After that, may dinner kami mamayang gabi. Ate Mia insisted on inviting me, so I couldn’t say no. But I didn't expect to meet everyone there, Saji Argelia the woman I really hate. I can't deny that she looks like she doesn't care about me anymore but I can't admit the fact that she still intimidates me.But before that, before the party begins I explained Sierah that we'll meet his dad and it's family. Kaya naman mas natuwa siya, isinama ko na siya sa party ngunit ganoon na lang ang pagtataka ko ng makita si Saji na humalik sa pisngi ni Zai tapos ay nagtatawanan sila.Really? They ended up together huh?At the table my gaze were on Kent who's peacefully eating and he looks okay now, should I still care? Matagal na rin pero hindi ako sigurado sa nararamdaman ko sa kaniya. Meron pa ba?"How have you been Lauren? Ang laki na ng apo ko sa'yo. How old is she?" Nakangiting sabi ng mommy ko, she's not my biological mother but I grew up with her."She's turning six mom, next few months." I an
Lauren's Point of View.After that night, hinayaan ko si Zai na patulugin si Sierah habang ako ay nasa sala at umiinom ng kape. Maaring maayos na sila, sana sapat na 'yon sa anak ko, sana masaya na siya sa ganitong set.12 AM came and Zai showed up in front of me. Naupo siya sa kaharap na upuan kaya naman nangunot ang noo ko at tinitigan siya. "Why?" "Don't think about running again, let her settle here." He stated, he looks tired yet the serious vibe won't come out."Yeah." Ngiwing sagot ko."She can study here with Laze and Jami." He added that made me nod."Where are you planning to sleep? It's already late." Mahinahon kong sabi at inabot ang cup ko kaya naman ng mainom ay pinanood ko siyang luminga sa buong paligid."I have my own room, babalik na lang ako bukas ng umaga." Tumango ako at hindi na siya tinignan, ng tumayo siya ay tumikhim ako at dahil doon ay tumigil siya."I'm going." He stated and didn't wait for my response, edi magalit siya. Okay lang naman, as if I'm bothered
"Sure na ba sila? Us in one room?" Ngiwing sabi ko but I heard Zai cleared his throat."I'll just sleep here," itinuro niya ang carpet sa gilid ng kama."Okay, you insisted ah." Paalala ko sa kaniya at inayos na ang bag ko, huminga ako ng malalim at tsaka ako lumabas ng kwarto. Mukhang sumunod naman siya. "Just a minute," rinig kong sabi niya dahilan para huminga ako ng malalim at bumalik sa kwarto."Sierah can't understand our situation yet, so please let's not hurt her okay?" Napatitig ako kay Zai."Kung hindi mo ipapaunawa mas mahihirapan siya dahil naniniwala siyang maayos tayo, but that didn't happened Zai. Ayokong umaasa siya sa kumpletong pamilya na sinasabi niya," wika ko at dahil doon ay tumalas ang tingin niya sa akin."Hindi naman magtatagal, ang akin lang let her birthday pass." "I don't care as long as she's fine, that's why I'm asking you to be careful." Mariing dagdag niya kaya naman umirap ako."At ano? Lokohin natin siya?" Sumbat ko."Ayoko ng ganoon, let's make it c
"You're still as silly as before, Lauren. You didn't change even a bit, yung hitsura mo lang." Tila insulto 'yon kaya inis kong inabot ang braso niya at hinarap siya sa akin."Will you stop being like that? Tigilan mo kakasabi na ganito ang ugali ko, tigilan mong ipaalala sa akin kung ano yung ginawa ko noon kasi its from the past already,” mariing sabi ko dahilan para titigan niya ako na para ba akong nagbibiro."Then start showing me that you are not worthless, because you really are worthless." Sa sumbat niya ay gusto ko siyang sampalin pero pinigilan ko ang sarili at pabatong binitiwan ang braso niya tsaka ko siya sinamaan ng tingin bago talikuran.I mean yeah? Hindi pa ba sapat na alam ko na? Kailangan bang paulit ulit niya pang sabihin 'yon at ano bang pakialam niya kung wala akong kwenta matagal ko ng tinanggap 'yon."That's making you mad huh?" Natigilan ako ng sabayan niya ako sa paglalakad."Yes, it is. So can you please stop?" Pagsasabi ko ng totoo at muli siyang hinarap."
Umawang ang labi ko at gigil siyang tinignan. "You know what hindi kita maintindihan eh, dinala mo ba ako rito para sabihan ng ganyan?" Galit kong tanong pero tumawa siya at tumango."Yes because you deserve to hear all of this, you're a piece of trash we all wish we throw—" nang hindi ko mapigilan ay nasampal ko siya at dahil doon ay nakagat ko ang ibabang labi.Natahimik siya at hinawakan ang pisngi. Humangos ako at pinanood ang reaksyon niya, he closed his eyes deeply and as he opens it tumango tango siya. "Okay." He stated, he looks like he's gonna bite but he didn't."Just be a good mother, that will do. Hahayaan kitang maging basura—""Stop calling me trash!" My hand turned into fist."You're like your mother,” sa sinabi niya ay nagitla ako, ang titig ko sa kaniya ay hindi makapaniwalang sa kaniya ko narinig ang pinaka-ayaw kong maririnig.Sa sobrang sakit ng idinulot no'n ay yumuko ako bago huminga ng malalim. "I tried not hitting a nerve, but you—" nasapo ko ang bibig ng maluh
Matapos ang araw na 'yon ay hindi na kami muling mag-usap ni Zai, ngunit madalas naming nakikita ang isa't isa. Hindi niya rin ako tinitignan, pag kasama niya kami ay tanging si Sierah lang ang kinauusap niya, tinitignan.Hindi ko naman hinihiling. We're better like this, sa tuwing nag-uusap kami walang mabuting inilalabas ang bibig namin sa isa't isa. Not until one day, sobrang sama ng tyan ko, sobrang sakit nito at hindi ko magawang tumayo sa kama."Mommy, don't die okay?" Pilit kong binuksan ang mata at pilit na nginitian ang anak kong pinupunasan ang pawis ko sa noo at sa mukha."Mommy.." Hinawakan ko ang kamay ni Sierah ng maiiyak na siya."Mommy is okay, m-may masakit lang okay? P-Parang noon, mawawala rin 'to." Pagkukumbinsi ko pa."Stay at dad's okay?" Umiling iling siya ngunit inabot ko na ang cellphone ko at pinilit kong tumayo upang umastang okay ngunit nanghihina ako sa sobrang sakit nito.Nang matawagan si Zai ay sinagot niya naman kaagad 'yon. "It's so sudden, why?" Masu
Lauren's Point of View.Matapos kumain ay inabot ko na lang ang cellphone ko para tawagan sana si Sierah ngunit may kumatok sa kwarto dahilan para mapalingon ako doon at ganoon na lang ako napangiti ng makita si Sierah na kasama si Zai."Mommy!" Masayang tawag niya kaya naman nang pilit niyang inakyat ang kama ay natawa ako, tutulungan ko na sana siya pero binuhat na siya ni Zai at inangat sa kama ko dahilan para mayakap na ako nito."I told you to stay healthy mommy," nakangusong sabi ng anak ko kaya ngumiti ako."I am healthy baby, hindi naman ako mamatay." Paninigurado ko pa."But you passed out and daddy carried you here at the hospital, don't worry me again mommy." Sobrang haba ng nguso nito kaya ngumiti ako at hinalikan siya sa pisngi."Mommy is okay na, okay?" "Okay mommy, I can't sleep with you tonight po. Tita Mia is taking me," nginitian ko si Sierah at inayos ang buhok niya."Then you'll be happy. Because you'll be with your cousins, you can play with Jami." Bigla ay lumiw
Makalipas ang isang araw ay maayos na ang nararamdaman ko kung kaya't ginusto ko ng umuwi na pinaunlakan naman ni Zai dahil siya nga ang doctor ko kailangan muna ng approval ng doctor kung makakalabas na ba ako. Siya rin ang tumulong sa akin na makauwi sa hotel room na tinutuluyan namin ni Sierah, kasama ko na rin si Sierah kaya naman masaya na siya ulit. Habang nasa sofa ako nakaupo ay nagpaalam si Zai sa bata at ako ay hindi man lang niya ginawang sulyapan kaya pasimple akong umirap. "Mommy, uuwi daw muna si daddy sa hotel room niya." Nakangiting sabi sa akin ni Sierah kaya tumango ako ng bahagya. "Mommy, why daddy won't live with us?" Sa tanong niya ay dahan dahan kong naibaba ang librong binabasa ko. Tinitigan ko si Sierah bago siya nginitian. "Soon siguro baby, pag pwede na." Pagsisinungaling ko dahil hindi ko batid ang isasagot sa kaniya mg hindi siya nasasaktan. Makalipas ang isang oras ay nakangusong lumapit sa akin ang anak ko kaya naman inayos ko ang buhok niyang n
=Elvira’s Point Of View=Pinilit ko na lang ngumiti. Kung lahat ng galaw niya para sa akin ay kaduda duda, paano na lang ang katahimikan na mayroon kami?Makalipas ang isang buwan ay maayos naman kami ni Zian. Tahimik bukod sa pamilya kong maingay. Pinuntahan na lang ako ni Clayn sa condominium ni Zian dahil alam niyang naririndi na ako kay mama. “Clayn, have some snacks. I’ll just go in my room para makapag-usap kayo.” Pagkukusa ni Zian at inilapag ang snacks sa center table.“Thanks kuya,” pasalamat ni Clayn at sinulyapan ang masarap na pagkain.Ngumiti lang si Zian at pumasok na. Later on… “Grabe ate, snacks lang ‘tong bilog na ham? Pampasko lang natin ‘tong hamonado ah?” bulong ni Clayn kaya mahina akong natawa.“How’s your enrollment going?” bungad ko.“I took the exam already ate, and I passed. Kailangan na lang po bayaran yung tuition fee bukas. Tinanong ko si mama wala daw siyang pera,” ngiwi ni Clayn.“Oh saan napunta yung 50k na binigay ko sa kanya?”“Ayon pinautang kay tit
=Elvira’s Point Of View= Pagkatapos ng ilang araw na tila normal lang ang lahat, isang gabi, napansin kong tahimik si Zian. Nasa condo niya kami, at habang nagluluto siya ng late dinner, parang nasa ibang mundo ang isip niya. Hindi niya ako masyadong kinakausap tulad ng dati. “Hey,” tawag ko habang naupo sa counter malapit sa kusina. “May problema ba? Parang tahimik ka ngayon.” Napalingon siya sa akin, pero hindi niya ako sinagot agad. Tinapos niya muna ang ginagawa niya bago siya humarap. Nakasalalay ang dalawang kamay niya sa gilid ng counter, malalim ang titig niya sa akin. “Elle, can I ask you something? And I want you to be honest.” Bigla akong kinabahan. “Ano ’yon?” tanong ko, pinipilit na panatilihing kalmado ang boses ko. “Do you really trust me?” diretsong tanong niya. Natigilan ako. Hindi ko alam kung paano ko sasagutin. Sa lahat ng ginawa niya para sa akin, sa lahat ng pinakita niyang suporta, nararapat lang na sagutin ko ng “oo.” Pero hindi ko kayang magsinung
=Elvira’s Point Of View=Kinabukasan, pagpasok ko sa site, pinilit kong burahin ang mga naiisip ko tungkol sa mga nangyari kahapon. Hindi ako pwedeng magmukhang mahina sa harap ng mga katrabaho ko. Pero kahit anong gawin ko, bumabalik-balik sa isip ko ang mukha ni Zian habang sinasabi niya ang mga salitang, “You’re not a burden. You’re my girlfriend, and I want to be here for you.”Parang ang hirap paniwalaan. Ang hirap tanggapin na may taong kayang tumanggap sa akin nang ganito. Lahat kasi ng tao sa paligid ko, tila inaasahan lang na ako ang mag-aalaga, ako ang magbibigay, ako ang magpapasan ng problema. Kaya’t nang may lumapit sa akin na ganito ka-intense ang pagmamahal at pag-aalaga, ang una kong reaksyon ay tanggihan ito. Pero… bakit ganon? Habang iniisip ko ‘yon, mas lalo kong nararamdaman na baka totoo ang sinasabi niya.Habang abala ako sa pagtutok sa plano ng site, napansin kong may papalapit sa likuran ko. Nang lingunin ko, si Zian pala. Nakatitig siya sa akin, seryoso ang ek
=Elvira’s Point of View=Pag-upo ko sa sasakyan, tahimik lang akong nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko na kayang magsalita, hindi dahil sa wala akong sasabihin, pero dahil pakiramdam ko’y hindi ko naman kayang makipagtalo pa kay Zian. Ang lalim ng buntong-hininga ko habang pinipilit kong pigilan ang natitira kong luha. Ayoko nang makita niya akong ganito—durog, napapagod, at parang walang kwenta.“Elle…” Napukaw ako sa boses niya. Napalingon ako at nakita ko siyang nakatingin sa akin habang hawak ang manibela. “Don’t overthink this, okay? I can handle it. Please don’t push yourself too hard.”Pinilit kong ngumiti, pero alam kong halatang pilit. “I’m fine,” sabi ko, kahit hindi totoo.Umiling siya at bumuntong-hininga. Hindi na niya ako pinilit magsalita pa. Tahimik lang kaming dalawa sa biyahe, pero ramdam ko ang bigat ng hangin sa pagitan namin. Gusto ko siyang kausapin, pero parang walang salitang tama. Hindi ko rin alam kung saan magsisimula.Pagdating namin sa bahay, hindi k
=Elvira’s Point Of View= “Thank you sa paghatid!” masayang sabi ko kay Zian at mabilis na inabot ang kanyang pisngi upang bigyan ng mabilis na hàlik. Ngumiti siya at bago pa man ako makababa ay napahinto ako nang may i-abot siyang white envelope. “Allowance ng honey ko, have fun!” Napalunok ako at dahil sa sinabi niya ay hindi ko nagawang umiling at ibalik iyon. “It’s on the contract honey,” paalala niya ng mapansin na nawala ang ngiti ko. Pinilit ko ang sarili. “Thank you…” Dahil doon ay pumasok na ako. Ngunit ang bungad sa akin ni mama ay hindi maganda. “Pautangin mo na lang daw ang tita mo, babayaran niya sa katapusan. Kinse mil, tuition naman iyon ng pamangkin mo—” “Ma naman…” “Para kinse mil lang!” galit na angil ni mama kaya nasapo ko ang noo. “Sige ma, ibibigay ko pero paano naman ang gamot niyo at check up? Ma— 50 thousand agad nagagastos natin—” “Huwag mo na problemahin. Binigay na ni Zian ‘yon sa bangko,” mahinang aniya ni mama na ikinahinto ko. “Ma hind
=Ian Zachary’s Point Of View=Napansin ko ang kakaibang asta ni Elvira. Para siyang may problema. Maayos naman ang relasyon naming dalawa. At sa ngayon alam kong sa kanya lang umiikot ang mundo ko. Maybe my love for her was subtle— or maybe I was attracted for a short of time.Ang kinaibahan niya sa ibang mga babae… Hindi ko maipaliwanag. Nawala ang interes ko sa ibang babae mula nang gabing may maganap sa amin.“Honey—”“Ay!” gulat niyang sigaw.“OA…” natatawang sabi ko at niyakap siya.“Are you going home tomorrow? Can’t you stay?” malambing na sabi ko at dinampian ng halik ang kanyang balikat na nakalantad dahil sa manipis na sando niyang suot.Pinilit niya akong lingunin. “Kailangan ako sa bahay hon, maybe next time?” pabulong niyang sabi.“Hmm?”“How about you sleep in my room tonight honey?” malanding bulong ko sa kanyang tainga bago dinampian ng halik iyon.Naramdaman kong nakiliti siya dahil bahagyang pumilig ang kanyang ulo. “Ayan ka na naman sa kalandian mo. Pigil-pigilan m
=Elvira’s Point Of View= “Uhm Zian, babalik na rin ako sa project ko..” mahinahon na paalam ko sa kanya, tumikhin siya matapos uminom ng tubig. “Let me drop you off, in return honey,” he sweetly said before putting down his tumbler. “Hindi na, ako na lang. Malapit lang naman—” “Exactly, malapit lang. Let me drop you off,” sabi niya at sinigurado ako ng matamis na ngiti. Wala na akong nagawa kundi hayaan siyang ihatid ako. Nang sandaling magkasama kami ay hindi ko naisip ang babae na si Stephanie. Ngunit nang makaalis na siya ay napalunok ako nang makaramdam ng bahagyang pagkabalisa. ‘Wala naman siguro ‘yon, I have to trust him more…’ Itinuon ko ang atensyon sa trabaho. Hanggang sa matapos iyon ay lumabas na ako. Pagkalabas sa site ng project ko ay natanaw ko kaagad ang sasakyan ni Zian. Napansin kong naka-iglip siya sa kanyang sasakyan. Kanina pa siguro siya? Nakangiti akong lumapit at kinalabit siya. Naalimpungatan siya kaya napangiti ako lalo. “Kanina ka pa?” “H
=Elvira’s Point Of View=After a few months… Excited akong gumayak para lang puntahan si Zian sa new project niya sa work. Napaghiwalay kasi kami ng projects.Dala ko ang lunch box niya ay bumyahe ako papunta sa kanya. Maayos naman kaming dalawa ni Zian mula nang maging kaming dalawa, officially.Pagkarating sa site ay nakangiti akong pumasok. “Engr. Monteverde!” bati ng isang lalaki na kaklase namin. Ngumiti ako dito at tinanguan siya.“Where’s Zian?” I asked.“Ah nasa loob yata ng office sa site, check mo na lang!” masayang sabi niya kaya ngumiti ako.Pagkapunta sa site sa office ay napahinto ako nang pagkasilip ko ay kasabay ng pagbuga ng malamig na hangin ng aircon ang panlalamig ng palad kong nakahawak sa door knob.May kausap siyang babae at parehas silang tumatawa. Napalunok ako…‘S-Sino ‘yon?’Tila dinamba ang puso ko at maingat na naisarado ang pinto. Kumatok ako at nagpanggap na walang nakita.Ngumiti ako. “I brought you some lunch,” nakangiting aniya ko at lumapit.“Oh, tha
Bawat araw na magkasama kami, tila hindi niya sinayang ang pagkakataon na patunayan ang sarili niya. Hindi ko alam kung iniisip niya talaga ang mga kilos niya o natural lang talaga ito sa kanya, pero unti-unti akong nahuhulog sa mga bagay na ginagawa niya. Halimbawa, isang araw habang abala ako sa trabaho sa opisina, bigla siyang dumating na may dalang kape at paborito kong pastry.“Delivery for Miss Elvira,” malandi niyang sabi habang inilalapag ang mga iyon sa desk ko. Halos lahat ng katrabaho ko ay napalingon sa amin, lalo na’t si Zian ang kilalang playboy sa opisina.“Zian, ano na naman ’to?” bulong ko, pero ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.“Wala lang, naisip ko lang na baka pagod ka at gusto mo ng pahinga. And, of course, gusto ko lang makita kung namimiss mo na ako,” nakangisi niyang sagot.Napailing na lang ako at binulungan siya. “Pwede ba? Umalis ka na at baka kung ano pa ang isipin ng mga tao dito.”Ngunit bago pa siya tumalikod, yumuko siya at bumulong sa akin, “Don’t w