Thank you sa support niyong lahatđ«¶â„ïž
[Apol]Pupungas-pungas na inunat niya ang katawan. Napahawak siya bigla sa ulo, maya-maya pa ay tumakbo siya para pumasok sa banyo para sumuka. âAchhk!â Ang hapdi ng sikmura niya at ang asim ng panlasa niya. âYou okay?â Tanong nito habang hinahaplos ang kanyang likuran.Tumango siya habang sumusuka. âAyos lang po ako, Mr. Xââ Nanlaki ang mata niya. Nang tumingin siya sa likuran niya ay hindi niya mapigilan ang mapanganga. N*******d kasi ito at tanging tuwalya lamang ang nakatapis sa pang ibaba ng katawan.âI-Ikaw po pala, Mr. X. Ano po ang ginagawa mo dito sa banyo ko? Sira ba ang banyo mo sa kwarto mo kaya dito ka po nagbanyo?â Barado siguro ang banyo nito sa kwarto.Umiling ito at bumalik sa pagtotoothbrush ng ngipin. âSilly. Donât you remember what you did last night?â Last night? Humawak siya sa ulo nang kumirot ito. Ang huli niyang natatandaan ay uminom siya ng alak, pagkatapos ay⊠namutla siya ng mayroâng eksena na lumitaw sa alaala niya.âMagbago ka na, Mr. X, âyon lang naman
Samantala..."Tama na, Marjo! N-Nasasaktan akoâ Acchhk," Halos mawalan ng ulirat si Erza sa higpit nang pagkakasakal sa kanya ni Marjo Darmilton, ang kanyang asawa.Mas dumiin ang kamay ni Marjo sa leeg ng asawa. "Talagang masasaktan ka sa akin pĂșnyeta ka! Kung hindi ka tumakas noon ay baka nabigyan mo pa ako ng isang lalaking anak! Wala kang silbi! Pagkatapos kong ibigay sa'yo ang lahat ay tatakasan mo lang ako!" Hindi nito matanggap ang ginawa ni Erza labing anim na taon na ang nakararaan. Padaskol na binitawan ni Marjo si Erza, pinagpag nito ang suot na polo shirt, inayos ang buhok na para bang walang nangyari at sinaktan. "Magkakaro'n ako ng meeting sa kliyente kong si Mr. Choi. Bigatin ang koyenong ito, malaki ang naipapasok niyang pera sa negosyo ko. May anak siyang lalaki at nagkasundo kami na ipapakasal namin ang anak namin. Sa oras na makita ko ang mga anak ko ay wala ka nang magagawa para pigilan ako sa mga balak ko, Erza. Kabayaran ito sa hindi mo pagbibigay sa akin ng anak
Tumiim ang bagang ni Xerxes nang makita ang asawa na nakahiga sa kama at mahinag humihikbi, maging sa pagtulog ay umiiyak ito. Dalawang linggo nang ganito si Apol matapos mailibing ang kapatid. Mula noon ay hindi na siya kinakausap nito. Ang anak ng kapatid nito kay nasa pangangalaga muna ni Kairo. Ito ang hiling ni Kairo, ang makasama ang anak kahit hanggang sa magdalawang taon ito. Wala siya sa posisyon magdesisyon, kahit na gusto itong makasama ni Apol sa ngayon ay hindi maaari. Bukod na si Kairo ang may karapatan dahil ito ang ama, hindi rin ito magagawang alagaan ni Apol sa kondisyon nito ngayon. Naihilamos ni Xerxes ang kamay sa mukha habang napapabuntong hininga. He couldn't do anything to ease his wife pain. Baka galit pa ito sa kanya dahil hindi nito nakasama ang kapatid bago pumanaw. Lumipit siya rito at binalot ito ng blanket. "I'm... I'm sorry, wife." At first, he thought that his feelings for Apol were just simple attraction when he met her. He couldn't accept that beca
[Apol]Nagkatinginan sina Rima at Ester, puno nang pagtataka ang mukha nang dalawa. "Mrs. Helger, bakit parang ang saya-saya mo yata nitong mga nakaraan? Anong mayro'n?" Usisa ni Rima."Oo nga, bakit parang hindi maalis ang ngiti mo sa labi? Dahil ba umalis si Mr. X kahapon at hindi mo siya makikita?" Usisa naman ni Ester. "Hay naku, mga tsismosa talaga kayo!" Napapailing-iling nalang siya sa dalawang kaibigan niya. Wala na itong ginawa kundi bantayan ang kilos niya. Siguradong magugulat ang dalawang 'to kapag nalaman kung ano na ang stado ng relasyon nila ng asawa niya. Sabagay, kahit nga siya ay hindi rin makapaniwala sa improvement ng relasyon nila.Ang sarap pala sa pakiramdam na mahal ka ng lalaking gusto mo. Iyon ang nararamdaman niya ngayon."Tsismosa agad? Hindi ba pwedeng nagtataka lang dahil abot ang langit ang ngiti mo di'yan? Dati kasi araw-araw kang nakasimangot at parang nalugi! Pero ngayon para kang in love na ewan!" Puna pa ni Rima.In love? Tumalikod siya para itago a
Inilapag ng tauhan ni Xerxes na si Lomer ang isang folder sa harapan nito. âAyon sa source natin ay hinahanap ng matandang ito ang magkapatid. Nang mag imbestiga kami ay napag alaman namin na isa ito sa nagtatrabaho kay Marjo Darmilton. Matagal nang naninilbihan ang matandang âyan kay Marjo, kaya naman malakas ang hinala namin na inutusan âyan ng kanyang amo para hanapin ang anak nito. Ano ang gagawin natin, Mr. X? Mukhang hinahanap nila ang asawa mo. Tiyak na kukunin nila si Mrs. Helger kapag nalaman nilang narito siya sa poder mo.â Tiim ang bagang na nilukot ni Xerxes ang hawak na impormasyon tungkol sa matanda. âSpread the fake news. Palabasin niyong namatay sa car accident ang asawa ko. Monitor their movements, Lomer, agad na ireport niyo sa akin ang mga kahina-hinalang bagay na ginagawa ng matandang âyon.â Kinuha niya ang isang envelope at saka ito inihagis sa kaharap. âIyan ang floor plan ng facilities ng pagawaan ng droga ni Darmilton, gusto kong kabisaduhin niyo ang bawat deta
[Apol]Lumuluhang hinawakan ni Lito ang kamay ni Rima, halos maglumpasay ito sa labis na pag iyak. "L-Lumaban ka palangga ko, p-palagi lang akong nandito sa tabi mo para alagaan ka, hindi kita iiwan kahit ano ang mangyari... p-please, lumaban ka!" Hindi maipinta ang mukha nilang lahat habang nakatingin kay Lito. Kung makaiyak naman ang isang 'to ay parang mamamatay na si Rima, samantalang masakit lang naman ang ngipin nito."Hoy, Lito! Kapag ako naasar sa'yo ipapalit kita ri'yan sa hinihigaan ni Rima! Aba, buhay pa 'yang nobya mo pero kung makaiyak ka parang nakaburol na siya! Nakakakilabot kayong dalawa! Ang sakit niyo sa mata!" Nanggagalaiting wika ni Ester, kulang nalang ay sipain nito palabas si Lito ng kwarto. "Bakit nagagalit ka pa ri'yan? Dapat nga ay magpasalamat ka dahil kung hindi dahil sa malubhang lagay ni Rima ay hindi mo makikita ang crush mo! Ang dami mo pang sinasabi, eh halos mangisay ka sa kilig kanina!" Sikmat ni Lito, muli ay bumaling ito sa nobya. "Palangga ko, s
"Balita ko ay hawak mo na ang TLK company ngayon, Mr. Darmilton? Iba ka talaga, lahat ay kaya mong kunin ang lahat sa isang pitik lang ng daliri mo!" Papuri ng isang matandang negosyante na ikinangisi ni Marjo. Gustong-gusto nitong napupuri dahil tumataas ang ego niya at tumataas din ang tingin niya sa sarili niya. Angat siya at mataas kumpara sa iba, malakas siya at matalino, iyon ang tingin niya sa sarili niya kaya angat siya sa iba.Tumawa ng may pag uuyam si Erza nang marinig ito. "Hindi na nakapagtataka na makuha niya iyon, Mr. Hebara. Sa mga taong katulad niyang ganid at walang puso ay walang imposible. Kaya nga niyang patayin ang sarili niyangâ"Galit na hinawakan ni Marjo ang asawa at kinaladkad palayo sa mga bisita. Napailing na lamang ang mga ito habang nakasunod ng tingin sa mag asawa. Narito ngayon ang lahat ngayon sa isang events ng mataas na opisyal ng gobyerno, lahat ng narito ay mataas na tao at kilala sa lipunan. Binitiwan niya ang asawa ay nagbabanta itong tiningnan.
[Apol]Humawak siya sa batok. Noong nakaraan pa siya kinikilabutan. Pakiramdam niya mayro'ng matang nakatingin sa kanya at nakamasid sa bawat galaw niya."Miss Carol, ayos ka lang po ba?" Nag aalalang tanong niya ng makita itong napapangiwi habang nakahawak sa likod. "Ayos lang ako, Mrs. Helger. Ganito talaga kapag tumatanda, madalas ng sumakit ang likuran." Inalalayan niya itong maupo. "Mabuti pa ay bigyan kita ng masahe, Miss Carol. Saan ba banda ang masakit?" Ganito ang ginagawa niya noon kapag masakit ang likod ng nanay niya. Binibigyan niya ito ng masahe sa likuran."Ayos ka lang ba, Mrs. Helger?" Tanong ng matanda nang mapansin ang pananahimik niya."Ah, opo. Naalala ko lang kasi ang nanay ko. Madalas ko kasi siyang bigyan ng masahe no'ng hindi pa niya kami iniiwan ni ate Alena." Malungkot siyang bumuntonghininga. "Bigla ko lang po silang namiss. Hindi ko rin po maiwasan ang malungkot dahil iniwan na nga ako ni nanay, iniwan pa ako ni ate Alena. Tapos hindi ko pa pwedeng alagaa