Share

10. Walang takas

Author: SEENMORE
last update Last Updated: 2024-09-23 05:18:40
Lamog si Wamos sa kanila ni Jolina pag uwi. Gulo-gulo ang buhok nito at gula-gulanit ang suot. "Walang hiya ka! Paano kung nakita si Skye no'n? Gusto mo bang makulong siya?"

Nang kumalma si Skye ay tinaas niya ang kamay. "Wag kayong mag alala dahil sa palagay ko naman ay hindi na niya ako ipapakulong o ipapapatay. N-nagawa ko naman ng maayos ang utos niya ka-kaya sa tingin ko patas na kaming dalawa." Kung tutuusin nga ay sobra pa ang nakuha nito sa kanya.

Kinuha nito ang first kiss niya!

"Anong utos?" Magkapanabay na tanong ng dalawa.

"Aalis na nga pala ako." Pag iiba niya sa usapan. "Pupuntahan ko pa si Kuya Jhake kaya maiwan ko na kayo." Nginuso niya kay Wamos ang mga paninda niya. "Bukas tulungan mo kaming magbenta ha. Siya nga pala. May iba ka pa bang alam na raket? Yung MAAYOS na pagkakakitaan ha." May diin na tanong niya.

Binuksan ni Jolina ang pintuan ng kwarto ng may kumatok.

"Lider Vhong!" Tawag nila sa lalaki.

Oo, naging kaibigan nila ito ni Jolina. Wala na ang
SEENMORE

Walang takas.

| 31
Locked Chapter
Continue Reading on GoodNovel
Scan code to download App
Comments (23)
goodnovel comment avatar
Jocey Jo
Wala ka na talagang takas pa Kay Aduis Skye
goodnovel comment avatar
ۦۦۦۦ ۦۦۦۦ
more update po..thank you ganda story....️...️...️
goodnovel comment avatar
Evelyn Roque
update po plssss
VIEW ALL COMMENTS

Related chapters

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   11. Will you marry me?

    Wala si Skye sa sarili habang nakahawak sa labi niya. Hinalikan na naman siya ni Adius—hindi lang isang beses, kundi TATLO pa dahil sa hirit ng kuya niya. Anumang sandali pakiramdam niya ay maiiyak na siya. Narito sila ngayon sa isang restaurant. Ayaw sana niyang sumama pero ano ang magagawa niya? Baka mamaya ay totohanin ni Adius ang banta sa kanya. Paano kung idamay nito ang kapatid niya? Namutla siya sa takot. Ang sama na nang loob niya pero ang tatlong matanda na nasa harapan nila ng binata ay parang sinilihan sa pwet. Kilig na kilig ang tatlo, daig pa ang mga bagets. 'Ano bang klase itong pamilya ni Adius?!' "Hehe, ito talagang pamangkin ko 'tatahimik-tahimik lang pero mukhang mahilig din pala!" Ani ng Tita Apol nito na humahagikgik pa. "Kanino pa nga ba magmamana ang anak ko? Siyempre kundi sa daddy niya!" Komento naman ng mommy nito. "Sakit na yata ito ng mga lalaki sa pamilya natin. Mga mahihilig." Nakahawak sa noo na iiling-iling naman na saad ni tita Charlotte.

    Last Updated : 2024-09-25
  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   12. Contract

    “Ano?! Nababaliw ka na ba? Anong lilipat! Ayoko nga!” Tanggi niya kay Adius ng sabihin nito sa kanya na titira sila sa iisang bahay. Kanina pa nakaalis ang mommy at mga tita nito kaya naiwan silang dalawa dito sa restaurant. At ayun nga, sinabi nito sa kanya na bukas na bukas din ay titira silang dalawa sa bahay na pinagawa nito. “You will move with me because I say so, Skye. Ayokong magduda sila mommy na wala talaga tayong relasyon.” Balewalang giit nito. “Aba, kasalanan ko ba na nagpagawa ka ng bahay—“ ngumiti siya bigla, o mas tamang sabihin na napangiwi. May pasigaw-sigaw pa siyang nalalaman. Baka mamaya bumulagta siyang butas ang bungo dito. “A-ang ibig kong sabihin. B-bakit kailangan na tumira pa tayo sa iisang bubong? Hindi ba pwede na… na pupunta lang ako sa bahay mo kapag nalaman natin na bibisita sila?” Ayaw niyang makasama ang lalaking ito sa iisang bubong. Sigurado siya na mapapadali ang buhay niya kapag nagkataon. “Sigurado ka bang kaya mong gawin ang sinasabi mo?”

    Last Updated : 2024-10-03
  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   13. Tawag

    MAGKAHAWAK-kamay silang nagtatalon ni Jolina sa tapat ng isang salon. Oo, nasa tapat sila ng isang salon. Matutupad na ang pangarap nila na makapagpaayos at makapagpaganda sa isang mamahaling salon na hindi iniisip ang bayad. May silbi rin pala ang pagdating ni Adius sa buhay niya dahil gagaan ang buhay niya. At siyempre, hindi niya pwedeng kalimutan ang kaibigan niya. “Gusto ko maging bonggang-bonggang straight ang buhok ko! Gawin niyo akong pinakamagandang blonde and straight sa buong mundo!” Hirit pa ni Jolina sa baklang nag assist dito pagkapasok nila. Lumapit sa kanya ang isa pang binabaeng tauhan ng salon. “Sayo po, ma’am. Itutuwid ba natin itong buhok mo?” “Mga ilang oras bago maging straight ang buhok ko?” “Virgin po ba, ma’am?” Proud siyang tumango. “Aba oo, mana sa akin ang buhok ko. Virgin pa hehe!” Aniya na ikinatawa ng mga naroon kaya natampal niya ang bibig. “Skye!” Mahina siyang sinipa ni Jolina sa paa para agawin ang pansin niya. Tumitingin kasi siya

    Last Updated : 2024-10-04
  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   14. Tested

    Gumapang ang kilabot sa buong katawan niya ng mahimigan ang banta sa boses nito. Napatayo siya ng wala sa oras. Napansin niya na nakatingin ang lahat sa kanya—saka lang niya naalala na naka-loudspeaker ang cellphone niya habang kausap niya si Adius. “H-hehe. Ganyan talaga magmahal ang babe ko… n-nakakamatay,” aniya na dinaan sa tawa ang frustration. “Madam, saan ka pupunta?!” Pigil sa kanya ng mga baklang nag aassist sa kanya. Maging si Jolina ay natataranta. “Skye, wag mo akong iwan dito! Wala akong pambayad!” “Wag kang mag alala babalik agad ako!” Duda siya sa sinabi niya kaya hinagis niya ang sling bag niya kay Jolina pagkatapos kumuha ng pamasahe pantaxi. Kailangan niyang magmadali dahil malayo ang bahay ni Adius at aabutin ng dalawang oras ang biyahe. Ang swerte niya naman dahil paglabas niya ng salon ay nakita niya si Wamos. “Hoy, Skye! Baba, may date ako—“ “Wala akong pake! Kapag hindi mo ako hinatid ay sasabihin ko sa lahat ng magiging jowa mo na mas malaki ang

    Last Updated : 2024-10-04
  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   15. Pisil

    [Skye] Hindi lang isang beses penesté ni Adius ang buhay niya—kundi halos araw-araw sa loob ng isang buwan. Pagsubok ang tawag dito ng binata, pero sa kanya ay MALINAW NA ISA ITONG PAMEMESTE sa buhay niya. Wala itong pinipili, mapa-umaga, tanghali, man o gabi. Minsan ay hindi pa siya nakakapag almusal, minsan nagluluto siya, minsan naglalaro sila ng kuya niya at nasa hospital siya, at minsan naliligo o dumudumi pa siya. Ayaw na tuloy siya na sagutin ang tawag nito. Pero kapag naiisip niya ang pwedeng mangyari sa kanya, o sa kanila ng kuya niya ay natatakot naman siya. “Skye, halika ka na. Bakit ba ang tagal mong maligo?” Mangiyak-ngiyak na tumingin siya kay Jolina. Ang ganda na nang buhok nito. Samantalang ang kalahati ng buhok niya ay naluto sa gamot kaya nalagas. Kaya heto, maikli na ang buhok niya at bumalik pa sa pagkakulot ang kalahati. “Tumawag ka naman ba si banker?” Tanong nito. Banker na ang tawag ni Jolina sa ‘pekeng fiancee’ niya dahil para daw itong banko… ang

    Last Updated : 2024-10-06
  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   16. Manhikan part 1.

    [Skye] Pulang-pulang ang mukha niya habang nakaharap sa magulang at kapatid ni Adius na si Aimee. Hindi lang siya namumula dahil sa kahihiyan, namumula din siya sa galit. Hindi pa ba ito nakontento sa pagnakaw ng halik sa kanya noon? Pati ba naman melon niya ninakaw nito ang unang himas na dapat ay sa tunay na nobyo lang niya mapupunta? Sumusobra na ito! “Heto ang tubig, Skye. Uminom ka muna. Alam ko ang pakiramdam ng mabitin kaya idaan mo nalang muna sa tubig.” Bulong ng mommy ni Adius na may ngiting nanunudyo. Nabitin? Saan? Lalo siyang pinamulahan ng mukha ng mapagtanto ang sinabi nito. Napaupo siya ng tuwid ng maramdaman ang kamay ni Adius sa balikat niya. “Biglaan naman ang pagpunta niyo, mom, dad. Hindi tuloy nakapagluto si babe para sa inyo.” Kumislap sa tuwa ang mga mata ng mommy nito. “Marunong ka magluto, Skye?” Nang tumango siya ay lumaki ang ngiti sa labi nito. “That’s good, iha. Akala ko ay kailangan pa kitang turuan para matutong magluto. Iha, baka is

    Last Updated : 2024-10-10
  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   17. Manhikan part 2

    [Skye] Sa totoo lang ay napakagandang version ni Adius si Aimee. Wala siyang makapa na takot kapag kausap niya ito—maliban sa daddy ni Adius at sa binata mismo. Pero saksakan ng kulit si Aimee. Mas matanda ito sa kanya pero kung umasta ito ay parang bata. Nalaman niya na may anak na pala ito, pero wala daw sa Pilipinas. Ayaw naman niya mag usisa kung nasaan dahil baka sabihin ay tsismosa siya. “Sige, Skye… ano ang nagustuhan mo sa kanya?” Napabuga siya ng hangin. Takot na takot siya na baka mabasag niya ang mga mamahaling mga plato ni Adius kaya ingat na ingat siya sa galaw niya. Pero mukhang kapag hindi niya ito sinagot ay haharang at haharang ito sa daan niya. “Gusto mo talagang malaman kung ano ang nagustuhan ko sa kapatid mo?” Nilapag niya muna ang mga plato sa malaki at mahabang mesa bago nakapamewang na humarap dito. “Alam mo, Aimee. Wala naman talaga kagusto-gusto sa kapatid mo. Gwapo lang siya pero masama ang ugali niya. Mainitin ang ulo niya at saksakan ng sungit.

    Last Updated : 2024-10-10
  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   18. Manhikan part 3

    [Skye] “A-ang ibig kong sabihin… siya po ang naghahatid sa akin sa hospital para mabilis na makabisita kay kuya Jhake. H-hindi po siya nagmamanmam sa labas ng bahay… k-kasama ko po siya.” Mukhang hindi naniwala sa kanya ang lahat, mabuti nalang at nagsalita ang kuya Jhake niya. “W-wamos, n-nagpatuli ka na ba? A-a-ko kasi tuli na hehehe!” Natampal nila ni Jolina ang noo. Sabi na nga bata at ito ang sasabihin ng kuya niya kapag nakita ito at si Wamos. Hindi tuloy nila malaman ni Jolina kung matatawa kay Wamos o maaawa dahil sa pang aasar ng kapatid niya. “I know him… actually, I know them all.” Makahulugan na wika ni Adius. Nakangising inisa-isa nitong tingnan silang lahat, na ikinalunok nilang lahat. Nahulaan kasi nila ang ibig nitong sabihin. “Sila ang mga… kasama ng fiancee ko na magtrabaho noon kaya nagkakilala kaming dalawa.” Sabi na nga ba natatandaan silang lahat ni Adius! Pero bakit narito silang lahat? Pinasama ba ni Adius dito ang mga kaibigan niya? Pati ang kapatid

    Last Updated : 2024-10-10

Latest chapter

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   Author’s note 📝 ✨

    Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng readers ko na sumubaybay dito hanggang sa dulo. Thank you po sa old at new readers ko. Hindi ko man kayo ma-mention lahat, kilala ko kayo✨ sa mga nagpadala ng GEMS 💎 at mga nagbigay ng FEEDBACK ♥️ Grabe ang layo ng stories na narating nating lahat. Xerxes and Apol 💟 Kairo and Alena 💟 Johnson and Charlotte 💟 Axel and Serena 💟 and lastly ay sina Adius at Skye💟 Wag po sana kayo magsawa na sumuporta sa mga stories ko. Ang trapped series ko ay hindi ko pa sure kung kailan ko sisimulan. Pero may soon na stories akong ipa-publish soon. Sana po ay magustuhan at suportahan ninyo. May bago po pala akong story, ito po ang title: MAFIA BOSS SERIES2: THE PRETENDING WIFE [MR. KING] Salamat po ulit sa support✅ By author: Seenie ♥️

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   77. The happy ending

    Pagkatapos ng dinner at pagsapit ng alas otso ay pinaakyat na sila ni Serena para makapag pahinga. Maaga kasi ang kasal nila ni Adius bukas. At si Serena naman ay kapapanganak lang. pagdating sa kwarto niya ay kumunot ang kanyang noo. May nakita kasi siyang bulaklak sa ibabaw ng kama niya. Balak sana niya na balewalain ito pero biglang sumulpot si Queenie sa gilid ng kama niya. “Tita Skye, hindi mo pa ba pupuntahan si tito Adius?” Napabangon siya bigla. “Ha? Nandito ang tito mo?” “Opo, tita… nasa garden po siya! Bigay niya nga po itong rose eh… para daw po sa magandang future misis niya hehe!” Nakabungisngis na sagot pa nito sa kanya. “Shhh lang daw po, tita, baka daw po malaman nila lola na nandito siya.” Bilin pa nito. Halos isang linggo din silang hindi nagkita kaya excited na pumunta siya sa garden para makita ito. Napasimangot siya ng makita na si Kiro ang naroon. Natawa naman ito ng makitang nakasimangot siya. “Bakit parang nalugi ka, Skye. Dati naman ay masaya ka kapa

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   76. Bawal magkita

    “Dude, are you okay?” Tanong ni Xian sa kanya. Kumunot ang noo nito ng hindi siya sumagot. “Adius, may problema ba?” “H-ha? Wala.. wala…” sagot niya sabay talikod sa kanyang pinsan. Nagkatinginan sila Jansen, Xian at Ax. Lumapit si Xio na kadarating lang at umakbay sa kanya. “Adius, napansin namin na noong nakaraan ka pa wala sa sarili. Sigurado ka ba na wala kang problema? Wag mong sabihin na gusto mong umatras sa kasal niyo ni Skye bukas?” “W-what?! Of course not! Bakit naman ako aatras sa kasa naming dalawa gayong matagal din akong naghintay na ikasal kami?!” Inalis ni Adius ang kamay ni Xio sa kanyang balikat at tumingin sa labas ng bintana kung saang hotel naroon sila. “Kung ganon ano ang problema? Nag-aalala na sila tito Kairo sayo. Tsk. Iniisip tuloy nila na baka napipilitan ka lang na pakasalan si Skye dahil sa bata.” Komento naman ni Axel. Bumuga si Adius ng hangin at seryosong tumingin sa mga ito. Nahihiya man… hindi na siya nakapag pigil. Tumikhim muna siya. “U

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   75. Mahal ka namin ni baby.

    Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay puting kisame ng silid na kinaroroonan niya. Nauuhaw siya… nanunuyo ang kanyang lalamunan. “A-adius…” paos niyang tawag sa nobyo. Umiiyak na hinawakan niya ang kanyang tiyan… “Adius, ang baby natin!” “Shhh, babe… it’s fine. Wag kang mag-alala ligtas ang anak natin.” Sabi ni Adius habang hawak ang isa niyang kamay. Naluha siya sa sinabi nito. Nang yakapin siya nito ay sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “B-babe… akala ko hindi ka na darating… akala ko mapapahamak kami ni baby…” nang panahon na hilahin siya nila Hersheys ay napuno na ng takot ang dibdib niya. Inisip niya na hindi na ito darating para iligtas sila. Humagulhol siya ng maalala ang maraming dugo sa pagitan ng mga hita niya. “A-akala ko mawawala na ang baby natin, babe… so-sobra akong natakot… akala ko mapapahamak siya…” Niyakap ni Adius ng mahigpit si Skye. Dama niya takot at ang panginginig nito. “I’m sorry, babe kung nahuli ako.

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   74. Kabayaran

    Pagdating ni Adius sa basement ay sumalubong sa kanya si Xio na may hawak na baseball bat. “Mabuti naman at dumating ka na. Parating na ang mga tauhan ni Axel kasama sila. Magsisimula pa lang ako pero may nag-eenjoy na sa loob.” Sabi nito. “Where is she?” Tanong niya. “Nasa dulo, kasama si Aimee.” Sagot ni Xio, Kumunot ang noo ni Adius. Akala niya ay nasa hospital din ito ngayon kasama sila Axel. Pagdating niya sa pinakadulong kwarto ay nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa couch at nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Hersheys. Nakatali ang dalawang kamay ni Hersheys pataas, sabog ang buhok nito at putok ang labi at duguan ang mukha. Ayon kay Xio ay may nag-eenjoy na dito. Mukhang ang kakambal niya ang tinutukoy nito. Tumayo si Aimee at galit na dinuro si Hersheys. “Adius, hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Skye at sa pamangkin ko… please, let me kill her now!” Nanlilisik sa galit ang mga mata na sabi ni Aimee. Nanlaki ang mata ni Hersheys sa takot. “Pa-paran

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   73. Payback time.

    Binalibag ng malakas ni Adius si Hersheys sa sahig bago niya nilapitan ang nobya. “Damn!” Malakas niyang mura ng makita ang nakakaawang kalagayan nito. “B-babe… hold on.” Pinangko niya ito. Kanina ay walang nanaig sa kanya kundi matinding galit. Ang tanging nasa isip niya ay kitilin ang buhay ni Hersheys dahil sa ginawa nito kay Skye. Ngunit ng makita niya ngayon ang kalagayan ng nobya na duguan ay kinain ng takot ang kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang katawan sa takot na baka mawala ito o ang kanilang anak. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang mag-ina. “B-babe, come on.. wake up. Don’t fall asleep in my arms, babe…” pakiusap niya sa nobya habang buhat ang walang malay na katawan nito. Tuluyan na itong nawalan ng malay sa kanyang bisig. Malaki ang sugat sa noo ng nobya. Walang patid ang pag-agos ng dugo dito, maging sa pagitan ng hita nito. “Babe, o-open your eyes, please… nandito na ako. U-uuwi na tayo…” Garalgal ang boses na p

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   72. Sakal.

    “H-hindi totoo ang mga sinasabi mo… ako ang mahal ni Adius…” nitong nakaraan ay sigurado siya na mahal siya ni Adius. Ngunit ngayon ay nabasag ang kumpiyansa niya. Natatakot siya na baka totoo ang sinabi nito. Maisip palang niya na tama ito ay parang dinudurog na ang puso niya sa sakit. Nahihirapan siyang huminga at parang kinakapos siya sa hangin. “Kung mahal ka niya ay hindi niya ibibigay sa akin ang kontratang ito, Miss Malason, at hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol sa panibagong kontratang ito. Gumising ka na sa kahibangan mo at matauhan. Hindi ang katulad mo ang mamahalin ni Adius. Malayong-malayo ka sa babaeng nababagay sa kanya. Kaya nga gumawa siya ng kontrata kagaya ng ganito dahil alam niya na aabot sa ganito. Look at you, nag-aassume ka at nangangarap na papatusin ka talaga niya… gold digger bitch!” Dagdag pa ng babae. Dumaloy ang masaganang luha niya sa kanyang mata. Gold digger naman talaga siya. Pera lang ang mahalaga sa kanya. Tama si Hersheys… kaya gumawa

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   71. Hersheys lies

    Dinala si Skye ng mga lalaki sa isang abondonadong resort. Kusang-loob siyang nagpa-akay sa mga ito hanggang sa makarinig siya ng pagbukas ng pinto. “Itali ninyo ang babaeng iyan. Hintayin natin si madam. Mamaya ay darating na iyon,” rinig ni Skye na bilin ng isang lalaki. Kahit wala siyang makita dahil sa kanyang piring sa mata ay alam niya na inupo siya ng mga ito sa isang upuan. Naramdaman niya na tinali siya ng mga ito sa kamay at paa. Ang higpit ng pagkakatali sa kanya, ramdam niya ang hapdi ng paglapat ng lubid sa kanyang balat. “Nakatali na si miss. Hindi na makakatakas ito sa higpit ng pagkakatali ko!” Sabi ng isang lalaki. “Mabuti naman. Sa labas na tayo maghintay. Kakatext lang ni madam, malapit na daw siya. Hoy, ikaw, Esko, lumabas ka! Wala akong tiwala sa’yo!” Narinig niya ang paglabas ng mga ito habang nagrereklamo ang lalaki na tinawag nitong Esko. ‘Diyos ko, wag mo kaming pabayaan ng anak ko!’ Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagdasal na sana a

  • MAFIA BOSS SERIES: THE FIFTH WIFE [Mr. X]   70. Ang galit ni Adius.

    Habang lulan ng sasakyan ay napansin niya na panay ang tingin sa kanya ng mga katabi niya. Bigla siyang kinabahan sa klase ng tingin nito. Tinakpan niya ang kanyang leeg gamit ang kamay at umusod palayo. Pero may isa pang lalaki sa kanyang tabi kaya wala na siyang mausuran. “Ang ganda mo pala, miss. Kaya pala pinatulan ka ng mayaman eh… amoy baby ka pa at mukhang mabango!” Kahit hindi nakatingin si Skye sa lalaki ay ramdam niya ang malaswang tingin nito sa kanya. “Hoy, Esko! Wag kang magkakamali na galawin ito, baka mamaya ay hindi tayo makatanggap ng bayad at bonus kay madam! Kung ako sa’yo ay manahimik ka!” Sita ng katabi ng driver. Kinurot ni Skye ang hita. Kung kanina ay kalmado siya at hindi natatakot, ngayon ay nagsimula na siyang makaramdam ng kaba. Mukhang hindi lamang kidnaper ang mga dumukot sa kanya. Mukhang mga manyakis pa at talagang halang ang mga kaluluwa. Napapitlag siya ng biglang umakbay sa kanya ang isang lalaki na katabi niya. “Mukhang hindi natatakot si

Scan code to read on App
DMCA.com Protection Status