Lumabas si Skye ng cubicle upang sundan pa sana ito ng tingin, ng biglang may lumitaw na babae sa kanyang harapan, pareho pa silang dalawa na nagkagulat. Ito ang babaeng natisod kanina at nakatapon ng drink sa suot ng head ng finance kanina sa cafeteria. Bumaba ang tingin ni Skye sa suot nito, kanyang napansin na basa ito, luhaan din ang namumutla nitong mukha… at tabingi pa ang suot nitong salamin habang namumula ang kabilang bahagi ng pisngi. “A-ahmm… p-pasensya ka na kung nagulat kita. A-ano kasi… s-sana hindi lumabas sa ibang tao ang n-narinig at nakita mo ngayon. A-aalis na ako.” “Sandali!” nilabas niya ang panyo at inabot dito. “May dugo ka sa gilid ng labi.” “S-salamat” Hanggang sa makabalik siya sa office ay hindi mawala sa isip niya ang nakita at narinig kanina. Nagpapanggap ang babae na fiance ni Adius para manakot ng iba? Kabaligtaran ito sa narinig niya na baka mabully ang fiance ng binata, bagkus, ginamit iyon ng babae para angatan at magmataas sa iba. Kung
Bigla ay ngumiti siya ng matamis sa binata. “Hindi ba gusto mong alagaan kita? Bakit hindi nalang ako ang kunin mong cleaners nitong bahay mo? May fiance ka na, may tagalinis at tagapag alaga ka pa… ilan ang kailangan mo? Pwede ko bang ipasok ang mga kaibigan ko?” Naalala ni Adius ang ginawa ng mga kaibigan ng dalaga sa penthouse niya.“No. wala akong tiwala sa mga kaibigan mo.” Napangiwi si Skye, ngunit agad din siyang nakabawi. “Sorry na sa nagawa namin noon. Oo, may kasalanan kami, pero hindi naman kami masamang tao kagaya ng iniisip mo. saka twice a month lang naman ang paglilinis dito, hindi mo naman sila palaging makikita. Saka pangako, aalagaan kita ng bonggang-bongga… please…” Hindi ito sumagot, kaya naman nawalan siya ng pag asa na papayag ito. “Then, start filling my stomach now… I can't decide when I am hungry.” Namilog ang kanyang mata. “Talaga! Okay, the food is coming!” Hindi na siya nagpalit ng damit, agad siyang naghanda ng mga lulutuin. 60k a month an
“ah, sige po, Maam, ako ang bahala sa fiance mo. Wag kang mag alala dahil nasa mabuting kamay siya.” sakay niya sa sinabi nito. Tumingin si Jillian sa kanyang suot, maging sa alahas na suot niya, partikular sa kanyang suot na kwintas. Pagkaraan ng ilang sandali ay ngumiti ito ng matamis sa kanya. “Good, Miss Malason. Wag sanang makarating sa kanya ang sinabi ko, dahil ayokong lumaki ang ulo niya kapag nalaman niya na masyado ko siyang inaalala.” sabi pa nito bago umalis. Sinundan nila ito ng tingin nila Rachel. Si Maceel ang unang bumasag ng katahimik sa kanila. “Grabe din siya, noh? Kung titingnan ay parang hindi makabasag pinggan, pero nuknukan naman pala ang sama ng ugali.” “Baka naman fake news lang. Ikaw talaga, ang hilig mong maniwala sa sabi-sabi! Tara na nga, mabuti pa ay magmadali na tayo, baka mahuli pa tayo sa trabaho natin!” Pagdating sa opisina, naabutan niya si Adius na nagsisimula ng magta-trabaho. At katulad nitong nakaraan, hindi man lang siya tinapunan ng ti
Hindi lamang ang barista ang natawa, maging ang katabi niyang lalaki na naka-sumbrero din. “Mukhang may galit ka yata sa boss mo.” “Anong ako ang may galit sa kanya? Siya kamo ang may galit sa akin.” Nakairap niyang tugon. Natigilan siya… sandali… bakit parang pamilyar ang boses ng katabi niya? Sinubukan niyang sumilip sa mukha nito, pero tumalikod na ito at umalis. Sinundan niya ito ng tingin. Matangkad, matipuno ang katawan… kaboses pa ni Adius. Lumapit ang barista sa kanya ng nakangiti. “Miss, nanununtok na kape para sayo.” Anito sabay lapag ng kape sa harapan niya. Pagka-amoy niya dito ay ilang beses siyang napa-hatsing. At ng tikman niya ito, sunod-sunod siyang napaubo ng hindi maipinta ang mukha. Nag alala ang barista. “Miss, ayos ka lang ba? Ang sabi mo kasi—“ Nag-thumbs siya. “G-good job, kuya… ito nga ang kailangan ko.” Ewan nalang niya kapag hindi pa makontento sa kapeng ito ang ‘hudyong lalaking iyon. “Sir, narito na ang kape mo.” Nilapag niya sa harap
Para pala kay Kiro ang kape na pinabili ni Adius. Kung maaga lang sana niya nalaman, tinadtad niya ng kiss ang gilid ng mug. Indirect kiss daw kasi ang tawag doon. Nang iinom na si Kiro ng kape, maagap na kinuha ito ni Adius sa kamay ng kapatid. “This coffee is cold. Go downstairs and buy a new one.” “Anong malamig? Mainit pa yan, no!” Lumapit siya kay Adius at tinangka na agawin ang kape sa kamay nito, pero maagap na tinaas nito ang baso. Nanlaki ang mata niya ng ito ang uminom ng kape—ayon, nangitim ang mukha nito ay sunod-sunod na naubo. “W-what the fvck is this, Skye?!” Halos umalingawngaw sa buong lugar ang malakas na boses nito. Natatarantang tumingin siya sa labas ng pintuan. Nakabukas pa naman ang pinto. Paano kung may makarinig na tinawag siya nito sa pangalan lamang niya. “S-sabing tawagin mo akong Miss Malason, eh!” Kainis naman! Indirect kiss na sana sila ni Kiro, pero paepal ang hudyong ito! “Woah!” Tinaas ni Kiro ang kamay, “mabuti pang umalis na ako bago pa ako
Nangalumbaba na tumingin siya kay Adius na abala sa pagbabasa ng mga papeles. “Bakit kailangan na kasama pa ako? Bakit hindi nalang ikaw ang pumunta don ng mag isa?“ “Because you’re my fiancee. Natural lang na nasa tabi kita at kasama sa anumang event na dapat kong puntahan.” Humaba ang nguso niya. “Eh, hindi pa ako nakaka-attend ng party ng mga rich people. Baka mapahiya ka lang.” Binaba ni Adius ang hawak na papeles at may babala na tiningnan siya. “Then getting ready to accept the consequences if that’s happen. Ayoko na napapahiya ako, so better watch your actions when we’re together.” “Nyi-nyi-nyi…” mahina niyang bulong. Ayaw naman pala nitong mapahiya. Kung ganon, bakit hindi nalang siya nito iwan at umattend ng mag isa. Kailangan niyang makaisap ng dahilan para hindi makasama. “Sir, gabi na.” Sumilip siya sa relong nasa bisig. “Kitams? Alas siyete na kaya gahol na para bumili ng susuotin ko sa party. Ayaw mo naman siguro ako isama na hindi handa di’ba? Saka hindi ako sana
DAHIL sa kahihiyan, hindi ni Skye alam kung paano haharapin si Adius. Kaya naman iniwasan niya ang binata na makasalubong. Pagkatapos niyang maligo at magpalit ng suot, umalis na siya kahit hindi pa siya nakapaghugas ng plato. “Skye!!!” Gumanti siya ng kaway kay Wamos ng makita ito. “Andun na si Jolina?” Tumango ito. “Oo, hinatid ko na. Siya nga pala. Bakit kailangan na ako pa ang maghatid at sundo sayo? Mayaman naman ang asawa mo, bakit hindi ka magpahatid sa driver niya?” “Mayaman lang yun pero may pagkadamot. Saka lulubog-lilitaw ang mga bodyguards o driver nun. Tinalo pa nila ang kabute. Tara na, marami pa kaming bibilhin. Saka may good news ako sa inyo.” Pagkasakay ng motorsiklo nito ay agad na silang umalis. Nang makarating sila ng divi ay agad na bumaba siya sa motorsiklo ni Wamos at nilapitan si Jolina. “Skye!!!!” Bumes-0 sila sa isa’t isa at umakto na parang mayaman sabay tawa ng malakas. “Mag aalas otso na, ilang oras nalang ay magsasarado na ang ibang store.
Kinabukasan, maaga siyang nagising at nagluto ng pagkain ni Adius. Halos isang buwan na din silang magkasama pero hanggang ngayon ay wala parin siyang masyadong alam tungkol dito maliban sa mga simpleng bagay katulad ng, ayaw nito sa mga lutong-restaurant na pagkain, hindi ito mahilig sa kape, mahilig itong mag-boxer short kapag nasa bahay lang, at masama talaga ang ugali nito. “Is this the best you can do?” “S-sir?” Ipinatong ni Adius ang files sa ibabaw ng mesa pagkatapos basahin ito at walang ekspresyon na tumingin ito sa kaharap. “I’m disappointed with this presentation. Did you and your team put enough effort into it? We need to impress Silvestre Inv. Corp., not just go through the motions. This is trash…” Naaawa na sinundan ni Skye ang may edad na babaeng empleyado ni Adius. Trash daw. Hindi ba pwede na wag ng magdugtong ng harsh na salita? Walang araw talaga na walang lumalabas sa opisina nito na nanlulumo, o laglag ang balikat. Pero sabagay. Baka kaya isa ito sa dahil