Michelle's POV"Let's get divorced!" Mula sa pagkakahiga sa kama ay inaninag ko ang bulto ng lalaking pinagmulan ng katagang unti-unting tumatarak sa puso ko. Katagang dahilan kung bakit wasak ang pakiramdam ko. Katagang kahit ayaw kong pakinggan ay dahilan kung bakit hindi ko pa man oras na mamatay ay tila pinapatay na ako. Katagang kinakatakutan kong marinig. Ayaw kong marinig mula sa asawa ko. "B-bakit?" nanginginig ang boses na tanong ko. Kahit alam ko naman na ang dahilan ay para akong tangang nais pang marinig iyon mula sa bibig ni Lucas. Gustong gusto ko talagang saktan ang sarili ko. At sana, ang sakit na hatid niyang muli ang maging dahilan upang tuluyan na akong mamanhid sa sakit. Dahil ayoko na. Si Lucas na ilang taon pa lamang ako ay minahal na ng puso ko. Si Lucas na pinangarap kong maging asawa. Si Lucas na ngayon ay asawa ko na nga pero hindi ko nagawang paibigin. Hindi niya ako magawang mahalin. Dahil may mahal siyang iba. At kailanman ay hindi ko mapapalitan
Lucas POVHawak ko sa kamay si Olivia habang nakaratay siya sa kanyang hospital bed. Isinugod daw siya sa hospital dahil sa labis na pagdurugo sa ilong niya. I don't know why? She looks healthy. Nawala lamang ako ng isang buwan dahil sa business trip ay ganito na ang aabutan ko. She's sick. Nahihirapan akong makita siya na ganito. "Lord, why are you doing this to us?" impit na pagkausap ko sa Itaas. Olivia is the love of my life. Magpapakasal pa kami eh. Bubuo pa kami ng pamilya. But why? Why God do this to us? Bakit ngayon pa pagkatapos ko siyang ayain na magpakasal.She was diagnosed with acute leukemia. The only way to save her life is to have a bone marrow transplant. As soon as possible. But we can't find a match for her. Not even her mother nor her father is a match. Sinubukan ko na rin pero hindi kami magka-match. Mas humigpit ang pagkakahawak ko sa kamay niya. Nakausap ko na ang mga doctor. I am ready to spend millions just to make her alive. Save her. But he said she was
Michelle's POV"You may kiss the bride," masayang saad ng Judge pagkatapos naming pirmahan ni Lucas ang papel sa aming harapan..Nakangiti ako at maluha-luha nang marinig iyon. Sa wakas, ikinasal na ako sa taong minahal ko ng matagal na panahon. Nangniningning ang mga mata kong humarap sa lalaking pinakasalan ko. Pero mabilis na napawi ang ngiti sa mga labi ko nang magtagpo ang mga mata namin. Imbes na masaya ay ang galit ni Lucas ang nakikita ko sa mga mata niya. Nanlilisik iyon at napakadilim ng awra na nanggagaling sa kanya. Alam ko, galit na galit ang kalooban niya dahil ang kagustuhan ko ang nasunod."Are you happy now?" uyam na saad niya. Humakbang siya palapit sa akin. Nakakatakot ang ngiti niya sa mga labi. Parang may kung anong nakatago roon. Sa likod ng ngiti na iyon ay matinding galit. "Maging masaya ka ngayon. But remember, dinala mo lang ang sarili mo sa impiyerno. Huwag na huwag ka sanang magsisisi sa pinili mo, Michelle. You can't blame me either if you live in sorrow!
Lucas POV"Robert, prepare the papers. And tell Miss Asuncion to come in my office," utos ko sa aking secretary. Agad naman siyang tumalima. Alam na niya ang ibig kong sabihin. Dinala niya ang envelope na galing sa attorney ko. Inilapag niya iyon sa harap ko. Pagkatapos ay nagpaalam siyang bababa na para tawagin si Michelle. Nabalitaan kong nakabalik na ang babae after the procedure ng pagdo-donate niya sa kanyang bone marrow. The doctor suggested doing it in a private setting, kaya, I did arrange a clinic for all of them to stay. It took only hours to do it. But I am kind enough to give Michelle a whole week of break just to recuperate. Kung sobrang sama kong tao, baka hinayaan ko na lang siya. But I am not, isa pa, iniisip kong baka kailangan pa siya ni Olivia. They are a match. Hindi na ako mahihirapan pang maghanap ng ka-match ni Olivia kapag nagkataon.Dahil hindi gusto ni Michelle na malaman ng pamilya niya na siya ang donor ay in-arrange ko ang lahat. Kaming dalawa lamang at
Michelle's POVSign or leave it...Iyon lamang ba talaga ang choices na maari kong pagpilian? Either sa dalawa ay wala akong gustong gawin. Hindi ko rin pakikinabangan. Ako pa rin ang talo. Hindi ko gustong idiborsyo agad ako ni Lucas. Dahil alam ko, babalik siya agad kay Olivia kapag nagkataon na pinagbigyan ko siya. "Three years! Iyan lang ang maibibjmigay ko para sa atin bilang kasal..." muling umalingawngaw sa pandinig ko ang boses ni Lucas.Pinigilan ko ang mga luha ko habang nakatitig sa dokumento. Pilit kong inaalisa ang bawat nilalaman niyon. Pero hindi agad napoproseso sa utak ko ang lahat."Sign it!" muling utos niya. Nagulat ako nang may ballpen na nakalahad sa harapan ko. Tumingala ako at nakasalubong ng mga mata ko ang mga mata ni Lucas na siyang nag-aabot sa akin ng ballpen na iyon. "I...I have one condition," nagawa kong sabihin. Sa nilalaman ng dokumento ay talong talo ako. Kaya hindi ko hahayaang mabalewala lang lahat ng ginawa ko. I will not give up so easily. I wi
Lucas POV"Luke," masayang yumakap sa akin si Olivia nang makita ako. May dala akong pumpon ng bulaklak para sa kanya. Bulaklak na paborito niya. "Sinabi ko ng hindi mo na ako kailangan pang sunduin.""Kung para sa iyo, gagawin ko, Sweetheart," sabi ko. Sabay abot sa kanya ng dala ko.Ngumiti siya nang mas maluwang. My heart felt so much joy seeing her this way. Healthy na siyang tingnan. Binigyan na rin siya ng doctor ng go signal na makauwi. Pero siyempre, she still needs some monitoring."Wala pa ang parents mo?" tanong ko nang mapansin na mag-isa lamang niya doon. "Alam mo naman si Mama. Laging late, iyon...""At sinong laging late?" Mula sa pinto ay saad ng isang babaeng nakasuot ng pulang bestida. Naka-high heels din ito ng kulay na pula. Naka-shades at talaga namang nakapustura.I chose to keep silent kahit na napapataas ang kilay ko sa itsura niya. Or maybe, she's just happy. Whatever it is, its not appropriate what she's wearing. Pinanood ko lang ang paglapit ng babaeng iyo
Lucas POVJust like what I'm feeling, the uneasiness, hindi nga ako nagkamali. Pagkapasok namin sa bahay nila Olivia ay agad na naagaw ng pansin ko ang dalawang taong nakatayo na para bang kanina pa naghihintay sa amin. One of them is Michelle. Nakasuot ito ng apron na para bang isa sa mga katulong."Lucas, tara na sa hapag."Narinig ko naman ang pag-iimbita sa akin ni Mrs. Asuncion pero nakapagkit ang mga mata ko kay Michelle. Maging siya ay nakatingin sa akin. Walang kakurap-kurap. "Ay, naku..." Biglang humarang si Mrs. Asuncion sa paningin ko. Hinarap din nito si Michelle. "Mich, magbihis ka na. Bakit naka-apron ka pa rin?" sita nito sa anak. "Bilisan mo, alis na dito!" aniyang tila tinataboy ito.Gumalaw ang mga labi ko habang pasimpleng sinundan ng tingin si Michelle nang umalis ito. Agad itong pumanhik sa second floor ng bahay nila kung saan ang ilang mga kuwarto. Nagawa pa niyang lumingon sa gawi ko bago tuluyang mawala. "Naku, huwag mong alalahanin si Michelle, Lucas. Pi
Michelle's POV Nakakatawa. Nakakatawa si Lucas. Kung sa tingin niya, mabu-bully niya ako. Nagkakamali siya. Nagawa ko ng gawin na kontrabida ang sarili ko sa mga mata niya. Bakit hindi ko na lang din panindigan? Tutal iyon naman ang tingin niya sa akin. Iyon ang gustong palabasin ni Mama. That I am a bad daughter. May mababago pa ba kung magsasalita ako o ipagtanggol ko ang sarili ko sa kanila?Ang hirap lang kasi, simula pa noong bata ako ay labis ko ng kinukuha ang loob niya pero hindi niya ako binibigyan ng pagkakataon. Ginagawa ko naman ang lahat para maging proud siya sa akin. But of course, dahil hindi naman ako nanggaling sa kanya ay mas pabor siya sa tunay niyang anak. Muli akong sumalo sa sa kanila sa hapag. Ilang minuto na lang ay sumunod din si Lucas. Lukot ang mukha nito at halos hindi maipinta. "What took you so long?" malambing na tanong ni Olivia sa kanya. Hindi nakaligtas sa paningin ko ang paghaplos niya sa bisig ni Lucas. At ang mukhang niyang halos hindi maipi
Michelle's Point of View Habang nag-se-serve ay naramdaman ko ang hakbang papalapit sa akin. Mabilis akong humarap at nakangiting muling binati si Robert. "Maupo ka," ika kong ini-offer sa kanya ang kalilinis lamang na mesa.Mabait si Robert. Iyon ang una kong napansin nang kausapin niya ako without any formalities. Naging panatag ang loob ko sa kanya dahil pakiramdam ko ay naiintindihan niya ako. He even offered me help pero tinanggihan ko. Baka kasi magkaroon pa ng problema kung malaman ni Lucas. "Gusto mo ba ng kape?" tanong kong muli siyang nginitian. Pero hindi ko alam kung bakit hindi man lamang siya sumagot o ngumiti lamang gaya ng dati. Nakatingin lamang siya sa akin ng seryoso. Parang may gustong ipahiwatig ang mga titig niya sa akin.Inalis ko ang tingin ko sa kanya nang may kumalabit sa aking tagiliran. Isa sa masugid naming kustomer iyon."Bakit po Manong Benito?" tanong ko.Nakita kong may tinitingnan ang mga ito pero hindi ko iyon pinansin. "Do you have brewed coffee?
Lucas Point of ViewKababalik ko lang galing US. It's been a week since then. Wala naman akong natanggap na problema sa kompanya galing kay Robert. I know he is capable of running the company while I'm away.Olivia settled well. Nagkaroon man ng kaunting aberya pero maayos siya. She lived alone in my apartment back there. Pero susunod din ang ina niya para may makasama at hindi siya mag-isang manirahan doon. Sa pagtira naming dalawa sa apartment, nalaman kong wala siyang alam gawin na gawaing bahay. She doesn't know how to cook in a rice cooker. Maybe because she was pampered at laging may katulong sa kanila. Ngayon na nasa Pinas na akong muli at wala na si Olivia ay magagawa ko na ang dapat kong gawin na hindi siya iniisip."Nagawa mo ba ang pinapagawa ko?" tanong ko kay Robert pagkasay sa sasakyan. He picked me up at the airport.Lumingon siya sa akin habang hindi pa pinapaandar ang sasakyan."Oo. She's currently living with a friend," sagot niya. "And...""Pumapasok naman siya sa
Lucas Point of View No way! My eyes were stuck like a magnet. Nakita ko kasi ang ama nila Olivia. May kasama at kaakbay itong babae papunta sa isang hotel. Nakuyom ko ang kamao ko. So this is where he puts his money? Sa babae. "Ngayong kasal ka na sa anak ko, baka puwede mo akong tulungan sa negosyo ko Lucas," naalala kong sabi niya noong mag-usap kami sa opisina niya. Gusto kong matawa. Sinasabi ko nga nga ba. Hindi na niya hinintay pang makasal ako sa totoong mahal ko. Inilabas na niya ang tunay niyang pagkatao. "Lucas, hindi na masama si Michelle. Matigas ang ulo niya pero tinitiyak ko, mapagsisilbihan ka niya," sabi pa niya. "I don't love her," sabi ko dahilan upang mapatayo siya. Tinapik niya ako sa balikat. "Pinakasalan mo na siya, Lucas. Kung hindi mo siya mahal, you can use her. Sa kama...Maganda naman at seksi. Then you can have Olivia..." Tinampal ko ang mesa. Hindi ko na mapigilan ang sarili ko sa galit. Ibinubugaw ba niya ang mga anak niya sa akin? Anong klase
Lucas Point of ViewI went back to the sofa and sat down. Waiting for her to come inside.Napapikit ako. Naglalaro pa rin sa isip ko ang itsura niya kanina.Nakamasid ako sa kanya sa camera. Our guard advised me that she had come home already. Tinawagan ko kasi ang guard at ibinilin na tumawag kapag dumating siya.Kanina, noong nakatitig siya sa doorbell, I know nagdadalawang isip siya na pindutin iyon. Maybe because it's too late already. Natigilan ako nang bigla siyang naupo sa hagdan na semento at hindi na pumindot sa doorbell. Naka-ready na akong pagalitan siya dahil sa pag-alis niya ng hindi nagpapaalam. "Para kayong si Lucas, nakikita ng mga mata pero mahirap abutin ng mga kamay..."I am hearing what she's saying. I don't know what to feel or what to do. Basta pinapanood ko lamang siya sa monitor."Buti pa kayo, maraming kasama. Sabay-sabay kumikinang sa kalangitan. Kapag ba naging butuin ako, may kasama na ako at kikinang na rin. Kaiinggitan na ba ako ng kung sino?" Kumunot
Michelle's Point of View "Are you sure about this?" tanong sa akin ng intsik na pinagtanungan ko. Mukhang okay naman ang lugar at mukhang mapagkakatiwalaan ko siya kaya sa kanyang ko ini-offer ang cellphone ko. Nasa sanglaan ako dahil iyon na lang ang last resort ko to have money."It's still new. Kabibili ko lang," sabi ko. Wala pang isang taon sa akin ang cellphone ko na iyon. Binili ko iyon ng forty thousand plus. Pinakamahal na brand ng cellphone iyon. Pinag-ipunan ko dahil nasira ang dati. Mahalaga sa akin iyon dahil mahalaga ang nilalaman. Kaya nga sanla lang ang ginawa ko at hindi ibinenta.Sinipat ng may-ari ng sanglaan ang cellphone ko."I give you 20 thousand," sabi niya. Mababa iyon kumpara sa gusto ko. "Thirty," sabi ko nakipagtawaran. I need more. Ako ang lugi kung hindi ko matubos iyon. Muli niyang sinipat ang cellphone ko. Empty battery pa rin iyon kaya noong i-on niya ay hindi iyon bumukas."It's not working. Sira!" sabi niya sa matigas na tagalog. Umiling ako. "No
Michelle's Point of View Am I scared to be left out?Yes.Am I scared to be alone and lonely?Yes. There's so much feeling consuming my thoughts at this moment. Hindi ko alam kung saan ako pupunta at saan ilulugar ang sarili ko. I have a husband. Pero asawang hindi ko naman masabing asawa ko. Nakakatawa hindi ba? I have nothing.I have no one.Saan ako lulugar gayong wala naman akong ibang patutunguhan. Dahil maski asawa ko, gusto akong mawala sa landas niya. Lumabas ako sa kuwartong kinaroroonan ko. I'm looking for a particular person. Lucas. Naigala ko ang paningin ko sa paligid habang nasa pasilyo. Mahaba ang pasilyong tinatalunton ko. Maraming silid ang naroon. Hanggang sa makita ko ang hagdan pababa. It was a long stairs too. Parang nasa tatlumpong baitang iyon.Masasabi kong malaki ang bahay ni Lucas. Nagsusumigaw ng karangyaan ang mga gamit niya sa loob. Maging ang istraktura.I feel a lot better now. Nagawa ko na ngang bumaba mag-isa sa mahabang hagdan na iyon. My left
Lucas Point of View Nakasandal lamang ako sa may pinto habang nakikinig sa sinasabi ng doctor. Hindi naman kailangang naroon ako pero gusto kong alamin kung totoong may sakit siya. Baka nga nagkukunwari lamang siya. "She has an injury on her left arm, but not broken. Malamang ay nabangga ito sa kung saan. For her fever, I already gave her medicine through her IV..." sabi ng doctor na kaibigan ng kapatid ko.Hindi ako kumilos or nag-react man lamang. Okay, totoong nagkasakit siya, but maybe, sinadya niya iyon para makuha ang simpatiya ko. Sinong tanga ang magpapakaulan para magkasakit? Injury? Maybe, she inflicted it. Sinadya niya para kaawaan siya. Sa laki ng kasalanan niya...Never!Tumayo ako nang tuwid. Balak kong umalis na nang muling magsalita si Yvonne."Well, I keep going. If she wakes up, she needs to take more oral medication for her fever, and if she has immense pain in her arm, painumin siya ng pain reliever. Sana rin ay maalagaan ninyo siya ng mabuti. She'sso fragile ri
Lucas Point of View Matalim ang titig ko habang nakatingin kay Michelle. Hindi ko itinuloy na magpahatid sa bahay dahil hindi ako mapakaling maghintay lamang na mahanap siya. Hindi na makapaghintay ang galit ko! Hindi na ako makapagtimpi pa na sumbatan siya! Why she chose to hurt Olivia kung napakalinaw ng usapan namin na hindi dapat malaman ng iba ang ugnayan namin!"Get her!" utos ko kay Robert nang tumigil ang sasakyan sa harap niya. Buti naman at pagod na itong magtago. Ilang oras din ang ginugol namin para mahanap siya. Lalo lamang lumalaki ang galit ko dahil nagawa pa niya talagang taguan ako. She's not even picking up my call!"Kung papatayin ninyo ako at kukunin ang lamang loob ko. Please lang, unahin ninyo ang puso ko!" Anong pinagsasabi niya? Natawa ako. Taking her heart? At sinong magkakagusto sa puso niyang mas maitim pa sa halang ang kaluluwa. Even she offered her heart to me, hinding hindi ko iyon tatanggapin.Habang pinapanood ko ang paglapit ni Robert ay mataman kong
Michelle's Point of View Hindi ko alam kung ilang oras akong nakadukdok at nakaupo sa waiting shed. Basta ang alam ko, tumila na ang ulan, natuyo na ang basa kong damit. Patay na ang cellphone ko dahil hindi naman iyon na-charge noong pinalayas ako. Pero kahit na marami ang nangyari, heto ako, mag-isa pa rin sa madilim na lugar na ito. Hindi man lamang ako naisipang hanapin ni Papa. Batid kong alam na niya na wala ako sa bahay, pero hindi man lamang niya ako nagawang hanapin bilang isa rin naman ako sa anak niya. Hindi man lamang siya nag-alalala na baka may mangyaring masama sa akin. Wala na ba talaga akong halaga sa kanya? Napapatanong tuloy ako kung may halaga pa ba ang buhay ko? Buhay nga ako pero parang patay na rin naman dahil wala ng dahilan pa para magpatuloy ako. I was alone and lonely all the time. Mapait akong napangiti. Napabuga ako ng hangin at pinilit iwaglit sa isip ang negatibong isipin na kumakain sa sistema ko. Ayaw kong magpatalo sa demonyo sa isipan ko. No..