Maraming salamat po sa mga GEMS 💎 at RATE ✨🫶💕
“Stacey… Stacey…” “Ahhh! Layuan mo ako! Hindi ako natatakot sayo! Patay ka na!” Histerikal na sigaw ni Stacey ng magising siya. Paulit-ulit niyang naririnig ang malamig at nakakatakot na boses ni Serena na tinatawag ang pangalan niya. “L-lumayo ka hindi ako natatakot sayo—“ Malakas na sinampal ni Stella ang anak para matauhan ito. Nang matauhan si Stacey ay umiiyak na yumakap ito sa ina. “M-mommy! N-nakita ko si Serena! Nakita ko siya! Ahhh! Minumulto niya ako, mommy! B-balak niya akong patayin!” Takot na nilibot ni Stacey ng tingin ang paligi. Takot na takot siya na baka biglang lumitaw si Serena at saktan siya. “Calm down, anak!” Galit na sita ni Stella sa kanyang anak habang inaalog ito sa balikat. “Naririnig sa labas ang boses mo! Gusto mo bang magtaka si Joem sa pagwawala mo? Dahil sa kasisigaw mo ay bibigyan mo sila ng idea na meron kang ginawa na hindi maganda kay Serena!” “P-Pero, mommy,” nanginginig na kumapit siya sa ina. “N-nakita ko siya… m-minumulto niya ako, mo
Kagat ni Serena ang labi habang nakasandal sa pintuan ng kwarto niya. Nakita niya kasi si Axel kaya agad siyang umiwas. Hindi niya kasi alam kung paano haharap sa binata simula ng manggaling sila sa yacht at may nangyari sa kanila. “Paano na ‘to? Kailangan ko ba siyang iwasan araw-araw?” Napahawak siya sa labi… biglang nag init ang kanyang pisngi ng maalala ang mainit na namagitan sa kanila. Hindi iyon tama dahil wala naman silang relasyon. Pero hindi niya maintindihan ang sarili. Imbis kasi na kalimutan iyon dahil isa lang naman ‘yong pagkakamali, pero hindi naman niya magawa. May parte sa kanyang dibdib na hinahanap-hanap ang mainit na yakap ni Axel. Ano kay ang nasa isip ni Axel ngayon? Hindi niya kasi malaman kung ano ang nasa isip nito ngayon. Simula kasi ng may mangyari sa kanila napansin niya na tulala ito. Mukhang natauhan ito at nagsisi sa ginalaw siya nito. Nakadama siya ng kaunting kirot sa dibdib. Ilang beses siyang bumuga ng hangin habang malungkot na nakatanaw
Nakangiting pinagmamasdan ng magkapatid na sila Apol at Alena sina Axel at Serena. Sinama ni Axel ang dalaga sa kanilang Family Reunion. Hindi sila ang nakapansin ng closeness ng dalawa, kundi ang buong pamilya. “Look at your son, Apol. Aba, mukhang hindi na pinaglihi sa sama nh loob. He looks so happy now. Kakaiba ang kinang sa kanyang mata, halatang masaya siya kay Serena. Hindi ko inaasahan na mauuna pa siyang magmamahal kay Adius. Diyos ko ang batang ‘yon. Mukhang walang pag asa na magkaawa pa. Siya yata ang tatandang binata sa pamilya namin.” Litanya ni Alena na napapailing nalang. “Problema ba ‘yon, ate? Eh di ipa-pikot mo ang anak mo! Aba, wag kang papayag na hindi magkaroon ng apo. Sayang ang lahi ni Adius kung hindi mapapakinabangan!” Sulsol ni Apol. Iba kasi ang level ng ugali no Adius… ah basta, hindi mapaliwanag. “Napakaganda mo talaga, Serena. No wonder kaya gusto ka agad pakasalan ng pamangkin namin. So, kailan ang kasal ninyo?” Tanong ni Charlotte. Muntik ng mag
Inayos ng mag-inang Stella at Stacey ang kanilang suot bago bumaba ng sasakyan. Ngayong araw ay gaganapin ang meeting dito sa Torres Building, makikilala na nila ang kanilang Potential Investor na handang makipag-cooperate sa Torres Packaging Innovation Company. “Mommy, ano sa palagay mo, papayag kaya sila sa business proposal natin?” Hindi sinabi ng kaniyang stepdad kung sino ang potential investor nila. Pero ayon rito ay mula ito sa kilala at makapangyarihan na pamilya. Ngumisi si Stella sa anak. “Stacey, it doesn’t matter kung pumayag man siya o hindi. Baka nakakalimutan mo na may alas tayo. Walang sinuman ang nakakatanggi sa alindog mo kaya kahit sino man siya ay mahuhulog pa rin siya sa atin.” Kahit na may asawa na si Stacey ay handa siyang gamitin ang katawan. Kung ito lang ang tanging paraan para magtagumpay sila sa plano ng mommy niya. Bata palang siya ay pangarap na niya ang yumaman at magkaroon ng limpak-limpak na salapi. At mangyayari lamang iyon kung makukuha nila a
Lahat ng nasa boardroom ay nakadama ng tensyon, maging ang secretarya ni Baxia. Tumikhim ang mag-ina at inalis ang takot sa dibdib. Kailangan nilang maging professional at harapin si Mr. Axel Helger. Nilakihan ni Stacey ang kaniyang ngiti. “Good day, Mr. Helger. Sana ay magkasundo ang bawat partido natin—“ tumabingi ang ngiti ng babae ng harangan ito ng isang tauhan ng lalaki. Napapahiya na bumalik ito sa kinatatayuan. Si Stella, bagaman gusto rin na makipagkamay ay nanatili nalang siya kinatatayuan dahil batid niya na mapapahiya lamang siya. May hindi siya maipaliwanag na nararamdaman. Bakit sa hinuha niya ay may mangyayari na hindi maganda? Nagkatinginan sina Stacey at Stella. Nakadama ng kasiyahan. Bakit nila paiiralin ang kanilang takot? Pagkakataon na nila ito para makuha ang gusto. Kung hindi nakitaan ng mga Helger ang kanilang kumpanya ng potential ‘di sana ay wala ito rito ngayon. “Magandang araw, Mr. Axel Helger. Nagagalak kami na makilala ka. Isang karangalan ang map
Halos mamuti ang kamao ni Axel sa diin ng pagkakuyom nito. Kanina pa niya gustong hilahin si Serena subalit nagpipigil lamang siya. Hindi siya pwedeng magpadala sa selos… nagtiwala ang dalaga sa kanya kaya magtitiwala din siya sa sinabi nito na wala na itong nararamdaman sa ex-fiance nito. “Joem!” Hinatak ni Stacey ang asawa at pekeng bumaling ng ngiti kay Serena. Galit na galit siya! Pinaghirapan niya na makuha ang asawa niya, ginawa niya ang lahat para mahalin siya nito. Subalit sa isang iglap lamang ay mababalewala ang pinaghirapan niya? Pati ang kumpanya na pinaghirapan nilang makuha ay mapupunta lamang sa wala?! Hindi siya makakapayag! Yumakap si Stacey sa bewang ng kanyang asawa para ipakita kay Serena na sa kanya na ang matagal na nitong minamahal. Bumaling si Stacey sa mga board members na naroon. “Gusto ko sana na iwan ninyo muna kami ng kapatid ko… sa susunod na natin ituloy ang meeting na ito.” Umiyak siya. “S-sana maintindihan ninyo na… na bilang kapatid na matagal n
“Ang kapal ng mukha mo na bumalik pa sa buhay namin! Bakit hindi ka nalang namatay!” Nanlilisik ang mata na singhal ni Stacey kay Serena ng makalabas sina Axel at Joem at secretary ng ama. “Hayop ka nalunod ka nalang sana—“ “Stacey, tumigil ka!” Singhal ni Stella at saka malakas na sinampal ang sariling anak. “M-mommy…” maang na tumingin siya sa kanyang ina. Hindi makapaniwala na pagbubuhatan siya nito ng kamay. “B-bakit pinagsasalitaan mo si Serena ng ganyan? Hindi ako makapaniwala na mga sinasabi mo! K-kapatid mo siya at hindi kaaway… p-paano mo iyan nasasabi sa kanya ngayon…” Nang umiyak ang ginang ay saka naunawaan ni Stacey na palabas lamang iyon ng ina. “Serena, iha… ako na ang humihingi ng pasensya sa inasal ng aking anak. N-nadala lamang siya ng selos at takot na maagaw mo sa kanya si Joem. Ako na ang humihingi ng pasensya sa mga sinabi niya.” Kailangan ipakita ni Stella na nasa panig siya ni Serena upang hindi ito magduda na kasabwat siya sa plano ni Stacey. Batid n
“Walanghiyang lalaki ‘yon! Napakayabang!” Nanggagalaiting wika ni Joem sabay hampas ng kamay sa manibela. Kanina ng lumabas sila ay sinabi niya rito na babawiin niya si Serena. Totoo ang sinabi niya— babawiin niya ang dalaga. Makikipaghiwalay siya kay Stacey pagkatapos nitong maipanganak ang anak nila. Hinaplos niya ang labi na pumutok sa lakas ng suntok ni Axel Helger. Hindi siya nakaiwas, o nakaganti sa bilis ng kilos nito. “S-Serena!” Parang bata na umiiyak na sinubsob niya ang mukha sa palad. Napakasaya niya na malaman na buhay pa ito. Pero labis din siyang nasasaktan ngayon. Parang dinudurog ang puso niya sa sakit… ang babaeng mahal na mahal niya ay may iba na. Kailangan itong malaman ng ama ni Serena. Kinuha niya ang cellphone at tumawag sa mansion ng mga Torres. “Sir, tulog si Sir Baxia—“ “Pero mahalaga ng sasabihin ko!” Giit ni Joem. “P-Pasensya na talaga, Sir Joem. Pero ang bilin kasi ni Ma’am Stella ay hindi pwedeng gambalain sa pagpapahinga si Sir.” Kumunot ang