Late update, pagod na pagod lang talaga ako kagabi kaya hindi ko na nagawang magsulat para mag update đ
[Apol]"M-Mr. X, bitiwan mo na po ako." Libo-libong kuryente ang gumapang sa katawan niya nang gumapang sa leeg niya ang ilong nito, patuloy ito sa pag amoy sa kanya, kasabay ng paggalaw ng bahagya ng tuhod nito sa gitna niya."What did you do to me that night, Apol? Why I couldnât get you out of my mind?" Paos na anas nito sa pagitan ng pag amoy sa kanya."A-Ano po ba ang ibig niyong sabihin? W-Wala naman po akong ginawa sa inyoâ" Natigilan siya nang maalala ang pagsagot-sagot niya rito. "S-Sinagot lang naman po kita nang kaunti. L-Lahat ng sinabi ko ay totoo naman po. S-Sinabi ko lang ang laman ng dibdib ko... n-nasasaktan na po kasi ako."Naalala niya ang pangungutya nito sa kanya. Hindi niya napigilan ang maluha. Natigilan naman ito nang makita ang mukha niya. Nakita niya ang pagdaan ng emosyon sa mukha nito pero saglit lamang 'yon at agad din nawala."Damn!" Nangangalit ang ngipin na sinuntok nito ang gilid ng ulo niya na ikinapitlag niya sa gulat. Ano ba itong ginagawa ko?!" Tum
[Apol]"Dalhin mo ito sa kwarto ng asawa mo, Mrs. Helger." Inabot sa kanya ni Miss Carol ang isang tray ng pagkain. "Miss Carol, ayoko po. Si Ester nalang po." Nginuso niya si Ester na ngayon ay namumutla na. Halatang hindi nito gusto na pumunta sa kwarto ni Mr. X."Bakit ako? Ikaw nalang, ikaw naman po ang asawa niya. Ay, nakalimutan ko may gagawin nga pala ako." Pagdadahilan nito bago nagmamadaling umalis."Miss Carol, naman... ayoko po." Naalala niya ang pag amoy nito sa leeg niya. Ayaw niya na maulit 'yon."Ikaw talagang bata ka, bakit ba parang takot na takot ka sa asawa mo? Ilang beses ko bang sasabihin sa'yo na hindi ka naman niya kakainin." Umiling-iling ito. "Oh siya, ako na ang maghahatid nito, sasabihin ko na ayaw mong dalhin ito sa kanyaâ""Teka naman, Miss Carol. Bakit mo sasabihin na ayaw ko? A-Ako ba ang sinabi niyang magdala nito?" Nang tumango ito sa kanya ay nagpapadyak siya ng paa na parang bata. "Dapat sinabayan nalang niya akong kumain kanina para hindi na siya ka
[Apol]Halos magtulakan sila nila Rima at Ester nang makita si Doc. Gervin. Kadarating lang nito ngayon. Pinatawag ito ni Miss Carol para gamutin ang kamay ni Mr. X. Namamaga pa rin kasi ito hanggang ngayon.âGood morning, Doc. Gervin.â Ani Rima habang iniipit ang buhok sa likuran ng tenga. Malakas na siniko ito ni Ester kaya napaigik ito sa sakit.âDoc. Gervin, mas gwapo ka pa sa morning!â Maligalig na bati ni Ester. Muli nitong siniko si Rima bago ito binulungan. âWag kang magulo kung ayaw mong isumbong kita kay Lito.âNapailing nalang siya sa dalawa, lalo na kay Rima na hindi maipinta ang mukha dahil sa banta ni Ester. Nakangiting lumapit siya sa gwapong doktor. âHi, Doc. Itâs nice to see you again.â Napanganga siya nang ngumiti ito dahilan para makita ang naka-brace nitong ngipin. Liwanag ang dating ng ngiti nito. Buti pa ito nagagawang ngumiti, hindi katulad ng isang kilala niya na hindi marunong ngumiti.âNice to see you again, Mrs. Helger.â Nakangiting ganting bati nito. âNasaa
[Apol] Hawak ang labi ay nakatitig siya sa kisame ng kwarto niya. Gabing-gabi na at hindi siya makatulog. Gumugulo sa isip niya ang paghalik sa kanya ni Mr. X. 'Get out!'Napangiwi siya. Pagkatapos siyang halikan bigla nalang siyang sinigawan at pinalayas. Ito na nga ang kumuha ng first kiss niya. Tama, first kiss, hindi naman kasi siya nito hinalikan sa labi no'ng ikinasal silang dalawa.Nagkatinginan sina Rima at Ester. Nagtataka ang mga ito na nakatingin sa kanya. Simula kasi nang magising siya ay narito na siya sa dirty kitchen at wala sa sarili. "Ayos ka lang ba, Mrs. Helger?" Hindi nakatiis na tanong ni Rima."Oo, ayos lang ako." Wala sa sariling sagot niya."Kanina ka pa kasi nakahawak sa labi mo, nakagat ba ng putakte? O insekto 'yan? Masakit ba?" Tanong ni Ester."A-Ah, oo hehe. Malaking bubuyog ang s******p dito." Gwapong bubuyog na may matipunong katawan, may tattoo, at mabangong hininga..."Mukhang hindi ka na naman nakatulog. Ano ba kasi ang iniisip mo? May problema ka
Nakangiting bumaba mula sa bike na ang trese anyos na Xerxes dala ang bulaklak na balak nitong ibigay ngayong Valentines para sa mommy nito. Nagawa pa niyang tumakas sa kanyang mga bantay para lamang mabilhan ng personal na regalo ang mommy niya. Dahil sa pagiging Mafia Boss ng kanyang ama ay maingat ito sa maaring nakaambang panganib sa kanilang mag ina.Kumunot ang noo ni Xerxes nang mapansin na madilim sa loob nang kanilang Villa, wala siyang nakitang ilaw, wala rin ang mga bantay na inatasan na magbantay sa tarangkahan. Bigla ang paggapang ng kaba sa dibdib ni Xerxes nang pagbukas ng main door ay naro'n ang personal assistant ng kanyang ina na nakahandusay at wala nang buhay."M-Mommy?" Mas lalo lamang nadagdagan ang takot ni Xerxes dahil sa patay-sinding chandelier na halos malaglag na mula sa pagkakabit sa itaas ng kisame dahil mayro'n itong tama ng mga bala. Puno nang pagkasindak ang mukha niya nang makita ang ilan pa sa kanilang mga tauhan na nakahandusay at wala nang mga buhay
[Apol]Pupungas-pungas na inunat niya ang katawan. Napahawak siya bigla sa ulo, maya-maya pa ay tumakbo siya para pumasok sa banyo para sumuka. âAchhk!â Ang hapdi ng sikmura niya at ang asim ng panlasa niya. âYou okay?â Tanong nito habang hinahaplos ang kanyang likuran.Tumango siya habang sumusuka. âAyos lang po ako, Mr. Xââ Nanlaki ang mata niya. Nang tumingin siya sa likuran niya ay hindi niya mapigilan ang mapanganga. N*******d kasi ito at tanging tuwalya lamang ang nakatapis sa pang ibaba ng katawan.âI-Ikaw po pala, Mr. X. Ano po ang ginagawa mo dito sa banyo ko? Sira ba ang banyo mo sa kwarto mo kaya dito ka po nagbanyo?â Barado siguro ang banyo nito sa kwarto.Umiling ito at bumalik sa pagtotoothbrush ng ngipin. âSilly. Donât you remember what you did last night?â Last night? Humawak siya sa ulo nang kumirot ito. Ang huli niyang natatandaan ay uminom siya ng alak, pagkatapos ay⊠namutla siya ng mayroâng eksena na lumitaw sa alaala niya.âMagbago ka na, Mr. X, âyon lang naman
Samantala..."Tama na, Marjo! N-Nasasaktan akoâ Acchhk," Halos mawalan ng ulirat si Erza sa higpit nang pagkakasakal sa kanya ni Marjo Darmilton, ang kanyang asawa.Mas dumiin ang kamay ni Marjo sa leeg ng asawa. "Talagang masasaktan ka sa akin pĂșnyeta ka! Kung hindi ka tumakas noon ay baka nabigyan mo pa ako ng isang lalaking anak! Wala kang silbi! Pagkatapos kong ibigay sa'yo ang lahat ay tatakasan mo lang ako!" Hindi nito matanggap ang ginawa ni Erza labing anim na taon na ang nakararaan. Padaskol na binitawan ni Marjo si Erza, pinagpag nito ang suot na polo shirt, inayos ang buhok na para bang walang nangyari at sinaktan. "Magkakaro'n ako ng meeting sa kliyente kong si Mr. Choi. Bigatin ang koyenong ito, malaki ang naipapasok niyang pera sa negosyo ko. May anak siyang lalaki at nagkasundo kami na ipapakasal namin ang anak namin. Sa oras na makita ko ang mga anak ko ay wala ka nang magagawa para pigilan ako sa mga balak ko, Erza. Kabayaran ito sa hindi mo pagbibigay sa akin ng anak
Tumiim ang bagang ni Xerxes nang makita ang asawa na nakahiga sa kama at mahinag humihikbi, maging sa pagtulog ay umiiyak ito. Dalawang linggo nang ganito si Apol matapos mailibing ang kapatid. Mula noon ay hindi na siya kinakausap nito. Ang anak ng kapatid nito kay nasa pangangalaga muna ni Kairo. Ito ang hiling ni Kairo, ang makasama ang anak kahit hanggang sa magdalawang taon ito. Wala siya sa posisyon magdesisyon, kahit na gusto itong makasama ni Apol sa ngayon ay hindi maaari. Bukod na si Kairo ang may karapatan dahil ito ang ama, hindi rin ito magagawang alagaan ni Apol sa kondisyon nito ngayon. Naihilamos ni Xerxes ang kamay sa mukha habang napapabuntong hininga. He couldn't do anything to ease his wife pain. Baka galit pa ito sa kanya dahil hindi nito nakasama ang kapatid bago pumanaw. Lumipit siya rito at binalot ito ng blanket. "I'm... I'm sorry, wife." At first, he thought that his feelings for Apol were just simple attraction when he met her. He couldn't accept that beca
Nanghihinayang na napailing nalang si Skye. Nakakapanghinayang naman kasi talaga kung magiging âbaklushâ si Adius. Bukod sa ubod ito ng yaman, ubod din ito ng gwapo, tapos gifted pa sa laki ng batĂștĂĄâtapos lalaki din ang hanap. Kawawa naman si Tita Alena. Umaasa na magkakaapo kay Adius. Naghintay pa siya ng bente minuto bago umakyat sa kwarto nila. Pagdating niya sa kwarto ay nakita niya si Adius na nakahiga na. Mukhang tulog na yata. Pagkatapos niyang maligo ay lumabas siya ng nakaroba. Sinilip niya pa ang binata para siguraduhin na tulog na nga ito. Nang matapos siya mag-blower ay saka siya pumasok sa walking closet. Napansin niya agad na may nagbago. Bukod sa napalitan ang kulay ng mga cabinet, kapansin-pansin din ang dim red, blue and green light na ilaw sa loob. Patay sindi pa ito kaya naman feeling niya nasa loob siya ng club. Akala niya ay maghahatid lang ng mga pinamili sila tita Alena, pero mukhang pinapalitan nito ang lahat ng mga designs at ilaw dito. Kumu
Nag-isang linya ang kilay ni Adius. âYou grabbed my crotch first ââ âSo, kasalanan ko pa?! Saan ka nakakita ng minamasahe na hindi hinahawakan at pinipisil-pisil?!â Napatingala si Skye sa sobrang inis, âimamasahe na nga ang batĂștĂ mo, nagagalit ka pa?! Tinanong kita at sinagot mo pa nga ako na ULO ang unahin ko! Gagawin ko na nga ang gusto mo, balak mo pa akong balian ng braso!â Pinakita niya ang braso na may pasa. âNakita mo na ang ginawa mo?! Sinaktan mo na nga ang braso ko, nakitaan mo pa ako! Sumusobra ka na!!!!â âWaitâŠâ tinaas ng binata ang kamay upang patigilin si Skye sa walang tigil na pagsasalita. âDo you even listen to me while weâre in the kitchen?â Taas-noong sinagot ito ng dalaga. âOo! Binibiro nga lang kita eh⊠kaso sineryoso mo ang biro koââ âAfter that, did you heard what I said?â Natigilan si Skye. Sa pagkakatanda niya⊠may sinasabi pa ito sa kanya pero nagmamadali siyang umalis ng kusina. âAng sabi ko, imasahe mo ang ulo at likod ko, hindi ko sinab
âTingnan mo ito, ate. Sigurado ako na bagay na bagay kay Skye ang roba na âto!â Lumapit si Apol kay Alena dala ang isang kulay pulang roba. âHmm⊠tama ka.â Kinuha ito ni Alena at sinipat, âhindi ba masyado naman yata itong maiksi?â âAkala ko ba gusto mong magka-apo agad?â Sabat ni Charlotte na abala sa pagpili naman ng mga nighties. âPaano ka magkaka-apo agad kung hindi mo bibilhan ng revealing clothes ang future manugang mo. Saka basta si Ate Apol ang nagrekomenda, siguradong walang palpak!â âSabagay⊠tama ka.â Narito ngayon ang tatlong ginang sa isang Mall. Tinawagan ni Alena ang dalawa upang magpasama at magpatulong na bilhan ng mga bagong gamit si Skye. âAte!!!â Nagmamadaling lumapit muli si Apol kay Alena bitbit ang isang manipis at maliit na tela. âMas maganda kung ito nalang ang bibilhin natin para kay Skye⊠sigurado na maglalaway si Adius sa kanya kapag nakitanh suot ito!â Sabay-sabay na bumaba sa kani-kanilang sasakyan ang tatlong ginang. Nang makita sila ng mga s
Kilala niya si Adius, hindi ito marunong magbiro. Ayaw niyang isipin na totoo ang sinabi nito. Pero paano kung totoo nga? Pagkatapos maghugas ng pinakainan, hindi muna siya umakyat ng kwarto. Katulad nitong nakaraan, inubos niya ng oras sa panonood ng tv. Bahala ng magka-eyebag, wag lang makasama si Adius ng gising sa kwart nila. Humikab siya⊠inaantok na siya. Pero dahil masyado pang maaga, nanood muna siya ng mga drama sa cellphone niya. At mayamaya ay inisa-isa niyang tingnan ang mg pictures ng kuya Jhake niya sa cellphone niya. Sakto naman na nakita niya ang mga pictures nila ni Adius noong engagement party nilang dalawa. Hindi niya maiwasan na mapangiti ng makita ang ramdom pictures nilang lahat, kasama ang pamilya nito. Habang tumatagal, lalo niyang nakikilala ang mommy ni Adius at mga tita nito. Mabubuti silang tao. Hindi niya kasi alam kung mabuti bang tao ang mga lalaki sa pamilya ni Adius. Karamihan kasi sa kanila ay mukhang hindi alam ang saling NGITI. Mukhang m
Dinala ni Skye ang lahat ng wedding dress na magustuhan niya sa fitting room. Mabuti nalang at hindi ito katulad ng fitting room sa mall na masisikip. Ang fitting room sa store na ito ay halos kasing laki ng kwarto nila ni Adius. Dahil kailangan ingatan ang mga wedding dress ay may dalawang babae na nag-assist sa kanya bukod pa kay Aimee. âLook at this wedding dress, Skye. Sa palagay ko bagay ito sayo.â Umiling siya. âAyoko nito, maiipit ang boobs ko. Gusto ko âyung lalabas ang kasexyhan ko.â Pinakita niya kay Aimee ang gusto niyang isukat. Isang v-neck wedding dress. Sa baba at haba ng neck line, sigurado na lilitaw ang dibdib niya. Katamtaman lang ang laki ng dibdib niya. Hindi malaki, hindi rin naman maliit. Kumbaga, may ibubuga din naman ito kahit paano. Pagkatapos isukat, parehong napaawang ang labi ni Aimee at ng dalawang babae. Kuminang ang mata niya ng makita ang sariling repleksyon sa salamin. âA-ang ganda ko! Wahhh! Ang sexy ko din dito!â Nagmamadaling hinil
âYou disappeared last night. Why?â Napalunok siya ng laway. âA-ah, ano kasi⊠b-biglang tumawag ang kaibigan ko, ang sabi nila, hinahanap daw ako ng kuya ko. T-tama nga, yun nga!â Nauutal na dahilan niya habang hindi makatingin ng diretso dito. âW-wag kang mag alala, nagpaalam naman ako kila tita,â âExactly, Skye. Nagpaalam ka sa kanila, pero sa akin âhindi.â Turan ni Adius na ikinangiwi ng dalaga. âAfter you eat, prepare yourself. May pupuntahan tayo.â âHa? Akala ko ba walang pasok ngayon sa office? Teka, sandali naman!â Nakangusong sinundan ng tingin ni Skye ang binata. âTingnan mo âto, parang hindi nilapa ang labi ko kagabi ah. Bumalik na naman sa pagiging masungit.â Dahil wala siyang ganang kumain ay nagligpit na siya at naghugas. Pagkatapos maghugas ay naligo siya at nagbihis. Mukhang kailangan talaga na kasama siya sa lakad ni Adius dahil hindi siya iniwan nito. âSaan ba tayo pupunta?â Imbes sagutin ang tanong ni Skye, kinuha ni Adius ang earbuds at sinagot ang tum
âKuya!!!â Parang bata na tumakbo siya palapit sa kuya niya ng makita ito. âKuya, namiss kita ng sobra!â âN-n-namiss din ni Jhake si ate!â Parang bata na sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. Simula ng magtrabaho siya bilang secretary ni Adius ay dalawang beses nalang niya ito nadadalaw sa loob ng isang linggo. Hindi naman siya nag aalala masyado dahil may mga private nurse na inupahan ang binata para bantayan ang kapatid niya. Natransfer narin ito sa maganda at mas maayos na hospital kaya naman kampante siya na magagamot ito ng mas maayos. Kinuha niya ang maraming ubas na dala at mga bagong laruan. Masayang-masaya na yumakap ito sa kanya. âA-ang sabi ni Jhake s-salamat daw! T-the best talaga ang ate niya!â Ani nito sabay halik sa pisngi niya. Kinagat niya ang labi, sinubukan na hindi umiyak pero hindi niya nagawa. Kapag kaharap niya ito at kasama ay nagiging iyakin siya. Agad na binaling niya sa iba ang mukha para hindi nito makita ang luhaan niyang mukha. Sigurado kasi
âF-fiance mo si Miss Malason?â Nangatog si Jillian sa takot katulad ng kanyang ama. Nabigla si Skye ng lumuhod sa harapan nila ang mag ama. Wala na ang kanina na mapagmataas na awra ng dalawa, nasa mukha ng mga ito ang magkahalong pagkabigla, takot at pagmamakaawa. âH-humihingi kami ng tawad sa aming kapangahasan at kamangmangan. H-hindi namin alam na fiance mo pala siya!â âT-tama si daddy, Sir! Pa-patawarin mo sana kami!â Tumingala si Jillian at tumingin kay Skye ng nagmamakaawa. âPlease, Miss Malason, pakiusap, patawarin mo kami!â Nang subukan na lumapit ni Jillian sa dalaga ay humarang si Adius sa kanya. âDonât try to lay your dirty hand again on her skin. Baka mapatay kita!â Napasinghap si Skye ng tutukan ito ng baril ng binata sa ulo, maging ang mga bisitang naroon ay napasinghap sa gulat, maliban sa pamilya ng binata na hindi na nabigla sa ginawa nito. âA-adiusâŠâ kahit siya ay natakot, hindi man niya nakita ang mukha nito dahil nakatalikod ito at nakaharang sa kany
âSigurado ka ba na peke âyan? May ebidensya ka?â Napaawang ang labi niya sa sinabi nito. âAno? Pero humiram ka sa akin, sapat ng ebidensya âyon.â âSa palagay mo maniniwala sila na humiram ako?â Mayabang na ngumisi ito at tiningnan siya mula ulo hanggang paa. âAlam ko ang background mo kaya imposibleng makabili ka ng mamahaling kwintas na katulad noân. Isang limited edition na APL necklace na nagkakahalaga ng 65 Million? Sabihin mo nga sa akin, saan mo napulot âyon? Ninakaw mo? O baka naman may sugar daddy kang nagregalo sayo?â Alam ni Skye na masama ang ugali ng babaeng ito. Pero hindi niya inasahan na ganito katindi. âIbalik mo nalang ang kwintas para matapos na ang usapang ito,â 65 million? Nanuyo ang lalamunan niya sa takot. Ngayon palang ay natatakot na siya kapag nalaman ni Adius na nawawala ang kwintas. Ngumisi lamang ito. âHindi mo ako masagot? Siguro nga ay ninakaw mo! Magpasalamat ka nalang dahil binenta ko bago ka pa mahuli ng ninakawan mo! Subukan mo pang habulin