LOCK 🔐
“A-ano ang gagawin natin ngayon? D-dito na ba tayo mamamatay?” Namumutlang tanong ni Atom hahang hawak ang binti na duguan. Nanginginig silang lahat dahil sa takot. Bawat yabag papalapit ay napapatras sila. Anong laban nila sa lalaki eh may baril itong hawak? “Ano bang klaseng grupo kayo ng kawatan? Wala man lang kayo dalang armas!” Mukhang hindi naman ang mga ito ordinaryong magnanakaw pero wala man lang kagamit-gamit na dala ang mga ito. Mabuti pa siya ay may dalang martiyo pang self defense niya kung sakali na may mambastos sa kanya. Pero ang grupo ng mga ito ay iisa lang ang baril—at nasa lider pa iyon na nasa labas. “Come out now, people. Kneel and beg before I kill you all.” Nanlamig ang katawan nilang anim sa takot. Hindi ito kinaya ni Atom at dalawa pang kasama kaya nawalan ang mga ito ng malay. Hindi alam ni Skye kung maaasa ba o maiinis. Kalalaking tao pero nauna pang mawalan ng malay sa takot kaysa sa kanya. B-bakit naman ako luluhod at magmamakaawa sayo eh papat
Pinagpapawisan siya ng malapot habang napapalibutan ng pamilya ng pekeng fiance niya. Ibang klase naman magsopresa ang pamilya nito—hindi lang gabi, kundi gabing-gabi. Nakilala na niya ang mga ito dahil isa-isang pinakilala ng tita Apol ni Adius ang lahat ng narito. Grabe. Hindi lang si Adius ang malaking tao, pati ng pinsan nito. Mabuti nalang at napakalawak ng sala. Kung normal na sala lamang ito ay tiyak na hindi sila kakasya. Daig pa niya ang nasa hot seat. Nakakailang, lalo na ang tingin ng ginang na nasa gitna na palagay niya ay ina ng katabi niya. Pati ang tingin ng babaeng kamukhang-kamukha ng fiance niya, na alam niyang kakambal nito ay nakakailang. “Iha, kailan pa naging kayo ng anak ko?” Tanong ng ginang. Akmang magsasalita na siya ng inunahan siya ng ‘fiance’ niya kuno na magsalita. “Sa isang party, mommy.” Tumikwas ang kilay ng ginang. “Hindi ikaw ang tinatanong ko kundi ang nobya mo.” Nakangiting bumaling ito sa kanya. “Sige na, iha, magkwento ka na, wag ka ng
Nang pakawalan nito ang labi niya ay naghahabol siya ng hininga. Ito nalang ang paraan para matakasan niya ang kahihiya—ang magpanggap na mawalan ng malay. “Adius, naman! Alam kong sabik na sabik ka sa nobya mo at hindi makapaghintay na masolo siya. Pero wag mo naman siyang patayin sa halik!” Kanina pa naririnig ni Skye na pinapagalitan si Adius ng mommy nito. Hindi niya alam kung matutuwa ba dahil pinapagalitan ito, o mapapangiwi dahil sa pinagsasabi nito. “I didn’t do anything wrong, mom. I just kissed her.” Ngali-ngali na tumanyo siya at ihampas ang lampshade sa ulo nito. ‘Just kissed her?’ Ang kapal ng mukha! Sino na ito para halikan siya? Nagpanggap na nga siya katulad ng gusto nito. Ninakaw pa ang first kiss niya! ‘May araw ka din sa akin walang hiya ka!’ Gigil na isip-isip niya. Nang marinig niya na sumara ang pintuan ay nagmamadali siyang bumangon. Bago sumilip sa bintana ay nilock niya muna ang pinto. Mabuti nalang at nasa ground floor lang sila at bukas ang bint
Lamog si Wamos sa kanila ni Jolina pag uwi. Gulo-gulo ang buhok nito at gula-gulanit ang suot. "Walang hiya ka! Paano kung nakita si Skye no'n? Gusto mo bang makulong siya?" Nang kumalma si Skye ay tinaas niya ang kamay. "Wag kayong mag alala dahil sa palagay ko naman ay hindi na niya ako ipapakulong o ipapapatay. N-nagawa ko naman ng maayos ang utos niya ka-kaya sa tingin ko patas na kaming dalawa." Kung tutuusin nga ay sobra pa ang nakuha nito sa kanya. Kinuha nito ang first kiss niya! "Anong utos?" Magkapanabay na tanong ng dalawa. "Aalis na nga pala ako." Pag iiba niya sa usapan. "Pupuntahan ko pa si Kuya Jhake kaya maiwan ko na kayo." Nginuso niya kay Wamos ang mga paninda niya. "Bukas tulungan mo kaming magbenta ha. Siya nga pala. May iba ka pa bang alam na raket? Yung MAAYOS na pagkakakitaan ha." May diin na tanong niya. Binuksan ni Jolina ang pintuan ng kwarto ng may kumatok. "Lider Vhong!" Tawag nila sa lalaki. Oo, naging kaibigan nila ito ni Jolina. Wala na ang
Wala si Skye sa sarili habang nakahawak sa labi niya. Hinalikan na naman siya ni Adius—hindi lang isang beses, kundi TATLO pa dahil sa hirit ng kuya niya. Anumang sandali pakiramdam niya ay maiiyak na siya. Narito sila ngayon sa isang restaurant. Ayaw sana niyang sumama pero ano ang magagawa niya? Baka mamaya ay totohanin ni Adius ang banta sa kanya. Paano kung idamay nito ang kapatid niya? Namutla siya sa takot. Ang sama na nang loob niya pero ang tatlong matanda na nasa harapan nila ng binata ay parang sinilihan sa pwet. Kilig na kilig ang tatlo, daig pa ang mga bagets. 'Ano bang klase itong pamilya ni Adius?!' "Hehe, ito talagang pamangkin ko 'tatahimik-tahimik lang pero mukhang mahilig din pala!" Ani ng Tita Apol nito na humahagikgik pa. "Kanino pa nga ba magmamana ang anak ko? Siyempre kundi sa daddy niya!" Komento naman ng mommy nito. "Sakit na yata ito ng mga lalaki sa pamilya natin. Mga mahihilig." Nakahawak sa noo na iiling-iling naman na saad ni tita Charlotte. 'M-mah
Napanganga si Apol habang nakatingala sa gusaling nasa kanyang harapan. Hindi niya akalain na napakalaki at napakataas pala ng gusali na pag-aapplyan niya ng trabaho. Sa taas nito at laki ay mukhang hindi ito pipitsugung kumpanya lang. Ang sabi ng kaibigan niyang si Camille na nagrekomenda sa kanya rito ay malaki ang magiging sahod niya sa kumpanyang ‘to kapag nakapasok siya. Dinukot niya sa lumang bag na dala ang Gold Card na binigay ni Camille. Gamitin daw niya ito sa pag-aapply para agad siyang matanggap. Ayon pa sa kaibigan niya ay pwede siyang bumale ng malaking pera kapag natanggap siya. Kaya naman agad niyang sinunggaban ang trabahong ‘to. Malapit ng manganak ang ate niya, meron pa ‘tong heart disease kaya naman kailangan niya talaga ng malaking pera. Kaya nga agad siyang pumayag na mag apply at pumasok rito. Napakamot si Apol sa ulo. “Mukhang sosyalin naman ang lugar na ito. Pwede kaya ang tulad ko rito?” Bumuga siya ng hangin. “Ano ka ba naman, Apol. Syempre pwede ang kah
This story is RATES SPG‼️ Not suitable for young readers and SENSITIVE readers ‼️ READ AT YOUR OWN RISK ⚠️ Agad na bumangon si Apol nang magising. "Nasaan ako?" agad niyang kinapa ang sarili. Nakahinga ang dalaga ng maluwag nang makitang walang sugat at buo pa ang kanyang katawan. "Hay, salamat naman at buhay pa ako," ani niya. Nilibot ni Apol ng tingin ang paligid, walang ibang tao bukod sa kanya. Kinapa niya ang kama na kanyang hinigaan. “Grabe ang lambot naman nito, halatang mamahalin!” Hindi katulad ng sapin nila sa kanilang bahay na bukod sa luma na ay ubod pa ng tigas, dahil papag lamang iyon na gawa sa plywood. Naalala niya ang nangyari. "Apol, ang pagtakas ang dapat mong isipin!” Kastigo niya sa sarili sabay kutos sa kanyang ulo. Imbis pagtakas ang isipin kung ano-ano pa ang napupuna niya. Kailangan niyang tumakas habang hindi pa nagagawa ng mga ito ang masamang balak sa kanya. Hindi lang talaga niya mapigilan na mamangha sa kama. Bata palang kasi siya ay pan
[Apol]Ano daw? Asawa?"Pasensya na po, pero sa tingin ko nagkakamali po kayo. Nagpunta po ako dito para sa trabaho, Mr. X. Hindi po ako nandito para maging asawa mo-" Nabitin ang anumang sasabin niya ng may dumating na dalawang lalaki. Sabay na yumukod ang dalawa sa lalaking kaharap niya. "Mr. X, nahuli na naman si Dixon. Ano ang gagawin namin sa kanya?" Magalang na tanong ng lalaki na nakakatakot ang itsura. Mukha itong goons sa mga pelikula, maging ang kasama nito ay gano'n din ang hilatsa ng mukha. Mukha itong mga kontrabida sa mga palabas.Dumilim ang mukha ni Mr. X. "Kill that traitor." Mapanganib nitong utos.Namilog ang mata niya sa narinig, at muntik pang malaglag ang panga niya."Yes, Mr. X!" Sabay na tugon ng mga lalaki at sabay pa. Bago umalis ay muling nagsiyukod ang mga ito bilang pagbibigay galang.'D-Diyos ko! T-Tama ba ang narinig ko? K-Kill daw!' Takot na ani nang utak niya. Nanlalamig ang katawan niya sa takot ngayon, maging ang tuhod niya ay nanginginig pa. Ano b