[Skye] Sa totoo lang ay napakagandang version ni Adius si Aimee. Wala siyang makapa na takot kapag kausap niya ito—maliban sa daddy ni Adius at sa binata mismo. Pero saksakan ng kulit si Aimee. Mas matanda ito sa kanya pero kung umasta ito ay parang bata. Nalaman niya na may anak na pala ito, pero wala daw sa Pilipinas. Ayaw naman niya mag usisa kung nasaan dahil baka sabihin ay tsismosa siya. “Sige, Skye… ano ang nagustuhan mo sa kanya?” Napabuga siya ng hangin. Takot na takot siya na baka mabasag niya ang mga mamahaling mga plato ni Adius kaya ingat na ingat siya sa galaw niya. Pero mukhang kapag hindi niya ito sinagot ay haharang at haharang ito sa daan niya. “Gusto mo talagang malaman kung ano ang nagustuhan ko sa kapatid mo?” Nilapag niya muna ang mga plato sa malaki at mahabang mesa bago nakapamewang na humarap dito. “Alam mo, Aimee. Wala naman talaga kagusto-gusto sa kapatid mo. Gwapo lang siya pero masama ang ugali niya. Mainitin ang ulo niya at saksakan ng sungit.
[Skye] “A-ang ibig kong sabihin… siya po ang naghahatid sa akin sa hospital para mabilis na makabisita kay kuya Jhake. H-hindi po siya nagmamanmam sa labas ng bahay… k-kasama ko po siya.” Mukhang hindi naniwala sa kanya ang lahat, mabuti nalang at nagsalita ang kuya Jhake niya. “W-wamos, n-nagpatuli ka na ba? A-a-ko kasi tuli na hehehe!” Natampal nila ni Jolina ang noo. Sabi na nga bata at ito ang sasabihin ng kuya niya kapag nakita ito at si Wamos. Hindi tuloy nila malaman ni Jolina kung matatawa kay Wamos o maaawa dahil sa pang aasar ng kapatid niya. “I know him… actually, I know them all.” Makahulugan na wika ni Adius. Nakangising inisa-isa nitong tingnan silang lahat, na ikinalunok nilang lahat. Nahulaan kasi nila ang ibig nitong sabihin. “Sila ang mga… kasama ng fiancee ko na magtrabaho noon kaya nagkakilala kaming dalawa.” Sabi na nga ba natatandaan silang lahat ni Adius! Pero bakit narito silang lahat? Pinasama ba ni Adius dito ang mga kaibigan niya? Pati ang kapatid
[Skye] Maluha-luha siya habang nagpapaalam sa kuya niya. Ibabalik na kasi ito sa hospital kasama ang mga private nurse na kinuha ni Adius. “A-a-ate, ang g-gusto ni Jhake wag mo iwan si Kuya Adius. K-k-kasi kawawa naman siya. D-dito ka lang sa bahay niyo… g-gagawa pa daw kayo baby eh!” Napuno ng kantiyawan nila Tita Alena at ng mga tiyahin ni Adius ang paligid. Namumula ang pisngi niya—hindi sa kilig, kundi sa sobrang inis. Ito siguro ang binulong ni Adius kanina sa kapatid niya. Gusto lang naman sana niyang sumama na ihatid ito sa hospital eh. Nang umakbay sa kanya si Adius ay nakita niya kung paano namutla ang mga mukha ng mga kaibigan niya, lalo na si Jolina. Alam kasi ng mga ito na siya ang nagbabayad ng kasalanan na ginawa nila. Sinabi iyon ni Jolina kanina lang sa mga ito. Puro humihingi ng tawad ang mga mukha ng mga ito, lalo na ang mukha ni Lider Vhong at Wamos. Pero ano pa nga ba ang magagawa nila? Wala, di’ba? Narito na ito. Wala ng atrasan ‘to. “Magpaalam ka na s
[Skye] Hindi naman siya impokrita para sabihin na “Nakakahiya at hindi siya gano’n” Sa panahon naman kasi talaga ngayon, lamang na ang pagiging mukhang pera at pananamantala ng katulad niyang mahirap. Hindi siya uupo lang at magiging bait-baitan. Eenjoyin niya ang lahat! Hahaha! Kumalat sa sala ang malakas niyang halakhak. Nasa taas naman si Adius. Sigurado na hindi nito maririnig ang ingay. Saka ano naman kung marinig nito? Hindi naman nito malalaman ang nasa isip niya. Alas 12 na pala. Kung hindi pa siya nakadama ng antok ay hindi niya maaalala ang mga gamit niya. Umakyat siya sa second floor para pumunta sa study room. Nakapasok siya dito dahil nakabukas naman ang pinto. “Teka. Nasaan ang mga gamit ko?” Sigurado siya na dito lang niya yun iniwan kanina. Kinatok niya ang kwarto ni Adius. Sigurado siya na ito ang nagtabi ng mga gamit niya. Bumukas ang pintuan ng kwarto nito. Tumambad sa kanya ang gwapong mukha nito. Nakasuot pa ito ng salamin sa mata—well, infairness
HINDI! Ito ang paulit-ulit na tanggi ni Skye kay Adius. Pero ano ang magagawa niya? Wala naman di’ba? Buong magdamag na dilat siya habang nakahiga sa sahig. Balasubas, impakto, hudas! Wala man lang kabaitan ito sa katawan at nagawa siyang patulugin sa sahig. Eh ang daming kwarto dito sa bahay nito. Hinayaan nalang sana siya nitong matulog sa isa mga kwartong yon kesa ang patulugin siya sa kwarto nito. Eksaheradang pinandilatan niya ito ng mata. Nakatalikod naman ito sa pwesto niya kaya hindi siya nito makikita. ‘May araw ka rin sa akin, Adius. Tandaan mo ‘yan!’ KINABUKASAN ay maaga siyang gumising. Napangiti siya ng makitang may mga almusal na sa mesa. “Wow! Hindi ko alam na may soft side ka din pala. May alam ka rin palang gawin, noh. Bukod sa pambu-bwisit mo ng tao? Hehe.” Natigil siya sa akmang pagsandok ng hotdog ng magsalita si Adius na kasalukuyang nagtitimpla ng kape. “Cook your own food.” Ano daw? Kinuha ng binata bandehado na may lamang mga hotdog at bacon. “I said, c
Pigil na pigil ni Skye ang sarili na wag tingnan ng masama si Adius na ngayon ay abala na sa pagbabasa ng mga papeles nito na nasa harapan. Kung pwede lang niya sana itong patayin ng tingin ay kanina pa niya ginawa. Habang tumatagal silang magkasama ay lalo niyang napapatunayan kung gaano kasama ang ugali ng lalaking ito. Tama talaga ang nauna niyang hinala noon… hindi ito ato, maysa demonyo ito. Sinuklay niya buhok na nagulo at inayos ang sarili. Naglagay din siya ng binaon niyang makeup na galing din sa mga binigay ni Adius sa kanya. Akala niya ay wala siyang gagawin dahil wala naman sinabi si Adius sa kanya na may gagawin siya pero hindi nagtagal ay may dumating na may edad na babae para i-train siya kung ano ang gagawin niya. Akala niya mahirap—pero sobrang hirap pala. Hindi pala madali na maging secretary. Gusto niyang sabihin na ‘Ayoko na, suko na ako’ pero sa tuwing maalala niya ang sinabi ni Adius na ‘I will kill you’ ay namomotivate siya. “Madali lang hindi ba?” tanong
HINDI siya palaganti na tao- pero dati ‘yon, hindi na ngayon. “Hmmm, ang sarap.” inamoy-amoy niya ang bagong lutong adobo at pinaypayan ito gamit ang kamay para mapunta ang usok sa kinaroroonan ni Adius. “Gusto mo ba? Pero ang sabi mo kasi kanya-kanya tayo ng luto. Kaya heto, nagluto ako para lang sa akin. Eh diba mayaman ka naman? Umorder ka nalang online.” nabanggit ng mommy nito na hindi mahilig si Adius mag order ng pagkain online dahil mas gusto nito ang lutong bahay. ‘Oh, ano ka ngayon? Kung naging mabait ka lang sana sakin.’ Hindi nakaligtas sa paningin niya ang paglunok nito habang nakatingin sa niluto niya. Sinadya niya talaga na magluto agad pagdating niya sa bahay nito dahil para inggitin ito at makaganti man lang sa pagdadamot nito sa kanya kaninang umaga. Ang arte naman kasi neto. Pwede naman mag init ng ulam na tira pero ayaw. Aba, inutusan ba naman siyang itapon ito. Palibhasa mayaman kaya hindi naisip na sayang ang pagkain. Ang sarap ng kain niya dahil ang damii n
HINDI talaga maganda ang ugali ni Adius. Ito ang napatunayan ni Skye habang nagta-trabaho siya bilang secretary nito. Ang halos lahat ng empleyado ng lalaki ay ilag dito dahil sa masama nitong ugali. Kaya naman hindi nakapagtataka na walang nagtatagal na assistant, o secretary nito. Sinamaan niya ito ng tingin habang abala ito sa pagbabasa ng mga papeles na nasa harapan. Naalala niya ang sinabi nito sa kanya noong nakaraang araw. Ibabawas daw sa perang matatanggap niya ang bawat pagkakamali na magagawa niya? Naisip ito ng binata na para bang alam ang plano niya. Nakakabasa ba ito ng utak? O sadyang matalino lang talaga ito? Sumapit ang alas dose, at katulad nitong nakaraang araw, napansin niya na hindi ito tumayo para kumain. Gusto ba nitong magkasakit? Tumingin si Adius sa sandwich na nilapag ni Skye sa mesa. Kumunot ang kanyang noo. “Why?” “Why?”nginuso ng dalaga ang wall clock, “Alas dose na. Napansin kong palagi kang hindi kumakain kapag lunch. Ganyan ka ba talaga? Subs