiti. "Dahil ba sa hindi niya man lamang ako dinalaw sa hospital? Or even try to save my life?" siya
Michelle's POVMabigat ang ulo ko nang gumising kinaumagahan. Kagabi kasi ay hindi naman ako agad nakatulog. Madaling araw na yata nang hilain talaga ako ng antok. Kaya halos apat na oras lang ang itinulog ko. I showered and prepared myself. Pagkatapos ay bumaba na ako para sana pumunta sa kusina. Pero sa hagdan pa lamang ay naririnig ko na ang pagtatalo nila mama at papa sa may dining area. "Saan? Saan mo dinala ang mga pera? Bakit nawala?" histerikal na sigaw ni Mama. Kasunod ay ang pagkabasag ng pinggan. "Wala nga! Mababawi din natin iyon..." sagot naman ni papa. Pasigaw din."Wala? Lagi mong sinasabing wala! Pero halos wala ng laman ang bangko natin! Ilang negosyo na ang isinara mo!"Napailing-iling na lang ako. Ngayon ay maliwanag na sa akin ang lahat. Nalulugi na ang mga negosyo ni papa kaya halos pinaalis na nila ang ilang mga katulong. Mukhang papasok na naman akong gutom. At imbes na makuha ko ang baon na ni-prepare ni nanay Susan ay maiiwan pa iyon. Sa canteen na lang a
Lucas POV"When are you going to move in?" Hindi ko naman sana balak tanungin siya. Pero ewan ko, biglang bumulalas iyon sa bibig ko na Tila may sariling isip.When I saw her, it irritated me. Pero gusto ko na lang matapos ang pakikipagmatigasan sa kanya. All along ay tama siya. I need to marry her because she saves Olivia—the woman I love and want to protect and save as well. Three years of being married to her and staying on the same roof is not easy. But I need to do it."Don't be so happy. Alam mo kung anong impiyerno ang pinasok mo!" As I pushed her away from me, I've noticed her face. Her right cheek is kind of swollen. Napatitig ang mga mata ko roon pero pinigilan ko ang sarili kong magtanong. Baka iba ang isipin niya."You may go. Just tell Robert when you want to move in..."Ngumiti siya sa kabila ng coldness na ipinapalita ko sa kanya. Naningkit ang mga mata niya sa pagkakangiti.Nang makaalis siya ay nahulog ako sa malalim na pag-iisip. What was really happening in their
Bahala na...Sa natitirang katinuan sa aking isip ay nagawa kong kumalas sa pagkakahalik kay Olivia."Luke?" May mababanaag na hinanakit sa mukha niya nang tingalain ako. "You... don't you want me?" Umiling ako. Puno ng pagmamahal na niyakap ko siya. Kahit pa nga may pagpupumiglas siya dahil nasaktan ko siya nang muli ay hindi ko siya mapagbigyan sa gusto niyang mangyari. I love her and respect her so much. Pero kailangan ko siyang tanggihan ng paulit-ulit."I love you, Liv...""You don't love me!" she pushes me. "Hindi mo talaga ako mahal! Ilang beses mo na ba akong tinanggihan ng ganito? Luke, can't you see? Ipinagduduldulan ko na ang sarili ko sa iyo!" She said hysterically. Shouting. Walang pakialam kung marinig siya ng kanyang ina o ang kasama sa kanilang bahay. Umurong tuloy ako sa plano kong sabihin ang totoo. Kung ganito siya ngayon, paano pa kaya kung sabihin kong kinasal ako sa kapatid niya. Even if I did it for her, alam kong hindi niya tatanggapin iyon. "Luke...am I n
Lucas POVPagkatapos magpaalam kay Olivia ay agad na rin akong umuwi. Habang nasa daan pauwi ay nag-ring ang cellphone ko. Nang makitang ang pinsan kong si Drake iyon ay agad kong sinagot. "Lucas, where are you? Come here at Nightingale Club," bungad agad niya. "It's late," sagot kong walang kagana-gana. I'm tired. Sa nangyari buong araw, pagod na pagod ako."Oh, come on, Lucas. It's Saturday tomorrow. Walang pasok. Puwede kang mag-party kahit minsan lang," pamimilit nito. Hindi ako sumagot. Napatingin sa akin si Robert pero hindi din nagsalita. "Birthday ni Zoe, sa mga ganitong okasyon ka na lang namin nakakasama kaya better be here," dagdag ni Drake na parang pinagbabantaan pa ako. Zoe is our cousin. Kagagaling lang din niya sa ibang bansa. Hindi ko pa siya nakikita o nakakausap simula noong nakauwi siya. I'm too busy. "We will wait for you here, kay? Kapag hindi ka dumating, we will bug you all week," sabi niya tsaka niya ako binabaan ng tawag. Hindi binigyan ng pagkakataong
Lucas POVShe's beautiful...Pero imbes na ma-impress ako ay nakaramdam ako ng matinding iritasyon."Can...I get your orders?" muli niyang tanong sa amin. "Oh, yeah! Can we have..."Zoe was ordering. Michelle was writing it down. Panaka-nakang napapasulyap siya sa akin na para bang may gagawin akong masama. Isinandal ko ang aking likod sa upuan habang hawak ang baso na may lamang alak. Sumimsim ako roon habang hindi tinatanggal ang mga mata kay Michelle. Making her uncomfortable. Kitang kita iyon sa kilos niya. "Iyon lang po ba?" paniniguro niya sa mga orders ni Zoe. "Give us more drinks.. " sabi ko naman na inihiwalay ang tingin sa kanya nang balingan ako. "Sure," sabi niyang tumalikod na papunta sa pinto. "You know her?" tanong ni Drake hindi pa man nakakaalis si Michelle. Napatigil pa nga ito. Maybe she wants to hear what I'm going to answer."Not an important one!" sagot kong nilakasan pa para marinig niya ng malinaw. Tuluyan na siyang umalis.Nakataas ang kilay ni Zoe nang
Michelle's POVHe kissed me. I should be happy dahil siya ang gumawa ng unang hakbang para halikan ako. Pero hindi...Tears streamed down my eyes. His kiss was so lacked of gentleness. Mapagparusa ang halik na ginagawad niya sa akin. It's a devils kiss. No love at all.When he felt my tears ay tumigil siya sa paghalik sa akin. In an instant, the look in his eyes is full of disgust. Nagawa pa nga niyang punasan ang mga labi niya sa harap ko na tila ba diring-diri sa akin."Don't work here ever again! If you do, hindi na matutuloy pa ang kontrata natin!" banta niya.Binitiwan niya ako at saka iniwang mag-isa roon. Natutop ko ang bibig ko ng imbes na tumigil sa pag-iyak ay lalo akong nakaramdam ng panlulumo. Nakaramdam ng awa sa sarili. Pinaramdam niya sa akin na wala akong kuwenta.I'm doing this to survive! Gusto kong mag-ipon sakaling wala na akong mapuntahan ay may pera ako. Dahil ramdam kong anumang oras ay mawawalan ako ng pamilya. Pamilyang hindi naman ako itinuring na pamilya. Th
MICHELLE'S POINT OF VIEW"Ah!" sigaw ko nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwartong kinaroroonan ko. Hindi ko pala iyon nai-lock at ngayon nga ay heto, nagkagulatan kami ni Lucas.Kagagaling ko pa lamang sa banyo para magshower. Wala din akong suot na kahit ano dahil kakatanggal ko lamang ang tuwalyang nakabalabal sa katawan ko para sana tuyuin ang buhok ko.Gulat na gulat ako pero maging si Lucas ay alam kong hindi inaasahan na makikita ako sa ganoong ayos. Paano ay parang natulala na siya sa kinatatayuan ni hindi man lamang kumurap."Can you get out!"sigaw ko sa kanya. Nagawang kunin ang tuwalya at bastang itinakip na lang sa harap ko. Niyakap ko iyon dahil wala na akong pagkakataong ibalabal muli iyon.Sa pagsigaw kong iyon ay parang nagising siya. Agad siyang tumalikod pero hindi naman umalis."Did you plan this?" bigla na lamang niyang akusa. Kumunot ang noo ko? Plan what?"Sinadya mong hindi i-lock ang pinto para makita kitang ganyan. Wala ka ba talagang delikadesa, Miche
LUCAS Point of View What the!? Hindi ako nakahuma sa ginawang pagsuka sa akin ni Michelle. Ni hindi ko nga siya naitulak palayo sa akin dahil sa gulat ko. I also barf when the smell of her vomit reaches my nose. Mahinang itulak ko siya as my hands reach my nose to cover it. Now, hindi lang siya ang kailangan magpalit. Maging ako ay kailangang makaligo at magpalit dahil sa ginawa ni Michelle na pagsuka sa akin. Sinadya niya ba ito? Fùck! Nakangisi siyang tumingala sa akin. Like she's so happy vomiting to me. Mariin at galit ko siyang tinitigan. "What? I will not apologize, Lucas. You deserved that!" angil niya sa akin na para bang inaamin niya na sinadya nga niya ang ginawa. Gusto ko siyang sigawan, but I can't take my hands over my nose. I will barf again if I smell her vomit! "Lucas..." Buti na lang at dumating na si Robert. Nanlaki ang mga mata niya nang madatnan kami sa ganoon ayos ni Michelle. "Take her away!" utos ko na parang nangongongo dahil sa pagkaka-cover ng
MICHELLE'S POINT OF VIEW Napasapo ako sa aking ulo nang magising. Impit na napaungol dahil sa sakit na nanggagaling sa gilid ng aking ulo. Parang binibiyak iyon at pinupukpok ng martilyo. "Naku, Michelle, huwag ka munang bumangon."Narinig ko ang boses ni Manang Bebang kaya kahit na hirap na hirap ay bumaling ako sa kanya. "Saan ako, Manang?""Nasa hospital ka ngayon Michelle. Kumusta ang pakiramdam mo?" May pag-aalalang tanong ni Manang Bebang. Parang maiiyak na rin ang boses niya. Parang kanina pa nagpipigil."Ano pong nangyari?" Inapuhap ko ang aking ulo. Napakunot noo ako nang makapa ang makapal na benda na nakapalibot doon. Bakit nga ba ako naroon? Ang huling naalala ko ay sumugod ako sa mga tauhan ni Lucas dahil ginigiba na nila ang karinderya."Aksidenteng nahulugan ka ng kahoy, Michelle. Kasalanan ko ito. Hindi ko sinabi sa iyo ang kalagayan ng karinderya..." mangiyak-ngiyak na saad ni Manang Bebang. Kinuha ko ang kamay niya at nakangiting umiling. "Wala kang kasalanan
LUCAS POINT OF VIEW I saw how she gets shocked. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Tinalikuran ko naman siya pagkatapos masatisfy sa naging reaction niya."You're bluffing!" asik niya dahilan upang mapatigil ako sa paghakbang.Muli akong humarap sa kanya. Nakangisi. Making fun of her. "Do you want to watch how I will end that business, Michelle?" ika kong puno ng kompiyansa. Alam niyang kaya kong gawin iyon isang pitik lang ng mga daliri ko. Naglakad ako papunta sa aking lamesa. Kinuha ko ang cellphone ko. Pumindot at may tinawagan. "You can start the demolition right away..." utos ko sa tinawagan kong nakaantabay sa desisyon ko.Nanlaki ang mga mata ni Michelle. "Bakit mo ba ginagawa sa akin ito, Lucas?" Hindi niya mapigilang bulalas. Unti-unti kong nabubuwag ang katapangan na ipinapakita niya.."You know why, Michelle. Hindi mo na dapat tanungin pa iyan..." Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa aking mesa. Muli akong naupo habang hini
Michelle's Point of ViewHanggang sa dumating ang Lunes ay hindi ako pinatahimik ng agam-agam sa sistema ko tungkol sa banta ni Lucas. I know he is capable of doing it. Kaya nga halos hindi ko makatulugan ang banta niyang iyon."Maxine, bakit parang nalugi kang Bombay diyan? Kung makasalumbaba ka diyan parang namatayan ka ng isang kuko!" hirit ni Lorraine sa akin. Kinakausap niya ako pero hindi ko siya pinapansin."Gutom ka ba? Gusto mong kumain?"Napatingin ako sa kanya nang mabanggit niya ang pagkain. Nagugutom na nga ako. Madali akong gutumin ngayon dahil sa sunod-sunod na trabahong ginagawa ko."Lunch time na ba?"tanong kong napatingin sa orasan na nasa dingding. Lunch time na nga. "Tara sa canteen," yaya sa akin ni Lorraine pero umiling ako. "Dito ako kakain. May baon ako," sabi ko. Ilang linggo na rin akong hindi sumasabay sa kanila dahil wala akong pera pambili sa canteen. Kung meron man ay iniipon ko iyon para makakuha ng sariling titirhan. Nahihiya na ako kay Manang Bebang
Michelle's Point of View Habang nag-se-serve ay naramdaman ko ang hakbang papalapit sa akin. Mabilis akong humarap at nakangiting muling binati si Robert. "Maupo ka," ika kong ini-offer sa kanya ang kalilinis lamang na mesa.Mabait si Robert. Iyon ang una kong napansin nang kausapin niya ako without any formalities. Naging panatag ang loob ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay naiintindihan niya ako. He even offered me help pero tinanggihan ko. Baka kasi magkaroon pa ng problema kung malaman ni Lucas. "Gusto mo ba ng kape?" tanong kong muli siyang nginitian. Pero hindi ko alam kung bakit hindi man lamang siya sumagot o ngumiti lamang gaya ng dati. Nakatingin lamang siya sa akin ng seryoso. Parang may gustong ipahiwatig ang mga titig niya sa akin.Inalis ko ang tingin ko sa kanya nang may kumalabit sa aking tagiliran. Isa sa masugid naming kustomer iyon."Bakit po Manong Benito?" tanong ko.Nakita kong may tinitingnan ang mga ito pero hindi ko iyon pinansin. "Do you have brewed coffee?
Lucas Point of View Kababalik ko lang galing US. It's been a week since then. Wala naman akong natanggap na problema sa kompanya galing kay Robert. I know he is capable of running the company while I'm away. Olivia settled well. Nagkaroon man ng kaunting aberya pero maayos siya. She lived alone in my apartment back there. Pero susunod din ang ina niya para may makasama at hindi siya mag-isang manirahan doon. Sa pagtira naming dalawa sa apartment, nalaman kong wala siyang alam gawin na gawaing bahay. She doesn't know how to cook in a rice cooker. Maybe because she was pampered at laging may katulong sa kanila. Ngayon na nasa Pinas na akong muli at wala na si Olivia ay magagawa ko na ang dapat kong gawin na hindi siya iniisip. "Nagawa mo ba ang pinapagawa ko?" tanong ko kay Robert pagkasay sa sasakyan. He picked me up at the airport. Lumingon siya sa akin habang hindi pa pinapaandar ang sasakyan. "Oo. She's currently living with a friend," sagot niya. "And..." "Pumapaso
Lucas Point of View No way! My eyes were stuck like a magnet. Nakita ko kasi ang ama nila Olivia. May kasama at kaakbay itong babae papunta sa isang hotel. Nakuyom ko ang kamao ko. So this is where he puts his money? Sa babae. "Ngayong kasal ka na sa anak ko, baka puwede mo akong tulungan sa negosyo ko Lucas," naalala kong sabi niya noong mag-usap kami sa opisina niya. Gusto kong matawa. Sinasabi ko nga nga ba. Hindi na niya hinintay pang makasal ako sa totoong mahal ko. Inilabas na niya ang tunay niyang pagkatao. "Lucas, hindi na masama si Michelle. Matigas ang ulo niya pero tinitiyak ko, mapagsisilbihan ka niya," sabi pa niya. "I don't love her," sabi ko dahilan upang mapatayo siya. Tinapik niya ako sa balikat. "Pinakasalan mo na siya, Lucas. Kung hindi mo siya mahal, you can use her. Sa kama...Maganda naman at seksi. Then you can have Olivia..." Tinampal ko ang mesa. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa galit. Ibinubugaw ba niya ang mga anak niya sa akin? Anong klase
Lucas Point of ViewI went back to the sofa and sat down. Waiting for her to come inside.Napapikit ako. Naglalaro pa rin sa isip ko ang itsura niya kanina.Nakamasid ako sa kanya sa camera. Our guard advised me that she had come home already. Tinawagan ko kasi ang guard at ibinilin na tumawag kapag dumating siya.Kanina, noong nakatitig siya sa doorbell, I know nagdadalawang isip siya na pindutin iyon. Maybe because it's too late already. Natigilan ako nang bigla siyang naupo sa hagdan na semento at hindi na pumindot sa doorbell. Naka-ready na akong pagalitan siya dahil sa pag-alis niya ng hindi nagpapaalam. "Para kayong si Lucas, nakikita ng mga mata pero mahirap abutin ng mga kamay..."I am hearing what she's saying. I don't know what to feel or what to do. Basta pinapanood ko lamang siya sa monitor."Buti pa kayo, maraming kasama. Sabay-sabay kumikinang sa kalangitan. Kapag ba naging butuin ako, may kasama na ako at kikinang na rin. Kaiinggitan na ba ako ng kung sino?" Kumunot