LIKE 👍
MAGKAHAWAK-kamay silang nagtatalon ni Jolina sa tapat ng isang salon. Oo, nasa tapat sila ng isang salon. Matutupad na ang pangarap nila na makapagpaayos at makapagpaganda sa isang mamahaling salon na hindi iniisip ang bayad. May silbi rin pala ang pagdating ni Adius sa buhay niya dahil gagaan ang buhay niya. At siyempre, hindi niya pwedeng kalimutan ang kaibigan niya. “Gusto ko maging bonggang-bonggang straight ang buhok ko! Gawin niyo akong pinakamagandang blonde and straight sa buong mundo!” Hirit pa ni Jolina sa baklang nag assist dito pagkapasok nila. Lumapit sa kanya ang isa pang binabaeng tauhan ng salon. “Sayo po, ma’am. Itutuwid ba natin itong buhok mo?” “Mga ilang oras bago maging straight ang buhok ko?” “Virgin po ba, ma’am?” Proud siyang tumango. “Aba oo, mana sa akin ang buhok ko. Virgin pa hehe!” Aniya na ikinatawa ng mga naroon kaya natampal niya ang bibig. “Skye!” Mahina siyang sinipa ni Jolina sa paa para agawin ang pansin niya. Tumitingin kasi siy
Gumapang ang kilabot sa buong katawan niya ng mahimigan ang banta sa boses nito. Napatayo siya ng wala sa oras. Napansin niya na nakatingin ang lahat sa kanya—saka lang niya naalala na naka-loudspeaker ang cellphone niya habang kausap niya si Adius. “H-hehe. Ganyan talaga magmahal ang babe ko… n-nakakamatay,” aniya na dinaan sa tawa ang frustration. “Madam, saan ka pupunta?!” Pigil sa kanya ng mga baklang nag aassist sa kanya. Maging si Jolina ay natataranta. “Skye, wag mo akong iwan dito! Wala akong pambayad!” “Wag kang mag alala babalik agad ako!” Duda siya sa sinabi niya kaya hinagis niya ang sling bag niya kay Jolina pagkatapos kumuha ng pamasahe pantaxi. Kailangan niyang magmadali dahil malayo ang bahay ni Adius at aabutin ng dalawang oras ang biyahe. Ang swerte niya naman dahil paglabas niya ng salon ay nakita niya si Wamos. “Hoy, Skye! Baba, may date ako—“ “Wala akong pake! Kapag hindi mo ako hinatid ay sasabihin ko sa lahat ng magiging jowa mo na mas malaki an
Napanganga si Apol habang nakatingala sa gusaling nasa kanyang harapan. Hindi niya akalain na napakalaki at napakataas pala ng gusali na pag-aapplyan niya ng trabaho. Sa taas nito at laki ay mukhang hindi ito pipitsugung kumpanya lang. Ang sabi ng kaibigan niyang si Camille na nagrekomenda sa kanya rito ay malaki ang magiging sahod niya sa kumpanyang ‘to kapag nakapasok siya. Dinukot niya sa lumang bag na dala ang Gold Card na binigay ni Camille. Gamitin daw niya ito sa pag-aapply para agad siyang matanggap. Ayon pa sa kaibigan niya ay pwede siyang bumale ng malaking pera kapag natanggap siya. Kaya naman agad niyang sinunggaban ang trabahong ‘to. Malapit ng manganak ang ate niya, meron pa ‘tong heart disease kaya naman kailangan niya talaga ng malaking pera. Kaya nga agad siyang pumayag na mag apply at pumasok rito. Napakamot si Apol sa ulo. “Mukhang sosyalin naman ang lugar na ito. Pwede kaya ang tulad ko rito?” Bumuga siya ng hangin. “Ano ka ba naman, Apol. Syempre pwede ang kah
This story is RATES SPG‼️ Not suitable for young readers and SENSITIVE readers ‼️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ Agad na bumangon si Apol nang magising. "Nasaan ako?" agad niyang kinapa ang sarili. Nakahinga ang dalaga ng maluwag nang makitang walang sugat at buo pa ang kanyang katawan. "Hay, salamat naman at buhay pa ako," ani niya. Nilibot ni Apol ng tingin ang paligid, walang ibang tao bukod sa kanya. Kinapa niya ang kama na kanyang hinigaan. “Grabe ang lambot naman nito, halatang mamahalin!” Hindi katulad ng sapin nila sa kanilang bahay na bukod sa luma na ay ubod pa ng tigas, dahil papag lamang iyon na gawa sa plywood. Naalala niya ang nangyari. "Apol, ang pagtakas ang dapat mong isipin!” Kastigo niya sa sarili sabay kutos sa kanyang ulo. Imbis pagtakas ang isipin kung ano-ano pa ang napupuna niya. Kailangan niyang tumakas habang hindi pa nagagawa ng mga ito ang masamang balak sa kanya. Hindi lang talaga niya mapigilan na mamangha sa kama. Bata palang kasi siya ay pan
[Apol]Ano daw? Asawa?"Pasensya na po, pero sa tingin ko nagkakamali po kayo. Nagpunta po ako dito para sa trabaho, Mr. X. Hindi po ako nandito para maging asawa mo-" Nabitin ang anumang sasabin niya ng may dumating na dalawang lalaki. Sabay na yumukod ang dalawa sa lalaking kaharap niya. "Mr. X, nahuli na naman si Dixon. Ano ang gagawin namin sa kanya?" Magalang na tanong ng lalaki na nakakatakot ang itsura. Mukha itong goons sa mga pelikula, maging ang kasama nito ay gano'n din ang hilatsa ng mukha. Mukha itong mga kontrabida sa mga palabas.Dumilim ang mukha ni Mr. X. "Kill that traitor." Mapanganib nitong utos.Namilog ang mata niya sa narinig, at muntik pang malaglag ang panga niya."Yes, Mr. X!" Sabay na tugon ng mga lalaki at sabay pa. Bago umalis ay muling nagsiyukod ang mga ito bilang pagbibigay galang.'D-Diyos ko! T-Tama ba ang narinig ko? K-Kill daw!' Takot na ani nang utak niya. Nanlalamig ang katawan niya sa takot ngayon, maging ang tuhod niya ay nanginginig pa. Ano b
[Apol]Pagdating nila sa dining hall ay muntik ng tumulo ang laway ni Apol sa dami ng pagkain na nakahain sa mesa. Lahat ay masasarap at halatang pagkain ng mayayaman. Kumunot ang noo niya ng makitang dalawa lang sila ni Mr. X ang narito. Umalis na lahat maging si Miss Carol. Teka, sila lang ang kakain ng lahat ito? Sa dami nito ay parang ito na ang huling hapunan nila at bibitayin na sila bukas. Daig pa ang mayro’ng piyesta sa dami, parang mayro’ng handaan.Walang sinabi si Mr. X na maupo siya, kaya naman siya ay nanataling nakatayo. Mahirap na, baka mamaya ay masabihan siyang bastos, at bigla na lamang siyang barilin. Maganda na ang sigurado; mas ayos na ang magutom ng ilang araw kaysa ang mamatay nang biglaan.Ang walang emosyon na si Mr. X ay tumingin sa kanya, kaya naman agad na yumuko siya para iwasan ang tingin nito."Why are you still standing there? Do I need to say sit?" Malamig ang boses nitong tanong. "Pasensya na po." Pinigilan niya ang mapakamot sa ulo. Siya na nga iton
[Apol] "Ano ang ginawa mo dito, Miss Lanchester?" Tanong sa kanya ng lalaking tadtad ng tatto at malaki ang katawan. "Ah, eh... Nagpapahangin para bumaba ang kinain. Bakit bawal ba?" Mataray niyang tanong. Gusto lang naman niya tingnan kung tatalab na ang pagiging matapang niya 'kuno' dahil soon-to-wife naman siya ng amo nito. Kunwari ay tumayo siya ng tuwid at pinaningkitan ito ng mata. ""W-Wala po, Miss Lanchester. N-Nagtatanong lang." Magalang nitong sagot sabay yukod bago siya iniwan.Nakahinga ng maluwag. Akala niya ay asawa lang siya sa papel at hindi igagalang pero mukhang mali ang akala niya.Mahina niyang tinuktukan ang ulo at pinaalalahanan ang sarili. "Apol, mag isip ka! Hindi ka pwede maging asawa ng Mafia boss na 'yan dahil mapanganib siyang tao!" Tama... kailangan niyang umisip ng paraan kung paano siya tatakas sa lugar na ito. Napangiti siya bigla ng makita ang dalawang lalaki na nag asikaso sa kanya sa dining hall. "Hi, sa inyong dalawa. Break niyo?" Tanong niya. N
[Apol] Mabilis pa sa alas kwatro na pumikit siya. "Lord, thank you dahil nakapag asawa ako ng gwapo at napakayaman! Wala na akong hahanapin pa dahil full package na po ang binigay mo. Tuyo lang ang dasal ko no'n pero embutido ang binigay mo! Ang bait mo talaga sa'kin!" Pangbawe niya sa lahat ng mga dasal niya kanina. Sana lang ay hindi nito narinig ang mga unang sinabi niya kanina dahil baka malintikan siya. Ayaw pa niya mamaalam sa mundo ng maaga. Sa susunod talaga ay mag iingat na siya sa pananalita. Ayaw naman niyang pumanaw nang maaga at dito pa sa islang ito kung saan malayo sa kapatid niya. Hindi siya dumilat. Bahala nang mangalay ang binti niya sa pagtayo rito, basta hinding-hindi siya didilat. Baka kasi pagdilat niya ay mayro'n ng baril na nakatutok sa kanya. Unti-until siyang nagmulat ng mata nang maramdaman ang mainit at mabangong hangin na tumatama sa kanyang mukha. Muntik na siyang mahimatay sa takot ng pagdilat niya ay sobrang lapit ng mukha nito sa kanya, sa sobrang d