Thank you po sa GEMS 💎 at RATE🫶🥹〰️
Lahat ng nasa boardroom ay nakadama ng tensyon, maging ang secretarya ni Baxia. Tumikhim ang mag-ina at inalis ang takot sa dibdib. Kailangan nilang maging professional at harapin si Mr. Axel Helger. Nilakihan ni Stacey ang kaniyang ngiti. “Good day, Mr. Helger. Sana ay magkasundo ang bawat partido natin—“ tumabingi ang ngiti ng babae ng harangan ito ng isang tauhan ng lalaki. Napapahiya na bumalik ito sa kinatatayuan. Si Stella, bagaman gusto rin na makipagkamay ay nanatili nalang siya kinatatayuan dahil batid niya na mapapahiya lamang siya. May hindi siya maipaliwanag na nararamdaman. Bakit sa hinuha niya ay may mangyayari na hindi maganda? Nagkatinginan sina Stacey at Stella. Nakadama ng kasiyahan. Bakit nila paiiralin ang kanilang takot? Pagkakataon na nila ito para makuha ang gusto. Kung hindi nakitaan ng mga Helger ang kanilang kumpanya ng potential ‘di sana ay wala ito rito ngayon. “Magandang araw, Mr. Axel Helger. Nagagalak kami na makilala ka. Isang karangalan ang map
Halos mamuti ang kamao ni Axel sa diin ng pagkakuyom nito. Kanina pa niya gustong hilahin si Serena subalit nagpipigil lamang siya. Hindi siya pwedeng magpadala sa selos… nagtiwala ang dalaga sa kanya kaya magtitiwala din siya sa sinabi nito na wala na itong nararamdaman sa ex-fiance nito. “Joem!” Hinatak ni Stacey ang asawa at pekeng bumaling ng ngiti kay Serena. Galit na galit siya! Pinaghirapan niya na makuha ang asawa niya, ginawa niya ang lahat para mahalin siya nito. Subalit sa isang iglap lamang ay mababalewala ang pinaghirapan niya? Pati ang kumpanya na pinaghirapan nilang makuha ay mapupunta lamang sa wala?! Hindi siya makakapayag! Yumakap si Stacey sa bewang ng kanyang asawa para ipakita kay Serena na sa kanya na ang matagal na nitong minamahal. Bumaling si Stacey sa mga board members na naroon. “Gusto ko sana na iwan ninyo muna kami ng kapatid ko… sa susunod na natin ituloy ang meeting na ito.” Umiyak siya. “S-sana maintindihan ninyo na… na bilang kapatid na matagal n
“Ang kapal ng mukha mo na bumalik pa sa buhay namin! Bakit hindi ka nalang namatay!” Nanlilisik ang mata na singhal ni Stacey kay Serena ng makalabas sina Axel at Joem at secretary ng ama. “Hayop ka nalunod ka nalang sana—“ “Stacey, tumigil ka!” Singhal ni Stella at saka malakas na sinampal ang sariling anak. “M-mommy…” maang na tumingin siya sa kanyang ina. Hindi makapaniwala na pagbubuhatan siya nito ng kamay. “B-bakit pinagsasalitaan mo si Serena ng ganyan? Hindi ako makapaniwala na mga sinasabi mo! K-kapatid mo siya at hindi kaaway… p-paano mo iyan nasasabi sa kanya ngayon…” Nang umiyak ang ginang ay saka naunawaan ni Stacey na palabas lamang iyon ng ina. “Serena, iha… ako na ang humihingi ng pasensya sa inasal ng aking anak. N-nadala lamang siya ng selos at takot na maagaw mo sa kanya si Joem. Ako na ang humihingi ng pasensya sa mga sinabi niya.” Kailangan ipakita ni Stella na nasa panig siya ni Serena upang hindi ito magduda na kasabwat siya sa plano ni Stacey. Batid n
“Walanghiyang lalaki ‘yon! Napakayabang!” Nanggagalaiting wika ni Joem sabay hampas ng kamay sa manibela. Kanina ng lumabas sila ay sinabi niya rito na babawiin niya si Serena. Totoo ang sinabi niya— babawiin niya ang dalaga. Makikipaghiwalay siya kay Stacey pagkatapos nitong maipanganak ang anak nila. Hinaplos niya ang labi na pumutok sa lakas ng suntok ni Axel Helger. Hindi siya nakaiwas, o nakaganti sa bilis ng kilos nito. “S-Serena!” Parang bata na umiiyak na sinubsob niya ang mukha sa palad. Napakasaya niya na malaman na buhay pa ito. Pero labis din siyang nasasaktan ngayon. Parang dinudurog ang puso niya sa sakit… ang babaeng mahal na mahal niya ay may iba na. Kailangan itong malaman ng ama ni Serena. Kinuha niya ang cellphone at tumawag sa mansion ng mga Torres. “Sir, tulog si Sir Baxia—“ “Pero mahalaga ng sasabihin ko!” Giit ni Joem. “P-Pasensya na talaga, Sir Joem. Pero ang bilin kasi ni Ma’am Stella ay hindi pwedeng gambalain sa pagpapahinga si Sir.” Kumunot ang
“Natatakot ako hindi dahil kay Stacey… kundi sa maaaring malaman ko.” Malungkot na tumingin si Serena sa langit at pumikit. Ayaw niyang umiyak… pero maisip palang niya na tama ang hinala niya ay sobra na siyang nasasaktan. “Serena…” “Mahal na mahal ko si Tita Stella, Axel. Ayokong mag-isip ng hindi maganda tungkol sa kanya. Ayokong isipin na may alam siya sa plano ni Stacey… ayokong isipin na gusto niya akong mawala. K-kasi kahit stepmother ko lang siya, naramdaman ko na mahalaga kami ni daddy sa kanya. Inalagaan niya kami ni daddy ng may pagmamahal… a-ayokong isipin na peke ang lahat ng iyon at nagpapanggap lang siya katulad ni Stacey. N-ngayon palang nasasaktan na ako, Axel. Isipin ko palang na totoo ang hinala ko ay parang pinipiga na ang puso ko sa sakit. Hindi ko kayang tanggapin ‘yon… h-hindi ko kaya.” Awang-awa na yumakap si Axel sa dalaga. Banaag niya ang sakit na nakalarawan sa magandang mukha nito: Ito ang dahilan kaya hindi niya masabi kay Serena ang hinala niya. Dahil
Hindi mapigilan ni Serena ang mapangiti habang tinatanaw palayo ang tatlong ginang. Kaya pala biglang sumulpot ang tatlo dahil napagkamalan siyang buntis. “Axel, ang swerte nila sa love life, noh? Ilang taon na ang lumipas pero mahal pa rin nila ang isa’t isa.” “Wag kang mainggit… mamahalin din naman kita hanggang sa pagtanda natin.” Humalakhak si Axel ng mapansin ang pamumula ng kanyang pisngi. “Hindi mo kailangan maniwala sa ngayon. Balang araw mapapatunayan ko din iyan sayo.” Hindi siya makasagot… mamahalin daw. Ibig sabihin ay hindi lang siya ‘gusto’ ni Axel? Kundi mahal? “M-mamahalin? I-ibig sabihin?” Lumakas ang pagtawa nito kaya napanguso ako. “A-anong nakakatawa? S-sagutin mo nalang kasi ako—“ “Mahal kita, Serena…” Natulala siya at hindi agad nakapagsalita. Bahagya pang napaawang ang labi niya. Si Axel, hindi lang siya gusto kundi mahal siya! “Matutulala ka nalang ba di’yan?” Hinapit nito ang katawan niya lalo palapit sa katawan nito. Dati masungit ang tingin
Walang patid ang palitan nila ng halik ni Axel. Sinubukan niyang sumagap ng hangin subalit ayaw nitong pakawalan ang labi niya. “Serena, binabaliw mo na naman ako,” anas ng binata sabay pasok ng dila sa loob ng kanyang bibig. “Ummp…” ginalugod ng dila nito ang loob ng kanyang bibig… sabik na sabik ito at takam na takam, habang buhat-buhat siya ay humihimas ang isang kamay nito sa kanyang bewang. Ang init ng kamay ni Axel, nadarama niya na pareho silang nasasabik sa isa’t isa. Nang makapasok sila sa kwarto ay agad siyang hiniga ng binata sa kama ay inibabawan habang inaalis ang suot niyang saplot. Nang tumambad ang dibdib niya sa harapan nito ay tinakpan niya ito gamit ang braso. Pero agad na inalis iyon ng binata. “Hindi mo kailangan itago ‘yan, Serena… napakaganda mo. Lahat sayo ay maganda at nakakatakam.” Puri nito habang malagkit na nakatingin sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay napakaganda niya. Ganito pala ang pakiramdam kapag pinupuri ka ng lalaking mahal mo… nakaka
Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ni Serena ng pagdilat niya ay mukha ni Apol ang kanyang nakita. “T-Tita… i-ikaw pala.” Nakahinga siya ng maluwag ng makitang nakasuot na siya ng damit. Mukhang sinuotan siya ni Axel nang makatulog siya. “Ako nga… tumayo ka di’yan, Serena. May ituturo ako sayong sekreto.” Sekreto? Pagkatapos niyang magbihis ay agad silang bumaba ng ginang. Sakto nakasalubong nila si Axel na may dalang tray ng pagkain. “Hindi kami kakain dito sa bahay, Axel. May importante kaming lakad ni Serena. Ikaw na ang kumain niyan. Teka, nasaan nga pala ang daddy mo—hubby!” Kulang nalang ay maghugis-puso ang mata nito ng makita ang asawang si Xerxes. Nagmamadali itong tumakbo. Gano’n nalang ang panlalaki ng mata ni Serena ng magkrus ang paa nito dahilan para mawalan ng balanse at nag-slow motion na mahulog sa hagdan. “Tita Apol!” Alalang tawag niya rito. Tatakbo na sana siya para hablutin ang kamay nito pero masyadong mabilis ang pangyayari—napasinghap siya sa magkah