=Elvira’s Point Of View= Few weeks went by and I’m busy with my own project. Masaya naman dahil matatapos na next month ang project na ito. Habang abala ako sa site ay biglang may umakbay sa akin, iiwas ko na sana ang sarili ngunit biglang naamoy ko ang pamilyar na pabango. “Zian?” Nilingon ko ito, ngunit maganda na ang ngiti niya sa akin. May suot rin siyang hard hat para safe kami sa kung ano mang malaglag sa itaas. “Yes honey?” “Ang aga mo yata nandito?” gulat ma kwestyon ko. “Hmm, let’s just say that I finished earlier than my out. How’s work?” malambing niyang sabi. “Boss Zian! Dito ka pala?!” Tumakbo papalapit ang kasamahan ko na engineer na lalake. “Yes, I visited my woman. Ikaw? How’s work?” tanong ni Zian sa kasamahan. “Okay naman boss, mabait rin si Engr. Monteverde, strict lang. Meticulous.” Natawa ako sa sumbong na sabi ng kasama ko. “Hindi naman. The building just need to be safe,” ngisi ko. Ngumiti si Zian at tumitig sa akin na parang siya lang ang t
Nang gabing iyon, pagkatapos ng dinner, nagpasya kaming maglakad-lakad sa paligid ng condo. Mahangin, at ang ilaw ng mga streetlights ay nagbibigay ng romantikong ambiance. Hindi ko alam kung anong nangyari, pero habang magkasama kami, tila ang mundo ay umiikot lamang sa aming dalawa. Walang ingay, walang distractions—kaming dalawa lang. Habang naglalakad kami, ang mga kamay namin ay nagsanib, at sa bawat hakbang na ginagawa namin, mas nararamdaman ko ang tibok ng puso ko. Hindi ko na kayang magpigil, Zian, naisip ko. Lahat ng iniwasan ko sa simula, dahan-dahan nang natutunan kong tanggapin. “Ano bang iniisip mo?” tanong niya sa akin, ang tinig niya ay malalim at may halong pang-aakit. “Wala…” sagot ko, ngunit hindi ko napigilang magtama ang aming mga mata. Ang titig niya ay puno ng intensity. “Bakit, may nais ka bang sabihin?” Sumulyap siya sa akin, at napansin ko na may lihim na kasiyahan sa kanyang mga mata. “Actually, I was thinking about how lucky I am to have you. You mak
=Elvira’s Point Of View= Napahinto ako. Alam ko na may mga tanong na siya, at hindi ko kayang sagutin ang mga iyon—hindi pa. Kung sasabihin ko ang totoo, kung isusumpa ko ang mga salitang iyon ng tiwala, baka mawala ako sa kanyang mata. Baka mawalan kami ng lahat, kaya’t ipinagpapaliban ko muna. “Hindi ko alam, Zian…” sagot ko, ang mga mata ko ay malabo, at pilit kong pinipigilan ang mga luha na pilit kumawala. “Basta, takot lang ako…” “Takot sa anong?” tanong niya, ang tinig niya’y puno ng pag-aalala. Tumalikod ako, tumingin sa malayo at pinilit itago ang lahat ng nararamdaman ko. Hindi ko na kayang magpaliwanag pa. Kung alam lang niya kung gaano ako kadeep, kung gaano ko siya kamahal at ganoon ko siya iniwasan—lahat ng ito ay masakit para sa akin. Kumapit siya sa braso ko at marahang hinila ako para harapin siya. “Elle, I know it’s hard for you. But if you need time to trust me, I’ll give it to you. But I won’t stop showing you how much you mean to me.” Tahimik akong tuma
=Elvira’s Point Of View= Nang makabalik sa condo ay buong araw ko siyang hinintay at nag-aalala ako. Paano kung babae niya ang tumawag at pinuntahan siya? Ngunit dumaan ang gabi ay hindi pa siya nakakauwi. Bumuntong hininga ako. Maya-maya ay naalimpungatan ako nang masinagan ng araw ang mukha ko. Inilibot ko ang paningin ngunit walang bakas ni Zian. ‘S-Saan siya pumunta at inabot siya ng ganoong oras?’ Habang iniikot ko ang paningin ko sa kabuuan ng condo, isang bigat ang dumapo sa dibdib ko. Ang malamig na hangin mula sa bintana ay tila nanunuot sa bawat hibla ng pagkatao ko, nagpapalala sa takot at pangamba. Hindi mapigilan ng isipan ko ang maglaro ng mga posibleng senaryo. Saan siya nagpunta? Kanino siya pumunta? At bakit hindi man lang siya nagparamdam buong gabi? Tumayo ako mula sa sofa at lumapit sa lamesa kung saan nakapatong ang telepono ko. Walang missed call o kahit isang mensahe mula kay Zian. Ni anino ng kanyang presensya ay wala. Napatingin ako sa pintuan ng
=Elvira’s Point Of View=Habang nakatayo ako sa sala, hindi ko mapigilan ang unti-unting pagsikip ng dibdib ko. Ang tunog ng boses ni Zian sa kwarto ay parang dagundong ng kulog na lumalamon sa katahimikan ng condo. Mahina lang siya kung magsalita, pero malinaw na seryoso ang tono niya. Lumapit ako nang marahan, pilit pinapakalma ang kabog ng puso ko.Nakasara ang pinto ng kwarto, pero hindi ko mapigilan ang sarili ko. Tumigil ako sa harap nito, nakikinig. Hindi ko ugali ang makinig sa usapan ng iba, lalo na’t ayaw kong magmukhang walang tiwala, pero hindi ko rin maialis ang pakiramdam na may dapat akong malaman.“…Yes, I’ll take care of it. No need to involve anyone else,” narinig kong sabi niya.Sino ang kausap niya? At ano ang sinasabi niyang “it”? Parang bigla akong kinain ng sarili kong mga duda. Pilit kong iniisip na baka trabaho lang ito—na baka wala naman talagang dapat ikabahala. Pero bakit ganito ang nararamdaman ko?Humakbang ako palayo, pilit nilalabanan ang pag-usyoso. Pe
=Elvira’s Point Of View= ‘I have to trust Zian. I-I need to trust him…’ Pumikit ako ng mariin at isinantabi ang cellphone ko. I have to trust him… Or else this love will fail. Iniangat ko ang tuhod sa sofa at humalukipkip sa tuhod ko. Labis man ang kaba at pangamba sa buong katawan ko at pinili kong habaan ang pasensya. At para hindi na ako mag-isip pa, inantay kong makauwi si Zian. Hapon na siya nakabalik at tila problemado siya. “Kumain ka na ba ng tanghalian?” kwestyon ko. “Yes hon…” tila pagod niyang sabi. “Ano ‘yan?” turo ko sa envelope na hawak niya. “Ah, investor honey. Why hon?” nagtatakang sabi niya. “Since wala ka naman palagi dito sa condo, okay lang ba kung sa bahay na muna ako?” baka sakali ko. “Huh?” gulat niyang ani, napaupo siya ng maayos at seryoso akong binalingan ng atensyon. “Biglaan yata hon?” “Ah halos matagal na rin akong hindi umuuwi…” pagrarason ko. Natahimik si Zian. Pinagmasdan niya ako nang mabuti, na para bang sinusuri niya kung to
=Elvira’s Point Of View= Huminga ako ng malalim. “Magpapaalam sana ako na aalis na. Kaso I heard you were talking to someone, a-anong hindi ko pa alam?” kalmadong kwestyon ko. Sumingkit ang mata niya at kinagat ang ibabang labi. “I-It was nothing,” pabulong niyang sagot. “If it was nothing then it means there is something. What is it?” gigil kong sabi ngunit pinapakalma ang sarili. Napahawak siya sa kanyang pisngi. “It was nothing. Really,” gitil niya. Napapikit ako. “Fine. Don’t tell me. Aalis na ako. Magkita na lang tayo kapag handa ka na ring magpakatotoo sa akin at magsabi,” mainit kong sabi at tinalikuran siya. Ngunit habang naglalakad ay mabilis na umawat ang katawan niya sa aking harapan. “Ano?” “E-Elle naman… Are you asking me to tell you everything—” “Kung sa akin mo tinatago, sa akin mo sasabihin. So what is it that I don’t know about?” “Elle—” “Stop calling me, Elle! Elle! Elle! Just tell me the truth! May babae ka ba?!” napipikon kong usal at halos maluh
=Elvira’s Point Of View= Isang linggo na ngunit walang paramdam si Zian mula nang huli kaming nag-usap. Ang unknown number naman ay panay text sa akin dahilan para mas maantig ang kuryosidad ko. Isang araw ay labis na akong bumigay sa temptasyon na alamin kung ano iyon. Ang bagay na pinagkakaabalahan ni Zian. Pumunta ako sa isang lugar na sinabi ng nagte-text. Malayo dito. Sa Pangasinan nga bagay na ikinatataka ko. Doon sa ospital doon. Kung saan ang huling proyekto ko. Labis ang kaba. ‘May nabuntis ba siyang iba? Nanganak ang babae niya?’ Balita ko’y nandirito si Zian… Kakaiba ang pintig ng puso ko habang sinusuyod ang kwartong sinabi ng nag-text sa akin. Dahan-dahan akong sumilip sa kwarto ngunit natigilan ako nang makita ang isang lalake at bata na walang malay. Naka-semento ang paa ng lalake. Habang ang bata ay may benda sa ulo, naka-semento ang halos buong katawan niya at may mga kung anong apparatus ang nandodoon sa kanyang dibdib. Dumagundong ang dibdib ko…
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= [2 Years Later…] “Pa naman! Yung shoes mo kasi!” bulyaw ko kay papa nang bababa na kami ng Van sa bagong bahay na binili ko sa Pinas. Graduating na kasi si Clayn na naisipang magpaiwan sa Pinas. “Tsk, sandali kasi anak…” “Jusmiyo! Nagkapera na’t yumaman balasubas pa rin ang ugali!” bulyaw ni mama at hinampas si papa sa likod kaya napangiti ako. “Papa magagalit na naman si Clayn kapag na-late ka! Sino sasama sa kanyang umakyat!” reklamo ko at nagmamadaling kinuha ang susi sa bantay ng bahay na binili ko dito. “Sa car na!” natatarantang sabi ko ngunit bago pa man makasakay ay tumigil ang isang simpleng sasakyan sa harap ng bahay. Nang bumaba ang driver no’n ay nanlaki ang mata ko ngunit nangunot ang noo niya. “Nagmamadali kayo ate?” “Oh! Gagraduate ka di ba?!” gulat na sabi ko. “Luh? Bukas pa oy. Utak mo nasa ibang bansa pa,” singhal niya kaya napahinto ako. ‘Seryoso ba?’ Nakahinga ang lahat ng maluwag kaya naman napakamot ako sa sintido at
Zian’s Point Of View Napamulat ako nang maramdaman ang kakaibang kirot sa binti ko, bahagyang nanlabo ang mata ko ngunit hindi ko makakalimutan ang mukha ni Elle na lumantad sa harapan ko. Tila kanina lang… “Ah, hmm..” It was even hard for me to speak… “Zian?” “Anak?!” Sunod kong pagkurap ay lumantad ang mukha ng magulang ko. Napapikit akong muli baka lumantad ang mukha na hinihintay ko. “M-Mom… S-Si Elle?” mahinang sabi ko at nahirapang igalaw ang braso ko kahit binti. “She’s not here, son…” sagot ni dad, nangunot ang noo ko at pinilit bumangon. ‘That’s impossible. I know I’m not hallucinating when I saw her…’ “I just saw her dad, just a while—” “A while? You’ve been asleep for three days…” mahinahon na sabi ni dad at tinuro ang paa ko. “You can’t even walk until we remove this cement.” ‘Three days?’ “She didn’t visit me?” pabulong kong tanong. Bahagya pa ngang namaos ang boses ko dahil sa pagkatuyo ng lalamunan. “She didn’t…” sa sagot nila ay labis akong nas
=ELVIRA’S POINT OF VIEW= Nagmadali kong sinundan ang emergency address ng cellphone niya. Pero papunta na sa ospital ang location ng cellphone niya dahilan para sumunod ako doon. Pagkarating ay napalunok ako nang makita siyang nasa stretcher at duguan. Humabol ako habang hinahapo. Hindi ko maunawaan ang nararamdaman. ‘Hindi ko alam ang gagawin ko kung sakaling mapano man siya…’ Inasikaso siya kaagad ng mga doctor at nang lalapit na sana ako ay mabilis akong hinarang ng mga pulis. “Sino sila ma’am?” “T-The girlfriend, a-anong nangyari?” kinakabahang sagot ko. Napaghawak ko ang dalawang kamay. “Ma’am, hindi pa kami makakapagbigay ng buong detalye. Pero ayon sa initial report, may nangyaring habulan sa may 7th Alley Street at nadamay ang sasakyan ng boyfriend niyo,” paliwanag ng pulis habang sinusulyapan ang dugong nakapahid sa gilid ng braso ko—hindi ko man lang namalayan na nagkaroon ako ng dugo ni Zian habang sinusubukan siyang lapitan kanina. Nanlabo ang paningin ko. Par
=Elvira’s Point Of View= Sumunod na araw ay tila gulo ang namagitan sa pamilya ko. Pagkalito, mga kwestyon na hindi masagot ng totoo. “Ang tanong ko bakit biglaan ang alis natin? Gumaganda na ang buhay natin dito oh!” gitil ni mama sa harapan ni papa. Para akong isang manekin sa harapan nila, nakatulala lang sa palitan at batuhan nila ng mga salita. “Mas gaganda naman ang buhay natin doon, mas tahimik—” “Hindi ‘yon! Bakit biglaan nga ang alis! Hindi mo nasasagot ang tanong ko! We’re already settling down again! So why leave?” nauubos pasensyang sabi ni mama kaya napapikit ako ng mariin. “It’s because of me, ma.” Sumingit na ako sa pagitan nila para hindi na sila magtalo pa. “Elle? Bakit ikaw?” tanong ni mama, naguguluhan. “Zian and I broke up,” mahinahon na sabi ko. Napahinto siya at hindi makapaniwalang tumitig sa akin. Hindi siya nakasagot at napasulyap kay papa. “May pera naman ho ako kung ‘yon ang problema, mas gaganda rin ang buhay natin sa ibang bansa. Malaki an
=Elvira’s Point Of View= I prepared a resignation letter. I have 5 days left and I don’t want to leave my work hanging. Pumunta ako sa opisina upang magpasa ng resignation letter at alam kong makikita ko siya. Pagkapasok sa office at taas noo akong lumapit sa desk niya. Unti-unti na nagsalubong ang kilay niya nang makita ako after two days. Marahan ko namang inilapag sa harapan niya ang resignation letter at doon siya napahinto. “What’s this?” malamig niyang sabi. “I’m resigning,” sobrang hina kong sabi. Nang salubungin ko ang mata niya ay napansin ko ang pasimpleng pag-igting ng panga niya. Huminga siya ng malalim. “Pati trabaho madadamay? Aren’t you being too immature, Elle?” nauubos pasensya niyang sabi kaya umiwas tingin ako. “Ang tagal mong pinaghirapan makapagtapos, para makakuha ng ganito ka-stable na trabaho. Pero dahil hiniwalayan mo ‘ko, pati ito iiwan mo?” Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. “Answer me, Elle. Ano bang nangyayari sa’yo? I can understand if you’r
=ZIAN’S POINT OF VIEW= Pagkarating namin sa condo, hindi ko na inisip kung may makakakita sa akin habang buhat ko si Elvira. Mas importante siya kaysa sa kahit anong mapapansin ng iba. Binaba ko siya sa kama, pero hindi pa man ako nakakaupo nang lumayo siya sa akin. Niyakap niya ang sarili, nanginginig pa rin. “Elvira…” malalim akong huminga, pinipigilan ang sarili ko. “Sino? Sino ang kumuha sa’yo?” Hindi siya agad sumagot. Nakayuko lang siya, pilit na iniiwasan ang mga mata ko. “Elvira,” mas madiin kong tawag, pilit kong kinakalma ang boses ko. “Sinong gumawa nito sa’yo?” Nakita ko kung paano siya napalunok, kung paano siya bahagyang umatras sa kama na parang natatakot. Pero hindi siya sumagot. “Damn it, Elvira! Sabihin mo sa akin kung sino!” Sigaw ko, hindi na napigilan ang galit at takot ko. “Para mahuli ko, para masuklian ko ang ginawa nila sa’yo!” Sa halip na sumagot, napapikit siya at napailing. “Stop it,” mahina niyang sabi, halos hindi ko marinig.
=ZIAN’S POINT OF VIEW= “ELVIRA! ELVIRA!” Paulit-ulit kong isinisigaw ang pangalan niya, pero wala na. Naputol ang linya. Mabilis kong hinagilap ang susi ng sasakyan at halos patakbong lumabas ng condo. Wala akong pakialam kung sino ang mababangga ko. Putangina! May kumukuha sa kanya. At hindi ko alam kung saan sila pupunta. Habang nasa sasakyan, mabilis kong dinial ang isang numero sa phone. Hindi ako pwedeng maghintay lang. Hindi ako pwedeng walang gawin. “Trace a number for me. Now.” “Huh? Boss, anong number?” Binanggit ko ang number ni Elvira. Halos mabali ang daliri ko sa sobrang higpit ng hawak sa manibela. Damn it. Damn it! Biglang kumabog nang malakas ang dibdib ko. Kung anong ginawa ko sa kanya kanina, ngayon, mas matindi ang takot na nararamdaman ko. Dahil ngayon… Baka tuluyan ko na siyang mawala. =ELVIRA’S POINT OF VIEW= Ang bigat ng talukap ng mga mata ko, parang may bumabagsak na bakal sa katawan ko. Malamig ang paligid.
=Elvira’s Point Of View= “Now, tell me everything! What is it? Why did you point your gun at me?” mariing kwestyon ko sa kanya. Inabot niya sa akin ang cellphone at nasapo ang noo. “D-Does your father also borrow Clayn’s phone?” seryosong tanong ni Zian sa akin na ikinakunot ng noo ko. “Oo, bakit? A-Ano ba kasi—” “This phone is used by the founder to call someone, from below…” paliwanag ni Zian kaya umawang ang labi ko. “So it’s either you, Clayn, or your dad…” Naestatwa ako sa seryoso niyang inasik, tila tumigil ang daloy ng dugo ko. “A-Ano?” nauutal na tanong ko. “H-Hindi ko maintin—” “Naiintindihan mo. Ayaw mo lang intindihin,” mariing sabi niya kaya nanghihina akong napayuko at nasapo ang mukha. ‘Kailan pa?’ “K-Kung kaya mo pa matulog sa isang bubong kasama ako, go ahead, but if you can’t stay and breathe the same air, leave.” Ang malamig niyang boses ay labis na sinaktan ang puso ko. Pinilit ko tumayo, inabot ko ang bag ko na nasa sahig. “I-I can’t,” mahinang
=Elvira’s Point Of View= A few weeks later, napapansin ko kung gaano kaabala si Zian sa projects na hawak niya. Hindi ko naman masyadong nakakamusta ang tungkol sa napag-usapan namin noon dahil busy rin ako sa trabaho. Gumaganda na rin ang kita ko kahit papaano, tumataas ang sahod at higit sa lahat dumarami na ang projects na nahahawakan ko. Mapamaliit man o malaki. Ngunit tila mas nagtaka ako nang isang araw ay tila lumayo ang loob ni Zian sa akin. Pansin ko ang mga pag-iwas niya sa hawak ko, at ang pagdikit sa akin ay tila nabawasan. Anong mali? Anong meron? Isang gabi ay maganda ang tapos ng trabaho ko kung kaya’t naisipan kong ayain sana siya matulog sa bahay namin ngunit… “Sa inyo? Okay lang ba kung sa condo ko na lang?” tanong niya. “P-Pwede naman,” mahinahon na sagot ko, pilit na dinedeadma ang tila may pagkamalamig niyang tugon. Nakakapagtaka… “Hmm, okay. Let’s go?” tanong niya kaya matipid akong ngumiti at sumama sa kanya. Humawak ako sa braso niya nang m