"Yes mommy? Did daddy change his mind and can't accept me?" Umiling-iling ako kaagad sa tanong niya, she also got Zai's mausisang ugali."Why would daddy not accept you baby? You're lovely,” nakangiting sabi ko at marahan na pinisil ang pisngi niya."I'm sure he'll love you, you're adorable." Napatingin ako kay Zai sa sinabi niya kaya naman nahihiya akong nag-iwas tingin. Tumayo ako ng tuwid, I can even feel his blank stare, it's like questioning what the hell happened.The truth is I only told him that I'll abort our child for him to hate me, that's the only way he'll escape those feelings he felt. "Mommy we're here na,” Sierah told me that made me smile but then Zai followed that made me swallow the lump on my throat.As we settle, Zai sat in front of us. Eyes on Sierah, he's like studying a body part or a case for a new patient case. "Do you know my daddy, doctor?" nakangiting tanong ni Sierah that made me stare at him, talking about Zai."Maybe, I do,” he calmly answers."I have a
After that, may dinner kami mamayang gabi. Ate Mia insisted on inviting me, so I couldn’t say no. But I didn't expect to meet everyone there, Saji Argelia the woman I really hate. I can't deny that she looks like she doesn't care about me anymore but I can't admit the fact that she still intimidates me.But before that, before the party begins I explained Sierah that we'll meet his dad and it's family. Kaya naman mas natuwa siya, isinama ko na siya sa party ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko ng makita si Saji na humalik sa pisngi ni Zai tapos ay nagtatawanan sila.Really? They ended up together huh?At the table my gaze were on Kent who's peacefully eating and he looks okay now, should I still care? Matagal na rin pero hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sa kaniya. Meron pa ba?"How have you been Lauren? Ang laki na ng apo ko sa'yo. How old is she?" Nakangiting sabi ng mommy ko, she's not my biological mother but I grew up with her."She's turning six mom, next few months." I an
Lauren's Point of View.After that night, hinayaan ko si Zai na patulugin si Sierah habang ako ay nasa sala at umiinom ng kape. Maaring maayos na sila, sana sapat na 'yon sa anak ko, sana masaya na siya sa ganitong set.12 AM came and Zai showed up in front of me. Naupo siya sa kaharap na upuan kaya naman nangunot ang noo ko at tinitigan siya. "Why?" "Don't think about running again, let her settle here." He stated, he looks tired yet the serious vibe won't come out."Yeah." Ngiwing sagot ko."She can study here with Laze and Jami." He added that made me nod."Where are you planning to sleep? It's already late." Mahinahon kong sabi at inabot ang cup ko kaya naman ng mainom ay pinanood ko siyang luminga sa buong paligid."I have my own room, babalik na lang ako bukas ng umaga." Tumango ako at hindi na siya tinignan, ng tumayo siya ay tumikhim ako at dahil doon ay tumigil siya."I'm going." He stated and didn't wait for my response, edi magalit siya. Okay lang naman, as if I'm bothered
"Sure na ba sila? Us in one room?" Ngiwing sabi ko but I heard Zai cleared his throat."I'll just sleep here," itinuro niya ang carpet sa gilid ng kama."Okay, you insisted ah." Paalala ko sa kaniya at inayos na ang bag ko, huminga ako ng malalim at tsaka ako lumabas ng kwarto. Mukhang sumunod naman siya. "Just a minute," rinig kong sabi niya dahilan para huminga ako ng malalim at bumalik sa kwarto."Sierah can't understand our situation yet, so please let's not hurt her okay?" Napatitig ako kay Zai."Kung hindi mo ipapaunawa mas mahihirapan siya dahil naniniwala siyang maayos tayo, but that didn't happened Zai. Ayokong umaasa siya sa kumpletong pamilya na sinasabi niya," wika ko at dahil doon ay tumalas ang tingin niya sa akin."Hindi naman magtatagal, ang akin lang let her birthday pass." "I don't care as long as she's fine, that's why I'm asking you to be careful." Mariing dagdag niya kaya naman umirap ako."At ano? Lokohin natin siya?" Sumbat ko."Ayoko ng ganoon, let's make it c
"You're still as silly as before, Lauren. You didn't change even a bit, yung hitsura mo lang." Tila insulto 'yon kaya inis kong inabot ang braso niya at hinarap siya sa akin."Will you stop being like that? Tigilan mo kakasabi na ganito ang ugali ko, tigilan mong ipaalala sa akin kung ano yung ginawa ko noon kasi its from the past already,” mariing sabi ko dahilan para titigan niya ako na para ba akong nagbibiro."Then start showing me that you are not worthless, because you really are worthless." Sa sumbat niya ay gusto ko siyang sampalin pero pinigilan ko ang sarili at pabatong binitiwan ang braso niya tsaka ko siya sinamaan ng tingin bago talikuran.I mean yeah? Hindi pa ba sapat na alam ko na? Kailangan bang paulit ulit niya pang sabihin 'yon at ano bang pakialam niya kung wala akong kwenta matagal ko ng tinanggap 'yon."That's making you mad huh?" Natigilan ako ng sabayan niya ako sa paglalakad."Yes, it is. So can you please stop?" Pagsasabi ko ng totoo at muli siyang hinarap."
Umawang ang labi ko at gigil siyang tinignan. "You know what hindi kita maintindihan eh, dinala mo ba ako rito para sabihan ng ganyan?" Galit kong tanong pero tumawa siya at tumango."Yes because you deserve to hear all of this, you're a piece of trash we all wish we throw—" nang hindi ko mapigilan ay nasampal ko siya at dahil doon ay nakagat ko ang ibabang labi.Natahimik siya at hinawakan ang pisngi. Humangos ako at pinanood ang reaksyon niya, he closed his eyes deeply and as he opens it tumango tango siya. "Okay." He stated, he looks like he's gonna bite but he didn't."Just be a good mother, that will do. Hahayaan kitang maging basura—""Stop calling me trash!" My hand turned into fist."You're like your mother,” sa sinabi niya ay nagitla ako, ang titig ko sa kaniya ay hindi makapaniwalang sa kaniya ko narinig ang pinaka-ayaw kong maririnig.Sa sobrang sakit ng idinulot no'n ay yumuko ako bago huminga ng malalim. "I tried not hitting a nerve, but you—" nasapo ko ang bibig ng maluh
Matapos ang araw na 'yon ay hindi na kami muling mag-usap ni Zai, ngunit madalas naming nakikita ang isa't isa. Hindi niya rin ako tinitignan, pag kasama niya kami ay tanging si Sierah lang ang kinauusap niya, tinitignan.Hindi ko naman hinihiling. We're better like this, sa tuwing nag-uusap kami walang mabuting inilalabas ang bibig namin sa isa't isa. Not until one day, sobrang sama ng tyan ko, sobrang sakit nito at hindi ko magawang tumayo sa kama."Mommy, don't die okay?" Pilit kong binuksan ang mata at pilit na nginitian ang anak kong pinupunasan ang pawis ko sa noo at sa mukha."Mommy.." Hinawakan ko ang kamay ni Sierah ng maiiyak na siya."Mommy is okay, m-may masakit lang okay? P-Parang noon, mawawala rin 'to." Pagkukumbinsi ko pa."Stay at dad's okay?" Umiling iling siya ngunit inabot ko na ang cellphone ko at pinilit kong tumayo upang umastang okay ngunit nanghihina ako sa sobrang sakit nito.Nang matawagan si Zai ay sinagot niya naman kaagad 'yon. "It's so sudden, why?" Masu
Lauren's Point of View.Matapos kumain ay inabot ko na lang ang cellphone ko para tawagan sana si Sierah ngunit may kumatok sa kwarto dahilan para mapalingon ako doon at ganoon na lang ako napangiti ng makita si Sierah na kasama si Zai."Mommy!" Masayang tawag niya kaya naman nang pilit niyang inakyat ang kama ay natawa ako, tutulungan ko na sana siya pero binuhat na siya ni Zai at inangat sa kama ko dahilan para mayakap na ako nito."I told you to stay healthy mommy," nakangusong sabi ng anak ko kaya ngumiti ako."I am healthy baby, hindi naman ako mamatay." Paninigurado ko pa."But you passed out and daddy carried you here at the hospital, don't worry me again mommy." Sobrang haba ng nguso nito kaya ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi."Mommy is okay na, okay?" "Okay mommy, I can't sleep with you tonight po. Tita Mia is taking me," nginitian ko si Sierah at inayos ang buhok niya."Then you'll be happy. Because you'll be with your cousins, you can play with Jami." Bigla ay lumiw
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Dahil sa naging usapan namin ni Zian, sinubukan kong unawain ang mga paratang niya. Alam kong mahirap pero susubukan ko dahil mahal ko siya. Pero sana ay mapanindigan niya ang mga winika sa akin dahil kung hindi, saan aabot ang relasyon namin? Sa mga sumunod na araw, sinubukan kong gawing normal ang lahat—kahit pa alam kong may bumabagabag sa isip ko. Kahit alam kong sa bawat titig ko kay Zian, may parte sa akin ang gustong itanong muli kung tama bang manatili ako sa kanya. Pero mahal ko siya. At sinabi ko sa sarili kong susubukan kong intindihin ang mundong ginagalawan niya. “Hon, gusto mong magbakasyon?” bigla niyang tanong habang nasa loob kami ng sasakyan pauwi mula sa site. Napatingin ako sa kanya. “Ha?” Ngumiti siya habang nakatingin sa daan. “Napansin kong stress ka na masyado. Lalo na sa trabaho… at sa akin,” natatawa niyang sabi. “Kaya naisip ko, maybe it’s time to take a break.” Napataas ang kilay ko. “Ikaw mismo ang nagyayaya ng bakas
ELVIRA’S POINT OF VIEW. A day later… Napahinto ako nang pagbaba ko ng kwarto sa bahay namin ay natanaw ko si Zian na halatang hinihintay ako. ‘Handa na ba siyang makausap ako? Hindi ko na rin alam…’ “E-Elle,” mahinang tawag niya sa pangalan ko. “Mm?” tugon ko. “Let’s talk, please?” malumanay ang kanyang boses at may bahid ng pakikiusap. “Sa taas,” mahinang sabi ko at umakyat pabalik. Pagkapasok sa kwarto ko ay hinarap ko siya. Ngunit napahinto ako nang lumuhod siya sa harap ko. “Z-Zian?” “I’m not a normal person, Elle. I-I swear to God, I am not a normal person. I am different,” paliwanag niya. “Hindi ko alam kung paano sasabihin… It’s because you might find me scary,” pabulong na sabi niya. Napatitig ako sa kanya. Hindi makapaniwala. “P-Pumapatay ka t-talaga?” hindi makapaniwalang sabi ko. Napahinto siya at tila hindi alam kung saan titingin sa mga mata ko. Napatungo siya at nasapo ang noo. Hanggang sa tuluyan na akong mapahinto sa naging mabagal niyang pagtang
=Elvira’s Point Of View= Salubong ang kilay kong nakatitig sa computer expert habang magkakrus ang mga braso ko. Inaantay ang resulta ng cellphone ni Zian. “Matagal pa po ba?” naiinip kong kwestyon at hindi mapakali. Ramdam ko kasi ang kaba sa dibdib habang mas tumatagal ako dito. “30 mins pa,” sagot nito at panay ang pindot sa kanyang keyboard habang nakasaksak ang cellphone. Nang matapos ay inabot nito sa akin ang cellphone kaya naman agad kong kinalkal ‘yon ngunit natigilan ako nang makita na walang ibang mensahe na na-retrieve yung expert. Labis akong nakahinga ng maluwag not until i-back ko ang messages at makita ang usapan nila ng daddy niya. It made me curious… And nervous… Hindi ko napigilan lalo na nang magpop up ang ilan sa mga deleted messages… Halos sumikip ang dibdib ko sa nabasa. [CONVERSATION] Dad (Zai): Son, have you cleared the mission? Dad (Zai): Make sure it’s successful, so we don’t stress. Zian: What mission dad? I thought i’m all goods?
=Elvira’s Point Of View= And there’s Ms. Santos, making a scene. “She pushed me!” sabi niya habang kumpulan ang taong tumulong sa kanya. “Paano kita matutulak Ms. Santos? I’m way far from you,” sabi ko at tinaasan siya ng kilay. “You did it!” bulyaw niya kaya tinignan ako ng lahat. “Well, if you say so?” tugon ko. Later on, dumating si Zian at sinulyapan kaming dalawa. “What’s wrong here?” kwestyon niya at lumapit sa akin. “Ewan, tatanga-tanga siya ayon nadapa tapos biglang ibabato ang sisi sa akin na tinulak ko daw siya,” sagot ko at prenteng naupo sa office chair. “You really pushed me! Aminin mo na! Stop having everyone’s sympathy that you’re innocent!” sunod-sunod niyang sigaw. Napangiwi na lang ako. Siya naman talaga yung nagsisinungaling at hindi ako, isa pa siya kaya yung tinutukoy niya? Siya nga ‘tong nagbibintang eh. Siraulo talaga. “That’s enough,” awat ng iba, ngunit natigilan ako sa pahabol na sabi ng ilan sa mga mas matataas sa akin. “Engr. Monte
=Elvira’s Point Of View= Wala akong nagawa kundi sumang-ayon. Ayoko nang patagalin pa ang usapan. Habang nasa elevator kami, tahimik lang akong nakatayo sa tabi niya. Nararamdaman ko ang mga tingin niya, pero ni hindi ko man lang siya nilingon. “Hon…” muli niyang bungad nang makasakay kami sa kotse. “Zian, please. Huwag mo akong kausapin,” pigil ko, idinirekta ang tingin sa bintana habang nagmamaneho siya. Ramdam kong may gusto pa siyang sabihin, pero buti na lang at pinili niyang manahimik. ** Pagdating sa bahay, agad akong bumaba ng kotse bago pa siya makapag-park nang maayos. Tumawag pa siya sa akin, pero hindi ko na siya nilingon. Diretso akong pumasok sa loob at dumiretso sa kwarto ko. Pagkasarado ko ng pinto, doon ko na lang ibinuhos ang inis ko. Sinipa ko ang gilid ng kama at mariing napasapo sa noo. “Anong gagawin ko?” bulong ko sa sarili ko habang paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang text ni Ms. Santos. Naalala ko ang malanding ngiti ng babaeng iyon noo
=Elvira’s Point Of View= Pagdating namin sa condo ni Zian, agad siyang nagbukas ng ilaw at inilapag ang dala niyang mga gamit sa lamesa. Pamilyar na sa akin ang lugar na iyon dahil ilang beses na rin akong nakapunta roon. Simple lang ang interior design ng condo—modern pero hindi masyadong sosyalin. Pero kahit ganoon, ramdam mo ang presensya ni Zian sa bawat sulok ng unit. “Gusto mo ng coffee?” tanong niya habang naglalakad patungo sa kitchen area. “Hindi na. Gusto ko na lang magpahinga,” sagot ko habang hinubad ang heels ko at naupo sa sofa. Sumilip siya mula sa kitchen, hawak ang tasa ng tubig. “Pagod ka ba? Ang aga pa ah, usually energetic ka pa sa ganitong oras.” “Tsk, ikaw kasi eh. Yung meeting kanina, nakakastress. Lalo na si Ms. Santos, parang gusto akong lamunin ng buhay,” sagot ko habang hinilot ang mga paa kong medyo sumasakit na. Lumapit siya sa akin, iniwan ang hawak na tasa sa center table, at umupo sa tabi ko. Walang sabi-sabi, kinuha niya ang isang paa ko at m
=Elvira’s Point Of View= Pagkabalik ni Zian sa office ay sinalubong ko siya. “Oh, glad you didn’t left, yet. I have something to discuss,” kalmadong sabi ni Zian at hinarap ako. “Ano?” bungad ko. Kinain kaagad ako ng kuryosidad ko sa bungad niya. May ‘glad’ eh. “I tried to have you in my project, but the CEO allowed you to take part but only for a week and 3 days. In short, we’ll be together for 10 days.” “Oh?” gulat na sabi ko. “Syempre, Garcia yata ‘to, hon?” mayabang niyang sabi kaya napangiti ako. “Did you pull some strings?” gulat na sabi ko. Nanlaki ang mata niya. “Syempre hindi! Honey naman, nakiusap kaya ako. Sabi ko pa hindi ko kaya mag-isa pero kaya naman, gusto ko lang nakikita ka palagi.” “Daming paliwanag ah?” asar ko. “You’ll sleep on my condo, tonight?” pag-iiba niya ng usapan kaya tumango ako. “Then should we break the bed?” he whispered, may halong landi ang kanyang tono. Tumaas ang kilay ko. “Am I your bed warmer Ian Zachary?” pagbibiro ko na iki
=Elvira’s Point Of View= Dalawang linggo na ang nakalipas mula nang insidenteng iyon. Alam ko naman na siguro, kahit papaano ay hindi na maulit pa ‘yon. Pupunta ako sa site na pinagtatrabahuan ni Zian. Magkahiwalay na naman kasi kami ng project na hawak. Dala-dala ko ang favorite lunch niya ay pinasok ko ang site. “Si Zian?” bungad ko. “Nasa office niya po engineer,” sagot ng isa sa mga kasamahan niya kaya pumunta ako doon. Ngunit pagbukas ko ng pinto ay napahinto ako nang makita ang isang babae na kaharap niya. Ngunit napansin ko rin ang kakaibang titig ng babae kay Zian. Siguro ay ito ang kliyente niya dahil mukhang mayaman manamit. I knocked on the slightly opened door at doon ko nakuha ang atensyon nilang dalawa. “Come in, Elle.” Nilapitan ko si Zian at inilapag ang kanyang pagkain. “Lalabas rin muna ako, may meeting ka pa naman—” “No, I actually need you here. Since the client is requesting this, can you check the blueprint?” mahinahon na sabi ni Zian at inabot s
=Elvira’s Point Of View= Next morning, nagising akong may nakahiga sa tabi ko. Sa labas ng comforter, dahan-dahan akong nagmulat at nakita ko si Zian na kakwentuhan ko kagabi. Hindi ko inaasahan na matutulugan ko siya. Matagal kong minasdan ang gwapo niyang mukha na kapag tulog ay akala mo sobrang inosente sa pagiging angelic. Napangiti ako at maingat na tumayo upang maghilamos at magbrush. Bumalik kaagad ako sa kama at minasdan siyang muli. Bahagya kong inilapit ang mukha sa kanya at dinampian siya ng mabibilis na halik sa kung saang parte ng kanyang mukha. “Mmm,” rinig ang pagmamaktol niya ay mas napangiti ako. Pinadaan ko ang hintuturo sa dimples niyang kita kahit na magkalapat ang kanyang mga labi. Napatitig ako sa nakakaakit niyang labi at inilapit ang labi ko doon. Dinampian ko ‘yon at dahil doon ay napamulat siya. “Damn, I forgot,” pabulong niya at matamis na ngumiti. Napakusot ng mata at uminat pa. “Brush lang ako hon, let’s continue the kiss after. Conscious ka