LIKE 👍
“SIGURADO KA BA NA MALAKI ANG KIKITAIN NATIN DITO?” Tanong ni Skye kay Jolina habang nagtatali ng buhok. “Oo nga sabi. Sak wala ka bang tiwala kay Wamos? Kapag sinabi niya ibig sabihin ay isandaang porsyentong sigurado!” Napatango si Skye. Sabagay tama si Jolina. Si Wamos ang dahilan kaya marami silang nakukuhang raket bukod sa pagtitinda. At sa awa ng Diyos ay nakakaraos sila. Malaking tulong din si Wamos sa kanilang magkaibigan. Kumaway sila sa grupo nila Wamos ng makita na dumating na ito. Nauna kasi silang dumating sa pagtatagpuan nila. Hindi nila alam kung bakit kailangan nila mag overnight sa tagaytay at magrent ng one night at one day sa isang liblib na lugar. Saka ang usapan ay alas siyete dapat nandito na silang lahat pero alas dyis na nang gabi dumating ang grupo nila Wamos. Nasalo agad ni Skye ang itim na bag na hinagis sa kanila ng kasama ni Wamos. “Suotin niyo ‘yan!” Utos nito. “Okay, boss!” Magkapanabay na sagot nila ni Jolina. Excited na nagpalit sila ng dami
Inunat ni Skye ang mga braso. Bigla siyang ginanahan bigla sa gagawin nila. 'Sorry nalang sa may ari ng mga sasakyan na 'to.' Pero kailangan na kailangan niya talaga ng pera—at hindi maliit na halaga ang sampong milyon. Siniko siya ni Jolina. "Wag mo sabihin sa akin na okay sayo 'tong raket na 'to? Alam kong hindi basta-basta ang pera na kikitain natin dito. Pero mag isip ka nga. Karangalan natin ang nakasalalay dito. Paano kung mahuli tayo ng mga pulis? Gusto mo bang makulong tayo? Ang kailangan lang natin gawin ay sakyan sila at saka tayo tatakas." Bulong ni Jolina na sila lang ang nakakarinig. "Ano ka ba. Hindi tayo makukulong. Kakasabi lang ni boss kanina na walang tao dito kaya paano tayo mahuhuli. Natatakot din ako, Jolina. Pero kailagan kong kumapit sa patalim para kay kuya. Alam mo naman ang sitwasyon ko di'ba?" Bumuntong-hininga ito. "Sige. Pero mangako ka na hindi ka magpapahuli kapag nagkaro'n ng aberya. Dahil kawawa talaga ang kuya mo kapag nahuli ka." SUMENYAS na ang
“A-ano ang gagawin natin ngayon? D-dito na ba tayo mamamatay?” Namumutlang tanong ni Atom hahang hawak ang binti na duguan. Nanginginig silang lahat dahil sa takot. Bawat yabag papalapit ay napapatras sila. Anong laban nila sa lalaki eh may baril itong hawak? “Ano bang klaseng grupo kayo ng kawatan? Wala man lang kayo dalang armas!” Mukhang hindi naman ang mga ito ordinaryong magnanakaw pero wala man lang kagamit-gamit na dala ang mga ito. Mabuti pa siya ay may dalang martiyo pang self defense niya kung sakali na may mambastos sa kanya. Pero ang grupo ng mga ito ay iisa lang ang baril—at nasa lider pa iyon na nasa labas. “Come out now, people. Kneel and beg before I kill you all.” Nanlamig ang katawan nilang anim sa takot. Hindi ito kinaya ni Atom at dalawa pang kasama kaya nawalan ang mga ito ng malay. Hindi alam ni Skye kung maaasa ba o maiinis. Kalalaking tao pero nauna pang mawalan ng malay sa takot kaysa sa kanya. B-bakit naman ako luluhod at magmamakaawa sayo eh papat
Pinagpapawisan siya ng malapot habang napapalibutan ng pamilya ng pekeng fiance niya. Ibang klase naman magsopresa ang pamilya nito—hindi lang gabi, kundi gabing-gabi. Nakilala na niya ang mga ito dahil isa-isang pinakilala ng tita Apol ni Adius ang lahat ng narito. Grabe. Hindi lang si Adius ang malaking tao, pati ng pinsan nito. Mabuti nalang at napakalawak ng sala. Kung normal na sala lamang ito ay tiyak na hindi sila kakasya. Daig pa niya ang nasa hot seat. Nakakailang, lalo na ang tingin ng ginang na nasa gitna na palagay niya ay ina ng katabi niya. Pati ang tingin ng babaeng kamukhang-kamukha ng fiance niya, na alam niyang kakambal nito ay nakakailang. “Iha, kailan pa naging kayo ng anak ko?” Tanong ng ginang. Akmang magsasalita na siya ng inunahan siya ng ‘fiance’ niya kuno na magsalita. “Sa isang party, mommy.” Tumikwas ang kilay ng ginang. “Hindi ikaw ang tinatanong ko kundi ang nobya mo.” Nakangiting bumaling ito sa kanya. “Sige na, iha, magkwento ka na, wag ka ng
Nang pakawalan nito ang labi niya ay naghahabol siya ng hininga. Ito nalang ang paraan para matakasan niya ang kahihiya—ang magpanggap na mawalan ng malay. “Adius, naman! Alam kong sabik na sabik ka sa nobya mo at hindi makapaghintay na masolo siya. Pero wag mo naman siyang patayin sa halik!” Kanina pa naririnig ni Skye na pinapagalitan si Adius ng mommy nito. Hindi niya alam kung matutuwa ba dahil pinapagalitan ito, o mapapangiwi dahil sa pinagsasabi nito. “I didn’t do anything wrong, mom. I just kissed her.” Ngali-ngali na tumanyo siya at ihampas ang lampshade sa ulo nito. ‘Just kissed her?’ Ang kapal ng mukha! Sino na ito para halikan siya? Nagpanggap na nga siya katulad ng gusto nito. Ninakaw pa ang first kiss niya! ‘May araw ka din sa akin walang hiya ka!’ Gigil na isip-isip niya. Nang marinig niya na sumara ang pintuan ay nagmamadali siyang bumangon. Bago sumilip sa bintana ay nilock niya muna ang pinto. Mabuti nalang at nasa ground floor lang sila at bukas ang bint
Lamog si Wamos sa kanila ni Jolina pag uwi. Gulo-gulo ang buhok nito at gula-gulanit ang suot. "Walang hiya ka! Paano kung nakita si Skye no'n? Gusto mo bang makulong siya?" Nang kumalma si Skye ay tinaas niya ang kamay. "Wag kayong mag alala dahil sa palagay ko naman ay hindi na niya ako ipapakulong o ipapapatay. N-nagawa ko naman ng maayos ang utos niya ka-kaya sa tingin ko patas na kaming dalawa." Kung tutuusin nga ay sobra pa ang nakuha nito sa kanya. Kinuha nito ang first kiss niya! "Anong utos?" Magkapanabay na tanong ng dalawa. "Aalis na nga pala ako." Pag iiba niya sa usapan. "Pupuntahan ko pa si Kuya Jhake kaya maiwan ko na kayo." Nginuso niya kay Wamos ang mga paninda niya. "Bukas tulungan mo kaming magbenta ha. Siya nga pala. May iba ka pa bang alam na raket? Yung MAAYOS na pagkakakitaan ha." May diin na tanong niya. Binuksan ni Jolina ang pintuan ng kwarto ng may kumatok. "Lider Vhong!" Tawag nila sa lalaki. Oo, naging kaibigan nila ito ni Jolina. Wala na ang
Wala si Skye sa sarili habang nakahawak sa labi niya. Hinalikan na naman siya ni Adius—hindi lang isang beses, kundi TATLO pa dahil sa hirit ng kuya niya. Anumang sandali pakiramdam niya ay maiiyak na siya. Narito sila ngayon sa isang restaurant. Ayaw sana niyang sumama pero ano ang magagawa niya? Baka mamaya ay totohanin ni Adius ang banta sa kanya. Paano kung idamay nito ang kapatid niya? Namutla siya sa takot. Ang sama na nang loob niya pero ang tatlong matanda na nasa harapan nila ng binata ay parang sinilihan sa pwet. Kilig na kilig ang tatlo, daig pa ang mga bagets. 'Ano bang klase itong pamilya ni Adius?!' "Hehe, ito talagang pamangkin ko 'tatahimik-tahimik lang pero mukhang mahilig din pala!" Ani ng Tita Apol nito na humahagikgik pa. "Kanino pa nga ba magmamana ang anak ko? Siyempre kundi sa daddy niya!" Komento naman ng mommy nito. "Sakit na yata ito ng mga lalaki sa pamilya natin. Mga mahihilig." Nakahawak sa noo na iiling-iling naman na saad ni tita Charlotte.
“Ano?! Nababaliw ka na ba? Anong lilipat! Ayoko nga!” Tanggi niya kay Adius ng sabihin nito sa kanya na titira sila sa iisang bahay. Kanina pa nakaalis ang mommy at mga tita nito kaya naiwan silang dalawa dito sa restaurant. At ayun nga, sinabi nito sa kanya na bukas na bukas din ay titira silang dalawa sa bahay na pinagawa nito. “You will move with me because I say so, Skye. Ayokong magduda sila mommy na wala talaga tayong relasyon.” Balewalang giit nito. “Aba, kasalanan ko ba na nagpagawa ka ng bahay—“ ngumiti siya bigla, o mas tamang sabihin na napangiwi. May pasigaw-sigaw pa siyang nalalaman. Baka mamaya bumulagta siyang butas ang bungo dito. “A-ang ibig kong sabihin. B-bakit kailangan na tumira pa tayo sa iisang bubong? Hindi ba pwede na… na pupunta lang ako sa bahay mo kapag nalaman natin na bibisita sila?” Ayaw niyang makasama ang lalaking ito sa iisang bubong. Sigurado siya na mapapadali ang buhay niya kapag nagkataon. “Sigurado ka bang kaya mong gawin ang sinasabi mo?”
Nanghihinayang na napailing nalang si Skye. Nakakapanghinayang naman kasi talaga kung magiging ‘baklush’ si Adius. Bukod sa ubod ito ng yaman, ubod din ito ng gwapo, tapos gifted pa sa laki ng batútá—tapos lalaki din ang hanap. Kawawa naman si Tita Alena. Umaasa na magkakaapo kay Adius. Naghintay pa siya ng bente minuto bago umakyat sa kwarto nila. Pagdating niya sa kwarto ay nakita niya si Adius na nakahiga na. Mukhang tulog na yata. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng nakaroba. Sinilip niya pa ang binata para siguraduhin na tulog na nga ito. Nang matapos siya mag-blower ay saka siya pumasok sa walking closet. Napansin niya agad na may nagbago. Bukod sa napalitan ang kulay ng mga cabinet, kapansin-pansin din ang dim red, blue and green light na ilaw sa loob. Patay sindi pa ito kaya naman feeling niya nasa loob siya ng club. Akala niya ay maghahatid lang ng mga pinamili sila tita Alena, pero mukhang pinapalitan nito ang lahat ng mga designs at ilaw dito. Kumu
Nag-isang linya ang kilay ni Adius. “You grabbed my crotch first —“ “So, kasalanan ko pa?! Saan ka nakakita ng minamasahe na hindi hinahawakan at pinipisil-pisil?!” Napatingala si Skye sa sobrang inis, “imamasahe na nga ang batútà mo, nagagalit ka pa?! Tinanong kita at sinagot mo pa nga ako na ULO ang unahin ko! Gagawin ko na nga ang gusto mo, balak mo pa akong balian ng braso!” Pinakita niya ang braso na may pasa. “Nakita mo na ang ginawa mo?! Sinaktan mo na nga ang braso ko, nakitaan mo pa ako! Sumusobra ka na!!!!” “Wait…” tinaas ng binata ang kamay upang patigilin si Skye sa walang tigil na pagsasalita. “Do you even listen to me while we’re in the kitchen?” Taas-noong sinagot ito ng dalaga. “Oo! Binibiro nga lang kita eh… kaso sineryoso mo ang biro ko—“ “After that, did you heard what I said?” Natigilan si Skye. Sa pagkakatanda niya… may sinasabi pa ito sa kanya pero nagmamadali siyang umalis ng kusina. “Ang sabi ko, imasahe mo ang ulo at likod ko, hindi ko sinab
“Tingnan mo ito, ate. Sigurado ako na bagay na bagay kay Skye ang roba na ‘to!” Lumapit si Apol kay Alena dala ang isang kulay pulang roba. “Hmm… tama ka.” Kinuha ito ni Alena at sinipat, “hindi ba masyado naman yata itong maiksi?” “Akala ko ba gusto mong magka-apo agad?” Sabat ni Charlotte na abala sa pagpili naman ng mga nighties. “Paano ka magkaka-apo agad kung hindi mo bibilhan ng revealing clothes ang future manugang mo. Saka basta si Ate Apol ang nagrekomenda, siguradong walang palpak!” “Sabagay… tama ka.” Narito ngayon ang tatlong ginang sa isang Mall. Tinawagan ni Alena ang dalawa upang magpasama at magpatulong na bilhan ng mga bagong gamit si Skye. “Ate!!!” Nagmamadaling lumapit muli si Apol kay Alena bitbit ang isang manipis at maliit na tela. “Mas maganda kung ito nalang ang bibilhin natin para kay Skye… sigurado na maglalaway si Adius sa kanya kapag nakitanh suot ito!” Sabay-sabay na bumaba sa kani-kanilang sasakyan ang tatlong ginang. Nang makita sila ng mga s
Kilala niya si Adius, hindi ito marunong magbiro. Ayaw niyang isipin na totoo ang sinabi nito. Pero paano kung totoo nga? Pagkatapos maghugas ng pinakainan, hindi muna siya umakyat ng kwarto. Katulad nitong nakaraan, inubos niya ng oras sa panonood ng tv. Bahala ng magka-eyebag, wag lang makasama si Adius ng gising sa kwart nila. Humikab siya… inaantok na siya. Pero dahil masyado pang maaga, nanood muna siya ng mga drama sa cellphone niya. At mayamaya ay inisa-isa niyang tingnan ang mg pictures ng kuya Jhake niya sa cellphone niya. Sakto naman na nakita niya ang mga pictures nila ni Adius noong engagement party nilang dalawa. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng makita ang ramdom pictures nilang lahat, kasama ang pamilya nito. Habang tumatagal, lalo niyang nakikilala ang mommy ni Adius at mga tita nito. Mabubuti silang tao. Hindi niya kasi alam kung mabuti bang tao ang mga lalaki sa pamilya ni Adius. Karamihan kasi sa kanila ay mukhang hindi alam ang saling NGITI. Mukhang m
Dinala ni Skye ang lahat ng wedding dress na magustuhan niya sa fitting room. Mabuti nalang at hindi ito katulad ng fitting room sa mall na masisikip. Ang fitting room sa store na ito ay halos kasing laki ng kwarto nila ni Adius. Dahil kailangan ingatan ang mga wedding dress ay may dalawang babae na nag-assist sa kanya bukod pa kay Aimee. “Look at this wedding dress, Skye. Sa palagay ko bagay ito sayo.” Umiling siya. “Ayoko nito, maiipit ang boobs ko. Gusto ko ‘yung lalabas ang kasexyhan ko.” Pinakita niya kay Aimee ang gusto niyang isukat. Isang v-neck wedding dress. Sa baba at haba ng neck line, sigurado na lilitaw ang dibdib niya. Katamtaman lang ang laki ng dibdib niya. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Kumbaga, may ibubuga din naman ito kahit paano. Pagkatapos isukat, parehong napaawang ang labi ni Aimee at ng dalawang babae. Kuminang ang mata niya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. “A-ang ganda ko! Wahhh! Ang sexy ko din dito!” Nagmamadaling hinil
“You disappeared last night. Why?” Napalunok siya ng laway. “A-ah, ano kasi… b-biglang tumawag ang kaibigan ko, ang sabi nila, hinahanap daw ako ng kuya ko. T-tama nga, yun nga!” Nauutal na dahilan niya habang hindi makatingin ng diretso dito. “W-wag kang mag alala, nagpaalam naman ako kila tita,” “Exactly, Skye. Nagpaalam ka sa kanila, pero sa akin ‘hindi.” Turan ni Adius na ikinangiwi ng dalaga. “After you eat, prepare yourself. May pupuntahan tayo.” “Ha? Akala ko ba walang pasok ngayon sa office? Teka, sandali naman!” Nakangusong sinundan ng tingin ni Skye ang binata. “Tingnan mo ‘to, parang hindi nilapa ang labi ko kagabi ah. Bumalik na naman sa pagiging masungit.” Dahil wala siyang ganang kumain ay nagligpit na siya at naghugas. Pagkatapos maghugas ay naligo siya at nagbihis. Mukhang kailangan talaga na kasama siya sa lakad ni Adius dahil hindi siya iniwan nito. “Saan ba tayo pupunta?” Imbes sagutin ang tanong ni Skye, kinuha ni Adius ang earbuds at sinagot ang tum
“Kuya!!!” Parang bata na tumakbo siya palapit sa kuya niya ng makita ito. “Kuya, namiss kita ng sobra!” “N-n-namiss din ni Jhake si ate!” Parang bata na sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Simula ng magtrabaho siya bilang secretary ni Adius ay dalawang beses nalang niya ito nadadalaw sa loob ng isang linggo. Hindi naman siya nag aalala masyado dahil may mga private nurse na inupahan ang binata para bantayan ang kapatid niya. Natransfer narin ito sa maganda at mas maayos na hospital kaya naman kampante siya na magagamot ito ng mas maayos. Kinuha niya ang maraming ubas na dala at mga bagong laruan. Masayang-masaya na yumakap ito sa kanya. “A-ang sabi ni Jhake s-salamat daw! T-the best talaga ang ate niya!” Ani nito sabay halik sa pisngi niya. Kinagat niya ang labi, sinubukan na hindi umiyak pero hindi niya nagawa. Kapag kaharap niya ito at kasama ay nagiging iyakin siya. Agad na binaling niya sa iba ang mukha para hindi nito makita ang luhaan niyang mukha. Sigurado kasi
“F-fiance mo si Miss Malason?” Nangatog si Jillian sa takot katulad ng kanyang ama. Nabigla si Skye ng lumuhod sa harapan nila ang mag ama. Wala na ang kanina na mapagmataas na awra ng dalawa, nasa mukha ng mga ito ang magkahalong pagkabigla, takot at pagmamakaawa. “H-humihingi kami ng tawad sa aming kapangahasan at kamangmangan. H-hindi namin alam na fiance mo pala siya!” “T-tama si daddy, Sir! Pa-patawarin mo sana kami!” Tumingala si Jillian at tumingin kay Skye ng nagmamakaawa. “Please, Miss Malason, pakiusap, patawarin mo kami!” Nang subukan na lumapit ni Jillian sa dalaga ay humarang si Adius sa kanya. “Don’t try to lay your dirty hand again on her skin. Baka mapatay kita!” Napasinghap si Skye ng tutukan ito ng baril ng binata sa ulo, maging ang mga bisitang naroon ay napasinghap sa gulat, maliban sa pamilya ng binata na hindi na nabigla sa ginawa nito. “A-adius…” kahit siya ay natakot, hindi man niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito at nakaharang sa kany
“Sigurado ka ba na peke ‘yan? May ebidensya ka?” Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. “Ano? Pero humiram ka sa akin, sapat ng ebidensya ‘yon.” “Sa palagay mo maniniwala sila na humiram ako?” Mayabang na ngumisi ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. “Alam ko ang background mo kaya imposibleng makabili ka ng mamahaling kwintas na katulad no’n. Isang limited edition na APL necklace na nagkakahalaga ng 65 Million? Sabihin mo nga sa akin, saan mo napulot ‘yon? Ninakaw mo? O baka naman may sugar daddy kang nagregalo sayo?” Alam ni Skye na masama ang ugali ng babaeng ito. Pero hindi niya inasahan na ganito katindi. “Ibalik mo nalang ang kwintas para matapos na ang usapang ito,” 65 million? Nanuyo ang lalamunan niya sa takot. Ngayon palang ay natatakot na siya kapag nalaman ni Adius na nawawala ang kwintas. Ngumisi lamang ito. “Hindi mo ako masagot? Siguro nga ay ninakaw mo! Magpasalamat ka nalang dahil binenta ko bago ka pa mahuli ng ninakawan mo! Subukan mo pang habulin