Thank you sa po support 🫶🔥❤️ Salamat po sa GEMS 💎
[Apol]Nagkatinginan sina Rima at Ester, puno nang pagtataka ang mukha nang dalawa. "Mrs. Helger, bakit parang ang saya-saya mo yata nitong mga nakaraan? Anong mayro'n?" Usisa ni Rima."Oo nga, bakit parang hindi maalis ang ngiti mo sa labi? Dahil ba umalis si Mr. X kahapon at hindi mo siya makikita?" Usisa naman ni Ester. "Hay naku, mga tsismosa talaga kayo!" Napapailing-iling nalang siya sa dalawang kaibigan niya. Wala na itong ginawa kundi bantayan ang kilos niya. Siguradong magugulat ang dalawang 'to kapag nalaman kung ano na ang stado ng relasyon nila ng asawa niya. Sabagay, kahit nga siya ay hindi rin makapaniwala sa improvement ng relasyon nila.Ang sarap pala sa pakiramdam na mahal ka ng lalaking gusto mo. Iyon ang nararamdaman niya ngayon."Tsismosa agad? Hindi ba pwedeng nagtataka lang dahil abot ang langit ang ngiti mo di'yan? Dati kasi araw-araw kang nakasimangot at parang nalugi! Pero ngayon para kang in love na ewan!" Puna pa ni Rima.In love? Tumalikod siya para itago a
Inilapag ng tauhan ni Xerxes na si Lomer ang isang folder sa harapan nito. “Ayon sa source natin ay hinahanap ng matandang ito ang magkapatid. Nang mag imbestiga kami ay napag alaman namin na isa ito sa nagtatrabaho kay Marjo Darmilton. Matagal nang naninilbihan ang matandang ‘yan kay Marjo, kaya naman malakas ang hinala namin na inutusan ‘yan ng kanyang amo para hanapin ang anak nito. Ano ang gagawin natin, Mr. X? Mukhang hinahanap nila ang asawa mo. Tiyak na kukunin nila si Mrs. Helger kapag nalaman nilang narito siya sa poder mo.” Tiim ang bagang na nilukot ni Xerxes ang hawak na impormasyon tungkol sa matanda. “Spread the fake news. Palabasin niyong namatay sa car accident ang asawa ko. Monitor their movements, Lomer, agad na ireport niyo sa akin ang mga kahina-hinalang bagay na ginagawa ng matandang ‘yon.” Kinuha niya ang isang envelope at saka ito inihagis sa kaharap. “Iyan ang floor plan ng facilities ng pagawaan ng droga ni Darmilton, gusto kong kabisaduhin niyo ang bawat deta
[Apol]Lumuluhang hinawakan ni Lito ang kamay ni Rima, halos maglumpasay ito sa labis na pag iyak. "L-Lumaban ka palangga ko, p-palagi lang akong nandito sa tabi mo para alagaan ka, hindi kita iiwan kahit ano ang mangyari... p-please, lumaban ka!" Hindi maipinta ang mukha nilang lahat habang nakatingin kay Lito. Kung makaiyak naman ang isang 'to ay parang mamamatay na si Rima, samantalang masakit lang naman ang ngipin nito."Hoy, Lito! Kapag ako naasar sa'yo ipapalit kita ri'yan sa hinihigaan ni Rima! Aba, buhay pa 'yang nobya mo pero kung makaiyak ka parang nakaburol na siya! Nakakakilabot kayong dalawa! Ang sakit niyo sa mata!" Nanggagalaiting wika ni Ester, kulang nalang ay sipain nito palabas si Lito ng kwarto. "Bakit nagagalit ka pa ri'yan? Dapat nga ay magpasalamat ka dahil kung hindi dahil sa malubhang lagay ni Rima ay hindi mo makikita ang crush mo! Ang dami mo pang sinasabi, eh halos mangisay ka sa kilig kanina!" Sikmat ni Lito, muli ay bumaling ito sa nobya. "Palangga ko, s
"Balita ko ay hawak mo na ang TLK company ngayon, Mr. Darmilton? Iba ka talaga, lahat ay kaya mong kunin ang lahat sa isang pitik lang ng daliri mo!" Papuri ng isang matandang negosyante na ikinangisi ni Marjo. Gustong-gusto nitong napupuri dahil tumataas ang ego niya at tumataas din ang tingin niya sa sarili niya. Angat siya at mataas kumpara sa iba, malakas siya at matalino, iyon ang tingin niya sa sarili niya kaya angat siya sa iba.Tumawa ng may pag uuyam si Erza nang marinig ito. "Hindi na nakapagtataka na makuha niya iyon, Mr. Hebara. Sa mga taong katulad niyang ganid at walang puso ay walang imposible. Kaya nga niyang patayin ang sarili niyang—"Galit na hinawakan ni Marjo ang asawa at kinaladkad palayo sa mga bisita. Napailing na lamang ang mga ito habang nakasunod ng tingin sa mag asawa. Narito ngayon ang lahat ngayon sa isang events ng mataas na opisyal ng gobyerno, lahat ng narito ay mataas na tao at kilala sa lipunan. Binitiwan niya ang asawa ay nagbabanta itong tiningnan.
[Apol]Humawak siya sa batok. Noong nakaraan pa siya kinikilabutan. Pakiramdam niya mayro'ng matang nakatingin sa kanya at nakamasid sa bawat galaw niya."Miss Carol, ayos ka lang po ba?" Nag aalalang tanong niya ng makita itong napapangiwi habang nakahawak sa likod. "Ayos lang ako, Mrs. Helger. Ganito talaga kapag tumatanda, madalas ng sumakit ang likuran." Inalalayan niya itong maupo. "Mabuti pa ay bigyan kita ng masahe, Miss Carol. Saan ba banda ang masakit?" Ganito ang ginagawa niya noon kapag masakit ang likod ng nanay niya. Binibigyan niya ito ng masahe sa likuran."Ayos ka lang ba, Mrs. Helger?" Tanong ng matanda nang mapansin ang pananahimik niya."Ah, opo. Naalala ko lang kasi ang nanay ko. Madalas ko kasi siyang bigyan ng masahe no'ng hindi pa niya kami iniiwan ni ate Alena." Malungkot siyang bumuntonghininga. "Bigla ko lang po silang namiss. Hindi ko rin po maiwasan ang malungkot dahil iniwan na nga ako ni nanay, iniwan pa ako ni ate Alena. Tapos hindi ko pa pwedeng alagaa
[Apol]Kanina pa siya hindi mapakali at palakad-lakad. Iniisip niya kasi kung ano ang magandang iregalo kay Xerxes. Gusto niya sana iyong siya mismo ang bumili at naggaling sa kanya ang pinangbili niya, iyong tipong pinaghirapan niya talaga.“Mrs. Helger , baka pwedeng maupo ka muna, kanina pa kami nahihilo sayo, eh! Ano ba kasi ang problema mo at kanina ka pa ri’yan hindi mapakalo?” Napapakamot nalang sa ulo na tanong ni Rima sa kanya.“Oo nga, magsabi ka lang baka makatulong kami. Wag mo lang kaming uutangan, ha.” Mabilis na dugtong nito.Napangiwi siya. Hehe, ang totoo kasi ay naisip niya iyon kanina. “Ganito kasi ‘yon. Motmot na namin ng asawa ko at gusto ko sana na regaluhan siya, alam niyo na, nang regalo na galing sa sarili kong pera at ako mismo ang bumili. Ang kaso wala naman akong sariling pera. Saka paano ako makakabili ng regalo para sa kanya kung narito ako sa isla, diba?” Mahaba niyang lintanya. Kumunot ang noo niya nang mapansin na nakakunot lang ang noo ng dalawa. “Hoy
[Apol]“Ayos lang kayo?” Nagpalipat-lipat ang tingin niya sa dalawa at saka sa matanda. “Ester, Rima, huwag kayong matakot kay manong hardinero, mabait ‘yan,” Aniya sa dalawa. Mukha kasing takot ang dalawa.“A-Ah, kasi… a-ano—“Agad na pinutol si Rima ng matanda. “Oh siya, saan kayo pupunta? Narinig kong may pinag uusapan kayo kanina. Balak niyo umalis? Pwede ba akong sumama sa inyo?”Nanlaki ang mata ng dalawa at napanganga pa.“Talaga po?” Tuwang-tuwa na sambit niya. “Ganito po kasi ‘yon.” Pinaliwanag niya rito ang tungkol sa balak niya. Lalong lumaki ang ngiti nito ng marinig ang sinabi niya, mukhang natuwa yata sa mga sinabi niya, samantalang sina Rima at Ester namumutla pa rin. Kanina lang ang ingay at ang saya nito pero ngayon mukhang hindi na mapakali ang dalawa.Nagpaalam ang matanda sa kanila saglit, sakto pagbalik nito ay umalis ang mga bantay sa mga tarangkahan, at ang ilan naman ay bigla nalang nagsialis. Kaya bago pa bumalik ang mga ito ay pumuslit na sila.“Gaano ba karam
[Apol]Tumingin siya sa lalaking walang malay na nakahandusay. Napapangiwing napahimas siya sa leeg. Mabuti nalang at matibay ang kwintas na binigay sa kanya ni Xerxes kahit peke. Iyon nga lang sobrang sakit ng leeg niya ngayon dahil sa paghila ng lalaking ito.“Bwisit kasi na lalaking ‘to!” Malakas na sinipa niya sa pwețan ang lalaki. “Ang laki-laki ng katawan mong bwisit ka hindi ka magtrabaho ng marangal, mas pinili mo pa maging magnanakaw!” Kaasar. Bakit may ganitong klase ng tao? Mas gustong gumawa ng masama kaysa ang magtrabaho at magbanat ng buto.Nakisipa na rin si Rima at Ester, mukhang gigil na gigil din ang dalawa. Hindi pa nakontento si Rima at sinabunutan nito ang lalaki.“A-Aray tama na! Kanina pa kayo nakakasakit, ah!”Naningkit ang mata niya. Ah gano’n, kunwari lang pala itong walang malay. Kung pwede lang siyang tumawag ng pulis ay kanina pa niya ginawa. Pero hindi pwede. Sigurado kasi na malalaman ng asawa niya ang paglabas niya kung isusuplong niya ang siraulong ito.
Gusto ko po magpasalamat sa lahat ng readers ko na sumubaybay dito hanggang sa dulo. Thank you po sa old at new readers ko. Hindi ko man kayo ma-mention lahat, kilala ko kayo✨ sa mga nagpadala ng GEMS 💎 at mga nagbigay ng FEEDBACK ♥️ Grabe ang layo ng stories na narating nating lahat. Xerxes and Apol 💟 Kairo and Alena 💟 Johnson and Charlotte 💟 Axel and Serena 💟 and lastly ay sina Adius at Skye💟 Wag po sana kayo magsawa na sumuporta sa mga stories ko. Ang trapped series ko ay hindi ko pa sure kung kailan ko sisimulan. Pero may soon na stories akong ipa-publish soon. Sana po ay magustuhan at suportahan ninyo. May bago po pala akong story, ito po ang title: MAFIA BOSS SERIES2: THE PRETENDING WIFE [MR. KING] Salamat po ulit sa support✅ By author: Seenie ♥️
Pagkatapos ng dinner at pagsapit ng alas otso ay pinaakyat na sila ni Serena para makapag pahinga. Maaga kasi ang kasal nila ni Adius bukas. At si Serena naman ay kapapanganak lang. pagdating sa kwarto niya ay kumunot ang kanyang noo. May nakita kasi siyang bulaklak sa ibabaw ng kama niya. Balak sana niya na balewalain ito pero biglang sumulpot si Queenie sa gilid ng kama niya. “Tita Skye, hindi mo pa ba pupuntahan si tito Adius?” Napabangon siya bigla. “Ha? Nandito ang tito mo?” “Opo, tita… nasa garden po siya! Bigay niya nga po itong rose eh… para daw po sa magandang future misis niya hehe!” Nakabungisngis na sagot pa nito sa kanya. “Shhh lang daw po, tita, baka daw po malaman nila lola na nandito siya.” Bilin pa nito. Halos isang linggo din silang hindi nagkita kaya excited na pumunta siya sa garden para makita ito. Napasimangot siya ng makita na si Kiro ang naroon. Natawa naman ito ng makitang nakasimangot siya. “Bakit parang nalugi ka, Skye. Dati naman ay masaya ka kapa
“Dude, are you okay?” Tanong ni Xian sa kanya. Kumunot ang noo nito ng hindi siya sumagot. “Adius, may problema ba?” “H-ha? Wala.. wala…” sagot niya sabay talikod sa kanyang pinsan. Nagkatinginan sila Jansen, Xian at Ax. Lumapit si Xio na kadarating lang at umakbay sa kanya. “Adius, napansin namin na noong nakaraan ka pa wala sa sarili. Sigurado ka ba na wala kang problema? Wag mong sabihin na gusto mong umatras sa kasal niyo ni Skye bukas?” “W-what?! Of course not! Bakit naman ako aatras sa kasa naming dalawa gayong matagal din akong naghintay na ikasal kami?!” Inalis ni Adius ang kamay ni Xio sa kanyang balikat at tumingin sa labas ng bintana kung saang hotel naroon sila. “Kung ganon ano ang problema? Nag-aalala na sila tito Kairo sayo. Tsk. Iniisip tuloy nila na baka napipilitan ka lang na pakasalan si Skye dahil sa bata.” Komento naman ni Axel. Bumuga si Adius ng hangin at seryosong tumingin sa mga ito. Nahihiya man… hindi na siya nakapag pigil. Tumikhim muna siya. “U
Dahan-dahan niyang dinilat ang kanyang mga mata. Ang una niyang nakita ay puting kisame ng silid na kinaroroonan niya. Nauuhaw siya… nanunuyo ang kanyang lalamunan. “A-adius…” paos niyang tawag sa nobyo. Umiiyak na hinawakan niya ang kanyang tiyan… “Adius, ang baby natin!” “Shhh, babe… it’s fine. Wag kang mag-alala ligtas ang anak natin.” Sabi ni Adius habang hawak ang isa niyang kamay. Naluha siya sa sinabi nito. Nang yakapin siya nito ay sinubsob niya ang mukha sa dibdib nito. “B-babe… akala ko hindi ka na darating… akala ko mapapahamak kami ni baby…” nang panahon na hilahin siya nila Hersheys ay napuno na ng takot ang dibdib niya. Inisip niya na hindi na ito darating para iligtas sila. Humagulhol siya ng maalala ang maraming dugo sa pagitan ng mga hita niya. “A-akala ko mawawala na ang baby natin, babe… so-sobra akong natakot… akala ko mapapahamak siya…” Niyakap ni Adius ng mahigpit si Skye. Dama niya takot at ang panginginig nito. “I’m sorry, babe kung nahuli ako.
Pagdating ni Adius sa basement ay sumalubong sa kanya si Xio na may hawak na baseball bat. “Mabuti naman at dumating ka na. Parating na ang mga tauhan ni Axel kasama sila. Magsisimula pa lang ako pero may nag-eenjoy na sa loob.” Sabi nito. “Where is she?” Tanong niya. “Nasa dulo, kasama si Aimee.” Sagot ni Xio, Kumunot ang noo ni Adius. Akala niya ay nasa hospital din ito ngayon kasama sila Axel. Pagdating niya sa pinakadulong kwarto ay nadatnan niya ang kakambal na nakaupo sa couch at nanlilisik ang mga mata na nakatingin kay Hersheys. Nakatali ang dalawang kamay ni Hersheys pataas, sabog ang buhok nito at putok ang labi at duguan ang mukha. Ayon kay Xio ay may nag-eenjoy na dito. Mukhang ang kakambal niya ang tinutukoy nito. Tumayo si Aimee at galit na dinuro si Hersheys. “Adius, hindi ko mapapatawad ang ginawa niya kay Skye at sa pamangkin ko… please, let me kill her now!” Nanlilisik sa galit ang mga mata na sabi ni Aimee. Nanlaki ang mata ni Hersheys sa takot. “Pa-paran
Binalibag ng malakas ni Adius si Hersheys sa sahig bago niya nilapitan ang nobya. “Damn!” Malakas niyang mura ng makita ang nakakaawang kalagayan nito. “B-babe… hold on.” Pinangko niya ito. Kanina ay walang nanaig sa kanya kundi matinding galit. Ang tanging nasa isip niya ay kitilin ang buhay ni Hersheys dahil sa ginawa nito kay Skye. Ngunit ng makita niya ngayon ang kalagayan ng nobya na duguan ay kinain ng takot ang kanyang puso. Nanlalamig ang kanyang katawan sa takot na baka mawala ito o ang kanilang anak. Hindi niya mapapatawad ang kanyang sarili kapag may nangyaring masama sa kanyang mag-ina. “B-babe, come on.. wake up. Don’t fall asleep in my arms, babe…” pakiusap niya sa nobya habang buhat ang walang malay na katawan nito. Tuluyan na itong nawalan ng malay sa kanyang bisig. Malaki ang sugat sa noo ng nobya. Walang patid ang pag-agos ng dugo dito, maging sa pagitan ng hita nito. “Babe, o-open your eyes, please… nandito na ako. U-uuwi na tayo…” Garalgal ang boses na p
“H-hindi totoo ang mga sinasabi mo… ako ang mahal ni Adius…” nitong nakaraan ay sigurado siya na mahal siya ni Adius. Ngunit ngayon ay nabasag ang kumpiyansa niya. Natatakot siya na baka totoo ang sinabi nito. Maisip palang niya na tama ito ay parang dinudurog na ang puso niya sa sakit. Nahihirapan siyang huminga at parang kinakapos siya sa hangin. “Kung mahal ka niya ay hindi niya ibibigay sa akin ang kontratang ito, Miss Malason, at hindi niya sasabihin sa akin ang tungkol sa panibagong kontratang ito. Gumising ka na sa kahibangan mo at matauhan. Hindi ang katulad mo ang mamahalin ni Adius. Malayong-malayo ka sa babaeng nababagay sa kanya. Kaya nga gumawa siya ng kontrata kagaya ng ganito dahil alam niya na aabot sa ganito. Look at you, nag-aassume ka at nangangarap na papatusin ka talaga niya… gold digger bitch!” Dagdag pa ng babae. Dumaloy ang masaganang luha niya sa kanyang mata. Gold digger naman talaga siya. Pera lang ang mahalaga sa kanya. Tama si Hersheys… kaya gumawa
Dinala si Skye ng mga lalaki sa isang abondonadong resort. Kusang-loob siyang nagpa-akay sa mga ito hanggang sa makarinig siya ng pagbukas ng pinto. “Itali ninyo ang babaeng iyan. Hintayin natin si madam. Mamaya ay darating na iyon,” rinig ni Skye na bilin ng isang lalaki. Kahit wala siyang makita dahil sa kanyang piring sa mata ay alam niya na inupo siya ng mga ito sa isang upuan. Naramdaman niya na tinali siya ng mga ito sa kamay at paa. Ang higpit ng pagkakatali sa kanya, ramdam niya ang hapdi ng paglapat ng lubid sa kanyang balat. “Nakatali na si miss. Hindi na makakatakas ito sa higpit ng pagkakatali ko!” Sabi ng isang lalaki. “Mabuti naman. Sa labas na tayo maghintay. Kakatext lang ni madam, malapit na daw siya. Hoy, ikaw, Esko, lumabas ka! Wala akong tiwala sa’yo!” Narinig niya ang paglabas ng mga ito habang nagrereklamo ang lalaki na tinawag nitong Esko. ‘Diyos ko, wag mo kaming pabayaan ng anak ko!’ Hindi niya mabilang kung ilang beses siyang nagdasal na sana a
Habang lulan ng sasakyan ay napansin niya na panay ang tingin sa kanya ng mga katabi niya. Bigla siyang kinabahan sa klase ng tingin nito. Tinakpan niya ang kanyang leeg gamit ang kamay at umusod palayo. Pero may isa pang lalaki sa kanyang tabi kaya wala na siyang mausuran. “Ang ganda mo pala, miss. Kaya pala pinatulan ka ng mayaman eh… amoy baby ka pa at mukhang mabango!” Kahit hindi nakatingin si Skye sa lalaki ay ramdam niya ang malaswang tingin nito sa kanya. “Hoy, Esko! Wag kang magkakamali na galawin ito, baka mamaya ay hindi tayo makatanggap ng bayad at bonus kay madam! Kung ako sa’yo ay manahimik ka!” Sita ng katabi ng driver. Kinurot ni Skye ang hita. Kung kanina ay kalmado siya at hindi natatakot, ngayon ay nagsimula na siyang makaramdam ng kaba. Mukhang hindi lamang kidnaper ang mga dumukot sa kanya. Mukhang mga manyakis pa at talagang halang ang mga kaluluwa. Napapitlag siya ng biglang umakbay sa kanya ang isang lalaki na katabi niya. “Mukhang hindi natatakot si