Hmm? ‘Yon lang ba talaga?
=Elvira’s Point Of View= Pinilit ko na lang ngumiti. Kung lahat ng galaw niya para sa akin ay kaduda duda, paano na lang ang katahimikan na mayroon kami? Makalipas ang isang buwan ay maayos naman kami ni Zian. Tahimik bukod sa pamilya kong maingay. Pinuntahan na lang ako ni Clayn sa condominium ni Zian dahil alam niyang naririndi na ako kay mama. “Clayn, have some snacks. I’ll just go in my room para makapag-usap kayo.” Pagkukusa ni Zian at inilapag ang snacks sa center table. “Thanks kuya,” pasalamat ni Clayn at sinulyapan ang masarap na pagkain. Ngumiti lang si Zian at pumasok na. Later on… “Grabe ate, snacks lang ‘tong bilog na ham? Pampasko lang natin ‘tong hamonado ah?” bulong ni Clayn kaya mahina akong natawa. “How’s your enrollment going?” bungad ko. “I took the exam already ate, and I passed. Kailangan na lang po bayaran yung tuition f*e bukas. Tinanong ko si mama wala daw siyang pera,” ngiwi ni Clayn. “Oh saan napunta yung 50k na binigay ko sa kanya?” “Ayon pinautang
=Elvira’s Point Of View=Later on, Clayn called me. “Ano ‘yon?”“Ate, nakuha po ako sa scholarship. Hindi ko na po kailangan mag-tuition fee,” sabi niya at batid kong nakangiti siya.Ngunit nagtataka ako na may scholarship kaagad para sa kanya?“Talaga, Clayn? Ang bilis naman ng proseso?” tanong ko, pilit na ngumingiti sa telepono kahit may bumabagabag sa isip ko. Scholarship? Hindi ba’t kailan lang kami nag-usap ni Tita tungkol sa tuition fee? Paano biglang nagkaroon ng ganito? At sa dinami-rami ng pagkakataon, ngayon pa?“Opo, Ate! Biglang may dumating na tawag kahapon, at sinabi nilang isa raw ako sa mga napili sa special program nila. Parang hindi ko po alam kung paano nila ako nalaman, pero ang bait po nila, Ate! Parang milagro,” masayang kwento ni Clayn sa kabilang linya.Milagro? Napakunot ang noo ko. Hindi ako naniniwala sa ganoon kadaling himala, lalo na’t kabisado ko ang sistema ng mga scholarships sa eskwelahan niya. Matagal ang proseso, maraming papeles, at siguradong hind
=Elvira’s Point Of View= Few weeks went by and I’m busy with my own project. Masaya naman dahil matatapos na next month ang project na ito. Habang abala ako sa site ay biglang may umakbay sa akin, iiwas ko na sana ang sarili ngunit biglang naamoy ko ang pamilyar na pabango. “Zian?” Nilingon ko ito, ngunit maganda na ang ngiti niya sa akin. May suot rin siyang hard hat para safe kami sa kung ano mang malaglag sa itaas. “Yes honey?” “Ang aga mo yata nandito?” gulat ma kwestyon ko. “Hmm, let’s just say that I finished earlier than my out. How’s work?” malambing niyang sabi. “Boss Zian! Dito ka pala?!” Tumakbo papalapit ang kasamahan ko na engineer na lalake. “Yes, I visited my woman. Ikaw? How’s work?” tanong ni Zian sa kasamahan. “Okay naman boss, mabait rin si Engr. Monteverde, strict lang. Meticulous.” Natawa ako sa sumbong na sabi ng kasama ko. “Hindi naman. The building just need to be safe,” ngisi ko. Ngumiti si Zian at tumitig sa akin na parang siya lang ang t
Nang gabing iyon, pagkatapos ng dinner, nagpasya kaming maglakad-lakad sa paligid ng condo. Mahangin, at ang ilaw ng mga streetlights ay nagbibigay ng romantikong ambiance. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero habang magkasama kami, tila ang mundo ay umiikot lamang sa aming dalawa. Walang ingay, walang distractions—kaming dalawa lang. Habang naglalakad kami, ang mga kamay namin ay nagsanib, at sa bawat hakbang na ginagawa namin, mas nararamdaman ko ang tibok ng puso ko. Hindi ko na kayang magpigil, Zian, naisip ko. Lahat ng iniwasan ko sa simula, dahan-dahan nang natutunan kong tanggapin. “Ano bang iniisip mo?” tanong niya sa akin, ang tinig niya ay malalim at may halong pang-aakit. “Wala…” sagot ko, ngunit hindi ko napigilang magtama ang aming mga mata. Ang titig niya ay puno ng intensity. “Bakit, may nais ka bang sabihin?” Sumulyap siya sa akin, at napansin ko na may lihim na kasiyahan sa kanyang mga mata. “Actually, I was thinking about how lucky I am to have you. You mak
=Elvira’s Point Of View= Napahinto ako. Alam ko na may mga tanong na siya, at hindi ko kayang sagutin ang mga iyon—hindi pa. Kung sasabihin ko ang totoo, kung isusumpa ko ang mga salitang iyon ng tiwala, baka mawala ako sa kanyang mata. Baka mawalan kami ng lahat, kaya’t ipinagpapaliban ko muna. “Hindi ko alam, Zian…” sagot ko, ang mga mata ko ay malabo, at pilit kong pinipigilan ang mga luha na pilit kumawala. “Basta, takot lang ako…” “Takot sa anong?” tanong niya, ang tinig niya’y puno ng pag-aalala. Tumalikod ako, tumingin sa malayo at pinilit itago ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko na kayang magpaliwanag pa. Kung alam lang niya kung gaano ako kadeep, kung gaano ko siya kamahal at ganoon ko siya iniwasan—lahat ng ito ay masakit para sa akin. Kumapit siya sa braso ko at marahang hinila ako para harapin siya. “Elle, I know it’s hard for you. But if you need time to trust me, I’ll give it to you. But I won’t stop showing you how much you mean to me.” Tahimik akong tuma
=Elvira’s Point Of View= Nang makabalik sa condo ay buong araw ko siyang hinintay at nag-aalala ako. Paano kung babae niya ang tumawag at pinuntahan siya? Ngunit dumaan ang gabi ay hindi pa siya nakakauwi. Bumuntong hininga ako. Maya-maya ay naalimpungatan ako nang masinagan ng araw ang mukha ko. Inilibot ko ang paningin ngunit walang bakas ni Zian. ‘S-Saan siya pumunta at inabot siya ng ganoong oras?’ Habang iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng condo, isang bigat ang dumapo sa dibdib ko. Ang malamig na hangin mula sa bintana ay tila nanunuot sa bawat hibla ng pagkatao ko, nagpapalala sa takot at pangamba. Hindi mapigilan ng isipan ko ang maglaro ng mga posibleng senaryo. Saan siya nagpunta? Kanino siya pumunta? At bakit hindi man lang siya nagparamdam buong gabi? Tumayo ako mula sa sofa at lumapit sa lamesa kung saan nakapatong ang telepono ko. Walang missed call o kahit isang mensahe mula kay Zian. Ni anino ng kanyang presensya ay wala. Napatingin ako sa pintuan ng
=Elvira’s Point Of View=Habang nakatayo ako sa sala, hindi ko mapigilan ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko. Ang tunog ng boses ni Zian sa kwarto ay parang dagundong ng kulog na lumalamon sa katahimikan ng condo. Mahina lang siya kung magsalita, pero malinaw na seryoso ang tono niya. Lumapit ako nang marahan, pilit pinapakalma ang kabog ng puso ko.Nakasara ang pinto ng kwarto, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tumigil ako sa harap nito, nakikinig. Hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng iba, lalo na’t ayaw kong magmukhang walang tiwala, pero hindi ko rin maialis ang pakiramdam na may dapat akong malaman.“…Yes, I’ll take care of it. No need to involve anyone else,” narinig kong sabi niya.Sino ang kausap niya? At ano ang sinasabi niyang “it”? Parang bigla akong kinain ng sarili kong mga duda. Pilit kong iniisip na baka trabaho lang ito—na baka wala naman talagang dapat ikabahala. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?Humakbang ako palayo, pilit nilalabanan ang pag-usyoso. Pe
=Elvira’s Point Of View= ‘I have to trust Zian. I-I need to trust him…’ Pumikit ako ng mariin at isinantabi ang cellphone ko. I have to trust him… Or else this love will fail. Iniangat ko ang tuhod sa sofa at humalukipkip sa tuhod ko. Labis man ang kaba at pangamba sa buong katawan ko at pinili kong habaan ang pasensya. At para hindi na ako mag-isip pa, inantay kong makauwi si Zian. Hapon na siya nakabalik at tila problemado siya. “Kumain ka na ba ng tanghalian?” kwestyon ko. “Yes hon…” tila pagod niyang sabi. “Ano ‘yan?” turo ko sa envelope na hawak niya. “Ah, investor honey. Why hon?” nagtatakang sabi niya. “Since wala ka naman palagi dito sa condo, okay lang ba kung sa bahay na muna ako?” baka sakali ko. “Huh?” gulat niyang ani, napaupo siya ng maayos at seryoso akong binalingan ng atensyon. “Biglaan yata hon?” “Ah halos matagal na rin akong hindi umuuwi…” pagrarason ko. Natahimik si Zian. Pinagmasdan niya ako nang mabuti, na para bang sinusuri niya kung to
=Elvira’s Point Of View= Pinanood ko ang likuran ni Zian habang nasa tenga ko ang telepono, naghihintay ng kasunod na kataga na bibitiwan nito. “I asked you… Nicely, before…” marahan na sabi ng boses sa kabilang linya nababahiran ng pagkadismaya ang tono, “Leave my son alone…” Gumunaw ang mundo ko sa nakikiusap na tono sa kabilang linya. It was his dad, Zian’s dad. No other than Zai Garcia. Huminga ako ng malalim at mabilis na hinabol si Zian, bago pa man siya makalapit ay nahuli ko ang kanyang pulsuhan. Napahinto siya at lumingon ng may pagtataka. “H-Huwag na… I’ll handle this, Engr. Garcia. Thank you,” mahinahon kong sabi na ikinakunot ng kanyang noo. Tinitigan ako ni Zian, para bang sinusubukan niyang basahin ang dahilan sa likod ng bigla kong pagbabago ng isip. “Elle?” mahinang tawag niya, bahagyang kunot ang noo. Pinilit kong ngumiti ng tipid, kahit na ang bigat sa dibdib ko ay tila sasabog anumang oras. “Huwag na lang, Zian. Ako na ang bahala,” marahan
=Elvira’s Point Of View= A few days after that ruckus, I don’t have a choice but to wait for the confirmation of my lawyer. It was stressing me out, to the point that I couldn’t even sleep. While I was on standby on the site, Zian went into the small container office and gave me glances. “Didn’t know you’re still here,” he said before grabbing a bottle of water from the small fridge. Nang titigan ko siya ay tumaas ang kilay niya ng mapansin ang kabuohan ng mukha ko. “Did you even sleep? What the fuck. Didn’t know my fellow engineer was a panda.” Inirapan ko siya agad. Should I ask for his help? No… I can’t do that… “So—” “Don’t talk,” mariing sabi ko. “Well, Leon’s outside and looking for you. I said you weren’t here since I don’t know that you are here…” Tumaas ang kilay ko sa sinabi ni Zian. ‘Well, I’m glad he didn’t say I am here. I’m avoiding any contact with Leon. He’s a little obsessed and abusive.’ “Alright…” “Are you not going to go outside and cal
=Elvira’s Point Of View= Ngunit bago pa man makasagot muli ay napahinto ako sa pagtunog ng cellphone ko and it was Caleb. “Oh, the fiance’s calling. Are you not gonna answer him?” he asked, there was a hint of sarcasm on his voice and he watched me stare at my phone. Huminga ako ng malalim at sinagot ang tawag. “Caleb—” “I have a bad news,” sobrang hina ng boses ni Caleb sa kabilang linya. Nakakapagtaka naman dahil ano pa ba ang bad news na darating sa buhay ko? “What is it?” Narinig ko ang matunog na paghinga ni Caleb sa kabilang linya. “He’s here. I think he followed you back to the Philippines, Elle. He is here…” Labis na nangunot ang noo ko. He’s here? Sino? “Sino—” I was cut off when I heard a familiar voice on the other line. “Are you calling Elle? Tell her not to diss me. I’ll wait for her, here…” At ang tinig na ‘yon ay nagbigay kaba sa aking puso. ‘No way!’ “A-Ano— b-bakit siya nandito?” naguguluhang tanong ko, shit… “Just come here and take him out bef
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Tangina niya. Hindi ko na mabilang kung ilang beses ko siyang sinulyapan habang kausap niya yung Angela na ’yon. Mula sa ngisi niya, sa paglapit niya, sa paraan ng pagkakadantay ng kamay niya sa likod ng babae—lahat ng ’yon ay sinasadya. And he’s doing a damn good job pissing me off. Tinungga ko na lang yung laman ng baso ko. Mapakla. Masakit sa lalamunan. Pero mas okay na ‘to kesa makita pa siyang nakangiti ng gano’n sa ibang babae. Gago talaga ’yon. “Hey,” mahinang bati ni Caleb, sabay abot ng isang basong tubig. “You okay?” Hindi ko siya sinagot. Imbes ay pinanood ko si Zian habang tumatawa pa sa joke nung Angela. Halos mapamura na lang ako ulit. “Ano, umuusbong na naman feelings mo?” “Shut up,” iritadong bulong ko. “Eh mukha kang gusto mo nang lapitan at bunutan ng pilikmata si ate girl eh.” Napairap ako sabay harap kay Caleb. “Gago ka ba? Bakit ako magseselos? Hindi na kami, ‘di ba?” “Oo nga. Pero hindi naman ibig sabihin non, di
=Elvira’s Point of View= Babe. Nabingi ako sa narinig ko. At hindi ko alam kung dahil ba sa shock o dahil sa sakit na sumaksak sa dibdib ko. Pero tangina—sino ba ako para masaktan? Wala na kami. Matagal na. At sinabi ko na sa sarili ko na hindi ko siya hahayaang makita ang kahinaan ko ulit. So bakit ganito? Bakit parang may humigpit sa lalamunan ko? Tahimik akong pumikit ng ilang segundo, pilit nilulunok ang kung anumang bumara sa dibdib ko. Nang idilat ko ang mga mata ko, naroon pa rin siya—nakatayo, hawak ang telepono sa tenga niya, pero sa akin nakatingin. At putangina. Hindi ko alam kung imahinasyon ko lang, pero parang may kung anong kasiyahang dumaan sa mga mata niya nang makita ang reaksyon ko. Gago ka talaga, Ian Zachary Garcia. Kailangan kong makaalis. Kailangan kong lumabas bago pa niya makita ang epekto ng ginagawa niya sa akin. Pero bago ko pa magawa, naglakad siya papalapit—sobrang lapit, hanggang sa halos isang dangkal na lang
=Elvira’s Point of View= Hanggang ngayon, pakiramdam ko nasa loob pa rin ako ng conference room na ‘yon—kahit nasa sasakyan na ako, kahit si Caleb ay nagsasalita sa tabi ko, kahit patuloy na umaandar ang mundo sa labas. Dahil sa isang hawak lang. Isang titig lang. Tangina. Muling bumalik sa isip ko kung paano niya ako hinawakan—hindi mahigpit, pero sapat para pigilan ako. Hindi marahas, pero hindi rin malambing. Parang hindi niya alam kung dapat ba niya akong hayaang umalis o dapat ba niyang sabihin ang isang bagay na hindi ko maintindihan. Pinikit ko ang mga mata ko saglit at mariing napabuntong-hininga. “El, okay ka lang?” tanong ni Caleb, bahagyang binagalan ang pagmamaneho niya. Nagmulat ako ng mata at pilit ngumiti. “Yeah. Just tired.” Sinamaan niya ako ng tingin. “Tired or stressed?” Ngumuso ako. “Both.” “Because of your ex?” asar niyang tanong. Napairap ako. “Caleb, please.” “Nagtatanong lang naman, baka kasi—” “I’m fine,” madiin kong putol sa sasabih
=Elvira’s Point of View= Napapitlag ang daliri ko sa ibabaw ng keyboard. Hindi ko alam kung dapat ko bang buksan ang email o balewalain na lang. Pero kahit anong pilit kong huwag bigyang pansin, tila may sariling isip ang kamay ko at agad na tinap ang notification. From: Engr. Ian Zachary Garcia Subject: Design Revision Meeting - Urgent Elvira, We need to discuss the design revisions for the structural framework of the arena. The client has requested modifications that will affect the load distribution. The meeting is scheduled for tomorrow at 10 AM in the main conference room. Be there. • Garcia Wala man lang Regards o kahit anong pormalidad. Diretso. Walang emosyon. Walang bahid ng kung anong familiarity. Para bang… hindi niya ako dating kilala. Napalunok ako. Gusto kong matawa sa sarili ko. Ano ba kasing ini-expect ko? Na pagkatapos ng dalawang taon, magiging casual lang kami? Na babati siya ng Hey Elle, long time no see! at tatawanan namin ang lahat ng nakaraa
=Elvira’s Point of View= Nag-freeze ako. Sa pagitan ng sobrang tahimik na silid at ng dagundong ng pintig ng puso ko, hindi ko agad nagawang gumalaw. Nakatayo lang ako roon, hawak ang documents, habang nararamdaman ko ang malamig na presensyang nanggagaling kay Zian sa isang banda—at ang mainit na boses na pumuno sa silid mula sa likuran ko. Dahan-dahan akong huminga bago ko tuluyang nilingon ang nagsalita. At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa Pilipinas, nakita ko ulit si Caleb. Matangkad, nakasuot ng light gray button-down shirt, at relaxed ang postura. Pero ang unang sumalubong sa akin ay ang mga matang puno ng lambing, tila ba masayang-masaya siyang makita ako. “Elle.” Muling tawag niya, mas malambing ngayong mas malapit na siya. Saka niya inilagay ang kamay niya sa baywang ko, marahan akong inilapit sa kanya. “Kanina pa kita hinahanap. Bakit hindi ka nag-update?” Alam kong dapat akong sumagot. Pero hindi ko magawa. Hindi dahil sa tanong niy
=Elvira’s Point of View= You won’t lose, Elle. Pinanindigan ko ‘yon. For the rest of the inspection, I kept my composure. Wala akong pakialam kahit na naramdaman kong nasa peripheral vision ko si Ian Zachary Garcia, kahit na bawat utos niya sa site workers ay para bang may halong pwersang sinasadya niyang iparamdam sa akin. He didn’t talk to me again. And I sure as hell didn’t talk to him either. Pero sa bawat hakbang namin sa site, sa bawat pagkakataong napapalapit kami sa isa’t isa, ramdam ko ang presensya niya—sobrang dilim at lamig na parang sinusubukan niya akong lamunin. Tangina, gusto niya akong gibain? Hindi ako patitinag. Sa dulo ng walkthrough, tumigil kami sa isang elevated section ng site kung saan tanaw ang buong proyekto. Kasama namin ang clients at project director, nagdidiscuss ng final remarks. Ako naman, tahimik na nakatingin sa site, pilit na ine-enjoy ang tanawin para mawala ang bigat sa dibdib ko. But then, I felt it. A presence too close.