Thank you sa mga GEMS 💎 SUPPORT& COMMENTS🫶♥️
Nakangiting bumaba mula sa bike na ang trese anyos na Xerxes dala ang bulaklak na balak nitong ibigay ngayong Valentines para sa mommy nito. Nagawa pa niyang tumakas sa kanyang mga bantay para lamang mabilhan ng personal na regalo ang mommy niya. Dahil sa pagiging Mafia Boss ng kanyang ama ay maingat ito sa maaring nakaambang panganib sa kanilang mag ina.Kumunot ang noo ni Xerxes nang mapansin na madilim sa loob nang kanilang Villa, wala siyang nakitang ilaw, wala rin ang mga bantay na inatasan na magbantay sa tarangkahan. Bigla ang paggapang ng kaba sa dibdib ni Xerxes nang pagbukas ng main door ay naro'n ang personal assistant ng kanyang ina na nakahandusay at wala nang buhay."M-Mommy?" Mas lalo lamang nadagdagan ang takot ni Xerxes dahil sa patay-sinding chandelier na halos malaglag na mula sa pagkakabit sa itaas ng kisame dahil mayro'n itong tama ng mga bala. Puno nang pagkasindak ang mukha niya nang makita ang ilan pa sa kanilang mga tauhan na nakahandusay at wala nang mga buhay
[Apol]Pupungas-pungas na inunat niya ang katawan. Napahawak siya bigla sa ulo, maya-maya pa ay tumakbo siya para pumasok sa banyo para sumuka. “Achhk!” Ang hapdi ng sikmura niya at ang asim ng panlasa niya. “You okay?” Tanong nito habang hinahaplos ang kanyang likuran.Tumango siya habang sumusuka. “Ayos lang po ako, Mr. X—“ Nanlaki ang mata niya. Nang tumingin siya sa likuran niya ay hindi niya mapigilan ang mapanganga. N*******d kasi ito at tanging tuwalya lamang ang nakatapis sa pang ibaba ng katawan.“I-Ikaw po pala, Mr. X. Ano po ang ginagawa mo dito sa banyo ko? Sira ba ang banyo mo sa kwarto mo kaya dito ka po nagbanyo?” Barado siguro ang banyo nito sa kwarto.Umiling ito at bumalik sa pagtotoothbrush ng ngipin. “Silly. Don’t you remember what you did last night?” Last night? Humawak siya sa ulo nang kumirot ito. Ang huli niyang natatandaan ay uminom siya ng alak, pagkatapos ay… namutla siya ng mayro’ng eksena na lumitaw sa alaala niya.‘Magbago ka na, Mr. X, ‘yon lang naman
Samantala..."Tama na, Marjo! N-Nasasaktan ako— Acchhk," Halos mawalan ng ulirat si Erza sa higpit nang pagkakasakal sa kanya ni Marjo Darmilton, ang kanyang asawa.Mas dumiin ang kamay ni Marjo sa leeg ng asawa. "Talagang masasaktan ka sa akin púnyeta ka! Kung hindi ka tumakas noon ay baka nabigyan mo pa ako ng isang lalaking anak! Wala kang silbi! Pagkatapos kong ibigay sa'yo ang lahat ay tatakasan mo lang ako!" Hindi nito matanggap ang ginawa ni Erza labing anim na taon na ang nakararaan. Padaskol na binitawan ni Marjo si Erza, pinagpag nito ang suot na polo shirt, inayos ang buhok na para bang walang nangyari at sinaktan. "Magkakaro'n ako ng meeting sa kliyente kong si Mr. Choi. Bigatin ang koyenong ito, malaki ang naipapasok niyang pera sa negosyo ko. May anak siyang lalaki at nagkasundo kami na ipapakasal namin ang anak namin. Sa oras na makita ko ang mga anak ko ay wala ka nang magagawa para pigilan ako sa mga balak ko, Erza. Kabayaran ito sa hindi mo pagbibigay sa akin ng anak
Tumiim ang bagang ni Xerxes nang makita ang asawa na nakahiga sa kama at mahinag humihikbi, maging sa pagtulog ay umiiyak ito. Dalawang linggo nang ganito si Apol matapos mailibing ang kapatid. Mula noon ay hindi na siya kinakausap nito. Ang anak ng kapatid nito kay nasa pangangalaga muna ni Kairo. Ito ang hiling ni Kairo, ang makasama ang anak kahit hanggang sa magdalawang taon ito. Wala siya sa posisyon magdesisyon, kahit na gusto itong makasama ni Apol sa ngayon ay hindi maaari. Bukod na si Kairo ang may karapatan dahil ito ang ama, hindi rin ito magagawang alagaan ni Apol sa kondisyon nito ngayon. Naihilamos ni Xerxes ang kamay sa mukha habang napapabuntong hininga. He couldn't do anything to ease his wife pain. Baka galit pa ito sa kanya dahil hindi nito nakasama ang kapatid bago pumanaw. Lumipit siya rito at binalot ito ng blanket. "I'm... I'm sorry, wife." At first, he thought that his feelings for Apol were just simple attraction when he met her. He couldn't accept that beca
[Apol]Nagkatinginan sina Rima at Ester, puno nang pagtataka ang mukha nang dalawa. "Mrs. Helger, bakit parang ang saya-saya mo yata nitong mga nakaraan? Anong mayro'n?" Usisa ni Rima."Oo nga, bakit parang hindi maalis ang ngiti mo sa labi? Dahil ba umalis si Mr. X kahapon at hindi mo siya makikita?" Usisa naman ni Ester. "Hay naku, mga tsismosa talaga kayo!" Napapailing-iling nalang siya sa dalawang kaibigan niya. Wala na itong ginawa kundi bantayan ang kilos niya. Siguradong magugulat ang dalawang 'to kapag nalaman kung ano na ang stado ng relasyon nila ng asawa niya. Sabagay, kahit nga siya ay hindi rin makapaniwala sa improvement ng relasyon nila.Ang sarap pala sa pakiramdam na mahal ka ng lalaking gusto mo. Iyon ang nararamdaman niya ngayon."Tsismosa agad? Hindi ba pwedeng nagtataka lang dahil abot ang langit ang ngiti mo di'yan? Dati kasi araw-araw kang nakasimangot at parang nalugi! Pero ngayon para kang in love na ewan!" Puna pa ni Rima.In love? Tumalikod siya para itago a
Inilapag ng tauhan ni Xerxes na si Lomer ang isang folder sa harapan nito. “Ayon sa source natin ay hinahanap ng matandang ito ang magkapatid. Nang mag imbestiga kami ay napag alaman namin na isa ito sa nagtatrabaho kay Marjo Darmilton. Matagal nang naninilbihan ang matandang ‘yan kay Marjo, kaya naman malakas ang hinala namin na inutusan ‘yan ng kanyang amo para hanapin ang anak nito. Ano ang gagawin natin, Mr. X? Mukhang hinahanap nila ang asawa mo. Tiyak na kukunin nila si Mrs. Helger kapag nalaman nilang narito siya sa poder mo.” Tiim ang bagang na nilukot ni Xerxes ang hawak na impormasyon tungkol sa matanda. “Spread the fake news. Palabasin niyong namatay sa car accident ang asawa ko. Monitor their movements, Lomer, agad na ireport niyo sa akin ang mga kahina-hinalang bagay na ginagawa ng matandang ‘yon.” Kinuha niya ang isang envelope at saka ito inihagis sa kaharap. “Iyan ang floor plan ng facilities ng pagawaan ng droga ni Darmilton, gusto kong kabisaduhin niyo ang bawat deta
[Apol]Lumuluhang hinawakan ni Lito ang kamay ni Rima, halos maglumpasay ito sa labis na pag iyak. "L-Lumaban ka palangga ko, p-palagi lang akong nandito sa tabi mo para alagaan ka, hindi kita iiwan kahit ano ang mangyari... p-please, lumaban ka!" Hindi maipinta ang mukha nilang lahat habang nakatingin kay Lito. Kung makaiyak naman ang isang 'to ay parang mamamatay na si Rima, samantalang masakit lang naman ang ngipin nito."Hoy, Lito! Kapag ako naasar sa'yo ipapalit kita ri'yan sa hinihigaan ni Rima! Aba, buhay pa 'yang nobya mo pero kung makaiyak ka parang nakaburol na siya! Nakakakilabot kayong dalawa! Ang sakit niyo sa mata!" Nanggagalaiting wika ni Ester, kulang nalang ay sipain nito palabas si Lito ng kwarto. "Bakit nagagalit ka pa ri'yan? Dapat nga ay magpasalamat ka dahil kung hindi dahil sa malubhang lagay ni Rima ay hindi mo makikita ang crush mo! Ang dami mo pang sinasabi, eh halos mangisay ka sa kilig kanina!" Sikmat ni Lito, muli ay bumaling ito sa nobya. "Palangga ko, s
"Balita ko ay hawak mo na ang TLK company ngayon, Mr. Darmilton? Iba ka talaga, lahat ay kaya mong kunin ang lahat sa isang pitik lang ng daliri mo!" Papuri ng isang matandang negosyante na ikinangisi ni Marjo. Gustong-gusto nitong napupuri dahil tumataas ang ego niya at tumataas din ang tingin niya sa sarili niya. Angat siya at mataas kumpara sa iba, malakas siya at matalino, iyon ang tingin niya sa sarili niya kaya angat siya sa iba.Tumawa ng may pag uuyam si Erza nang marinig ito. "Hindi na nakapagtataka na makuha niya iyon, Mr. Hebara. Sa mga taong katulad niyang ganid at walang puso ay walang imposible. Kaya nga niyang patayin ang sarili niyang—"Galit na hinawakan ni Marjo ang asawa at kinaladkad palayo sa mga bisita. Napailing na lamang ang mga ito habang nakasunod ng tingin sa mag asawa. Narito ngayon ang lahat ngayon sa isang events ng mataas na opisyal ng gobyerno, lahat ng narito ay mataas na tao at kilala sa lipunan. Binitiwan niya ang asawa ay nagbabanta itong tiningnan.
Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng readers ko na sumubaybay dito hanggang sa dulo. Thank you po sa old at new readers ko. Hindi ko man kayo ma-mention lahat, kilala ko kayo✨ sa mga nagpadala ng GEMS 💎 at mga nagbigay ng FEEDBACK ♥️ Grabe ang layo ng stories na narating nating lahat. Xerxes and Apol 💟 Kairo and Alena 💟 Johnson and Charlotte 💟 Axel and Serena 💟 and lastly ay sina Adius at Skye💟 Wag po sana kayo magsawa na sumuporta sa mga stories ko. Ang trapped series ko ay hindi ko pa sure kung kailan ko sisimulan. Pero may soon na stories akong ipa-publish soon. Sana po ay magustuhan at suportahan ninyo. May bago po pala akong story, ito po ang title: MAFIA BOSS SERIES2: THE PRETENDING WIFE [MR. KING] Salamat po ulit sa support✅ By author: Seenie ♥️
Pagkatapos ng dinner at pagsapit ng alas otso ay pinaakyat na sila ni Serena para makapag pahinga. Maaga kasi ang kasal nila ni Adius bukas. At si Serena naman ay kapapanganak lang. pagdating sa kwarto niya ay kumunot ang kanyang noo. May nakita kasi siyang bulaklak sa ibabaw ng kama niya. Balak sana niya na balewalain ito pero biglang sumulpot si Queenie sa gilid ng kama niya. “Tita Skye, hindi mo pa ba pupuntahan si tito Adius?” Napabangon siya bigla. “Ha? Nandito ang tito mo?” “Opo, tita… nasa garden po siya! Bigay niya nga po itong rose eh… para daw po sa magandang future misis niya hehe!” Nakabungisngis na sagot pa nito sa kanya. “Shhh lang daw po, tita, baka daw po malaman nila lola na nandito siya.” Bilin pa nito. Halos isang linggo din silang hindi nagkita kaya excited na pumunta siya sa garden para makita ito. Napasimangot siya ng makita na si Kiro ang naroon. Natawa naman ito ng makitang nakasimangot siya. “Bakit parang nalugi ka, Skye. Dati naman ay masaya ka kapa
“Dude, are you okay?” Tanong ni Xian sa kanya. Kumunot ang noo nito ng hindi siya sumagot. “Adius, may problema ba?” “H-ha? Wala.. wala…” sagot niya sabay talikod sa kanyang pinsan. Nagkatinginan sila Jansen, Xian at Ax. Lumapit si Xio na kadarating lang at umakbay sa kanya. “Adius, napansin namin na noong nakaraan ka pa wala sa sarili. Sigurado ka ba na wala kang problema? Wag mong sabihin na gusto mong umatras sa kasal niyo ni Skye bukas?” “W-what?! Of course not! Bakit naman ako aatras sa kasa naming dalawa gayong matagal din akong naghintay na ikasal kami?!” Inalis ni Adius ang kamay ni Xio sa kanyang balikat at tumingin sa labas ng bintana kung saang hotel naroon sila. “Kung ganon ano ang problema? Nag-aalala na sila tito Kairo sayo. Tsk. Iniisip tuloy nila na baka napipilitan ka lang na pakasalan si Skye dahil sa bata.” Komento naman ni Axel. Bumuga si Adius ng hangin at seryosong tumingin sa mga ito. Nahihiya man… hindi na siya nakapag pigil. Tumikhim muna siya. “U
Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay puting kisame ng silid na kinaroroonan niya. Nauuhaw siya… nanunuyo ang kanyang lalamunan. “A-adius…” paos niyang tawag sa nobyo. Umiiyak na hinawakan niya ang kanyang tiyan… “Adius, ang baby natin!” “Shhh, babe… it’s fine. Wag kang mag-alala ligtas ang anak natin.” Sabi ni Adius habang hawak ang isa niyang kamay. Naluha siya sa sinabi nito. Nang yakapin siya nito ay sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “B-babe… akala ko hindi ka na darating… akala ko mapapahamak kami ni baby…” nang panahon na hilahin siya nila Hersheys ay napuno na ng takot ang dibdib niya. Inisip niya na hindi na ito darating para iligtas sila. Humagulhol siya ng maalala ang maraming dugo sa pagitan ng mga hita niya. “A-akala ko mawawala na ang baby natin, babe… so-sobra akong natakot… akala ko mapapahamak siya…” Niyakap ni Adius ng mahigpit si Skye. Dama niya takot at ang panginginig nito. “I’m sorry, babe kung nahuli ako.
Pagdating ni Adius sa basement ay sumalubong sa kanya si Xio na may hawak na baseball bat. “Mabuti naman at dumating ka na. Parating na ang mga tauhan ni Axel kasama sila. Magsisimula pa lang ako pero may nag-eenjoy na sa loob.” Sabi nito. “Where is she?” Tanong niya. “Nasa dulo, kasama si Aimee.” Sagot ni Xio, Kumunot ang noo ni Adius. Akala niya ay nasa hospital din ito ngayon kasama sila Axel. Pagdating niya sa pinakadulong kwarto ay nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa couch at nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Hersheys. Nakatali ang dalawang kamay ni Hersheys pataas, sabog ang buhok nito at putok ang labi at duguan ang mukha. Ayon kay Xio ay may nag-eenjoy na dito. Mukhang ang kakambal niya ang tinutukoy nito. Tumayo si Aimee at galit na dinuro si Hersheys. “Adius, hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Skye at sa pamangkin ko… please, let me kill her now!” Nanlilisik sa galit ang mga mata na sabi ni Aimee. Nanlaki ang mata ni Hersheys sa takot. “Pa-paran
Binalibag ng malakas ni Adius si Hersheys sa sahig bago niya nilapitan ang nobya. “Damn!” Malakas niyang mura ng makita ang nakakaawang kalagayan nito. “B-babe… hold on.” Pinangko niya ito. Kanina ay walang nanaig sa kanya kundi matinding galit. Ang tanging nasa isip niya ay kitilin ang buhay ni Hersheys dahil sa ginawa nito kay Skye. Ngunit ng makita niya ngayon ang kalagayan ng nobya na duguan ay kinain ng takot ang kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang katawan sa takot na baka mawala ito o ang kanilang anak. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang mag-ina. “B-babe, come on.. wake up. Don’t fall asleep in my arms, babe…” pakiusap niya sa nobya habang buhat ang walang malay na katawan nito. Tuluyan na itong nawalan ng malay sa kanyang bisig. Malaki ang sugat sa noo ng nobya. Walang patid ang pag-agos ng dugo dito, maging sa pagitan ng hita nito. “Babe, o-open your eyes, please… nandito na ako. U-uuwi na tayo…” Garalgal ang boses na p
“H-hindi totoo ang mga sinasabi mo… ako ang mahal ni Adius…” nitong nakaraan ay sigurado siya na mahal siya ni Adius. Ngunit ngayon ay nabasag ang kumpiyansa niya. Natatakot siya na baka totoo ang sinabi nito. Maisip palang niya na tama ito ay parang dinudurog na ang puso niya sa sakit. Nahihirapan siyang huminga at parang kinakapos siya sa hangin. “Kung mahal ka niya ay hindi niya ibibigay sa akin ang kontratang ito, Miss Malason, at hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol sa panibagong kontratang ito. Gumising ka na sa kahibangan mo at matauhan. Hindi ang katulad mo ang mamahalin ni Adius. Malayong-malayo ka sa babaeng nababagay sa kanya. Kaya nga gumawa siya ng kontrata kagaya ng ganito dahil alam niya na aabot sa ganito. Look at you, nag-aassume ka at nangangarap na papatusin ka talaga niya… gold digger bitch!” Dagdag pa ng babae. Dumaloy ang masaganang luha niya sa kanyang mata. Gold digger naman talaga siya. Pera lang ang mahalaga sa kanya. Tama si Hersheys… kaya gumawa
Dinala si Skye ng mga lalaki sa isang abondonadong resort. Kusang-loob siyang nagpa-akay sa mga ito hanggang sa makarinig siya ng pagbukas ng pinto. “Itali ninyo ang babaeng iyan. Hintayin natin si madam. Mamaya ay darating na iyon,” rinig ni Skye na bilin ng isang lalaki. Kahit wala siyang makita dahil sa kanyang piring sa mata ay alam niya na inupo siya ng mga ito sa isang upuan. Naramdaman niya na tinali siya ng mga ito sa kamay at paa. Ang higpit ng pagkakatali sa kanya, ramdam niya ang hapdi ng paglapat ng lubid sa kanyang balat. “Nakatali na si miss. Hindi na makakatakas ito sa higpit ng pagkakatali ko!” Sabi ng isang lalaki. “Mabuti naman. Sa labas na tayo maghintay. Kakatext lang ni madam, malapit na daw siya. Hoy, ikaw, Esko, lumabas ka! Wala akong tiwala sa’yo!” Narinig niya ang paglabas ng mga ito habang nagrereklamo ang lalaki na tinawag nitong Esko. ‘Diyos ko, wag mo kaming pabayaan ng anak ko!’ Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagdasal na sana a
Habang lulan ng sasakyan ay napansin niya na panay ang tingin sa kanya ng mga katabi niya. Bigla siyang kinabahan sa klase ng tingin nito. Tinakpan niya ang kanyang leeg gamit ang kamay at umusod palayo. Pero may isa pang lalaki sa kanyang tabi kaya wala na siyang mausuran. “Ang ganda mo pala, miss. Kaya pala pinatulan ka ng mayaman eh… amoy baby ka pa at mukhang mabango!” Kahit hindi nakatingin si Skye sa lalaki ay ramdam niya ang malaswang tingin nito sa kanya. “Hoy, Esko! Wag kang magkakamali na galawin ito, baka mamaya ay hindi tayo makatanggap ng bayad at bonus kay madam! Kung ako sa’yo ay manahimik ka!” Sita ng katabi ng driver. Kinurot ni Skye ang hita. Kung kanina ay kalmado siya at hindi natatakot, ngayon ay nagsimula na siyang makaramdam ng kaba. Mukhang hindi lamang kidnaper ang mga dumukot sa kanya. Mukhang mga manyakis pa at talagang halang ang mga kaluluwa. Napapitlag siya ng biglang umakbay sa kanya ang isang lalaki na katabi niya. “Mukhang hindi natatakot si