Lucas Point of View Kababalik ko lang galing US. It's been a week since then. Wala naman akong natanggap na problema sa kompanya galing kay Robert. I know he is capable of running the company while I'm away. Olivia settled well. Nagkaroon man ng kaunting aberya pero maayos siya. She lived alone in my apartment back there. Pero susunod din ang ina niya para may makasama at hindi siya mag-isang manirahan doon. Sa pagtira naming dalawa sa apartment, nalaman kong wala siyang alam gawin na gawaing bahay. She doesn't know how to cook in a rice cooker. Maybe because she was pampered at laging may katulong sa kanila. Ngayon na nasa Pinas na akong muli at wala na si Olivia ay magagawa ko na ang dapat kong gawin na hindi siya iniisip. "Nagawa mo ba ang pinapagawa ko?" tanong ko kay Robert pagkasay sa sasakyan. He picked me up at the airport. Lumingon siya sa akin habang hindi pa pinapaandar ang sasakyan. "Oo. She's currently living with a friend," sagot niya. "And..." "Pumapaso
Michelle's Point of View Habang nag-se-serve ay naramdaman ko ang hakbang papalapit sa akin. Mabilis akong humarap at nakangiting muling binati si Robert. "Maupo ka," ika kong ini-offer sa kanya ang kalilinis lamang na mesa.Mabait si Robert. Iyon ang una kong napansin nang kausapin niya ako without any formalities. Naging panatag ang loob ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay naiintindihan niya ako. He even offered me help pero tinanggihan ko. Baka kasi magkaroon pa ng problema kung malaman ni Lucas. "Gusto mo ba ng kape?" tanong kong muli siyang nginitian. Pero hindi ko alam kung bakit hindi man lamang siya sumagot o ngumiti lamang gaya ng dati. Nakatingin lamang siya sa akin ng seryoso. Parang may gustong ipahiwatig ang mga titig niya sa akin.Inalis ko ang tingin ko sa kanya nang may kumalabit sa aking tagiliran. Isa sa masugid naming kustomer iyon."Bakit po Manong Benito?" tanong ko.Nakita kong may tinitingnan ang mga ito pero hindi ko iyon pinansin. "Do you have brewed coffee?
Michelle's Point of ViewHanggang sa dumating ang Lunes ay hindi ako pinatahimik ng agam-agam sa sistema ko tungkol sa banta ni Lucas. I know he is capable of doing it. Kaya nga halos hindi ko makatulugan ang banta niyang iyon."Maxine, bakit parang nalugi kang Bombay diyan? Kung makasalumbaba ka diyan parang namatayan ka ng isang kuko!" hirit ni Lorraine sa akin. Kinakausap niya ako pero hindi ko siya pinapansin."Gutom ka ba? Gusto mong kumain?"Napatingin ako sa kanya nang mabanggit niya ang pagkain. Nagugutom na nga ako. Madali akong gutumin ngayon dahil sa sunod-sunod na trabahong ginagawa ko."Lunch time na ba?"tanong kong napatingin sa orasan na nasa dingding. Lunch time na nga. "Tara sa canteen," yaya sa akin ni Lorraine pero umiling ako. "Dito ako kakain. May baon ako," sabi ko. Ilang linggo na rin akong hindi sumasabay sa kanila dahil wala akong pera pambili sa canteen. Kung meron man ay iniipon ko iyon para makakuha ng sariling titirhan. Nahihiya na ako kay Manang Bebang
LUCAS POINT OF VIEW I saw how she gets shocked. Hindi makapaniwalang napatingin siya sa akin habang nanlalaki ang mga mata. Tinalikuran ko naman siya pagkatapos masatisfy sa naging reaction niya."You're bluffing!" asik niya dahilan upang mapatigil ako sa paghakbang.Muli akong humarap sa kanya. Nakangisi. Making fun of her. "Do you want to watch how I will end that business, Michelle?" ika kong puno ng kompiyansa. Alam niyang kaya kong gawin iyon isang pitik lang ng mga daliri ko. Naglakad ako papunta sa aking lamesa. Kinuha ko ang cellphone ko. Pumindot at may tinawagan. "You can start the demolition right away..." utos ko sa tinawagan kong nakaantabay sa desisyon ko.Nanlaki ang mga mata ni Michelle. "Bakit mo ba ginagawa sa akin ito, Lucas?" Hindi niya mapigilang bulalas. Unti-unti kong nabubuwag ang katapangan na ipinapakita niya.."You know why, Michelle. Hindi mo na dapat tanungin pa iyan..." Nagpatuloy ako sa paglalakad patungo sa aking mesa. Muli akong naupo habang hini
MICHELLE'S POINT OF VIEW Napasapo ako sa aking ulo nang magising. Impit na napaungol dahil sa sakit na nanggagaling sa gilid ng aking ulo. Parang binibiyak iyon at pinupukpok ng martilyo. "Naku, Michelle, huwag ka munang bumangon."Narinig ko ang boses ni Manang Bebang kaya kahit na hirap na hirap ay bumaling ako sa kanya. "Saan ako, Manang?""Nasa hospital ka ngayon Michelle. Kumusta ang pakiramdam mo?" May pag-aalalang tanong ni Manang Bebang. Parang maiiyak na rin ang boses niya. Parang kanina pa nagpipigil."Ano pong nangyari?" Inapuhap ko ang aking ulo. Napakunot noo ako nang makapa ang makapal na benda na nakapalibot doon. Bakit nga ba ako naroon? Ang huling naalala ko ay sumugod ako sa mga tauhan ni Lucas dahil ginigiba na nila ang karinderya."Aksidenteng nahulugan ka ng kahoy, Michelle. Kasalanan ko ito. Hindi ko sinabi sa iyo ang kalagayan ng karinderya..." mangiyak-ngiyak na saad ni Manang Bebang. Kinuha ko ang kamay niya at nakangiting umiling. "Wala kang kasalanan
LUCAS Point of View What the!? Hindi ako nakahuma sa ginawang pagsuka sa akin ni Michelle. Ni hindi ko nga siya naitulak palayo sa akin dahil sa gulat ko. I also barf when the smell of her vomit reaches my nose. Mahinang itulak ko siya as my hands reach my nose to cover it. Now, hindi lang siya ang kailangan magpalit. Maging ako ay kailangang makaligo at magpalit dahil sa ginawa ni Michelle na pagsuka sa akin. Sinadya niya ba ito? Fùck! Nakangisi siyang tumingala sa akin. Like she's so happy vomiting to me. Mariin at galit ko siyang tinitigan. "What? I will not apologize, Lucas. You deserved that!" angil niya sa akin na para bang inaamin niya na sinadya nga niya ang ginawa. Gusto ko siyang sigawan, but I can't take my hands over my nose. I will barf again if I smell her vomit! "Lucas..." Buti na lang at dumating na si Robert. Nanlaki ang mga mata niya nang madatnan kami sa ganoon ayos ni Michelle. "Take her away!" utos ko na parang nangongongo dahil sa pagkaka-cover ng
MICHELLE'S POINT OF VIEW"Ah!" sigaw ko nang bigla na lang bumukas ang pinto ng kuwartong kinaroroonan ko. Hindi ko pala iyon nai-lock at ngayon nga ay heto, nagkagulatan kami ni Lucas.Kagagaling ko pa lamang sa banyo para magshower. Wala din akong suot na kahit ano dahil kakatanggal ko lamang ang tuwalyang nakabalabal sa katawan ko para sana tuyuin ang buhok ko.Gulat na gulat ako pero maging si Lucas ay alam kong hindi inaasahan na makikita ako sa ganoong ayos. Paano ay parang natulala na siya sa kinatatayuan ni hindi man lamang kumurap."Can you get out!"sigaw ko sa kanya. Nagawang kunin ang tuwalya at bastang itinakip na lang sa harap ko. Niyakap ko iyon dahil wala na akong pagkakataong ibalabal muli iyon.Sa pagsigaw kong iyon ay parang nagising siya. Agad siyang tumalikod pero hindi naman umalis."Did you plan this?" bigla na lamang niyang akusa. Kumunot ang noo ko? Plan what?"Sinadya mong hindi i-lock ang pinto para makita kitang ganyan. Wala ka ba talagang delikadesa, Miche
MICHELLE'S POINT OF VIEWDahil sa aksidente at muling pagkakabuka ng sugat ko sa ulo ay hindi ako pinayagang pumasok muna sa trabaho ng doctor. At dahil amo ko si Lucas sa kompanya at sa mansiyon, imbes na asawa, ay madali lamang na napagdesisyunan iyon. Pero siyempre, hindi madali iyon sa akin. Dahil kahit na pumayag siya ay alam kong hindi iyon bukal sa kanyang kalooban. He wants me to suffer at hindi umaayon iyon sa mga nangyayari ngayon.Dinala nga ni Nanay Susan ang mga damit na hindi na ginagamit ng kapatid ni Lucas kinaumagahan. Kumpleto na iyon. Maging underwear ay meron na rin at mga bago. Halatang mamahalin ang mga iyon dahil branded pa."Huwag kang mag-alala. Walang magagawa si Lucas dahil ako mismo ang nagpaalam kay Sonia na ipamigay na lang ang mga naiwang damit niya dito," sabi ni Nanay Susan nang inaayos niya sa closet ang ilang mga damit. Kaya naman pala. Akala ko ay kusang loob na ibinigay iyon ni Lucas dahil sabi ni Nanay ay ipinakuha iyon ni Lucas. Mukhang napilit
Michelle's Point of View "Michelle, okay ka na ba? Musta ang chicken pox mo, hindi na ba nakakahawa?" tanong ni Lorraine sa akin. Hindi ko alam kung sino ang gumagawa ng dahilan kapag umaabsent ako pero hindi na siya kapani-paniwala. Dalawang araw lamang akong hindi pumasok. Chicken pox talaga? Ano ako, si Super Woman? Gumagaling agad?"Allergy lang iyon, Lorraine. Napagkamalang chicken pox," sabi ko na lang. Hirap ipagtanggol ng kung sinong gumagawa ng kuwento kapag absent ako.Sinipat akong mabuti ni Lorraine. Maging ang kutis ko sa kamay. Maging sa leeg ko ay sinilip niya. Pero natigilan siya bigla at humarap sa akin na nagdududa."Ano iyan?" ika niyang may itinuro sa may leeg ko. Bigla akong nag-alala. Hindi kaya nagkaroon na talaga ako ng chicken pox? Huwag naman sana. "It looks like a chikinini!" aniyang agad kong ikinapula ng mukha. What did she say?"Nagkakamali ka," ika kong pinabulaan ang sinasabi niya pero hindi siya tumigil. Kinuha niya ang cellphone niya at ni-pictu
LUCAS POINT OF VIEW Nase-sense ko na hindi palagay si Michelle na nasa kuwarto niya ako. Ako din naman. Iyong pagsamahin kami sa iisang silid, it's a big no for me. She's on the other side of the bed. Sobrang nasa gilid. Ako naman ay nasa paanan ng kama niya. Nakaupo lamang doon. Waiting for perfect timing to move to my room. Hinihintay ko lang na makatulog sila Nana para makaalis na ako.Tahimik siya. Tahimik ako. Parehong nakikiramdam sa isa't isa. Galaw lamang siya ng galaw kaya nairita ako. "Can you stop moving!" Napalingon ako sa kanya. Nakabaluktot siyang patagilid. Pagkatapos ay babaliktad na naman siya sa kabila. Nakakahilo ang ginagawa niya. "Puwede bang umalis ka na kasi sa kuwarto ko," sabi niyang napaupo na sa kama. Nakasandig ang likod niya sa headrest.Tinaasan ko siya ng kilay. "Why? Are you afraid something might happen again? Don't worry, nasa matinong pag-iisip na ako. Hindi na ako papatol o papatulan ang cheap trick mo!"sabi kong tumayo na. It's already ten in
LUCAS POINT OF VIEW I went out of my office. Wala pang segundo iyon simula noong umalis si Michelle. Mabilis akong bumaba at nang makita ko sila sa sala ay agad akong lumapit. Nakatayo si Michelle sa harapan ni Nana. Ang kamay niyang napaso ay nakalagay sa likod na para bang itinatago niya iyon sa matatanda. "Lucas, narito ka pala. Inutusan mo pa si Michelle na siyang magpasalamat sa akin," sermon ni Nana na ipinagtaka ko. So hindi nagsumbong si Michelle. Means kaya nasa likuran ang mga kamay niya ay talaga ngang itinatago niya iyon para hindi makita. At nagawa pa niyang magpasalamat in behalf of me. I don't need it!Napasilip ako sa kamay niya nnang tumabi ako sa kanya. Namumula na iyon ng husto.Imbes na magpasalamat kay Nana ay hinawakan ko sa kamay si Michelle. "Aray!" "Lucas. Be gentle to your wife..." babala ni Nana at pinandilatan ako ng mga mata nang biglang mapasigaw si Michelle. Nasaktan ko ang masakit na niyang kamay dahil sa paso.Nabigla lang ako. Nang hilahin ko s
LUCAS POINT OF VIEW Pabalik-balik ako sa paglalakad sa kuwarto ko. Calming myself bago ko harapin muli sila Nana. Hinayaan kong kainin ako ng aking emosyon kung kaya ay nasagot ko siya. Which is so disrespectful to her. Alam kong inaalala lamang niya ako at nagawa ko pa siyang sagutin ng ganoon.I get that. Kapakanan ko ang iniisp nila. I just really don't get why they need to bring the past. Tapos na iyon. Whether I moved on to that or not, it's my choice. It is also my choice if I want to continue doing what I am doing right now. Ang hindi magpapaapekto sa nakaraan na iyon. "Lucas, pinapatawag ka na sa baba," tawag ni Nanay Susan. Kumatok pa siya sa pinto ko. "Kakain na. Ikaw na lang ang hinihintay."Muli akong humugot ng malalim na hininga. Paulit-ulit hanggang sa kumalma kahit kaunti ang pakiramdam ko."Lucas...""Coming, Nay..." I said as I walked to the door. "I just need to change," dagdag ko. "Bilisan mo na diyan..." sabi niya bago umalis.Hinintay ko munang makalayo ang m
Lucas Point of View Nagpupuyos ako ng galit na binagsak ang mga gmit ko sa aking mesa nang makapasok na sa opisina ko. Hindi ko makontrol ang emosyon kong gusto ng sumabog. Lalo na at nakahanap na naman ng kakampi si Michelle. Si Michelle na dapat ay pinaparusahan ko ngayon!"Robert, tell Michelle's department she's not able to come to work today," utos ko kay Robert na nagulat. Alam kong susundin niya naman ako pero parang bantulot siyang sumunod."Is there any problem?" "Wala naman Lucas. It's just...never mind."May gustong sabihin si Robert pero binalewala ko lamang. I need to focus with my work for now. Ayaw kong magpaapekto sa mga walang kuwentang bagay. Lalo na ang Michelle na iyon."As long does my grandparents stay here?" tanong ko kay Robert. Nasa telepono pa ito kaya hindi niya agad ako nasagot."One week lang, Lucas," sagot sa akin ni Robert makailang saglit. Good! One week lang akong magkukunwari.As the day goes by ay unti-unting na-focus ang atensiyon ko sa trabah
MICHELLE'S POINT OF VIEW Parang panaginip ang lahat ng nangyari. Ang bilis na hindi ko na alam kung alin ang totoo. Ang ayaw na ipagsabi ni Lucas ay siya na mismo ang umamin. Sa mismong pamilya pa niya."We are married," ulit niya. Nalilito na ako. Hindi ko alam kung ano ang ire-react. Nang tumingin sa akin ang lola niya na tinawag niyang Nana ay hindi ako makasagot. "Is it true, Michelle?"Parang naputol ang dila ko. Noong tinanong ako kung anong gusto ko, gusto kong sabihin na divorce o lumaya na kay Lucas pero hindi ko masabi dahil wala ngang nakakaalam na kasal kami. Pero ngayon na bigla niyang inamin na kasal nga kami. Parang wala na akong lakas ng loob sabihin iyon kahit na pagkakataon ko ng magsalita.Nakagat ko ang ibabang labi ko. Naglaro ang mga daliri ko dahil sa kaba. Hindi ko alam kung natatandaan pa nila ako. Pero nakita ko na sila noong higschool pa ako. Gaya pa rin sila ng dati. Mababait. And I'm causing them trouble. Hinawakan ni Nana ang mga kamay ko. Making
LUCAS POINT OF VIEW LUCAS!"Malakas na sigaw ang nagpagising sa aking pagkakatulog. Pupungas-pungas akong napabangon. Masakit ang ulo ko dahil sa kalasingan kagabi."What the hèll is this, Lucas?"Nagsalubong ang mga kilay ko as I look to where the screaming is. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kos sila Nana at papa Val na nakatayo sa may pinto. "What?" I said as I was trying to collect myself. Nagulat ako dahil akala ko sa makalawa pa sila darating. "What? You..."Parang mahihimatay si Nana na may itinuro. Nang bumaling ako sa gilid ko ay napamura ako nang malutong. Biglang bumalil ang mga alaala ng nangyari kagabi. Ang kamalas-malasan pa ay nahuli kaming magkatabi. "Get dressed. Both of you! Mag-usap tayo sa baba!"galit an saad ni papa Val. Muli nilang sinara ang pinti at iniwan kaming dalawa ni Michelle.I was fuming mad. Marahas akong umalis sa kama samantalang hinila naman ni Michelle ang kumot para takpan ang kanyang kahubdan.Wala akong pakialam na hubo't hubad na nagp
Lucas Point of View Ngumisi ako nang mabungaran ko si Nanay Susan."Hi, Nay," bati ko sa kanya. "Lasing ka ba, Lucas? Aba'y ano ang nangyari at nagpakalasing ka?" tanong ni Nanay. Inalalayan pa akong makapasok dahil nagkandabuhol-buhol na ang mga paa ko."I'm just happy Nay! Celebrating the happenings in my life!" Tumawa ako."Naku, bata ka..."Inakbayan ko si Nanay Susan. "Bakit gising pa kayo? It's late..."Napaaray ako nang hinampas niya ako sa balikat. "Natutulog na ako! Ikaw lang itong nag-ingay..." singhal niya sa akin. Muling inambahan ng palo.Muli akong tumawa. "I forgot the password..." ika ko but I did not. Hindi ko na lang talaga makita ng maigi ang mga pinipindot ko dahil nanlalabo ang mga mata ko habang nakatingin sa mga numero. "Hala, halika na at aalalayan na kitang umakyat..."Pinigilan ko si Nanay. "Kaya ko na, Nay. Just go and sleep again..."Binitiwan ko siya at nagpatiunang maglakad. I hold the staircase handle to support myself from falling. Tagumpay naman n
Lucas Point of ViewHabang papalapit ang pag-uwi nila Nana at Papa Val ay naging abala rin ako. I don't know what to do with Michelle yet, may nalalabi pa akong araw to think if she will stay or not. Ayaw kong magka-aberya at magkaroon ng problema sa pagdating nila kaya hanggang maaari ay ayaw kong makita nila siya.Minsan na lang silang umuwi and I want them to enjoy as much as they can. Iyong walang iisipin. Michelle might cause a problem if they meet her.Napahilot ako sa aking sentido. May isa pa akong pinoproblema. Her father. Ilang beses na siyang tumatawag sa akin. Isa pa siya sa taong iniiwasan kong maging dahilan ng gulo. For sure, kapag nalaman niyang iuwi sila Nana at papa Val ay gagawa siya ng kaguluhan. Gusto ko iyong iwasan dahil hindi worth na pag-aksayahan sila ng panahon."Lucas, uuwi na ba tayo?"Tiniklop ko ang folder na nasa harapan ko bago harapin si Robert. "No. Call Mr. Asuncion for me, Rob. Tell him to meet me." I need to shut his mouth. And money can do that