Makalipas ang tatlong araw ay natigilan ako nang puntahan ako muli ni Zai. Lumamlam ang mata niya at nakikiusap ito. Hindi ko siya pinapansin mula nang huli naming pag-uusap.
Naawa ako kay Kent. Apektado siya at kasalanan ko ‘yon, kasalanan namin ni Zai. Halos hindi siya kumain at ayaw niya akong masulyapan man lang. Hanggang sa ma-receive ko ang text message ni Zai. From Zai: Meet me at the hotel. Let’s talk. Bumuntong hininga ako at sinulyapan siya. Tsaka ko inabot ang bag bago lumabas ng bahay. Napansin kong nauna siyang umalis upang maiwasan na mahuli kami kapag nagkataon. Zai’s Point Of View. Habang hinihintay si Lauren ay tahimik muna akong uminom hanggang sa dumating na siya ay sinulyapan ko lang siya mukhang katatapos niya lang umiyak nang umiyak. "How will you deal with it?" I questioned. Naupo siya sa single sofa at aabutin na sana ang in can beer kaya lang sinalo ko kaagad ang pulsuhan niya. "What are you doing?" takang tanong ko. "Iinom,” sagot niya kaya kinuha ko lahat ng beer at inis na itinapon 'yon sa basurahan. "You can't, woman do you think that baby is a joke?" singhal ko sa kaniya. "You are a joke," she hissed that made me frown. "That baby is precious, I'm a heir of something,” mahinang sagot ko at itinaas ang paa sa center table at sumandal. “Who cares?” masungit niyang bulong na ikinangiwi ko. Attitude. "Can you wear a shirt? Stop being topless in front of me will you?" maarte niyang sabi kaya umirap ako at inabot ang shirt ko tapos sinuot na 'yon. "Demanding mo 'no?" "Did you go to a hospital already?" mahinahon kong tanong. "Yeah, I'll give you the result that I got tomorrow." Tumango akong muli at tsaka ko inabot ang paper bag at binigay sa kaniya. "What's this?" she asked. "That's for you, I bought it weeks ago,” sagot ko habang hindi siya tinitignan. "Tsk thanks,” she hissed kaya ngumiwi ako. "Let that baby live Lauren," mahinahon kong sabi. "Don't hurt Kent Axel so much," I added. "I feel so guilty about this, I'm just finding out how will I tell him this. That young man trusted me, he's like a brother to me." Matipid akong ngumiti at inabot ang candy. "I know him, he'll forgive people once. But not twice," sabi ko, napansin ko ang titig ni Lauren kaya huminga ako ng malalim. "Get rest and go home, I'll stay here,” mahinahon na sabi ko. “Kala ko pinapunta mo na naman ako dito para awayin,” pagpaparinig niya dahilan para pasimpleng umikot ang mata ko sa pagkairita. ‘Binabantaan mo ‘ko sa kahinaan ko, tsk.’ "I'll go now then," paalam niya at tumayo kinuha niya ang binigay ko at akmang aalis na ngunit tumayo ako at tinawag siya. "Wait," wika ko at inabot ang cap. "Don't get sick,” I stated, isinuot ko sa kaniya ang cap tapos ay bahagya ko siyang niyuko. "Keep safe," mahinang sabi ko at binigyan ng pat ang ulo niya. Nakatingin lang siya sa akin kaya naman matipid akong ngumiti. Mabilis niya akong tinalikuran kaya naman matipid akong ngumiti, bumalik ako sa kinauupuan at pumikit ng mariin. Day by day comes and I'm getting worse, I do drinking, halos araw araw ay ginawa kong tubig ang alak. Knowing Kent Axel is suffering makes me want to cry and just leave this damn earth. ‘Bakit ba hindi ko naisip? Masyado akong nadala sa nararamdaman.’ Ngayon ay nasa bar ako, tahimik na umiinom hanggang sa may babaeng tumabi sa akin. Blangko ko lang siyang tinignan, "Sandra! Siya ba ang lalake mo?!" Hindi ko sila pinansin at aabutin ko na sana ang iniinom ko ngunit malakas niyang pinalo ang kamay ko dahilan para mabitawan ko 'yon at mabasag. "No! Wala akong lalake ano ka ba!" The girl told him. "Ito lalake mo ito eh! Lalake mo ito ano! Halika rito!" sigaw sa akin ng lalake kaya naman huminga ako ng malalim at tinignan siya. "Do you have a death wish?" I remained calm as possible, hindi ko gustong nagagalit ako. "Ang yabang mo! Bakit sino ka ba! Kaya ka ba kinabit nito dahil sa mukha mong yan! Isa ka rin—" "Look I'm already a father, do you think I would left my child for that woman?" singhal ko. "What!" "Tangina, umalis nga kayo sa harapan ko pwede?" gitil ko. "Ang yabang mo ha—" "So? What makes you think I'm mayabang? Did I offend you at some point? I was drinking here quietly." Sumama ang mukha ko ng hablutin nito ang kwelyuhan ko. "Let go of me,” mahinahon kong pakiusap ngunit mas hinila niya ako. "Wala akong pakialam kahit mas mayaman ka sa akin naii- ah!" Tumilapon siya nang malakas kong itulak ang dibdib niya gamit ang isang kamay ko, tumayo ako at hinarap siya. "Wala rin akong pakialam kung nayayabangan ka sa akin, you deprived my liberty,” I calmly stated and grabbed his collar while he's on the floor. "I don't have time to hold my anger towards a jerk like you, how do you want me to hurt you?" Nanlaki ang mata niya at mukhang kinabahan kaya naman nang hablutin niya rin ang kwelyuhan ko ay malakas ko siyang inangat at ibinalik sa sahig dahilan para tumama ang ulo niya sa tiles. "I'm a father now, so ease up I don't like treating you good." Sasapakin ko na sana siya ngunit may malakas na sumalo sa kamao ko. "You're a father huh?" Natigilan ako ng makita si Luke na sobrang sama ng tingin sa akin, nabitiwan ko ang lalake at tsaka ko hinarap si Luke.Zai’s Point Of View."I-I—""Follow me outside, Zai Garcial mariing sabi niya kaya naglapat ang labi ko at kinabahan, mabilis akong sumunod sa kaniya hanggang sa makarating sa parking lot ay napadaing ako ng hablutin niya ang kwelyuhan ko at idiin ako sa pinto ng sasakyan."Don't you have anything to confess?" Napabuntong hininga ako at yumuko."I fucked up," I started that made him let go of me and cursed hard."You really are Zai. You fucked up! How could you freaking do this to Kent huh?!" malakas na sigaw niya kaya nasapo ko ang mukha."I am so guilty right now Luke, I regretted it!" Nang tignan ko siya ay sasapakin niya na sana ako kaya ipinikit ko ang mata ngunit walang dumating."Tangina! Nag-iisip ka ba?!" Nagmulat ako at nakita kong pinigilan niya ang sarili."H-Hindi ko sinasady—""Stop explaining and hop in!" sigaw niya kaya mabilis akong sumunod sa kaniya.Ang kaba ko ay nasa lalamunan. I kept on trying to explain but he just yelled at me and told me not to explain anymore
I feel so bad, I felt like all of my omissions are slowly taking advantage of me. I can't do things like before, I drink but I don't get drunk and I hate it. Suddenly there's a knock from my door."Come in,” mahinahon kong sabi, ngunit si Luke ito."Kent Axel is not showing any responses, but I noticed that he's really affected. We don't know what to do anymore," ipinapaalam ni Luke, nasapo ko ang mukha sa sobrang konsensya."What did I do..""Let's not just blame ourselves, it happened and it was destined to happen." Umiling iling ako."If only I tried harder,” bulong ko."Tanga, you can't undo what you did. Just accept it and make a move for it,” inis niyang sermon kaya bumuntong hininga ako."He's killing himself from not eating, nor drinking. He looks dehydrated." Umiling ako sa narinig."Even Saji, galit sa'yo gago ka kasi,” dismayadong sabi ni Luke kaya ngumiwi ako at nahiga sa kama."I'll talk to her.""Asa ka tanga,” singhal ni Luke.Isang linggo ang lumipas na hindi ko kinaus
It took me three days to meet her again, It was on the bus stop. Isn't she using a car? She's not even using a cap it's already afternoon. Mahahamugan siya, napabuntong hininga ako at bumaba ng sasakyan tapos ay inalis ang suot kong cap.After that lumapit ako sa kaniya at hindi niya inaasahan ang presensya ko dahilan para masuot ko sa kaniya ang cap, her height is just 5'4 unlike Saji na 5'8 ang height kung kaya't hindi na kakailanganing yumuko,"W-Why are you here?" nagtatakang sabi niya kaya ngumiti ako."I saw you. Next time wear something to cover your head. Just text or call me if you need a ride, it's not safe for our baby you know." Lumunok siya at iniiwas ang tingin."Dad can't pick me up—""Does he know that you're pregnant?" Natigilan siya at umiling kaya naman hinawakan ko ang kamay niya at marahan siyang hinila papunta sa sasakyan ko."Let's talk,” mahinahon kong sabi at pinasakay na siya, punong puno siguro siya ng pagtataka pero dinala ko siya sa bahay nila at sakto ay
Zai’s Point Of View.She stayed where I stayed, I fixed and feed her healthy foods she needs. Minsan ay nakikita ko siyang nakatulala lang sa veranda knowing that she's really affected by this, and by Kent the one she really loves.Ngayon ay katatapos ko lang magluto ng simpleng dish, it was steak with asparagus. Huminga ako ng malalim bago siya lapitan. "You want to join me?" I started and put a smile on my lips, she glanced and take a look at the food."Is that tasty?" mahinahon niyang tanong kaya naupo ako sa harap niya at ibinaba ang tray sa center table at tsaka ko hinati ang steak at inihipan 'yon bago itapat sa bibig niya."Taste," wika ko. Tinanggap niya 'yon kaya naman ng mapatango tango siya ay napangiti ako."Let me have it," pinanood ko siyang kunin 'yon at ipatong sa throw pillow na nasa lap niya at kumain ng mag-isa.Medyo tumataba na siya at mabuti 'yon para sa kanila ng baby. "Masarap?""Hindi,” sagot niya habang punong puno ang bibig kaya natawa ako at napailing na la
Zai’s Point Of View.Nang makarating sa isang grocery store na ang laman ay mga meat, seafoods, vegetable ay tuwang tuwa siyang kumuha ng push cart kaya naman kinuha ko 'yon sa kaniya.She's being different, mood swings siguro, minsan seryoso, playful, bully pero minsan galit parati. "They're so expensive," bulong niya kaya naman tinitignan ko ang mga 'yon."Look Zai, ang mahal nila pero ang liliit nila." Nakangiti niyang sabi at tinuturo ang masa aquarium."Oh my goodness!" I hysterically glanced at her pero okay naman siya kaya mabilis akong lumapit."Why?""OMG Zai, aren't we too cruel? This baby is so cute!" Umawang ang labi ko ng makita long itinuturo niya ang sobrang liit na baby octopus yung hindi mo talaga mapapansin."And you are so unbelievable Lauren, you are the one who wanted to eat them." Hindi makapaniwalang sabi ko, ngumuso siya at kinuha na ang plastic na clear at may laman na tubig. Kinuha niya ang pang-kuha sa mga 'yon at yung malalaki na baby na ang kinuha niya.It
Lauren's Point of View.FEW YEARS LATER…Sinapo ko ang noo ng makita ko kung gaano kakalat ang bibig ng anak ko dahil sa chocolate ice cream na kinain niya, anim na taon na ang lumipas at mag-aanim na taon na rin si Sierah."Anak, ano ba naman—" inawat ko ang sarili at kumuha ng wipes sa bag ko na dala-dala, ngumiti siya ngunit napabuntong hininga ako dahil pati ang ngiti niya ay nakuha niya sa ama.Mahirap itago, kamukha ng ama eh.."Mommy you told me that we'll meet daddy, we already traveled far yet I didn't meet him,” nakangusong sabi ni Sierah kaya naman huminga ako ng malalim at inayos muli ang amos sa mukha niya."Dito na okay? Nasa hospital na tayo, pero lilinisin muna natin yung face mo,” mahinahon na sabi ko, excited siyang makilala ang daddy niya. It's our deal, nangako ako sa kaniya na before she gets six years old I'll make her meet his dad and It's Zai."He's a doctor mommy, he saves a lot of people everyday but why did we left him?" nakangusong tanong ng anak ko, yung m
"Yes mommy? Did daddy change his mind and can't accept me?" Umiling-iling ako kaagad sa tanong niya, she also got Zai's mausisang ugali."Why would daddy not accept you baby? You're lovely,” nakangiting sabi ko at marahan na pinisil ang pisngi niya."I'm sure he'll love you, you're adorable." Napatingin ako kay Zai sa sinabi niya kaya naman nahihiya akong nag-iwas tingin. Tumayo ako ng tuwid, I can even feel his blank stare, it's like questioning what the hell happened.The truth is I only told him that I'll abort our child for him to hate me, that's the only way he'll escape those feelings he felt. "Mommy we're here na,” Sierah told me that made me smile but then Zai followed that made me swallow the lump on my throat.As we settle, Zai sat in front of us. Eyes on Sierah, he's like studying a body part or a case for a new patient case. "Do you know my daddy, doctor?" nakangiting tanong ni Sierah that made me stare at him, talking about Zai."Maybe, I do,” he calmly answers."I have a
After that, may dinner kami mamayang gabi. Ate Mia insisted on inviting me, so I couldn’t say no. But I didn't expect to meet everyone there, Saji Argelia the woman I really hate. I can't deny that she looks like she doesn't care about me anymore but I can't admit the fact that she still intimidates me.But before that, before the party begins I explained Sierah that we'll meet his dad and it's family. Kaya naman mas natuwa siya, isinama ko na siya sa party ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko ng makita si Saji na humalik sa pisngi ni Zai tapos ay nagtatawanan sila.Really? They ended up together huh?At the table my gaze were on Kent who's peacefully eating and he looks okay now, should I still care? Matagal na rin pero hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sa kaniya. Meron pa ba?"How have you been Lauren? Ang laki na ng apo ko sa'yo. How old is she?" Nakangiting sabi ng mommy ko, she's not my biological mother but I grew up with her."She's turning six mom, next few months." I an
=ZIAN’S POINT OF VIEW= Pagkarating namin sa condo, hindi ko na inisip kung may makakakita sa akin habang buhat ko si Elvira. Mas importante siya kaysa sa kahit anong mapapansin ng iba. Binaba ko siya sa kama, pero hindi pa man ako nakakaupo nang lumayo siya sa akin. Niyakap niya ang sarili, nanginginig pa rin. “Elvira…” malalim akong huminga, pinipigilan ang sarili ko. “Sino? Sino ang kumuha sa’yo?” Hindi siya agad sumagot. Nakayuko lang siya, pilit na iniiwasan ang mga mata ko. “Elvira,” mas madiin kong tawag, pilit kong kinakalma ang boses ko. “Sinong gumawa nito sa’yo?” Nakita ko kung paano siya napalunok, kung paano siya bahagyang umatras sa kama na parang natatakot. Pero hindi siya sumagot. “Damn it, Elvira! Sabihin mo sa akin kung sino!” Sigaw ko, hindi na napigilan ang galit at takot ko. “Para mahuli ko, para masuklian ko ang ginawa nila sa’yo!” Sa halip na sumagot, napapikit siya at napailing. “Stop it,” mahina niyang sabi, halos hindi ko marinig. “Stop wh
=ZIAN’S POINT OF VIEW= “ELVIRA! ELVIRA!” Paulit-ulit kong isinisigaw ang pangalan niya, pero wala na. Naputol ang linya. Mabilis kong hinagilap ang susi ng sasakyan at halos patakbong lumabas ng condo. Wala akong pakialam kung sino ang mababangga ko. Putangina! May kumukuha sa kanya. At hindi ko alam kung saan sila pupunta. Habang nasa sasakyan, mabilis kong dinial ang isang numero sa phone. Hindi ako pwedeng maghintay lang. Hindi ako pwedeng walang gawin. “Trace a number for me. Now.” “Huh? Boss, anong number?” Binanggit ko ang number ni Elvira. Halos mabali ang daliri ko sa sobrang higpit ng hawak sa manibela. Damn it. Damn it! Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Kung anong ginawa ko sa kanya kanina, ngayon, mas matindi ang takot na nararamdaman ko. Dahil ngayon… Baka tuluyan ko na siyang mawala. =ELVIRA’S POINT OF VIEW= Ang bigat ng talukap ng mga mata ko, parang may bumabagsak na bakal sa katawan ko. Malamig ang paligid. Mabigat ang pag
=Elvira’s Point Of View= “Now, tell me everything! What is it? Why did you point your gun at me?” mariing kwestyon ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang cellphone at nasapo ang noo. “D-Does your father also borrow Clayn’s phone?” seryosong tanong ni Zian sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Oo, bakit? A-Ano ba kasi—” “This phone is used by the founder to call someone, from below…” paliwanag ni Zian kaya umawang ang labi ko. “So it’s either you, Clayn, or your dad…” Naestatwa ako sa seryoso niyang inasik, tila tumigil ang daloy ng dugo ko. “A-Ano?” nauutal na tanong ko. “H-Hindi ko maintin—” “Naiintindihan mo. Ayaw mo lang intindihin,” mariing sabi niya kaya nanghihina akong napayuko at nasapo ang mukha. ‘Kailan pa?’ “K-Kung kaya mo pa matulog sa isang bubong kasama ako, go ahead, but if you can’t stay and breathe the same air, leave.” Ang malamig niyang boses ay labis na sinaktan ang puso ko. Pinilit ko tumayo, inabot ko ang bag ko na nasa sahig. “I-I can’t,” mahinang
=Elvira’s Point Of View= A few weeks later, napapansin ko kung gaano kaabala si Zian sa projects na hawak niya. Hindi ko naman masyadong nakakamusta ang tungkol sa napag-usapan namin noon dahil busy rin ako sa trabaho. Gumaganda na rin ang kita ko kahit papaano, tumataas ang sahod at higit sa lahat dumarami na ang projects na nahahawakan ko. Mapamaliit man o malaki. Ngunit tila mas nagtaka ako nang isang araw ay tila lumayo ang loob ni Zian sa akin. Pansin ko ang mga pag-iwas niya sa hawak ko, at ang pagdikit sa akin ay tila nabawasan. Anong mali? Anong meron? Isang gabi ay maganda ang tapos ng trabaho ko kung kaya’t naisipan kong ayain sana siya matulog sa bahay namin ngunit… “Sa inyo? Okay lang ba kung sa condo ko na lang?” tanong niya. “P-Pwede naman,” mahinahon na sagot ko, pilit na dinedeadma ang tila may pagkamalamig niyang tugon. Nakakapagtaka… “Hmm, okay. Let’s go?” tanong niya kaya matipid akong ngumiti at sumama sa kanya. Humawak ako sa braso niya nang m
=Third Person’s Point Of View= Makalipas ang ilan pang mga araw ay sinimulan ni Zian ang misyon hagilapin ang nasa likod ng lahat ng mga ‘yon. “Dad, don’t you have any clue at all? I might need your help at this,” Zian said while facing his dad. “Hindi ko malaman kung anong cover ba ang gamit ng tao na ‘yon anak, but I’ll try to help you. Bakit ba tila desidido ka pala?” mahabang sabi ni Zai na ama ni Zian. Hindi kaagad nakasagot si Zian sa kanyang ama. “Elle caught me, dad…” Four words and Zian’s father was stunned, “Nahuli ka saan? Pambababae o sa—” “The second one, dad.” “Damn it,” pabulong na asik ni Zai sa kanyang anak at tila saglit na natulala sa kawalan. Hindi naman umimik si Zian, alam niyang hindi pa talaga dapat malaman ni Elle ang tungkol sa mga bagay na iyon dahil wala pang kasiguraduhan. “H-Hindi ka naman niya iniwan? Nagalit ba?” sabi ni Zai. Mariing napapikit si Zian bago sumagot, “Hindi naman ako iniwan dad, p-pero gusto niyang itigil ko ang ginagaw
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Dahil sa naging usapan namin ni Zian, sinubukan kong unawain ang mga paratang niya. Alam kong mahirap pero susubukan ko dahil mahal ko siya. Pero sana ay mapanindigan niya ang mga winika sa akin dahil kung hindi, saan aabot ang relasyon namin? Sa mga sumunod na araw, sinubukan kong gawing normal ang lahat—kahit pa alam kong may bumabagabag sa isip ko. Kahit alam kong sa bawat titig ko kay Zian, may parte sa akin ang gustong itanong muli kung tama bang manatili ako sa kanya. Pero mahal ko siya. At sinabi ko sa sarili kong susubukan kong intindihin ang mundong ginagalawan niya. “Hon, gusto mong magbakasyon?” bigla niyang tanong habang nasa loob kami ng sasakyan pauwi mula sa site. Napatingin ako sa kanya. “Ha?” Ngumiti siya habang nakatingin sa daan. “Napansin kong stress ka na masyado. Lalo na sa trabaho… at sa akin,” natatawa niyang sabi. “Kaya naisip ko, maybe it’s time to take a break.” Napataas ang kilay ko. “Ikaw mismo ang nagyayaya ng bakas
ELVIRA’S POINT OF VIEW. A day later… Napahinto ako nang pagbaba ko ng kwarto sa bahay namin ay natanaw ko si Zian na halatang hinihintay ako. ‘Handa na ba siyang makausap ako? Hindi ko na rin alam…’ “E-Elle,” mahinang tawag niya sa pangalan ko. “Mm?” tugon ko. “Let’s talk, please?” malumanay ang kanyang boses at may bahid ng pakikiusap. “Sa taas,” mahinang sabi ko at umakyat pabalik. Pagkapasok sa kwarto ko ay hinarap ko siya. Ngunit napahinto ako nang lumuhod siya sa harap ko. “Z-Zian?” “I’m not a normal person, Elle. I-I swear to God, I am not a normal person. I am different,” paliwanag niya. “Hindi ko alam kung paano sasabihin… It’s because you might find me scary,” pabulong na sabi niya. Napatitig ako sa kanya. Hindi makapaniwala. “P-Pumapatay ka t-talaga?” hindi makapaniwalang sabi ko. Napahinto siya at tila hindi alam kung saan titingin sa mga mata ko. Napatungo siya at nasapo ang noo. Hanggang sa tuluyan na akong mapahinto sa naging mabagal niyang pagtang
=Elvira’s Point Of View= Salubong ang kilay kong nakatitig sa computer expert habang magkakrus ang mga braso ko. Inaantay ang resulta ng cellphone ni Zian. “Matagal pa po ba?” naiinip kong kwestyon at hindi mapakali. Ramdam ko kasi ang kaba sa dibdib habang mas tumatagal ako dito. “30 mins pa,” sagot nito at panay ang pindot sa kanyang keyboard habang nakasaksak ang cellphone. Nang matapos ay inabot nito sa akin ang cellphone kaya naman agad kong kinalkal ‘yon ngunit natigilan ako nang makita na walang ibang mensahe na na-retrieve yung expert. Labis akong nakahinga ng maluwag not until i-back ko ang messages at makita ang usapan nila ng daddy niya. It made me curious… And nervous… Hindi ko napigilan lalo na nang magpop up ang ilan sa mga deleted messages… Halos sumikip ang dibdib ko sa nabasa. [CONVERSATION] Dad (Zai): Son, have you cleared the mission? Dad (Zai): Make sure it’s successful, so we don’t stress. Zian: What mission dad? I thought i’m all goods?
=Elvira’s Point Of View= And there’s Ms. Santos, making a scene. “She pushed me!” sabi niya habang kumpulan ang taong tumulong sa kanya. “Paano kita matutulak Ms. Santos? I’m way far from you,” sabi ko at tinaasan siya ng kilay. “You did it!” bulyaw niya kaya tinignan ako ng lahat. “Well, if you say so?” tugon ko. Later on, dumating si Zian at sinulyapan kaming dalawa. “What’s wrong here?” kwestyon niya at lumapit sa akin. “Ewan, tatanga-tanga siya ayon nadapa tapos biglang ibabato ang sisi sa akin na tinulak ko daw siya,” sagot ko at prenteng naupo sa office chair. “You really pushed me! Aminin mo na! Stop having everyone’s sympathy that you’re innocent!” sunod-sunod niyang sigaw. Napangiwi na lang ako. Siya naman talaga yung nagsisinungaling at hindi ako, isa pa siya kaya yung tinutukoy niya? Siya nga ‘tong nagbibintang eh. Siraulo talaga. “That’s enough,” awat ng iba, ngunit natigilan ako sa pahabol na sabi ng ilan sa mga mas matataas sa akin. “Engr. Monte